You are on page 1of 20

Hulwaran at

Organisayon ng
Tekstong Ekspositori

April M. Bagon-Faeldan
 Ang Tekstong Ekspositori ay
anumang teksto na nagpapaliwanag
o naglalahad ng mga kaalaman
hinggil sa anumang paksang saklaw
ng kaalaman ng tao. Sa tekstong
ekspositori, nililinaw ang mga
katanungan sapagkat tinutugunan
nito ang pangangailangan ng
mambabasa na malaman ang mga
kaugnay na ideya o isyu.
Ang manunulat ng isang tekstong ekspositori
ay kailangang marunong magsuri o mag-
analisa at kailangan niyang maging kritikal sa
kanyang lipunan upang ang kanyang teksto
ay magtaglay ng sumusunod na katangian:
 Obhektibong pagtalakay sa paksa;
 Sapat na kaalaman sa inilalahad sa teksto;
 Malinaw na pagkakahanay ng mga kaisipan o
ideya;
 Analitik na pagsusuri ng mga kaisipan.
Depinisyon
Kung nais bigyang-kahulugan ang
isang di-pamilyar na termino o mga
salitang bago sa pandinig at susulat
ng isang sanaysay o ano pa man,
karaniwang ginagamit ang istilong
depinisyon o pagbibigay ng
kahulugan.
Ang isang depinisyon ay karaniwang
nagtataglay ng tatlong bahagi:
 Ang termino o salitang binibigyang-
kahulugan;
 Ang uri, o class o specie kung saan nabibilang
o nauuri ang terminong binibigyang-
kahulugan;
 Ang mga natatanging katangian nito
(distinguishing characteristics) o kung paano
ito naiiba sa mga katulad na uri.
 Salita: Hele
 Kaurian: Katutubong Awit
 Kaibahan: Awit sa pagpapatulog sa bata

Subukang bigyang-kahulugan ang sumusunod


na mga termino:
 Laptop
 Martilyo
 Singsing
 Mata
 Kusina
Sa pagbiibigay-kahulugan, may tatlong
paraan na maaaring gamitin ang isang
manunulat:
 Paggamit ng mga sinonim o mga
salitang katulad ang kahulugan o
kaisipan
 Intensib na pagbibigay ng kahulugan.
Tinatalakay ang tatlong bahaging
nabangggit (termino,uri,natatanging
katangian)
 Ekstensib na pagbibigay ng
kahulugan. Pinalalawak ang
kahulugang ibinigay o tinatalakay sa
intensib na pagbibigay ng kahulugan.
Maaaring gamitin dito ang iba’t ibang
metodo sa pagdevelop ng talata tulad
ng pag-uuri, analohiya,
paghahambing, pagkokontrast,
pagbibigay-halimbawa,
paglalarawan, pagpapaliwanag,
pagbabanggit ng hanguan at iba pa.
 Maaari ring mapansin sa isang
tekstong depinisyon ang dimensyong
denotasyon (karaniwang kahulugan o
kahulugang hango sa diksyunaryo) at
ang dimensyong konotasyon (di-
tuwirang kahulugan o matalinhagang
kahulugan).
 Paano nagkaiba ang denotasyon at
konotasyon sa pagbibigay ng kahulugan?

Ibigay ang denotasyon at konotasyon ng mga


sumusunod na salita:
1. Berde
2. Ahas
3. Putik
4. Kalapati
5. Pagong
Pag-iisa-isa o Enumerasyon
2 Uri:
 Simpleng Pag-iisa-isa ay pagtalakay sa mga
pangunahing paksa at pagbanggit ng mga
kaugnay at mahahalagang salita.
 Ang Komplikadong Pag-iisa-isa ay
pagtalakay sa pamamaraang patalata ng
pangunahing paksa at may kaugnay na
kaisipan na naglilinaw sa paksa. Tinatalakay
nang sunud-sunod o nang magkakahiwa-
hiwalay at magkakaugnay na talata ang mga
bagay na iniisa-isa.
Pagkakasunud-sunod o Order

Ang paraang ito ay madaling


maunawaan sapagkat sunud-
sunod ang paglalahad ng mga
kaisipan o ideya na siyang
nagpapalinaw sa bumabasa.
Uri:
 Sikwensyal-Kronolohikal. Sikwensyal
ang isang tekstoo kung ito ay
kinappapalooban ng serye ng
pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa
na humahantong sa isang pangyayari na
siyang pinapaksa ng teksto. Madalas ang
batayan ng order ng ganitong mga teksto
ay ang panahon o ang pagkakasunud-
sunod sa pagkakaganap ng mga
pangyayari.
 Karaniwang nakaayos ang ganitong
teksto mula sa unang pangyayari
hanggang sa huli. Gamitin ang
ganitong organisasyon sa mga
akdang naratib tulad ng kuwento,
talambuhay, balita, historikal na
teksto at iba pa.
 Samantala, kronolohikal naman
ang teksto kung ang paksa nito ay
mga tao o kung ano pa mang
bagay na inilalahad sa isang
paraang batay sa tiyak na
baryabol tulad ng edad, distansya,
tindi, halaga, lokasyon, posisyon,
bilang, dami at iba pa.
 Prosidyural. Ito ay isang uri ng
teksto tungkol sa serye ng mga
Gawain upang matamo ang
inaasahang hangganan o
resulta.
 Paghahambing at Pagkokontrast
 Ito ay isang tekstong nagbibigay-diin sa
pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa o higit
pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging
pangyayri. May dalawang paraan ang
hulwarang ito:
 Halinhinan (Alternating) ang pagtalakay sa
katangian
 Isahan (Block) na ang ibig sabihin ay
magkasunod na pagtataya sa katangian ng
dalawang paksang pinaghahhambing at
pinagkokontrast.
Problema at Solusyon
Pagtalakay naman sa isa o ilang suliranin at
paglalapat ng kalutasan ang pokus ng
hulwarang ito. Karaniwang inuunang
talakayin ang problema bago ang solusyon sa
hulwarang ito bagama’t minsan ay ang
kabalikan nito. Ang problema ay maaaring
panlipunan o pang-agham na
nangangailangan ng solusyon. Sa mga
sulating teknikal at sayantipik ay
napakagamitin ng hulwarang ito.
Sanhi at Bunga

Sa hulwarang ito, tinatalakay


ang kadahilanan ng isang
bagay o pangyayari at ang
epekto nito.
 Pagsasanay:
Bigyang depinisyon ang pag-ibig. Gamitin ang
tatlong paraang ginagamit ng mga
manunulat sa pagbibigay kahulugan.
Maglahad ng pangunahing problemang
kinakaharap ng mag-aaral sa kolehiyo. Ilahad
din ang mga sanhi at bunga nito at ang mga
posibleng solusyon.

You might also like