You are on page 1of 20

Ang Mga Gamit ng

Wika

April M. Bagon-
Faeldan
• Personal
Naipapahayag ang mga sariling damdamin,
pananaw, opinyon at maging personalidad ng
isang indibidwal. Sakop nito ang mga bulalas
ng damdamin tulad ng pagkagulat, galit,
hinanakit at tuwa. Maging ang pagmumura ay
maituturing sa uring ito, kung kaya, ang
ganitong gamit ay nasa ilalim ng alinman sa
formal at informal na talakayan.
• Imajinativ
Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sa
pagsulat o pagbigkas ng mga akdang
pampanitikan. Malikhain ang tunguhin nito
kung kaya karaniwan nang mapapansin ito sa
mga gawang masining o estetiko. Sa pasulat o
pasalita man, nagagamit ito sa mga tula, awit,
kuwento at iba pang nangangailangan ng
talinghaga.
• Interaksyonal
Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilang
sa pamamagitan nito, pinananatili ang mga
relasyong panlipunan. Sa mga magkakaibigan,
nariyan ang pagbibiruan at panunukso. Sa
mga magkakamag-anak, nariyan ang mga
paanyaya at pasasalamat. Sa mga pangkat
panlipunan, nariyan ang mga salitang
pangkabataan, wika ng mga bakla, at mga
propesyonal na jargon.
• Informativ/Representasyonal
Tulad ng ngalan nito, ginagamit ang wika dahil
na rin sa pangangailangang maipaalam ang
napakaraming katotohanan, datos at
informasyong hatid ng mundo. Dahil dito, mas
higit na formal ang gamit na ito ng wika lalo
pa’t gamit ito sa pagtuturo, mga talumpati,
pakitang-kuro, pagbabalita o sa simpleng pag-
uulat.
• Instrumental
Ginagamit ang wika upang magawa ng isang
indibidwal ang kanyang nais gawin. Pasalita
man o pasulat, magagamit ang wika upang
mag-utos, makiusap, humingi, magmungkahi
at magpahayag ng sariling kagustuhan.
• Regulatori
Madalas na ginagamit ito ng mga taong may
nasasakupan o mga taong may taglay na
kapangyarihang magpakilos ng kanyang katawan.
Kontrolado ng gumagamit ng wika ang sitwasyon
kung kaya, kaya niyang pakilusin ang sinuman
matapos niyang magamit nang ganap ang wika.
Sa pasalita, kapansin-pansin ito sa mga talumpati
o debateng ang layunin ay manghimok tulad sa
isang halalan. Sa pasulat, mapapansin ito sa mga
memorandum, patakaran, resolusyon at iba pa.
•  Heuristik
Gamit ito ng taong nais na matuto at
magkamit ng mga kaalamang akademik at/o
profesyonal. Upang kanyang mabatid,
kailangan niyang sumuri, mag-eksperimento,
magtanong at sumagot, magbigay-kahulugan,
makipagtalo at pumuna.
Antas ng Wika

April M. Bagon-Faeldan
• Formal
– Pambansa. Nasa ganitong antas ang wika
kapag umabot na siya sa pagiging opisyal na
wika ng bansa. Opisyal kapag naisabatas o
ginagamit na upang mabigyang-kahulugan
ang mga batas. At sapagkat pambansa, ito
ang dapat na ituro sa mga paaralan, gamitin
maging ng pamahalaan at nararapat lamang
na kumatawan sa lahat ng wikang
matatagpuan sa ating bansa. Sa Pilipinas, ito
ay ang wikang Filipino.
- Pampanitikan. Ang ganitong wika ay
karaniwan lamang matatagpuan sa
mga akdang pampanitikan. Ang mga
ganitong salita ay hindi literal kung
kaya naglalaman ng mga talinghaga
at masining na pagpapahayag na
karaniwang malalalim at makukulay.
Informal
- Lalawiganin. Dayalektal ang karaniwang tawag sa mga
salitang ito. Palasak at natural na ginagamit ang mga
salitang ito sa isang particular na lugar, ngunit
maaaring maintindihan o iba ang ibig sabihin sa ibang
lugar. Nahahaluan samakatuwid ang mga salitang ito
ng kakaibang tono o punto.

• DAGA (Bikol: lupa, Tagalog: isang uri ng hayop)


• INDAY(Bisaya: Magandang dalaga, Tagalog:
kasambahay)
• MANONG (Ilokano: kuya, Tagalog:tsuper)
- Kolokyal. Sa ilang tradisyunal na libro, itinuturing ang
mga salitang ito na may “kagaspangan” diumano ang
pagkakagamit. Ngunit sa dumaraming linggwist ng
bansa, ang mga ganitong salita ay natural na
phenomenon ng pagpapaikli ng mga salita upang
mapabilis ang daloy ng komunikasyon.
• ‘TOL (mula sa utol-kaputol-kaputol ng pusod na ang
ibig sabihin ay kapatid)
• MERON (mula sa mayroon)
• SA’YO (mula sa sa iyo)
• TEKA (mula sa hintay ka- maghintay ka- maghintay
ka muna)
- Balbal. Ito ang katumbas ng slang sa Ingles. Ito
ang itinuturing na pinakamababang antas,
bagamat kung susuriin ay mas mataas kaysa sa
mga bawal o bastos na salita. Maihahanay din
dito (ngunit para sa mga awtor ay
pansamantala lamang) ang mga gay lingo o
salitang bakla.
Panghihiram sa salitang Katutubo o Banyaga:
sibat (Cebuano) para sa “pagtakas”
chicks&cats(Ingles)para sa “babae at lalaki”
mujer at hombre (Espanyol) para rin sa “babae at
lalaki”
tong (Tsino) para sa “perang bigay” o “upa”
dorobo (Hapones) para sa “magnanakaw”
kosa (Ruso) para sa “kasamang bilanggo” o
“kabarkada”
wheels (Ingles) para sa “kotse”
Pagbibigay ng bagong kahulugan:

• toyo (soy sauce) – may problema sa isip,


may sumpong
• lagay (to put) – magbigay nang ilegal
• bata (child) – nobya/nobyo, mga tagasunod
Pagpapaikli
• Promdi (from the province) – probinsyano
• Munti (Muntinlupa) – bilangguan
• Ma at Pa (malay at pakialam) – walang alam
at di interesado
Pagbabaliktad
• Atik – kita (kinitang salapi)
• Tipar – parti (party)
• Etneb – bente (dalawampung piso)
• Bokal – kalbo
Akronim
• KSP (kulang sa pansin)
• TNT (tago nang tago)
Paggamit ng Numero
• Na1-2-3 – naisahan o tinakbuhan
50-50 pantay ang pagkakataon/ nasa bingit ng
kamatayan
143- I love you
Pagpapalit ng wika (madalas na
ginagamit sa usapang txt message sa
cellphone)
• Asan na u?
• And2 na me.

You might also like