Professional Documents
Culture Documents
ANG RETORIKA
AT ANG MABISANG PAGPAPAHAYAG
(a) Gumamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan nang hindi mapagkamalan.
(b) Ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may pagkakaugnay (pambalarila at
panretorika).
(c) Nararapat na wasto ang pagbigkas kung pasalita at wasto ang baybay kung pasulat.
Makahikayat Maharaya
Larangan nagsasalimbayan
1. Pagtutulad (Simile)
Naghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay at pangyayari. Ang
pagpapahayag na ito’y ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, tulad ng, kapara ng,
para ng, kagaya ng, at gaya ng.
Mga halimbawa:
a. Ang pangaral ng kanyang ina’y katulad ng isang sulong tumanglaw sa kanyang
nadirimlang kaisipan.
b. Ang kawangis niya’y isang ibong nabalian ng pakpak.
c. Si Lolita’y katulad ng isang kandilang unti-unting nauupos.
d. Si Rodel ay kagaya ng isang maiming tupa nang humingi ng tawad sa ina.
2. Pagwawangis (Metaphor)
Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit tiyakang naghahambing at
hindi na gumagamit ng mga pariralang katulad ng, tulad ng, kapara ng, para ng, kagaya
ng at gaya ng.
Mga halimbawa:
a. Ikaw ay tinik sa lalamunan ni Mercy.
b. Ang papuri ni Mario ay musika sa pandinig ni Leni.
c. Isang bukas na aklat sa kaibigan ang buhay ni Delia.
d. Ang buhay ng maysakit ay aandap-andap na tinghoy na maaaring mamatay ano mang
oras.
3. Pagmamalabis (Hyperbole or Exaggeration)
Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay at
pangyayari.
Mga halimbawa:
a. Pumutok ang kanyang ulo sa dami ng mga problema.
b. Nabali ang balakang ni Liezel sa baku-bakong daan.
c. Nagliliyab ang mga mata ng galit na galit na lalaki.
d. Nadurog ang puso ni Celia sa makabagbag damdaming tagpong kanyang nasaksihan.
4. Pagbibigay-katauhan (Personification)
Ito’y pagsasalin ng talino at katangian ng tao sa mga karaniwang bagay.
Mga halimbawa:
a. Ngumiti ang bulaklak sa liwanag ng buwan.
b. Humahalakhak ang musika kaya’t sandaling nalimot niya ang kalungkutan.
c. Sumasayawang mga alon sa karagatan.
d. Lumuluha ang liham na tinanggap ni Rosalie, hindi niya napigilan ang mapaiyak.
Isang araw, isang aso ang nagtungo sa pamilihan. Nagkapalad itong makakuha ng
isang pirasong karne na may katamtamang laki. Sa pag-uwi ay kailangang bumagtas ito
sa isang ilog at dumaan sa isang tulay. Nang nasa gitna na ng tulay ang aso ay naisip
nitong dumunghal sa tubig.
Nakita ng aso na may isang higit na malaking aso na nakalarawan sa tubig at higit
na malaking karne ang kagat-kagat niyon. Nanaig ang kasakiman ng aso, naisip nitong
kahulan ang malaking aso upang takutin. Sa pagkahol ay nalaglag ang kagat-kagat nitong
karne at noon lamang napag-isip ng sakim na aso na ang nakalarawan sa tubig ay ito rin.
Ang alegorya ay isang matalinghagang pagpapahayag na naglalahad ng mga
tatoong pangyayari. Ang bawat isa sa mga pangyayaring binabanggit ay may kahulugang
nais ipahiwatig.
Halimbawa:
Nasa gitna ng nag-uumpugang bato si Liza. Dapat siyang mamili ayon sa matigas
na pasya ng kanyang ama. Si Leandro o ang kanyang Papa. Sinabi sa kanya ng amang
dalawang mukha ng buhay. Ang isang mukha’y maaliwalas at maliwanag, nasasabugan
ng mga humahalimuyak na bulaklak at naghihintay sa kanya ang isang bukas na lipos ng
kaginhawahan at kaligayahan. Ito’y kung pipiliin ay iba. Madawag, matinik at madilim
ang mukhang ito ng buhay. Bawat paghakbang niya’y pagharap sa di matingkalang
kahirapan, sa mga makaambang panganib at sa mga pagdurusa at pagtitiis na
maidudulot ng isang walang katiyakang hinaharap sa piling ng isang kahig isang tuka.
Alin ang kanyang susundin, and isip o ang puso?
PAG-UNAWA SA BINASA:
Ipaliwanag ang talinghaga sa mga sumusunod:
1. Ang Alibughang Anak
2. Ang Asong Sakim
3. Halimbawa ng Alegorya
6. Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)
Naisasagawa ang pagpapahayag ditto sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi
pagtukoy sa kabuuan at maaari namang isang tao ang kumatawan sa isang pangkat.
Mga halimbawa:
a. Sampung bibig ang umaasa kay Anthony.
b. Apat na maliliit na paa ang tumatakbong sumalubong sa ama.
c. Isang kayumanggi ang nabuwal sa Bagumbayan nang dahil sa pagmamahal sa Inang
Bayan.
d. Isang katipunero ang nagdulot ng tabak upang ipagtanggol ang aping bayan.
7. Pagpapalit-tawag (Metonymy)
Nagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy ng uring ito ng
pagpapahayag.
Mga halimbawa:
a. Dapat nating igalang ang putting buhok.
b. Natanggap ni Ben ang hampas ng langit sa mabibigat niyang kasalanan.
c. Tatlong basi ang nainom ni Rico dahil sa matinding uhaw.
d. Binato niya ang tinapay ang nagkasala sa kanya.
Mga halimbawa:
a. Nagtago sa ulap ang mapanibughuing buwan.
b. Hinaganap ng magkakahoy ang mapaglingkod niyang gulok.
c. Ang kahabag-habag na pamaypay ay nahulog sa malalim na ilog.
d. Ang unilang silid ay nalinis nang dumating si Jenny mula sa Maynila.
9. Paglumanay (Euphemism)
Tinutukoy ditto sa lalong malumanay, magaganda at mabbuting pananalita ang
tao, bagay at pangyayaring karaniwan ay hindi naman pinag-uukulan ng gayon.
Mga halimbawa:
a. Ang pusakal na manggagantso at nakatagpo ng isang malungkot at nakahahambal na
kamatayan sa kamay ng kilabot na criminal.
b. Ang lalaking mapagwasak ng tahanan ay nagdanas ng kalunus-lunos at nakahahabag
na parusa sa kamay ng taong may malasakit sa kanyang kapatid na babae.
c. Ang babaeng naglalaro ng apoy ay humantong sa isang makabagbag-damdaming
tagpo sa harap ng mga kapitbahay.
d. Ang kaawa-awang dispalkador ay tumanggap ng mabigat na kamao ng kanyang
niloko.
10. Pag-uyam (Irony or Sarcasm)
Ginagamitan ito ng mga salitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng
mga salitang tila kapuri-puri ngunit ang tunay na kahulugan ay mauunawaan ayon sa
paraan ng pagsasalita ng isang tao.
Mga halimbawa:
a. Tunay na magagalang ang ibang kabataan, umaalis ng bahay nang hindi nagpapaalam
sa mga magulang.
b. Kay sipag mong mag-aral, palagi kang bagsak sa mga pagsusulit.
c. Talagang mapagkakatiwalaan si Dennis, siya lamang ang pumasok sa kwarto ni Robert
at nawala na ang relo nito.
d. Kahanga-hanga ang kahusayan mong sumayaw, panay ang tapak mo sa paa ng iyong
kapareha.
Mga halimbawa:
a. Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit ipinamalita niya ang ipinagtapat sa
kanyang lihim ng matalik niyang kaibigan.
b. Su Ruel ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang kasintahan.
c. Ang binatang iyon ay hindi duwag, lagi lamang siyang tumatakbo kapag sinisita ng
katalo.
d. Hindi ka nga makulit, ilang beses mo lang sinabing isama ka.
Mga halimbawa:
a. Naranasan na ni Lito ang iba’t ibang mukha ng buhay. Narating na niya maraming
pook, malapit at malayo, naranasan niyang maging panginoon at alipin, maging maluho
sa buhay at magdildil ng asin, dumugin ang mga kaibigan dahil sa kanyang salapi at
layuan ng mga ito nang siya’y mamulubi. Anupa’t siya’y taong hinog na sa karanasan
kaya’t lubos na niyang nababatid ang liwanag at dilim ng buhay.
b. Ang batang si Rowena’y napakahirap unawain, hinahanap ang ina ngunit itinataboy
kapag dumadating, inaantok daw siya ngunit ayaw matulog, nagugutom daw ngunit
ayaw kumain, ayaw ng maingay ngunit ayaw rin ng tahimik dahil malulungkot daw siya.
13. Pagsalungat (Epigram)
Kahawig ito ng pagtatambis ngunit higit itong maikli kaysa pagtatambis.
Magkasalungat ang kahulugan ng mga salitang pinag-uugnay sa uring ito.
Mga halimbawa:
a. Ang ama ang nakasaya sa kanilang pamilya
b. Nasa kapangitan ni Belen ang kanyang kagandahan.
c. Nasa katamaran ng tao ang pag-unlad ng daigdig.
d. Namatay ang bayani upang mabuhay.
Mga halimbawa:
a. Hangin, pumarito ka at pawiin ang matinding init.
b. Panibugho, layuan mo kaming magsing-irog at nang kami’y magkaroon ng
kapayapaan.
c. Buwan, sumikat ka na at pawiin ang kadilimang lumulukob sa kapaligiran.
d. Pag-asa, halika at tugunin ang mga tanong kong magbibigay-buhay sa akin.
Mga halimbawa:
a. Ang isa kayang matalinong propesyonal ay agad maniniwala sa mga sabi-sabi?
b. May ina kayang makatitiis na makitang nagugutom ang mga anak samantalang siya’y
nagpapakasawa sa masasarap na pagkain?
c. May babae kayang tatagal makisama sa isang lalaking tamad, sugarol, lasenggo at
nambubugbog?
d. Ang mga hayop ba’y may talinong katulad ng tao?
Mga halimbawa.
1. Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na pagpapasyang nakalikha
ng pagkabalisa sa kanyang puso umiibig.
2. Lumingap si Rosy sa kapaligiran, lumakad ng ilang hakbang, lumingon sa
pinanggalingan at nagdudumaling lumabas sa lumang gusaling mahabang panahon ding
naging bilangguan ng kanyang yayat na katawan.
3. Hinahanap at hinihintay ng iyong ina ang maituturing na himalang pagbabago sa iyong
katauhan sapagkat ikaw ay hinog na sa panahon at ni sa hinagap ay hindi aakalaing
malilihis ng landas.
4. Umaga na sa umaasa kaming uunlad ka sa iyong piniling larangan lalo pa nga’t
umaalingawngaw ang nalalapit mong tagumpay.
Mga halimbawa:
a. Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan pa pagguhit ng matatalim na kidlat.
b. Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak.
c. Rumaragasa ang mga along sumalpok sa may batuhan sa dalampasigan.
d. Ang sagitsit sa kawali ng mantikang ipinampriprito sa relyenong bangos ay lalong
nagpasidhi sa pagkalam ng sikmura ni Bert.
18. Pagdaramdam
Nagsasaad ang uring ito ng masidhing damdamin.
Mga halimbawa:
a. Kaawa-awang ina, pinabayaan na lamang ng suwail na anak na sumakabilang buhay
dahil sa labis na pagdaramdamsa ginawa niyang pagtalikod ditto at pagsana sa isang
lalaking walang puso.
b. Kaibigan ko, nais kong damayan ka sa iyong kaawa-awang kalagayan ngunit wala
akong sapat na salapi upang marating ka sa nakapalayong lugar na pinili mong
panahanan.
c. Kay lungkot ng sinapit ni Rodelia, kanina lamang ay masiglang-masigla at tigib ng
kaligayahan. Ngayon ay isa na siyang malamig na bangkay dahill sa isang aksidenteng
kumitil sa kanyang buhay.
d. Hindi ko ibig na biguin ka sa iyong paghihintay sa amin. Wala kaming magagawa
upang damayan ka sa iyong pagtitiis sa piling ng itinuring mong tangi mong pag-ibig.
Wala kaming karapatan sapagkat kami’y mga kaibigan mo lamang ngunit sa kaibuturan
ng aming puso ay naroon ang habag at pagmamahal sa iyo.
Mga halimbawa:
a. Sa simula’y naramdaman ni Sally na siya’y nahihilo. Ginitian siya ng butyl-butil na
pawis. Nadama siya ng panginginig ng katawan at paninikip ng dibdib. Pamayamaya ay
nadilim ang kanyang paningin at bigla na lamang siyang nahandusay.
b. Hatinggabi noon, maingat na pumasok sa bakuran sa pamamagitan ng pag-akyat sa
pader ang mahiwagang lalaki. Pakubli-kubli siyang nakarating sa may harap ng pintuan
ng magarang tahanan. Dahan-dahan niyang pinihit and susian ngunit hindi ito natinag.
Dinukot niya sa bulsa ang isang bungkos ng susi at isa-isang sinubukan kung alin ang
kalapat. Lumagitik ang susian ng pinto nang malapat ang kahuli hulihang susi. Biglang
nabuksan ang pinto at mabilis na pumasok ang lalaki ngunit sunod-sunod na putok ang
sumalubong sa kanya at ilang sandal pa’y nalugmok siyang wala nang buhay.
3
ANG PAGSASALING-WIKA,
ISANG PARAAN NG PAG-PAPAYAMAN NG
BOKABULARYO
ANG KAHALAGAHAN NG PAGSASALING-WIKA
Aling paggamit ng Filipino ang dapat piliin ng isang tagapagsalin, ang una o
ang ikalawang pangungusap? Nararapat na hangga’t maaari ay ating iwasan ang labis na
paghihiram sa Ingles kung may salitang sariling atin na maitutumbas dito.
PAG-UNAWA SA BINASA:
1. Bakit mahalaga ang pagsasaling-wika?
2. Talakayin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsasaling-wika?
3. Ano ang ibig sabihin ng literal na pagsasaling-wika? Magbigat ng Halimbawa.
4. Anu-ano ang mga suliranin sa pagsasaling-wika? Magbigay ng mga halimbawa.
4
KAWASTUANG PAMBALARILA
Nabanggit sa unahan na kailangang magkaroon ng dalawang kawastuan ang
pagpapahayag; kawastuang pambalarila at kawastuang panretorika. Bukod sa kaalaman
sa iba’t ibang bahagi ng panalita katulad ng pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-ari,
pang-abay, pang-angkop, pang-ukol at pangatnig ay dapat ding matutuhan ng isang
magpapahayag ang wastong gamit ng mga sumusunod:
Nang at Ng
Nang
1. Ang nang ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at
ito ang panimula ng katulong na sugnay.
Mga halimbawa:
a. Mag-aaral kayong mabuti nang makapasa kayo.
b. Nagsisimula na ang palatuntunan nang kami’y dumating.
c. Magsikap ka nang umunlad ang iyong buhay.
d. Magkaisa tayo sa loob ng tahanan nang lumigaya an gating pamilya.
Kung at Kong
Kung
Ang kung ay pangatnig na panubali at ito’y karaniwang ginagamit sa hugnayang
pangungusap.
Mga halimbawa:
a. Malulutas ang mga suliranin ng bayan kung makikiisa ang mga mamamayan sa
pamahalaan.
b. Siya ay sasam sa inyo kung papayagan siya ng kanyang mga magulang.
c. Kung aalis ka ay magpaalam ka muna sa iyong mga kasambahay.
d. Kung hindi mo gagawin agad ang iyong takdang-aaralin ay gagahulin ka sa oras.
Kong
Ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko ay inaangkupan lamang ng
ng.
Mayroon
Subukin at Subukan
Subukin
Ito’y nangangahulugan ng pagssuri o pagsisiyasat s ari lakas o kakayahan ng isang
tao o bagay.
Mga halimbawa:
a. Subukin mo ang sabong ito at napakahusay.
b. Susubukin naming kung may natatanging talino ka.
c. Ang mantikang iniaanunsiyo ay susubukin daw ng aking ina.
d. Iyong susubukin ang lakas niya sa pamamagitan ng sumping.
Subukin
Ito’y nangangahulugan ng pagtingin upang malamang ang ginagawa ng isang tao
o mga tao.
Mga halimbawa:
a. Subukin mo ang ginagawa ng mga mag-aaral sa pulong.
b. bakit mo siya sinusubukan sa kanyang ginagawa sa kusina.
c. Aalis daw sila nang maaga at susubukan nila ang ginagawang pagsasanay ng kalaban
nilang koponan.
d. Huwag mong susubukan ang ginagawa ng ibang tao.
Pahirin at Pahiran
Pahirin
Ito ay tumutukoy sa kilos na nangangahulugan ng pag-aalis o pagpawi sa isang
bagay, alisin ang bagay.
Mga halimbawa:
a. Pahirin mo ang pawis ng bata.
b. Pinahid niya ang dmi sa kanyang leeg.
c. Pinahid ni Luis ang dugong umaagos sa putok niyang labi.
d. Pahirin mo ang uling sa iyong mukha.
Pahiran
Dalawa ang maaaring ibigay na kahulugan ng pahiran:
1. Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay na pinanggagalingan ng bagay na pinahid. Sa
ganitong gamit ang pahiran ng may layon.
Mga halimbawa:
a. Ang mukha ng bata ay pinahiran niya ang dumi.
b. Ang nook o ay pinahiran ko ng pawis.
c. Ang kanyang sapatos ay pinahiran niya ng alikabok.
d. Ang sahig ay papahiran naming ng putik.
Operahin o Operahan
Operahin
Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
Mga halimbawa:
a. Ang mga mata ng matanda ay ooperahin bukas.
b. Inopera ng ang bukol sa tuhod ni Ernani.
c. Inoopera ng doktor ang apendisitis ng kanyang kapatid.
d. Kailan ooperahan ang kanyang baga?
Operahan
Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.
Mga halimbawa:
a. Ooperahan na ng doktor ang naghihirap ng maysakit.
b. Si Virgie ay inoperahan kahapon.
c. Operahan nap o ninyo si Arnold at hirap na hirap na siya.
d. Si vic ay kasalukuyang inooperahan sa pagamutan ng St. Lukes.
Namatay at Napatay
Namatay
Ginagamit ang namatay kung ang isang tao, hayop, halaman at bagay ay nawalan
ng buhay dahil sa sakit, katandaan o anumang kadahilanan.
Mga halimbawa:
a. Namatay ang haligi ng tahanan at nagluksa ang mga-anak.
b. Ang kawal at namatay upang mabuhay ang puso ng madla.
c. Ang dalaga ay namatay sa biglang dalamhating sumapit sa kanyang buhay.
d. Namatay ang ilaw at naghari ang kadiliman sa buong kabahayan.
Napatay
Ito’y karaniwang ginagamit sa tao o hayop na pinaslang ng kapwa tao o hayop.
Mga halimbawa:
a. Napatay ng pusa ang daga.
b. Si Roderick ay napatay ng kanyang kagalit.
c. Ang asong ulol ay napatay ng mga lalaking humahabol dito.
d. Napatay pala ng pulis ang magnanakaw.
Bumangon at Magbangon
Bumangon
Ang kahulugan ng bumangon ay gumising o tumindig mula sa pagkakahiga. Ito’y
isang pandiwang katawanin at hindi nangangailangan ng layon.
Mga halimbawa:
a. Bumangon ka na at tanghali na.
b. Siya’y bumangon nang maaga dahil sisimba siya.
c. Bakit hindi ka pa bumabangon ay mahuhuli ka sa klase?
d. Bumangon na kayo nang makaalis na tayo.
Magbangon
Ang magbangon ay nangangahulugan na magtayo, magtinda at magtatag. Ito’y
isang pandiwang palipat at nangangailangan ng tuwirang layon.
Mga halimbawa:
a. Ang mga katipunero ay nagbangon ng isang pag-aalsa labn sa mga kastila.
b. Nagbangon siya ng mga punong saging na ibinuwal ng bagyo.
c. Tumulong kang magbangon ng mga haligi n gating bahay.
d. Ang magkakasama ay nagbangon ng mga panungkahoy na nabuwal sa lakas ng langin.
Sumkaya ay Magsakay
Sumakay
Ang sumakay ay isang pandiwang katawanin at hindi nangangailangan ng
tuwirang layon.
Mga halimbawa:
a. Saan ka ba sumakay?
b. Sumakay ka na at aalis na ang bus.
c. Sumasakay siya sad yip araw-araw.
d. Sasakay na ako sa dumarating na bus.
Magsakay
Ang magsakay ay pandiwang palipat at nangangailangan ng tuwirang layon.
Mga halimbawa:
a. Nagsakay sila ng kabang-kabang bigas sa trak.
b. Hindi ka dapat nagsakay ng mga pasahero sa mga bawal na lugar.
c. Sa Divisoria ka ba nagsakay ng mga paninda?
d. Nagsakay ang tsuper ng pitong batang papasok sa paaralan.
Kina at Kila
Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina. Walang
salitang kila sa Balarilang Filipino. Ang paggamit ng kila karaniwang pagkakamali.
Mga halimbawa:
a. Papunta sila kina Francis.
b. Kina Jonathan ba ang lakad mo?
c. Ang guro ay nagtanong kina Ben at Rey kung tutulong sila.
d. Malayo ba rito ang kina Lily?
Hagis at Ihagis
Hagis
Ang haggis ay pangngalan ay hindi pawatas o neutral ng pandiwa.
Mga halimbawa:
a. Malakas ang hagis ng bola ni Melba.
b. Huwag mong lakasan ang hagis at hindi niya masasalo.
c. Mahusay ang hagis mo ng bola.
d. Hindi tinamaan ni Greg ang hagis ni Dindo.
Ihagis
Ang ihagis ay isang neutral o pawatas ng pandiwa. Ito’y hindi pangngalan.
Mga halimbawa:
a. Ihagis mo na ang bola at sasaluhin ko.
b. Bakit ayaw mo pang ihagis?
c. Ihagis ko na ba ang bola?
d. Ayaw niyang ihagis ang bola baka ka raw masaktan.
Napakasal at Nagpakasal
Napakasal
Ginagamit ang napakasal kapag ang tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang
dibdib ng dalawang nilalang ng nagmamahalan.
Mga halimbawa:
a. Napakasal na sina Alex at Rhoda na malaon nang magkasintahan.
b. Si Vilma ay napakasal sa sarili niyang kapasyahan.
c. Kailan napakasal sina Danny at Lota?
d. Napakasal ka na nga bas a iyong katipan.
Nagpakasal
Ang nagpakasal ay tumutukoy sa taong naging punong-abala o siyang
nangasiwaupang makasal ang isang lalaki at babae.
Mga halimbawa:
a. Ang mag-asawa ay nagpakasal ng anak na panganay.
b. Si Aling Luisa ay nagpakasal ng pamangking binata sapagkat ulila ito.
c. Ang mayamang babae ay nagpakasal ng mga lalaki at babaeng nagsasama nang hindi
kasal.
d. Nagpakasal si Aling Mercy ng kamag-anak na maralita.
A. ANG PAGSASALAYSAY
Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may layuning magkuwento ng mga
kawil-kawil na mga pangyayari. May dalawang uri ng pagsasalaysay: pasulat at pasalita.
Ang karanasan at ang mga nakikita niya sa kanyang kapaligiran at maaaring
paghangusan ng pasasalasaysay ng isang tao.
ANG PAKSA
Ang paksa ay dapat na maging makabuluhan, kalimita’y kapupulutan ng mga
kahalagahang pantao (values), magbibigay ng aral at mabubuting halimbawa. Ang isang
paksang tungkol sa isang maralita na yumaman sa pamamagitan ng pandarambong,
nang bumalik siya sa nayong sinilangan ay pinangaralan pa siya dahil sa kanyang
kayamanan ay hindi makabuluhang paksa. Manapa, ang paksa tungkol sa isang
maralitang nakatapos na pagaaral dahil sa sariling pagsisikap at nagtagumpay sa buhay
ay isang makabuluhang paksa na kapupulutan ng magandang halimbawa.
PAGSASALAYSAY
NA NAGBIBIGAY-DIIN SA BALANGKAS
1. Panimula – Dito inilalahad ang tagpuan, nakikilala rito ang mga tauhan, pook at
panahon. May mga pagkakataon namang ang mga tauhan at ang pook lamang ang
isinasaad at ipinauubaya na lamang ang panahon sa mga nakikinig o bumabasa.
Halimbawa:
Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipag-sintahan ni Derang sa
inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabundukan ng
Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wila nila’y likas na yaon sa mga
taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon si Derang ay walang pinag-
uukulan ng Sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, Sapagkat magmula nang
mangibig ang inhinyero’y nawala na ang dating mairog na pakikisama sa kanyang mga
kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang sapagkay naniniwala ang mga taga-Tulikang na sa
puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging
dinaramdam nga lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni
Derang na si Tandang Tiyago.
Mula sa :Nagbibihis Na ang Nayon
Ni: Brigido C. Batungbakal
Mga Uri ng Panimula
d. Pagsisimula sa usapan
Halimbawa:
Malalaki ang patak ng ulan at palakas ang hangin. Gabi. “Malakas na unos nito,”
sabi ni Inang. “Neneng, ang posporo, itabo mo…baka mamatay ang gasera,” “ Nasa akin
na ho,” ang sagot ko.
Mula sa: Kapag Busilak ang Puso
Ni: Rudy A. Santos
e. Pagsisimula sa pagsasalaysay
Halimbawa:
Ang mga yapak ni Ingkong Bino ay gumasgas sa palikaw-likaw na landas na
nagmumula sa kanilang munting sukat na bakuran at humahantong sa munting pintuan
ng libingang-bayan sa Kandaba. Tuwing umaga, mga paa ng matandang ito ang unang
bumabasa sa mga hamog na nakasalalay sa mga daming kanyang nayayapakan. At
maraming mga hapon na ang putikang paa ni Ingkong Bino ang nag-iiwan ng kahuli-
hulihang bakas sa damuhan at sa palikaw-likaw na landas na iyon.
Mula sa: Sangandaan ng Buhay
Ni: Florentino A. Lapuz
f. Pagsisimula sa isang tunggalian
Halimbawa:
Isang iglap sa pagitan ng buhay at kamatayan. Isang iglap mula sa pag-igkas ng
mabilis na kableng ga-bisig at sa paghampas nito sa bingo ni Korbo. Isang iglap ng abot-
langit na sigaw ng pagtutol ng kanyang utak na sa loob ng iglap ding yaon ay pira-
pirasong nakalat sa lapag ng ikiran ng ballot-bakal na kable.
Mula sa: Dugo at Utak
Ni: Cornelio S. Reyes
g. Panimulang haluan
Maaaring pagsamahin dito ang una at ikalawang uri, ang ikalawa at ikatlo, ang
ikatlo at ikaapat - maaaring pagsamahin ang alinman sa mga uri ng panumula.
Halimbawa:
Sumusilip pa lamang ang araw nang kami’y lumusong sa landas na patungo sa
tubigan ni ka Teryo. Nakasabay naming si Ka Albina, na kasama nag dalaga niya si Nati at
ang kanyang pamangking si Pilang. Ang tatlo’y may sunong na mga matong na
kasangkapan at pagkain.
“Ang Ka Teryo mo’y hindi makalulusong. Masidhi na naman ang kanyang
rayuma,” wika ni Ka Albina sa akin. “Kung di nga lamang lubugin ang tubigan naming
ngayon. Mahirap ang wala roon ang Ka Teryi mo.” “Maano naman ho iyon,” ang tugon
ko. “Nariyan naman si Ka Ipyong at si Fermin.”
Mula sa: Suyuan sa Tubigan
Ni: Macario Pineda
4. Kasukdulan – Inilalarawan ito nang malinaw, mabilisan, maayos at tiyak. Ang mga
suliraning inihahanap ng lunas ay lumilikha ng kawilihang pasidhi nang pasidhi hanggang
sa sumapit sa karurukan at hindi na maaaring pasidhiin. Ito ang tinatawag na
kasukdulan.
B. ANG PAGLALARAWAN
Ang paglalarawan ay pagpapahayag ng ating nakikita naririnig at nadarama. Ang
pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig ang
pangunahing layunin ng paglalarawan. Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay
maihahambing sa isang pintor na gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan. Ang
tanging kaibahan lamang ay pinsel at pintura ang ginagamit ng pintor samantalang mga
slaita ang ginagamit ng isang manunulat o nagpapahayag nang pagsalita.
TALINGHAGA NG BUHAY
Ni Armando A. Rayos
2. Pagbibigay-kahulugan
May mga kahulugan makikita sa diksunaryo sa bawat salita. Ang mga
pansyentipiko at panteknikal na terminolohiya ay may tiyak na katuturan kaya
maiiwasan ang di pagkakaunawaan at pagkakaiba ng interpretasyon sa harap ng batas.
Ngunit, iba ang karaniwang salitang ginagamit sa pag-araw-araw na
pakikipagtalastasan. Ito’y nabibigyan ng napakaraming kahulugan. Kalimitang ang
kahulugan a batay sa laman ng pangungusap at batay sa gamit o pagkaunawa ng isang
particular na pangkat, lahi o kalinangan.
Ang pagpapakahulugan ay may dalawang dimension: konotasyon at denotasyon.
A. Denotasyon - kung karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo o salitang ginagamit
sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag. Halimbawa:
1. Kalabasa ang uwi niya, binili niya ito sa palengke..
2. Malakas ang hangin kaya nalaglag ang mga sinampay ko.
3. Mataas ang pangarap niya sa buhay.
B. Konotasyon – kung pang sariling kahulugan ng isang tao, o pangkat. Kung may dalang
kahulugan iba kaysa karaniwang pakahulugan. Halimbawa:
1. Kalabasa ang nakuha niya sa klase.
2. Malakas ang hangin ni Cesar, siya na naman ang bida.
3. Mataas ang kanilang paminggalan.
Pansining ang kahulugan sa unang pangungusap ng kalabasa ay gulay ngunit sa
ikalawa ay bagsak sa klase.
Sa ikalawang pangungusap, ang malakas ang hangin ay hanging dala ng
kalikasan, sa sumunod ang kahulugan ay mayabang.
Sa ikatlong pangungusap, ang unang kahulugan ng mataas ang pangarap ay may
mataas na ambisyon, sa sumusunod ay maramot.
Halimbawa:
1. Ilista sa tubig. (walang bayaran)
2. Hindi mahulugang karayom ang dami ng tao. (Napakarami)
3. Nagmumurang-kamatis ang kanyang ama. (Nagpapabata)
3. Balangkas
Ang mga inhinyero ay may “blueprint” na sinusunod sa pagbuo o pagyari ng anu
mang bagay. Ito ay batayan ng kanilang gagawing tulay o itatayong gusali. Dito makikita
ang balangkas ng bagay na gagawin, kalakip ang mga sukat at materyales na gagamitin.
Sa paglalahad, balangkas din ang kailangang unang gawin. Mahalaga ito sa
pagbuo ng isang mahusay na pahayag. Makatitiyak na walang mawawaglit sa lahat ng
kaisipang nais ipaabot. Sa biglang-tingin ay makikita kung wasto ang pagkakahanay ng
mga ideya, kung nabibigyan-diwa ang mahalaga, kung may pagkakaisa at may
pagkakaugnay-ugnay ang diwa.
Ayos ng Balangkas
Ang pinakamahalagang paksa at mga sakop nito ay naipakikita sa balangkas sa
pamamagitan ng paggamit ng tambilang at titik o ng decimal.
Ang halimbawa ng balangkas na ginagamitan ng tambilang at titik:
I ………………………………………………………………………………………………………………………………
A. ………………………………………………………………………………………………………………..
1. …………………………………………………………………………………………………….
a. ………………………………………………………………………………………..
(1) ……………………………………………………………………………
(2) …………………………………………………………………………..
b. ………………………………………………………………………………………..
2. ……………………………………………………………………………………………………
B. ………………………………………………………………………………………………………………
II. ………………………………………………………………………………………………………………………….
Ang ginagamitan ng decimal.
1. …………………………………………………………………………………………………………………………
1. I ……………………………………………………………………………………………………………
1. II ……………………………………………………………………………………………….
1. III …………………………………………………………………………….......
1. 112 ……………………………………………………………………………….
1. 12 …………………………………………………………………………………………….
1. 2 ………………………………………………………………………………………………………….
URI NG BALANGKAS
Dalawa ang uri ng balangkas; isang papaksa at isang pangungusap.
1. Sa papaksang balangkas, karaniwa’y salita o pariral ang ginagamit samantalang sa
pangungusap na balangkas ay buong pangungusap ang ginagamit.
(1) Halimbawa ng papaksang balangkas:
4. Buod
Ang buod ay pinaikling lagom ng isang talumpati, kuwento, tula, dula o isang
buong nobela na ginagamitan ng sariling pananalita ng taong nagpaikli sa nasabing akda.
Ito’y maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa ng nasabing sulatin.
Kalimitang ang haba ay ikatlo o ikapat na bahagi lamang ng orihinal.
Ang buod ay hindi nagtataglay ng pansariling opinyon o pamumuna. Ito’y walang
detalye, walang halimbawa o walang ilustrasyon. Ito’y nagpapahayag sa pinakamaikling
paraan ng akdang binasa.
PAG-UNAWA SA BINASA:
A.
1. Ano ang layunin ni Rizal sa pagkakasulat ng sanaysay na ito?
2. Patunayang tayo’y hindi tamad bago dumating ang mga Kastila.
3. Anu-ano ang mga kadahilanan at naging tama dang mga Pilipino?
4. Anong ibig sabihin ni Rizal sa “ Ang Pilipino’y nabubuhay para sa kaniyang sarili, hindi
bilang mamamayan sa kaniyang bansa.”
5. Ayon kay Rizal, anu-ano ang mga kailangan upang sumipag na muli ang mga Pilipino?
Patunayan.
6. Sa kasalukuyan, masasabi bang tama dang mga Pilipino? Patunayan.
B.
1. Malinaw ba ang pagkakahanay ng mga kadahilanan sa binasang buod?
2. May mga pangungusap ba o ideya kayong hindi naunawaan? Kung mayroon alin-alin?
Talakayin.
3. Ano ang pagkakaiba ng buod ng balangkas?
4. Bakit mahalagang matutunan ang paggawa ng buod?
5. Panuto
Ang isang pinakakailangan at pinakapraktikal na anyo ng paglalahad ay ang
pagbibigay at pagtanggap ng panuto.
Nananangan tayo sa tagubiling kung paano paaandarin ang mga makinang de
motor, kung paano gagawin ang mga takdang-aralin o sasagutin ang mga pagsusulit,
samakatwid, kailangang matutuhan ang pag-unawa at paggawa ng panuto.
Upang medaling mainawaan, kailangang ang panuto ay: tiyak, payak, maliwanag,
tumpak, maikli, ngunit buo o ganap. Ang mga senyas, krokis, talaguhitan, mapa, at
larawan ay makatutulong sa pagpapaliwanag.
Halimbawa ng mga panuto:
a. Pangunahing remedy sa paso o banli:
Ilubog ang bahaging napaso o nabanlian sa tubig na malamig. Kung hindi maaari,
magbalot ng yelo sa malinis na tela at idampi hanggang mawala ang sakit. Iwasan ang
paggamit ng anumang sebo gaya ng “vicks.” Lalong tatagal ang gamutan o pananakit.
Kung paltos ang balat, takpan ng gasa o malinis na tela. Huwag susundutin ang paltos.
Pag malaking bahagi ang napaso kahit balat lamang, dalhin sa doctor.
b. Panuto sa pagsusulit:
1. Piliin ang wastong sagot. Isulat lamang ang titik.
2. Lagyan ng bilang ang mga pangungusap (1-10) ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa binasang kwento.
6. Tala
Ang tala ay maikling pangungusap, parirala o salita na sinusulat upang magsilbing
tagapagpaalala ng mahahalagang bagay, kaalaman o pangyayari. Halimbawa:
nagsisilbing patnubay ng isang mag-anak sa pagbabalak ng gugulin (badyet) upang
mapagkasya ang kinikita o tagapagpaalaala sa manlalakbay sa mga dapat puntahang
magaganda at makasaysayang pook.
Ang isang mag-aaral na marunong magtala o kumuha ng pinakamahalagang
kaisipan y makapagtitipaid sa panahong dapat iukol pang muli sa pagbabasa ng buong
aklat, ng buong panayam o ng buong liksyon.
Ang mga dapat tandaan sa pagkuha ng tala sa isang panayam.
1. Handa sa mga kinakailangang kagamitan bago dumalo sa kapulungan.
2. Maging panatag ang kalooban sa pakikinig upang maisulat ang mahahalagang
kaisipang napakinggan.
3. Ayusin ang kinuhang mahahalagang kaisipan ayon sa wastong pagkakasunud-sunod.
Sa pagkuha ng mga tala sa aklat o iba pang babasahin, kailangan may handang
“kard” na pagsusulatan ng pinakamahahalagang kaisipan. Huwag kalimutang itala ang
pinagkunan: may-akda, aklat, pamagat ng lathala, paksa, lugar at petsa ng
pagkakalimbag, palimbagan at pahina.
Ang mga ninuno nating Indones, Malay, Intsik, Bumbay, Arabe, Persyano – may dalang
salita, alamat, epiko, bulong, tula, awit, dula..
Alamat – Bakit Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?
Alamat ng Bundok Kanlaon
Pinagmulan ng mga Lahi
Epiko - Hudhud at Alim – Ipugaw
Darangan – Muslim kasama ang Bantugan, Indarapatra’t Sulayman at
Bidasari
Hinilawod – (Panay) Pag-iibigan ng mga Bathala
Maragtas – (Panay) 10 datung Malay na tumakas sa Borneo
Lagda – (Panay) batas o kautusan kasama ang kodigo ni Kalantiao
Kumintang – (Timog Tagalog)
Ibalon (Bikol)
Biag ni Lam-ang(Ilokano)
Awiting bayan: - Oyayi o Hele - pagpapatunog sa sanggol
Soliranin – awit sa paggaod
Manlunay – awit sa paggawa
Kimuntang – awit pandigma
Kundiman – awit ng pag-ibig
Dalit – imno
Karunungang bayan: Bugtong, salawikain o sawikain, palaisipan, panudyo, kasabihan ,
bulong
Dula – Karagatan at Tibaw ng mga Tagalog
- Wayang Orang – Bisaya
- Embayoka at Sayatan - Muslim
8. Pangulong-Tudling
Ang pangulong-tudling o editoryal ay bahagi ng pang-araw-araw na pahayagan.
Ang patnugot o mamamahayag na sumusulat ng pangulong-tudling ay may
layuning magpahayag ng kuru-kuro ng madla. Inilalagay niya ang kanyang sarili sa
katayuan ng mambabasa. Ang paksa’y karaniwang hango sa napapanahong pangyayari o
balita.
Ito’y naglalayong magpaliwanag; magparangal o pumuri, magpahalaga,
magtanggol o tumuligsa.
Bagaman may layong manghikayat ang sumusulat ng pangulong-tudling,
kailangang iwasan ang tuwirang pagbibigay-payo. Hayaang ang mga mambabasa ang
gumawa ng kanilang pansariling pagpapasya.
Sa pagbuo ng editoryal, kailangang makatawag-pansin ang pamagat, kawili-wili
ang simula, malaman at makatotohanan ang pinakakatawan, nag-iiwan ng kakintalan
ang wakas at pinag-iisip ang bumabasa.
Halimbawa ng isang editoryal buhat sa pahayagang “Maynila.”
9. Ulat
Ang pag-uulat ay pagpapahatid ng mga bagay na ginawa, pinakinggan, binasa,
minasid, sinuri, sinaliksik o sinubok. Ito’y ginaagawa sa iba’t ibang larangan,
halimbawa’y sa iba’t ibang opisina, maging pampamahalaan at pribado, sa bangko, sa
alinmang bahay kalakal, sa iba’t ibang samahan o kapulungan, sa paaralan at iba pa.
Dahil dito, maraming uri ang ulat na ginagawa sa araw-araw, lingguhan,
buwanan, taunan o tuwing natatapos ang isang proyekto, pagmamasid, pagsusuri,
pagsisiyasat o pagsasaliksik.
Ayon sa layunin, dalawa ang uri ng ulat: ulat na nagbibigay-kabitiran at ulat na
nagsusuri.
Ang halimbawa ng mga ulat na nagbibigay-kabitiran ay: ang pag-uulat ng kalihim
sa nagawa o ginagawa ng kanilang kapisanan, ang pag-uulat ng ingat-yaman sa
pananalapi, ang lingguhang pag-uulat ng isang kapatas sa produksyon ng kanyang
seksyon sa isang pagawaan, ang pag-uulat ng isang delegado sa panayam o pulong na
dinaluhan, ang pang-araw-araw na pag-uulat ng tauhan sa Kawanihan ng Panahon.
Samantala, iba ang ulat ng nagsusuri. Ito’y nangangailangan ng sapat na panahon
sa paggawa. Halimbawa: ang pag-uulat ng isang tekniko pagkatapos masubok kung
paanong ang isang uri ng palay ay aani nang higit kaysa karaniwang tanim, pag-uulat ng
isang pinuno tungkol sa epekto sa madla ng inilunsad ng proyekto, o maaaring pag-uulat
ng resulta ng isang malawakang obserbasyong ginawa sa iba’t ibang bansa upang
gawing huwaran sa Pilipinas.
Ang isang mag-aaral ay kailangan ding magsuri, magsaliksik at magsiyasat
halimbawa’y sa agham, sa araling panlipunan, sa panitikan upang maragdagan ang
kanyang kaalaman. Dahil dito, mahalagang matuto ng paggawa ng ulat upang
maipabatid sa iba ang kinalabasan ng kanyang ginawang pag-aaral, pagsasaliksik,
pagsusuri o pagbabasa.
ISTILO
Sa pagsulat ng ulat na pang-agham, iwasang magsama ng mga salita o terminong
di-malinaw o bago sa bumabasa. Kung mayroon man, kailangang ibigay ang katuturan.
Ang porma at nilalaman ng ulat sa iba-iba ayon sa uri ng proyektong iniulat.
Halimbawa ng pag-uulat na nagbibigay-kabatiran. (Pag-uulat ng isang magiging
“tourist guide” na pinaglakbay muna ng opisina upang sanayin sa kanyang magiging
tungkulin.)
D. ANG PANGANGATWIRAN
Ang pangangatwiran ay paraan ng pagpapahayag na may layuning manghikayat
at magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita. Ang isang tao’y
nangangatwiran upang ang kanyang paniwala ay tanggapin o sang-ayunan ng sa kanya’y
nakiking.
Halimbawa ng pangangatwiran:
“Dito, mga kaibigan,” ang dagdag pa niya, “dpat maalis ang mga laro at sugal na
pinagkakatalunan ng salapi, pinagpupuyatan at pumipinsala sa katawan ng mga bata’t
matatandang napululong. Alamin nating, dahil sa bisyong iyan ay naririnig na ngayon
ang mahahayap na pansin ng maraming ito raw ay pook ng malilikot ang kamay na
siyang may gawa ng gayo’t ganitong nakawan sa ibang lugar. Sapagkat ito’y di totoo
dapat naging pagmalasakitang ang lahat ay mapabulaanan, mga katoto ko at mga
kasama. Mahirap man ang ating nayon at alam natin gmatiisin naman sa paggawa at
malingap sa mga kapwa hindi ba? Magsabi Kayo!”
Mula sa: Pag-asa ng Bayan
Ni: Francisco Lacsamana