You are on page 1of 4

Kahulugan ng Humanidades

Ang mga araling nauukol sa tao[1] o mga araling pantao (Ingles: Humanities,
"pagkatao," o The Humanities, "mga pagkatao" ng tao) ay mga disiplinang akademiko
na nag-aaral sa mga kundisyong humano, na ginagamitan ng mga metodo ng
malawakang pagsusuri (kritiko), pagpuna (analitiko), at pagbabakasali (ispekulatibo);
dahil sa tatlong metodong ito, itinatangi ang pag-aaral na ito - na tinatawag ding
humanidades o umanidades - mula sa mga imperikong (empirikal) gawi na ginagamit
sa mga likas na agham at mga agham panlipunan.

Ilan sa mga halimbawa ng mga disiplina na may kaugnayan sa humanidades ang mga
pag-aaral ng mga sinauna at makabagong mga wika, panitikan, kasaysayan, pilosopiya,
pananampalataya, biswal na sining (napagmamasdang sining), at mga sining na
isinasagawa (performing arts, kung saan kasama ang musika.) Karagdagan dito ang
mga paksang paminsan-minsan nauugnay sa mga araling pantao: tulad ng
antropolohiya, at mga pag-aaral pampook (area studies), bagaman itinuturing ang mga
ito bilang mga agham panlipunan. Tinatawag na mga humanista o "maka-pantao" (iba
mula sa salitang makatao) ang mga dalubhasang nag-aaral ng mga araling pantao. Sa
sining, kasama rito ang pagpipinta at paglililok, maging ang mga pagtatanghal sa teatro,
mga sayaw, panitikan, at sining pangwika.

Naging popular ang pag-aaral pantao noong mga kapanahunan ng Renaissance


("muling pagsilang", "pagbabalik", o "muling pagkabuhay" ng mga pag-aaral ng mga
klasiko o sinaunang kalinangan at sining), isang panahon kung kailan nakahiligan ng
mga mamamayan ang pagiging likas ng tao o "likas na katangian ng tao".
Samakatuwid, matatawag din ang pag-aaral na ito bilang mga araling hinggil sa
sangkatauhan, pag-aaral ng (likas na) pagkatao (ng tao), o pag-aaral ng pagiging
tao (ng tao).[1] Naganap ang panahon ng "Muling Pagsilang" sa Europa, nagsimula sa
Italya, mula ika-14 hanggang ika-16 na dantaon. Ang panahong ito ang naging marka o
pananda sa transisyon o pagpapalit ng kapanahunan mula sa midyebal (panggitna)
patungong makabago o modernong panahon.[2]

Musika
Ang tugtugin o musika, kadalasan na isang sining/libangan, ay isang kabuuang
panlipunang katotohanan na nagkaiiba ang mga kahulugan ayon sa kapanahunan
at kultura," sang-ayon kay Jean Molino. Kadalasang pinagkakaiba ito sa ingay. Sang-
ayon sa musikolohista na si Jean-Jacquse Nattiez: "Ang hangganan sa pagitan ng
musika at ingay ay palaging kultura ang nagbibigay kahulugan--na nagpapahiwatig
na, kahit sa loob ng nag-iisang lipunan, ang hangganan na ito ay hindi palaging
dumadaan sa parehong lugar; sa madaling salita, bihira ang pagkakaisa.... Sa lahat
ng pangyayari, wala ni isa at interkultural unibersal na kaisipan na nagbibigay
kahulugan kung ano ang musika.

Paglalahad
Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay linaw ang isang
konsepto o kaisipan, bagay o paninidigan upang lubos na maunawaan ng nikikinig o bumabasa.
Sa pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan
siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng
kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-uusapan. Itinuturing din ang paglalahad bilang isang
uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga
gawaing pangkomunikasyon.

*Iba’t ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad:

Pasalita o pabigkas

Maaaring pasulat

Uri ng Paglalahad:

Pagbibigay Katuturan (Napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng isang bagay, tao,
pangyayari, dinarama o konsepto)

Pagsunod sa Panuto/Pamamaraan (Halimbawa naman nito ay ang pagsunod sa recepi o


paraan ng paglaro ng isang uri ng laro)

Pangulong Tudling/Editoryal (Opinyon)

Sanaysay (*Panitikan* na naglalahad ng kuru-kuro, paniniwala o pananaw)

Balita (Araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa)

Pitak (Kolum)

Tala (Bagay-bagay gawin o tandaan)

Ulat (Kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik)

Pagsasalaysay

Ang layunin nito'y magkuwento ng isang pangyayari o kawil ng mga pangyayari.

Uri ng Pagsasalaysay:

* maikling kwento

* anekdota

* tula

* alamat

* epiko
* kwentong bayan

Sayaw:

Ang sayaw ay pangkalahatang tumutukoy sa lahat ng galaw ng tao na ginagamit bilang isang
anyo ng pagpapahayag ng saloobin o tinatanghal sa isang tagpuang panlipunan, espirituwal, at
pangganap.

Ginagamit din ang sayaw upang isalarawan ang pamamaraan ng komunikasyong di pasalita sa
pagitan ng mga tao o hayop (sayaw ng mga bubuyog, sayaw ng pagtatalik), paggalaw ng mga di
natitinag na bagay (sumayaw ang mga dahon sa hangin), at mga anyong pangmusika. Tinatawag
na mga mananayaw ang mga taong sumasayaw at kilala bilang pagsayaw ang akto ng sayaw.
Maaari din tawagin na sayaw ang isang pangyayari na ginaganap ang pagsayaw. Tinatawag na
koreograpiya ang sining ng paggawa ng sayaw.

Depende ang mga kahulugan na kung ano ang binubuo ng sayaw sa panlipunan, kultural,
estetika, artistiko, maka-banal na konsiderasyon at sinasakop nito mula sa may tungkuling galaw
(katulad ng sayaw na pantao o folk dance) hanggang sa may code, mga pamamaraan ng virtuoso
katulad ng ballet. Sa palakasan, may nilalaman na disiplinang sayaw ang himnasya, figure
skating, at tukmang paglalangoy samantala kadalasang hinahambing ang mga sayaw sa sining
marsiyal na 'Kata'.

Uri ng Sayaw:

• pandango sa ilaw • binasuan


• tinikling • maglalatik
• cariñosa • kuratsa
• balitaw • pantomina
• rigodon • singkil
• sayaw sa bangko • kappa malong-malong
• itik-itik • pandanggo oasiwas

Buod ng Dula:

Teatro

Ang teatro ay ang sangay ng gumaganap na sining na may kinalaman sa pag-arte


ng mga kuwento sa harap ng mga nakikinig na ginagamit ang magkahalong salita,
galaw, musika, sayaw, tunog at panooring kahangahanga -- tunay nga na isa o higit
pa na sangkap ng ibang gumaganap na sining. Karagdagan pa sa mga
pamantayang istilo ng diyalogo, kinukuha ng teatro ang iba pang anyo tulad ng
opera, ballet, mime, klasikong sayaw ng mga Indyan, opera ng mga Instik at
pantomine.

Sining:
☛ Ang sining ay tumutukoy sa ano mang kasanayan na kung saan ipinapakita
at ipinapahayag ng isang tao ang kagandahan na nasa kanyang paligid sa
pamamagitan ng natural na pandama at pang-amoy.

☛ tinutukoy ng sining ang lahat ng malikhaing pagsisikap ng tao, di kabilang


ang mga gawaing may tuwirang ugnayan sa pananatili ng buhay at
pagsusupling.

You might also like