P. 1
Hudhud Ni Aliguyon Outline

Hudhud Ni Aliguyon Outline

|Views: 2,633|Likes:
Published by Roezel Mari
for the scriptwriters of our play! :D sorry for the typos. *padali ni
for the scriptwriters of our play! :D sorry for the typos. *padali ni

More info:

Published by: Roezel Mari on Aug 10, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF or read online from Scribd
See more
See less

01/05/2013

pdf

Hudhud ni Aliguyon

y y Sa nayon ng Hannanga, isinilang ang isang sanggol na lalaki na nagngangalang Aliguyon sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Si Aliguyon ay matalino at masipag matuto ng iba t-ibang bagay. Maami siyang natutunan galling sa mga turo at kwento ng kanyang ama. Naging mahusay siya sa pakikipaglaban. Kahit na noong bata pa lang si Aliguyon, ipinakita niya na ang kanyang kakayahan mamuno kaya ang mga kasama nila sa nayon ay talagang namamangha sa kanya. Nang nagbinata si Alguyon, nagdesisyon siyang labanan ang kalaban ng kanyang ama sa nayon ng Daligdigan na si Pangaiwan. Ngunit ang humarap sa kanya sa laban ay ang anak ni Pangaiwan na si Pumbakhayon. Si Pumbakhayon ay kasingbihasa rin ni Aliguyon sa anumang larangan. Nang ang dalawa ay magsisimula na sa labanan, hinagis ni Aliguyon kay Pumbakhayon ang sibat pero ito ay naiwasan ni Pumbakhayon at kagila-gilalas na sinalo ang sibat gamit ang kanyang kamay. Mabilis naming hinagis din ni Pumbakhayon ang sibat pabalik kay Aliguyon ngunit si Aliguyon ay naka-iwas din at sinalo ito. Pagkahawak ni Aliguyon ng sibat, binaliktad niya agad ito upang ihagis kay Pumbakhayon. Ang dalawang magiting na mandirigma ay wlang tigil na naghagisan at nagsaluhan ng sibat hanggang ito ay umbaot ng tatlong taon. Hindi natapos ang laban at wala man lamang sumuko o napagod sa kanilang dalawa. Pagkaraan ng tatlong taon, kapwa sila namangha sa giting at husay ng isa t isa. Natuto nilang igalang ang kalaban. Biglang tumigil ang mahabang labanan, nag-usap ang dalawang mandirigma at nagkasundo. Nagkaroon ng kapayapaan. Sumang-ayon naman ang mga tao sa nayon ng Hannanga at Daligdigan sa desisyon ng kanilang mga pinuno. Nagkaroon ng selebrasyon para sa pagkakaisa ng dalawa. Umunlad ang dalawang nayon at nagging matalik na magkaibigan si Aliguyon at Pumbakhayon/ Nang nasa wastong gulang na si Aliguyon, pinila niyang asawa si Bugan, ang batangbatang kapatid ni Pumbakhayon. Inalagaan niya si Bugan at pinalaki hanggang nagging pinakamagandang dalaga. Ang pinili naman asawa ni Pumbakhayon ay ang kapatid ni Aliguyon na si Aginaya. Ang dalawang pamilya ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.

y y y y

y

y y

y y

y y

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->