Professional Documents
Culture Documents
Hunyo 12, 1956- pinagtibay ang Batas ng Republika Blg. 1425 at tinawag itong Batas Rizal.
Agosto 16, 1956- Naipanukala kaagad ito bilang tugon ng Lupon ng Pambansang Edukasyon sa pangunguna
ng tagapangulo na si Senador Jose P. Laurel Sr.
Nasasaad sa batas Rizal na dapat maging bahagi ng kurikulum ng lahat ng dalubhasaan.
II. Ano ang layunin ng Batas Rizal?
1. Maikintal sa isipan ng bawat mag-aaral na sa mga akdang isinulat ni Rizal nagmula ang simulain ng kalayaan
at nasyonalismo
2. Maipaunawa na ang mga simulain, mithiin, kaisipan at pagpapahalaga sa kalayaan ng bayan ay mga naging
dahilan ng kamatayan ni Rizal.
3. Mailahad nang maayos ang mga katangian, kaasalan kakayahan at pagkatao ni Rizal gayundin ang kanyang
kaisipan at mga ideya nang sa gayon, malinang ang kagandahang-asal, disiplinang pansarili, mga sibikong
Gawain at pagkamabuting mamamayan.
III. Paano napili si Rizal bilang Pambansang Bayani?
Mga Nagpasiyang pumili ng isang pambansang bayani na magiging huwaran ng mga mamamayang
Pilipino.
1. Komisyoner William 5. Henry Clay Ide
Howard Taft 6. Trinidad Pardo de
2. W. Morgan Shuster 7. Gegorio Araneta
3. Bernard Moises 8. Cayetano Arellano
4. Dean Warcester 9. Jose Luzurriaga
Pinagpasiyahan nila na si Dr. Jose Rizal ang nararapat na maging pambansang bayani
ng Pilipinas.
Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, dalubhasa sa Antropolohiya at teknikal na katulong ng
Komisyon,napagkasunduan ng lupon na maging pamanatayan sa pagpili ang mga
sumusunod:
1. Pilipino pagmamahal sa bayan
2. Yumao na 4. May mahinahong
3. May matayog na damdamin
Maliban kay Rizal may limang pangalang pinagpilian at ito ay sina:
1. Marcelo H. del Pilar 4. Emilio Jacinto
2. Graciano Lopez Jaena 5. Jose Rizal
3. Heneral Anyonio Luna
Dahilan ng pagkapili kay Rizal
1. Siya ang kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisang
maghimagsik laban sa mga Kastila.
2. Larawan ng Kapayapaan
3. Ang mga Pilipino ay sentimental
Ang Buhay at Pag-aaral ni Rizal
I. Sa Calamba- unang nag-aral si Rizal sa Calamba at Binan.
II. Ang Unang Guro- Ang kanyang ina, tatlong tiyuhin na sina Tiyo Manuel
(pagpapalakas ng katawan), Tiyo Jose Alberto ( kahalagahan ng aklat) at Tiyo
Gregorio (pagpapahalaga sa sining)
III. Mga Inupahang Guro – Maestro Celestino, Maestro Lucas Padua at Leon Monroy.
IV. Sa Binan
1. Hunyo, 1869-nagtungo si Rizal sa Binan
2. 1870- pinag-aral sa Binan
3. Guro- Justiniano Aquino Cruz
4. Unang pakikipag-away
5. Pag-aaral ng Pagpinta
6. Araw-araw na buhay
7. Pagtatapos ng Pag-aaral
Dahil sa pagbasa niya ng Uncle Toms Cabin ni Harriet beecher Stowe(Sinasabi rin
na naging inspirasyon niya rin sa pagsulat ang nobelang “The Wondering Jew ni
Eugenio Sew”) na naglalarawan sa kaawa-awang kalagayan ng mga
pinagmalupitang alilang Negro,naisip ni Rizal na maghanda ng isang nobelang
maghahayag ng mga paghihirap ng mga kababayan sa ilalim ng mga mapang-aping
Espanyol.(Noo’y isa pa siyang estudyante ng Universidad Central de Madrid)
II. Dahilan ng Pagsulat ni Rizal ng Noli Me Tangere
Ipinaliwanag ni Dr Jose Rizal sa Kanyang liham sa matalik na kaibigang si Dr.
Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang nobela. Ang mga ay ang
mga sumusunod:
1. Matugon ang paninirang puring ipinaratang ng mga
Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
2. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay,
mga paniniwala, pag-asa, mithiin o adhikain, karaingan at
kalungkutan.
3. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginawang
dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama.
4. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa di-tunay na
relihiyo. Ang huli ay gumamit ng pamahiin at banal na
salita upang makuha ang salapi at mapaniwala ang mga
tao sa mga baga-bagay na mahirap matanggap.
5. Mailantad ang kasamaang nakukubli sa karingalan ng
pamahalaan.
6. Mailarawan ang mga kamalian, masasamang hilig,
kapintasan at kahirapan sa buhay.
III. Ang Pagsulat ng Noli
Pagtatapos ng 1884, Madrid- Sinimulan at natapos angb kalahati ng Noli.
Paris,1885- pagkaraan makapagtapos ng pag-aaral sa Madrid,
punagpatuloy niya ang pagsusulat at natapos niya ang kalahati ng
pangalawang hati
Alemanya- natapos ang huling sangkapat
Wilhemsfield, Abril hanggang Hunyo 1886- Natapos ang mga huling
kabanata
Berlin,taglamig ng Pebrero 1886- ginawa ang huling rebisyon ng
manuskrito ng Noli. ( May sakit at walang pera, nawalan na siya ng pag-
asang mailathala ito kaya sa kanyang desperasyon ay muntik na niyang
ihagis sa apoy ang manuskrito).
Si Viola, Tagapagligtas ng Noli- Pumayag na tustusan ang
pagpapalimbag ng Noli, pinahiram din niya si Rizal ng panggastos sa
pang-araw-araw. (1886)
Pagkaraan ng kapaskuhan, inayos ni Rizal ang kanyang nobela. Para
makatipid sa gastos ng pagpapalimbag, inalis niya ang ilang bahagi ng
manuskrito kasama na ang buong kabanata ng “Elias at Salome”
Pebrero 21, 1887 – Natapos ang Noli at handa na upang mailathala.
Kasama niya si Viola sa pagsarbey ng murang imprentahan- Ang Berlin
Buchdruckrei-Action-Gesselschaft ang may pinakamababang singil-300
piso para sa 2000 sipi ng nobela.
Natapos ang pagpapalimbag ng Noli- Marso 21, 1887.
Marso 29, 1887 – binigay ni Rizal ang proof ng Noli, panulat na ginamit
niya at komplementaryong sipi kay Viola tanda ng pasasalamat.