You are on page 1of 6

Jose Corazon de Jesus

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

José Corazón de Jesús (Nobyembre 22, 1896-Mayo 26,


1932), kilala rin bilang Huseng Batute, ay isang makatang
Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang ipahayag
ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya noong
panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas
(1898-1946).

Kabataan

Si Huseng Sisiw ay isinilang sa dasmarinas cavite noong


Nobyembre 06, 1889 kina Vicente de Jesus, ang unang
direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang
Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga.
Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan
niya ang celio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw
ang tumutugma sa kanyang katauhan.

Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa


Maria, Bulacan. Nagaral siya sa nasirang Liceo de Manila
kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang unang niyang tula
na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa
nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang.

Makatang manunulat

Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas


mula sa nasirang Academia de Vera ngunit hindi niya
pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na
siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang
Tagalog na Tuliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite
na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa
pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang
lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at
pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na
noo'y isang commonwealth sa ilalim ng Estados Unidos.

May mga 4,000 tula siyang sinulat sa kanyang kolum na


Buhay Cavite. Sumulat din siya ng mga 800 kolum na
pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang
pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya
sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito
Matimtiman, Mahirap, Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap,
Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig Lily.

Hari ng balagtasan

Noong Marso 28, 1924, si De Jesus ay isa sa mga


pangunahing manunulat sa Tagalog na nagpulong sa
Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang
pagdiriwang ng kaarawan ng makatang Tagalog na si
Francisco Balagtas sa Abril 2. Ang pulong ay tinawag at
pinamunuan ng manunulat na Rosa Sevilla. Napagpasyahan
ng mga manunulat na magpalabas ng tradisyonal na duplo, o
isinadulang debate sa tula na uso noong araw ngunit
nalalaos na noong mga 1920. Pinalitan nila ang porma ng
duplo at binansagan itong balagtasan para kay Balagtas.

May tatlong pares ng mga makata na sumali sa unang


balagtasan na ginanap noong Abril 6, 1924 sa Instituto de
Mujeres, na itinatag ni Sevilla. Naging matagumpay ang
balagtasan at nakagiliwan ng mga manonood ang pares nina
De Jesus at Florentino Collantes.
Sumikat ng lubusan ang balagtasan at ito ay naging
karaniwang palabas sa mga pinakamalaki at pinakamahal na
teatro sa Maynila hanggang noong dekada ng 1950.
Pinagtapat sina De Jesus at Collantes at ginawa silang
magkaribal at nagtakda ng isang tagisan ng galin noong
Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium. Si De Jesus ang
nanalo ng tagisan na iyon at binansagan siyang Hari ng
Balagtasan. Hinawakan niya ang titulo hanggang mamatay
siya noong 1932.

Mga huling taon

Sikat na si De Jesus bilang Huseng Batute sa buong


Pilipinas noong inanyayahan siyang umarte sa pelikulang
Oriental Blood. Kasama niya ang mga bantog na aktres ng
panahong iyon (Atang dela Rama at [Maria Santos]). Kasama
rin sa kast ang kanyang anak na si Juliano de Jesus, na
naging aktor sa ilang mga pelikulang Pilipino.

Ngunit nagkasakit si Huseng Batute habang ginagawa ang


pelikula at lumala ang kanyang sakit hanggang siya ay
mamatay noong Mayo 26, 1932. Iniwan niya ang kanyang
asawang si Asuncion Lacdan de Jesus at mga anak Teresa,
Jose Jr. at Rogelio.

Noong siya ay mamatay, binigay ng pamilya niya ang


kanyang puso sa isang museo ng pamahalaan kung saan ito
itinago hanggang ilibing ito sa libingan ng kanyang ina.
Inilibing siya sa sa ilalimng dagat sa Visayas, alinsunod sa
kagustuhan niyang nakatala sa kanyang mga tulang Isang
Malalim na Dagat at Ang Visayas.

Samu't sari
 May isang paaralang elementarya sa Tondo, Manila na
pinangalangan Jose Corazon de Jesus Elementary
School bilang papuri sa kanya.

 Si De Jesus ang sumulat ng Bayan Ko na linatagan ng


himig ng musikerong si Constancio de Guzman na
naging awit ng mga Pilipino na tumutol sa batas militar
na pinairal ng Pangulong Ferdinand Marcos mula noong
1972 hanggang 1980.

Mga sanggunian

 National Historical Institute,Filipinos in History 5 aklat.


(Manila: National Historical Institute, 1995)

 Virgilio S. Almario, "Art and Politics in the Balagtasan"


(Los Angeles: UCLA Center for Southeast Asian Studies,
2003)

Kinuha mula sa
"http://tl.wikipedia.org/wiki/Jose_Corazon_de_Jesus"
Kategorya: Mga manunulat sa Pilipinas

Jose Corazon de Jesus

Si Jose Corazon de Jesus, na pinalayawan ng Pepito, ay


isinilang sa isang bahay sa Daang Trinidad, purok ng Sta.
Cruz, Maynila, noong ika-22 ng Nobyembre, 1894. Siya ay
ang ikalawang anak ni Dr. Vicente de Jesus, ng Sta. Maria,
Bulakan, at unang direktor na Pilipino ng Kawanihan ng
Kalinisan, at ng Kapampangang si Gng. Susana Pangilinan.
Ang kanyang dalawang kapatid ay sina Vicente,Jr., na
siyang panganay, at si Rosa, ang bunso. Sa tatlong
magkakapatid, si Pepito, Pitong sa kanyang ama't ina, ang
pinakamalapit sa kanyang ina. Ang dahilan nito ay noong
bata pa si Pepito ay masasakitin ito at galisin pa, kaya
madalas siyang inaalagaan ng kanyang nanay.
Bata pa lamang si Pepito ay namulat na siya sa mga tulang
tagalog, awit at korido, sa "Florante at Laura", "San
Raymundo", at iba pang aklat na tagalog na lubhang
babasahin noong araw. Masasabing dito nagsimula ang
pagtangkilik at pagkabihasa ni Pepito sa tulang tagalog.
Mahilig rin siya sa pag-awit, pagtugtog ng piyano, at ng iba't
ibang larong pampalakas.

Sa bayan ng kanyang ama siya nag-aral ng unang baitang.


Maligaya ang kabataan ni Pepito rito at ito marahil ang
nagtulak sa kanya upang sabihin na dito siya inuluwal. Nang
makatapos siya ng primarya ay inilipat siya sa Liceo de
Manila, isa sa mga pinakasikat na paaralan sa Maynila noon,
upang mag-hiaskul. Nang siya'y nakapagtapos ay nag-aral
naman siya ng abosya sa Escuela de Derecho. Nang
magtapos siya ng batas noong 1919 ay hindi siya kumuha ng
iksamen upang maging tunay na abogado. Sa halip ay
ipinagpatuloy ang kanyang matagal ng hilig, ang pagtula.

Noong Oktubre ng 1918 ay itinanan ni Jose Corazon ang


binibining si Asuncion Lakdan. Sa kanilang pagsasama ay
nagkaroon sila ng tatlong anak. Ang mga ito ay sina Teresa,
Jose at Rogelio.

Si Jose Corazon ay hindi lamang makata at manunulat kundi


isa rin namang mamamahayag. Naging manunulat siya sa
mga pahayagang "Demokrasya", "Pagkakaisa", "Taliba",
"Mabuhay", at "Sampagita". Pero higit siyang kilala sa
larangan ng "Balagtasan" at pagbigkas. Hanggang ngayon ay
siya pa rin ang hinihirang na pinakamagaling sa dalawang
larangang ito.

Si Jose Corazon de Jesus, o Huseng Batute, ay binawian ng


buhay ng ganap na ika-12:02 ng tanghali, noong Mayo 26,
1932 sa Ospital Heneral dahil sa isang sakit sa bituka.

You might also like