Professional Documents
Culture Documents
Bilang isang mag-aaral, maiisip mo na hindi mo bokasyon ang pagsusulat ng Feature Article.
Maaring mas interesado ka sa pagsusulat ng mabilis at matuwid na balita. Pero hindi magtatagal,
marami ring mamahayag ang susubok at magiiba ng bokasyon, dahil pwede kang gumamit ng
malikhaing paraan ng pagsusulat at higit sa lahat, mas mayroong varayti ang pagsusulat ng mga
feature o balitang pagtatatampok.
Maari kang pumili ng panibagong imahe: maging taga-tsismis ng balita, manunuri, experto, o
magpakita ng mga ilustrasyon batay sa iyong tema o paksa. (Adams sa Hicks 1999:47). Sa
maikling pagsasalita, sa pagmumungkahi ni David Stephenson, awtor ng isang handbook How to
Succeed in Newspaper Journalism, ang pagsusulat raw ng balita kung minsan ay nakakayamot.
Samantala, ang pagsusulat ng balitang pagtatampok ay talaga namang nakakalibang.
Magtanong ka sa isang peryodista kung ano ang feature writing at ang isasagot nila, ‘Kahit
anong hindi balita.’. Wala sa pamantayan ng istruktura ng isang dyaryo ang ilagay sa harapan
ang isang feature news. Pero masasabi natin na ang mga feature news ay may konkretong
basehan o nababatay sa mga balitang may katotohanan at maihahalang mo sa mga balitang
interesante at makabago. Sa katotohanan, ayon kay Nick Morrison, patnugot ng Northern Echo,
madalas raw ginagamit ang balitang pagtatampok sa pagkuha ng impormasyon upang
masuportahan ang iba pang mga balita para sa mas malalalim na pagtatalakay. ‘Kung ang
matuwid na balita ay nagsasabi sayo kung “Ano” tungkol sa isang pangyayari o sitwasyon, ang
balitang pagtatampok naman ang magtutukoy sayo kung “Bakit”,’ ika niya. ‘Sa isang tabi, kung
ang matuwid na balita ay mas malalalim ang nilalaman, maari ring tingnan ng balitang
pagtatampok ang isang human interest story ng mas may detalye. ‘
Ito ay isang malawak na pagpapakahulugan. Ang feature ay di lamang para sa tao kundi ito rin
ay magagamit sa pagtatampok ng mga importanteng pangyayari at mga kasalukuyang mga isyu.
Halimbawa, ang pagsalanta ng tsunami noong 2004, ay kumitil ng 150,000 katao sa Asya at
Silangang Aprika. Ilang linggong tinalakay ang kalupitan ng mga natural disasters o kalamidad
at ang epektong dulot nito sa kalikasan at sa maraming aspeto ng panghinaharap tulad ng
ekonomiya sa mga tabloid at broadsheet. Madalas, ang balitang pagtatampok ay naka sentro sa
mga taong naapektuhan ng nasabing karanasan.
Mapapansin mo na ang feature news ay mas mahaba kumpara sa ibang istilo ng pagbabalita, ito
ay nasa 600 hanggang 2,000 na salita at madalas may kasamang ilustrasyon o litrato na batay sa
paksa. Mas marami rin ang pinagkukuhanan ng impormasyon sa feature news dahil
nangangailangan ito ng extensibong pamamaraan ng pananaliksik. Sa hard-pressed news, maari
lamang silang magbanggit ng isa o dalawang pahayag galing sa kanilang pakikipagpanayam.
Samantalang, dahil sa kahabaan ng isang feature news, maari silang magbanggit ng higit pa sa
dalawa o iisa. Halimbawa, sa isang artikulo ni Felicity Lawrence sa The Guardian, ay
nagtatalakay ng mga migrant workers sa Poland, Afghanistan, Iran at Portugal na nanggagaling
sa tatlong magkakaibang employment agencies, isang assistant general secretary ng isang trade
union, kinatawan ng partido ng government trade union, at isang mananaliksik, Inland Revenue,
Home Office, at European Union Transport and General Workers’ Union (Lawrence 2005).
Ang kahabaan ng isang balitang pagtatampok ay di naman puro salita na wala naming
pinatutunguhan. Ito ay interesante, may dahilan, at may pokus – at naangkop naman sila sa mga
dyaryo kung saan sila naililimbag. Jean Kingdon, patnugot ng Ludlow Advertiser ay
nagpapatakbo ng mga paksa na nagtatalakay ng malalim sa mga ‘pokus’ ng bawat balita upang
mas naiintindihan ng maraming mambababasa. ‘Dahil tayo ay isang dyaryong pangkomunidad,
dapat kaming tumugon sa interes at pangangailangan ng aming mambabasa,’ ika nya. ‘Di kami
nagtatalakay ng mga paksa na wala sa aming sirkulasyon.’
Maaaring magbiro ang mga mapangutya na ang papel ng isang Feature Writer ay upang punan
ang mga pahina ng isang pahayagan. Subalit ang kanilang kakaunting bilang at pagkakaiba-iba
ay nangangahulugan na kinikilala sila sa pagkakaroon ng isang mas mahalagang trabaho – na
nakaaaliw, napupunan ng aral, nakapagbabatid, nakakatuwa, nagpapaliwanag at – wag kalimutan
– nagbibigay sa mambabasa ng isang interesante, bago at marahil, kasiya-siya na basahin.
Si Ian Reeves, editor ng Press Gazette, isang magazine ng mga mamamahayag ay nagsabi na:
“Ito ay mahirap tukuyin dahil maraming iba’t-ibang uri ng mga tampok. May sinabi naba ito sa
iyo tungkol sa isang bagay na hindi mo akalain na gusto mo palang malaman o nagsabi sa iyo ng
isang bagay na hindi mo alam? Ito ba ay kapani-paniwala, interesante at kakaiba?”
Ang lahat ng pagsusulat ay may nagsisilbing isa or mahigit pang mga kagamitan tulad ng:
impormasyon, libangan, edukasyon at paghikayat. Karaniwan, ang mga ito ay maaaring
ipaliwanag sa mga sumusunod.
Bilang isang manunulat, importante na maging malinaw sa simula kung ano ang sinusubukan
mong makamit. Ito ay tinutukoy sa pamamagitan ng mga sumusunod.
• Nilalaman: ito ay hindi nararapat na (sobrang) nakaaaliw kapag tungkol sa isang kalamidad na
ikinamatay ng libo-libong mga tao at nakapinsala sa nakararami, ngunit sa ilang mga antas ng
pagsusulat ay dapat na makuha ang atensiyon ng mga mambabasa – sa lawak na dapat maging
palaging kawili-wili.
• Dyanra: ito ba ay isang kwentong balita o isang tampok? Iniisip ni Prinsipe Charles na lahat
tayo ay masyado ng lumalaki para sa ating mga sapatos ay naging unang pahina sa kwentong
balita ng Guardian “Know your place: Tribunal exposes Prince’s Edwardian attitudes”
(Nobyembre 18, 2004) at isang G2 na pinaghalong tampok tungkol sa mga pagkakamali ng mga
dugong bughaw “Charles’ world” (Nobyembre 19, 2004). Ang mga kwentong balita ay
nagsisilbing gamit ng impormasyon: ang tampok ng G2 ay nagbibigay ng impormasyon,
libangan at, marahil, paghikayat. (Kung ikaw ay hindi Ripablikan noon, maaring ikaw ay maging
ripablikan na ngayon.)
Ang mahalaga sa lahat, gusto ng mga mambabasa ang tampok at kadalasan ito ay bumubuo ng
isang relasyon sa mga indibidwal na Feature Writer – lalo na ang mga personal na
mamamahayag – na musugid na sinusundan. Sa pang-komersyal, ito ay lubos na mahalaga. Ang
dating editor ng Independent na si Andrew Marr (ngayon ay isang tagapaghandog ng balita sa
BBC) ay nagmasid sa Guardian na pamamaraan sa kanyang libro, My Trade: A short history of
British journalism: “Bylines are often the only signal that gold, rather than dross, lies below”
(Marr 2004).
Dami at Kalidad
Ang pangunahing pahina, na kung saan matatagpuan ang abante – o ang pangunahing editoriyal
na komentaryo – ay kadalasang nakapaloob ang isang mahalagang tampok, na karaniwang
sumasalamin sa paksa ng pangkasalukuyang balita. Sa pangunahing pahina, o sa pahina ng
maselan na opinion, makakahanap ka ng isang komentaryo at pagsusuri, na madalas ay nakasulat
sa pangalan ng isang tanyag na manunulat.
Sa paglipat pa ng mga pahina, matatagpuan ang mga karaniwan at espesyal na mga tampok. Ang
mga karaniwan na tampok ay: mga tampok na tungkol sa mga pangkaraniwan na paksa, habang
ang mga espesyal na tampok ay tungkol sa mga espesyalidad gaya ng sa kalusugan,
transportasyon, edukasyon at kalikasan. Depende sa kanilang laki, ang ilang mga pahayagan ay
naglalathala lamang ng isa o dalawang tampok sa kanilang karaniwan o espesyal na interes sa
bawat paksa, ang iba naman ay mayroong dalawa o tatlong pahina na nakalaan para sa mga
tampok.
Ang “profile” ng mga personalidad, mga tauhan o iba pang mga tao sa balita, ay sa katunayan
matatagpuan maski saan sa pahayagan habang maari silang mapunta sa iba’t-ibang mga
kategorya ng mga tampok, maging sa karaniwan man o espesyal.
Habang ang balita ay patuloy ng lumipas, matatagpuan ang mga pahina tungkol sa mga tampok
sa sining at kultura, na kasama ang libro, pelikula, teatro at mga pagsiyasat sa mga palabas sa
telebisyon; mga listahan ng palabas sa telebisyon; horoscopes; mga pagsusulit at krosword.
Ang mga paksa na may espesyal na interes gaya ng pagkain, alak, halaghag, antigo, ari-arian,
paghahardin at mga “motoring” ay may nakalaan na ispasiyo – na kadalasan ay kalahating
pahina, buong pahina o karagdagan. Ang mga paksang may espesyal na interes ay kadalasang
may kaugnayan sa Lifestyle na pahina ng pahayagan, kung saan matatagpuan din ang mga
tampok na kabilang ang mga interes ng mga kababaihan, kalusugan ng pamilya, tahanan, mga
alagang hayop at fashion.
May pakinabang ba kung sasabihin dito na nagkaroon ng maraming debate tungkol sa pagdagdag
ng bilang ng sentimentro ng kolum upang ilaan sa Lifestyle, o, kung minsan tinatawag na,
konsumidor o serbisyong tampok. Sa isang punto, ang mabilis na pagtaas na ito ay sumasalamin
sa katunyan na, bilang isang sambayanan, karamihan sa atin ay mayroong hindi kinakaailangan
na kita kaysa sa ano mang ibang panahon sa kasaysayan, at, sa labis na perang maaring gastusin,
ang mga tampok na ito ay nagbibigay serbisyo sa pamamagitan ng pagsabi sa atin kung paano
natin gagamitin an gating pera sa mas angkop na paraan, mas masinop at mas kalugod-lugod.
Para sa mga namumuno sa media, ang mga ganitong tampok ay ang katumbas ng pang-
ekonomiyang hulog ng langit, dahil sila ay kadalasang sinasamahan ng mga kaugnayan sa pag-
aanunsiyo. – kung titignan natin, halimbawa, ang mga pahina sa pista o bakasyon, mga ari-arian
at motor ads sa mga karagdagang palaman sa mga dyaryo para sa katupusan ng lingo. Sa loob
mismo, ito ay hindi nakapag-aalinlangan sapagkat ang media ay bihira lamang tumutugon sa
mga pangangailangan at kagustuhan ng madla at “walang miyembro ng mga mambabasa ang
pinipilit sa … pagbasa … ng kahit ano mang laban sa kanilang kagustuhan.” (McNair 2001: 48).
Sa katunayan, sa kuro-kuro ng mga mamamagayag na nagtatrabaho sa paggawa ng mga nasabing
tampok, hindi maipagkakaila na sila ay nasisiraan ng bait dahil tumutulong silang pangalagaan
ang pinansyal na ikinabubuhay ng pahayagan kung saan nagsusulat ang mga mamamahayag.
Ang mga theorist, sa kabilang banda, sa halip ay mas nababahala sa kanilang pagsasaalang-alang
bilang pangkalahatang pagwawalang saysay ng peryodismo at paglipat ng empasis mula sa
“kahalagahan at kaibuturan ukol sa katanyagan” (ibid.: 45). Totoo, maaari itong pagtalunan,
ayon kay Professor Bob Franklin, ng paaralan ng pamamahayag sa Cardiff University, “ang
news media ay unti-unting naging bahagi ng industriya ng libangan” (Franklin 1997: 4). Subalit,
tulad ng sinasabi ni McNair, sa nakararami “ang ilang mga anekdota, ang isang maliit na
kahihiyan, ang isang maliit na tsismis ay bahagi ng pagikot ng mundo.” Dagdag dito, sinabi niya
na, “ang pagtaas ng konsumidor at antas ng pamumuhay ay maaaring madaling ipaliwanang na
positibong impluwensiya sa peryodismong adyenda sa pagtaas ng peminismo, na nagdadala ng
bagong tanaw para sa minsang idinispatsa na mga “isyu ng kababaihan” (McNair 2001: 47, 48).
Sa wakas, ang mga personal na pahayag ay isa pang bahagi ng paghalo ng tampok. Ang mga ito
ay maaring saklaw sa pantay-pantay at balanseng pagpuna o pagsusuring mga piyesa ng alin man
sa abante o “op ed” (literal, kabaligtaran ng editoryal) na pahina. Sa “this-is-my-life-warts-and-
all” lifestyle columns, halimbawa, si David Ward ng Pontefract and Casteford Express at ang
mga personal na paghuhumiyaw na, sabihin nating kay, Julie Burchill.
Ang Birmingham Post ay nagbibigay ng mula sa walo hanggang sampung pahina ng tampok
araw-araw. Sabi ng isang pantugot na si Sid Langley, ang tampok ay maaaring kahit anon a hindi
balita at kabilang ang mga binase sa balita at karaniwang tampok; opinyon, komentaryo at mga
pagsusuri: ang mga artikulo tungkol sa sining, kultura, pagkain, alak, repaso; TV listings; at ang
pahina para sa mga sulat. Sa kalagitnaan ng lingo ay nakagagawa na ng isang 24-pahina, tabloid
insert devoted to lifestyle features; ang 48-pahina tungkol sa property supplement ay nayayari
tuwing Biyernes; at ang 12 hanggang 16-pahina na seksyon para sa katapusan ng lingo ay may
kulay na tila halo sa isang magazine na mga tampok kabilang ang mga “profile”, at mga artikulo
tungkol sa pagkain, alak, pamamasyal, tses, kalusugan ng pamilya at mga antigo.
Ang mga malalaking pahayagan ay may departamento na para lamang sa Feature Section, at ito
ay pinangungunahan ng isa o dalawang patnugot at ang mga manunulat. May mga spesyalista rin
sila na nagsusulat ukol sa mga bagay na higit silang mayroong kaalaman. Pero madalas, ang
pangkalahatang ay kailangang mag-ambag ng balita.
Sa mga maliliit na pahayagan naman, walang departamento ang nakalaan para sa Feature
Section, ang features ay nanggagaling mula sa kanilang mga manunulat. Samantalang, sa mga
malalaking pahayagan, madalas mayroong mga freelance journalist at guest writers na
nagbibigay ng kanilang kontribusyon, kung minsan malimit o di kaya araw-araw.
GLOSARYO:
Sa kanyang pagsalin nakita na posible ang pagsasalin ng kahit anong artikulong Ingles sa
Tagalog. Napansin ko na ang bawat talata ay may magandang pagkonekta sa nauna at susunod
na talata. Ang struktura ng mga pangungusap ay malapit sa orihinal na teksto. Minsan nga lang,
may ibang salitang medyo malayo at mali ang pagkagamit.