You are on page 1of 51

PANIMULANG

LINGGWISTIKA

BSEd FILIPINO II

2009
PASASALAMAT

Buong-puso naming pasasalamat kay Bb.Elsie V. Tillor, ang napakaaktibo naming guro
sa Filipino Major 2 – Panimulang Linggwistika, sa kanyang paghikayat na isakatuparan ang aklat
na ito.
At gayundin sa aming mga magulang, kaibigan at sa Poong Maykapal na siyang
nagbibigay lakas at inspirasyon na nakatulong nang sa pagkakabuo ng aklat na ito.
PANIMULA

Isang pagmamalaki naming mga may-akda ang makatugon sa utos ng aming guro na si
Bb. Elsie V. Tillor tungkol sa aming asignaturang Filipino Major 2 – Panimulang Linggwistika .
Layunin naming makabahagi sa kinakailangan ng aming mga kapwa mag-aaral sa
kasalukuyan at sa hinaharap. Sinikap naming maipaloob sa aklat na ito ang iba’t ibang paksang
panglinggwistika. Naniniwala kami sa pamamagitan ng pagsasanib ng makabagong balarila, ang
kakayahang (1) bumasa, (2) umunawa, (3) magsalita at (4) sumulat ng mga mag-aaral ay
madaling malilinang.
Sinadya naming huwag maging saklaw ang pagtatalakay sa ilang paksa upang sa gayo’y
maging daan naman ito ng mga mag-aaral na maatasan ang kanilang mga sarili ng wastong
pananaliksik.
Isa ring paghamon sa mga mag-aaral na gawing mabisa ang pagtatalakay sa mga paksang
naririto upang maging kawili-wili at kapaki-pakinabang ang lahat ng nilalaman ng aklat na ito.

BSEd – FILIPINO II
2009-2010
PAGTUTUKOY NG KAHULUGAN

Denotasyon

Ang tawag sa kahulugang galing sa diksyunaryo. Tinatawag din na aktwal na


kahulugan.

Halimbawa: Ibili mo nga ako ng balimbing sa palengke.

Ang salitang balimbing sa pangungusap na ito ay nangangahulugang prutas.

Konotasyon

Ang tawag sa kahulugang iba sa kahulugang mababasa sa diksyunaryo.


Kadalasan, ito ay nagbibigay ng matalinghagang kahulugan.

Halimbawa: Huwag mong iboto ang ang pulitikong balimbing.

Ang salitang balimbing ay sa pangungusap na ito ay nangangahulugang


palipat-lipat o paiba-iba ang kinakampihan.

Ang konotasyon ay maari ring tawaging:

 Pahayag na Idyomatiko

Pahayag na hindi literal ang kahulugan ng mga salita o di-tuwiran ang


kahulugan.

Halimbawa: magbanat ng buto (nagtatrabaho nang mabuti)


hindi masikmura (hindi matanggap)

 Patayutay na Pananalita

Pahayag na sadyang lumilihis sa karaniwang paraan ng pagpapahayag nang


ang pahayag ay magawang maganda at kaakit-akit.

Halimbawa: kinakalawang na ang utak (mahina ang kakayahan)


kamay na bakal (malupit na pakikitungo)

 Eupemistikong Pananalita

Pananalitang ipinapalit sa mga salitang maaaring makasakit ng damdamin.

Halimbawa: binawian ng buhay (namatay)


balat sibuyas (maramdamin)
 Makulay/Masining na Pananalita

Pananalitang karaniwang ginagamit ng mga makata na may kakaiba ngunit


maganda ang paglalarawan.

Halimbawa: mala-makopang pisngi (kulay rosas ang pisngi)

Ekstensyon

Ito ay Tumutukoy sa lahat ng paksa maging isahan man o maramihan na


nagtataglay ng mga katangiang isinasaad ng pangkalahatang kaisipan.

Halimbawa:

PILIPINO

TSINO MALAY
ASYANO

INDONESYO

MUSIKERO

RETRATISTA ISKULTOR
ARTISTA

MANUNULAT

Ang salitang Asyano ay may mga ekstensyong “Pilipino”, “Tsino”, “Malay” at


“Indonesyo”. Ang salitang artista ay may mga ekstensyong “musikero”, “retratista”,
“manunulat” at “iskultor”.
Intensyon

Pagpapakahulugan ng isipan ayon sa katotohanan.

 Unang Intensyon

Kaisipang inilalahad ang kalikasan o uri ng isang bagay sa kung ano ang
malimit na makikita sa pisikal na katotohanan.

Halimbawa: Ang mga penggwin ay hindi lumilipad.


Ang leon ay isang mabangis na hayop.

 Ikalawang Intensyon

Kaisipang inilalahad ang ibang paraan ng pagpapakahulugan kung saan


nauunawan ng isipan ang uri o kalikasan ng isang bagay ayon sa lohikal na
katotohanan.

Halimbawa: Ang puso ay punla ng pag-ibig.


Ang ina ay ilaw ng tahanan.

Komponensyal Analisis

Tumutukoy sa paglalarawan ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng


nabuong set ng sematikang katangian. Ipinapakita rito ang pagiging “meron”, “wala”
at “kaibahan” ng katangian ng isang bagay. Tinatawag din itong feature analysis o
contrast analysis.

Halimbawa:
tao (man) = [ + lalaki ], [ + nasa hustong gulang na ]
babae (woman) = [ - lalaki ], [+ nasa hustong gulang na ]
batang lalaki (boy) = [ + lalaki ], [ - nasa hustong gulang na ]
batang babae (girl) = [ - lalaki ], [- nasa hustong gulang na ]
bata (child) = [+/- lalaki], [- nasa hustong gulang na ]

Sa madaling sabi, ang salitang babae (girl) ay maaaring magkaroon ng tatlong


semantikang katangian; tao (human), bata (young) at babae (female).
MGA PANDIWANG DI-KARANIWAN

Pandiwang di-karaniwan ang tawag sa mga pandiwang nagkakaroon ng mga


pagbabagong morpoponimeko o ito yong mga pandiwang hindi sumusunod sa pangkaraniwang
tuntunin ng palapantigan at paglalapi.

Paalala:
Pagbabagong morpoponimeko ay tumutukoy
sa pagbabago ng morpema na taglay ng kanyang
kapaligiran, anumang pagbabagong mapapansin natin
sa isang morpema ay bunga ng impluwensya ng
kapaligiran. Anumang maliit na salitang ikakabit nito
ay nakaimpluwensiya sa pagbabagong anyo ng
morpema.

Pitong uri

1.) Maypalit – ito ay ang pagkakaroon ng pagpapalit ng titik sa loob ng pandiwa,


ngunit hindi lang pagpapalit ang nagaganap dito, mayroon ring isa o
higit pang titik na nakakaltas.

Halimbawa:
Ang mga sumusunod na ponema ay nagpapalitan na di nagbabago
ang kahulugan gaya ng:

Salitang – ugat + panlapi Di-karaniwang anyo ng pawatas

Lakad + in = lakadin lakarin


Sunod + in = Sunudin sunurin
Tawa + han = tawahan tawanan
Halili + han = halilihan halinhan
Kuha + in = kukunin kunin

2.) Maykaltas ( Sunscope ) – ito ay nangangahulugangang pagkawala ng isang


ponema o morpema sa isang salita . Ito ay magaganap kung ang
huling ponemang patinig ng salitang – ugat na hinuhulapian ay
nawawala.
 Narito ang ilang hal.ng mga pandiwang di – karaniwan na ma- pagkakaltas ng ponema o
mga ponema

Salitang – ugat + Panlapi Di – karaniwang anyo ng pawatas

Hali + an = halikan halkan


Bili + han = bilihan bilhan
Palit + an = palitan paltan
Sara + han = sarahan sarhan
Takip + an = takipan takpan
Buhos + an = buhusan busan
Dumi + han = dumihan dumhan

3.) Maylipat (Metathesis)


Ito ay paglilipat ng titk sa loob ng isang salita. Tinatawag din itong paglilipat.
Makikita ito sa paglilipatan ng posisyon ng ponema. Ang mga salitang ugat na
nagsisimula sa / I / at / y / na ginigitlapian ng / in / ay magkakaroon ng paglilipat ng posiston ng /
n / at ng / I / at / y /. At mayroon din titik na
nawawala.

Halimbawa:

Salitang – ugat + Panlapi Di – karaniwang anyo ng pawatas

Tanim + an = taniman tamnan


Talab + an = talaban tablan
Silid + an = sidlan sidlan
Atip + an = atipan aptan
Lagay + in = linagay nilagay
( l ) + in+ agay
Yari + in -y + in + ari = yinari niyari
Yaya + in = yinaya niyaya
Lipad + in = linipad nilipad

4.) Maypungos ( Apostrope ) – May nawawalang titik o pantig sa unahan na berb.

Halimbawa:
Magpadala Padala
Pakahigpitan Higpitan
Magpahanap Pahanap

5.) Maytulad ( Paragoge ) – May nawawalang titik sa hulihan ng pandiwa / berb.


Halimbawa:
Halkan - Halki
Takpan - Takpi
Buksan _ buksi

6.) May paningit ( epenthesis ) – Mga pandiwa / berb na nagkakaroon ng paningit na titik na
salita.

Halimbawa:
Kilalahin --- Kilalahin
Abalahin --- Abalahin
Pagkakaisahan --- Pagkakaisahan

7.) May-angkop ( hypology ) – makikita ditto ang pag-iisa ng dalawang magkasunod na


berb at nagkakaroon ng kaltas o palit sa anumang berb.

Halimbawa:
Tayo na – kana
Hintay ka – teka
Hayaan mo – namo

Paalala:

Sa talaan ng mga halimbawa na ibinigay sa itaas ay mapapansing nagaganap lamang sa


mga pandiwang di -
Karaniwan ang mga pagbabagong morpoponemiko kung ito ay ginagamitan ng
panlaping – an / - han
Maging ito man ay nag – iisa o may kasamahang iba pang panlapi…
MORPOSINTAKS

Ang pagpili ng wasto at angkop na salitang gagamitin sa isang pahayag na hindi lumilihis
sa tunay na nakis ipahayag ng pangungusap. Ito ay ang paglakip ng tumpak na salita upang
mas maging kaaya-aya at kaakit-akit pakinggan ang isang pahayag.

Halimbawa:

mataas-matangos

Di-wasto: Mataas ang ilong ng pinsang kong Amerikano.


Wasto: Matangos ang ilong ng pinsan kong Amerikano.

mainit-maalinsangan

Di-wasto: Ang silid nina Karen at Judy ay mainit.


Wasto: Ang silid nina Karen at Judy ay maalinsangan.

mataas-matangkad

Di-wasto: Higit na mataas si Raul kaysa kay Robert.


Wasto: Higit na matangkad si Raul kaysa kay Robert.

matingkad-maliwaang

Di-wasto: Lubhang matingkad ang mga ebidensiya ng abogado.


Wasto: Lubhang maliwanag ang mga ebidensiya ng abogado.

matalas-matalim

Di-wasto: Ang batang si Lito ay matalim kung mag-isip.


Wasto: Ang batang si Lito ay matalas kung mag-isip.
MGA PANURING

PANG-URI
Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pangngalan at panghalip.
Ipinakikita ang katangian o bilang ng isang bagay, tao, lunan o pangyayari.

URI NG PANG-URI

*Panlarawan
Ito ang mga likas na pang-uri na iniuugnay sa mga pangngalan na nagpapahayag
ng katangiang taglay ng salitang binibigyang turing.

Halimbawa:

1. Malungkot si Adel sa nangyari sa kapatid.


2. Si Juan ay mapagsamantala at abusado.
3. Masayang-masaya si Inday nang dumating ang matandang si Allen.

*Pamilang
Ito ay nagpapahayag ng bilang o halaga, tiyak man o hindi ng mga pangngalan
at panghalip

Halimbawa:

Tiyak

1. Tatlong baroto ang dala ni Matet.


2. Dalawang libo ang kinita nina Adel.

Di-Tiyak

1. Pulutong ng mga kadete ang sumalubong.


2. Buwig ng saging ang pasalubong niya.

URI NG PAMILANG

*Pamilang Na Patakaran O Pamilang Na Kardinal


Ito ang likas at basal na mga bilang na pinagbabatayan ng tawag ng iba’t ibang
uri ng pagbibilang.

Halimbawa: isa apatnapu


Labingwalo dalawang daan
Dalawampu isang angaw
Tatlumpu’t isa pitong daan
*Pamilang Na Panunuran O Pamilang Na Ordinal
Ito’y ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay atbp.
May panlapi itong ika-, o pang- atbp.

Halimbawa:

Ikalima panglima
Ikasiyam pansiyam
Ikalabing-isa panlabing-isa
Ikaisang daan at isa pang-isang daan at isa

KAILANAN NG PANG-URI

*Isahan
Ito ay ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan. Ang anyong isahan ay
naipapakita sa paggamit ng panlaping pang-isa, tulad ng ma-, ka-, pang-,atbp, ng walang
pag-uulit ng salitang-ugat o walang panandang mga, o iba pang salitang nagsasaad ng bilang
na higit sa isa.

Halimbawa:

1. Maligayang pamilya ang pamilyang malusog.


2. Kapalagayang-loob ko siya.

*Dalawahan
Ito ay ginagamit kung dalawa ang inilalarawan. Ginagamit ang mga panlaping
magka-, magsing-, magkasing-, o sa paggamit ng pamilang na dalawa o ng salitang
kapwa.

Halimbawa:

1. Magkamukha ang magkapatid na Mike at Choy.


2. Kapwa dalubhasang mangingisda ang mga binatang iyon.

*Maramihan
Ito ay ginagamit kung higit sa dalawa ang inilalarawan. Ginagamit ang
pantukoy na mga, sa pag-uulit ng pantig na -na- at –ka- sa mga panlaping magka- at
magkasing-, o sa paggamit ng sallitang nagsasaad ng bilang na higit sa dalawa.

Halimbawa:

1. Mga mapagkakatiwalaang kawaksi sa bahay ang mga iyan.


2. Magkakasimbilis ang mga kabayo na alaga niya.
KAYARIAN NG PANG-URI

*Payak
- ang pang-uri kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi.

Halimbawa:

1. Mataba ang alaga naming baboy.


2. Ang bahay namin ay malapit sa punong Akasya.

*Maylapi
- ang pang-uri kung binubuo ng salitang –ugat na may panlapi. Panlaping makauri
ang tawag sa mga panlaping ginagamit sa pagbubuo ng pang-uri. Pinakagamitin ang
mga panlaping ka-, kay-, ma-, maka-, at mala-.

Halimbawa:

1. Dahil sa pag-ibig niya sa kalikasan, masasabi kong siya ay makakalikasan.


2. Ang tiyan ng matanda ay malalobo sa laki.

*Inuulit
- salitang-ugat o salitang maylapi na may pag-uulit. Maaaring ganap o di-ganap ang
pag-uulit.

Halimbawa:

Pag-uulit na Ganap Pag-uulit na Di-Ganap

Ang puti-puti ng damit ni Tolits. Maliliit ang alaga kong pusa.

*Tambalan
- ang pang-uri kung binubuo ng dalawang salitang pinag-isa. Ang mga ganitong pang-
uri ay maaaring may kahulugang karaniwan o patalinghaga.

Halimbawa:

Karaniwang kahulugan

Biglang-yaman ang pamilya ko nang manalo si nanay sa lotto.

Patalinghagang kahulugan

Balat-sibuyas ang nakababata kong kapatid.


KAANTASAN NG PANG-URI

*Lantay*
- ito’y tuwirang nagbibiga-turing sa pangngalan o panghalip na inaabayan, at wala ng
iba. Walang paghahambing na nangyari.

Halimbawa:

Maligayang lahat ang mga busero at mangangabog.

*Pahambing
-kung ang pang-uri ay nagtutulad sa dalawang tao o bagay, ang paghahambing ay
maaaring magkatulad o di-magkatulad.

A. Magkatulad – patas at walang lamangan; ginagamit ang magsing-, kasing, atbp. at


mga salitang tulad, kawangis atbp.

Halimbawa: Kasingganda ng birhen si Nora.

B. Di-Magkatulad – maaaring palamang o pasahol.

B.1. Palamang – nakahihigit ng katangian sa pinagtutularan.

Halimbawa: Higit na marunong si Linda kaysa kay Nene.

B.2. Pasahol – sahol o kulang o may kaliitan at kababaan sa pinagtutularan.

Halimbawa: Di-lubhang mataas ang marka ko na gaya ng marka mo.

*Pasukdol
- nagpapahayag ng kataasang uri o katangiang namumukod sa lahat. Ginagamit ang
panlaping napaka-, at pinaka-, pag-uulit ng salita at mga katagang ubod ng, labis, hari
ng, at sukdulan ng.

Halimbawa: Ubod ng yabang ang taong iyan.


PANDIWA (VERB)

• Bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw.


• Ito ang nagbibigay diwa sa isang pangungusap.
• Ito’y binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa tulad ng mga, um ,in, hin, an, han,
mak, maki, ma, magsi, at iba pa.

Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan

1. PANDIWANG PALIPAT(transitive verb)

Ang mga parirala ay nasa tuwirang layon at pinangungunahan ng pang-ukol


na ng, sa at kay. Kapag ang pandiwa ay may tuwirang layon, ito ay pandiwang palipat

Palipat
Ang pandiwa kapag ito ay may tuwirang layon na tumatanggap ng kilos. Ang
layong itoy pinangungunahan ng, mga, sa, sa mga, kay, at kinang. Ito ay may simuno
at tuwirang layon.

Mga halimbawa:

1. Bumili ng baging telebisyon ang nanay sa Makati.


2. Ang tubero ay nag-aayos ng tubo sa aming bahay.
3. Nakinig kay Elvis Presley ang mga bata bago sila sumayaw.
4. Naglinis ng kwarto si Delia.

2. PANDIWANG KATAWANIN (intransitive verb)

Kung ang pandiwa’y hindi na kailangan ng tuwirang layon at nagtataglay ng


kahulugang buo sa ganang sarili kaya’t hindi na kailangan ang tagatanggap ng kilos,
ito ay tintawag na pandiwang katawanin.

Katawanin
Ang mga pandiwa kapag walang tuwirang layong tumatanggap ng kilos.ang
pandiwa ay nakatatayong mag- isa. Ito ay may simuno ngunit walang layong
tumatanggap

Mga halimbawa:

1. Pareho silang naghahanap.


2. Nag-ipon sin sila.
3. Gumagawa sina Mang Ben at Mang Lino.
4.Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay
ASPEKTO NG PANDIWA

Perpektibo
Nasimulan na at natapos na ang kilos.

Halimbawa:

Nagsaliksik ako tungkol sa AIDS.

Imperpektibo
Nasimulan na subalit hindi pa tapos ang kilos.

Halimbawa:

Nagsasaliksik ako tungkol sa AIDS.

Kontemplatibo
Hindi pa nasisimulan ang kilos .

Halimbawa:

Magsasaliksik ako tungkol sa AIDS.


MGA PANG- ANGKOP

 Ay mga katagang nag-uuganay sa panuring at salitang tinuturingan.


 Ito ang katuturang pangkayarian nito.

Ang dalawang pang-angkop sa Filipino :

1. ang + na

 ang simbolong (+) sa + na ay nangangahulugang ang pang-angkop na


na ay hindi ikinakabit sa salitang inaangkupan.

 Ginagamit ito kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa ponemang katinig


maliban sa /n/.

2. ang – ng

 nag simbolong (–) sa – ng ay nangangahulugang ang pang-angkop ay


ikinakabit sa salitang inaangkupan.

 Ginagamit ito kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa tunog na patinig o


sa ponemang /n/.

Halimbawa:

1. May mga bagong alkaldeng hinirang ang Pangulo ng Bansa.

2. Para sa matatag na ekonomiya ng bansa, kailangang maging higit na malaki ang


produksyon ng pagkain.

3. Dapat na magtanim pa ng mga halamang namumunga.

Mapapansing sa mga salitang kail;angang at halamang ay amy pagbabagong


morpoponemikong naganap. Ang huling ponema, /n/, ng mga salitang ito ay naasimilang pang-
angkop na –ng.
TEMATIK NA TUNTUNIN (PAMPAKAY PAPEL)

Ito ay semantikong relasyon sa pagitan ng isang tambalan at ng isang


argumento ng isang pangungusap.

Mga uri ng Tematik na Tuntunin:

1. AGENTS
Isang kalahok na kung saan ang kahulagan ng pandiwa ay tumutukoy
bilang paggawa o nagiging sanhi ng isang bagay.

Halimbawa: Kinain ni Shira ang sorbetes.


Sumulat si Lito ng liham para kay Lloyd.

2. EXPERIENCER
Isang kalahok na nagbibigay kamalayan ng isang bagay.

Halimbawa: Maraming tao ang takot sa ahas.


Masaya si Rochie sa pagdating ni Kyle.

3. TEMA
Isang kalahok na nagbibigay ng pagbabago sa kanyang posisyon o kondisyon,
o bilang ng isang istado o posisyon.

Halimbawa: Gustong ipadala ni Cecile ang sobre sa simbahan.


Ang susing ito ang gagamiting pambukas ng pinto sa bahay.

4. PASYENTE
Isang kalahok na kung saan ang isang bagay ay nangyari na at bilang
maapektuhan na kung ano ang mangyayari sa mga ito.

Halimbawa: Nahulog ang naglalakihang bato kung kaya’t nasira ang


karsada.
Nagkaroon ng malakas na ulan datapwa’t sinuspende ang
klase.

5. INSTRUMENT
Isang kalahok na ginagamit upang isagawa ang aksyon.

Halimbawa:. Tumugtog si ng Torete gamit ang kanyang gitara.


Sumakay si Joanna ng dyipney papuntang paaralan.
6. MAGING SANHI NG-
Mindlessly gumaganap ng aksyon.

Halimbawa: Nasira ng Avalanche ang lumang templo.


Namatay lahat ng Kamatis dahil sa pagsulpot ng epidemya.

7. LOKASYON
Saan nangyari ang aksyon.

Halimbawa: Si Lovereign at Jehreign ay nag-aaral sa Cebu Normal


University.
Si Rose ay nagpunta sa palengke.

8. LAYUNIN
Kung ano ang itinuturo ng aksyon.

Halimbawa: Ang caravan ay patuloy na nagtungo sa malalayong lugar.


Laging nakatingin sa malayo si Jan.

9. PINAGMULAN
Kung saan buhat ang aksyon.

Halimbawa: Ang libro ay ibenenta ng Rex bookstore.


Ang rocket ay inilunsad ng Central Command.
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO = tawag sa anumang pagbabago ng
morpema na taglay ng kanyang kapaligiran. Ang anumang maliit na sa salitang ikakabit
nito ay nakaimpluwensiya sa pagbabagong anyo ng morpema.

1. ASIMILASYON
Nagbabago ang panlaping pang kapag kinakabitan ng mga salitang-ugat na nagsisimula
sa letrang d,l,r,s,t, at ito’y magiging pan. Sa kabilang dako naman, ito ay magiging pam kapag
ang ikinakabit sa mga salitang-ugat ay nagsisimula sa p at b. mananatiling pang ang panlaping
ito kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa mga letrang hindi nabanggit. Ang pagbabagong
nangyari sa salita ay tinatawag na asimilasyon.

a. Asimilasyong Parsyal
Ito ay mapapansin sa sa pagbabagong naganap sa isang morpema sanhi ng
posisyong pinal na sinusundan ng mga salitang nagsisimula sa bigkas na pailong. Ang /n/
ng /pang/ ay nagging /m/ o /n/ at mangyayari ay manatili /n/ ayon sa kasunod na tunog.
/pang/ + takas = pantakas
/pang/ + lagay = panlagay
/pang/ + babae = pambabae
Mapapansin sa mga halimbawa sa itaas ang asimilasyong nangyari ay di-ganap o
asimilasyong parsyal. Minsan lamang ang pagbabagong naganap.
b. Asimilasyong Ganap
Taglay ang asimilasyong ganap kung ang unang ponemang inuunlapian ay
naasimilang ganap ng tunog ng panlapi. Mapapamnsin ito sa panlaping /pam/ na
inuunlapian sa ponemang /p/ tulad ng patay o pasigla. Ang tunog na /p/ sa patay ay
naasimila ng ponemang /m/ ng /pam/ kaya; sa halip na bigkasing pampatay ay nagging
pamatay. Ito ay nagpapakita ng asimilasyong ganap. Ang mga salitang pantakot at
pansukat ay mga parsyal samakatuwid, dalawang beses ang pag-aasimila sa asimilasyong
ganap.
/pang/ + takot = pantakot = PANAKOT
/pang/ + sukat = pansukat = PANUKAT
Hindi lahat ng mga salitang nagsisimula sa /p,b.s.t/ ay nagkakaroon ng asimilasyong
ganap. Ang mga salitang-ugat na inuunlapian ay mananatili ang anyo nito gaya ng:
pampalakas = hindi pamalakas
pambarko = hindi pamarko

2.PAGPAPALIT NG PONEMA
Ang mga sumusunod na mga ponema ay nagpapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan
gaya ng:

/o/ at /u/ /d/ at /r/


Bago + bago = bagung-bago ma + dami = marami
Damo + damo = damung-damo ma + damot = maramot

/e/ at /i/ /h/ at /n/


Putahe + ng = putahing-putahe/ putahi tawa + han = tawanan
Pan + lalaki = panlalake/ panlalaki talo + han = talunan
3. METATESIS
Ito ay paglilipat ng titik sa loob ng isang salita. Tinatawag din itong paglilipat. Makikita
ito sa pagpapalitan ng posisyon ng ponem. Ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ at /y/
ginigitlapian ng posiyon ng /in/ ay magkaroon ng paglilipat ng pusisyon ng /n/ at ng /l/ at /y/.

Lagay + in >l + in + agay > linagay = NILAGAY


Yari + in > y + in + ari > yinari = NIYARI
Tanim + an > taniman = TAMNAN

4. PAGKAKALTAS NG PONEMA
Ito ay nangangahulugang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Ito ay
magaganap kung ang huling ponema o morpema sa isang salita. Ito ay magaganap kung ang
huling patinig ng salitang-ugat na hinuhunlapian ay nawawala.

Dakip + in > dakipin = DAKPIN


Takip + an > takipan = TAKPAN

5. PAGLILIPAT-DIIN
Nagbabago ang diin sa pagbabago ng mga panlaping ginagamit. Maari itong malipat ng
isa o dalawang pantig tungo sa huling pantig o isang pantig sa unahan ng salita.

Ka+ ginhawa + an = KAGINHAWAAN


Ka + tapat + an = KATAPATAN

6. PAGSUSUDLONG
Nanganhulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat.

Ka + totoo + han + an = KATOTOHANAN


Alala + han + in = ALALAHANIN

7. PAG-AANGKOP
Sa pagbabagong ito, pinagsama ang dalawang salita upang makabuo ng isang bagong
salita. Hindi maiiwasan na magkaroon ito ng pagkakaltas upang mapaikli ang anyo ng nabuong
bagong salita.

Hintay + ka = TEKA
Hayaan + mo = HAMO

SOURCE:

Leyson, Godfrey M., et. al. 2008. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Sta. Ana, Manila:
ACCORD Printing Press
PANG-UGNAY = ito ay salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap,
Maaaring salita, dalawang parirala, o dalawang sugnay.
3 Ang Mga Pang-ugnay:
1. Pangatnig
2. Pang-angkop
3. Pang-ukol

PANGATNIG = ito ang tawag sa kataga na nag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala
sa
kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay.

May 7 Uri Ng Pangatnig:


1. Pamukod
2. Panubali
3. Paninsay
4. Pananhi
5. Panapos
6. Panlinaw
7. Panimbang

PAMUKOD = Ginagamit ito sa pagpili, pagtatakwil, pagbubukod o pagtanggi.


[ o, ni man, maging ]
♥ Siya ba o ikaw ang tutulungan ko.
♥Gustuhin ko man, hindi pwede may lakad ako mamaya.

PANUBALI = Nagsasabi ito ng pag-aalinlangan. Nangangailangan din ng paliwanag


[ kung, kapag, pag, sakali, disin sana ]
♥ Kung uulan, hindi ako sasama.
♥ Sakaling may bayad, hindi nalang kami tutuloy.

PANINSAY = Ginagamit ito kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawa
[ ngunit, datapwat, kahiman, subalit, bagaman, samantala, kahit ]
♥ Gwapo nga siya subalit suplado naman.
♥ Kahit wala siyang pera, nalusutan nya ang kanyang mga problema.

PANANHI = Nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran, para sa pagkanap ng kilos. Panagot sa


tanong
na BAKIT at nagbibigay ng katuwiran o kadahilanan.
[ dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari ]
♥ Namaos siya dahil sa pagkanta.
♥ Naghihirap sila ngayon sapagkat nasunug ang kanilang bahay.

PANAPOS = Nagpapahuwatig ng nalalapit na katapusan sa pagsasalita


[ upang, sa lahat ng ito, sa di kawasa, sa bagay na ito ]
♥ Hindi na siya nagsalita upang matapos ang lahat.
♥ Sa di kawasa ang pulong ay tinapos na.
PANLINAW = Ginagamit ito upang ipaliwang ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.
[ anupa’t, kung gayon, samakatuwid, kaya, sa kabilang dako ]
♥ Marami akong pera at bahay samakatuwid ako ay mayaman.
♥ Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.

PANIMBANG = Ginagamit sa pahayag ng karagdagang isipan


[ at, saka, pati ]
♥ Wala na syang kaibigan at mapagkakatiwalaan.
♥ Maunlad na si Tom ngayon, may trabaho saka may sariling bahay na.

AILENE L. ARDIZA

Source:

Javier, Nora D.,et.al.1999. TIMBULAN II Batayang Aklat. Marikina City: FOUR J ARTS, INC.
Wika

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang
ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin
itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga
hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga
sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Mga katangian ng wika:

1. may balangkas
- Ako ay nag aaral sa de la sale college of saint benilde.
(may masistemang ayos ang mga salita sa isang pangungusap)

2. binubuo ng makahulugang tunog


- Gumagamit ang mga tao ng piling tunog upang magkaroon ng kahulugan ang wika.

3. pinipili at isinasa-ayos
- Madali ang pag aaral kung ikaw ay matiyaga.

4. arbitraryo
- Laging nagbabago ang wika ayon sa panahon.

5. nakabatay sa kultura
- Tagalog ang isa sa pinaka ginagamit na wika ditto sa Pilipinas.

6. ginagamit
- Ang wika ay parte ng pang araw-araw na buhay natin.

7. kagila-gilagis
- Ang wika ay may kakayahan na umakit ng mga tao.

8. makapangyarihan
- Ang wika ay nakaka-kontrol ng pagiisip ng isang indibidual.

9. may antas
- Ang wika ay nahahati sa apat na uri.

10.may pulitika
- Nakakahatak ng impluwensya ang pagsasalita.
10. Ginagamit araw-araw
- lahat tayo ay gumagamit ng wika upang maipahay natin ang atin mga layunin araw-araw.
Linggwistika

Ang linggwistika ay ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang linggwista ang mga
dalubhasa dito. Maaaring isadiwa ang pag-aaral ng linggwistika sa tatlong malalaking aksis,
isinisalarawan ang kanyang mga dulo ng sumusunod:

• Synchronic at diachronic - Binabahala ng synchronic na pag-aaral ng wika ang kanyang


anyo sa isang bigay na sandali samantala sinasakop ng diachronic na pag-aaral ang
kasaysayan ng isang (grupo ng) wika at ang pagbabago ng kayarian sa palipas ng
panahon.

• Teoretiko at nilapat - Binabahala ng linggwistikang teoretiko ang mga framework para


isalarawan ang kanya-kanyang wika at teoriya tungkol sa unibersal na aspekto ng wika
samantala ang nilalapat ng linggwistikang nilapat ang mga teoriyang ito sa ibang
larangan.

• Kontekstwal at malaya - Binabahala ng linggwistikang kontekstwal kung papaano


iangkop ang wika sa mundo: ang kanyang tungkulin sa lipunan, paano ito nakuha, paano
ito nilikha at namataan. Binabahala naman ng malayang linggwistika ang wika para sa
kanyang sariling kapakinabangan, maliban sa panlabas na kaugnay na wika.
MGA GAMIT NG WIKA

Etnolinggwistiks

• ay isang larangan ng wikang panganthropolohiya na pag-aaral ang relasyon sa


pagitan ng mga wika at kultura, at ang paraan ng iba't-ibang grupo ng etniko
mahalata ng mundo Isang kilalang (ngunit pinagtatalunan) ethnolinguistic na paksa
ay ang Sapir-Whorf haka, na nagsasabing pang-unawa ay limitado lamang sa
pamamagitan ng kung ano ang maaaring inilalarawan sa sariling wika.
• pag-aaral sa paraan sa pang-unawa at konseptong impluwensya ng wika, at ipakita
kung paano ito naaayon sa iba't ibang kultura at lipunan. Ang isang halimbawa ay
ang paraan ng malapad orientation ay ipinahayag sa iba't-ibang kultura (Bernd Heine
1997, Yi-Fu Tuan 1974).

http://en.wikipedia.org/wiki/Ethnolinguistics
Sosyolinggwistiks

• ay ang pag-aaral ng epekto ng anumang aspeto ng lipunan, kabilang ang mga kultura
kaugalian, inaasahan, at sa konteksto, sa wika na paraan ay ginamit.

• naiiba mula sa sosyolohiya ng mga wika na ang mga sentro ng sociolinguistics ay


ang epekto ng lipunan sa mga wika, habang ang focus sa huli ay sa bisa ng wika sa
ang lipunan.

• Ito rin ay pag-aaral kung paano ang wikang varieties sa pagitan ng mga grupo ay
pinaghihiwalay ng mga tiyak na sosyal na variable, halimbawa, lahi, relihiyon,
katayuan, kasarian, antas ng pag-aaral, edad, atbp, at kung paano binuo at malasakit
sa mga tuntunin ay ginagamit upang bigyan ang mga tao ng lipunan o socioeconomic
classes.

• Sociolinguistics ay ang sangay , na pinag-aaralan ang epekto ng lipunan sa mga wika


nito sa mga tuntunin ng lahi, relihiyon, katayuan, kasarian, edukasyon, edad, atbp

http://en.wikipedia.org/wiki/Sociolinguistics
Saykolinggwistiks

• sikolohiya ng wika ay ang pag-aaral ng sikolohiya at neurobiological sa kadahilanan


na paganahin ang mga tao para makakuha, gamitin, maunawaan at gumawa ng mga
wika. Paunang forays sa psycholinguistics ay higit na pangpilosopo , dahil unang-
unadahil sa kakulangan ng datus sa kung paano ang utak ng tao ay gumagana Sa
ngayon may mga pananaliksik sa paggamit ng biology, neuroscience, cognitive
science, at impormasyon ng teorya sa pag-aaral kung paano ang utak ang proseso ng
wika.
• Psycholinguistics sumasaklaw sa proseso ng pag-unawa na gumawa ng mga posible
sa pagbuo ng isang panggramatika at makahulugang pangungusap sa labas ng
bokabularyo at panggramatika istruktura, pati na rin ang proseso na ito posible na
maunawaan utterances, salita, text, etc. Developmental psycholinguistics pag-aaral ng
kakayahan ng mga bata upang malaman ang wika .

http://en.wikipedia.org/wiki/Psycholinguistics
Ang Morpema

Ang morpema ay pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang salita
ay binubuo ng pinagsama-samang pantig. Hindi lahat ng pinagsama-samang pantig ay
makakabuo ng salita.Ang morpemang di-malaya ay tinatawag ding panlapi. Ang morpemang
malaya ay tinatawag ding salitang ugat.

Halimbawa:

1.Morpema di-malaya
ma-, mag-, -um-, -in

2.Morpemang Malaya
galing, sipag, linis, linaw, dilim, dasal

3.Morpemang Di-malaya + Salitang Ugat


Unlaping nag- + salitang ugat = nagdasal
Gitlaping –um- + salitang ugat = bumili
Hulaping -in + salitang ugat = linisin
SINTAKS

Ang pagaaral ng pagbubuo ng mga pangungusap o sentens ang tinatawag na sintaks.Dalawang


uri ang pangungusap sa Filipino.

1. pagpapanaguri/pridekeyt at
2. di-pagpapanaguri/non-predikeyt

A..Ang Pagpapanaguri
Tinatawag na pagpapanaguri ang pangungusap na may simuno/sabjekt/tapik/paksa at
panaguri/koment/predikeyt.Ang panaguriang nagsasaad ng tungkol sa simuno.
Ang simuno
Napag aralan na sa dakong una ng aklat una ng aklat na ang ay nagpapakilala sa simuno at
ipinakita na rin ang mga panghalili sa nga panghalip panao at pamatlig.

Maaring Pariralang nominal (pangngalan at panghalip),panguri,pandiwa,pangabay, ekstensyal, o


pang-ukol ang simuno.Pinangunahan ito ng marker na ang Parirala ang tawag salipon ng mga
salitang walang simuno't panaguri.

a.) Pariralang Nominal


Nagkaisa ang mga taong bayan
Nagkaisa sina Juan

b)Pariralang Panguri
kailangan ang matalino
Si haring Solomon ang matalino
c)Pariralang Pang-ukol
Awa ang nasa Diyos
Gawa ang nasa tao
d)Pariralang Eksistensyal
Mabuti rin ang may sasakyan
Mainam ang may sariling bahay

e)Pariralang Pandiwa
Madali ang magsalita
Mahirap ang gumawa

f)Pariralang Pangabay
Paghandaan natin ang bukas
Kalimutan natin ang kahapon

(Itinuturi na ring parirala ang isang salita dahil sa pagbabalangkas ng mga pangungusap makikita
ay pang-ilalim na istruktura noon sa hindi talagang iisang salita iyon.)

B. Ang Panaguri
Maaring pariralang berbal o di-berbal ang panag-uri ng mga pangungusap.
a.Pariralang Di-berbal
Tinatawag na pariralang di-berbal ang mga pariralang pangngalan o panghalip, pang-uri, pang-
abay, pang-uk0ol at ekistensyal.

1)Pariralang Pangngalan
Anawnser si Rey Langit
Presidente si Gng.reyes

2)Pariralang Panghalip
Ikaw ang may sala
Ito ang katarungan
3)Pariralang Pang-uri
Masinop si Deny.
Sa kanila ang pangaral

4)Pariralang Pang-ukol
Nasa tao ang gawa
Sa kanila ang pangaral

5)Pariralang Pang-abay
Patalikod ang lapit niya
Patingkayad ang lapit niya.
6)Pariralang Ekestensyal
Mayroon nga sila
Wala na ang pag-asa ' nya.
Sa pariralang berbal dapat talakayin ng muli abg tungkol sa pokus at komplemento ng paniwa
Naiiba ang pandiwa dahil nababanghay ito, nababago ang anyo batay sa aspekto, depende sa
pokus ang nagiging panlapi nito.Kabilang sa komplenton na pangungusap ang (1) aktor na
siyang gumagawa ng kilos.(2) gol na siyang tumatanggap ng kilos (3) lokatib na siyang pook na
pinangyarihan,(4)direksyunal na siyang pinag-uukulan, (5) benepaktib na siyang pinaglalaanan,
(6) instrumental na siyang kagamitan sa pagsasakilos at (7) kawsatib na siyang kadahilanan ng
kilos at (8) resiprokal.
PANG-UKOL

Ang pang-ukol ay bahagi ng panalitang nagpapakilala ng kaugnayan ng isang pangngalan, o


panghalip sa ibang salita sa loob ng pangungusap.

Mga halimbawa na pang-ukol:

sa kina
ay nina
ng
ni
kay

1. Ang lapis sa kahon ay akin.

Sa unang pangungusap, ipinakikilala ng pang-ukol na sa ang kaugnayan ng lapis sa kahon. Ang


kahon ay siyang layon ng pang-ukol na sa.

2. And damit ni Dora ay bago.


Sa ikalawang pangungusap , ipinakikilala ng pang-ukol na ni ang kaugnayan ng damit ni
Dora. Si Dora ay siyang layon ng pang-ukol na ni.

3. Ang piso kay Gil ay nawala.

Sa ikatlong pangungusap, ipinakikilala ng pang-ukol na kay ang kaugnayan ng piso kay Gil. Si
Gil ay siyang layon ng pang-ukol na kay.

4. Sila ay sumulat ng salaysay.

Sa ikaapat na pangungusap, ipinakikilala na pang-ukol na ng ang kaugnayan ng sumulat ng


salaysay. Ang salaysay ay siyang layon ng pang-ukol na ng.

May mga pang-ukol na mahigit sa isa, ngunit karaniwang sinasamahan ng sa o ng sa at ng,


gayon din, ng kay o sa at ni.

Mga Halimbawa:

ayon sa, ayon kay, ayon kina sa gilid ng


laban sa, laban kay, laban kina sa likuran ng
para sa, para kay, para kina sa tabi ng
ukol sa, ukol kay, ukol kina
sa tabi ng, sa tabi ni, sa tabi nina
alinsunod sa, alinsunod kay
hinggil sa, hinggil kay
labag sa, sa kabila ng
ukol kay, ukol sa sa harap ng
ayon kay, sa ibabaw ng

PARIRALANG PANG-UKOL

Ang pariralang pang-ukol ay binubuo ng pang-ukol at layon nito. Ang layon ng pang-ukol ay
maaaring pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

1. Ang prutas ay inilagay sa ibabaw ng mesa ni Karen.

Sa unang pangungusap, ang sa ibabaw ng mesa ang pariralang pang-ukol dito. At ang layon ng
pang-ukol naman ay ang mesa.

2. Tinuruan kami ng aming magulang ng ayon sa kagandahang asal.

Sa ikalawang pangungusap, ang ng ayon sa kagandahang asal ang pariralang pang-ukol dito. At
ang layon ng pang-ukol naman ay ang kagandahang asal.

3. Bumili si Karen ng bagong damit..

Sa ikatlong pangungusap, ang ng bagong damit ang pariralang pang-ukol dito. At ang layon ng
pang-ukol naman ay ang bagong damit.

4. Ang aming guro ay nagtatalumpati ng tungkol sa wika.

Sa ikaapat na pangungusap, ang ng tungkol sa wika ang pariralang pang-ukol dito. At ang layon
ng pang-ukol naman ay ang wika.

5. Hindi gumagawa ng labag sa batas ang aming pamilya.

Sa ikalimang pangungusap, ang ng labag sa batas ang pariralang pang-ukol dito. At ang layon
ng pang-ukol naman ay ang batas.
I.
DEPINISYON NG KOMUNIKASYON

Napakahalaga ng komunikasyon sa buhay bawat individual. Iba-iba ang


pagpapakahulugan ng mga manunulat at mga dalubhasa sa pakikipagtalastasan o komunikasyon.
Narito ang ilan sa kanila.

• Ang salitang komunikasyon ay pagsasa-Filipino ng salitang Ingles na communication na


hango sa salitang Latin na “communis” at nangangahulugang panlahat o para sa lath ng tao
ang komunikasyon.

• Ito ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang


pakikipag-uganayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan batay sa katuturan ni
Webster.

• Ito ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinion, o inpormasyon sa pamamgitan ng


pagsasalita, pagsusulat o pagsenyas ayon sa American College Dictionary nina Barnheart.

• Ito ay napiling pagtugon ng organismo sa anumang bagay na nangangailangan ng pagkilos o


reaksyon ayon sa isang sikologo.

• Ito ay pakikibahagi ng tao sa mga Gawain at kalakaran ng buhay sa pamamagitan ng umiiral


na mga tuntunin ayon sa mga dalubwika.

Samakatuwid, ang komunikasyon ay isang proseso ng pagbibigay at pagtanggap ng mga


impormasyon, kaalaman, kaisipan, pati na ang saloobin, impresyon, kuro-kuro at damdamin.

MGA URI NG PROSESONG PANGKOMUNIKASYON

Ang komunikasyon ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa


pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal o di berbal. Saklaw ng proseso ng
komunikasyon ang sumusunod na mga uri:

A. Komunikasyong Intrapersonal
• Ito ay komunikasyong nagaganap sa internal nating katauhan gaya ng pagbubulong sa
sarili, pag-iisip, pag-aalala, at ibang pakiramdam.
B. Kominikasyong Interpersonal
• Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao at maliit na pangkat. Ito rin
ang pinakakaraniwang uri ng komunikasyong nagaganap sa ating paligid.
C. Komunikasyong Pangmadla o Pampubliko
• Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa o malaking pangkat ng mga tao gaya
ng pagtatalumpati sa harap ng mga tao, panonod ng telebisyon o pelikula, pakikinig sa
radio, pagbabasa ng magazine, aklat o dyaryo.
URI NG KOMUNIKASYON

Madaling makikilala ang pagkakaiba ng dalawang uri ng komunikasyon. Ang


komunikasyong berbal ay tumutukoy sa lahat ng uri ng nasusulat at sinasalita samantalang ang
di-berbal naman au tumutugon sa lahat ng aspetong hindi ginagamitan ng salita.

BERBAL
- ay ang paggamit ng wikang sinasalita o sinusulat. Ito ay ginagamitan ng mga tunog at
pingasama-samang mga salitang tao na nakapagpapalitan ng mga pahayag o
pangungusap sa komunikasyon. Karaniwang ginagawa sa pag-uusap o dayalog,
paglelektyur, pagtatalumpati, pagbabati, pag-aaway at iba pa.
- pagpapaliatan at pakikipag-uasp sa pamamgitan ng pasalitang pagpapahayag.

DI-BERBAL
- ito ay maaring sa paggamitng galaw o kilos ng katawan, ekspresyon ng mukha gaya
ngpagpangiti, pagsmangot, pagtango, pag-iling, pagngiwi; ang mga simbolo at
senyas, paggalaw ng mga mata gaya ng pagkinda, pagmulagat; tunog; kulay; galaw
ng mga kamayat iba pang paraang ginagamit upang maipahatid natin ang gusting
maiparating.

II.

MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT

Katutran at Kahalagahan ng Pagsulat

Makrong kasanayan sa pagsulat :


- isang anyo o kasanayang komunikasyon.
- ay isang kontinuwum ng mga Gawain sa pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto
ng pagsulat sa isang banda at nang mas kompleks na Gawain ng paglikha sa
kabilang dulo .
- ay isang gawaing nag-uugat mula sa pagtamo ng kasanayan (skill –getting)
hanngang ang mga kasanayang ito ay aktwal na magagamit (skill-using).
- ito ay isang multidimensyonal na proseso.
- Ito’y isang prosesong pangkaisipan na nangangailangan ng maingat na pagpili at
pag-ayos ng kaisipan at karanasang naaayon sa layunin ng nagpapahayag.
- Ito ay isang sistema para sa komunikasyog interpersonal na gumagamit na simbolo.

PROSESO NG PAGSULAT

Isang proseso ang pagsusulat at dalawa ang direksyon nito : una, upang tuklasin sa sarili
ang kakayahang makapagpapahayag ng ideya dahil ito’y mekanikal lamang at basta lalabas ang
alam ng gustong sabihin, ikalawa, upang makabuo ng sulating naaayon sa pagkasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnayan ng mga kaisipan.

Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot ditto
ang manunulat sa pag-iisip, pagtatalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsusulat, pag-eedit at
pagsulat muli sa nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at
pagkatapos ay pagsulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin.

Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel patungo sa isang
kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng
mga kailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabi niyang mahirap ang
magsulat at lalong mahirap ito kung hindi natin alam an gating isusulat.

MGA YUGTO SA PROSESO NG PAGSULAT

A. Bago Sumulat (Prewriting)

- ang prewriting ay isang istratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang
hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay
maaring ginagawa nang isahan o nang pangkatan.

Ang unang yugto ng pagsulat ay naisasagawa ayon sa sumusunod na paraan:

a. Pumili ng paksa
b. Alamin ang tiyak na layunin sa pagsulat at ang tiyak na babasa nito.

B. Pagsulat ng Burador (Draft Writing)

- ito’y aktwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinaalang-alang ang maaaring


pagkakamali.

C. Muling Pagsulat (Rewriting )

1. Pagrebisa
2. Pag-eedit

D. Panghuling Pagsulat

- dito isinagawa ang maingat ng magpatnubay-wasto (proofread) kung kontento na sa


nilalaman ng katha. Itama ang maling gramatika at gamit ng mga salita, pagmamalaking titik sa
mga ngalang tangi, bantas at baybay.

Mga Patnubay sa Huling Pagsulat

a. tama ang baybay ng mga salita. Konsultahin ang diksyunaryo kung nagdududa.
b. tama ba ang kayarian ng mga pangungusap ?
c. ang paggamit ng malaking titik sa mga pangangalang pantangi
d. iasaalang-alang ang mga bantas.

E. Paglalathala (Publishing)

-ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na tagabasa. Kabilang sa


Gawain ito ang mga sumusunod:

• Pagbabasa sa klase ng kanilang sinulat


• Pakikinig sa pagbasa ng iba
• Paggawa ng isang buklet o album ng kalipunan ng mga sinulat
• Pagdidispley sa bulletin bord na mga naisulat na akda.
• Paglalathala ng mga napiling sulatinsa pahayagang pangkampus.

BIBLIOGAFI :

Alcaraz, Cid V. et. al. 2005. Filipino I Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City:
Adriana Printing Co., Inc.

Leyson, Lededica D. et. al. 2003. Komunikasyon sa Akademinkong Filipino. Manila: Accord
Printing Press.
Kasaysayan
Page history last edited by GREG 1 yr ago

Mga Probisyong Pangwika sa Saligang-Batas

• Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal


na wika ng Pilipinas.

• Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila
ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

• Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang


tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na
tatawaging Filipino

• Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino


Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184
na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13,
1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting
batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang Kongreso ay


gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang
katutubo.”

Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de
Veyra ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang
maliit na silid sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito:
napatira sa Silid Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang, nalipat sa
Philippine Columbian, at noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre Faura.
Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal School (naging College at ngayo’y
University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na Paaralang Mapa noong 1946.
Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago napunta sa Philippine School at Arts and
Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila.

Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong


Tatag ng 1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay
nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong
1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang noo’y Ministri (ngayo’y
Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat ang
SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue,
Lungsod Quezon.
Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng
Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng
Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng
Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg.
7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-
ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng


pagbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t
ibang tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek. 14-g).

Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng


Pangulo ng Pilipinas at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng Gusaling
Watson, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel, Maynila.

Mga Naging Direktor/Tagapangulo Surian ng Wikang Pambansa, Linangan ng mga Wika


sa Pilipinas at Komisyon sa Wikang Filipino

RICARDO MA. DURAN NOLASCO(2006-Kasalukuyan).

Guro, iskolar at linggwista. Nakatuon sa ang komitment sa multilinggwal na adhikain. Ang


katwiran nito ay ibinatay sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga
Pilipino. Ang kasalukuyang administrasyon ng KWF ay naniniwala sa napakalaking
bentahe ng pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika sa halip na isang
disbentahe. Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang
mamamayan sa daigdig ay hindi lang iisa ang alam na wika. Kinikilala ng KWF ang
kahalagahan ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino – ang katutubong wika para sa
literasiya at edukasyon ng mga mamamayan, etnikong pangangailangan at pang-araw-
araw na gamit; ang wikang pambansa para sa pambansang kamalayan, pagkakaunawaan,
pakikipag-ugnayan at pagkakakilanlan; at ang mga wikang pang-ibayong dagat na
tutugon sa pangangailangan ng wika ng malawak na komunikasyon (language of wider
communication) at wika ng ugnayang pang-internasyonal.

Kaugnay ng bagong bisyon ng KWF, nagkaroon ito ng mga bagong programa at proyekto,
tulad ng mga sumusunod: pinalalakas nito ang mga programa sa leksikograpiya;
programa sa balarila ng Pilipinas; programa sa ponolohiya, ponetika at ortograpiya;
pambansang programa sa pagsasalin; proyekto sa sa pagmamapa ng mga wika sa
Pilipinas; proyekto sa bibliograpiya ng mga wika sa Pilipinas; programa para sa
endangered languages; corpus ng mga wika sa Pilipinas. Sinisikap ng KWF na itayo ang
Library at Archives of Philippine languages; napataas ang kantidad at kalidad ng mga
publikasyon; nagdadaos ng mga seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad na
pang-edukasyon; pinapaganda ang website; nagkakaloob ng mga research grants o
tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga research grants; nagtatayo ng
mga language councils sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga kakayahang pang-IT at
pampananaliksik, at higit sa lahat sinisikap na magkaroon ng sarili tahanan at gusali ng
wika.

NITA P. BUENAOBRA (1999-2006)

Guro at manunulat. Binigyang tuon ang pagpapatibay sa mga proyekto ng mga


Panrehiyong Sentro sa Wikang Filipino (PSWF) sa bawat etnolinggwistikong rehiyon na
nakabase sa isang pang-estadong unibersidad o kolehiyo. Binigyang pagpapahalaga at
pansin ang mga rehiyunal na wika sa pamamagitan ng paghanda/pagbuo ng mga
diksyunaryong traylinggwal.
PONCIANO B.P. PINEDA (1970-1999).

Manunulat, guro, linggwista at abogada. Tatlong rebolusyonaryong pagbabago ang


ibinunsod ng SWP sa kanyang pangunguna: ang Edukasyong Bilinggwal noong 1974, ang
wikang Filipino na ang nucleus ay Pilipino (na unang inlunsad noong 1983 at naging
batayan ng probisyong pangwika ng Konstitusyon ng 1986) at ang Alpabetong Filipino na
pinagtibay noong 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong
kapuluan.

JOSE VILLA PANGANIBAN (1955-1970) (1946-1947)

Makata, lexicographer at linggwista. Pinagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng wika.


Nagdaos ng mga pasanayan sa korespondensya opisyal sa buong bansa. Binalikat ang
pagsasalin at pananaliksik. Bunga nito ang paggamit ng wikang pambansa sa mga
diploma, pasaporte, atb. Nailathala ang English- Tagalog Dictionary na sinimulan sa pana-
hon ng panunungkulan ni Cirio H. Panganiban, at sinimulan ang talasalitaan ng walong
pangunahing wika sa Pilipinas. Noong 1959, ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog ay
tinawag na Pilipino.

CECILIO LOPEZ (1954-1955)


Iskolar at linggwista. Binigyang-diin ang linggwistika at pinasigla ang makabagong
linggwistikong pag-aaral sa wikang pambansa at iba pang mga katutubong wika sa
Pilipinas.

CIRIO H. PANGANIBAN (1948-1954)

Manunulat, makata, mandudula, abogado. lpinagpatuloy ang diksyunaryong pinasimulan ng kan-


yang sinundan. Pinasimulan ang paghahanda ng mga ispesyalisadong talasalitaan, tulad ng Legal
Terms, Arithmetical and GeometrIcal Terms at iba pa. Binuong muli ang Lupong Sanggunian ng
SWP.

JULIAN CRUZ BALMACEDA (1947-1948)

Mandudula, makata, nobelista. Nakapagpalimbag ng mga panayam at inumpisahan ang paggawa


ng Diksiyunaryong Tagalog.
LOPE K. SANTOS (1941-1946)

Makata, mandudula, nobelista, lider manggagawa at pulitiko. Pinasigla ang pagsusulat sa


wikang pambansa. Nagdaos ng mga seminar at pasanayan sa paggamit ng wikang pambansa sa
UP, PNU at iba pa. Ang mga dokumento at palatastasan ng pamahalaan ay isinalin at ang opisyal
na Gazatte ay inilathala sa wikang pambansa.

JAIME C. DE VEYRA (1937-1941)

Unang direktor at "tagapagtatag ng wikang pambansa." Sa panahon ng kanyang panunungkulan,


pinag-aralan ang mga wika sa PIlipinas upang piliin ang isa sa mga ito na magiging batayan ng
wikang pambansa. Napili ang Tagalog at naghanda ng gramatika at bokabularyo ng nasabing
wika na inilathala noong 1940.

Ebolusyon ng Wikang Pambansa

• Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang
magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang
taon matapos itong mapagtibay.

• Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at


pribadong paaralan sa buong bansa.

• Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang
Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang
opisyal.
• Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang
Pilipino upnag mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang pambansang Pilipino” o
“Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

• Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon ng 1987


na nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi
pinaghalu-halong sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may
nukleyus, ang Pilipino o Tagalog.

Ebolusyon ng Alpabetong Filipino

Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili nang palatitikan ang ating mga
ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig.
Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano.
Noong 1940, sa kanyang Balarila ng Wlkang Pumbansa, binuo ni Lope K. Santos ang Abakada,
na may 20 titik:
a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y
Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na
binubuo ng 31 letra:
a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n ñ ng o p q r rr s t u v w x v z
Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon, muling nireporma ng SWP ang alpabetong Filipino at
mga tuntunin ng palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-
unlad at paglaganap ng wikang pambansa. Matapos ang seryengmga simposyum at sangguniang
pulong na dinaluhan ng mga linggwista, edukador, guro, manunulat at iskolar ng wika, nabuo
ang sumusunodna Alpabetong Filipino, na may 28 letra:
a b c d e f g h i j k I m n ñ ng o p q r s t u v w x y z
Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan ang patuloy
na development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa Filipino. Itinaguyod ng
rebisyong ito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa
panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong
karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z. Sa rebisyong ito, sinasabi na
pinaluwag ang paggamit ng walong dagdag na letra. Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng
lahat ng hiram na salita anuman ang barayti nito kasama ang hindi pormal at hindi teknikal na
barayti, o iyong tinatawag na karaniwang salita.
Gayunpaman, nagkaroon ng maraming negatibong reaksyon at feedback mula sa mga guro,
estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika sa 2001 rebisyon sa ispeling. Kaugnay nito,
noong Oktubre 9, 2006 ang Kagawaran ng Edukasyon sa kahilingan ng KWF ay nagpalabas ng
isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon ng
Alfabeto at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”.
Noong Agosto, 2007, inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa na
binuo ng KWF sa pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro, dalubhasa sa wika,
superbisor sa Filipino at sa mga larangang ito sa buong bansa noong 2007 hanggang 2007. ang
pinal na bersyon ng patnubay ay ipalalabas ng KWF bago matapos ang 2007.
Ponolohiya (Phonology) - Tatlong Salik sa Pagsasalita (Three factors in Speaking)
1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga (pressure
created when exhaling)
2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (Vocal)
3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang
itinuturing na resonador (modifies the sound. The mouth and nasal passageway are considered as
resonators.)

Ponolohiya ng Filipino
PONEMA (Phoneme) - isang makabuluhang tunog.

Ang Filipino ay may 20 ponema. 15 ang katinig at 5 ang patinig


"katinig means consonant and patinig means vowel"

Mga katinig:
Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P, M
Pangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, T
Panggilagid (sounds produced by the gums) - L, R, S
Pangngalangala (sounds produced by the throat) - K, G, Ng, W
Pasutsot (sounds produced by exhaling) - H
Mga Patinig:
A, E, I, O, U

Diptonggo (Dipthong) - alin man patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y.

Halimbawa (Example):
aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy.

Halimbawang salita (Example word):


bahaw, bahay, okoy, baliw

Kayarian ng mga Salita

[baguhin] Payak

Ito ay ang salitang-ugat lamang.

Halimbawa:
basa, tulog, init

[baguhin] Inuulit

Ito ay kung inuulit ang kabuuan nito ang isa o higit pang patinig. Dalawa ang uri ng pag-uulit.
[baguhin] Pag-uulit na ganap

Ito ay ang inuulit ang salitang-ugat.

Halimbawa:
araw-araw
gabi-gabi

[baguhin] Pag-uulit na di-ganap

Ito ay ang inuulit ay bahagi lamang ng salita.

Halimbawa:
kakanta
lalakad
lulundag

] [baguhinMaylapi

Ito ay binubuo ng salitang-ugat na may isa o higit pang panlapi.

[baguhin] Unlapi

ito naman ay ang mga salitang mayroong panlapi sa unahan ng salita. (ma-, ni-, etc.)

[baguhin] Hulapi

ito ay mga salita na dinadagdagan ng mga panlapi tulad ng ng -in,-an,-han.


Semantik na Relasyon na Kahulugan ng Salita at Pangungusap
. Sa pangungusap, ang bawat salitang ginagamit ay may tiyak na
kahulugan. Maaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali
ang gamit ng salita. Maraming salita sa Filipino ang nagkakapalitan ng
gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-uunawa sa kahulugan ng salita at
gamit nito sa pangungusap. At dahil ditto, nagkakaroon tuloy ng kamalian at
hindi malinaw na pagpakahulugan sa mensahe o pahayag.
. Kapag maayos ang gamit ng salita sa isang pangungusap,
mauunawaan ng tagapakinig at tagabasa kung ano ang ipakahulugan ng
nagawang pangungusap. Dahil semantik na relasyon ng kahulugan ng salita
at pangungusap ang pinag-uusapan, kailangang maipakita ang pagkakaugnay
nila upang maipahayag o maibigay ang tamang diwa o kahulugan ng
pangungusap.

HALIMBAWA:
1. A. Hindi sumipot ang kausap ko kahapon.
B. Hindi sumulpot ang kausap ko kahapon.
. Mas makakabuti kung ang salitang sumipot ang gagamitin
sapagkat ang salitang yaon ay mas angkop at mas magandang
pakinggan at mas maiintindihan at mas maunawaan kung ano and
dapat ipabatid. Dahil kung pagbabasihan natin ang kahulugan sa
unang pangungusap, talagang naroroon ang diwa na wala talagang
nakipagkita kaysa pangalawa na pwede naming magkaroon ng
kahulugan na maaring nandyan subalit sa hindi sa pasulpot na paraan.

REFERENCE:

BATAYANG LINGGWISTIKA EDISYON 2005


Irma V. Ugot, Ed. D
AKADEMIKONG FILIPINO SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON
Bernales, Rolando A. e.al.2007
RETORIKA MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Bernales, Rolando A.
PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO

Makapangyarihan ang isang ideya. Maaari nitong aguhin ang kasaysayan,


gabayan o baguhin ang kapalaran ng mga tao at mga bansa. Ang mga ideyang
nagkaroon ng gayong kapangyarihan ay hindi nananatili lamang sa isipan ng
pinanggalingan niyon. Iyon ay mga ideyang nakarating sa isipan ng ibang tao at
naging makapangyarihang tagapakilos. Ang mga ideyang nanatili sa isipan ng may
likha niyon ay nanatiling inefektibo at kadalasang naglalaho na lamang kalaunan.
Samakatuwid, upang maging lalong makapangyarihan ang mga ideya,
kailangang maagapan ang mga ito ng isa pang kapangyarihan- ang kapangyarihan
ng komunikasyon.
Ayon kay Webster, ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng
ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Inilarawan naman nina
Greene at Petty, sa aklat nilang Developing Language Skills ang komunikasyon
bilang isang intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o
anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin
o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.
Mga Batayan sa matagumpay na Pagpapahayag
• Kahandaan ng sarili
• May tiyak na ideya o paksa
• Lawak ng kaisipan sa paksa o ideyang nais ipahayag
• Epektibo, kawili-wili at kaakit-akit

URI NG PAGPAPAHAYAG
1. Imformativ-
tumutukoy sa pagbibigay ng imformasyon tulad ng pag-uulat,
pagpapaliwanag, paglalahad, pagtukoy sa mahaagang pangyayari,
pagbibigay ng opinion o reaksyon at iba pa.
Hal.Nasa loob ng pamilya ang interacting and interdependent
personalities

2. Elisiting- tumutukoy sa paghingi ng sagot sa tanong.


Hal. Kasi hindi iyunfair di ba? Ilan tayong men dito?

3. Imformativ at Elisiting/ Elisiting at Imformativ


Nagpapahayag ng paghingi ng imformasyon at pagbigay ng
imformasyon/pagbigay ng imformasyon at paghingi ng
imformasyon
Hal. Why calls Rizal being a prophet?Alam nyo naman ang
propeta noon at ngayon ay iba.

4. Direktiv ito ay nagpapahayag ng pag-uutos o pakikiusap.


Hal. What? Pakiulit mo.

5. Expresiv- nagpapahayag ng positivo o negatibong saloobin gaya ng


tuwa, galit, paghanga, pagsang-ayon, pagsalungat, pagbibiro at iba pa.
Hal. He’s cute parang siyang si Rainer Castillo.

6. Kontak- nagpapakitya ng mga pahayag na nagpapahiwatig ng


pagsisimula, pagpapanatili at pagwawakas ng isang usapan
Hal. Actually, hindi naman siya ang gumawa noon.
So, ganito ang gagawin natin.

7. Pag-uulit –nagpapahayag ng pagbibigay-diin o paglilinaw sa


mensahe o pagtanggap sa mensahe
Hal. Do you have any reactions? Me reaksyon ba?
Narinig mo ba ako. Do you hear me?

8. Direktang Pahayag- ito ay tuwirang pagsipi o pagbigkas ng pahayag


ng isang tao.
Hal. Sabi na “ what men can do women can do.”
Sabi nila, “there is something inside.”

9. Inferring- nagpapahayag ng pag-aalinlangan o hangaring nais


mangyari sa hinaharap.
Hal. Well, maybe he said it kasi nabigla lang siya.
Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral to help my family.

You might also like