You are on page 1of 11

Sa Aking Mga Kababata

Ang ina ni Rizal, na may pagmamahal sa panitikan, ang nakapuna ng kanyang talino sa
pagsulat ng tula at hinikayat niya si Rizal na sumulat ng mga tula. Sa edad 8, isiunlat ni Rizal
ang una niyang tulang isinulat sa katutubong wika.

Namulat na si Rizal sa kung anong nangyayari sa kanyang paligid. Sa tulang ito inpinapakita
ni Rizal ang pagiging makabayan. Sa mga makabayang berso, ipinahayag niya na ang
taumbayan na tunay na nagmamahal sa sariling wika ang siyang makikipaglaban para sa
kalayaan tulad ng “ibong lumilipad nang pagkataas-taas para sa mga malawak na liparan”

Sa ganito ding edad, sa pag-sabi pa lamang na “Ang hindi magmahal sa kanyang salita,
mahigit sa hayop at malansang isda,” sa murang edad niyang ito, eh nandoon na ang pagigng
makabayan niya.

Mga Tulang Sinulat sa Ateneo. :

Mi Primera Inspiraction (Aking Unang Inspirasyon)

Ito’y ang karapat-dapat na maging unang tula na sinulat ni Rizal sa mga araw niya sa Ateneo
na inihandog niya sa kanyang ina noong kaarawan nito. Sinulat niya ito bago siya maging 14
noong 1874.
Bago ang taong ito, hindi siya sumusulat ng mga tula dahil nalulumbay ang puso niya sa
pagkakakapiit ng ina. Nanag makalaya na ang ina’y nag-umapaw sa tuwa’t ligaya ang kayang
puso

Noong 1875, inspired by Father Sanchez, isinulat niya ang iba pang mga tula
gaya ng :

Felicitacion (Maligayang Bati)


Hiniling ng kanyang mga kapatid upang batiin ang bayaw nilang si Antonio Lopez (asawa
ni Narcisa) noong Saint’s Day 1875.

El Embarque : Himno a la Flota de Magallanes


-ginawa ni Rizal noong siya ay nag-aaral sa Ateneo bilang isang pagsasanay sa pagsulat
ng tula.
-Para kay Rizal, isa itong kabayanihan, ang pagtatahak sa mapanganib na karagatan,
ang pagtuklas ng mga hindi pa natutuklasan para sa sariling bayan, at ang pananakop
sa mga ito para sa sariling bayan. Sa tulang ito, kahit na hindi Pilipinas at Pilipino ang
inilalarawan ni Rizal, makikita na ang pagiging pagka makabayan ni Rizal. Ang
pagmamahal ng mga mamamayan sa kanilang bayan. Ang pagsasakripisyo para sa
sariling bayan, ang pagiging isang bayani para sa sariling bayan.

Y Es Español : Elcano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo


-isinulat ni Rizal noong siya ay nasa Ateneo bilang isang pagsasanay sa kanyang
paggawa ng tula at pagsusulat.
-Para kay Rizal, si Elcano ay isang bayani ng Espanya, na ikinumpara niya sa Higante ng
Pyrenees, na kayang lagpasan ang hagupit ng bagyo kapag humadlang ito sa kanya.
Makikita dito na malawak na ang kaalaman ni Rizal, halimbawa sa paggamit niya ng
metapora na kultura ng mga Griyego sa paglagay ng laurel bilang pagpupunyagi sa mga
bayani nito.
El Combate : Urbiztondo, Terrir de Jolo
-ito ay tungkol sa bayani ng Espanya na naglalayong palawakin ang kaharian nito.
--Pinarangalan naman niya dito si Uzbitondo(mandirigma ng Espanya na nakipaglaban
sa mga Moro sa Jolo). Pinapalabas ni Rizal na napaka-tapang at napakagaling ni
Uzbitondo dahil natalo niya ang mga Moro, nasunog ang mga palasyo at kabahayan sa
Jolo, at napasuko si Mahumat na Sultan ng Jolo. Sa buong kasaysayan ng mga Moro sa
Pilipinas, si Uzbitondo lamang ang nakapagpatumba sa isang bayan ng mga Moro.

Noong 1876, nagsulat si Rizal ng mga tula base sa iba’t ibang mga paksa –
relihiyon, edukasyon, mga kababatang alaala at digmaan. Ang mga ss :

Un Recuerdo a Mi Pueblo (Isang Alaala Ng Aking Bayan)


-Minahal ni Rizal ang Calamba ng kanyang buong puso at kaluluwa. Noong 1876, noong
15 siya at nag-aaral sa Ateneo de Manila, naalala niya ang kanyang pinakamamahal na
bayan. Inalala niya ang mga masasayang araw ng kanyang kababata roon at inilathala
niya ito sa tulang ito.

Alianza Intima Entre la Religion y la Buena Educacion ( Malapit na Ugnayan ng


Relihiyon at Mabuting Edukasyon)

-15 lamang si Rizal ng isinulat niya ito. Pinangalanan ni Retana ang tulang ito bilang Alianza
intima entre la religion y la buena education.
*Retana – Si Wenceslao Retana ay isang mamamahayag na binabayaran ng mga prayle
upang manira sa mga makabayang Pilipino sa Europa. Hiningi ni Rizal ang paumanhin ni
Retana o ang duwelo. Hindi ito natuloy nang humingi ng tawad si Retana at hindi na
sumulat ng anumang mapanirang puri si Retana laban sa mga Pilipino. Isang kabalintunaan
na si Retana ang kauna-unahang sumulat ng aklat pangbiograpiya ni Rizal na may pamagat
na Vidas y Escritos de Dr. Jose Rizal.

Por la Educacion Recibe Lustre la Patria (Sa Edukasyon ay Matatamo ng Liwanag


ang Bansa)
-sinulat ni Rizal noong na sa pang-limang taon niya sa kurso patungo sa Bachelor of Arts
degree sa Ateneo Municipal
-pinapasyahan niya na na ang edukasyon ay ang pag-asa ng kalayaan para sa bansa. Taon
matapos siyang mapaligiran ng mga revolutiojnists in Europe at sa Pilipinas, iniwasan niya
ang dahas at nanatiling naniniwala sa edukasyon hindi lamang sa teoryo kundi sa
pamamagitan ng ehemplo. Hindi lamang siya ang best educated Malay kundi, isa sa mga
versatile scholars noong panahon nila sa kahit-anong lahi.

El Cautiverio y el Triunfo : Batalla de Lucena y Prision de Boabdil ( Ang


Pagkakabigo at ang Tagumpay : Ang Labanan ng Lucena at ang Pagkakakulong ng
Boadbil)
-martial poem na nagpapakita ng tagumpay ni Don Diego at pagkatalo at pagkabihag ng
Moslem Boadbil, huling Moorish sultan ng Dranada

La Entrada Triunfal de los Reyes Catolices en Granada (Ang Matagumpay na


Pagpasok ng Katolikong Monarkita sa Granada)
-inihahalintulad ng tulang ito ang matagumpay na pagpasok ni Haring Ferdinand at Reyna
Isabel patungo sa Granada, ang huling Moorish kuta sa Espanya.
Matapos ang isang taon, noong 1877, huling taon niya sa Ateneo, nagsulat pa siya
ng mga tula.

El Heroismo de Colon (Angkabayanihan ni Columbus)


-ang tulang ito’y pumupuri kay Columbus, ang tagapagtuklas ng Amerika

Colon y Juan II (Columbus at Juan II)


-ang tulang ito’y nagsasalaysay kung paano nawala ang katanyagan at yaman ng Haring
Juan II ng Portugal dahil hindi niya napinansiyahan ang mga panukalang ekspedisyon ni
Columbus sa Bagong Daigdig o Amerika.

Gran Consuelo en la Mayor Desdicha ( Ang Dakilang Konsuelo sa Dakilang


Kamalasan)
-isang alamat na patula tungkol sa trahedya ng ni Columbus

Un Dialogo Alusivo a la Despedida de los Colegiales (Isang Dialogo ng


Pamamaalam ng mga Mag-aaral)
-ito ang huling tulang isinulat ni Rizal sa Ateneo; ito’y makabagbag-damdaming tula ng
pamamaalam sa kanyang mga kaklase.

Mga Tula ni Rizal tungkol sa Edukasyon

Sa Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa (Por La Educacion; Education


Gives Luster To The Motherland)

-Bagaman tinedyer pa lamang si Rizal, mataas na ang pagpapahalaga niya para sa


edukasyon. Naniniwala siya sa mahalagang papel nito sa kaunlaran at kalagayan ng isang
bansa.

Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting Edukasyon


-ipinakita ni Rizal ang kahalagahan ng relihiyon sa edukasyon. Para sa kanya, ang
edukasyong hindi kumikilala sa Diyos at hindi tunay na Edukasyon.

Mga Relihiyosong Tula ni Rizal

Al Niño Jesus (Sa Sanggol na si Jesus)


-noong estudyante pa, ipinahayag ni Rizal ang kanyang debosyon sa pananampalatayang
Katoliko sa kanyang mga tula. Isa sa mga relihiyon niyang tula ay ang maikling oda na ito.
-Sinulat niya noong 1874, nang siya’y 14 na taong gulang.

A La Virgen Maria (Para sa Birheng Maria)


-walang petsa kung kalian isinulat ang tula. Maaaring isinulat ito pagkaraan ng kanyang oda
para sa Sanggol na si Jesus.
Noong 1879, nagkaroon ng paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-Literario ng
Maynila, isang samahan ng mga mahilig sa sining at panitikan. Naglaan ito ng
gantimpala para sa pinakamagandang tulang isinulat ng isang katutubo o mestiso.

A La Juventud Filipina (Para sa Kabataang Pilipino)


-noo’y 18 taong gulang si Rizal, nagsumite siya ng kanyang tulang pinamagatang “A La
Juventud Filipina”
-hinangaan siya ng Inampalan, na binubuo ng mga Espanyol at iginawad dito ang unang
gantimpala na isang pilak na panulat, hugis-pakpak at may dekorasyon na gintong laso.
Taos puso siyang binati ng mga dati niyang propesor sa Ateneo, mga kaibigan at kamag-
anak.
-ang tulang ito’y nagbibigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng magagandang berso,
hiniling ni Rizal sa kabataang Pilipino na imulat na ang mga mata sa nangyayari sa kanilang
paligid, na hayaang pumailanlang ang kanilang talino sa sining at agham at lagutin ang
tanikalang pumipigil sa diwa nila bilang tao.

Noong 1882, pagdating sa Madrid, sumapi si Rizal sa Circulo Hispano-Filipino,


isang samahan ng mga Espanyol at Pilipino.

Mi Piden Verson ( Hinilingan Nila Ako ng Berso)


- sinulat niya ito dahil nahilingan ang mga miyembro ng samahan magsulat.
- Itinula niya noong pagdiriwang ng mga Pilipino ng Bisperas ng Bagong Taon sa
Madrid noong 1882.
- Ibinuhos niya ang paghihinagpis ng kanyang puso sa malungkot na tulang ito.

A Las Flores de Heidelberg (Sa mga Bulaklak ng Heidelberg) - Abril 22, 1886

- pag-alala ni Rizal sa marikit nilang hardin sa Calamba


Noong 1887, nailathala ang Noli Me Tangere.

- ang kanser ng lipunan o Social Cancer


- Dahil sa pagbasa niya ng Uncle Toms Cabin ni Harriet beecher Stowe (Sinasabi rin
na naging inspirasyon niya rin sa pagsulat ang nobelang “The Wondering Jew” ni
Eugenio Sew.) na naglalarawan sa kaawa-awang kalagayan ng mga
pinagmalupitang alilang Negro, naisip ni Rizal na maghanda ng isang nobelang
maghahayag ng mga paghihirap ng mga kababayan sa ilalim ng mga mapang-
aping Espanyol.
- -Ang ilan sa mga dahilan ng kanyang pag-sulat ng Noli Me Tangere ay ipinaliwanag
niya sa isang liham kay Dr. Ferdinand Blumentritt, ang mga ito ay:
- Matugon ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa
bansa.
- Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga paniniwala, pag-asa,
mithiin o adhikain, karaingan at kalungkutan.
- Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginawang dahilan o sangkalan sa
paggawa ng masama.
- Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa di-tunay na relihiyo. Ang huli ay
gumamit ng pamahiin at banal na salita upang makuha ang salapi at mapaniwala
ang mga tao sa mga baga-bagay na mahirap matanggap.
- Mailantad ang kasamaang nakukubli sa karingalan ng pamahalaan.
- Mailarawan ang mga kamalian, masasamang hilig, kapintasan at kahirapan sa
buhay.
- Pagtatapos ng 1884 – Sinumulan at natapos ang kalahati ng Noli
- Paris, 1885 – pinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat ng Noli at natapos niya ang
kalahati ng pangalawang hati
- Alemanya – natapos niya ang huling sankapat
- Abril hanggang Hunyo 1886 – natapos ang huling kabanata
- Pebrero 1886 – ginawa ang huling rebisyon sa manuskrito
- Viola – tumustos sa pagpapalimbag ng Noli
- Pagkaraan ng Pasko, inayos ni Rizal ang Noli at para makatipid, tinanggal niya ang
kabanatang “Elias at Salome”
- Pebrero 21, 1887 – Natapos ang Noli at handa na upang mailathala
- Marso 21, 1887 – natapos ang paglilimbag ng Noli
- Marso 29, 1887 – binigay ni Rizal ang prueba ng Noli, panulat na ginamit niya at
komplementaryong sipi kay Viola, tanda ng pasasalamat
- Ang Pamagat ng Nobela – Ang katagang “Noli Me Tangere” ay isang pariralang
Latin na an gang ibig sabihin ay “Huwag Mo Akong Salingin”; nakuha ito sa Bibliya
- Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa bayang Pilipinas
Himno Al Trabajo (Awit sa Paggawa) - 1888
- ginawa para sa kaibigang humiling para sa paggunita ng pagiging villa o siyudad ng
bayang Lipa

Mga Isinulat sa London

Liham sa mga Dalaga ng Malolos - Pebrero 22, 1889


- sinulat sa kahilingan ni Del Pilar na purihin ang kadalagahan ng Malolos

La Vision del Fray Rodriguez (Ang Pananaw ni Padre Rodriguez)


- nailathala sa Barcelona sa ilalim ng kanyang sagisag-panulat na Dimasalang.
- Ipinakita ni Rizal ang dalawang bagay : (1) ang kanyang malalim at malawak na
kaalaman sa relihiyon at (2) ang kanyang matalim na satrika.

Sobre la Indolencia de los Filipinos (Ang Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino)


- Maayos na pagtatanggol sa katamaran ng mga Pilipino
- Naniwala si Rizal na hindi likas na tamad ang mga Pilipino
- Ginagaya lang daw ng mga Pilipino ang mga Espanyol (katulong, siesta)

Los Agricultores Filipinos (Mga Magsasakang Pilipino) Marso 25, 1889

- unang artikulo sa Noli


- Nailarawan niya ang kalunus-lunos na kalagayan sa Pilipinas na siyang sanhi ng
pagkaurong ng bansa.

Por Telefono (Ang Telepono) - 1889


- tugon sa isa pang nanunuligsa ng Noli, si Padre Salvador Font na nagpasimuno ng
pagbabawal ng Noli.
- Nailathala bilang polyeto sa Barcelona
- Inilarawan nito sa paraang nakatatawa ang pag-uusap sa telepono nina Padre Fonr,
na nasa Madrid, at ng padre probinsyal ng Kumbento ng San Agustin sa Maynila.
Ferdinand Blumentritt

- isang Alemanyang guro


- kauna-unahang kritiko ng mga isinulat ni Rizal
- isang Katoliko, ngunit siya ang nagsulat ng preface ng El Filibusterismo pagkatapos
niya isalin ang Noli Me Tangere sa wikang Alemanya

La Solidaridad

- pangalan ng lipunan ng mga Ilustrados sa Espanya na naghanap ng paraan


upang magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa Spanish Cortes
- pangalan ng diyaryo na sinimulang ilimbag noong Disyembre 13, 1888
- si Rizal ay nag-ambag ng mga sanaysay (essay), tula (poem) at editoryal
(editorial)
- maging rehiyon/probinsya ng Espanya ang Pilipinas
- representasyon/ kinatawan ng Pilipinas sa Spanish Cortes
• kalayaan sa pagpapahayag
• pantay-pantay na karapatan sa mga Pilipino at Kastila
• pagkakaroon ng mga Pilipinong pari sa mga parokya
- ”The Philippines is battling a double-faced Goliath – corrupt friars and bad
government.”
- Dr. Jose Rizal

Kontribusyon sa La Solidaridad (1889-1890)

- mahigit kumulang 25 ang mga naisulat ni Rizal para sa La Solidaridad


- ang mga isinulat ni Rizal ay nasa wikang Kastila, tulad ng halos lahat ng kanyang
mga nakaraang gawa

Mga gawa ni Rizal sa La Solidaridad:

A La Defensa (Para sa La Defensa) – Abril 30, 1889

- Ito ay tugon sa isang sulating laban sa mga Pilipino na isinulat ng isang Espanyol, si
Patricio de la Escosura, na nailathala sa La Defensa noong Marso 30, 1889.

La Verdad Para Todos (Ang Katotohanan para sa Lahat) – Mayo 31, 1889

- Ang pagtatanggol ni Rizal sa panunuligsa ng mga Espanyol na ang katutubong lokal


na opisyal ay ignorante at napakasama

Vicente Barrantes’ Teatro Tagalo – Hunyo 15, 1889

- Ibinunyag ni Rizal ang pagiging ignorante ni Barrantes tungkol sa sining panteatro


ng mga Tagalog.
Una Profanacion (Isang Paglalapastangan) – Hulyo 31, 1889

- Mapait na pagpuna sa mga prayle dahil sa pagtanggi nila ng Kristyanong paglibing


kay Mariano Herbosa sa Calamba dahil ito ay bayaw ni Rizal, asawa ni Lucia, na namatay sa
kolera noong Mayo 23, 1889.

Verdades Nuevas (Mga Bagong Katotohanan) – Hulyo 31, 1889

- Sagot sa liham ni Vicente Belloc Sanchez na nailathala sa La Patria, na


naninindigan na ang pagbibigay ng mga reporma sa Pilipinas ay bubuwag sa “mapayapa at
mapagkalingang pamamahala” ng mga prayle.

Crueldad (Mga Kalupitan) – Agosto 15, 1889

- Mahusay na pagtatanggol kay Blumentritt sa panunuligsa na kanyang mga kaaway.

Diferencias (Differences) – Setyembre 15, 1889

- Tugon sa artikulong “Matatandang Katotohanan” na nailathala sa La Patria, na


kinukutya ang mga Pilipinong nanghihingi ng mga reporma.

Inconsequencias (Mga Walang Halaga)

- Pagtatanggol kay Antonio Luna laban sa panunuligsa ni Pablo Mir Deas sa


pahayagang El Pueblo Soberano.

Llanto y Risas ( Mga Luha at Katatawanan)

- Pagtutol sa di-pantay-pantay na pagtrato ng mga Espanyol sa mga lahi at


mababang pagtingin sa mga Pilipino.

Binanggit ni Rizal sa kanyang artikulo kung paano ang mga manonood, na karamiha’y
binubuo ng mga Espanyol at mestiso, ay tumigil sa pagpapalakpak nang manalo siya ng
unang gantimpala sa isang timpalak pampanitikan noong 1880 dahil sa kanyang kulay-
kayumangging balat.

Ingratitudes (Kawalan ng Utang na Loob) – Enero 15, 1890

- Tugon kay Gob. Hen. Valeriano Weyler na habang bumibisita sa Calamba, ay


sinabihan ang taumbayan na “di nila dapat payagan ang sarili na malinlang ng mga
bungkag na pangako ng kanilang mga walang utang na loob na anak.”
Filipinas Dentro de Cien Años (The Philippines Within One Hundred Years/ The
Philippines: A Century Hence) – Setyembre 30, Oktubre 31, Disyembre 15, 1889 at Pebrero
1, 1890

- tungkol sa paghuhula ni Rizal na mananalo ang rebolusyon ng Pilipinas laban sa


Espanya at magiging kolonya ng Amerika

“The Filipino loves his country no less than the Spaniard does his, and although he is
quieter, more peaceful and with more difficulty stirred up, once aroused he does not
hesitate and for him the struggle means death to the finish. He has both the meekness and
ferocity of the carabao.”

Sin Nobre (Without Name) – Pebrero 28, 1890

Sobre la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala (On the New Orthography of the
Tagalog Language) – Abril 15, 1890

- liham ni Rizal para sa mga kababayan tungkol sa wikang Tagalog

Cosas de Filipinas (Things About the Philippines) – Abril 30, 1890

Sobre la Indolencia de Los Filipinas (On the Indolence of the Filipinos) – Setyembre 15,
1890

- depensa ni Rizal laban sa katamaran ng mga Filipino

“Man works for an object. Remove that object and you reduce him into inaction.”

*Ipinahayag ni Rizal kay Marcelo H. del Pilar na titigil muna siya sa pag-aambag ng mga
sulatin sa La Solidaridad upang ituloy ang pangalawang bahagi ng Noli Me Tangere.

El Filibusterismo (1891)

- kilala sa Ingles bilang “The Reign of Greed”


- pangalawang nobelang isinulat ni Rizal
- karugtong ng Noli Me Tangere
- nasa wikang Kastila
- sinimulan ni Rizal noong 1887 habang nag-aaral sa medisina sa Calamba
- gumawa ng maraming plot changes at binago ang ibang kabanata habang nasa
London (1888)
- itinuloy ang paglikha ng El Fili sa Paris, Madrid at Belgium
- natapos sa Biarritz (matatagpuan sa France) noong Marso 29, 1891

Kabuuan ng El Filibusterismo

Si Crisostomo Ibarra ay nagbabalik sa El Filibusterismo bilang isang mayamang jeweler na


nagngangalang Simoun. Siya ay bumalik upang gantihan ang lahat ng taong may kasalanan
sa lahat ng kanyang naranasang kamalasan, at nagplanong magsimula ng rebolusyon.

- Ang El Filibusterismo ay kawangis ng Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas. Ang


parehong nobela ay nagkukuwento ng kagustuhan ng pangunahing tauhan na
makaganti at mabawi ang lumang fiancée. Parehong tauhan ay nagplano ng
paggaganti sa paraan ng pag-iba ng kanilang katauhan.

Dapitan
- nakasulat sa wikang Espanyol-isinulat habang deterado siya sa Dapitan
- inilalarawan niya rito ang buhay at kaugalian ng bayan

Mi Ultimo Adios (1896)

- isang tula na isinulat ni Rizal sa kanyang huling gabi


- hindi niya ito binigyan ng titulo
- Kastila para sa “My Last Farewell”

Sa Fort Santiago, sa edad na 35, isinulat ni Rizal ang tulang Mi Ultimo Adios bilang
pagpapakita ng pagmamahal sa Pilipinas. Isinulat niya ang tulang ito sa pagitan ng 12 at 5
nang madaling-araw, bago niya pinakasalan si Josephine Bracken.

You might also like