You are on page 1of 28

Ang Wika at

Wikang Filipino
Wika

Ito ay isang paraan ng pagpapahayag


ng kaisipan at damdamin ng tao sa
pamamagitan ng salita.
Isa itong sistemang panagisag na
binubuo ng mga salitang binibigkas o
isinusulat at may kahulugang
nauunawaan.

Isang sistema ng mga arbitraryong


simbolo ng mga tunog para sa
komunikasyon ng tao.
Pambansang Wika
Isang wikang magiging daan ng
pagkakaisa at pag-unlad bilang
simbolo ng pag-unlad ng isang bansa.

Kinikilalang pangkalahatang midyum


ng komunikasyon sa isang bansa.
Kadalasan, ito ang wikang ginagamit
sa pang-araw-araw na pamumuhay
ng lahat ng mamamayan ng isang
bansa.
Opisyal na Wika

Ginagamit sa opisyal na
komunikasyon ng estado sa kanyang
mga mamamayan at ibang bansa sa
daigdig.
Wikang Tagalog
Ang unang wikang ginagamit sa
katagalugan.

Pinagbatayan ng wikang Pambansa


noong 1935.
Wikang Pilipino
Wikang Pambansa ng Pilipinas na
nakabatay sa Tagalog.

Opisyal na tinawag na Pilipino ng utos


Pangkagawaran Blg. 7 ng
Departamento ng Edukasyon sa ilalim
ni Sekretaryo Jose E. Romero noong
ika-13 ng Nobyembre 1959.
Wikang Filipino
Ito ang ating wikang pambansa na
hindi batay sa isang wika lamang
kundi sa iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Ito’y kusang nababago, kusang


naiiba, natural, buhay, dinamiko,
sinasalita at ginagamit.
Ang Wikang Filipino ay isang wikang
batay sa modernong Tagalog na
bukas sa lahat ng pagbabagong
maaaring manggaling sa banyagang
wikang tulad ng Ingles, Kastila,
Niponggo at iba pang wika sa
Pilipinas.
Ilang mahahalagang punto sa:
Kasaysayan ng Wikang
Pambansa ng Pilipinas

1934 – Konstitusyonal na
Kumbensyon. Mainit ang
balitaktakan nang talakayin ang isyu
tungkol sa wika
Ang asembleang konstitusyonal
na ito na binubuo ng mga hirang
na delegado mula sa iba’t ibang
lugar sa Pilipinas ay naging
makiling sa kabuluhan ng
wikang pambansa bilang
“simbolo ng kalayaan at bilang
tanikala na magbibigkis sa
kaluluwa ng bayang Pilipino.”
1935, Artikulo XIII, Seksyon 3:
Ang Saligang Batas Pambansang
Asemblea ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.
Hanggang hindi nagtatadhana ng
iba ang batas, ang Ingles at Kastila
ay patuloy na gagamiting opisyal.
Sa pangunguna ni Pangulong
Manuel L. Quezon, isa sa mga
unang batas na naisagawa ay ang
Batas Komonwelt Blg. 184 na
inaprobahan noong Nobyembre 13,
1936. Layunin ng batas na ito ang
lumikha ng isang institusyong
pangwika na mangangasiwa sa
pagkakaroon ng wikang pambansa.
Ang institusyong ito ay tinaguriang
Surian ng Wikang Pambansa
(SWP).
Naging gampanin ng SWP ang mga
sumusunod:

Gumawa ng pag-aaral tungkol sa mga


pangunahing wikang sinasalita ng hindi
bababa sa kalahating milyong Pilipino;

Gumawa ng komparatibong pag-aaral


sa mga bokabularyo ng mga
pangunahing wikang ito;
Pumili ng katutubong wika na
gagawing batayan para sa ebalwasyon
at adaptasyon ng Pambansang Wika
sa pagsasaalang-alang ng mga
sumusunod:

ang wikang mayroong


pinakamaunlad na istruktura,
mekaniks at literatura.

ang wikang tinatanggap at


ginagamit sa kasalukuyan ng
nakararaming Pilipino.
Wala pa halos isang taon nang
ipasa ang mga kagawad ng SWP
noong Nobyembre 9, 1937 ang
resolusyong nagpapahayag na “ang
wikang Tagalog ang magiging
batayan ng wikang pambansa.”
Ayon sa kanila, ang wikang Tagalog
ang lubos na nakatugon sa mga
hinihingi ng Batas Komonwelt Blg.
184.
Sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134
noong Disyembre 30, 1937,
iprinoklama ng Pangulong
Quezon na ang wikang
Tagalog ang magiging
batayan ng Wikang
Pambansa. Magkakabisa ang
proklamasyong ito dalawang
taon matapos itong mapagtibay.
Dito ipinakilala ni Lope K. Santos
ang ABAKADA na may 20 titik:

A B K D E G H I L M N NG O P R
STUWY
Simula Hunyo 4, 1946,
nagkabisa naman ang Batas
Komonwelt Blg. 570 na
nagproklama na ang Wikang
Pambansa na tatawaging
Wikang Pambansang Pilipino ay
isa nang wikang opisyal.
Marso 26, 1954 – nilagdaan ni Pangulong
Ramon Magsaysay ang Proklamasyon
Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa mula
Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon,
gayundin ang pagdiriwan ng Araw ni
Balagtas tuwing Abril 2. Makalipas ang
isang taon, Setyembre 23, 1955,
nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang
Proklamasyon Blg. 186 na nagsususog
sa Proklamasyon Blg. 12 na ililipat ang
petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wika simula Agosto 13 hanggang
Agosto 19, taun-taon.
Noong 1959, ibinaba ng Kalihim
Jose B. Romero ng Edukasyon
ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7 na nagsasaad na ang
Wikang Pambansa ay tatawagin
nang Pilipino upang mailagan
na ang mahabang katawagang
“Wikang Pambansang Pilipino”
o “Wikang Pambansa Batay sa
Tagalog”.
Noong Oktubre 4, 1971, pinagtibay
ng Sanggunian ng SWP ang
pinagyamang alpabeto na binubuo
ng 31 na letra.

A B C CH D E F G H I J K L LL M
N Ñ NG O P Q R RR S T U V W X Y
Z
Sa Saligang Batas ng 1987, Art.
XIV, Seksyon 6:

Ang Wikang Pambansa ng


Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito’y
dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika ng Pilipinas at sa
iba pang mga wika.
Sagisag rin ng pagkakaroon ng
modernisasyon ng Wikang
Pambansa, pinagtibay noong 1987
ang bagong alpabetong Filipino na
may 28 titik:

A B C D E F G H I J K L M N Ñ NG
OPQRSTUVWXYZ
1997 – Nilagdaan ni Pangulong
Ramos ang Proklamasyon Blg.
1041 na nagpapahayag ng
taunang pagdiriwang tuwing
Agosto 1-31 bilang buwan ng
Wikang Pambansa.
Gawain
1. Kailan mo masasabing
nagtatamasa ng tunay na
kalayaan ang mga
mamamayan ng isang bansa?

2. Paano nakakatulong ang iba’t


ibang wika sa Pilipinas sa
pagpapayaman ng kaisipan
ng mga Pilipino?
3. Ano ang epekto ng pagkakaroon
ng hiwa-hiwalay na mga isla ng
bansa sa buhay ng mga Pilipino
partikular sa wika at kultura?

4. Mahalagang bahagi ang wika sa


pambansang pagkakaisa.
(ipaliwanag)
5. Sang-ayon ka ba sa isinusulong
ng pamahalaan na gawing midyum
ng pagtuturo ang Ingles sa lahat ng
antas ng edukasyon. Bakit?
Ipaliwanag ang sagot.

You might also like