You are on page 1of 2

c  

Tauhan:
• pandong Cruz ² Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punong- guro
ng isang paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila
• xon Severo at xoña Leona Grande ² Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sa
kanilang mga trabahador at sa mga nangungupahan sa kanilang mga lupain. Mayroon silang
dalawang anak na nagngangalang Jun at Ninet.
• xislaw ² Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at kinamumuhian ng
mga magsasaka. Siya ang karibal ni pandong sa magandang dalagang si Pina
• Pina ² Ang dalagang iniibig pareho nina pandong at xislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at Aling
Sabel.
• Andres ² Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangan
siyang magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya.
• Tasyo ² Siya ang hinirang na pinuno ng unyon3


 
 

 
Ang kwento ay umiikot sa pang-aapi ng isang mayamang pamilya sa mga maralitang mamamayan ng isang bayan sa
probinsya, at kung papaano nakaisa·t nagsama-sama ang mga nasabing mahihirap upang lumaban at malutas ang
kanilang mga problema.

puod:
Kagagaling ni pandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng lalawigan sapagkat
tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang
talagang prinsipal, si Maestrong Putin. xinalaw ni pandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak
ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni pandong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sa
kanyang pag-ibig. Nalaman ni pandong na may pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan,
nagin masaya ang mga manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak na
lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama si donya Leona.
Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na
nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa
mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres,
isang eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila
noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong.
Nang matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.
Nakilala nang lubusan ni pandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki
ni pandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos
lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni
pandong.
pumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si pandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni xislaw, ang
engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka.
Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka.
Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa
kanilang mga saka.
Samantala·y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang pagong Nayon. Sa tulong
ni pandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon at
sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.
Ngunit ang pagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan,
isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-
ari. Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman
sa kasal ng mag-asawang Grande.
Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga
eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni pandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni
pandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.
Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si pa Inten na pinakamatandang tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres
sa matanda, natiyak ni pa Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong.
Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona
ang mga aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito
bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa
at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande.
Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si pandong. Si xislaw na karibal ni pandong kay Pina at si
Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr.
xanyos, ang dumating sa Sampilong.
Noon sinagot ni Pina si pandong. Pinagtangkaang halayin ni xislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si
pandong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si xislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa
Maynila si xislaw.
Isang gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila
upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga
Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng
koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit
kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama
ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni xislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim
at ipinagtapat naman ni sedes kay pandong.
Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa hukuman sa lupa niyang
kinamkam ng mga Grande. xahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan
at doon na nagpirmi. Sa Maynila , si xonya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at nagging paralisado nang
maatake. Si don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.
Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay pandong at tiniyak ng Superintendente na siya
ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si xanyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng
mga magulang ng mga bata.
Namanhikan si pandong kay Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato sa pagka-alkalde ng kanyang mga kanayon
sa susunod na halalan.

Komento:
Sadyang nakapanghihimok ng damdamin ang kwentong isinasalaysay ng Luha ng puwaya dahil ito ay tungkol sa
masaklap na kalagayan ng mga mahihirap na magsasaka at mga iskwater matapos ang panahon ng pananatili at
pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Pinapakita ng nobela ang tunggalian ng mga mapang-abusong mayayaman
na nagmamay-ari ng mga malawak na lupain (maaari ring tawagin na mga haciendero) at ng mga inaaping
magsasaka at manggagawa na walang magawa sa kanilang kundisyon at kalagayan sa buhay. Ang kwento ng Luha ng
puwaya ay hindi lang basta kathang-isip o gawa-gawa lamang, kundi totoong nangyayari hindi lamang sa Pilipinas
kundi sa buong mundo.

You might also like