You are on page 1of 5

Ang Pabula ng Daga at ng Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na


leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon


ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa


pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain


ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa


kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa


lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa


kaibigang daga.

ANG INAHING MANOK AT


ANG KANYANG MGA SISIW

Isang inahing manok na may anak na


tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang
araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na
upanganihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-
bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"

Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na
tayo rito athumanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng
mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!"

Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-
bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May
panahon pa tayo upang manirahan dito."

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-
bahay nadumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.

"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-
anak ako lalapitupang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!"

"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang


ina. Ngunitmuli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-
anak lamang siya aasa hindimagsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring
dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para
manirahan dito mga anak!"

Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na
dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na
bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang
maaasahan kundi ang ating mga sarili!"

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing,
"Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala!
Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"

Ang mayabang na Tipaklong at ang masinop na Langgam

Ang langgam ang pinakamasinop na insekto. Hindi siya tumitigil sa paghahanap ng


pagkain para sa panahon ng tag-ulan.

Ang mayabang na tipaklong naman ay pakanta kanta lang. Panay ang


pamamasyal. Kung pagod na siya ay matutulog na siya. Nang dumating ang tag-ulan,
walang naipong pagkain ang tipaklong.

Humingi ng pagkain ang tipaklong sa langgam, nagdahilan siya na mayroon siyang sakit.

Pinagsabihan ni langgam si tipaklong. “Iyan ang sinasabi ko sa’yo. Hindi ka nag-ipon


ng makakain noong tag-araw. Tapos ngayon, hihingi ka sa akin. O sige, bibigyan kita
ngayon, pero sa susunod ay hindi na”.

Tinanggap ni tipaklong ang pagkain kahit nahihiya siya kay langgam. Nangako siya sa
sarili na magiging masinop na rin siya para mapaghandaan ang tag-ulan

Ang mayabang na Pagong

Isang araw, isang pagong (turtle) ang naghihingalo dahil sa labis na gutom at
uhaw. Dalawang ibon ang nakakita sa pagong na iyon. Tinulungan siya ng mga ibon na
kumuha ng isang kahoy. Hinawakan nila ang kahoy sa magkabilang dulo gamit ang

kanilang tuka. Nakasabit sa gitna ng kahoy ang pagong, gamit naman ang kanyang
bibig. Inilipad siya ng dalawang ibon na ito upang dalhin siya sa ligtas na lugar.

Nasa himpapawid sila ng marinig nila ang usapan ng mga taong nag-uusyoso. “Tingnan
ninyo! Kamangha-mangha ang mga ibon! Hila-hila nila ang isang pagong.”

Ibig magyabang ng pagong at nais niyang magpasikat sa mga tao. “Kumusta na kayo?”
sigaw niya.

Dahil sa pagsasalita niya at pagbuka ng kanyang bibig, ang pagong ay nahulog.


Ang inggiterong Uwak

Nakita ng uwak ang agila na dala-dala ang isang tupa sa himpapawid. Nakita rin niya
nang dalhin nito ang tupa sa pugad.

Naiingit ang uwak kaya ginaya niya ang agila. Sa kanyang paglipad, nakakita
siyang tupa at ito ay kanyang dinagit. Nagulat siya sa kanyang natuklasan na bukod sa
mabigat ang tupa, sumabit pa ang kanyang kuko sa balahibo nito.

Nakita siya ng nag-aalaga ng tupa kaya’t agad siyang hinuli nito at inilagay sa kulungan.

Pinagtawanan siya ng agila at ng mga ibon nang makita siya ng mga ito.

Ang salbaheng Lobo

Isang araw, may isang lobo na pumunta sa bukid ni Mang Isko. Nakita ni Mang Isko ang
lobo, nabaitan siya dito dahil hindi man lang hinabol ng lobo ang mga alaga niyang
tupa. Sa halip, binabantayan pa ng lobo ang mga tupa.

Minsan, pupunta si Mang Isko sa bayan. Bibili siya ng pagkain. Kinausap niya ang lobo
na bantayan nito ang mga alagang tupa.

Pagbalik ni Mang Isko, siya ay nagulat sa nakita. Patay ang tatlong tupa na kanyang
alaga at wala rin sa paligid ang lobo.

Nasabi nalang niya sa sarili na “isang masamang hayop ang lobo at hindi ito
mapagkakatiwalaan.”

Ang Usa at ang Aso

Isang araw, may isang mangangaso na nakahuli ng batang usa. Ito ay dinala niya sa
kanyang bahay. Sinalubong siya ng kanyang mga alagang aso. Pagalit na itinaboy ng
mangangaso ang kanyang mga alaga. Sinabi niya sa sarili n asana ay maturuan niya
ang usa upang sumunod ditto ang magugulo niyang mga aso.

Lumaki ang usa at nagging kaibigan niya ang mga aso.

Isang araw, lumabas ng bakuran ang usa. Maraming mga ligaw na aso ang nagkalat sa
kalsada. Pinuntahan ng usa ang mapanganib na mga aso at sinubukan niyang
makipaglaro sa mga ito. Nagulat ang mga aso sa ikinilos ngusa. Bigla siyang
sinunggaban ng mga ito.

Nag isip-isip ang naghihingalong usa, naisip niya kung bakit kailangang humantong sa
kanyang wakas ang pakikipag kaibigan sa mga aso.

Ang mga Bubuyog at ang mga Putakti

Kasalukuyang pinag-aagawan ng mga bubuyog at ng mga putakti kung sino ang


magmamay-ari ng pulot sa may pukyutan.
Sa hindi pagpayag ng magkabilang panig sa pakikipagkasundo, nauwi ito sa korte.
Ayon sa hukom (na isa ring insekto) hindi madaling magdesisyon kung sino ba ang
nagsasabi ng totoo sa magkabilang panig.
May mga testigo na nagsasabing ang mga insektong nakitang labas pasok sa pukyutang
iyon ay mga may kulay itim at dilaw. Ngunit hindi ito naging mabisang pahayag upang
malaman kung sino talaga ang nagmamay-ari ng pukyutang iyon, dahil parehong may
itim at dilaw ang katawan ng mga bubuyog at putakti.
Kaya't nagdesisyon ang hukom na maghintay pa at maghanap ng ibang impormasyon
tungkol dito.
Sa naging pahayag ng hukom, naisip ni reynang bubuyog na baka sa haba ng kanilang
paghihintay ay masira na ang mga pulot sa pukyutang iyon. Kaya't nakaisip siya ng
solusyon, sinabi niya sa hukom na nais niyang ang bawat panig ay muling gumawa ng
panibagong pukyot, at kung sino man ang mas pinakamabilis na maktapos ng pukyot ang
siyang magmamay-ari ng pulot sa pukyutang iyon.
Sa kasamaang palad, ang mga putakti ay hindi talaga nakgagawa ng sarili nilang pukyot,
kaya't hindi nila tinanggap ang suhestiyong iyon. Dahil sa hindi nila pagpayag sa
kasunduang iyon, nagdesisyon na ang hukom na ibigay ang pukyot sa mga bubuyog.
Ang Tigre at ang Matalinong Lobo

Isang lobo ang nahuli ng isang tigre. Papatayin na sana ng tigre ang lobo upang kainin
nang bigla itong magsalita at tumutol.
"Huwag mo akong saktan! Huwag mo akong kainin!"
"Bakit?" tanong ng tigre.
"Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na ako ang itinuturing na hari
ng mga halimaw? Kapag ako ay iyong kinain, magagalit sa iyo ang Diyos na naglalang sa
akin . Parurusahan ka Niya."
Ayaw maniwala ng tigre. "Sa pagkakaalam ko, leon ang tinaguriang hari ng mga halimaw
sa buong kagubatan!"
"Kung gayon," ang sabi ng lobo, "Sumama ka sa akin at patutunayan ko sa iyo!"
Sumama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa isang bahagi ng
kagubatang may mga iba't ibang uri ng hayop.
Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo ang mga iyon at lumisan
nanag takot na takot.
Laking paghanga ng tigre sa lobo. "Totoo nga pala ang iyong sinabi! Dapat ka ngang
katakutan!"
Dahil dito, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang hindi nito alam, sa kanya
totoong natakot ang mga hayop at hindi sa lobong matalino.

Ang Dagang Taga-Bukid at ang Dagang Taga-Siyudad

Magkaibigan sina Dagang-bukid at Dagang Bayan. Isang araw, dinalaw ni Dagang-Bukid


sa tirahan niya. Ipinasyal niya si Dagang Bayan sa magagadang tanawin, halamanan at
palaisdaan sa bukid.
Ang saya nila!
Matapos silang maglibot, naghain si Dagang Bukid. Pinagsaluhan nila ang palay at mais
na natipon niya.
Pagkatapos nilang kumain, ibinalita naman ni Dagang Bayan ang pagkain doon.
Sabi niya, "Masaya sa lungsod. Maraming mapapasyalang magagandang lugar. Marami
ring masasarap na pagkain, may keso, karne at tinapay. Sumama ka sakin.
Naingganya si Dagang bukid sa paanyaya ni Dagang Bayan na pumunta sa lungsod.
Dumating sila sa malaking bahay na tinitirhan ni Dagang Bayan. Humanga si Dagang
Bukid sa nagggagandahan palamuti at kasangkapang nakita niya. May masarapna
pagkain sa mesa tulad na keso, prutas,karne at iba pa.
Talagang doon na sana siya magtitira nang biglang may lumabas na malalaking pusssa.
Hinabol sila at nagtatakbo sila sa lungga upang magtago.
Nang wala na ang pusa, napag isip isip niya na mahirap pala ang buhay sa lungsod.
Sabi ni Dagang Bukid, "Aanhin ko ang buhay na masarap dito sa lungsod, akung ang
buhay ko naman ay laging nasa bingit ng kamatayanat takot."
Siya'y nagpaalam na sa kaibigan at tuluyan nang umalis upang di na bumalik..

You might also like