Professional Documents
Culture Documents
Wika
• Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang
simbulo (Webster, 1974)
• Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Henry Gleason)
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at
ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.
Ponemang Suprasegmental
1. Diin – ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig
2. Haba – ang haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig
3. Tono – ang pagbaba at pagtaas sa bigkas ng pantig
4. Hinto – ang pansamantalang pagtigil sa pagsasalita
4. Pagkakaltas ng ponema – nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng
salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.
Hal. takip + -an = takipan = takpan
Kitil + -in = kitilin = kitlin
5. Paglilipat-diin – may mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaaring malipat ng isa o
dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng pantig patungong unahan ng
salita.
Hal. BAsa + -hin = baSAhin
Ka- + SAma + -han = kasamaHAN
laRO + -an = laruAN (lugar)
6. Reduplikasyon – pag-uulit ng pantig ng salita. Ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos
na ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami.
Hal. aalis matataas magtataho
pupunta masasaya naglalakad
1. Payak - salitang ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal na ibang salita
Hal. aklat baha ganda bait
2
2. Inuulit – kung ang kabuuan nito o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit
a. Pag-uulit na ganap
Hal. araw-araw magbahay-bahay usung-uso
b. Tambalang ganap
Hal. pulot-gata hampas-lupa ningas-kugon
Sugnay – kalipunan ng mga salitang may simuno at panag-uri na maaaring may buong diwa o di-buong
diwa
1. Sugnay na makapag-iisa – may simuno at panag-uri na may diwa
Hal. Siya ay naglilinis
2. Sugnay na di-makapag-iisa – may simuno at panaguri ngunit walang buong diwa
Hal. Dahil sa baha
Uri ng Pangungusap
A. Ayon sa pangungusap na walang paksa
1. Eksistensyal – nagpapahayag ng pagka-mayroon
Hal. Mayroong handaan roon.
2. Pahanga – nagsasaad ng damdaming paghanga
Hal. Kayganda ng babaeng iyon!
3. Sambitlang – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding
damdamin
Hal. Aray!
4. Pamanahon – nagsasabi ng oras o uri ng panahon
Hal. Maaga pa.
5. Pormularyong panlipunan – mga nakagawiang pagbati, pagbibigay-galang atbp.
Hal. Magandang gabi.
3
Bahagi ng Pananalita
4
Maramihan (pinag-uusapan)
Una kami namin amin
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila
Halimbawa:
1. Anyong ang
a. Ang Unang Ginang ng bansa ay masigasig na tagapagtaguyod ng kapakanang
pangmadla.
b. Siya ay masigasig na tagapagtaguyod ng kapakanang
pangmadla.
2. Anyong ng
a. Malalaki at matataba ang alagang baboy ni Mang Cesar.
b. Malalaki at matataba ang alagang baboy niya.
3. Anyong sa
a. Ang aklat para sa mga guro ay tungkol sa industriya at ekonomiya ng bayan.
b. Ang aklat para sa kanila tungkol sa industriya at ekonomiya ng bayan.
B. Pamatlig – pumapalit sa ngalan ng tao, bagay, pook na itinuturo
3 kategorya
1. malapit sa nagsasalita – ito, dito
2. malapit sa nakikinig – iyan, diyan
3. malayo sa kapwa nagsasalita at nakikinig – iyon, doon
C. Panaklaw – sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan ng tinutukoy
Hal. isa, anuman, sinuman, ilanman, tanan, lahat, kailanman
D. Pananong – pamalit sa ngalan ng tao at bagay na ginagamit sa pagtatanong
Isahan Maramihan
sino sinu-sino
ano anu-ano
alin alin-alin
kanino kani-kanino
IV. Pang-uri – nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan atbp. na tinutukoy ng
pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap
A. Kayarian
1. Payak – gutom, galit, tamad
2. Maylapi – makatao, mataas, kalahi
3. Inuulit – puting-puti, butas-butas, balu-baluktot, maliliit
4. Tambalan – kulay-abo, kapit-tuko, kalatog-pinggan
B. Kailanan
1. Isahan – iisa lamang ang inilalarawan, gumagamit ng mga panlaping ma, ka, pang
Hal. Kalahi ko siya.
2. Dalawahan – dalawa ang inilalarawan, gumagamit ng mga panlaping magka,
magkasing
Hal. Magkalahi kaming dalawa.
3. Maramihan – higit sa dalawa ang inilalarawan, naipapakita sa pamamgitan ng pantukoy
na mga, o sa pag-uulit ng pantig na ka sa mga panlaping magka at
magkasing;o sa paggamit ng salitang nagsasaad ng bilang na higit
sa dalawa
Hal. Magkakalahi tayong lahat.
C. Kaantasan
5
1. Lantay – karaniwang anyo ng pang-uri
Hal. mayaman, maganda, palabiro
2. Katamtamang antas – naipakikita sa pamamgitan ng paggamit ng mga salitang
medyo, bahagya, nang kaunti o sa pag-uulit ng salitang ugat o dalawang
pantig nito
Hal. medyo hilaw, maitim nang bahagya, mapula-pula, maliit-liit
3. Masidhi – naipakikita sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlaping napaka, nag…
an, pagka, kay; mga salitang lubha, totoo, masyado, talaga
Hal. napakaganda, pagkabait, kayputi, lubhang kaawa-awa
D. Hambingan – naghahambing ng dalawang tao, bagay, pook
1. Pahambing na magkatulad – pinaghahambing ay pareho o magkapatas ng uri o
katangian; gumagamit ng panlaping ka, sing, sing, at pampanulad tulad ng
gaya, tulad, paris, kapwa
Hal. kamukha, kasingganda, kapwa mabait
2. Di-magkatulad – ang pinaghahambing ay hindi magkapatas ng uri o katangian;
gumagamit ng mga salitang paghahambing tulad ng kaysa, di tulad, d
-gaya, di gaano
Hal. Malayo ang Kalinga kaysa Baguio kung manggagaling ka sa Maynila.
3. Panukdulan – gumagamit ng mga panlaping pinaka, walang kasing
Hal. pinakatanyag, walang kasing sungit
E. Pamilang – ibinibilang sa mga pang-uri ang mga pamilanhg dahil ginagamit na panuring ng
pangngalan o panghalip
1. Pamilang na patakaran o pamilang na cardinal – isa…sampu, labing-isa…dalawampu
2. Panunuran – una, ikalawa, ikatlo… pang-una, pangalawa, pangatlo…
Mga Pang-ugnay
6
Pagpapalawak ng Pangungusap
**************************
Inihanda ni:
Lourdes Zorilla-Hinampas
Guro sa Filipino
7
Mga Batayang Kaalaman sa Pagtuturo ng Panitikan
Panitikan – mula sa salitang titik, na inunlapian ng pang (pan) at hinulapian ng an; panumbas ito sa
wikang Tagalog sa salitang literature na galing sa wikang Ingles na nangangahulugang
letra o titik
- koleksyon ng mga akdang oral (sinasalita) at nakalimbag tungkol sa pamumuhay,
kaugalian, kultura, tradisyon, paniniwala ng mga tao at hinggil sa bagay-bagay sa daigdig
- repleksyon ng reyalidad ng lipunan