You are on page 1of 12

MGA SANGKAP, PROSESO AT MODELO NG

KOMUNIKASYON
Si Aristotle, sa kanyang “Retorica” ay bumanggit ng tatlong sangkap ng
komunikasyon; ang nagsasalita, ang sinasabi at an nakikinig.

Karaniwan sa mga modelo ng komunikasyon ay tulad ng binanggit ni


Aristotle, lamang, ay may dagdag pa ang sa makabagong palagay. Ang isa sa mga
huling modelo ng pakikipagtalastasan ay ang nilinang nina Claude Shannon at
Weaver. Dito ay hindi lamang tuwirang pag-uusap ng tao ang kanilang ninanggit
kundi ang paggamit ng pahatid-kawad. Ayon sa kanila, lima ang sangkap ng
komunikasyon:

1. Pinanggalingan

2. Tagatanggap (transmitter)

3. Senyas o kodigo

4. Tagatanggap ng pahatid (receiver)

5. Destinasyon

Kung ang pinanggalingan ay ang nagsalita; ang senyas ay mensahe at ang


destinasyon ay ang nakikinig; mayroon pa rin tayong modelo ni Aristotle na
dinagdagan ng dalawa pang sangkap nina Shannon at Weaver; ang “transmitter” na
tagapaghatid ng senyas o mensahe at ang “receiver” na tagatanggap ng pahatid
para sa kinauukulang destinasyon.

Gaya ni Aristotle si Wilbur Scharamm ay nagsabing tatlo ang pinakamahalagang


salik g komunikasyon:

1. Pinanggalingan

2. Mensahe

3. Destinasyon.

Ang pinanggalingan ay maaring ang taong nagsasalita, sumusulat, gumuguhit,


kumukumpas, o organisasyong pangkomunikasyon na gaya ng palimbagan,
estasyon ng telebisyon o tanghalan. Ang mensahe ay maaring nasa porma ng tinta
sa paperl, usok buhat sa siga (sa India), tunog na dala ng hangin, kumpay ng
kamay, bandilang iwinawagayway o senyas na may dalang kahulugan gaya
halimbawa ng kodigong Morse. Ang destinasyon ay maaring ang taong nakikinig,
nanonood o nagbabasa o miyembro ng pangkat; halimbawa’y pangkat ng

Komunikasyon | 1
nagtatalakayan, nagsisipagpanayam, nanonood ng basketbol, nagbabasa ng
pahayagan, o nanonood ng telebisyon.

Ayon naman kay Richard Swanson at Charles Marquardt ay lima rin ang sangkap ng
komunikasyon:

1. ang pinanggalingan ng mensahe (sumulat o nagsalita)

2. ang ideya o mensahe

3. kodigo (wika, kumpas, o ekspresyon ng mukha)

4. paraan ng paghahatid (limbag, alon ng hangin, pahatid-kawad)

5. tumatanggap ng mensahe (bumabasa o nakikinig)

Ang Pinanggalingan ng Mensahe. Lahat ng komunikasyon ay nagsisimula sa


pinanggalingan ng mensahe, na maaring isang tao o isang pangkat. Ang
pinanggalaingan ng mensahe ay kailangang may layunin o dahilan sa
pakikipagtalastasan. Ang mga layunin ay maaaring upang:

1. magbigay-kabatiran

2. manghikayat

3. manlibang o magbigay –aliw

Ang mga balita sa pahayagan at ang pagtuturo ng mga bagay-bagay sa paaralan ay


nagbibigay-kabatiran; ang alinmang propaganda ay nanghihikayat samantalang
ang mga kuwento sa mga babasahin, mga karaniwang palatuntunan, sa radio,
telebisyon at pelikula ay nagbibigya-aliw.

Tagumpay ang komunikasyon kung nakakamtan ang inaasakang kalabasan.

Ang apat na salik na nagbibigay ng kasiya-siyang resulta sa pinanggalingan ng


mensahe ay:

1. Kasanayan sa pakikipagtalastasan – apat ang kasanayan sa


pakikipagtalastasang ginagamit ng wika: pakikinig, pagsasalita pagbasa at
pagsulat.

2. Saloobon o palagay – ang saloobin o palagay sa sarili ng nagpadala ng


mensahe ay mahalaga. Iba ang pagsasalita at sinasabi ng may pagtitiwala sa
sarili kaysa wala.

Ang mag-aaral na takot na magtalumpati sapagkat alinlangan sa kanyang


kakayahan, ang ahenteng kiming mag-alok ng kanyang mga produktong

Komunikasyon | 2
pinalalaganap sapagkat baka hindi mabisa; ang binatang takot magpahayag
ng pag-ibig sa dahilang may palagay siyang alangan sa dalagang pinipintuho,
ay mga halimbawa ng saloobin sa sarili.

3. Antas ng kaalaman – Ang lawak ng kaalaman sa paksa ay may epekto sa


mensahe. Hindi maipapaliwanag ang hindi nauunawaan at lalong hindi
makapagpapabatid kung walang sapat na kaalaman.

Sa kabilang dako, kung labis naman ang kaalaman at pangkaraniwan na ang


paksa sa tumatalakay, maaring maipahayag ito sa paraang palagay niya’y
madali, ngunit di nauunawaan ng nakikinig o bumabasa.

4. Kalinangan ay kalagayang sosyal – Iba’t iba ang pakikipagkomunikasyon


ng tao sa iba’t ibang antas ng lipunan at kalinangan. Ang pagpili ng salita,
pakahulugan sa mga salita, ang layunin ng pakikipagtalastasan, ang pagpili
ng tatanggap ng mensahe, ang daan o channel ng pakikipagtalastasan ay
pawing batay sa kalinangan at kalagayang sosyal ng tao.

Ang mga salitang lansangan; gaya ng erpat, ermat at yosi, ay hindi


ginagamit ng Pangulo sa kanyang karaniwang pagsasalita o talumpati. Ang
mga salitang ginagamit ay pili at pormal. Ang talumpati ay pinadadaan sa
radio o telebisyon upang maipaabot sa lahat. Ingles at Filipino ang mensahe
upang maunawaan maging ng nag-aaral o hindi, ng Ilokano, ng Bisaya, ng
Bikolano at iba pa.

Ang pagpapahalaga at pamantayan sa buhay, ang paniniwala, ang uri ng tungkulin


o hanapbuhay ay pawing may epekto o bias sa kanyang pakikipagtalastasan.

Ang Pinag-uukulan o Tumatanggap ng Mensahe – Sa kabilang panig ng


komunikasyon ay ang pinag-uukulan ng mensahe. Ito ang tudlaan ng alinmang
pakikipagtalastasan. Upang magkaroon ng lubos na pahkakaunawaan ay kailangan
ding bigyan-pansin ang mga salik na nabanggit sa unahan. Hindi lubos na
mauunawaan at masasagot nang tumpak ang mensahe kung ang isa’y kulang ng
kasanayan sa pakikipagtalastasan, halimbawa’y sa pakikinig, pagbabasa at pag-
iisip.

Ang saloobin sa panig ng tumatanggap ay mahalaga sapagkat ang pagunawa


niya sa mensahe ay ayon sa saloobin niya sa kanyang sarili, sa pinanggalingan ng
mensahe at sa nilalaman ng pahatid.

Kailangan ang sapat ng kaalaman sa paksa at nilalaman ng pahatid upang


hindi magkamali sa pag-unawa ng tinanggap na mensahe.

Ang kalinangan, kalagayan sa lipunan at kaugalian ay may kinalaman sa


paraan ng pagtaggap at pagpapakahulugan sa mensahe.

ANG CHANNEL O DAANAN NG KOMUNIKASYON

Komunikasyon | 3
Ang Channel o Daanan ng Komunikasyon – ito ay ang daanan ng
pakikipagtalastasan. Kung my ideya o mensaheng nais ipaabot sa iba, iniisip niya
kung ito’y kanyang sasabihin, susulatin, iguguhit, ipararamdam, ipapaamoy o
ipapatikim. Karaniwang ang bibig, ang kamay o paa ang ginagamit sa pagtanggap
ng mensahe.

Madaling unawain ang paraan ng pakikipagkomunikasyon.

Sundan natin ang karaniwang halimbawa.

Magkatabi kayo ni Ronald sa klase. Naisip niyang anyayahan ka sa sayawang


gaganapin sa lingo ng gabi. Bumubulong siya sa iyo at ang sinabi “Sumama ka sa
akin sa Linggo, may dadaluhan tayong sayawan.”

Sa pagkakataong ito, si Ronald ang unang sangkap na binanggit ni Aristotle,


ang nagsasalita; ang sinabi ay “Sumama ka sa akin sa Linggo, may dadaluhan
tayong sayawan.” at ang nakikinig ay ikaw.

Hindi ka sumagot. Walang pagkakataon sapagkat tumugtog na ang kampana


at naghiwalay kayo sa silid-aralan ni Ronald. Hindi nasiyahan ang binata kaya
pagdating niya sa bahay ay tumawag sa iyo sa telepono. Ito ngayon ang sangkap
na idinagdag nina Shannon at Weaver. Sa nagsasalita at nakikinig ng mensahe
nakapagitan ang transmitter at receiver.
Kodigo
Ang paliwanag
Mensa naman nina Richard
wika Swanson at Charles
Channel Marquardt ay
limbag
makikita sa ilustrasyong
he ito. ekspresy
alon ng
on ng
Ideya hangin
mukha

Nagpadala Nagpadala

Sumulat / Sagutan (Feedback) Sumulat /


nagsalita nagsalita

Channel
Kodigo
Mensa
limbag
wika
Komunikasyon | 4
he
alon ng
hangin ekspresy Ideya
on ng
mukha
Si Ronald ang nagsasalita o nagpapadala ng mensahe. Ang kanyang iniisip na
ideya o mensahe ay isinalin niya sa wika. Ang kanyang sinalitang wika ay dinadala
ng alon ng hangin sa iyo – Sasagot ka. Ito ang “Feedback” na tinatawag. May
naganap na pakikipagtalastasan kung nagkakaunawaan ang magkausap.

VERBAL AT DI-VERBAL NA
KOMUNIKASYON
A. Verbal na Komunikasyon

Ginagamit ang verbal na komunikasyon sa mga sumusunod na sitwasyon:

1. Kung sunud-sunod ang mga informasyong dapat lutasin, ang paggamit ng


pandinig ay higit na mabisa kaysa viswal na metodo upang makagawa ng
temporal na diskriminasyon. Ang pagbibigay reaksyon sa mga naririnig ay
kadalasang mas mabilis din.

2. Kapag ang tagatanggap ng mensahe ay abala sa ibang gawain o


kalagayan, ang kanyang focus sa pakikinig ay nababawasan. Sa ganitong
kalagayan, higit na efektivo ang panggamit ng komunikasyong verbal
kaysa di-verbal.

3. Kapag ang mensahe ay mahahalaga, maiikli at payak, mas madali iyong


mauunawaan at matatandaan kapag napakainggan o nabasa.

4. Kapag mahalaga ang fleksibiliti ng transmisyon ng mensahe, efektibo ang


paggamit ng tinig lalo na sa pagbibigay ng infleksyon at empasis.

5. Kapag may layunin tayong maglahad ng informasyong kaugnay ng isang


tiyak na usapin o isyu, ang paggamit ng verbal na komunikasyon ay
napakabisa.

Komunikasyon | 5
6. Kapag ang resepyong viswal ay hindi mabisa sa kadahilanang maiuugnay
sa kondisyong pangkapaligiran, ang paggamit ng komunikasyong verbal
ay mas lalong kapaki-pakinabang.

Samantala, narito naman ang ilang paraan ng pagpapakahulugan o


interpretasyon ng mga simbolong verbal na mahalagang isaalang-alang upang
matukoy ang angkop na kahulugan ng bawat salitang ginagamit sa isang pag-
uusap:

1. Referent – ang tawag sa bagay o ideyang kitakatawan ng isang salita.


Tumutukoy rin ito sa isang tiyak na aksyon, katangian ng mga aksyon at
ugnayan ng bagay sa ibang bagay.

2. Komong Referens naman ang tawag sa parehong kahulugang ibinibigay


ng mga taong sangkot sa proseso ng komunikasyon. Samakatuwid,
mahalagang magkaroon ng komong pagpapakahulugan ang mga
nagpapadala at tumatanggap ng mensahe upang maging matagumpay
ang komunikasyon.

3. Kontekstong Verbal naman ang tawag sa kahulugan ng isang salita na


matutukoy batay sa ugnayan nito sa iba pang salita sa loob ng isang
pahayag.

4. Paraan ng Pagbigkas o Manner of Utterance ay maari ring mabigyan


ng kahulugang konotativo. Higit itong matatalakay sa pag-aaral ng
komunikasyong di-verbal. Kilala rin sa tawag na Paralanguage.

B. Di-Verbal na komunikasyon

Ang komunikasyong di-verbal ay tumutugon sa mga kabatirang dala


ng tagapaghatid sa tagatanggap nang walang ginagamit na mga salita.
Magkakaiba ang mga di-verbal na signal ng mga kultura tulad ng pagkakaiba
ng mga wika sa isa’t isa. Samantala, dahil sa kahalahan sa komunikasyon ng
mga simbolong di-sinasabi, hindi maitatanggi na kulang ang kabatiran sa
isang wika kung hindi kabilang ang sistemang di-verbal ng kultura ng wikang
ito.

Ilan sa mga kahalagahang dulot ng komunikasyong di-verbal ay mga


sumusunod:

1. Inilalarawan nito ang kalagayang emosyunal ng tao.

2. Ginagawa nitong higit na malinaw ang kahulugan ng isang mensahe.

3. Pinapalawak nito ang ating pag-unawa sa komunikasyon bilang isang


prosesong saykolojikal.

Komunikasyon | 6
4. Pinananatili nito ang iteraksyong resiprokal ng tagapagpapadala at
tagatanggap ng mensahe.

May iba’t ibang anyo ng komunikasyong di-verbal. Ang mga ito ay maaring makita
sa mga sumusunod:

1. Oras (Chronemics) – Mahalaga ang oras. Ito ay isang bagay na kulang sa


maraming tao. Ang paggamit ng oras, kung gayun ay maaaring kaakibatan
ng mensahe. Halimbawa, ang pagdating nang huli sa sang job interview ay
maaaring i-interpret na kakulangan sa disiplina. Samantala, ang pagdating
nman nang maaga sa isang salu-salo ay maaaring makainsulto sa
mgabibigay ng salu-salo dahil maaari niya iyong ikataranta sa paghahanda.
Ang pagtawag sa telefono sa medaling-araw ay malamang na ikagalit ng
ibang tao. Maaari niyang ipalagay iyong sinasadyang pang-iistorbo sa
kanyang pagpapahinga at kung gayo’y isang kabastusan. Ngunit maaari rin
naman niya iyong ipalagay na isang matindihing pangangailangan o isang
emergency.

2. Espasyo (Proxemics) Maaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay


natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao. Ano ang iyong iisipin kung
ang kaharap mo sa jeep na iyong sinasakyan ay halos magkapalitan na ang
mukha, ika nga, sa kabila ng kaluwagan ng sasakyan? Paano ka makipag-
usap sa iyong kasintahan? Gaano ang layo ninyo sa isa’t isa kadalasan?
Gayon din ba ang layo mo kapag ika’y nakikipag-usap sa isang kaibigan, o
isang di-kakilala o isang pangkat ng tagapakinig kapag ika’y nagtatalumpati?
Hindi, di ba? May iba’t ibang uri ng proxemic distance tayong ginagawa sa
iba’t ibang pagkakataon at ang distansyang ito ay maaaring mangahulugang,
intimate, personal, social o public.

Komunikasyon | 7
3. Katawan (Kinesics) Maraming sinasabi an gating katawan, minsan pa nga’y
higit pa sa mga tunog na lumalabas sa ating bibig. Kaya nga may tinatawag
sa Ingles na body language. Ito ay maaaring makita sa ating mga mata.
Anu-anp ang posibleng kahulugan ng mapupungay na mata, namumugtong
mata, umiiwas na tingin at papikit na mga mata?

Hindi rin maitatago ang ating damdamin at tunay na intension sa ating


mukha. Sa mukha maaaring makita kung ang isang tao ay Masaya, umiibig,
malungkot, nag-aalala, natatakot, may suliranin, nahihirapan, galit o di
kaya’y nag-iisip.

Pansinin ang mga kasunod na larawan:

Ang ating pananamit at kaanyuan ay maaaring may mensahe rin. Ano ang
iyong iisipin kung may makita kang babaeng napakaikli ng palda at halos lumabas
na ang dibdib? Ano ang iyong iisipin sa isang taong patpatin ang pangangatawan at
halos kuba na kung maglakad?

Ang ating tindig at kilos ay maaari ring magsalita para sa atin. Kapag
nakakakita tayo ng isang lalaking tuwid na tuwid at matikas ang tindig, ano ang
agad na inaakala natin sa kanya? Kung sa lobby ng isang ospital ay may makita
kang isang lalaing paroo’t parito, ano ang ipapalagay mo sa kanya?

Ang kumpas ng kamay ay isa ring mayamang pinanggalingan ng


mensaheng di-verbal. Maaaring ang kumpad ay regulative katulad ng kumpas ng

Komunikasyon | 8
pulis sa pagpapahinto ng mga sasakyan sa daan o kumpas ng isang guro sa
pagpapatahimik ng mga bata. Mayroon din tayong mga tinatawag na descriptive na
kumpas na maaaring maglarawan ng laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay.
Ang mga kumpas naman na nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng paghampas ng
kamay sa mesa, sabay na pagtaas ng dalwang kamay, pagkuyom ng mga palad at
pakikipagkamay ay tinatawag na mga kupas na empathic.

4. Pandama (Hoptics) Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa


pagpapahatid ng mensahe. Sa ating wika, may iba’t iba tayong tawag sa
paraan ng paghawak ng ibang tao o bagay at bawat paraan ay may kanya-
kanyang kahulugan. Ilarawan ang mga sumusunod at tukuyin ang posibleng
kahulugan ng bawat isa: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at
hipo.

5. Simbolo (Iconics) Sa ating pagligid ay marami kang makikitang simbolo o


icons na may malinaw na mensahe. Sa pintuan ng mga palikuran, anong
simbolo ang nagpapahiwatig na ang isa ay pambabae at ang isa ay panlalaki?
Paano sinisimbolo na bawal manigarilyo sa isang lugar? Anong simbolo ang
makikita sa mga lugar na para sa mga may kapansanan? Anong simbolo ang
makikita sa botelya ng lason o reseta ng mga doctor, o sa tanggapan ng mga
husgado? Sa mga kalsada o daan, anu-anong mga simbolong panlansangan
ang iyong makikita?

Komunikasyon | 9
6. Kulay Ang kulay maaari ring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
Ano ang ipinahihiwatig ng damit na itim? Ng bandilang pula? Ng taling dilaw
sa noo? Sa mga intesekyon ng daan, ano ang ibig sabihin ng ilaw na dilaw,
berde at pula?

7. Paralanguage Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita. Ang


salitang oo, halimbawa, ay maaring mangahulugan ng pagsuko, pagsang-
ayon, galit sa kawalan ng interes o paghamon, depende kung paano iyong
binigkas. Nakapaloob din ditto ang pagbibigay- diin sa mga salita, bilis ng
pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses at tginting ng
tinig. Ang mga ito ay maaaring magpabagu-bago sa kahulugan kahit ng isang
salita lamang. Halimbawa, subukan mong bigkasin ng tunoh na oh sa iba’t
ibang paraan. Ano ang posibleng kahulugan ng bawat paraan mo ng
pagbigkas ng tunog na iyon?

KATANGIAN NG KOMUNIKASYON
1. Ang Komunikasyon ay isang proseso. Isang proseso ang komunikasyon
na kinapapalooban ng marami pang proseso. Hindi lamang ito

Komunikasyon | 10
kinasasangkutan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Halimbawa,
bago makapagpadala ng mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangang
isipin niya muna kung ano ang mensaheng ipapadala niya, paano niya iyong
ipadadala, anu-anong salita ang kanyang gagamitin, paano niya iyon
isasaayos upang maunawaan sa anong daluyan niya iyon pararaanin at ano
ang inaasahan niyang reaksyon ng pagpapadalhan niya ng mensahe. Ito ang
tinatawag na encoding o ang proseso ng pag-eencode ng mensahe. Kapag
natanggap na ng ibang tao ang mensahe, iisipin niya (tagatanggap) naman
kung ano ang kahulugan ng mensaheng iyon, ano ang inaasahang reaksyon
mula sa kanya, paano niya iyon tutugunan at sa paanong paraan niya
ipadadala ang kanyang reaksyon. Ito naman ang tinatawag na decoding o
proseso ng pagde-decode ng mensahe. Idadag pa na ang proseso ng
komunikasyon ay hindi maaaring isang daan (one way) lamang. Ito ay isang
prosesong closed-circuit.

2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko. Isang filosofer ang minsang


nagsabi na walang taong makatututong sa gayon ding ilog nang higit sa
minsan. Ano ang ibig sabihin nito? Bawat sandal, nagbabago ang ilog
sapagkat dumadaloy ang tubig nito. Tumutuntong mang muli roon ang isang
tao, ang tubig na una niyang tinapakan ay umaagos na. Hindi na rin siya ang
dating taong unang taong tumuntong sa ilog na iyon dahil filosofikal ay
tumatanda na siya. Paano’y tumatanda ang lahat ng tao sa paglipas ng
bawat segundo, hindi ba? Gayon din ang komunikasyon. Minsan nangyari,
hindi na mauulit. Ulitin man nating muli ang mga salitang una nating tinuran,
nag-iiba na ang komunikasyon dahil iba na ang panahon. Paano’y ano mang
komunikasyon ay naiinpluwensiyahan ng oras, lugar, mga pangyayari at mga
taong sangkot sa preseso, kung kaya’t ang komunikasyon ay nagbago o
dinamiko dahil sa inpluwensiya ng pagbabago ng mga ito.

3. Ang komunikasyon ay komplikado. Naging komplikado ang proseso ng


komunikasyon dahil sa paraan ng pagtingin ng mga sangkot sa
komunikasyon sa isa’I isa. Ito ang tinatawag na persepsyon na hindi lagging
pare-pareho. Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap, halimbawa, ang
kanilang komunikasyon ay naiinfluwensyahan ng: a. persepyon ng isa sa
kanyang sarili, b. persepsyon niya sa kanyang kausap, c. iniisip niyang
persepsyon ng kanyang kausap sa kanya. Ang kanyang kausap ay mayroon
ding: a. persepyon sa kanyang sarili, b. iniisip niyang persepyon sa kanyang
kausap, c. iniisip niyang persepyon ng kanyang kausap sa kanya at d. tunay
na persepsyon niya sa kanyang kausap. Komplikado, hindi ba? Bungan g
komplikakasyong dulot ng mga persepyong ito, may mga komunikasyong
hindi nagiging mabisa at humahantong sa hindi pagkakaunawaan.

4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala / natatanggap sa


komunikasyon. Pansinin muli ang kahulugan ng komunikasyon. Ito ay
proseso ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe, hindi kahulugan. Kapag

Komunikasyon | 11
nagpadala ang isang tao ng mensahe sa pamamagitan ng salita, halimbawa,
maaari itong magkaroon ng iba’t ibang pakahulugan. Paano’y ang
pagpapakahulugan sa mga mensahe ay nakasalalay sa tumatanggap nito.
Halimbawa, kapag narinig mo ang salitang baboy, ano kaya ang kahulugan
ng mensaheng iyon sa iyo? Gayon din kaya ang pagpapakahulugan ng iba?
Paanong nangyari iyon gayon parehong mensahe naman ang iyo’y naipadala
at inyong natanggap? Paano’y hindi naman aktwal na kahulugan ang
ipinadala at natanggap , mensahe pa lamang. Ang pagpapakahulugan ay
depende na sa tumanggap nito.

5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon. Kahit pa tayo’y hindi


magsalita, nakikipagtalastasan tayo sa isang kapwa. Pansinin ang dalawang
taong nasa loob ng eleveytor, halimbawa, hindi sila nag-uusap. Nag-iiwasan
pa nga sila ng mata. Malinaw nilang naipadadala ang mensahe ng kawalan
ng interes sa isa’t isa. Sa hindi pag-imik at pag-iwas ng tingin. Kapwa nila
naipadala at natanggap ang mensaheng “huwag mo akong
kausapin!”Nagkaroon sila ng komunikasyon, hindi ba? At hindi nila iyon
naiwasan! Kung tutuusin, kahit tayo’y nag-iisa, hindi natin maiiwasan ang
mag-isip. Anong uri ito ng komunikasyon? Intrapersonal, lalo na kapag may
mga tao sa ating paligid. Hindi man tayo magsalit, sa ating kilos, galaw,
kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo ng mensahe
sa iba.

6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon.


Ang mensaheng ito ay maaaring mauri sa:

a. Mensaheng pangnilalaman o mensaheng panglinggwistika

b. Mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal na nagpapahiwatig ng


iyong damdamin o pagtingin sa kausap. Halimbawa, habang ang isang
tao’y nakikipag-usap sa kaibigan, ang mga sinasabi niya ang mga
mensaheng pangnilalaman. Samantala, ang kanyang relaks na
pangangatawan, madalas na pantingin sa kaibigan at lapit o agwat naman
ang mga mensaheng relasyunal na nagpapahiwatig na comfortable siya
sa kausap.

Kung gayon, sa proseso ng komunikasyon, dalawang uri ng mensahe ang


naipadadala at natatanggap at kadalasan, ang pagpapakahulugan sa
mensaheng iyon ay bunga ng influwensya ng isa sa isa.

Komunikasyon | 12

You might also like