You are on page 1of 2

Kwento ni Mabuti- Genoveva D.

Edroza

Summary:

Dahil kapag mahal mo ang isang  bagay….lagi mo itong binabalikan…paulit-ulit…di ka nagsasawa


kahit halos kabisado mo na lahat ng detalye…kaya binasa ko ulit ang “kwento ni mabuti” mula
sa “Ang Silid na Mahiwaga…kalipunan ng mga kwento’t tula ng mga babaeng manunulat…ewan
ko…siguro’y gusto ko lang makisukob sa init ng pagmamahal na nasa puso ng kwneto…“lagi ko
siyang iuugnay sa kariktan ng buhay“, sabi ng naglalahad ng istorya…patungkol sa dati nyang
guro na kung tawagin nila ay “Mabuti”…walang anu mang kamangha-mangha kay Mabuti…mula
sa kanyang anyo hanggang sa kanyang tungkulin sa paaralan…siya’y larawan ng pagka-
ordinaryo…tinawag siyang “Mabuti” dahil madalas niyang bukang-bibig ang salitang mabuti….sa
kahit anu mang kanyang sinasabi… hindi siya bumabanggit ng kahit anu tungkol sa kanyang
sarili sa buong panahon ng kanyang pagtuturo…subalit hindi ibigsabihin nito na walang lubak
ang kanyang landas…lamang ay, mas gusto niyang tingnan ang buhay sa pananaw na ito ay
“mabuti”.1952 ng maisulat ang kwento…kaya ang hagod ng mga salita at balangkas ng mga
pangungusap ay “puro” o payak…o malambing sa aking pandinig….parang tula o isang
kundiman na umaawit ng dalisay na pag-ibigNarito ang ilang linyang nagustuhan ko “Mabuti
sana’y hindi maging iyo ang ganoong uri ng suliranin…kailan man. Ang ibig kong sabihi’y…
maging higit na mabuti sana sa iyo ang…buhay“Ang pagmamalasakit niya’y tunay na
matapat….” “Pagka-uhaw sa kagandahan“Pagbibigay kahulugan sa mga bagay na para sa ami’y
walang kabuluhan “Isang bagay sa buhay niya na nalisya ng ganon na lamang“Kumirot sa puso
ko ang pagnanasang tanganan ang kanyang kamay, lumapit sa kanya ….at hilinging magbukas
ang dibdib sa akin“Iyun lamang nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ….ang maaring
makakilala ng mga lihim na kaligayahan “Nadama kong siya ay ako….parehong dumaranas ng
lihim na ligaya’t kalungkutan “ang kariktan ng katapangan….ang kariktan ng pagpapatuloy ano
man ang kulay ng buhay..

Author: Genoveva D. Edroza

Brief Biography: Si Genoveva Edroza-Matute ay hindi lamang sikat at premyadong kuwentista.


Siya ay isa ring guro at awtor ng aklat sa Balarilang Tagalog. Nagturo ng mga asignaturang
Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.Siya ay nagturo ng apatnapu’t anim na taon sa
elementarya, haiskul at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Philippine Normal
College (ngayon ay Philippine Normal University) noong 1980. Pinarangalan siya ng Cultural
Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero,
1992.Maraming ulit siyang nagkamit ng Gantimpalang Palanca. Mabisa at madaling unawain
ang kanyang pananagalog. Ang ilan sa kanyang mga kuwentong nagkamit ng gantimpala ay
Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Puso ng Isang Bata, Parusa, Maganda Ang Ninang Ko at
Pagbabalik.Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo
University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La
Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang
National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa
edad na 94.
Setting: Sa kuwarto ng mambabasa.

Characters:

1.) Mabuti- madalas niyang bukang-bibig ang salitang mabuti….sa kahit anu mang kanyang
sinasabi.

Theme: ”Kung masama ang ating mundo, ay may mga tao pa din namang lubos ang pagiging
mabuti at ang kabutihan ay dapat ibahagi sa karamihan.”

“Ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat….”

You might also like