You are on page 1of 4

BUOD

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit sa mayamang
asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan
kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang
kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang
galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong.
Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila
kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.

Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang
minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggal ang kanilang karapatan,
napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyang ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang
ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ngloob kay Don Teong na matagal
nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang
dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si
Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi
katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman
humuhupa ang galit niya, siya naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis
na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa
maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang
kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng
mapangsamantalang si Don Teong.

Dahil sag alit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano
siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni
Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong
iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong.
Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga
gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang
malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas
inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw.
PAGKILALA SA MAY AKDA

DEOGRACIAS A. ROSARIO

Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang
magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba. Si
Deogracias A. Rosario ay ang Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumulat din siya sa ilalim ng
mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rosetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang
manunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa Ang Mithi, isa sa tatlong naunang pahayagan sa
bansa na nkatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.

Nagging manunulat siya ng Ang Democracia noong 1915 nang kinalaunan ay nagsulat din siya
para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa tula at maikling kwento. Sa Taliba
tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli, ay naging patnugot. Nagsulat din
siya para sa Photo News, Sampaguita at Lipang Kalabaw.

Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba pa, si Rosario ay
isa sa mga pangunahing taga-ambag sa Liwayway.

Naging myembro rin si Rosario ng iba’t ibang asosasyon ng mga manunulat. Kabilang dito ay ang
Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng mga Dalubhasa at ang Akademya ng
Wikang Tagalong. Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitikan, Kalipunan ng mga Kuwentista at
Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog na may mga prominenteng kasapi tulad
nina T.E Gener, Circio H. Panganiban, at Jose Corazon de Jesus.

Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa mga akda ni
Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi:

“Kadaladang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan ang mga
alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan niyang
gumamit ng mga tauhang galling sa masa; at paulit-ulit na lumitaw sa kanyang mga akda ang mga
tauhang galling sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa tinubuang lupa ay naging makawika at
makabayan.”

Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako’y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda, Manika
ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon, Dahil sa Pag-ibig, Ang Anak ng Kaniyang Asawa,
Dalawang Larawan, Ang Geisha, Mga Rodolfo Valentino at iba pa. Ang pinaka-obra mawstra ni Rosario
ay ang Aloha na kasama sa Katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista. Nakita sa kanyang
mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinalimutang tradisyon ng maikling kuwento.

Gumawa rin siya ng mga salin Tulad ng “Ang Puso ng Geisha” at “Ang Mapaghimagsik”.

Nagsulat din si Rosario ng mga titik sa Tagalog ng ilang mga awit na binuo nina Nicanor Abelardo
at Francisco Santiago. Kabilang sa mga kanta na ito ay ang “Mutya ng Pasig”, “Dignity of Labor”(tagalong
bersyon), Cancio Filipino”, “Sakali Man”, “Alma Mater Commencement Exercise” at “The Piece of Night”.
Pinagaralan ni Teodoro A. Agoncillo ang kanyang akda na, “Mayroon Akong Isang Ibon”, bilang isa sa
pitong pinakamagandang maikling kwento na naisulat sa panahon ng Amerikano, noong 1932. Isang
taon matapos nito, siya ang idineklarang pinakamagaling na manunulat ng maikling kwento para sa akda
niyang “Aloha”.

Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyambre 26, 1936.

MGA TAUHAN AT GINAMPANAN

MARCOS

Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na punung-puno ng galit sa asenderong si Don Teong.

DON TEONG

Si Don Teong ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa pagkamatay ng kaniyang ama,
dalawang kapatid at ni Anita.

INA NI MARCOS

Siya ang ina ni Marcos na palaging nagpapakalma sag alit na nararamdaman ng kaniyang anak
para kay Don Teong.

TAGPUAN AT PANAHON

KABUKIRAN

Lupang tinitirhan nina Marcos at kaniyang ina na pilit na inaangkin ni Don Teong.

Tulad sa iabng kwento, ang kabukiran ay lupang sinasaka ng mga kadalasang magsasakang bida.
Ayon sa aking pagsusuri, ang kabukirang ito ang kumakatawan sa ating bansa kung saan ang buhay ng
mga mahihirap at mayayaman ay nagkakasalubong. Sa mga bagay na nangyayari sa ating bansa, mas
naapektohan ang mga mahihirap at ang mga mayayaman naman ay hindi ganoo kaapektado.

9) Istilo ng Pagkakasulat ng Akda

Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay
angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.

8) Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda

Ang Akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. And akda ay isang
paniniwalang kumokontrol sa buhay.

2) Uri ng Panitikan
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng isang
pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling
panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang
kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o
interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga
mambabasa. Ito ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang damdamin
at bumabase sa buhay ng isang tao, mayroon namang kathang isip lamang.Ang maikling kwento ay isang
akdang pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan.

Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay
angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.

You might also like