You are on page 1of 9

Pamantasang Normal ng Pilipinas

Bacood Elementary School

Maynila

Magpapakitang Turo
Ika-21 ng Septyembre 2010

Maybelene A. Dionisio

Pamela Angela U. Samson

Certificate in Teaching Program

Student Teachers

Mrs. Joanne Evangelista

Cooperating Teacher

Dr. De Velez

Educational 4: Principles and Methods of Teaching


Detalyadong Banghay- Aralin sa Makabayan 2

I. Layunin:
Sa loob ng 60 minutong aralin sa Makabayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga paraan ng pagtutulungan sa komunidad.
2. Nahihinuha ang maaring mangyari sa pamayanan kung walang pagtutulungan ang
bawat isa
3. Naipapakita ang kawilihan sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong ng guro, at paglahok sa talakayan at pangkatang gawain.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Pagtutulungan sa Pamayanan
Yunit: Yunit III: Tungo sa Pagkakaisa
Sanggunian: Lahing Pilipino (pahina 159-167)
Kagamitan: Tsart, mga larawan, Manila Paper, chalk at board
Mabuting Asal: Pagkakaisa: ng layunin, ng damdamin at sa gawain

III. Mga Gawain:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Panimulang Gawain

A. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga po!
Kamusta naman kayo? Mabuti po.

B. Panalangin (May isang mag-aaral na magtataas


Sino ang nakatakda mamuno sa ng kanyang kamay at mamumuno sa
panalangin ngayong araw na ito? panalangin)

C. Balitaan (Ang nakatakdang mag-aaral ay


- Sino ang maaaring makapagbigay ng pupunta sa harapan upang
napapanahong balita ngayong umaga? magbahagi ng balita)
Ngayon naman, maghanda na kayo para sa
ating balik-aral.
2. Balik-Aral
A. Mga Pambansang Simbolo ng Pilipinas
Panuto: Sagutin ang mga tanong.
Ipapakita ng guro ang larawan at
sasagutin ang tanong ng guro kung anong
sagisag ito ng ating bansa.

a. Lupang Hinirang – Pambansang


Awit

a.

b. Carinosa – Pambansang Sayaw

b.
c. Dr. Jose Rizal – Pambansang
Bayani

c.
d. Barong Tagalog – Pambansang
Kasuotan ng mga Lalaki

d.
e. Sipa– Pambansang Laro

e.

B. Paggalang sa mga Pambansang Simbolo


(Kunin ang Manila Paper at isabit sa
board. Basahin ang panuto ng gawain)

Panuto: Idikit ang kung dapat gawin

ang pangugusap, at kung ito ay di-


dapat gawin.
a. Gawing basahan ang lumang a.
watawat ng Pilipinas.
b. Huminto sa anumang gawain kung
inaawit ang pambansang awit. b.
c. Ikahiya ang pagsasalita ng wikang
Filipino. c.
d. Linangin ang kaalaman tungkol kay
Jose Rizal.

3. Pagbigigay ng Kuro-Kuro d.
- Meron akong mga larawan sa aking mga
kamay at ang ibig ko ay sagutin ninyo ang
aking mga katanungan, maari ba?
- Ano ang nakikita nyo sa larawan? - Opo.

- Mga batang tumatakbo.

- Mga batang nagsasaya.

- Mga batang buong sigla na


nakikisali sa isang takbuhan
sa pamayanan o sa paaralan.
- Opo. Sa tingin ko po ang
ganitong mga pangyayari ay
nagaganap kapag may
layunin ang isang comunidad
gaya ng pagtulong sa kapwa.
- Nagaganap po ito kung gusto
ng mga tao na magkaisa sa
isang layunin sa isang
- Tama ang inyong mga sagot. Ito ay larawan nakatutuwang gawain.
ng mga batang sumali sa isang paligsahan
para sa kasiyahan ng pagtakbo tungo sa isang
layunin.
- Nakakita na ba kayo ng ganitong pangyayari?
- Sa tingin ko po, kung walang
- Ano sa tingin nyo ang layunin ng mga ‘fun pagtutulungan sa ating mga
run’ na kagaya nito? pamayanan, walang
magaganap na pag-unlad.

- Magaling! Ang mga ‘fun run’ na kagaya nito


ay ginagawa ng mga komunidad o
pamayanan o mga grupo ng indibiduwal para
sa iisang layunin, ang makatulong sa kanilang
kapwa.
- Sa tingin nyo ba, anong mangyayari sa ating
pamayanan kung hindi tayo magtutulungan?

- Maraming salamat sa inyong mga kuro-kuro.


Marami na naman tayong natutunan mula sa
isang larawan. Ngayon naman, maghanda na
kayo para sa bago nating aralin.

4. Lesson Proper/Bagong Aralin


A. Pag-aanyak
- Sa lahat ng oras, kailangan natin ang
PAGKAKAISA o PAGBUBUKLOD sa ating (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
komunidad. Sa panahong masaya, kailangan mga sagot)
ng pagtutulungan o pagkakaisa. Ganun din
naman sa panahon ng kalungkutan.
- Bakit natin kailangan magkaisa o
magtulungan sa ating komunidad?

B. Lecture
-Tama kayo, mga bata! Magaling! Maraming
klase ng pagtutulungan ang nakikita sa
komunidad (ang guro ay magpapakita ng (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
larawan ng mga sumusunod): mga sagot)
a. Bayanihan
a.1. Ano ang nakikita ninyo sa larawang ito?

a.2. BAYANIHAN o PALUSONG ang tawag


dito. Ito ang pagtutulungan ng mga tao sa
paglipat ng bahay, pagtatanim at pag-ani, at
pagdiriwang ng mga kapistahan. (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
mga sagot)

b. Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad


b.1. Ano ang nakikita ninyo sa larawang ito?

b.2. Kapag mayroon tayong mga kapwa na


nagging biktima ng KALAMIDAD, tamang
gawain ang tulungan sila.
b.3. Ang BAGYO ay isang halimbawa ng
kalamidad. Maaari tayong tumulong sa mga
biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pagkain, damit, perang
donasyon, at panalangin. (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
mga sagot)
c. Pagbabahagi ng Yaman
c.1. Ano ang nakikita ninyo sa larawang ito?

c.2. Ang larawang ito ay nagpapakita ng


pagpapalitan o pababahagi ng Yaman
c.3. Ginagawa ang pagpapalitan o
pagbabahagi ng yaman upang matugunan
ang PANGANGAILANGAN ng mga tao sa
pamayanan. Sa pamamagitan nito, ang lahat
ay magkakaroon ng maayos na pamumuhay.
c.4. Halimbawa, maaari tayong magbahagi ng (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
mga gamit na marami tayo, at wala naman mga sagot)
ang iba.
d. Medical at Dental Mission
d.1. Ano ang nakikita ninyo sa larawang ito?

d.2. Ang larawang ito ay nagpapakita ng isang


Medical Mission. Ang larawang ito naman ay
nagpapakita ng isang Dental Mission.
d.3. Ang Medical Mission ay ginagawa ng mga
doctor. Nagpupunta sila sa isang lugar at
chine-check-up o ginaamot ang ma tao doon
ng walang hinihinging bayad. Minsan ay
namimigay din sila ng mga libreng gamot.
d.4. Ang Dental Mission naman ay ginagawa
ng mga dentista. Nagpupunta sila sa isang
lugar at tinitingnan at ginagamot ang mga
ngipin ng mga tao doon ng walang
hinihinging bayad.

C. Pangkatang-Gawain
a. Hahatiin ng guro ang klase sa apat (5)
na pangkat. Bawat pangkat ay
mamimili ng “group leader” at “group
secretary”.
b. Ang guro ay magbibigay ng isang (1)
larawan sa bawat pangkat. Ang mga
larawan ay may ipakikitang
pagtutulungan o di-pagtutulungan sa
komunidad.
c. Mga bata, may binigay ako sa inyong
mga larawan. Tignan ang mga
larawang ito. Sagutin ang mga tanong
na nasa susunod papel. Isulat ang
mga sagot sa mga guhit dito.
1.Nagtutulungan ba ang mga
tao na nasa larawang ito? Oo
o Hindi?
2.Bakit? Kung hindi sila
nagtutulungan, ano ang dapat
nilang gawin?
3.Ano sa palagay niyo ang
mangyayari kung walang
pagkakaisa o pagtutulungan (Ang “group leader” ng bawat grupo
sa komunidad? ay isa-isang pupunta sa harapan at
ibabahagi sa kanilang mga kaklase
D. Pagtatalakayan at Paglalapat ang kanilang ginawa)
a. Ang “group leader ng bawa’t pangkat
ay magpupunta sa harapan ng klase
at ibabahagi ang tungkol sa kanilang
larawan at ang sagot nila sa mga
katanungang sumunod.
Mahalaga po ang pagtutulungan sa
pamayanan. At kung hindi ito
mangyayari, maaring hindi maganda
ang maidulot sa komunidad kagaya
ng paghinto ng mga bata sa pag-aaral
b. Ngayon ano ang kaisipang inyong kung walang sapat na pabahay, tubig
nabuo mula sa inyong gawain? at programang pang nutrisyon.

c. Mahusay, mga bata! Ngayon ay alam


na natin ang mga uri ng
pagtutulungan sa pamayanan at ang
maaring mangyari dito kung walang
pagtutulungan. Maghanda ng inyong
sagutang papel.

IV. Ebalwasyon
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan. Isulat sa inyong papel kung anong uri ng
pagtutulungan ito.
1. (Ipakita ang larawan ng Bayanihan)
2. (Ipakita ang larawan ng Pagtulong sa Biktima ng Kalamidad)
3. (Ipakita ang larawan ng Pagbabahagi gn Yaman)
4. (Ipakita ang larawan ng Medical Mission)
5. (Ipakita ang larawan ng Dental Mission)
6. Dapat bang magkaroon ng pagtutulungan sa komunidad? Magbigay ng 1 dahilan
kung bakit.
7. Ano sa palagay mo ang mangyayari kapag walang pagtutulungan sa komunidad?
V. Takdang-Aralin
A. Basahin ang pahina 158-167 ng inyong libro.
B. Sagutin ang pahina 168-171 ng inyong libro.

Answer Key:

IV
1. BAYANIHAN
2. PAGTULONG SA BITIMA NG KALAMIDAD
3. PAGBABAHAGI NG YAMAN
4. MEDICAL MISSION
5. DENTAL MISSION
6. (Ang mga sagot ay maaaring magkaka-iba)
7. (Ang mga sagot ay maaaring magkaka-iba)

You might also like