You are on page 1of 4

Kabihasnan sa

Mesoamerica

Christine Joy Peradilla


May ilang kabihasnang umusbong sa Mesoamerica. Isa na dito ang Maya.
Nagpakitang gilas sila sa arkitektura at patunay na rito ay ang mga gusali at
istrukturang itinayo nila. Naipamana rin nila ang mga liwasan, piramide at templo
sa mga pangkat ng taong sumunod sa kanila sa Mesoamerica. Nakalikha ang
kaparian nila ng sistema ng pagsulat gaya ng hieroglyphics. Ginamit nila ito sa
pagtatala ng angkan o genealogy at sa pagtataya ng kalendaryo na may 365 na
araw.

Ang Mayan Calendar


Isa rin a ng Aztec sa mga umusbong sa Mesoamerica. Mataas ang kaalaman nila
hinggil sa inhinyeriya, arkitektura, sining, matematika at astronomiya. Isa sila sa
mga kauna-unahang taong nagpahalaga sa edukasyon. Ang mga kabataan ay nag-
aaral ng karunungang sibika, kasaysayan at relihiyon. Ang kanilang lungsod na
Tenochtitlan ay sinasabing ang pinakamalaking lungsod noong ika-16 na siglo.

Ang pamayanang Aztec


Aztec temple na hugis piramide

Malaking bagay ang pag-usbong ng mga kabihasnan sa Mesoamerica. Marami


silang naging kontribusyon na tumulong din sa kasalukuyang panahon gaya nga ng
mga kalendaryo, piramide, suspension bridge, at pati na ang konsepto ng zero.
Maraming inobasyon at kaalaman na nagmula sa kanila. Sa aking palagay ay dapat
pa nating isulong ang pag-aaral sa mga bagay gaya nito dahil dito natin
matutuklasan kung saan marahil nagmula ang ating mga kasalukuyang mga
kaalaman.

You might also like