You are on page 1of 4

Ang Tunay na Sampung Utos ng Dios ni Apolinario Mabini

Buan ng Mayo ng taong 1898

Una. Ibigin mo ang Dios at ang iyong puri ng lalo sa lahat ng bagay: ang Dios na siyang bukal ng boong
katotohanan, katoiran at kalakasan; ang paghahangad ng puri ang siya lamang makapigil sa iyo sa
pagbubulaan at makapipigil na huag kang suminsay sa daan ng katowiran at laging magtaglay ng
kasipagan.

Ykalawa. Sambahin mo ang Dios sa kaparaang lalong minamarapat ng iyong bait at kalooban o
konsiencia, palibhasa’y sa iyong konsiencia na sumisisi sa gawa mong masama at pumupuri sa magaling
ay doon nangungusap ang iyong Dios.

Ykatlo. Dagdagan mong pilit ang talos ng isip at katutubong alam na ipinagkaloob ng Dios sa iyo sa
pamamag-itan ng pag-aaral, at magsumakit ka ng ubos lakas sa gawang kinahihiligan ng iyong loob, na
huag kang sisinsay kailan man sa daang magaling at katowiran, upang matipon sayo ang lalong
maraming kagalingan at sa ganitong paraa’y makatulong ka sa ikasusulong ng lahat; ito nga’y siya mong
pagkasunod sa pinatutungkol sa iyo ng Dios sa buhay na ito, at kun yao’y maganap mo ay magkakapuri
ka at kun may puri ka na’y maitatanghal mo naman ang kapurihan ng iyong Dios.

Yka apat. Ibigin mo ang iyong Inang bayan nasa kaikalawa ng Dios at ng iyong puri at higit sa iyong sarili,
sa pagka’t siya ang nakaisaisang Paraisong pinaglagyan sa iyo ng Dios sa buhay na ito; siya lamang ang
pinaiikawan ng iyong lahi; na kaisa-isang mana mo sa iyong pinagnuno; at siya lamang inaasahan ng
iyong angkan; dahil sa kanya’y nagtitikim ka ng kabuhayan, pagsinta at pag-aari; natatanawan mo ang
katimawaan, kapurihan sa Dios

Ykalima. Pagpilitan mo ang katimawaan ng iyong bayan bago ang iyong sarili, at papaghariin mo sa
kanya ang bait, ang katowiran at kasipagan; sa pagka’t kun tyimawa siya ay matitimawa rin ikaw at ang
iyong kamag-anakan.

Ykaanim. Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sa pagka’t ikaw lamang ang tunay na
makapagmamasakit sa kanyang ikasusulong at ikatatanghal, ang kanyang kasarinla’y siya mo naming
kalayaan o kaluwagan, ang kanyang pagkasulong ang kayamanan mo sa lahat ng bagay at ang kanyang
pagkatanghal ang siya mo naming sariling kabantugan at kabuhayang walang hangan.

Ykapito. Huwag mong kilalanin sa loob ng iyong bayan ang pangyarihan nino mang tawona hindi sa
lagay ninyong magkakababayan, pagka’t ang boong kapangyariha’y sa Dios nagmumula at ang Dios ay sa
konsiencia ng bawa’t isa nangungusap; kaya’t ang tawong ituro at ihalal ng mga konsiencia ng
sangkabayanan ang siya lamang makapagtataglay ng tunay na kapangyarihan.

Ykawalo. Ihanap mong pilit ang iyong bayan ng Republica, yaon baga ang lahat na namamahala ay
palagay ng bayan, at huag isipin kailan man ang Monarquia, ang pagkakaroon baga ng hari; sa pagka’t
ang hari ay walang binibigyan ng kamahalan kundi isa o ilang angkan lamang, upang maitayo niya ang
kanyang sariling angkan na siyang pangagalingan ng lahat na maghahari; hindi ganito ang Republica na
nagbibigay ng kamahalan at karapatan sa lahat palibhasa’y ang kabaitan ang pinaiiral, at ang baya’y
nagiging dakila alang-alang sa kalayaan o kaluagan, at marilag at masagana gawa ng kasipagan.

Ykasiyam. Ibigin mo ang kapua mo tawo paris ng pag-ibig mo sa iyong sarili, sa pagka’t siya’y binigyan ng
Dios, at ikaw ay ganon din naman, ng katungkulang tulungan ka at huag niyang gawin asa iyo ang di niya
ibig na gawin mo sa kaniya; nguni’t kapag ang kapua mo tawo ay nagkukulang dito sa kamahalmahalang
katungkulan at pinagtatangkaang lipulin ang iyong buhay at kalayaan at pag-aari, ay dapat mo naming
ibual at lipulin siya, pagka’t ang mananaig ay ang kaunaunahang utos ng Dios, mag-ingat ka at iningatan
kita.

Ykapuo. Palalaloin ng kaonti sa loob mo ang iyong kababayan sa iyong kapua tawo; aariin mong palagi
siya na parang isang katoto, kapatid kaya o kasama man lamang, palibhasa’y iisa ang inyong kapalaran,
iisa din ang inyong tuwa at kapighatian at magkakaayon din naman ang inyong mga hinahangad at pag-
aari.

Kaya habang di pa napapaui ang mga patuto ng bawa’t bayan o kaharian, na itinayo at inaalagan ng
mga lahi at angkang walang pinagsasakitan kundi ang kanilang sariling kaginhawahan, sa kanya
lamang dapat kang makisama sa ganap na pakikipag-isa, tungkol sa hinahangad at pag-aari, upang
magkalakas ka hindi lamang sa pakikilaban sa kaaway ng lahat, kundi naman ng maidaos ang lahat ng
pinupunta ng kabuhayan ng tawo.

Unang tagobilin. Walang itinuro sa atin ang namahalang Kastila at ang mga paring religioso, kundi ang
itaas natin sa isang balobalong langit ang ating mga mata at ang boo nating pag-iisip, upang bayaan
natin sila sa pagtatamong mahinusay ng mga kagalingan dito sa lupa. Dahil dito’y hindi nila inibig na
makakita at makabasa tayo ng mga librong magpapatalastas sa atin ng mga katotohanang ito, na kun
maganap natin ay matatamong walang sala ang ating kaginhawahan sa buhay na ito at sa kabila ang
ating kalualhatian at kabuhayang walang hangan.

Ykalawang tagubilin. Ang bayan ay hindi lamang ang provincia, hindi rin yaong bayang sakop ng
provincia at hindi rin naman ang lugal na pinangangkan sa bawa’t isa. Ang lahat na provincia, ang lahat
ng mga bayan at ang lahat na lugal na pinangangkan sa kangino mang taga Filipinas, kahit ano ang mga
sinasampalataya niya at ano man ang wika, ito ang siyang tunay na bayan o Ynang bayan nating mga
taga rito sa Kapuluan.
"THE TRUE DECALOGUE"
by Apolinario Mabini 
First. Thou shalt love God and thy honor above all things: God as the fountain of all truth, of all justice and of all activity;
and thy honor, the only power which will oblige thee to be faithful, just and industrious.
Second. Thou shalt worship God in the form which thy conscience may deem most righteous and worthy: for in thy
conscience, which condemns thy evil deeds and praises thy good ones, speaks thy God.
Third. Thou shalt cultivate the special gifts which God has granted thee, working and studying according to thy ability,
never leaving the path of righteousness and justice, in order to attain thy own perfection, by means whereof thou shalt
contribute to the progress of humanity; thus; thou shalt fulfill the mission to which God has appointed thee in this life
and by so doing, thou shalt be honored, and being honored, thou shalt glorify thy God.
Fourth. Thou shalt love thy country after God and thy honor and more than thyself: for she is the only Paradise which
God has given thee in this life, the only patrimony of thy race, the only inheritance of thy ancestors and the only hope of
thy posterity; because of her, thou hast life, love and interests, happiness, honor and God.
Fifth. Thou shalt strive for the happiness of thy country before thy own, making of her the kingdom of reason, of justice
and of labor: for if she be happy, thou, together with thy family, shalt likewise be happy.
Sixth. Thou shalt strive for the independence of thy country: for only thou canst have any real interest in her
advancement and exaltation, because her independence constitutes thy own liberty; her advancement, thy perfection;
and her exaltation, thy own glory and immortality.
Seventh. Thou shalt not recognize in thy country the authority of any person who has not been elected by thee and thy
countrymen; for authority emanates from God, and as God speaks in the conscience of every man, the person
designated and proclaimed by the conscience of a whole people is the only one who can use true authority.
Eighth. Thou shalt strive for a Republic and never for a monarchy in thy country: for the latter exalts one or several
families and founds a dynasty; the former makes a people noble and worthy through reason, great through liberty, and
prosperous and brilliant through labor.
Ninth. Thou shalt love thy neighbor as thyself: for God has imposed upon him, as well as upon thee, the obligation to
help thee and not to do unto thee what he would not have thee do unto him; but if thy neighbor, failing in this sacred
duty, attempt against thy life, thy liberty and thy interests, then thou shalt destroy and annihilate him for the supreme
law of self-preservation prevails.
Tenth. Thou shalt consider thy countryman more than thy neighbor; thou shalt see him thy friend, thy brother or at least
thy comrade, with whom thou art bound by one fate, by the same joys and sorrows and by common aspirations and
interests.
Therefore, as long as national frontiers subsist, raised and maintained by the selfishness of race and of family, with thy
countryman alone shalt thou unite in a perfect solidarity of purpose and interest, in order to have force, not only to
resist the common enemy but also to attain all the aims of human life
Ang Decalogo ni Apolinario Mabini

1. Ibigin mo si Bathalà at ang iyóng̃ kapurihán nang higít sa lahát ng̃ bagay.
2. Sambahín mo si Bathalà, nang ukol sa lalong̃ minamatuwíd at minamarangal ng̃
iyong̃ budhî.
3. Palusugín mo ang mg̃a piling̃ kayamanan na ipinagkaloób sa iyó ni Bathalà.
4. Ibigin mo ang iyóng̃ bayan ng̃ sunód kay Bathalà, sa iyóng̃ kapurihán, at higit sa
iyóng̃ sarili.
5. Pagpumilitan mo ang ikagiginhawa ng̃ iyóng̃ bayan bago ang kaginhawahan
mong̃ sarili.
6. Pagpilitan mo ang pagsasarilí ng̃ iyóng̃ bayan.
7. Huwag mong̃ kilalanin sa iyóng̃ bayan ang kapangyarihan nino mang tao na dî
mo pilì at ng̃ iyóng̃ mg̃a kababayan.
8. Pagpilitan mo na ang iyóng̃ bayan ay magíng̃ isáng̃ República at huwág mong̃
tulutan kailán mang magíng̃ Monarquia.
9. Ibigin mo ang kapwà nang gaya ng̃ pagibig mo sa sarili.
10. Laging̃ titignán mo ang kababayan ng̃ higit ng̃ kauntî sa iyóng̃ kápuwá.

You might also like