You are on page 1of 1

MGA HALAMANG GAMOT

ABOKADO
1. Ang abokado ay isang uri ng prutas na nabubuhay sa mga maiinit na bansa
tulad ng Pilipinas, Indonesia at ilan pang mga tropikal na bansa. Ito ay
mayaman sa bitamina A kung saan pinalilinaw nito ang ating mata,
samantalang ipinagbabawal naman ito sa mga taong may alta-presyon
sapagka't pinalalapot nito ang dugo sanhi ng pagtaas nito.

ALUGBATI
2. Mainam na paggamot sa taong may kanser, para rin sa may pigsa o bukol at
mga maga sa katawan.

Paraan:
a) maglaga ng mga dahon at inumin tatlong beses maghapon
b) magdikdik ng dahon, itapal sa parteng may pigsa, bukol o namamagang
katawan.

KAKAW
3. 1) Ang buto nito ay gamot sa may eksema.

Paraan:
Kumuha ng 12 pirasong buto, dikdikin. Lagyan ng mainit-init na tubig ang
palanggana at pomentohan (banyos) ang parteng may eksema at itapal ang
dinikdik na buto.

2) Ang buto ng kakaw ay ginagawang tsokolate.

SAMBONG
4. Maraming sakit ang kayang pagalingin ng sambong tulad ng ubo (pantanggal ng
plema), sa nahihirapang umihi, sakit sa lalamunan, may kabag, sumasakit ang tiyan at
may rayuma. Inihahalo din ang dahon nito sa pampaligo at panghugas ng bagong
panganak.

Scientific name: Psidium guajava - BAYABAS


5. Ang dahon ng bayabas ang pangunahing gamot sa sakit ng tiyan, noong una pa
man. Ang murang dahon naman nito ay ginagawang panglanggas sa mga bagong tuli
na karaniwang maririnig sa probinsiya. Pinanlalanggas din sa sugat, sa pagkawala ng
malay, pagtatae at mga namamagang gilagid at bibig.

Scientific name: Vitex negundo- LAGUNDI


6. Mabisang gamot sa lagnat at ubo, tigdas, sakit sa balat gaya ng galis-aso, pantal ng
balat at kagat ng insekto.

Scientific name: Zingiber officinale Roscoe- LUYA


7. Gamot sa masakit na lalamunan dahilan ng pamamaga bunga ng tinatawag na
tonsilitis. Pampaganda ng boses, para rin sa minamalat.

You might also like