You are on page 1of 96

b y:

Clarence V. Agpuldo

komunikasyon
Komunikasyon
 Madalas ay naririnig ang salitang
komunikasyon, ngunit ano nga ba ito?
 Ang mga suot ng tao at galaw nito ay
maituturing ba na komunikasyon?
 Ang mga nakikita sa poster, bill board at mga
larawan ay maituturing ba na komunikasyon?
 Ibig bang sabihin na ang lahat ng mga
nakikita natin sa paligid ay may kaugnayan sa
komunikasyon?
Komunikasyon

 Latin na communis atus


= ibahagi
 Communicare
= pamamahagi
 Communis
= panlahat
 sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang
pasalita at pasulat. Sa pamamagitan ng komunikasyon,
naipahahatid natin ang impormasyon o ang ating mga
naiisip at nadarama sa ibang tao gamit ang mga simbolo
o mga sagisag na kumakatawan dito.
Pakikipagtalastasan
 galing sa salitang-ugat na talastas na ang ibig sabihin ay
“alam” at sa kabilaang panlaping pakikipag/an na ang
tinutukoy ay proseso o paraan ng pagsasagawa ang
hindi isahan kundi dalawahan o maramihan sapagkat
dapat ay may magkabilang panig na nnasasangkot: isang
nagsasalita at isang nakikinig. Nagbibigay ng
impormasyon ang nagsasalita dahil may alam siya
samantalang ang nakikinig naman na tumatanggap ay
wala pang alam o kulang pa ang nalalaman kaya gusto
niyang punan o dagdagan pa ang kaalaman at vice
versa.
Ibat –ibang pagpapakahulugan

 Ayon kay Merriam-Webster


- ang salitang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na
“Communicare”, na nangangahulugang “magbahagi” o
“magbigay”. Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng ideya o
opinion, paghatid at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan
ng telepono, telegram, kompyuter, radio at iba pa.
 Ayon kay Aristotle
- ang komunikasyon ay isang siklong binubuo ng tatlong
element:
a. Sender o nagbibigay ng mensahe
b. Mensahe
c. Resiber o tagatanggap ng mensahe
Ibat –ibang pagpapakahulugan

1. Lorenzo
– paraan ng paghatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na
kinasasakutan ng magkakambal na proseso;
a. Pagsasalita
b. Pakikinig
c. Pag-unawa
2. Dance
– prosesong daynamiko, tuloy-tuloy at transaksyunal
3. Webster
– mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-unawaan
 Ano ang mangyari sa mundo kapag walang komunikasyon?
3. Buenuseso
– pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na
nagpapahayag ng iniisip sa isang mabisang paraan at kalugod-lugod.
 -meeting, declamation, oration, speeches
Kahalagahan ng komunikasyon

 Kelan niyo masasabing mahalaga ang isang


bagay?
a. Natutugunan at nagagampanan ang mga
pang-araw araw na gawain sa buhay.
b. Napapataas at napapanatili ang
pagkakakilanlan sa sarili
c. Nalilinang ang kakayahang makipag-uganayan
at pakikipagpalitan ng impormasyon sa ibang
tao
Proseso ng komunikasyon

Umiikot sa apat na makrong


kasanayan
a. Pagsasalita
b. Pakikinig
c. Pagbabasa
d. Pagsusulat
Proseso ng komunikasyon

 Sender
 Message
Tsanel
wika
berbal
Di- Berbal

Resiber
Mga elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon

Sender/source o pinagmumulan ng
mensahe
Mensahe
Tsanel o daluyan
Resiber o tumatanggap ng mensahe
 
Fidbak
 Konteksto
 
Mga elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon

Sender/source o pinagmumulan
ng mensahe
- sa kanya nagmumula ang ideya,
kaalaman, saloobin o mensahe.
Siya ang unang nagpahayag o
unang nagbitiw ng pahayag.
Mga dapat isaalang-alang ng sender:

1. Layunin
- tumutukoy ito sa dahilan kung bakit
nakikipagtalastasan o nagbibigay ng pahayag ang
sender.
 Bawat galaw ng tao ay may layunin
Uri ng layunin
a. Humingi at magbigay ng impormasyon
b. Manghikayat
c. Magbigay aliw
d. Lumutas ng suliranin
Mga dapat isaalang-alang ng sender:

2. Kaalaman
- nagbibigay-pansin sa lawak ng kaalaman ng sender sa paksang
kanyang tinatalakay gayundin sa kahusayan niya sa
pagpapahayag ng paksa.
3. Pagtingin sa sarili
- pagkakaroon ng tiwala sa sarili kaugnay ng paksang
tinatalakay- dapat panindigan kung ano ang sinasabi sapagkat
nakakaimpluwensiya ito nang malaki sa paraan ng pagtalakay.
4. Kredibilidad
- Naniniwala ba ang nakikinig sa sinasabi mo? Karapat dapat
bang paniwalaan?
Mga elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon

2. Mensahe
 Ito ang ipinaaabot ng sender sa resiber.
 Maaaring ito ay ideya, kaalaman, saloobin,
impormasyon o anumang paksang
napagtutuunan ng pansin at panahon.
 Ideation
– tawag sa pagbubuo ng mensaheng ihahatid.
 
Dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng mensaheng ihahatid

1. Nilalaman
 Totoo ba?, May sapat bang ebidensya, Ano ang
pinapaksa, Gaano kahalaga ang ipinapahayag?
2. Istruktura
- ito ang maaayos na pagkakasunod-sunod batay sa
kahalagahan ng mga kaisipang ipinapahayag. Maaring
induktibo o deduktibo.
3. Istilo
- tumutukoy sa paraan ng pagtalakay ng sender sa paksa
(impormal o pormal, literal o patalinghaga..at iba pa)
Pagpapapakahulugan sa mensahe bilang tagapakinig

Enkowding
- kasanayang makabuo ng menshe sa
isang pahayag na narinig.
Dekowding
– kasanayang makabuo ng kahulugan
ng mensaheng narinig.
Paano binibigyang kahulugan ang mensahe

Denotative
 – pagbibigay kahulugan sa salita
gamit ang diksyonaryo
Connotative
– pagbibigya kahulugan sa salitang
ginamit base sa kanyang karanasan.
Mga elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon

3. Tsanel o daluyan
 Ang paraan kung paano ipinaaabot ng sender
ang kanyang mensahe- berbal, biswal.
 Tumutukoy din ito sa paraan ng pagbibigay o
paghahatid ng mensahe sa tagapakinig o
tagabasa.
 Kaagapay nito ang mga ekspresyon ng mukha,
mga kumpas at kilos ng katawan na nakikita sa
pamamagitan ng liwanag.
Mga elementong bumubuo sa proseso
ng komunikasyon

4. Resiber o tumatanggap ng mensahe


- ang kausap,ang tumatanggap ng
mensahe.
Mga Nakakaiimpluwensiya sa pagtanggap ng mensahe
tagapakinig

1. Layunin
- Rason kung bakit siya nakikinig o nagbabasa.
2. Antas ng kaalaman at interes
- higit na may interes kung may malawak na
kaalaman sa paksang pinag-uusapan.
3. Kaasalan o kaugalian sa pakikinig
-Maaaring maimpluwensyahan ng edad,
panahon, lugar, istilo ng sender at iba pa.
Di magandang asal sa pakikinig:

 On-off listening
 Red flag listening
 Open ears- closed mind listening
 Glassy-eyed listening
 Too- deep for me listening
 Don’t- rock-the-boat listening
 Faker listener
 Dependent listener
 Interrupter listener
Di magandang asal sa pakikinig
 Self-conscious listener
 Intellectual listener
 Judge and jury listener
 Parrot listener
 Eager beaver
 Sleeper
 Bewildered
 Frowner
 Relaxed
 Busy bee
 two-eared listener
Di magandang asal sa pakikinig

 On-off listening
- ang isang karaniwang individual ay apat
na bess na mas mabilis mag-isip kaysa
makinig. Mayroon siyang ¾ ng isang
minuto na maaring ilaan sa pag-iisip
tungkol sa ibang bagay sa halip na sa
pinakikinggan.
Di magandang asal sa pakikinig

 Red flag listening


– may ilang taong kapag nakakarinig ng
salita o paksang di nila nagugustuhan ay
agad humihinto sa pakikinig. Dahil ditto
nababawasan o tuluyang nang nawalan
ng ugnayan ang sender at resiber at
nawawalan ng bias ang komunikasyon.
Di magandang asal sa pakikinig

 Open ears- closed mind listening


- may mga pagkakatong agad hinihusgahan
ng tagapakinig ang speaker at naniniwala
siyang walang matutunan sa ispiker at sa
paksa- na walang pakikinabang na
nakukuha mula rito. Kayat nakikinig man
ay di naman talaga pinakikinggan ang
sinasabi ng nagsasalita.
Di magandang asal sa pakikinig

Glassy-eyed listening
– may ilang nakikinig na akala mo ay
matiim na nakikinig subalit sa
katotohanan, sila ay nawawala na sa
sarili nilang daigdig. Kadalasan, ang
nakikita ay isang blangkong
expresyon sa kanilang mukha.
Di magandang asal sa pakikinig

Too- deep for me listening


- may mga taong humihingi sa
pakikinig kapag hindi na niya
nauunawaan ang paksang
tinatalakay ng ispiker.
Di magandang asal sa pakikinig

Don’t- rock-the-boat listening


-kapag ang pinakikinggan ay kontra
sa ating paniniwala, agad tayong
tumigil sa pakikinig o kayang
naman ay agad tayong umiisip ng
pandepensa sa paniniwalang tao.
Di magandang asal sa pakikinig

 Faker listener
– isang tagapakinig na kunwari ay nakikinig
sa mensaghe subalit sa katotohanan ay
wala sa pinakikinggan ang pokus ng
atensyon. Nakikigaya siya sa reaksyon o
pagtugon ng nakararaming nakikinig
kahit hindi naman niya talaga
nauunawaan ang mensahe.
Nakikipalakpak, nakikisigaw atbpa.
Di magandang asal sa pakikinig

 Dependent listener
– laging sumasang-ayon sa bawat sa
sabihin ng ispiker sa layuning mabigyang
kasiyahan at mapanatili ang
kumpanyansa ng ispiker sa sarili.
Ipinapakikita nito ang pagsang-ayon sa
pamamagitan ng madalas na pagtango o
pagpalakpak.
Di magandang asal sa pakikinig

 Interruptor listener
– hindi niya pinahihintulutang matapos ang
nagsasalita sa halip ay laging nangangawitran
at idepensa ang sariling pananaw kahit di pa
naririnig ang panig ng iba.
Di magandang asal sa pakikinig

Self-conscious listener
– tagapakinig na nais makuha ang
atensyon ng iba. Madalas sumasabat
upang maipakita sa ibang may alam
din siya sa pinag-uusapan. Ang kanya
namang sinasabi ay madalas na
walang kaugnayan sa paksa.
Di magandang asal sa pakikinig

 Intellectual listener
– nagtatanong tungkol sa bawat detalye at
o salitang babanggitin ng ispiker kahit na
ito ay nakakasira sa daloy ng
konsentrasyon ng ispiker. Hindi mahalaga
sa kanya ang damdamin ng iba kundi ang
kahulugan ng bawat salitang tinatanong
niya.
Di magandang asal sa pakikinig

Judge and jury listener


– kaagad na humuhusga sa mensahe
at katauhan ng ispiker kahit hindi pa
tapos ang paliwanag. Mga madalas
na reaksyon ay “mali ka kasi”, mabuti
nga sa iyo, kasalanan mo, bahala ka
sa buhay mo.”
Di magandang asal sa pakikinig

Parrot listener
– tagapakinig na nag-uulit sa
sinasabi ng ispiker at madalas
na magbigay ng negatibong
fidbak.
Di magandang asal sa pakikinig

 Eager Beaver
- Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tango nang
tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan.
Ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang
naririnig ay isang malaking tanong. Makikita kasi sa
kanyang mga mata ang kawalan ng focus kahit na
pilit na pilit na ang pagpapanggap niya na siya’y
masugid na nakikinig. Pilit niyang pinapaniwala ang
iba, sa pamamagitan ng kanyang reaksyong
mapagkunwarin siya ay mabuting tagapakinig.
Di magandang asal sa pakikinig

 Sleeper
– siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo
sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala
siyang tunay na intensyong making. Sa
katunayan ay naiinis na nga siya kapag
may nag-iingay. Dahan dahan niyang
ipipikit ang kanyang mga mata habang
inihihilig ang ulo at maglalakbay sa
daigdig ng panaginip.
Di magandang asal sa pakikinig

Bewildered
– siya ang tagapakinig nakahit anong
pilit ay walang maintindihan sa
narinig. Kapansin-pansin sa
pagkunot ng kanyang noo,
pagsimangot at anyong pagtataka o
patatanong ang kawalan niya ng
malay sa kanyang mga narinig.
Di magandang asal sa pakikinig

 Frowner
– siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi
na lang may tanong at pagdududa. Makikita
sa kanyang mukha ang pagiging atentiv,
ngunit ang totoo hindi lubos ang kanyang
pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang
sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang
opurtunidad na makapagtanong para
makapa-impres.
Di magandang asal sa pakikinig

 Relaxed
– isa siyang problema sa isang nagsasalita.
Paano ay kitang kita sa kanya ang kawalan ng
interest sa pakikinig. Madalas, nauupo siyang
para bang nasa sala ng sariling bahay at
itinutuon ang atensyon sa ibang bagay o tao.
Walang makikitang iba pang reaksyon mula sa
kanya, positibo man o negatibo.
Di magandang asal sa pakikinig

 Busy – bee
- isa siya sa pinakakaayawang tagapakinig sa
anumang pangkat. Hindi lamang siya
nakikinig, abala pa siya sa ibang Gawain tulad
ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi,
pagbabasa ng libro o magasin, pagsusuklay o
iba pang gawaing walang kaugnayan sa
pakikinig.
Di magandang asal sa pakikinig

 Two-eared listener
- siya ang pinakaepektibong tagapakinig. Nakikinig
siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi
maging ang kanyang utak. Lubos ang
partisipasyong niya gawain ng pakikinig. Objektiv
ang reaksyon niya sa mensaheng kanyang
naririnig. Makikita din sa kanyang mukha ang
kawilian sa pakikinig. Samakatwid, siya ang uri ng
tagapakinig na dapat tularan ng lahat.
 
Fidbak

 ang respond ng tagapakinig.


 Maaaring berbal o di-berbal (pagtango,
pag-iling, pagngiti, pagsimangot,
pagkunot-noo, pagkamot) at ipinapadala
ito bilang mensahe sa sender
 Ito ang nagsasaad kung naintindihan o
hindi naunawaan ng tagapakinig ang
mensahe
 
Mga uri ng fidbak

1. Direct o tuwiran- berbal


2. Moderately direct o di gaanong tuwiran
- di berbal na fidbak
3. Indirect o di tuwiran
- hindi tuwirang pagsagot sa mga
pinapahayag.
- Pagtatanong sa speaker na parang
tinitest kung gaano kalawak ang
kaalaman nito sa paksa.
Konteksto

Tumutukoy sa kapaligiran at
lugar na pinagyarihan ng
komunikasyon
5 component na nakakaimpluwesiya sa pakikipagtalastasan

1. Pisikal
– tumutukoy sa kondisyon ng
kapaligiran
a) Level ng ingay at oras
b) Temperature
c) Pagitan ng nag-uusap
d) Posisyon ng nagsasalita
e) Liwanag
Limang bagay nakakaimpluwensiya sa pakikipagtalastasan

2. Sosyal
– tumutukoy sa relasyon ng dalawang nag-uusap
3. Historical
– tumutukoy sa lalim ng kaalaman tungkol sa paksang
pinag-uusapan
4. Sikolohikal
– tumutukoy sa kalagayang emosyonal at damdamin
ng nakalahok
5. Cultural
– tumutukoy sa tradisyon , paniniwala at mga
nakagawian ng kalahok sa komunikasyon.
Uri ng komunikasyon

1. Berbal
- komunikasyong gumagamit
ng wika o mga salita.
 
Uri ng komunikasyon

2. Di-berbal
- hindi ito gumagamit ng wika o mga
salita.
 Ito ay nagpapahiwatig ng kalagayang
panloob o emosyonal ng taong
nakikipag-usap.
 Nagbibigay linaw din ito sa diwa ng
isang komunikasyong berbal.
Uri ng di-Berbal

Proxemics
Chronemics
Oculesics
Haptics
Kinesics
Objectics
Vocalic
Iconics
Proxemics

 tumutukoy sa distansya o layo sa pagitan


ng nag-uusap gayundin naman sa pook
kung saan nagaganap ang
pagtatalastasan.
 Mga rason o dahilan ng distansiya
 Intimate
 Personal
 Sosyal
 Pampubliko
Chronemics

 ( oras)- mula sa salitang griyego na “chromos”


na nangangahulugang panahon o oras
 * ang may masamang balakin ay sa gabi nag-
uusap
 * kawalan ng disiplina ang kawani na laging
huli sa oras ng paggawa
 * ang pagtawag sa gabi ay maaaring
nangangahulugan ng pang-aabala o kaya ay
emergency
Oculesics

- tumutukoy sa paggamit ng mata sa


pakikipagtalastsan.
Guilty ang hindi makatingin sa mata
Nakataas ang kilay
Nakairap
Nangungusap ng mga mata-
magtitigan lang ay magkakaunawaan
na
Haptics

 (Pandama)- tumutukoy ito sa


paggamit ng sense of touch
Pagtapik sa balikat- pakikiramay
Bear hug- masayang pagbati at
pangungumusta
( pisil sa palad, haplos, hipo,)
Kinesics

 (katawan)- tinatawag nating


body language.
Nakatikwas ang labi
Nangangalit ang mga bagang
Laglag ang balikat
Pagpadyak sa paa
Objectics

- tumutukoy sa paggamit ng mga


bagay sa pakikipagtalastasan.
Kabilang dito ang mga electronikong
ekwipment tulad ng celfon,
mikropono at iba pa..
Vocalics

- ang paglakas-paghina,
pagbagal, pagbilis ng tinig,
pagbago-bago ng intonasyon o
tono, saglit na pagtigil at iba pa..
Iconics

 (simbolo)- paggamit ng mga larawan o


sagisag na ginagamit sa
pakikipagtalastsan.
 Drowing sa pintuan ng comfort room
 Sa gusali ng hukuman, larawan ng
babaeng may piring sa mata at may
hawak na timbangan
 Botelya ng lason, larawan ng bungo at
magka-ekis na buto.
Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Intrapersonal
Interpersonal
Transaksyunal o pangkatan-
Pampubliko
Pangmasa
Pangkaunlaran
Pangkultura
Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Intrapersonal

- pakikipag-usap ng indibidwal sa
sarili
Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

 Interpersonal
 - pakikipagtalastsan sa iba’t ibang
indibidwal. Ito ay may iba’t ibang anyo:
 Dayadik- isa-sa-isang pakikipagtalastasan
ng isang tao sa isang pang indibidwal.
Maaaring Makita sa iba’t ibang anyo:
 Job interview, counseling, survey
Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

 Transaksyunal o pangkatan-
 komunikasyon sa pagitan ng isa o mahigit pang
indibidwal sa isang panig at isa o mahigit pang
tao sa kabilang panig. Maaaring talakayan sa
pagitan ng maliit o malaking pangkat.
 Diskusyong panel
 Simposyum
 Pulong
 Talumpati
Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Pampubliko
– isinasagawa sa harap ng
tagapakinig sa harap ng
maraming tao
Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Pangmasa
– mas maraming tagapakinig
Gumagamit ng radio, television,
newspaper, internet
Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Pangkultura
– ito ay isinasagawa sa teatro.
Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Pangkaunlaran
- isinasagawa para sa kaunlaran
ng isang bansa.
Press conference
Pakikinig

Kakayahang kumilala at umunuwa sa


sinasabi ng ibang tao
- (Howatt at Dakin)
Pagbibigay attensiyon at pagkuha ng
kahulugan sa bagay na ating naririnig
-(underwood)
Pakikinig
 Isang prosesong kinasasangkutan ng 5 hakbang ( Berko)
1. Resepsyon – pagtanggap sa mensaheng naririnig o nakikita
2. Atensyon – pagbibigay pokus sa isang paksang naririnig o
nakikita
3. Persepsyon – pag-eebalweyt o pag-uunawa sa isang paksa
 Kultura
 Karanasan
 Tungkulin
 Mental na kapabilidad
4.Pagpapakahulugan sa natatanggap na mensahe (iskemata)
5.Reaksyon
Kahalagahan ng pakikinig

Sa bansa
Sa pamilya
Sa trabaho
Sa ating buhay
Layuin ng pakikinig

Maaliw
Manglikum ng katalinuhan
o kaalaman
Magsuri
Gampanin ng tagakinig

Pasibong tagapakinig
Attentive o aktibong
tagapakinig
Mapanuring tagapakinig o
kritikal
Pakikinig na appreciative
Gampanin ng tagakinig

Pasibong tagapakinig
- pakikinig na may ibang
ginagawa at hindi nakatuon
ang pansin sa naririnig.
Gampanin ng tagakinig

Attentive o aktibong tagapakinig


- pakikinig na may layuning
matamo ang wasto at ganap na
pagkaunawa sa teksto. Ginagawa
niya ito kung gusto niyang
makuha ang mga detalye ng
bawat pinakikingan.
Gampanin ng tagakinig

Mapanuring tagapakinig o
kritikal
– ginagawa kung may layuning
mag-ebalweyt kung sapat ,
valid , mahalaga, o karapat
dapat ang napapakinggan.
Gampanin ng tagakinig

Pakikinig na appreciative
– ginagawa ito kung ang
layunin ay magkaroon ng
pansariling kasiyahan o
malibang mula sa naririnig.
Mga salik na nakakaimpluwensiya sa
mga tagapakinig

Oras
Tsanel
Edad
Kasarian
Kultura
Layunin
Sender
Istratehiya sa pakikinig

 Magkaroon ng eye contact sa tagapagsalita


 Maging aktibo ( pagtatanong)
 Isiping ang pinapakinggan ay mapanghamong
gawain
 Magpraktis upang mahasa ang kasanayang
makinig(magtala, mag-isip at magtanong.
 Iwasan ang pagiging emosyonal
 Magpokus sa nilalaman ng pinapakinggan
 Umiwas sa distraksyon
Teknik sa pakikinig

 magpakita ng interest sa paksa ng


tagapagsalita
 i-adopt ang kaanyuan ng tagapagsalita
 mag-adjust sa distraksyon
 huwag magpakita ng pekeng atensyon
 makinig sa pangunahing ideya o konsepto
 makinig muna sa buongmensahe bago
magkumento
Katangian ng mabuting
tagapakinig

 huwag laging maging tagapagsalita


 huwag tatalon sa konklusyon
 hindi kailangang madistrak sa kapaligiran
 magbukas ng isip
 huwag maging sagabal sa tagapagsalita
 makinig sa bawat linya ng tagapagsalita
 magtanong sa tamang oras
 magbigay ng tugon sa tagapagsalita
Angking mental na atityud
ng mahusay na tagapakinig
interest at atensyon
respeto
bukas ang isip
tolerans
tiyaga
 
Sampung utos sa mabuting
pakikinig
 huminto sa pagsasalita
 maging kumportable sa kaanyuan ng tagapagsalita
 ipakita ang kagustuhang makinig
 iwasan ang distraksyon
 huwag maging sagabal
 maging pasensyoso
 magtanong kung kelangan
 ilagay ang sarili salugar ng tagapagsalita
 hawakan ang temper o emosyon
 gawing magaan ang argumento o kritisismo
 
MGA PATNUBAY SA MABISANG PAKIKINIG

 Ihanda ang sarili sa pakikinig


 Sikaping magkaroon ng kawilian
 Ihanda ang kaisipan sa pagtanggap ng iba’t ibang uri ng paks
 Hanapin ang pinakadiwa ng pinakikinggan
 Husgahan ang nilalaman ng paksa, hindi ang nagsasalita o ang
paraan ng paglalahad nito.
 Magkaroon ng bukas na isipin, igalang ang pananaw ng
ispiker tungkol sa paksang tinatalakay
 Maging mapanuri at malikhain habang nakikinig sa
pagtanggap at pag-unawa ng mensahe.
 Magtala kung kinakailangan.
 Sikaping huwag pansinin ang mga kaabalahan sa paligid.
Pagsasalita

Kakayahang magpahayag ng
impormasyon at ideya sa
mabisang paraan upang ang
mensahe ay maunawang
mabuti ng tagapakinig.
Mga salik sa mabisang
pagsasalita

May malawak na kaalaman sa


paksang tatalakayin
May tiwala sa sarili
Bihasa sa pagsasalita
Katangian ng mahusay na tagapagsalita

 Alam niya ang kanayang mga tagapakinig, paksa, at


kapwa niya tagapagsalita.
 Magiliw sa kanyang mga tagapakinig
 May malawak na kaalaman
 Palabasa at palaisip
 Objective at seryoso sa pagbibigay ebidensya
 May sense of humor
 May angkop na pananalita sa kanyang personalidad
 May maayos at organisadong preentasyon ng
kanyang paksa
Mga kasanayan sa pagsasalita

 Pormal

Gumagamit ng mga pormal na salita


Pinipili ang mga salitang ginagamit
Hindi gumamit ng mga salitang balbal
Pinaghahandaan bago ito isasagawa.
Mga kasanayan sa pagsasalita

Di – pormal
-hindi pinaghahandaan
at kadalasan
isinasagawa ito sa araw
araw na gawain
 
Mga di- prmal na pagsasalita

Pag-uusap
Pagpapakilala sa saliri sa ibang
tao
Pakikipag-usap sa telepono
Pagkukuwento sa kaibigan
Pagbibigay direksyon
Pagpapalitan ng opinion
Mga pormal na pagsasalita

Pakikipanayam
Pagtatalumpati
Debate
Pagtuturo
seminar
Kwiz – 40 pts

 Magsasaka si Anton sa China.


 Tayo ang magpapatupad sa proyektong ito
 Kumukulo na ang tubig sa takuri.
 Nagtatanim ng gulay si Tasyo sa bukid.
 Hilig niya ang magbasa ng libro sa parke
 Kapuri-puri ang mga masisipag na bata.
 Tinawag ng guro ang mga istudyante.
 Ganito ang hinahanap niyang singsing.
 Peke ang alahas na nabili niya sa palengke.
 Magaganda ang mga bulaklak sa hardin.
Pangungusap, sugnay, parirala

 Malawag ang kanilang lupain


 Si Jess ay nakapasa na rin sa board exam
 Nang humupa ang ulan
 Ang mga ibon
 Namatay kagabi ang aking aso
 Kapag hindi ka aamin
 Matulog ka nang maaga
 Kayong lahat ay mga iskolar ng bayan
 Ang masarap na pag kain sa mesa
 Mabait na bata
Tamang bantas at gamit ng pangungusap.

 Ang banda ng musiko ay naglilibot sa bayan


 Gawin agad ang sinasabi ni Elias
 Anong lungkot ang kapalara ni Maria
 Mayroon nga bang tao doon
 Ang paaralan ay siyang saligan ng lipunan
 Ipakisara ang mga bintana sapagkat nababasa ang mga
upuan
 Nasaan ng donyang mapanlait
 Kaawa-awa ang kalagayan ni Sisa
 Wala ng pera si Juan
 Hindi ko na alam ang sagot
Tukuyin kung anong uri ng komunikasyon ang mga
sumusunod:

 Laging kulay pula ang suot niyang damit.


 Nakipagkindatan siya sa kanyang kaibigan nang sila ay
magkasalubong.
 Iba’t ibang kulay ng kolerate ang ipinapahid niya sa kanyang labi
gabi-gabi.
 “Magandang umaga” ang masayang bati ni Juan kay Juana.
 Napahiyaw ang ale nang malgalagan siya ng buti sa batok.
 Nagsisigaw si ate nang agawan siya ng bag ng isang magnanakaw.
 Itinaas niya ang kanyang kanang kamay, matapos magsalita ang guro.
 Tumango na lamang siya nang tanungin ng kanyang ama.
 Araw – araw siyang nagsusuot ng ibat – ibang alahas.
 Itim ang isusuot niyang damit sa loob ng isang taon.
Bumuo ng pangungusap
 Nang – bilang tagapag-ugnay
 Mayroon – nangangahulugang mayaman
 May- kasunod na salita ay pang-uri
 May – kasunod na salita ay pandiwa
 Ng – may tinutukoy
 Rin – sinusundan ng salitang nagtatapos sa malapatinig
na W
 Daw – sumusunod sa saltang nagtatatpos sa katinig
 Raw – sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig
 Kung – gingagamit na sugnay na di makapag-iisa
 Ko – bilang panghalip panao na may pang-angkop na NG
Kayarian ng pangungusap

 Maasim ang santol at mangga.


 Magkaibigan at magkaklase sina Mario at Maria.
 Naglinis ng bahay si Rey at nag-aalaga naman ng bata si Fe.
 Si Catalina ang maglalaba at saka si Carlito ang namamalengke.
 Ipaliwanag mo sa inyong guro kung bakit hindi ka pumasok sa
klase.
 Nagkasakit ka sapagkat naglaro ka sa ulan.
 Kung sasama ka, si Nestor ay maglinis ng bahay at si Ana ay
maglalaba.
 Si Nene ay aawit , si Cora ay sasayaw kung tutugtog ka sa piyano.
 Saan ka mag-aaral?
 Naku! Nahulog ang bata.
 Pasibong tagapakinig- pakikinig na may ibang ginagawa at hindi
nakatuon ang pansin s naririnig.
 Attentive o aktibong tagapakinig- pakikinig na may layuning
matamo ang wasto at ganap na pagkaunawa sa teksto. Ginagawa
niya ito kung gusto niyang makuha ang mga detalye ng bawat
pinakikingan binabasa.
 Mapanuring tagapakinig o kritikal – ginagawa kung may layuning
mag-ebalweyt kung sapat , valid , mahalaga, o karapatdapat ang
napapakinggan o nababasa. Sa ganitong pakikinig, inaasesses ng
tagapakinig ang kanyang naririnig base sa kanyang karanasan o dati
ng kaalaman nakaimbak sa kanyang utak.
 Pakikinig na appreciative – ginagawa ito kung ang layunin ay
magkaron ng pansariling kasiyahan o malibang mula sa naririnig.

You might also like