Ignacio Macam Jr. Ma. Angelique Vasquez of: BS Biology 2 - 2 Pangunahing Impormasyon Tungkol sa Silangang Kabisayaan Ang rehiyon ng Silangang Visayas, isa sa mga rehiyon ng Pilipinas, ay tinatawag na Rehiyon VIII. Binubuo ito ng anim na lalawigan: Biliran, Silangang Samar, Leyte, Hilagang Samar, Samar at Katimugang Leyte. Ang mga lalawigan ng Leyte, Samar at Biliran ay sumasaklaw sa PAGLALARAWAN NG REHIYON Napapaligiran ng tubig. Mabundok at may malalimm na lambak at dalampasigan. – Ang Leyte ay mabundok samantalang ang Samar ay maburol at walang kapatagan. KLIMA – Malimit dalawin ng bagyo dahil sinasabing ito ay nasa “typhoon belt” PANGUNAHING KABUHAYAN – Pangingisda – Pangangalakal ng tabako, torso, ceramics, at yantok – May uri rin ng mina na makukuha sa lugar na ito BILIRAN Kabisera: Naval Pagkatatag: Mayo 11, 1992 Populasyon: Sensus ng 2000—140,274 (ika-5 pinakamaliit) Densidad—253 bawat km² (ika-26 pinakamataas) Lawak: 555.4 km² (ika-4 pinakamaliit) Wika: Cebuano, Waray-Waray Nakilala noon bilang “Isla de Panamao”. Halaw sa damong Borobiliran na makikita halos sa buong islang ito. Dati, ito’y tinatawag na Isla de Panamao. Ito’y unang itinatag noong 1712 at naging bahagi ng Cebu. SILANGANG SAMAR Kabisera: Borongan Pagkatatag: Hunyo 19, 1965 Populasyon: Sensus ng 2000—375,822 (ika-20 pinakamaliit) Densidad—87 bawat km² (ika-13 pinakamababa) Lawak: 4,339.6 km² (ika-28 pinakamalaki) Wika: Waray-Waray Noong Marso 16, 1521, unang tumapak si Ferdinand Magellan sa Homonhon nang makarating siya sa Pilipinas. Noong Setyembre 28, 1901 (Panahon ng mga Amerikano), naganap ang Balangiga Massacre. Oktubre 17, 1944, inangkin ng mga sundalong Amerikano ang islang Suluan, Guiuan tatlong araw bago tumapak si Gen. Douglas MacArthur sa Leyte. Noong Hunyo 19, 1965, inaprubahan sa kongreso ang Republic Act No. 4221 na nagsasaad ng paghahati ng LEYTE Kabisera: Tacloban Pagkatatag: 1543; Marso 10, 1917 Populasyon: Sensus ng 2000—1,592,336 (ika-14 pinakamalaki) Densidad—279 bawat km² (ika-24 pinakamataas) Lawak: 5,712.8 km² (ika-12 pinakamalaki) Wika: Waray, Cebuano, Tagalog, Ingles Ito ang pinakamalaking probinsya ng Silangang Kabisayaan. Marso 28, 1521 dumating dito si Ferdinand Magellan. Dito naganap ang “Blood Compact” sa pagitan nina Ferdinand Magellan at Rajah Kolambu. Noong Oktubre 20, 1944 naganap ang pagbalik ni Heneral Douglas MacArthur kasama ng kanyang mga tauhan sa Pilipinas at tinawag itong Leyte Landing. Mayo 22,1959 hinati ang isla sa dalawa: Leyte at May 22,1959 – nahahati sa dalawang probinsya sa ilallim ng R.A. no. 227 na ngayon ay hilaga at timog Leyte na sinasabing isa sa mga pinakamalaking pinagkukunan ng palay sa bansa ang Leyte dahil sa magandang llupang taniman nito. At ang mga prutas naman na maani sa lugar na ito ay ang mga – abokado, – langka, – lansones, – bayabas, – mangga, – papaya, – pinya, – pakwan, – balimbing, – marang, – maani rin ang cacao at pili. MALALAKING POOK SA LEYTE
Maasim / Garra Beach
Pugaling Beach Cacao Falls Kagnitaan Subterranean Caves HILAGANG SAMAR Kabisera: Catarman Pagkatatag: Hunyo 19, 1965 Populasyon: Sensus ng 2000—500,639 (ika-30 pinakamaliit) Densidad—143 bawat km² (ika-25 pinakamababa) Lawak: 3,498.0 km² (ika-37 pinakamalaki) Wika: Waray, Cebuano, Inabaknon Ang mga taong naninirahan ngayon dito ay kilala bilang mga “Nortehanon”. Dito itinatag ang daungan ng mga barkong pangkalakalan ng mga Espanyol. Noong 1649-1650, naganap ang Sumuroy SAMAR Kabisera: Catbalogan Pagkatatag: 1543, nahiwalay mula sa Leyte noong 1768 naging Kanlurang Samar noong Hunyo 19, 1965 nang malikha ang mga lalawigan ng Silangang Samar and Hilagang Samar. Napalitan bilang Samar noong 1969. Populasyon: Sensus ng 2000—641,124 (ika-38 pinakamalaki) Densidad—115 bawat km² (ika-17 pinakamababa) Lawak: 5,591.0 km² (ika-13 pinakamalaki) Wika: Waray, Cebuano, Tagalog, Ingles Ito ang may pinakamalawak na lupain sa buong pulo ng Samar. Nanggaling ang pangalang Samar sa salitang samad na ang kahulugan ay ‘sugat’, dahil sa pisikal na katangian ng islang ito. Noong panahon ng Espanyol, ang Leyte ay sakop ng Cebu. KATIMUGANG LEYTE Kabisera: Lungsod ng Maasin Pagkatatag: Mayo 22, 1959 Populasyon: Sensus ng 2000—360,160 (ika-18 pinakamaliit) Densidad—208 bawat km² (ika-42 pinakamataas) Lawak: 1,734.8 km² (ika-16 na pinakamaliit) Wika: Waray, Cebuano Ito ay sakop ng “Philippine Rift Zone”. Noong dumating si Ferdinand Magellan sa Leyte, unang naganap ang kristiyanong misa sa Limasawa na matatagpuan sa Katimugang Leyte. Bago pa man sumuko ang mga Espanyol sa mga Amerikano noong 1898, mayroon nang naitatag na mga opisinang pang-gobyerno sa Maasin. Dahil sa pagbago ng pamunuan, lahat ng opisinang pampamahalaan maliban sa Fiscal’s office, ay inilipat sa Tacloban. Ang Wika, ang mga Tao at ang Sinaunang Porma ng Pagpapahayag sa Panitikan Waray ang wika ng mga taong naninirahan sa buong probinsiya ng Samar at Leyte. Isa ito sa walong pangunahing wika sa Pilipinas at ang mga ugat nito ay mababakas mula pa sa pamilyang Malayo-Polynesian. Ang mga taong naninirahan sa Kabisayaang Silangan ay tinatawag din na mga Waray. Sila ay masayahin at walang inaalala. Halimbawa, pagkatapos ng mahabang araw ng pagtratrabaho sa bukid, nagsasama-sama ang mga kalalakihan at umiinom ng tuba habang nagkukuwentuhan at kumakanta sa tugtog ng gitara. Ang mga tao ay labis ding nananabik sa pagsapit ng piyesta at iba’t iba pang pagdiriwang; binubuhay nila ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga dula, pagtataguyod ng mga paligsahan sa pag-awit at iba pa. Ang Panitikang Waray Ang Panitikang Waray ay binubuo ng mga tula. Mapapatunayan na ang tula ang pinakamadalas mailathala sa mga peryodiko kaysa sa ibang akdang pampanitikan. Isa sa mga pinakamatandang uri ng berso sa Waray ay ang “lua” na karaniwang kinikilala ng mga manunulat ngayon bilang “panulaan”. Sa katunayan, ito ay isang diskursong pasalita na kadalasa’y sa berso. Ang panulaang Waray ay Sinaunang Panitikan sa Silangang Kabisayaan Kasaysayan 1668 –Tinipon ni Fr. Ignatio Franciso Alzina ang iba’t ibang tula tulad ng candu, haya, ambahan,canogon, bical, balac, siday at awit, pati mga salaysay tulad ng susumaton at posong. 1521-1946 –Ang mga lumang ritwal, mga tula at mga salaysay ay nagbago. Napanatili ng balac ang porma nito kahit patuloy na nabago ang pangalan nito sa pagdating ng mga mananakop. Sa pagdating ng mga Espanyol, ang balac ay naging amoral; at nang dumating ang mga Amerikano ay nakilala ito bilang ismayling, hango sa salitang Ingles na “smile”. 1899 –Itinanghal sa Tolosa, Leyte ang kauna-unahang zarzuela na pinamagatang, An Pantabang ni San Miguel ni Norberto Romuladez. 1900s –Ang mga panulaan at dulaan ay nagsimulang yumabong sabay ng pag-unlad ng ekonomiya nito. 1901 –Nailathala ang iba’t ibang lokal na pahayagan at magasin kung saan lumabas ang panulaang Waray. Mga Porma ng Tula Ambahan – Isa itong nakaaaliw na awit at karaniwang kinakanta tuwing piyesta. Bical – Isa itong matulaing diskurso sa pagitan ng dalawang tao, maaaring dalawang lalaki o dalawang babae. Sinasabi nila ang nais nilang sabihin sa isang mapanuyang paraan na may kasamang estriktong kumpas ng musika sa loob ng isa o dalawang oras. Balac – Ang karaniwang tema nito ay pag-ibig na ipinapahiwatig ng isang lalaki at babae sa paraan ng isang pasalitang diskurso. Minsan ay may saliw ng dalawang instrumento: coriapi para sa lalaki at corlong para sa babae. Sidai – Ito ay karaniwang kinakanta upang purihin ang mga taong may mahalang papel sa lipunan, magbigay galang at kilalanin ang mga nagawa ng kanilang mga ninuno at isalaysay ang kagandahan ng ilang kababaihan. Ang sinaunang panulaang Waray napaka- subhetibo dahil may kinalaman ito sa personal na sentimyento ng manunulat. Kung ang pagiging subhetibo ang pinakadiwa ng tulang liriko, samakatwid ang sinaunang panulaang Waray ay lubos na tulang liriko. At ang tulang liriko ay karaniwang ipinagpapalagay na kanta, isang mapanlikha at matalinghagang berso na may saliw ng musika. Isang katangian ng panulaang Waray ay ang kakayahan nitong maangkop sa musika. Ito ay dahil sa likas na ugali ng mga modernong manunulat sa Waray na iangkop ang ilan sa kanilang mga tula sa panitikan, at maging sa musika na rin. Mga Kuwentong Bayan Masasabing karamihan sa mga naisulat na mga akda sa panitkang Waray ay mga tula ngunit hindi pa rin mawawala ang mga kuwentong bayan. Hindi lamang isang uri ng panitikang Waray ang mga kuwentong bayan dahil naging bahagi na rin ito ng kanilang pamumuhay. Walang tiyak na manunulat ng kuwentong bayan. Pag-unawa sa Panulaang Waray Pag-ibig – Ang pag-ibig ay itinuturing na isang yaman at pinagkukunan ng kaligayahan. Ito ay may tatlong anyo: pag-ibig sa magulang, pag-ibig sa bayan at pag-ibig sa sinisinta. Kalikasan – Ang kalikasan ay itinuturing na buhay na nilalang. Kadalasang ginagamit ang kalikasan bilang Kagandahan ng Isang Babae – Ang natural na kagandahan ng isang babae –maging panlabas o panloob – ay karaniwang dinadakila at pinupuri.
Buwan at mga Bituin
– Tulad ng ibang mangingibig sa mundo, sa buwan at sa mga bituin, ibinabahagi ng manunulat ang kanyang mga lihim, pighati at saloobin. Sa buwan kadalasan Dagat – Mahalaga ang papel ng dagat sa buhay ng mga Waray. Isa itong pangunahing pang-ekonomikong gawain ng mga naninirahan sa mg bayan malapit sa baybaying dagat. Inuman – Ang masayahin at positibong pananaw sa buhay ng mga Waray ay nakahahanap ng pagpapahiwatig sa pagpapahalaga sa buhay na nakalahad sa mga awiting kanilang Sentimentalismo – Ang mahabang baybayin sa Kabisayaang Silangan ay nakapagdudulot ng pakiramdam ng pag-iisa at kalungkutan. Didaktisismo – Ang mapangaral na tono ng mga tula ay maituturing na nakakaganyak na salik ng panulaang Waray. Ang karaniwang paksa ng ganitong tula ay Mga Laylay Han Kasanhi/Mga Awiting- Bayan Ang Ibong Tikbubulan (Isinatitik at isiniayos nina Agustin El O’Mora at Leonor Almeria, 1982)
Itong ibong tikbubulan
Muntik ko nang mahawakan Subalit Ningning, siya’y natabunan Nitong niyog na kumpulan.
Kung hindi de-abaniko
Patay na ‘tong katawan ko Subalit Ningning, hihimatayin ako Ang Niyog (Awiting Bayan na isinatitik, 1982)
Itong puno’y ating kaibigan Kasama tuwing mag-iinuman Isakbat ang sisidlan, punuin ang tuba, ay, Tuba lamang ang tunay na kasiyahan.
Ako’y nanginginig, ako’y nanginginig,
Sa gabing malamig, hanap ko’y di banig Nais ko, Inday, Kandungan mong langit Itong katawan kong si Pedring ang kawangis Mga Laylay/Mga Awit Ang Lupang Tinubuan (1940, 1945) ni Iluminado Lucente (Awit)
Kaysarap mabuhay sa Lupang Tinubuan
Ang masulyapa’y pawang kaibigan Iyong madarama ang kaligayahan Sa piling ni Inay, ng mga kaangkan. Subalit ang dibdib ay may kapaitan: Lagi nang alipin itong ating Bayan Ay! sa lupang ito na aking Tinubuan Tunay na kalayaa’y nasaan, nasaan? Mga Manunulat ng Silangang Kabisayaan Francisco Alvarado – Madalas siyang tumula tungkol sa pag-ibig, kalikasan, pagmamahal sa bansa at relihiyon. – Ang kanyang mga tulang naging popular ay: • Requiescant in Pace/Mapayapang Pagpapahinga (walang petsa) • Palu (1912) • Palo (walang petsa). – Noong 1924, nanalo ng Unang Gantimpala ang kanyang tulang Kadayunan/Walang Hanggan. – Nagsulat din siya ng mga dula tulad ng: • An Liburan/Ang Eskuwela (1912) • La Receta de Quezon/Ang Reseta ni Quezon (1916) • Lolay (1922) • Lambong Han Himaya/Anino ng Tagumpay (1931). Iluminado Lucente – Itinuturing siyang pinakaromantikong manunula at mandudula sa Leyte at Samar. – May ritmo at tugma sa kanyang mga tula at awit: • Dinudumdom ko Ikaw/Naaalala Kita (1906), • Ayaw Na Ha Ak Panumdom/Ako’y Iyong Kalimutan Na (1909) – Ang kanyang mga makabansang tula ay: • Pagbangon, Pepe (1909) • Ha Akon Tunang Natawhan/Sa Aking Lupang Tinubuan (1911) – Bilang mandudula, nakasulat si Lucente ng mahigit tatlumpung dula para sa mga Waray tungkol sa kahirapan, pag-iibigan, pagmamahal sa bayan, kababaihang Bisaya, atbp. – Ilan sa kanyang mga nababantog na dula: Eduardo Makabenta – Siya ay nagsimulang magsulat ng mga tulang Binisaya noong 1927. – Ang kanyang unang tula ay pinamagatang, Pag-Usaan/Pag-iisa. – Noong inagurasyon ng gobyernong Commonwealth, isinalin niya sa Waray ang tulang Hosanna ni Jesus Balmori – Noong 1938, isinalin naman niya ang Ultimo Adios ni Rizal. Ricardo Octaviano – Ang kanyang mga kilalang tula ay: • The Miraculous Holy Infant Jesus (1960; Ingles ang pamagat ngunit nasa wikang Waray ang nilalaman) • Bungto ha Dulag/Bayan ng Dulag (1963) • Salapi (1972) – Nagsulat din siya ng mga dulang panradyo tulad ng: • Anak nga Napa-Manila/Anak na Napunta sa Maynila (1966) • May Puon nga Pinaurog/Ang Pinagpala Agustin El O’Mora – Nagsulat siya ng dalawang bolyum ng mga berso: • Siday Han Kabataan/Mga Bersong Pambata (1959) – Ito ay isang koleksyon ng 176 tula tungkol sa paniniwala sa Panginoong MayKapal, pagmamahal sa lupang tinubuan, masasarap na pagkain, iba’t ibang hayop, sari-saring laro’t laruan, kalikasan, wastong pagkilos sa bahay at lipunan. • Tanaman Han Mga Inop/Hardin ng mga Pangarap – Ito naman ay binubuo ng 5,000 tula ay isinaayos ayon sa sumusunod na klasipikasyon: – 1) Hinaro na mga Pagbato/Mga Damdaming Nanlalamig Norberto Romualdez – Itinayo niya ang Sanghiran San Binisaya/Sanggunian ng Binisaya. – Tanyag siya para sa kanyang mga dula tulad ng: • Anak Han Manaranggot/Anak na Manunuba (1926; unang itinanghal sa Ateneo de Manila noong 5 Pebrero 1927). – Isinalin niya sa wikang Waray ang: • Doctrina Kristiyana/Patoron-an Han Mga Kristyanos (1910) Casiano Trinchera – Mahilig siyang magsulat tungkol sa pag-ibig. – Ang kanyang mga kilalang tula ay: • An Lambung Mo/Ang Iyong Anino (1907) • Hain Ka?/Nasaan Ka? (1907) • “Pagsumpa” (1907). Espiridion Brillo – Ang kanyang tula, Ginadayaw Ko Ikaw/Pinupuri Kita ay unang lumabas sa Hinugpong, isang koleksyon ng panulaang Waray, noong 1910. – Noong 1917, isinulat niya ang Hinumduman Hin Usa nga Amay/Pag-alala sa Isang Ama at San-o Ka Bumaya/Bago Ka Umalis. – Nagsulat siya tungkol sa iba’t ibang paksa – mga piyesta, pag-ibig, moralidad, kalikasan, mga tao at lugar, relihiyon at mga pamahiin, at maging tungkol sa mga kabibe. Mula 1929 hanggang 1939, nakapagsulat siya ng 63 na tula. Nagsulat din siya ng mga dula tulad ng O Gugma/O Pag-ibig, ilang mga bugtong at apat na maiikling kuwento: • An Siyahan nga Kagugmaan nira Domingo Brimor ug Maria Balsib/Ang Unang Pag-ibig nina Domingo Brimor at Vicente I. De Veyra – Si Vicente I. De Veyra ay nagsulat ng mga awit at kaalamang-bayan, nangolekta ng mga kasabihan at bugtong, at naglathala ng mga tuntunin sa wikang Waray. – Noong 1920, itinuon niya ang kanyang pansin sa pangongolekta ng mga awiting bayan at mga kasabihan sa Waray na lumabas noong 1922 kasama ang Mga Ambahan ha Balitaw ug Kurratsa. – Noong 1958, inilathala niya ang isang tipon ng Katapusan nga Pamimilet/Huling Paalam na naglalaman ng Ultimo Adios at ilang tula ni Rizal na isinalin sa Waray nina Juan Ricacho – Isa siya sa mga masisikap na manunulat sa Waray. Isinulat niya ang Ha Kan Mercedes/Para kay Mercedes noong 1907, Kahidlaw/Pangungulila noong 1910 at Katapusan nga Pamimilet, ang kanyang sariling salin ng Ultimo Adios ni Rizal noong 1911. – Nakilala din siya sa kanyang galing sa balagtasan. Sa katunayan, nakipagbalagtasan siya kay Iluminado Lucente tungkol sa paksang An Tawa ug An Ceferino Montejo – Mas nakilala si Ceferino Montejo sa pagsusulat sa Ingles at siya ang tinaguriang pinakamagaling na manunulat ng Leyte na may kontribusyon sa panitikang Pilipino sa wikang Ingles. Nakapagsulat din naman siya ng ilang mga tula sa Waray na nailathala sa ilang lokal ng pahayagan. – Hindi siya tulad ng ibang manunulat na kadalasang nagsusulat ng mga tula tungkol sa pag-ibig. Nagsulat siya tungkol sa kamatayan: – Heimweh noong 1939 noong mamatay ang kanyang tiyuhin – Waray Nim Kamatayan/Wala Kang Francisco Aurillo – Nang magsimulang marinig sa ere ang unang istasyon ng radio sa Tacloban, ang DYLL, si Francisco Aurillo ang naging kauna-unahang mamamahayag sa Waray, na dati ay isang manunulat sa dyaryo. Naging isa siyang magaling na mamamahayag na hinagaan ng lahat dahil sa kanyang pambihirang galing sa wikang Waray. – Dati ay naging estudyante siya ni Iluminado Lucente at tinipon niya ang lahat ng kanilang aralin at mga tula noong nasa mataas na paaralan pa siya. Noong 1942, nakapagsulat siya ng maraming tula at ilan dito ang: – Didal-Didal – Disyimbre Ika-30, 1986 – Disyembre 1971 nang magkaroon siya ng isang Pedro Separa – Isa si Pedro Separa sa mga kilalang manunulat sa panitikang Waray. Isinulat niya ang Talwas Ta nga Nasud/Ang Ating Bayang Malaya at An Puraw nga Gatas/Ang Dalisay na Gatas noong 1958. – Bukod pa sa Dadlagan han Kinabuhi” na kanyang isinulat noong 1965, nangolekta din siya ng mga berso na tinipon niya sa isang bolyum na pinamagatang Mga Siday/Mga Tula. – Noong 1966, sinulat niya ang Idlap han Jaime C. De Veyra – Si Don Jaime C. De Veyra ay ipinanganak sa Tanauan, Leyte at naging isanag tanyag na manunulat, kritiko, pulitiko at makabayang iskolar na napapabilang sa listahan ng mga tanyag na Pilipino ng kanyang panahon tulad nina Cecilio Apostol, Fernando at Leon Ma. Guerrero, Jose at Rafael Palma, Mariano Ponce at iba pa. – Ilan sa kanyang mga naisulat ay: – Tandaya o Kandaya (1912) – Filipinas y Filipinos (1934) – Ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato – Bukod pa sa pagiging pulitiko at manunulat, naging mahalaga rin ang kanyang papel sa Sanghiran San Binisaya (Sanggunian ng Binisaya) Inilunsad ito noong 1909 ng mga Bisayang manunulat, sa pamumuno ni Norberto Romulduez, Sr., upang “maalagaan” at lalong mapayaman ang wikang Binisaya. Inihanda ng Sanghiran ang isang ortograpiya ng Binisaya para sa “pagpuraw ug pagpasamyang han Binisaya” (mapaunlad at mapalaganap ang “tunay” na Binisaya). “Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi katutubong Binisaya hangga’t sa makakaya. . . Mula noong nanghimasok ang mga Kastila’y madalas na nating gamitin ang Kastila sa ating pananalita. At mula rin nang dumating ang mga Amerikano sa ati’y ginagamit na rin natin ang Ingles sa ating pamamahayag. Halimbawa ang mga ganitong katagang Kastila –puerte, Panulaang Waray sa mga Pahayagan Angmabilis na pagdami ng Panitikang Waray na nakasulat, kung saan nangunguna ang panulaan, ay dala ng pag-angat ng pagbabalita sa pamamagitan ng mg pahayagan na siyang nagsalarawan ng pagsakop ng mga Amerikano sa Leyte at Samar noong taong 1900. Ang unang pahayagang Waray na nailathala ay ang An Kaadlawon o “Ang Bukang- liwayway” na itinayo noong 1906 ni Eco de Samar y Leyte Ito ay isang lingguhang magasin at opisyal na pahayagan ng diosesis ng bayan ng Calbayog sa Samar. Ang sirkulasyon nito ay tumagal mula 1911 hanggang 1940. Sa bawat isyu ay may 20 pahina ng teksto sa Espanyol, Waray at Ingles. Sa mahigit 30 taon, ang magasin na ito ang naging pangunahing pinanggagalingan ng balita ng mga tao mula sa Leyte at Samar tungkol sa lipunan, pulitika, simbahan at panitikan. Karamihan sa mga tula sa magasing ito ay isinulat para sa iba’t ibang pagtitipon. Taun-taon, may dalawang mahahalagang pangyayari ang hindi maaaring makalimutan ng mga manunulat: ang kaarawan ng Obispo ng Calbayog at ang bagong taon. Malaking bahagi ng panulaang Waray sa Eco de Samar y Leyte ay tungkol sa tao, isang paboritong paksa ng mga manunulat. Ang pagkapansamantala ng mga materyal na bagay at ang di-maiiwasang pagdating ng kamatayan ay ilan sa mga temang nakapaloob sa La Voz de Visayas Noong 1927, lumabas ang La Voz de Visayas sa Maynila at ang bersiyon nito sa Waray, “An Tingog san Kabisay’an” bilang isang bilingguwal na magasin na dalawang beses sa isang buwan lumabas. Bagamat tumagal lamang ito ng isang taon, naging mahalaga ito dahil sa paglalathala nito ng mga balitang pampanitikan An Lantawan Isa ito sa mga pahayagan na nakakamit ng halagang pampanitikan na itinayo noong 1928. Ang mga tulang Waray na nailathala dito ay iba’t iba. May mga tulang okasyonal, karamihan sa mga ito ay mga panalangin na isinulat upang gunitain ang mga piyesta ng mga santo. Nailathala rin dito ang mga tula ukol sa mga personal na kumbiksiyon tungkol sa kahulugan ng buhay, kaligayahan, pag-ibig at kamatayan. Ang pag-ibig ay isang paboritong paksa na nakapukaw sa interes ng mga manunulat. Ang mga mapangatwirang berso ay kakaunti kung ikukumpara sa mga