You are on page 1of 7

Mandudula sa Panahon ng

Amerikano

Severino Reyes
Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang, ay itinuturing na Ama
ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula.

Pinag-ugatan at Edukasyon
Ipinaganak siya noong 11 Pebrero 1861 sa Santa Cruz, Maynila at supling
nina Rufino Reyes, isang iskultor, at ni Andrea Rivera. Siya ay ikinasal kay
Maria Paz Puato at biniyayaan ng 17 anak. Sinimulan niya ang kanyang pag-
aaral sa Catalino Sanchez, tinapos ang kanyang hayskul at batsilyer sa sining
sa Colegio de San Juan de Letran, at kumuha rin ng kurso sa Unibersidad ng
Santo Tomas.
Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang
patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang
kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat.

Karera
Sa edad na 41, si Reyes ay nagsimulang magsulat ng mga dula.
Ang R.I.P., noong 1902 ang una niyang dula. Sa parehong taon, isinulat niya
ang Walang Sugat (Not Wounded), na masasabing isa sa mga pinakakilala
niyang akda. Ang Walang Sugat din ay naging simula ng ginintuang panahon
ng sarsuwela sa bansa.
Noong 1902 itinatag niya ang Gran Compañia de la Zarzuela
Tagala upang maitanghal ang kanyang mga dula sa mga teatro sa Maynila pati
na rin sa mga entablado sa mga kalapit probinsiya.
Ang mga dula ni Reyes ay naisapelikula rin, tulad ng Walang Sugat noong
1939 at 1957; at Minda Mora noong 1929.

Si Lola Basyang
Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kwentong isinulat niya
tungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging
punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kanyang mga patnugot
na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na ispasyo sa
isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kwento upang
umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kwento, nag-isip siya ng
ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda ng istoryang ito. Naalala
niya ang matandang babae na kapitbahay ng kanyang kaibigan sa Quiapo,
Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala
sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga
kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kwento ni Tandang Basyang.
Kaya naman, matapos nito, ang mga kwento na sinusulat ni Reyes ay may
pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang kwento ni Lola Basyang sa
Liwayway noong 1925.

Mga Akda
Sarsuwela
Siya ay nakapagsulat ng 26 na sarsuwela. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:
 Minda Mora (Minda The Moor), 1904
 Filipinas para los Filipinos (Philippines For The Filipinos), 1905
 Ang Pagbibili ng Pilipinas sa Hapon, 1906
 Ang Bagong Fausto, 1907
 Ang Opera Italiana, 1907
 Ang Tatlong Babae, 1914
 Ave Maria, 1919
 Ang Tatlong Bituin, 1921
 Ang Bayani ng Puri, 1922
 Ang Bihag ni Kupido, 1923
 Ang Puso ng Isang Pilipina, 1923

Drama
22 drama naman ang kanyang mga naisulat. Ito ang ilan sa kanila:
 Sigalot ng mga Filipino at Americano1898, 1910
 Ang Sigaw ng Balintawak, 1911
 Los ramitos de flores (Flowered Boughs), 1908
 Cablegrama fatal (Cablegram of Death), 1916

Nobela
 Walang Puno at Walang Dulo, 1910
 Parusa ng Diyos, 1911
 Mga Bayani ng Pag-ibig, 1923
 Ang Puso ng Isang Ina, 1923
 Lihim na Kaaway
 Luha, Ngiti, Halakhak

Iba pang mga gawa


 Ang Plautin ni Periking
 Maryang Makiling
 Ang Tatlong Prinsipe
 Ang Sirena sa Uli-Uli ng Pasig
 Ang Pag-ibig ni Mariang Sinukuan
 Ang Orakulo ni Lola Basiang
Aurelio Tolentino
Si Aurelio Tolentino (13 Oktubre 1867 – 5 Hulyo 1915)
ay mandudula, nobelista, at orador sa wikang Espanyol, Tagalog, at Pampango,
bukod sa pagiging katipunero. Si Tolentino ang nagtatag ng Filipinas, at El
Parnaso Filipino.

Buhay
Kasama ni Tolentino si Andres Bonifacio sa paghahanap ng kanilang mga
lihim na kuta sa kabundukan ng Montalban at San Mateo, Rizal. Napili nila
ang Kuweba Pamitinan na maging himpilan, hanggang matuklasan ito ng mga
Espanyol noong 12 Abril 1895.
Nadakip at ikinulong si Tolentino ng mga Espanyol, noong magsimula ang
himagsikan sa Filipinas. At nang dumating ang mga Amerikano, bumuo siya ng
samahan ng mga dating katipunero, na ang pangunahing layunin ay patalsikin
ang mga Amerikano. Tinawag niya ang samahan na Junta de Amigos.
Pagkatapos ng digmaan, ibinaling ni Tolentino ang pansin sa pagsulat ng
literatura, at lumikha ng mga dakilang akda, gaya ng Kahapon, Ngayon at
Bukas (1902); Bagong Cristo (1907); Maring (1908); Buhay (1909); Buhok ni
Ester (1914).

Juan K. Abad
Si Juan K. Abad ay isang matalinong manlilimbag mula sa Sampaloc,
Maynila. Taong 1875 nang siya ay isilang. Sa edad na labinganim (16) ay
naisulat niya ang Senos de Mala Fortuna, isang komedia na may anim na
yugto. Itinanghal ito sa Dulaang Arevalo sa Sampaloc noong taong 1895.
Nagsulat siya ng mga aklat na naglalaman ng mga tuligsa sa
pamahalaan at mga prayleng Kastila. Sinunog niya ang mga ito bago siya
sumanib sa Katipunan.
Nakasama siya sa hukbong Pilipino na nakipaglaban sa mga hukbong
Amerikano. Sa panahong iyon itinatag nila ni Emilio S. Reyes ang Republicang
Tagalog, isang pahayagang nalathala sa San Fernando, Pampanga.
Noong 1899 ay nagpalabas siyang muli ng isang pahayagan, ang Laon-
Laan na naging dahilan upang siya ay dakipin at ikulong sa loob ng isang
buwan at pagreportin umaga't hapon sa military kasama ang pagbabanta na
huwag nang sumulat muli.
Nang sumunod na taon, sinimulan niyang muli ang pagtatatag ng isang
pahayagang para sa mga manggagawa. Binigyan niya ito ng pangalang Dimas-
Alang at pinamatnugutan ng isang Dr. Xeres Burgos. Pagkaraan ng maikling
panahong paglalathala (3 buwan) ay pinatigil din ito ng mga Amerikano.
Sumunod na napagtuunan ng pansin ni Abad ay ang komedia na sa
kanyang paniniwala ay lumalason sa isipan ng mga Pilipino. Nagalit sa kanya
ang mga nagtatanghal ng komedia at moro-moro kaya isinumbong naman siya
sa pamahalaan dahil sa pagtatanghal ng mga dulang Mabuhay Ang Filipinas at
Mapanglaw na Pagka-alaala.
Bilang parusa ay ipinatapon siya sa Olongapo at doon niya nasulat ang
isa nanamang dula, ang Manila-Olongapo." Ang dulang ito ay tumatalakay sa
buhay ng mga bilanggo. Nang siya ay lumaya, itinanghal ito sa dulaang Zorilla.
Noong Hulyo 7, 1902 ay itinanghal sa Dulaang Libertad ang Tanikalang
Ginto, isang dulang nagtutulak sa mga Pilipino na maghimagsik laban sa mga
Amerikano. Dinakip siyang muli at ibinilanggo.
Sa piitan ay sinulat niya ang Isang Punlo ng Kaaway na itinanghal naman
sa Dulaang Rizal sa Malabon taong 1904. Dinakip siyang muli. Ang muli't
muling pagdakip at pagpapabilanggo kay Abad ay di naging dahilan ng pagtigil
niya sa pagsusulat ng mga dulang makabayan manapa ito'y nagiging malakas
na tulak upang muli't muling pamilantikin ang kanyang panitik. Kay Juan K.
Abad ay angkop ang kasabihang "Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang
tapang."

Julian Cruz Balmaseda


Si Julian Cruz Balmaceda ay itinuturing na isa sa mga haligi ng panitikang
Pilipino dahil sa malaking kontribusyon niya sa sariling panitikan. Siya ay isang
makata, mandudula, kuwentista, mangangatha, nobelista at mananaliksik-
wika. Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa.
Isinilang si Balmaceda sa Orion, Bataan noong Enero 28, 1895. Nag-aral
siya sa Colegio de San Juan de Letran. Natapos siya ng dalawang taong pag-
aaral ng Batas sa Escuela de Derecho. Sa gulang na labing-apat ay nagwagi na
sa isang timpalak ang kanyang dulang Ang Piso ni Anita, isang dulang musikal
na ang paksa ay tungkol sa pagtitipid. Pinaksa rin ni Balmaceda sa kanyang
mga dula ang pilosopiya ng sosyalismo, kagalingang-bayan at
pangkasaysayan.
Sa kanyang mga dula ay lalong kilala ang Sa Bunganga ng Pating,
tumutuligsa ito sa mga nagpapautang na labis magpatubo. Mula rin sa kanyang
panitik ang Sangkwaltang Abaka, Dahil sa Anak, Budhi ng Manggagawa,
Musikang Tagpitagpi, Ang Bagong Kusinero, at iba pa. Sa nobela ay
mababanggit ang Himagsikan ng mga Puso at Tahanang Walang Ilaw. Ang
katipunan ng mga tulang kanyang nasulat ay tinawag niyang Pangarap
Lamang. Kasama sa katipunang ito ang Marilag na Guro, Sa Bayan ni Plaridel,
Magsasaka, Nasaan Ka, Bakit, Ulila, Anak ni Eba, at marami pang iba. Ginamit
niya ang sagisag na Alpahol sa kanyang pagsusulat. Ang huli niyang naisulat ay
isang isang tula na ang pamagat ay Punungkahoy.
Siya ay bawian ng buhay noong Setyembre 18, 1947 sa gulang na 52.

Rolando S. Tinio
Si Rolando Santos Tinio ay
isang Pilipinong makata, dramatista, tagasalin, direktor,tagapuna, manunulat
ng sanaysay at guro.

Talambuhay
Isinilang si Tinio sa Gagalangin, Tundo, Maynila noong Marso
5, 1937 nguni't may pinag-ugat mula sa Nueva Ecija, kung saan nagmula ang
kanyang mga magulang na sina Dominador Tinio at Marciana Santos. Noong
bata pa lamang siya, nagkahilig si Tinio sa pagsasaayos at direksiyon sa mga
kalaro para sa mga pagdiriwang nakakasuotan. Siya ay isang masigasig sa
paglalahok sa mga industriya ng mga pelikulang Pilipino at nawiwili sa
pagtatrabaho sa mga sikat na artistang Pilipino kung saan hinangaan siya
noong nasa kabataan niya. Siya ay naging aktor ng pelikula at manunulat ng
dulang pampelikula. Palagi siyang inilarawan bilang madasalin, tahimik at may
pambihirang talino.
Nagtapos ng mababang paaralan sa Mababang Paaralan ng Lakandula
sa Tundo noong 1948, at mataas na paaralan sa Mataas na Paaralang
Letran noong 1951. Nakamit niya ang Batsilyer ng Pilosopiya na nakamit niya
ang dangal na magna cum laude sa edad ng 18 sa Pamantasan ng Santo
Tomas noong 1955 at Pantas ng Pinong Sining sa Malikhaing
Pagsusulat saPamantasang Estado ng Iowa noong 1958. Nagtapos din ng
maikling kurso sa sining pandulaan sa pamamagitan ng iskolarsyip na
ipinagkaloob ng Sangguniang Britaniya saPamantasang Bristol noong 1968.
Nagturo siya ng Inggles, Filipino, at kursong sining pandulaan sa Pamantasang
Ateneo de Manila, 1958-1975, kung saan namuno siya ng Kagawaran ng
Inggles, at sumunod ang Kagawaran ng Filipino.
Sa Iowa, nakilala si Tinio bilang magaling na manunulat na gumamit
ng Inggles bilang midyum ng Pilipinong manunulat. Sumulat siya ng kanyang
koleksiyong pangmakata: Poot at Ritwal (Rage and Ritual) kung saan nanalo ng
gawad mula sa Pamantasan ng Pilipinas. Inilarawan ni Bienvenido Lumbera ang
nalikom na ito bilang mabikas at may tunay na walang-kamatayang hagkis
kung nakuha mula sa Europeong mapamunang pagsusuring pampanitikan. Sa
oras na ito, naniwala si Tinio na ang Inggles ay makakalagis ng mga tikha na
ninais niyang magbatid para sa kanyang mga likha. Sa pagkakataon, sa isang
panayam, naghatid ng isang manunulat ang kanyang paniniwala sa halaga
ng wikang Tagalog sa Malikhaing Pagsusulat. Sa tugon nito, naglathala si Tinio
ng isang lathalain sa pahayagang pang-iskolar naAraling Pilipino, kung saan
ang mga nagtataglay na bahagi ng mga tulang Inggles na isinalin sa Tagalog.
Ang layunin ng lathalain ay mapatunayan ang kakulangan ng Tagalog bilang
midyum ng manunulat ayon kay Lumbera.
Sa kalagitnaan ng dekada 60, bagama't, nagpasiya si Tinio na magsulat
sa wikang Tagalog at ang produkto ng pagsubok na ito ay ang mga koleksiyon
ng mga tula na kasalukuyang tinatawag na Bagay. Si Rolando Tinio ay ang
natatanging imbentor ng "Taglish" sa panulaang Pilipino. Sa pamamagitan nito,
binigay niya ang tunay na hagkis sa tula ng likas na Pilipinong nasa
kalagitnaang antas ng lipunan. Noong 1972, sumulat si Tinio ng isa pang
koleksiyong panulaan: Sitsit sa Kuliglig at dito ipinakita ang mahusay na
pagkakaiba ng kanyang luma at bagong adbokasiya. Kung sa Poot at Ritwal
(Rage and Ritual), mga paglalarawan ng sining at ang artista na di-gaanong
may ugnayan sa pamamaraan ng pamumuhay ng Pilipino, ang Sitsit sa
Kuliglig ay malinaw na naglalarawan ang mga pang-araw-araw karanasan ng
lumaki sa Tondo na nakatira sa kasalukyan sa kataasan ng Loyola. Langit at
lupa; ang awang sa pagitan ng mga likha ni Tinio sa Inggles at mga nasa
sa Tagalog.
Siya ay ikinasal kay Ella Luansing, isa ring aktor at direktor, at may
dalawang supling na isa sa kanila ay aktor na si Victoria.

Pamamahala sa dulaan
Dulaang Pang-eksperimento ng Ateneo
Si Tinio ay isa ring aktor, direktor, at tagapagdisenyo ng entablado at
kasuotan. Hinawakan niya ang mga tungkuling ito sa kapanahunan ng kanyang
pagtahan sa Dulaang Pang-eksperimento ng Ateneo. Siya ay pumipili ng mga
dula, nagdidisenyo ng entablado, namamahala, naglilikha ng mga kasuotan at
nagpapasiya ng mga lapat pangmusika at iba pang mga tunog. Ang mga
pagtatanghal ng Dulaang Pang-eksperimento ng Ateneo ay kanyang ganap na
pananaw. Sa kanyang pagtatanghal ng Oedipus Rex, hinalili niya ang mga
kasuotang Griyegona may mga makabagong rendisyong gawa sa tubong metal
na inakalang ipahayag ang kaisipan ng malaindustriyang ika-20 siglo.
Ang kanyang likha sa Dulaang Pang-eksperimento ng Ateneo ay
ipinahiwatig ang konsepto ng aktor sa pagiging isa sa mga antutay ng direktor
sa paghuhubog ng entablado; ipinahiwatig ang kanyang pananaw sa
pamamagitan ng aspekto ng pagtatanghal. Ang pagtatanghal ay ginanap sa
silid-aralan sa halip na awditoryum at ginawa ni Tinio ang mga aktor na
makisalamuha nang malaya kapiling ang mga manonood. Walang tunay na
"kahulugan" sa kilos at wala ring pihadong hangganan ng kuwento. Ang
"kahulugan" ay nakatago sa mga tikis na kilos ng mga aktor at di-inaasahang
tugon ng mga manonood.

Teatro Pilipino
Mula't sapul, lalo na para sa Teatro Pilipino kung saan itinatag niya at
namahala sa direksiyon mula 1975 hanggang 1992, nakapagsalin siya ang mga
pangunahing dula nina Euripedes, William Shakespeare, Anton Chekhov, Albert
Camus, Oscar Wilde, Eugene lonesco, at marami pang iba.
Nagpakita rin siya bilang aktor sa mga dula, gumaganap
bilang Caligula sa Caligula noong 1988; ang baron sa Ang Ginang sa Hostel,
1984; Leonidik sa Kawawang Marat ni Arbusov noong 1986.
Siya rin ang nagdisenyo ng entablado at mga kasuotan ng ibang mga
pagtatanghal ng Teatro Pilipino, lalo na ang Paghihintay Kay Godo.
Noong Pebrero 1992, nagpasiyang isara ang dulaang ito sa pamamagitan
ng pagtatanghal ng pamamaalam na Ikalabindalawang Gabi niWilliam
Shakespeare pagkatapos ng kamatayan ni Ella Luansing.

You might also like