You are on page 1of 6

MGA ANYONG LUPA

Talampas - patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa
rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.

Halimbawa: Talampas ng Lungsod ng Baguio, Bukidnon Plateau, Aurora Plateau sa


Zamboanga del Sur

Talampas ng Lungsod ng Baguio

Bulubundukin - matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.

Halimbawa: Sierra Madre, Cordillera, Caraballo

Sierra Madre

Bulkan- isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas
dito mula sa kailaliman ng daigdig.

Halimbawa: Mt. Mayon, Mt. Taal, Mt. Hibok-Hibok

Mt. Mayon
Kapatagan-  isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito.
Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.

Halimbawa: Central Plain of Luzon, Sarangani Plain, Kapatagan sa Lanao del Norte

Central Plain of Luzon

Bundok- isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas
kaysa burol.

Halimbawa: Mt. Makiling, Mt. Apo, Mt. Pulag

Mt. Apo

Burol - higit na mas mababa ito kaysa bundok.

Halimbawa: Chocolate Hills, Himontagon Hills, Naidi Hills sa Batanes

Naidi Hills
sa
Lambak - isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng
gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.

Halimbawa: Compostela Valley, Salug Valley, Cagayan Valley

Lambak sa Benguet

Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig

Halimbawa: Sta. Cruz Island, Camiguin Island, Bantayan Island

Sta. Cruz Island

Tangway - isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig.

Halimbawa: Zamboanga Peninsula, Bataan Peninsula, Bicol Peninsula

Zamboanga Peninsula
Kapuluan - isang pangkat ng mga isla o pulo.

Halimbawa: Pilipinas, Hundred Islands, Sulu Archipelago

Sulu Archipelago

ANYONG TUBIG

Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa

Halimbawa: Maria Cristina Falls, Pagsanjan Fallsm Tinago Falls

Ma. Cristina Falls

Lawa - isang anyong tubig na naliligiran ng lupa.

Halimbawa: Taal Lake, Laguna Lake, Lake Sebu

Taal Lake
Karagatan - ang pinakamalaking anyong tubig.

Halimbawa: Pacific Ocean, Atlantic Ocean, Indian Ocean

Pacific Ocean

Dagat - malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa karagatan

Halimbawa: Sulu Sea, South China Sea, Bohol Sea

Sulu Sea

Golpo - bahagi ito ng dagat.

Halimbawa: Davao Gulf, Leyte Gulf, Moro Gulf

Davao Gulf
Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa
maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.

Halimbawa: Tumaga River, Pasig River, Marikina River

Tumaga River

Bukal - anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang mga
ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga
bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May
mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.

Halimbawa: Hidden Valley Springs, Mainit Springs, Tangub Hot Springs

Mainit Springs

You might also like