You are on page 1of 2

Manunulat ng Maikling Kwento – Panahon ng Amerikano

Deogracias A. Rosario
Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, si Deogracias A. Rosario ay ang Ama
ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex,
Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang manunulat
sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa tatlong naunang pahayagan sa
bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.

Karera
Naging manunulat siya ng "Ang Democracia" noong 1915 at nang kinalaunan ay nagsulat din
siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa tula at maiikling kwento. Sa
Taliba, tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli, ay naging patnugot.
Nagsulat din siya para sa Photo News, Sampaguita at Lipang Kalabaw.

Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba pa, si Rosario ay
isa sa mga pangunahing taga-ambag saLiwayway.

Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng mga manunulat. Kabilang dito ay
ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng mga Dalubhasa at
ang Akademya ng Wikang Tagalog. Nagsilbi siya bilang pangulo ng Ilaw at Panitik, na may mga
prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H. Panganiban, at Jose Corazon de Jesus.

Mga Ilang Akda

 Dahil sa Pag-ibig
 Ang Anak ng Kanyang Asawa
 Ang Manika ni Takeo
 Walang Panginoon
 Dalawang Larawan
 Ang Geisha
 Bulaklak ng Inyong Panahon
 Mga Rodolfo Valentino

Gumawa rin siya ng mga salin tulad ng “Ang Puso ng Geisha” at “Ang Mapaghimagsik”.
Nagsulat din si Rosario ng mga titik sa Tagalog ng ilang mga awit na binuo nina Nicanor
Abelardo at Francisco Santiago. Kabilang sa mga kanta na ito ay ang “Mutya ng Pasig”, “Dignity
of Labor” (tagalog na bersyon), “Cancion Filipino”, “Sakali Man”, “Alma Mater Commencement
Exercise” at “The Piece of Night”.

Mga Gantimpala
Pinangalanan ni Teodoro A. Agoncillo ang kanyang akda na, “Mayroon Akong Isang Ibon”, bilang
isa sa pitong pinakamagandang maikling kwento na naisulat sa panahon ng Amerikano, noong
1932. Isang taon matapos nito, siya ang idineklarang pinakamagaling na manunulat ng maikling
kwento para sa akda niyang “Aloha”.

You might also like