You are on page 1of 2

KAHAPON, NGAYON, AT BUKAS

Sa bawat 'sanlinggo'y may dalawang araw


Na di natin dapat pagkaabalahan
Dal'wang araw itong dapat na hayaang
Ligtas sa pangamba at takot kaylanman.

Ang isa sa mga araw na nabanggit


Ay yaong KAHAPON, kasama't kalakip
Ang lahat ng kanyang kamaliang hatid,
Ang pagkabalisa, kapintasan, sakit...

Mga kabaliwan at kirot na taglay.


Ang kahapong iyan ay minsang lumisan
At kanyang paglisan ay magpakaylanman
Higit pa sa ating kayang mapigilan.

Lahat mang salapi sa buong daigdig


Sa kahapo'y hindi makapagbabalik
Ang isang nagawang ano man ang liit
Ay hinding-hindi na kaya pang ituwid.

Saka hindi na rin kaya pang burahin


Ang isang salitang nasambit na natin
Pagkat ang kahapon, katulad ng hangin,
Ay naglaho na nga sa ating paningin.

Ang isa pang araw na hindi rin dapat


Pakaisipin pa nang lubha'y ang BUKAS,
Ang mga kaaway nito at pabigat,
Dakilang pangako't pangit na pagganap.

Iyang bukas mandin ay di natin hawak:


Ang araw ng bukas ay muling sisikat
Maaaring yao'y may ningning at kislap
O kaya'y magkubli sa likod ng ulap.

Ngunit batid nating iyon nga'y sisikat


At hanggang tuluyan na itong maganap
Wala pa rin tayong gantimpalang tiyak
Pagkat ito'y di pa naipapanganak.

Isang araw na lang ang nalabi -- NGAYON


Ang kahit na sino'y may pagkakataong
Ang pakikidigma ay maipagtanggol
Sa loob ng isang araw lamang ukol.

Kaya lamang tayo nanganlulupaypay


Ay kung ang pasanin ng dalawang araw --
Ang kahapo't bukas ay pinagsasabay
At pinagsasama nang walang dahilan.

Di ang karanasan ng ngayon ang sanhi


Nitong pagkabaliw ng tao, kung hindi
Iyang pagsisising taos at matindi
At ang nadaramang mapait, mahapdi...

Hinggil sa kung anong bagay na naganap


Doon sa kahapong wala na't lumipas,
At ang pagkatakot na bumabagabag
Sa isasalubong niyang bagong bukas.

Kaya tayo sana'y matutong mamuhay


Sa isang panahon nang isang araw lang.

You might also like