P. 1
MGA SAGOT Sa Makabayan

MGA SAGOT Sa Makabayan

|Views: 176|Likes:
Published by nyliroj1234567890

More info:

Published by: nyliroj1234567890 on Oct 19, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/27/2012

pdf

text

original

MGA SAGOT!!!

makabayan mga anyong lupa ay ang sumusunod: * Kapatagan ² isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. * Bundok ² isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol. * Bulkan ² isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang bulkan ng Pinatubo. * Burol ² higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate. * Lambak ² isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito. * Talampas ² patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito. * Tangway ² isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig. * Baybayin ² bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat * Bulubundukin ² matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod. * Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig. mga anyong tubig * Karagatan - Ang pinakamalaking anyong tubig.Bahagi nito ang dagat. * Dagat - Malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa Karagatan. * Ilog - Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. nagmula ito sa maliit na sapa at itaas ng bundok o burol.Ang Pilipinas ay mayroong 132 na ilog.Dito nanggagaling ang kabuhayan ng mga mamamayang naninirahan sa tabi nito. * Golpo - Bahagi ang golpo ng dagat.Karaniwan itong nasa bukana ng dagat. * Lawa - Isang anyong tubig na naliligiran ng lupa.Hindi umaagos ang tubig na nagmumula sa anyong tubig na ito. * Look - Tinatawag na look ang isang malaking bahagi ng katubigang papasok sa kalupaan. * Bukal - Tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. * Kipot - Isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. * Talon - Bumabagsak na tubig pababa mula sa ilog o sapa na karaniwang nasa mataas na lugar o bundok. * Batis - Ilug-ilugan o saluysoy. Patuloy na umaagos. * Sapa - Maliit na anyong tubig. Kadalasang natutuyo pag tag-init.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->