1

MONDOMANILA
Nobela ni Norman Wilwayco

2

Kay Junior, Fred, Romy, Rey at Ben Mga idolo ko mula noon hanggang ngayon.

3 Baguio 1999

Anuman ang sabihin nila, wala akong pakialam. Alam ng Diyos o ng kung sino mang nakatataas sa atin na masyado nang mahaba ang nilakbay ko. Putang ina, kailangan kong magpahinga. Kailangan kong tumigil, humimpil. Ilang buwan na „ko dito sa Baguio. Hindi ko na siguro pagsasawaan ang lugar na „to. Malamig, maraming puno, mura ang mga pagkain. O malamang, paglipas ng ilang buwan pa uli, biglang mangati ang mga talampakan ko at maghanap ng ibang lugar. Doon sa kung saan walang makikialam sa „kin. Doon sa kung saan hindi ako susundan at uusigin ng mga bangungot at ng sarili kong anino. Pero sa ngayon, kuntento ako rito sa buhay ko. May maliit na loteng kinatitirikan ng maliit na bahay, may mga tanim na gulay at marijuana, may buhay, may pera. Itong huli ang pinahahalagahan ko sa lahat. Puta, nabuhay ako ng puro paghihirap ang dinaanan ko. Ni pambili ng bagong brief, pinoproblema ko dati. Natatandaan ko noong elementary pa lang ako, kung wala siguro akong pantalon, nahubo na ang brief ko. Si ermat kasi dati, ni hindi ako maibili ng bago. Ang ginagamit ko noong nasa grade six ako, iyon pa ring brief ko noong grade one. Kaya tuloy sa sobrang lawlaw na‟t wala na talagang garter, kapag tumatakbo ko, lumililis. Nahuhubo ang magkabilang tagiliran. Kaya lang hindi talaga nahuhubo, sumasabit sa pundya ng suot kong pantalon. Ngayon, buwan-buwan bumababa ako ng Maynila para kumuha ng tseke at ideposito sa bangko, sa pangalan ko. Di hamak na masarap ang buhay ko

4 ngayon, minsan sa isang buwan lang ako kung mahirapan, kapag bumababa ako ng Maynila para “sumuweldo”. Kahit papano, nakaka-usad ako. May pangtoma, may pangtira sa mga bebot sa beerhouse, may budget ako para sa mga pangangailangan ko. Mayaman ako at hindi naghihirap. Trip ko lang talaga ang hindi gaanong malaking bahay. Katunayan, itong tinitirhan ko, nang mabili ko ito, napakaraming sira. Lumang luma na. Gumastos pa ako ng medyo malaki para lang matirhan itong bahay. Saka nasa „kin na siguro ang lahat ng sarap. Binata, may kursong tinapos, may pera, may bahay at lupa na bagamat maliit lang, matatawag kong akin. Ang kulang lang siguro dito sa akin sa Baguio, kaibigan. Ang totoo kasi, isa lang ang talagang kabatak ko rito. Si Sarge, dating militar. Kapitbahay ko. Noong minsan kasing inaayos ko ang bubong ko, biglang pumasok ng bakuran si Sarge, tinanong kung may maitutulong siya. Talagang kailangan ko ng tulong, sabi ko. Umakyat siya ng bubong. Pinagtulungan naming tapalan ng vulcaseal ang mga butas ng yero. Nung nabili ko kasi „tong bahay, butas-butas ang yerong atip. Kako, okey lang, papalitan ko na lang. Kaso, ang mahal pala ng yero. Saka, nakakapanghinayang namang palitan dahil puwede pa namang tapalan ang mga butas. Bumili na lang ako ng vulcaseal. At yun nga habang nagtatapal ako sa bubong, sabay pasok si Sarge. Pagkatapos naming mag-ayos ng bubong, pinainom ko ng dalawang bote si Sarge. Pampa-good shot sa kapitbahay. Sabi ko sa sarili ko, hanggang dalawang bote lang. Parang naiilang din kasi „kong makipag-inuman sa hindi ko talaga kilala. Ang kaso, masarap palang kakuwentuhan si Sarge. Panay ang

Sa susunod na lang. “Sarge. Pero siyempre. Hindi ako makapaniwala nang sabihin niyang kwarenta‟y dos lang siya.” “Sige. nagbukas ako ng sardinas tapos nilagay ko sa plato. may . Gumagamit ka pala nito. parang sitenta anyos na siya. uminom pa kami sa isang beerhouse sa bayan. dehins ko na kaya. Kaya lang. parang ganting utang na loob. Inilapag ko sa tapat ng bintana. Pagdating ko sa bahay. laylay na balikat. problema daw sa pamilya. Tinanong ko siya kung bakit siya nag-retiro. Inihatid ko si Sarge sa bahay niya (wala siyang kasama sa bahay maliban sa isang binatilyong Ifugao na pinag-aaral daw niya). Pagkatapos. “First class „yan. Ang tingin ko kasi sa kanya. Inaya niya akong pumasok sa loob. akala ko. ubaning ulo. Parang gusto ko na ring pumlasta sa kama. may ibibigay daw siya sa akin. hanggang toma ka lang. malaking tiyan.” “Akala mo lang „yon. Sabi niya. Sarge. sa may Session Road.” Umuwi na „ko.” Paalis na „ko. pagkatapos kong tikman ang damong bigay ni Sarge. Nagulat ako nang bigyan ako ni Sarge ng isang supot ng damo.5 kuwento ni loko tungkol sa mga adventures niya sa army noong araw.” “Ikaw ba.” “Oo nga sana kaya lang. hindi?” “Gumagamit din. “Walang hiya ka. Halos gumapang na kami nang umuwi. mas masarap tirahin ito kung sabay tayong mag-trip. Tuwing gabi kasi.” sabi niya. Kalahating kahong beer ang naubos namin. Pumihit ako pagdating sa may pinto palabas.

sa pagitan ng mga tanim kong gulay. Talagang first class. Bago ako matulog. Hindi katulad noon. dito raw talaga sa Baguio itinatanim ang mga first class na marijuana. Wala na siguro. may bahay. binalak kong magtanim. noong nasa kasagsagan pa „ko ng pagiging addict. Bago ako matulog noong gabing iyon. may pera. Binilot ko ang marijuanang bigay ni Sarge. habang idinuduyan ako ng hinitit kong damo. Ang sarap ng tama. iniisip ko kung ano pa kaya ang kulang sa buhay ko. May buhay ako.6 pusang laging nag-aabang doon. Kaya parang naging obligasyon ko na gabigabi ang bigyan siya ng pagkain. . Sa garden. Ang sabi ng mga tao sa looban.

Mayroon siyang mga ritwal na sinusunod. Kung nagkataong may tutong sa ilalim ng kaldero o kaya nama‟y mayroong naglalangib-langib na asukal sa bunganga at gilid-gilid ng garapon na nakapatong sa mamantikang mesa sa kusinang walang atip ay ayos na ang gutom. Ang mga gunitang ito ay ipaghehele siya sa isang masalimuot na tulog na may kakambal na mga panaginip. binyagan at iba pang handaang dinaluhan. kailangang gunitain ang kulay ng kanin at masasarap na ulam. kasalan. . Una ay ang paggunita kung kailan ba huling nakapiling ang kanin. Iisipin niya ang mga pistahan. Kapag ang mainit na kanin at umuusok na adobo o kaya nama‟y sinigang na baboy ay plastado na sa isip at naglalaro na sa gunita ang mga ala-ala ng nagdaang pistahang dinaluhan.7 Bangungot sa tahanang walang bubong Maliit pa lang si Tony ay alam na niya kung paano patahimikin ang sikmurang kumakalam. Kung sa kamalasan ay wala talagang masisimot sa maruming paminggalan. Hindi niya alintana ang sinag ng katanghaliang tapat na diretsong tumatama sa humpak niyang mga pisngi. ang susunod niyang gagawin ay ang humiga sa papag na amoy ihi at nanggigipalpal sa libag at surot sa loob ng kuwartong ang dingding ay butas-butas na plywood at ang bubungan ay kasalukuyang nakahimlay sa gilid ng bahay ng kanilang kapitbahay na siya nilang binabayaran ng buwanang upa para sa bahay na iyon na kung tutuusin ay mas tamang tawaging basurang hugis parisukat. Sa pagkakahiga ni Tony sa papag na mas akma sa tawag na bahay-surot ay ipipikit niya ang kanyang mga mata.

8 Tulog ang panlaban sa bitukang naghahamon. Ang tangi nilang gamit na sa kanilang palagay ay may tunay na halaga ay ang isang maliit na telebisyong black and white na napanalunan ng . Ilang ulit niya itong sinabi sa kanyang ina ngunit hindi siya pinapansin. at iba pang mga kagamitang kung tutuusin ay dapat nang itapon ngunit hindi maitapon dahil magmumukhang walang kalaman-laman ang bahay kung wala ang mga ito. Sa araw nama‟y sumusunog ng balat ang init ng araw. Panaginip ang tugon sa bungangang walang malamon. Ilang araw na rin silang natutulog nang ang atip ay ang malawak na kalangitan. gamit sa pagtulog. Malaking sakripisyo ang hatid sa kanya at sa kanyang mga kasambahay. Isa sa mga pangitain na madalas magkahugis sa kanyang imahinasyon ay ang pagkasunog umano ng bahay at ng kanilang mga kasangkapan. Ngayon ay tila magkakatotoo ang kanyang pangitain. kaunti lamang ang kanilang gamit. Ano ba ang nalalaman ng mga anak sa mga usaping pang-magulang? At ang pagtira sa bahay na iyon ay madalas magdulot ng pangitain sa mura niyang isip. Iba na ang kulay ng kanilang mga kagamitan dahil sa tama ng araw. Noong bago pa man sila mangupahan sa bahay na iyon. mga gamit sa kusina. Sa gabi ay nanunuot sa buto ang lamig ng hangin. Kunsabagay. Karamiha‟y mga bukbukin. na siya nilang pinaglalagyan ng mga damit. Isang mesang umuuga. isang aparador na bigay ng kanyang tiyahin bilang regalo sa kanyang ina noong ito‟y ikinasal. wala nang tiwala si Tony sa pagmumukha ng kanilang kasera. isang papag na ginawang palasyo ng mga surot na nakalkal nila sa mahabang panahong paglipat-lipat ng bahay.

Isang araw. at ito ay pinipilit nilang iligtas sa araw sa pamamagitan ng pagtatakip ng karton. Bantayan mo ang kapatid mo. kumot at mga sako. Nakiraan siya ng patagilid sa naghambalang na mga tao at matapos niyang tanggapin ang mga mura ng isang matandang manang na di sinasadyang natapakan niya ang dulo ng daliri nito sa paang bagong pedicure. Pumasok ka sa loob. lumayas na kayo diyan!” “Putang ina mo rin! Kababayad ko lang noong isang buwan. Sa loob ng bahay. umuwi siya ng bahay at nadatnang maraming taong nagkakagulo sa harapan ng kanilang bahay na inuupahan. palalayasin mo kami?” “Nay.” Labag man sa kalooban ni Tony ay sinunod niya ang utos ng ina. Kaipala‟y may kaaway ang kanyang ina. Ang dalawang kamay ay may bahid ng kulay itim na hindi . ano‟ng nangyayari dito?” “Huwag kang makialam dito. matapos ang kanyang pag-iigib. Punong-puno ng mumo ang labi at mga pisngi nito. Tony. “Putang ina mo. nadatnan niyang maganang kumakain sa maruming mesa ang kanyang nakababatang kapatid.9 kanyang ina sa isang bingo sosyal. Muli niyang sinulyapan ang makapal na bilang ng mga usyosero-usyosera-mga putomga puta na talagang naghihintay ng mga ganitong pagkakataon para naman may mapanood sila at maging kaaliw-aliw na parang sine ang kanilang buhay sa looban. narating niya ang bungad ng kanilang bahay at sumalubong sa kanya ang walang kasing-sariwang pagmumurahan ng kanyang ina at ng may-ari ng basurang kanilang inuupahan.

Kinabukasan. Hindi nito pansin ang malalakas na sigawan sa labas ng bahay gayong ito‟y umaabot naman sa loob dahil sa nakakaawang kalagayan ng mga dingding na sa dami ng butas ay daig pa ang isang bayong na pinaulanan ng sangkatutak na indian pana.” Hindi narinig ni Tony ang sinabi ng ina. Pag-angat nito‟y kasamang umangat ang atip na puro kalawang.” wika ng kanyang ina. Naglaway ang kanyang labi nang makita ang pritong bangus at kaning lamig na nilalantakan ng kanyang kapatid. Totoo. bago pa man sila magising. nagagawa niyang utusan ang kanyang isip na managinip ng mga pistahan at . “Tinotoo ng tarantada ang banta niyang aalisan tayo ng bubong kapag hindi tayo umalis dito. Ang kanyang titig ay nakapako sa malaking mamang nakahubad na noo‟y tinatanggal ng bareta ang nalalabing mga yero. “Maghahanap ako ng malilipatan. Bangungot para kay Tony ang matulog na humpak ang tiyan. Kasunod nito‟y bumagsak sa kanilang paanan ang kalbong gulong ng sasakyan. Naglaglagan sa kanilang mga tulalang mukha ang mga alikabok at iba pang basura na ilang panahon na ring naipon sa bubungan ng bahay. Ni hindi niya napansing tumayo ito‟t lumabas ng bahay. ginulantang sila ng mga mabibigat na hakbang sa kalawanging yerong nagsisilbing kanilang bubong. Nakisalo siya sa pagkain at hindi na pinansin ang awayan sa labas ng bahay.10 malaman ni Tony kung putik o mantsa ng tutong. mga plastik at sako at iba pang panlaban sa mga tulo ng bubong tuwing umuulan. Maya-maya‟y heto na at nakita nila ang dulo ng baretang sumiwang mula sa bubong.

11 masasarap na pagkain. Pero ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon, kahit sa panaginip, na makakain ng mga katakam-takam na pagkain. Kadalasan, ang mga pagkain ay pilit niyang inaabot, at kapag halos dukwang na niya ang isang piniritong hita ng manok, o kung minsa‟y isusubo na lang niya ang balat ng litsong ang mantika ay umaagos mula sa kanyang kamay tungo sa kanyang braso, kadalasa‟y bigla siyang nagigising. Ang kanyang pagbiling-biling sa papag ay unti-unting ginambala ng isang bangaw na kumakandirit sa tungki ng kanyang ilong na wari‟y gustong sumama sa paglalakbay niya sa mga baryong nagdiriwang ng kapistahan. Putang ina! Huwag mo „kong istorbohin, hayop ka! Hayaan mo „ko, putang ina mo! Mariing dumampi ang palad ni Tony sa kanyang ilong na naging sanhi ng pagkamatay ng maitim na bangaw na gustong sumama sa kanyang panaginip, na naging sanhi rin ng kanyang pagkagising at pag-alis sa pistahan. Putang ina! Ni hindi ko man lang natikman „yung mga pagkain sa pistahan! “Tang „nang buhay ito! Itinutulog na nga lang ang gutom, iistorbohin ka pa!” Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata sa pag-aasam na muling makatulog. Ngunit bago pa man niya umpisahang ipaghele ang sarili‟y alam na niyang hindi na siya muling makababalik. Idinilat niya ang kanyang mga mata at maliksing bumangon. Tinungo niya ang pintuan at doo‟y kinuha ang dalawang timba at ang pingga na siya niyang gamit sa pagsalok ng tubig.

12 Sabong

Sa labasan, sa tabi ng posong igiban, nagkakaingay ang mga agwador. Ang karamihan sa kanila ay mga batang tulad ni Tony, trese anyos pababa. Ang katwiran kasi sa lugar nila, ang pag-iigib ay pambatang trabaho. Ang mga matatanda ay mayroon na dapat ibang pinagkakaabalahan tulad ng pag-inom ng bilog o lapad, pakikipagsuntukan sa mga kainuman, pagtatawag ng mga pasahero sa tabi ng mga dyip na nakapila sa paradahan. Isa itong malaking palaisipan kay Tony. Nagtataka siya kung bakit kailangan pa ng tagatawag ng pasahero gayong ang mga pasahero naman ay marurunong bumasa at kaya naman nilang basahin ang mga karatula ng dyip. Hindi na nila kailangan pa ng tagasigaw sa kanila kung saang dyip sila kailangang sumakay at kung saan ang ruta ng mga dyip na bibiyahe. Sa araw-araw ba naman nilang pagbibiyahe ay hindi lang ruta ng dyip ang kanilang kabisado kundi pati na rin ang hilatsa ng pagmumukha ng mga tsuper, kung aling dyip ang may nakakabinging stereo, kung sinong tsuper ang kaskasero at kung sino ang kung magmaneho ay mabilis pa ang pusitsit ng ihi ng isang dalagang hindi na virgin, at marami pang iba. Ang mga ito‟y kabisado ng mga pasahero sa pilahan ng dyip. Ito‟y bahagi na ng kanilang araw-araw na pakikipagbuno sa buhay. Sa poso ay nagkakaingay ang mga batang agwador. Pinagkukumpulan nila ang dalawang batang naggigirian sa gitna ng naghambalang na mga timba at galon. Ibinaba ni Tony ang tangan niyang mga timba at pagkuwa‟y nakiusyoso sa mga nanonood sa dalawang batang naggigirian.

13 O, iiyak na iyan, o! Iiyak na! Sige nga, hawakan mo sa tenga, Boyong! Hipuin mo bayag! Ha! Ha! Ha! Nagkalampagan ang mga timba na nasagi at nadaganan ng dalawang batang nagpagulong-gulong sa basang semento. Putok ang nguso ni Boyong at sumasargo naman ang dugo sa ilong ni Max. Nakatutulig ang hiyawan ng mga bata. Ang sapakang umaatikabo ay masarap panoorin habang ipinapahinga ang katawang pata sa kaiigib. Masarap ding makisigaw na tila ikaw ay nanonood ng sabong at ang iyong pinustahang manok ay ala-Fernado Poe ang tadyak ng tari habang umeere sa ibabaw o kaya nama‟y dumidiskarte ng pailalim. Ang hiyawan ng mga batang agwador ay nakatawag ng pansin sa mga istambay sa „di kalayuan at ang mga ito‟y pansamantalang huminto sa kanilang pag-iinuman upang makipanood. Tulad ng inaasahan, nadagdagan ang bilang ng mga humihiyaw. Ang mga istambay ay nagsipaglabas ng pusta at animo totoong sabungan ang nangyari sa igiban. Dalawang manok ang naglalaban. Si Boyong at si Max. Parehong walang tinatakbuhang away. Parehong matitinik sa suntukan. Parehong maya‟t maya ay nadadala sa presinto dahil sa mga kasalanan laban sa lipunan at taong bayan tulad ng pagnanakaw, pandurukot at pang-uumit ng ulam sa mga tindahan sa palengke.

14 Hindi na mahalaga ang sanhi ng away. Wala nang sira-ulong umiintindi kung sino sa dalawa ang may kasalanan. Ang importante‟y may napapanood habang nagpapahinga. Ang ingay ng hiyawan ay nakatawag ng pansin sa isang naparaang barangay tanod na noo‟y susuray-suray sa paglalakad dahil sa kalasingan. Ngunit lasing man at magaling, barangay tanod pa rin. Inawat nito ang away at tinanggap ang mga kantyaw ng mga agwador at istambay na naasar dahil sa pagkaputol ng kanilang panoorin. Pinulot ni Tony ang kanyang mga timba na kasamang gumulong nang sina Max at Boyong ay magbabag sa gitna ng igiban, at pagkuwa‟y iniayos sa pila ng mga nauna sa kanya. Dinukot niya sa bulsa ang isang stick ng Champion at nakisindi sa kanyang katabi. Malumanay niyang hinitit ang sigarilyong mapait habang hinihintay ang kanyang turno.

Pamilyar sa kanya ang tinig. Isa na itong katotohanang matagal na niyang . may sundot sa tutuli ang mga katagang nagmula sa taong ilang taon na nga ba niyang hindi nasisilayan. Magmula noong tumuntong siya ng grade three ay hindi na niya alam kung ano ang pakiramdam ng isang taong mayroong matatawag na ama. Ganoon pa rin ang bigat na parang nakadagan sa kanya. Nakatalikod sa pinagmulan ng tinig. para bang walang pinag-iba kung pasan man niya ang mga timba o hindi. Ngunit iba ngayon. Nanatili siyang nakatayo. kapag ibinababa niya ang pinggang sa magkabilang dulo ay nakalambitin ang dalawang timbang puno ng tubig. anak. Anak. Kayo ng mga nanay mo. Sa mga ganitong pagkakataon. “Mabuti naman. Bagama‟t matagal niya itong hindi narinig. nakakaramdam siya ng gaang ng loob. „tay?” pakli niya. “Tony!” Malapit na ang tinig. Inilapag niya ang tangan niyang pingga. Matagal na silang hindi nagkikita. kumusta na?” Kaysarap pakinggan ng salita ng kanyang ama. Naramdaman niya ang tapik sa kanyang kanang balikat.15 Ama “Tony!” Napahinto si Tony nang marinig ang sigaw. Pumihit siya at pinilit na mangiti. Tinawag siyang anak. Na para bang lumaya siya sa lahat ng problemang dala-dala niya magmula pa nang masilayan niya ang buhay sa mundo. “Kumusta ka na.

16 tinanggap. Kahit ang mga kaibigan niya sa looban ay nakikita niyang paminsanminsan ay kasa-kasama ng kanilang mga tatay. “Mabuti‟t napasyal ka. Mga kuwentong karamihan ay hindi maganda at may kakambal na mga putang ina at kupal at babaero kapag isinasalaysay ng kanyang ina. sa kanya ay isa na lang itong tanawing parang sine. Tila kapwa sila nag-aapuhap ng sasabihin. “Oo nga. . Kinapa niya ang kanyang bulsa. Wala siyang ama. Kumusta na si Dino?” “Mabuti naman. Tony.” Patlang. na hindi kailanman mangyayari sa kanya. Ang tangi na lang nag-uugnay sa kanya at sa ama ay ang mga kuwento ng kanyang ina. Nagdalawang isip nga ako kung tatawagin kita. Mga kuwentong nagpapainit sa dugo ng kanyang ina. wari‟y naghahanap ng posporo ngunit alam niyang wala siyang ipangsisindi. Napansin ni Tony na Marlboro ang hinihitit ng kanyang ama. Dinukot ni Tony sa kanyang bulsa ang natitirang sigarilyo at isinubo ito sa nangingitim niyang labi. sinindihan ang sigarilyo niya.” Ngumiti lang si Tony. Napansin ito ng kanyang ama at dinukot sa bulsa ang makintab na lighter. Gusto kong matiyak muna. Nagsindi rin ito ng sigarilyo. “Anlaki mo na. Tay?”. nagtutulak dito para dumura nang dumura sa bintana at kadalasa‟y sumasampid sa babahan ang malagkit na plemang berdeng berde ang kulay na animo hindi sa tao nanggaling kundi kay Zuma.

Kailangan kang makapagtapos ng hayskul.” matipid na tugon niya. Nag-iipon naman ho ako.” Kung binibigyan mo ba ako ng perang pang-enroll. tay. Kaya hindi ako makakita ng disenteng trabaho. “Kaga-gradweyt ko lang ho ng elementary. saka na lang daw ako maghayskul kapag nagkapera na kami. „tay.” . “Nag-aaral ka pa ba?” tanong nito sa kanya. anak. Mga matatandang manang na lasang amag na ang katawan at amoy burak ang pekpek. Dapat huwag kayong maparis sa „kin. magpapadala ko ng perang pang-aral mo. Itinuloy nila ang naudlot na kuwentuhan.17 Binitbit ni Tony ang mga timba niyang nakahalang sa daanan. Gumilid sila ng kanyang ama at naupo sa mahabang upuan sa harap ng isang maliit na tindahan. “Wala ho kasi kaming pera. Walang pinag-aralan. Ikaw at saka si Dino. anak. Marami naman kayong babaeng mauuwian. Hindi bale. Pambihira talaga iyang nanay mo. Ni hindi itinuturo sa inyo ang kahalagahan ng edukasyon. “Hindi bale. natural. Kapag nakaipon ako ng medyo sapat. Para makapasok ka sa kolehiyo. eh di maganda sana. makakapag-aral din ako ng hayskul. Hayaan mo. Sabi ni inay. kapag natuloy ako sa Taiwan. “Pasensya ka na. papunta sa pusali sa gilid ng daanan. Mga matronang naghahanap ng kasiping. “Saan ka magha-hayskul?” “Uso pa ho ba ngayon „yon?” “Aba.” Pinitik niya ang sigarilyo niyang naupos.

Mabuti na lang at napakiusapan ni nanay. “Huwag na ho nating pag-usapan ang nakaraan.18 “Anak. Nang lumaon.” Naiintindihan? Naiintindihan mo rin ba „ko? Ha. At naiintindihan mo rin ba ang nararamdaman ko kapag tinatanong ako ni nanay kung ano ang magandang gawin namin sa miserable naming pamumuhay? “… iyon kasi ang hindi ko maintindihan sa nanay mo. malaki ang pagkukulang ko sa iyo. Pambili lang ng bigas. „tay. malaki ang katawan mo. At alam mo ba. Tapos kapag wala akong nadilihensyang pera. mahal kong tatay? Naiintindihan mo ba ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko ang mga tatay dito sa looban? Naiintindihan mo ba kung paano matulog sa bahay na walang bubong? Naiintindihan mo ba ang pakiramdam ng hindi kumakain sa oras? Ikaw. Kalahati ng kinikita ko sa pag-iigib ay napupunta kay Almang Paybsiks. sabi ni nanay.” “Salamat at naiintindihan mo ako. Ikaw at kay Dino. Nang lumaon. mahal kong tatay. „tay. hindi tumitigil sa kadadakdak. pambili naman ng ulam at pambayad sa upa ng bahay. Sigurado „kong masasarap ang kinakain mo. „tay. alam ko. At pati na rin sa nanay n‟yo. kinukuha ni Alma ang black and white na TV dahil hindi kami makabayad ng utang. Masyadong mapaghanap.” Naaalala ko noon. pambili ng gamot nang magkasakit si Dino. Mabuti na lang. . Nang lumaon. Ni hindi ako hayaang dumiskarte ng maayos. anak. eh. may mabait na aleng nagpapautang sa amin. Inutusan ako ni nanay na umutang kay Almang Paybsiks. walang wala kaming pera.” Mabuti naman at alam mo.

Ipapanalangin ko sa Panginoong Maykapal na sana. puntahan natin ang nanay mo‟t si Dino. Kung ano‟ng mga kailangang n‟yo Sabihin n‟yo kung ano‟ng gusto n‟yo. hindi ako makatulog. tutal ginawa mo nang raket ang pambababae at panghuhuthot sa mga matrona. Pawilihin mo siya sa romansang marino mo.” Kapag nasa Taiwan ka na „tay. pahirapan ka muna ng mga tarantadong singkit. “…pero sabi naman ni Medy. nakakapag-aral kaya kayo. Palaylayin mo pa lalo ang laylay na suso. “Mabuti pa siguro.19 “…nahihirapan din ako. huwag kang bigyan ng abugado. Puwede akong sumabit.” Tinawag ni Tony ang isa sa mga batang naglalaro sa daanan. anak. Medyo malaki nga lang ang placement fee. „tay. Pupunta na siya ng Taiwan. pupunan niya „yung pera ko. humuthot ka sa iba mong kabit. mabuti pa siguro‟y kabitin mo si Almang Paybsiks.” Ang mabuti pa „tay. Kulang pa ang pera ko. Kapag ganoon ay baka i-absuwelto na kami sa mga utang namin. Sana. Iniisip ko kung nakakakain kaya kayo ng maayos. maparis ka sa mga Domestic Helper na pinupugutan ng ulo.” Eh di. Kantutin mo hanggang sa ika-pitong langit. Sa gabi. ang gusto ko. Kapag nasa Taiwan na „ko. . susulatan ko kayo. “…may sinasabi yung isa kong kaibigan. Ihahatid ko pa ho itong mga inigib kong tubig. Sumulat kayo sa „kin.” “Mauna na ho kayo. sana gahasain ka sa puwet ng mga manyakis na makakasama mo sa selda. Palabas na kasi siya ng bansa. Naaalala ko kayo ni Dino. kapag daw nagbayad sa kanya „yung may utang sa kanya.

Makalipas ang ilang araw. Madalas ding itukso sa kanya sa looban na siya‟y anak ng pinagsama-samang semilya ng maraming demonyo. ihatid mo nga ang tatay ko sa „min. napag-alaman niya ang katotohanan sa likod ng mga naririnig niyang mga salita sa looban. nalaman niyang ang kanyang tinuturing na ama ay hindi niya totoong ama. Ang aba niyang pagkatao‟y manhid na sa sakit. sa kanya‟y isa lang ito sa mga katotohanang bumubulaga sa kanya araw-araw. . Ihahatid ko lang „tong tubig. Sumusuray ang kanyang lakad sa dami ng kanyang nainom. Ngayo‟y sa labi mismo ng kanyang ina nanggaling ang katotohanan. inihatid ng bata ang kanyang ama sa kanila.” Akmang aangal ang bata ngunit inambaan ni Tony ng suntok. Kanginang pagkahatid niya ng inigib na tubig ay pinuntahan niya ang barkadang si Elmer. Nakaubos sila ng isang boteng gin at dalawang supot ng Chippy. Hindi siya nakaramdam kahit isang hibo ng lungkot. Kung sa iba‟y hapdi ang dulot ng katotohanang ang tunay na ama ay hindi mawari kung sino. Matagal na niyang naririnig ang ganitong mga kuwento. Hatinggabi na nang umuwi si Tony. Dinatnan niya ang kanyang inang umiiyak at kinakausap ang sarili. kapag ito‟y umaalis panandali sa kabaliwan at lumalagpak sa mundo ng katotohanan. dahil sa naantalang paglalaro. Hindi siya nakaramdam ng anumang hinanakit. Ang lumbay ay isang garbong pangmayaman. Labag man sa kalooban.20 “Omeng. Sa pautal-utal na salaysay ng kanyang ina. sa mga matitinong sandali ng kanyang ina.

Galing sa iba‟t ibang kumapanya. Umano‟y kailangan nila ng magagaling na mga engineer. naabala ang pakikipaglampungan niya sa sekretarya niyang sexy nang dumating ako. Naantala ang “conference” nila ng sekretarya niya. Siguro.” sagot ko. and other serious shit “You must have been the envy of your classmates. Iba na talaga ang matalino. database.P. Appointment ko. summa. andami nang imbitasyong dumating sa „kin. “That‟s right. tulad ko. Nang gumradweyt ako. motherfucker. Ang totoo.” Umaarte si kupal. thesis at iba pang research paper na ngayon ay pinagkakaperahan ng mga buwakanang inang mga propesor at dean sa U. . alas-nuwebe. nagmumukha silang tanga. Marami rin akong nailathalang mga technical journal. Dapat kong namnamin ang buhay kalye. hindi na „ko makakatambay. laki ng galit ni kupal. with grades like this. Puta. Nawawala ang pagka-agresibo nila. I wish I had your brains. boy.” That‟s right. Dumating ako ng alas-otso medya. Kumbaga.21 Systems. Isang buwan muna „kong tumambay. and being on the top ten of the board exams. Nailalagay mo sila sa puwesto. Hindi pa „ko gumagradweyt. Job Interview. sir. Saka mas masarap „yung puro “I‟ll think about it” ang sagot mo sa mga imbitasyon ng iba‟t ibang kumpanya. kapag me trabaho na „ko. parang nagkakaroon ka ng alas. “What.

sinagot ko ang imbitasyon. naisip ko. Isang sikat na insurance corporation. Iba talaga ang imported. Nagdadalawang isip ako. Bah. sulit ka na. matapos ang isang buwan kong pagtambay-tambay. Appointment ko nga. Kailangan nila ng magagaling na engineer na magbabalasa ng buong database ng kumpanya. Mayroon akong natipuhan. Kahit sabihin ng mga gagong Batangenyo na da best ang kape nila.22 Mayroong pitong imbitasyong dumating sa „kin noong malapit na akong magmartsa sa graduation. Para kang nakikipaghalikan sa langit habang nakasungalngal ang nguso mo sa labi ng tasa. Mga malalaking kumpanya. Tapos ang usok.” Pinindot ni kupal ang intercom at humingi sa seksing sekretarya ng dalawang tasang kape. “Would you like some coffee?” Sure. Heto nga. . Ang sabi sa sulat. tuloy-tuloy sa ilong mo. Parang nagsasawa na kase „ko sa computer. Mr. De Guzman. Sa pitong imbitasyon. please. Thank you. Putsa. lima roon. Or can I call you Tony?” Ang sarap ng kapeng imported. malalaking computer firms. limang taon kong binuno sa college ang Electronics Communication Engineering. kupal. sir. alas-nuwebe. talo pa rin sila ng kapeng ito. kailangan daw nila ng magagaling na systems analyst. “As I‟ve mentioned in our letter. mukhang may challenge dito. Amoy pa lang. “Yes. Nakipag-ayos ako ng appointment sa isang sekretarya.

“I‟m honored to be working for such a great firm like this.” anas ni kupal.” So you‟re a fucking land owner. I am. Siguro medyo nabanas din siya dahil mukhang wala akong interes sa mga sinasabi niya.” .” “You‟re from Batangas?” “Yes. kupal? “About the database problem. Took care of the land disputes. it‟s from Batangas.23 “It‟s the best coffee in the whole world. “Kailangang ayusin ang database. “Yes sir. Mula nang pumasok ako dito sa kuwartong ito. Tony?” Sure. ni hindi ko narinig na nagsalita ng Tagalog itong putang inang Batangenyong „to. “Is this imported?” tanong ko. My family owns a piece of land. The tenants till it and we share the proceeds. manyak. How about that. There will be five junior analysts and ten programmers working under your direct supervision. My brother just came from the province. Napansin sigurong nakapikit ako habang humihigop ng kape.” Ayun! Bumigay din si kupal. Tony… can I call you.” “Salamat.” “We are thinking about you being a senior systems analyst of the Database Department. Matagal na tayong may problema sa department na iyan. “Actually.

24 Kayo lang. parang gustong lumabas sa pagkakasakal ng bra at blusa. Pakialam ko ba sa database bullshit n‟yo. yung manager ng Computer Department.” Habang nag-iikot kami ni Tess. Tess. susmaryosep. At ang balakang. “I‟ll do my best. Ang sarap ding ngumiti ni Tess.” “The pleasure is mine. Panay din ang pasimpleng sulyap ko sa dibdib niyang parang nanunukso. sumasahod. Ang lambot ng palad. he‟s looking forward to meeting you. kung ganito lagi ang nakikita ng mga tarantadong . tapos. Bale siya ang magiging boss mo. siya si Tony de Guzman. Dali. sir. Puta. Ipakilala mo siya sa mga tao. kung gumiling parang laging naghahanap ng aayudahan. Pero.” “Tess. “Tony.” “Yes. panay ang sagi ng tingin ko sa hita niyang mapuputi. Kung ganito palagi ang nakikita ko. sulit na. parang ngiti ng Santo Papa. Executive assistant ko. “Sayang. sir. samahan mo si Tony. He‟s attending to some business with the mother company in New York. Basta ako. Samahan pa ng mapuputing hita na halos iluwa na ng sobrang ikling mini-skirt. Tony at wala si Oscar. bagong analyst ng Database. Mr. i-tour mo siya sa department. Tama lang pala na mabadtrip si kupal kung naabala ko ang session nila ni Tess.” Pinindot uli ni kupal ang intercom at tinawag ang seksing sekretarya. this is Tess.” Nagkamay kami ni Tess. boobs pa lang.

hanggang sa mabaldado ito. Ang daddy naman niya. Walang sikretong tumatagal. Puwedeng gawing subject matter sa pagbabate. puro trabaho ang laman ng utak. yung isa kong kabatak sa looban. puro sex na lang ang atupagin. “…ang this will be your office. Mabuti pa ang mga hindi niya kapamilya. Napunta lang sa looban nang maubos ng mommy niya ang ibinayad ng insurance nang mamatay ang daddy niya. Mas malalim magsaliksik ang mga taga-looban. ang mommy raw ni Johnny ang nagpapatay sa daddy niya. alam kung ano‟ng totoong nangyari. Yun kasi ang kulang kay Johnny. Kinabisado ko bawat kurbada. Ang tsismis sa looban. Pero sabi naman ni Johnny. Pagkatapos ng trabaho. Mantakin mo kung ano‟ng laking ginhawa ng bansa kung sa halip na kung anu-ano‟ng pinaggagagawa ng mga tao. Natapos ang tour nang ang tanging rehistradong usapin sa utak ko ay ang mga hita ni Tess at ang nagmumura niyang mga suso. nahulog daw sa hagdanan ang daddy niya.” .25 Pilipino. wala na sanang kaproble-problema ang bansang Pilipinas. Kawawang Johnny. Kahit baho ng may baho nalalaman. sex kaagad ang laman ng isip. Siguro ang sarap ng buhay. Aktibista na si Johnny kahit noong maliit pa lang siya. Hindi nakakalampas sa looban ang ganito ka-iinit na mga kuwento. Dangan kasi‟y puro kalandian ang inatupag ng mommy niya. o kaya‟y habang nagtatrabaho tulad ni Mr. Executive Vice-President Jeffrey “Kupal” Dali. Siguro tatagal ng mga sampung sesyon sa kubeta. Kulang siya sa sex kaya kung anu-ano‟ng naiisip niya. Hindi likas na tagalooban sila Johnny. sakay ng wheelchair.

parang nakakalimutan ko. Iba talaga kapag may aircon. De Guzman. Kako. Yung iba.” Bad trip. Sana si Tess na lang. Ngayon. Sa dinami-dami ba naman ng magagandang chiks dito. “Good morning. Kunsabagay. Mr. Pinulong ko lahat ng mga tauhan ko sa Database Department. Matapos ang ilang araw na pangungulit ko kay nanay. pinayagan din akong bumukod. . Natural dahil ako ang boss nila. nangungupahan na lang ako ng kuwarto. hindi ko type ang tabas ng mga pagmumukha. Kinahapunan. Sila yung mga tipo ng taong isang tingin pa lang. Walang asungot. nagpatawag ako ng pulong. mas malapit sa trabaho. dalawang linggo na akong wala sa looban. Pero sulit. bakit matanda pa ang ibinigay sa aking sekretarya. para hindi hassle sa trapik. alam mo nang mahirap kausap. solo ko ang buhay ko. Kahit nakakapit na sa katawan ko ang amoy ng burak sa looban. Makikita nila. Amoy mansanas. Huwag silang magkakamaling subukan ako. Mababait sila sa akin.26 Maliit lang ang kuwarto ko.

sa mga lasenggo. nasasaksak at napapatay. Kulitang katakut-takot hanggang sa magalit ang mga lasing at gawing puta ang nanay ng kawawang tindero. At komo mas marami sila. ayaw bayaran ng mga lasing ang kinain nila. masuwerte kung ospital lang at hindi . Kahit papaano‟y kumikita naman siya sa pag-iigib ng tubig. Kalimitan kasi. nag-isip na rin siyang umiba ng raket. para silang mga gamu-gamong nararahuyo papalapit sa ilaw ng gasera. sa lugar nila ay laging may magbabalut na nagugulpi.27 Ang wastong pagkain ng balut Ang kaibigan ni Tony na si Chris ang nagsama sa kanya sa bahay ni Aling Sion. na tila ba batayang karapatan nila na bigay pa sa kanila ng Poong Maykapal ang kumain ng libreng balut kapag sila‟y lasing na. ay pipilitin pa ring ipagtanggol ang pangalan ni inay. May malaki siyang takot sa pagtitinda ng balut. Noong umpisa ay atubili si Tony. Ito ay sa simpleng dahilan na sila‟y hindi nagpapautang. Ang siste. kahit lasing ay sanay pala sa babag. Ang resulta. Napaghahalata na kasi ng iba na ang trabaho niya ay trabahong pambata kahit siya‟y disi-siyete anyos na. Pero nang mapansin niyang si Chris ay laging may pera. Ang mali naman kasi ng mga tindero ng balut. Ito at ang asawa nitong sabungero at ang kanilang labing-isang anak ay tulong-tulong sa kanilang negosyo-pagtitinda ng balut. Si tindero naman. hindi na sila nadala sa pagtitinda ng balut sa mga nag-iinuman. Kumbaga. Si Aling Sion ay nakatira ilang bloke ang layo mula sa looban. sa halip na kumaripas na ng takbo. at nang mapuna niyang siya na lang ang natitirang “matanda” sa igiban.

Ang kanyang ama. pangit at bobo nga si Jun ngunit ang angkan nito‟y maykaya. Mahigit apat na taon na rin naman siyang natigil mula nang magkalabuan sila ng kanyang kaklase sa grade six. sa pagitan ng mga humaharurot na sasakyan. matapos mawala nang ilang taon.28 sementeryo ang hahantungan ng magbabalut sa kabila ng sangkaterbang suntok at saksak na dumapo sa katawan niya. Pumanaw ang lahat ng katinuan ng kanyang ina nang banggitin ng kanyang ama ang pangalan ng kasalukuyang kabit nito at iyong takbong iyon sa kusina at kuha ng itak ay sabay wasiwas sa kanyang ama. may bentahe rin ang pagtitinda ng balut. ay biglang dumalaw. napagpasyahan ni Tony na tumigil sa pag-aaral. Malaking bigwas sa kanyang gandang lalake at talino ang nangyari sa kanya. hindi niya mapigilan ang sariling hindi maasar. Sa araw. Pagkatapos ng grade six. Ngunit aminado siya na hindi lang si Klara ang dahilan ng kanyang pananamlay sa pag-aaral. Bakit mas pinili pa ni Klara si Jun samantalang noong sila‟y grade six pa lang. sentro na ng mga kantyaw si kupal dahil bukod sa saksakan na ng bobo ay mahilig pang mangulangot sa klase at pagkuway ngangatngatin ang maasim-asim na mga daliri? Kunsabagay. Isang malaking dahilan rin ang sunod-sunod na problemang dumating sa kanilang buhay. Sa kabilang banda. na ngayo‟y isa nang butihing maybahay ng isang dakilang babaerong negosyante na may malaking tindahan ng tela sa Quiapo at si Klara‟y ibinabandilang parang tropeo. Sa tuwing maaalala niya ang kanyang kaklaseng si Klara na noo‟y pinakamaganda sa lahat ng grade six sa kanilang eskuwelahan. Tuwing gabi lang ang lako niya. puwede siyang mag-aral. at mabuti na lang at may isip ang ilang matatabang pulis na noo‟y . Ang habulan ay humantong sa gitna ng kalye.

ang ilang daang ipis na kasambahay nila. “Putang ina nila! Tamaan sana sila ng kidlat!” Isa pang malaking salik sa kanyang pagpapatuloy ng pag-aaral ay ang isang nakakahiyang insidente na nangyari sa kanya noong araw ng kanilang pagtatapos sa grade six. Problema ni Tony ang pambili ng sapatos. Nataong ang itinatabi ng kanyang ina na pambili ng bagong sapatos ay dinagit ni Almang Paybsiks. panlaban sa mga manyak at magnanakaw wika niya nang minsang may magtanong kung para saan ang naturang baril. Kung puwede nga lang sanang gamitin ang kanyang luma ay hindi na siya mag-iintindi ngunit itong lumang sapatos ay sumuko na sa dalawang taon nitong pakikipaglaban sa lansangan at sa kanyang paang puno ng eksema‟t alipunga. sa tabi ng kanyang puwit na animo monay na inamag. ang kanyang ina ay ilang buwan ding natulala at ang tanging kinakausap ay ang mga langaw na pasalit-salit ang dapo sa kanyang mukha. nakakurbada ang hugis ng isang 38 rebolber. isang beteranong usurero sa looban na laging nakasuot ng hapit na pantalong maong at sa hapit nitong kamiseta ay naaaninag ang dalawang karneng losyang na nakakabit sa kanyang dibdib at sa may ibabang bahagi ng balakang. Natanggal ang . Ang kawawang sapatos ay bigla na lang nawalan ng buhay isang hapon habang papauwi siya nang matapilok siya sa isang nakausling bato sa lansangan. Mula noon. at ang mga butiki sa kisame na malamang noong panahong iyon ay kuliling-kulili na dahil sa paulit-ulit na pagsambit ng kanyang ina ng pangalan ng kanyang ama at ng kerida nito.29 kasalukuyang nag-aabang ng mabibiktimang drayber at naawat din ang habulan na malamang sa hindi ay magiging sanhi ng isang madugong patayan. Dalawang araw na lang ay martsa na ng graduation.

baka maawa sa kanya at bigyan na lang siya nito ng pambili ng bagong sapatos. may naiiwang bahagi ng kanyang sapatos na karton sa kanyang dinaraanan. Ang kanyang kaunting perang naiipon ay sapat lang para makabili ng mumurahing sapatos na itinitinda sa bangketa. Abnormal ang malalaking patak ng ulan dahil artipisyal lang ito. na kadalasa‟y hindi pa magkasukat ang parehong paa. Kasubuan na. Sandaling itinigil muna ang pamisa at ang mga tao‟y saglit na sumilong sa mga nakakalat na kyosko sa gilid-gilid ng palaruan. Naging katawa-tawa sa mga nakakita ang sinapit ni Tony. Ayaw na ayaw ni Tony na siya‟y kaawaan. Matapos ang halos kalahating oras ay natapos din ang ulan at ang kanginang malalaking patak na may mga hibla pa ng yelo ay nagtapos sa mahinang ambon. hanggang sa tuluyang tumila. Nang tumayo siya upang kunin ang papel na tinalian ng luntiang laso. hanggang sa bawat hakbang niya papalapit sa kanilang prinsipal na siyang nag-aabot ng mga diploma. Ang graduation ay ginanap sa malawak na palaruan ng Paaralang Bayan. Huli na ang lahat nang mapansin ni Tony na ang kanyang bagong sapatos ay gawa sa karton at nang mababad sandali sa tubig ay sumipsip ng sumipsip at bawat hakbang niya‟y nahihimay at nalalagas ito. Nang makarating siya sa mismong entablado at tanggapin ang .30 suwelas at lubhang nakakahiya kung ipakukumpuni kay Pablong Shoeshine dahil malamang na kapag nakita ni Pablo ang kanyang Bantex. likha ng cloud seeding program ng PAG-ASA. Nang nasa kalagitnaan ng seremonya‟y bumuhos ang malakas na ulan. bawat hakbang niya papunta sa entablado. Kinagat na niya ang sapatos na bargain.

Ngunit ngayon. na sa dami ng laman ng bibig ay halos mangongo sa pagsasalita. Nagsuot ng malinis na kamiseta. uwian mo „ko ng basag. nagsuklay. wala nang natira sa kanyang mga paa kundi ang kanyang lumang medyas na tadtad ng butas. muling kumislap ang mga dati‟y kinitil na pangarap. Muling nagkahugis sa kanyang gunita ang mga sinulat niyang formal theme. Muling umusbong ang mga pormula ng siyensya sa kanyang bumbunan. pag-uwi mo. “Angahan mo ng uyi. At „di kaginsa-ginsa‟y napagtanto niya ang sarap na idinudulot ng pag-aaral. tuluyan niyang kinalimutan ang mataas na paaralan. at pagkuwa‟y bumaba na ng hagdan. sa kanyang paglalako ng balut.” pahabol ng kanyang ina habang ngumunguya ng kanin.” sigaw ng kanyang nakababatang kapatid. Inakay niya ito hanggang sa labasan at . walang puwang ang edukasyon sa sikmurang kumakalam. “Kuya. Noong mga panahong iyon. Sa silong ng hagdan ay tinanggal niya sa pagkakakadena ang kanyang bisikletang ginagamit sa paglalako.31 kanyang diploma. Marami pang mga suliranin na kakambal ng hikahos na pamumuhay at lubhang marami ring mga karanasang nakakahiya ang nagtulak kay Tony na kalimutan na ang kalokohang pag-aaral at magpultaym na lang sa pag-iigib ng tubig. Ang sarap maging estudyante! Pagkakain ng hapunan ay gumayak na si Tony para maglako ng balut. at sa isang butas sa kaliwa ay nakausli ang kanyang hinlalaki sa paa. Sa panghihimok na rin ng kanyang ina.

Habang daan ay ginugunita niya ang mga araling kailangan niyang pagaralan pag-uwi niya ng hatinggabi bilang paghahanda sa kanilang pagsusulit sa eskwela kinabukasan.32 pagkuwa‟y sinakyan patungo kina Aling Sion upang kumuha ng mga ilalakong balut. .

nakakasawa na ring kausap si Sarge. Kailangan. walang ibang nakakausap. naisipan naming lumigid sa mga beerhouse sa Session Road. Kahit na sa bahay ko kami uminom. Gumuguhit sa dila ko ang linamnam ng sisig. sampu ang cut-off sa pagro-round off ng mga numero. Saka hinahanap din ng katawan ko ang ispiritu ng beerhouse. Hindi katulad sa Maynila na namimili na ng pasahero. Katorse lang ang flagdown. Kung trenta‟y singko pesos. Ito ang isa pang masarap sa Baguio. laging buo. Bawal yata sa idolohiya ng mga taxi drivers ng Maynila ang tumanggap ng basag na bayad. meron akong binobola. pakibagayan siya. At siyempre. ibinabalik kung magkano man ang sukli mo. Kapag sumakay ka ng taxi. kuwarenta ang sisingilin. At yung mga driver. Nakakabato rin kasi yung nasa bahay lang. Para bang nagsasayaw sa ilong ko ang amoy ng mga belyas. Dapat siguro. kapag umiinom. Walang ibang nakikita. Para bang lagi kong pinipilit ang sarili ko na tumawa sa mga jokes niya. idisenyo na ang . Ang kuwarenta‟y otso na pamasahe ay dapat nang gawing singkwenta. laging si Sarge ang bangka. lagi pang tenk yu ang sukli. Kaya sinimot namin ang mga bote namin at nag-abang ng taxi sa labas.33 Baguio 1999 Matapos naming laklakin ang ilang beer sa ref ni Sarge. Malaki na ang bente singko pesos. singkwenta na lang ang ibabalik na sukli. Kapag nagbayad ka ng isandaan. gusto ko. mura lang ang babayaran mo. Ang totoo. pagbigyan ang mga trip niya.

Ang ganda pa naman sana nung chick. lumapit na sa amin ang manager. Medyo nabadtrip ako. Luwa ang mata ni loko. Inabutan namin si Christy. Pagdating sa beerhouse. Umorder kami ng beer at pulutan. Parang bigla akong nabitin. pinapapunta sa isang hotel. naghihintay na raw ng sundo ang chick. Tumango ako. Akala mo ginto ang puke niya. yung type ni Sarge. Kaya nga kami nagpunta sa beerhouse para tumebol. yung kalasingang nararamdaman ni Sarge. . Suot ni Christy ang malandi niyang bikini. Kailangan pa bang itanong iyon? Inginuso ko sa manager ang isang babaeng nakaupo sa may bar. Maya-maya. Binagayan ng malilit na bra na halos utong na lang ang natatakpan. Sabi ng manager. humahataw na sa dancefloor. napalitan ng libog. Para bang yung excitement ko nang pumasok kami ng beerhouse. para mo nang ikinumpara ang baratillo sa Baclaran sa mga boutique ng SM o Robinson‟s. „yung puke ni Christy ang baratillo. kausap ng isang kung sinong pilato.34 metro ng taxi para umangkop sa sistema ng paniningil. dapat sampu-sampu ang andar ng mga numero. Mataas kasi ang singil ni loka. Tinanong kung magtetebol kami. biglang nabuhusan ng tubig na may yelo. Pero hindi kay Christy. Baka mamaya. samantalang kung ikukumpara sa puke ng iba kong mga naging syota. At siyempre. Alangan namang yung sa mga naging syota ko. Palagay ko. kainitan na ng mga nagsasayaw. umiskor na naman si Sarge sa mga private rooms sa itaas ng beerhouse. Kinontrata ng isang kostumer.

At least si Ai-ai. iisipin mong para silang galing sa disyerto at noon lang nakarating sa bayan at nakakita ng inumin. . Pati yung type ni Sarge na nakasuot ng pulang bikini. Putsa. kaya nga ako nasa beerhouse dahil sawang-sawa na ako sa mga kuwento ni Sarge. Patango-tango lang ako sa mga salitaan ng mga katabi ko. anlalakas umorder ng drinks. Hindi puwedeng itebol dahil may darating daw na sundalo. marami namang datung. Tang inang mga burikat na ito. Kahawig ni Chin-chin Gutierrez. Pinipilit niyang mangibabaw sa mga kuwentuhan. nakakatatlong ladies‟ drinks na sila. Panay din ang bangka ng kuwento ni Sarge. Tsinita. kahit pangit.35 Hindi lang ako. kapag maliwanag at kapag hindi ako lasing. itinawag na kanina pang hapon. Nakakaisang beer pa lang ako. Eh kesa naman magmukha kaming tanga ni Sarge. Ang isa ko namang kamay. Kundi tungkol sa happenings ng mga sundalo. Okey na rin „tong katebol ko. Kumakapal ang bilang ng mga bote sa mesa namin. makikita kong iba ang hitsura ng putatsing na iyon. naka-reserve. Mga bote ng serbesa at mga baso ng ladies‟ drink para sa mga putang katebol namin ni Sarge. Wala kaming choice kaya pinagtiyagaan na lang namin yung mga babaeng hindi pa naikokompromiso. Baka nga kung itatabi kay Ai-ai delas Alas. Pero hindi ako nagpatangay. Sa lakas nilang magsiinom. tungkol sa mga tanim niyang marijuana sa garden niya. ni walang nahihipo kahit legs man lang. Pero sigurado ko. baka mas piliin ko pa si Ai-ai. nakatingin lang sa mga nagsasayaw. Abala ang isang kamay ko sa paghimas ng legs ng katebol ko.

Tang ina talaga „tong si Sarge.” Nasamid ako. Akala yata ng belyas na „to. Sa puntong ito. Muntik na akong masuka. o. Noong umpisa‟y okey lang sa katebol ni Sarge. nakahalata na ang chick. Biglang bumara ang beer sa lalamunan ko. Biglang pinalis ang kamay ko‟t nagsumbong kay Sarge.36 abala sa paghimas ng legs ng katebol ni Sarge. talagang badtrip na „ko. ah. Tony. Pinagmamaramot pa niya‟ng binti niyang dumaan na sa maruruming kamay ng kung sinu-sinong kupal. bilang pagdidiin sa punto ng kanyang kuwento. Hindi ko malaman kung lasing na o talagang sinusubukan lang ako. huwag mong bastusin „tong katebol ko. “Hindi ka pa ba kuntento kay Candy?” hirit uli ng belyas ni Sarge. “Yang kasama mo. baka maisuka ko pati yung mga kinain ko nung tanghali. si Sarge ang humihimas sa binti niya. sayang. Tony. Pinigilan ko. pasigaw.” hirit ni Sarge. Natawa ako. “Huwag mo namang bastusin si Cha-cha. Pero nang ikumpas na ni Sarge ang dalawa niyang kamay. Pinipigilan ko na lang ang sarili ko‟t baka bigla kong mapatay „tong mataray na putang „to. “Oo nga naman. . Hindi kasi kita dahil madilim sa ilalim ng mesa.” anas nito kay Sarge. “kung ayaw mong bastusin ko „yang katebol mo. Akala yata. nanghihipo. papatulan ako ni Sarge. Parang mga galamay ng gagamba ang mga daliri ko habang pahimas-himas sa mapuputing hita ng mga puta. Para kang nakakalalake.” “Bakit? Gaano ba ka-seryoso „yang relasyon n‟yo?” tanong ko.

bahala na siya sa trip niya. Kinindatan ko si Candy at nasakyan niya. Gusto na yatang lumipad at dumapo sa naggugubat na kepyas ng belyas. Ang ginawa ko. Napapikit ako habang sinasalsal ng belyas na si Candy ang ari ko. Tang ina. binuksan ko ang pundilyo ng pantalon ko‟t ipinasok ang kamay ng katebol ko sa loob ng pantalon ko. Gustong-gusto nang kumawala sa mapanupil na brief.37 Pinilit kong magpa-cool. Walang itinira maliban sa stockings na kulay itim. Parang nakaramdam naman ang katebol ko. Medyo nadismaya ako sa amoy. Ayos na iyon. Pagkatapos. Inumpisahan ko na ang ritwal. Basta ako. paakyat ng paakyat ang mga halik ko. Binayaran ko ang bill ng kuwarto. Inuna kong dilaan ang mga daliri sa paa. naghubad na si Candy. Hinimas-himas ang binti ko. Mabango lang ng kaunti sa duryan. pampaalis lang ng sakit ng puson. Naghubad na rin ako at lumapit kay Candy. Hindi ko dapat patulan „tong mga mababaw na kasama ko. Pagpasok na pagpasok namin sa kuwarto. Tinanong ko kung may bakante pang kuwarto sa itaas. Inamo-amo ako. Short time. iiskor. nakakabawas ng init ng ulo. Pabagsak kaming humilata sa kama. Naghuhumindig na si Junior. . Hinalikan ko siya. Hindi na ako nagpaalam kay Sarge. Kinausap ko ang manager. Nakakakiliti. Sabay kaming tumayo at humakbang papalapit sa bar. binawi lahat ng masangsang niyang amoy. para tuluyang matanggal ang kabadtripan ko. hanggang sa dumako sa mabahong kepyas ni Candy. Parang pusit na ibinabad sa Elmer‟s Glue tapos saka sinindihan. Kung anumang hawig niya kay Chin-chin Gutierrez. Meron daw.

Sayang. maraming tumama sa kamay ko. Magmamadaling araw na ng pumasok ako sa tarangkahan ng bakuran ko. para akong may hawak-hawak na isang dakot na lomi. Naisip ko. Nadaanan ko ang isang maliit na pub. Paglabas ng suka. kakakain ko lang ng lomi na iyon. Itinutok ko na ang ari ko sa mabahong kepyas ni Candy at saka umayuda hanggang sa labasan.38 Itinigil ko na ang romansang marino. . Putsa. Baka magkasakit ako. Bago pa man ako nakarating sa pinto. sinahod ko ang kamay ko sa bibig ko. nagsisi ako. Nakatulog na ako sa may pintuan. sa labas ay maririnig ang malanding tugtugin at maaaninaw ang magaslaw na pagpapalit-palit ng mga pulang ilaw. Kumbaga. Lasang lomi. wala na akong dahilan para manatili sa club na ito. Nakita ko rin ang mga hibla ng lomi na kinain ko sa pub. Pagbaba namin. Sa muling paghilab ng tiyan ko. ano kaya ang lasa ng lomi na kakakain lang ngunit isinuka? Isa lang ang paraan. Kinain ko. bumulwak na ang buong sikmura ko. Kitang-kita ko ang paglabas ng mga buo-buong pulutan. Pinigilan ko ang sarili ko dahil parang ang sarap tadyakan ni Candy. nakita ko si Sarge na ka lips-to-lips si Cha-cha. ni hindi ko naisipang gumamit ng condom. Pagkatapos ko. Lumabas ako ng beerhouse at naglakad-lakad. kahalo ng mapanghing serbesa. baka maimpeksyon lang ako sa sala-ulang putang „to. Naisipan kong doon ibuhos ang mga kabadtripan ko. Naisip ko.

pagkain. madalas kaming magkaasaran sa inuman. Kumbaga. marami daw alak doon.39 Mutya Sa buong looban. iyon ang nararamdaman ko kay Mutya sa tuwing makikita ko ang hilatsa ng pagmumukha niya. Sa tingin ko. higit pa ng kung ilang libong beses. Mas okey nga si Max. kasama ni Max sa selda yung isang manyak na anak ng politiko. hindi lang galit ang nararamdaman ko sa kanya. nakakasundo ko. Iyon daw ang tagabili ng alak. sa haba ng panahong itinira namin dito. Kung mayroon mang damdamin na higit pa sa galit. nang may pinatay siyang Amerikano na ninakawan niya ng pera. at gin na nakalagay sa bote ng Seven-up. dinalaw namin siya sa city jail. Napahiya nga kami dahil sabi ni Max. nakaka-jockpot sila ng imported. Si Mutya. para kasing kapag miserable ang pamumuhay ng isang tao. Kahit noong mga bata pa kami. Ganoon naman sa looban. pero nagkakasundo rin. ang pinakaayaw niya‟y magkaroon siya ng mga kaaway na magdadagdag lang sa sandamakmak na problemang pinapasan niya. isa lang talaga ang kinamumuhian ko. dinalaw namin siya ni Elmer. Nang malipat siya sa Munti. at noong medyo nagbinata kami. Ang magkaaway ngayon. Kase. kase kahit papaano. lasing sila. Gabi-gabi nga raw. Madalas kaming magkagalit. At kapag dinadalaw iyon ng mga kamag-anak. magkaibigan bukas. mga guwardya ang nagbebenta. bagong kamiseta. madalas kaming mag-away sa igiban. dinalhan namin ng yosi. Noong nakulong si Max. .

“Bago lang kayo rito. Si Mutya ang panganay na anak ni Mang Mario. at ganoon din naman siya sa akin. ng . Noong bagong lipat kami sa looban. Hahaha!” Sampung taong gulang pa lang ako noon pero hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming nagpalipat-lipat ng tirahan.40 Itong si Mutya. hindi ko nakasundo. walang permanenteng trabaho. umistambay ako sandali sa tindahan sa tapat ng bago naming uupahang bahay. Madalas kasi kaming mapalayas dahil hindi kami kaagad nakakabayad ng upa. Malamang. namana niya sa ama niya ang kagandahan ng tabas ng mukha. kahit minsan. paekstra-ekstra doon.” sabi ni Mutya. at minsan nama‟y tagatawag ng mga pasaherong sasakay sa mga nakapilang dyip sa paradahan. Ewan ko ba. Paekstra-ekstra rito. pagkatapos maghakot ng mga gamit. may kumausap sa akin. magmula nang magkita kami. Di hamak na magandang lalake siya kumpara sa ibang binata sa looban na karamiha‟y basta na lang nagkaroon ng mukha. hindi kausap dahil paaskad ang tono ng pananalita. Minsa‟y kargador. guwapo si Mutya. noong bagong lipat lang kami sa looban. Anak siya ni Mang Mario na tulad ng karamihan sa mga tatay sa looban. Bumili ako ng sigarilyo at hindi pa man malay na manamnam ko ang usok sa bibig ko. nang tanggalan kami ng bubong doon sa dati naming inuupahang bahay. At sa dalas ng paglipat-lipat. na para bang basta na lang ginawa ng Diyos na wala nang pagsasaalang-alang pa sa sining. minsa‟y katulong ng karpintero. Ang totoo. galit na kaagad ako sa kanya. “maligayang pagdating sa impiyerno! Ako nga pala si Lucifer. Ang totoo.

At kung ang isang lalake‟y ginawang mutya ng looban.” sabi ko. Parang masyadong deretsa. Ang tingin niya. “Oo. “Ako ang mutya rito.41 pangangapa sa mga bagong kapitbahay.” sagot niya. napagtanto ko na na si Mutya ay institusyon ng kayabangan. Hindi ko pa alam noon na mutya ang pangalan niya. Iyon ang pakiramdam ko nang tingnan ako ni Mutya. karaniwang ikinakabit sa mga babae. . walang pagdadahan-dahan. Lalo na ang hirit ng mayayabang. Pero iyon naman din ang gusto kong ipadama sa kanya. Ang pagiging mutya kasi. bistado ko na ang hirit ng mga tao. parang pakiramdam ko.” mahinang sabi niya. Tumingin lang sa akin si mutya. mahina pero tumagos sa pandinig ko. nanunulay ako sa makitid na tulay ng diplomasya. bobo ako na nakikipag-usap sa isang taong nakukulitan sa akin. “Bakla ako?” ulit ni Mutya. Kalilipat lang namin at ayokong lumikha kaagad ng kaaway hanggat hindi ko pa tantyado ang likaw ng bituka ng mga taong nakatira sa lugar na lilipatan namin. nangangahulugang bakla. Tama ba ang narinig ko? ”Ikaw ang mutya rito?” paniniyak ko. parang nakakaloko. “Bakla ka?” tanong ko. Noong unang kita ko pa lang sa kanya. Nagulat ako nang sabihin niyang siya ang mutya ng looban. “Bakla ako?” parang nagtatakang balik ng tanong niya sa akin. Alam ko. “Ako nga pala si Tony. hindi magalang ang tanong ko. at hindi sa mga lalake. na ako‟y hindi marunong magpatumpik-tumpik.

.” “Putang ina mo. kaya ko siyang labanan nang parehas. “Putang ina mo. lalake ka. “Bakit? Lalaban ka?” Tama na. sabi mo mutya ka ng looban.” “Siyanga pala. “Putang ina mo! Anong sinasabi mong bakla ako?” “Hindi ko sinasabi. Umaasa lang akong sasabihin mo rin kung ano ang pangalan mo. “Eh putang ina mo pala eh. ako ang mutya rito sa looban. Tinantya ko ang katawan ni Mutya. sabi ko sa sarili ko. Eh. bakit sino ka ba para kilalanin ko?” Hindi ko na talaga gusto ang tinatakbo ng usapan. sinabi ko sa iyo. “Huwag mo kong minumura. layunin kong ibahin ang takbo ng usapan. Ang sabi ko. Tony ang pangalan ko. na makikipagkilala ka rin sa akin.” tanong ko. kung anuman ang mangyari. kabago-bago mo rito ang yabang mo. tinatanong ko kung bakla ka.” parang naghahamon na sabi ni Muya. tinatantya ang magiging reaksyon niya sa tanong ko. Pero sa tantya ko.42 Nakatingin lang ako sa kanya.‟ sabi ko sa kanya.” paglilinaw ko sa kanya. “Bakit mo gustong malaman kung ano ang pangalan ko? Bakit?” “Wala lang. hindot ka. ano ang pangalan mo. Medyo malaki at malaman kumpara sa akin. Bakit mo naman naitanong kung bakla ako? Mukha ba akong bading? Kumekembot ba ako kapag naglalakad? Ha?” “Naitanong ko lang kase. Paano ka naging mutya ng looban?” “Hindi ko sinabing mutya ako ng looban.

pinatunog niya ang kanyang mga daliri sa kamay habang walang patid ang pagkakamasid sa akin. Unang-una ang leksyong ituturo ko sa iyo!” Okey. “Putang ina mo.43 “Huwag mo sabi akong minumura. Sa yugtong ito. Pagkahubad ng kamiseta.” Napalingon ako. Naghihintay na may mangyari. ang may-ari ng tindahan. may pangilan-ngilan na ring taong nanonood sa amin. kinakapa ang kapasidad ng bawat isa. nananahimik ako rito talagang sinundan ako ng away. Makalipas ang ilang sandali. “Hoy. Si Dino. dito sa looban marami kang leksyon na matututunan. Kung hindi ka nakakatikim ng leksyon doon sa lugar na pinanggalingan mo. Hinitit ko ang sigarilyo ko at pinitik ang upos patalsik sa kanal. Naghubad din ng kamiseta si Mutya. sa bintana. hindot! Magdadala pa kayo ng kamalasan sa negosyo ko!” Nagtitigan kami ni Mutya. sabi ko sa sarili ko. Sige. bata. Tang ina. doon kayo sa malayo juwag dito sa tindahan ko. hinahanap ka ni nanay.” Dumungaw ang ulo ni aling Eppie. Pagkuway naghubad ako ng kamiseta at isinampay sa sandalan ng upuan na nakalagay sa labas ng tindahan. away kung away. “Kuya. Away kung away. kung mag-aaway kayo. Wrong timing. . eh!” “Baki nga? Lalaban ka? Ha? Gusto mo. nagsalita siya. tapusin na natin ngayon dito sa tindahan ni Aling Eppie.

“Baka may gagawin pa kayo ng nanay mo.” “Di bale. tinatawag ka na ng nanay mo. kasama ng mga hiyaw at boo ng mga taong nanonood. eh. Ang pagkakatuklas ko na may ibubuga siya at di tulad ng karamihan sa mga mayayabang na wala naman talagang binatbat. putang ina ka! Tigilan mo yan. pare sa susunod na lang natin ituloy. Sinamantala ito ni Mutya. Pinalis ko ang kamay ni Dino sa braso ko at sumugod kay Mutya. hindot ka!” Nasira ang konsentrasyon ko sa sigaw ni nanay. sentrong sentro sa ilong ko. umikot ang paningin ko at natumba ako. makakabasag na naman sana ko ng mukha.” anas ni Mutya. Nang tumama sa akin. Natuklasan na niya ang pinagkakaabalahan ko. paano „yan. Baka magkakantutan pa kayo ng nanay mo. bulls eye sa lalamunan. kailangang umuwi ka na.” “Sayang. Lumipad ang mga kamao. “Tony!” Boses ni nanay. pinaulanan ako ng suktok at nang matalisod ako sa nakausling bato sa daanan. .” Hindi na ako nakapagpigil. Ilang sandali akong hindi makahinga. Lalo akong naging maingat. nakatulong ng malaki sa akin. Isang pamatay na suntok ang tumama sa leeg ko.44 “O.” sabi ko “kung saka-sakali. Hindi ko pinapadapo sa kahit na anong parte ng katawan ko ang lumilipad niyang mga suntok. natumba ako at pinagtatadyakan naman ako ni Mutya. “Tony. Malaks si Mutya at medyo nagkulang ako nang tantyahin ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko nakita ang paglipad ng kamao ni Mutya.

naghintay ng panibagong round ng mga tadyak na tatama sa katawan ko. maraming bumubuhat sa akin.45 Ilang sandali akong pumikit. Wala. Naramdaman ko. umiiyak at humihingi ng tulong. At narinig ko ang pag-aalisan ng mga tao. binubuhat ako. at narinig ko ang boses ni nanay. Tuluyan na akong natulog. .

para akong isandaang taong gulang na kumpara sa mga kaklase kong malamang na hindi pa nakakaranas na tumanggap ng matitinding bayo mula sa tadhana. Palibhasa‟y block section.46 Mga milagro sa pamantasan Kahit papaano‟y may silbi rin ang mga trapo. ang mga edad nila ay naglalaro sa disisiyete hanggang disinuwebe. Na kesyo raw bagay ako at ang isa nilang kaibigan. kalimita‟y palaro-laro ng baraha na may maliitang pusta habang tumatagay ng gin. kahit papaano‟y pinartehan niya ako. trese anyos pa lang ako nag-iigib na ako ng tubig. Tipikal na freshman. beinte-dos anyos na. nakikisakay ako dahil kahit papaano dumaan din ako sa pagkabata. malapit nang kapitan ng talaba sa bayag. hindi na baleng maraming naghirap dahil sa mga ninakaw niya. Minsan bigla kong naisip. Eh ako. Ako. Ayos lang. Kung meron mang mga gimik. nakatuntong ng kolehiyo dahil sa tulong ng isang trapong kupal na mala-bilao ang lapad ng malalaking tainga. Kaya hindi ko talaga masakyan ang mga kaklase kong ambabata. ganito ba ako noong bata ako? Ang alam ko kasi. na kaklase rin namin. Pakiramdam ko. At ang ayoko pa. Hindi na baleng bilyon ang kinurakot ni loko. Maiingay. Noong nagbibinata . Hindi ko maintindihan ang mga trip nila. Medyo asiwa ako noong mga unang araw dahil ambabata ng mga kaklase ko. Napasok ako sa scholarship foundation niya. pati ako tinutukso. Sila ang tipo ng mga estudyanteng hiyawan ng hiyawan at tuksuhan ng tuksuhan. Wala na akong panahong makipagtuksuhan.

law. napasok sa UP! Puta. math. nasa Singapore. Ang kapatid ko ako rin ang taga-abot ng baon. Hindi ako nakasubok man lang na magkaroon ng permanenteng allowance gaya ng mga kaklase ko. nakatambay ako kina Elmer at nagbubuklat ng encyclopedia. Wala rin kasing tao sa bahay nila. sinasamantala niya ang pagkakataon. Noong ako‟y medyo tumanda. Iyon nga ang nagpadala ng encyclopedia sa pag-aasam na sana‟y mahilig sa pagbabasa si Elmer. At dahil ang asawa ay kasalukuyang nasa Singapore at nagpapaalila sa mga singkit. Siya na nga lang ang hindi pa nag-aasawa kaya nakatira pa rin sa bahay ng magulang niya. Suwertehan talaga ang buhay. Pero si Elmer nama‟y „ala talagang hilig sa pagbabasa. doon ako natulog kina Elmer. ang alam ko. talaga namang pinaghandaan ko ng husto ang exam. Biro mo. at iba pang libro. maraming mga hambog sa haiskul na pa-intelektuwal pumorma pero hindi naman pumapasa sa entrance exam ng UP. Halos mamemorya ko pa ang isang kumpletong set ng encyclopedia nina Elmer. . isang magbabalut. may mga asawa na. Ilang gabi akong nagpuyat sa kababasa ng grammar.47 ako. Ang ermat niya. chemistry. Ang erpat ni Elmer. Puro Bandera ang binabasa niya. Iba talaga „ko. ang matalik kong kabatak ko sa looban. may kabit. Gabi-gabi ay doon natutulog sa kerida niya. Noong gabing bago mag-exam. ang akay ko‟y bisikleta sa paglalako ng balut para maitawid ang pag-aaral sa haiskul at para makatulong kina inay. Ang mga kapatid naman ni Elmer. Kunsabagay. ang kaulayaw ko‟y mga timba. Noong gabi bago mag-exam. physics.

Pero hindi ako kinakabahan na baka bumagsak ako. „kako sa sarili ko. Natatakot ako. Mahirap isipin kung ano ang mangyayari sa akin. “Huwag kang kabahan. Kayang kaya mong ipasa ang lintek na eksamin na iyon. kasi mura ang edukasyon dito . Siya si Wayne Banners. Pakapalan talaga ng mukha dahil ako ang pinakamatanda sa klase. Gaya ni Elmer.” sabi niya. ah. puhunan ko lang ay kapal ng mukha at konting balut na panlangis sa mga teacher. Masyado na akong darang sa buhay kalye. Gaya ng nabanggit ko. Ilang taon na ba akong nasa lansangan? Noong haiskul. mahirap isipin kung ano ang magiging sitwasyon ko roon. Ang kinatatakot ko ay ang pamantasan mismo. Kaya lang narito sa Pilipinas. Nag-inuman kami ni Elmer at ang pangamba sa buhay akademya ay nalusaw sa pait ng hinyebra at ang mga alalahanin ay kasamang pumailanlang ng usok ng marijuana.48 “Putang ina. Matangkad. maputi. Hindi pa rin maalis ang kaba ko. sabi ko sa sarili ko.” sagot ko naman. “Pare. kabisado mo na yata „yan. pare. kaya ko namang magpasensya. Baka hindi ko maiugnay ang sarili ko sa buhay akademya. wala namang problema sa mga kaklase ko. May tiwala ako sa iyo. Hindi siya Pilipino. mayabang. may tiwala ako sa sarili ko. Baka nga pinakamataas na marka pa ang makuha mo. Sa pangkabuuan. mga bata pa iyang mga iyan. Pero itong kolehiyo. Hindi kaya ako maging katawa-tawa roon? Bahala na. Maliban sa isa. kinakabahan ako. Tutal.

Sa paglikdaw ng mga araw ay pasama nang pasama ang timplada ng mga salita. taong grasa. na muli ay sinang-ayunan na naman ng mga kaklase namin at ng propesor. at marami pang iba. mga bondat na pulis. May sinabi siya tungkol sa mga iskwater. Masama ang timpla ng mga salita. mga empleyadong tamad. Okey lang. Sa mga pulubi. Mayroon lang akong hindi mapalampas. lahat na lang ng makita niya dito sa Pilipinas. kinokomentaryuhan niya. mga manggagawang nagpapahinga sa trabaho. . Na kesyo hindi na raw aasenso ang Pilipinas dahil tamad ang mga tao rito. Ang masama pa. Hindi ko nagustuhan. Ang ayoko sa lahat.49 kumpara sa edukasyon sa bansa niya. may nakikita siyang hindi maganda sa Pilipinas at sa mga naninirahan dito. ang taong mayabang. Itong si Wayne. na kesyo raw ang gobyerno natin ay isang malaking trahedya. na sinang-ayunan naman ng mga bugok na kaklase kong Pinoy. laging present sa mga sinasabi niya ang mga iskwater. na sinang-ayunan naman din ng propesor naming Ilokano. Sa bawat araw na nilikha ng Diyos. Hindi ko ito mapapalampas. Kahit papaano‟y may katotohanan naman sa sinasabi ng tao.

Isa pa. hindi nakakatulong sa pagbubuo ng harmonious relationship. Lunes ng umaga. Tang ina. yung mga sexist remarks ko. Pinag-usapan na namin yon. mula sa isang walang ka-kuwenta-kuwentang weekend. maghapong nakaupo. heto ko‟t nagreport sa opisina. RE: MALICIOUS BEHAVIOR AND SEVERAL CASES OF SEXUAL HARRASSMENT. Executive Vice-President.50 Sexual harrassment and more serious shit More or less. 2. binanggit na sa akin noon ni Kupal No. na may mga tauhan akong nagrereklamo. Hindi ako bulag o bingi para hindi ko malaman „yon. kung siya nga. Pero hanggang ngayon. Pinagrereport ako sa office ni Dali. si Oscar Letigio. alam ko na kung ano‟ng nilalaman ng mahabang memo na natanggap ko. From the office of Mr. Nilamukos ko ang memo at tinapon sa basurahan. limang taon na ko dito sa punyetang opisinang ito. Tang-ina. Putsa. pinag-abutan na ko ng animo kabuteng pagsulpot ng napakaraming branches ng kumpanya sa buong bansa. Overall Vice-President ng Computer Department. at may memo na naghihintay sa akin. Operations. i-sexual harrassment nila mukha nila. Jeffrey Dali. Pinalabas ko lahat sa kabilang tenga. lalo na sa mga babaeng clerk. manager pa lang ang inaabot kong posisyon. Hindi ko pinansin noon yung mga sinabi niya. closed-door meeting. Tang-ina. Ano ba ang pakialam ng hindot na kupal na iyon kung paano ko i-handle ang mga tao sa database. nagdudulot ng tensyon. sumusuweldo ng katakut-takot. Sabi niya. Malaki ang suweldo kaya lang nakakabawas ng respeto sa sarili ang .

” “Ano‟ng hindi? Sa kislap pa lang ng mga mata mo. mukhang may pinaghahandaan ka. Paglabas ko sa may pintuan. Isa itong malaking palaisipan ng buhay. nagiging pala-ayos. ah. lalong nadagdagan ang kabadtripan ko nang makita ko ang sekretarya ko na naglalagay ng lipstick. “Lorna. O malamang. the ultimate . alam kong may pinaghahandaan ka. sige pa rin. Kahit na ang epekto ng pag-aayos ay lalo lang nagpapasagwa ng hitsura. Kung bakit ba naman kasi. sanay na siya sa mga hirit ko. Nakadagdag ng badtrip ko ang makita ang mukha ni Lorna. Kung papatulan niya.” nahihiyang sagot niya sa akin.51 maalalang hangga‟t buhay pa‟t kasalukuyang sinusuyo ang mga empleyadong nauna sa akin. si Lorna na ang sekretarya ko.” bati ko. Hindi pala cute sa mga matatanda ang mag-blush. baka mapahiya lang siya lalo. mula pa noong mag-umpisa kong magtrabaho. kapag pala patanda nang patanda ang isang tao. hanggang sa mapromote ako nang ma-promote at hanggang sa itigil na ang pag-promote sa akin at makulong na sa kalagayang manager. sabay tago ng lipstick niya sa drawer.” Hindi siya kumibo. Ernie “The Fucking Encyclopedia” Baron. Wala siyang masabi. Bah. makakaasa akong sa kanila mapupunta ang promotion at hindi sa akin. Heto pa ang isa kong natuklasan. Naisip ko. kilala yata akong numero unong alaskador at master of sexual harrassment. “Hindi naman ho. puwedeng itanong kay Mr.kasabay ko lagi ang matandang bruha sa mabagal na pag-akyat ko corporate shit. Medyo namula si Lorna.

Noong isang buwan.” “Sino. si Tess na seksi. Nagsindi ako ng sigarilyo. “Mula ho nang dumating kayo. Daig ko pa ang kabastusan nina Tito.” “Sinong Tess.” pakli niya. para makapang-asar. “Yun hong maganda. at kahit alam kong si Tess ang tumawag.52 sexist man. “Boss. nakakadalawang tawag na rito yung sekretarya niya. hinihintay na ho kayo ni Mr. Dali. kasalanan „yon ng mga magulang nilang hikain na . tinanong ko pa rin si Lorna para makasiguro at siyempre. Isa lang ang masasabi ko sa patakarang iyon. Unfair daw sa mga hindi naninigarilyo na nasu-suffocate sa usok ng iba. Tatlo ang sekretarya ni Dali. yung babaeng payat na walang boobs at namumutok at nagmamantika ang mukha sa dami ng umusbong na acne at taghiyawat. “Si Tess ho. Hindi ko kasalanan iyon. nang sa gayon ay maituloy na niya ang ginagawa niya. Hanggang ngayon. yung malake dyoga?” Napalunok si Lorna. hindi pa rin siya nasasanay sa mga hirit ko kahit mag-lilimang taon na niya akong pinaglilingkuran.” “Sinong sekretarya?” tanong ko. ipinagbabawal na ang pagyoyosi sa loob ng building. si Maritess. Wala siyang ibang hangad kundi ang umalis na ako‟t pumunta sa dapat kong puntahan. Yung isa.” hirit ko. yung isa naman. may memo na dumating galing sa Personnel Department. dalawa sa sekretarya ni Dali ang may pangalang Tess. Wala akong pakialam sa hika ng iba. Vic and Joey ng Eat Bulaga kapag kinukulit nila ang mga seksing dancer na umiindak-indak habang naghohost sila ng Eat Bulaga.

Ang hirap siguro ng ganoon.” Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng lalamunan niya. Tingnan mo nga iyang labi mo. Kapansin-pansin ang biglang pagtuwid ng upo ni Lorna. mas kilala sa tawag na Tony. ah. “Lorna. Binuksan niya ang drawer niya at hinugot ang isang folder. Kunwa‟y may hinahanap siyang file. Ngayong ito ay nasa pamumuno na si Engr. . Antonio de Guzman. ah. yung bigla ka na lang mapapalunok kahit tuyong-tuyo ang bibig mo. mag-re-resign ako. Kapag talagang pinilit nila „ko. ngayon lang nagkaroon ng kaayusan ang Database Department. parang pinapak ng sanlibong manyak.” “Makapal. Bakit hindi ho ba bagay sa akin?” “Hindi. Galing pa ho ito sa Hongkong. Gagawin niya ang lahat ng pagkukunwari para lang huwag ko siyang mapagbalingan. Mawawalan sila ng mahusay na engineer.53 ipinamana sa kanila ang mga personal nilang mga sakit na nakalkal din nila sa kanilang mga nuno. boss? Maganda naman ho itong lipstick ko.” “Bakit. Hindi ako naging manager para pagsabihan ng kung sinong unggoy sa Personnel na hindi ako puwedeng manigarilyo sa loob ng building. Umupo ako sa isang kanto ng mesa ni Lorna habang ninanamnam ang sigarilyo. Sa buong kasaysayan ng kumpanya. nagmukha kang pokpok na walang pera. Mawawalan sila ng mahusay na manager. hindi kaya nasobrahan ng kapal ng lipstick mo?” “Hindi nama ho makapal. Sa halip na gumanda ang hitsura mo. Lagi siyang tensyonado lalo na kapag ganitong hindi ako nagsasalita ng tungkol sa trabaho.

ang mga katulad ni Dante. Doon ko pinapatay ang yosi kapag sa labas ako ng opisina ko naninigarilyo. Sigurado ko. mayroong kusina na kumpleto sa kasangkapan. patay agad ang baga dahil may tubig sa loob. Siya yung tipo ng taong “may matayog na ambisyon”. Nakasakay ko sa elevator si Dante. Tumayo na ako‟t humakbang papalayo. noong estudyante pa lang itong hindot na ito. Hindi ako kumibo. Pero sa kabila nito. kalimitang umookupa ng magagandang apartment. madalas sa labas sila kumakain. Nang makita niyang nauupos na ang yosi. Ang mga tulad ni Dante ang nagpapayaman sa mga doktor na ang espesyalisasyon ay liposuction. inalis na niya ang mga bulaklak na laman ng flower vase para bigyang daan ang upos ko. inilagay ko sa loob ng flower vase ni Lorna. humihimod sa tumbong ng mga dekano at walang ibang pinangarap kundi ang maging corporate kupal kapag nakapagtapos na siya sa kolehiyo. hindi ito nagpapakopya sa mga exams. Siya rin „yong tipo ng taong sumisipsip sa mga propesor. Pupunta raw siya sa Accounting Department. Pupunta ako sa office ni Dali. Isa siya sa mga kinamumuhian ko sa department. Sa flower vase. . Nakakapagtaka. Kitang-kita ko ang biglang pag-alis ng tensyon ni Lorna.54 Nang maubos ang yosi. ang sipsipin ang mga ekstrang taba ng mga propesyunal na hindi nagbabanat ng buto at maya‟t maya ay kumakain sa mga matapobreng mga café at fastfoods. Alam na rin ni Lorna ang gagawin ko. yung isa kong supervisor sa Database. Sarili lang niya ang iniisip niya. wala kasing ash tray sa mesa ni Lorna.

55 Una‟y tamad silang magluto. Pangalawa, gusto nilang makipagtsikahan sa mga tulad nilang gago na kumakain din sa mga matapobreng kainan. Pero hindi lahat ng katulad ni Dante ay nagpapasipsip ng taba. Marami din sa kanila ang malalaki ang mga katawan, produkto ng mga work-out gym at pagkaing pang-diyeta na kadalasa‟y lasang diyaryong ibinabad sa tubig. Paghinto ng elevator sa third floor, lumabas na ako. Ni hindi ko narinig yung pahabol na sabi ni Dante. Pinipigilan ko ang sarili ko, Lunes ng umaga at sobrang init na ng ulo ko. Baka kung ano pa ang masabi ko kay Dante, makatanggap uli ako ng memo. Pagpasok ko sa foyer ng opisina ni Dali, medyo nabawasan ang init ng ulo ko. Wala ang dalawang sekretarya, malamang ay inutusan ni Dali. Si Tess lang ang naroon. Nakatuwad siya, may hinahalungkat na file sa pinakailalim na drawer ng filing cabinet. Tuloy tuloy ako sa pintuan ng opisina ni Dali. Nang mapadaan ako sa nakatuwad na si Tess, tinapik ko siya sa puwet. Narito na pala ang buong cast ng show, naisip ko nang makita ko ang mga tao sa loob ng opisina ni Dali. Naroon si Oscar Letigio, boss ko. Naroon ang head ng Personnel. Naroon din ang ilang abugado mula sa legal department. May ilang mga taga-Claims, mga mukhang pamilyar sa akin. Naroon din yung isang sekretarya ni Dali, yung matighiyawat, nakaupo sa isang gilid, may hawak na bolpen at steno pad. “Good morning, Tony,” bati ni Dali. “Good morning,” sagot ko. Nagpasukan kami sa maliit na conference room sa loob ng opisina ni Dali. Inumpisahan ang paglilitis.

56

“Tony, siguro naman, I assume na nabasa mo na ang memo, kaya alam mo na ang agenda natin ngayon,” bungad ni Dali. “Yes sir. Ang hindi ko lang alam, may jury palang magsasakdal sa „kin.” Nagtawanan ang iba sa sinabi ko. Puke ng ina n‟yo, sa loob-loob ko. Pare-pareho lang naman tayong nagsisikap para ma-promote at madagdagan ang sahod nang may panustos tayo sa kanya-kanyang bisyo. Kung umasta ang mga buwakanang inang mga ito, akala mo, wala silang katarantaduhang ginagawa. At least ako, walang inililihim. Alam ng lahat ang mga kabulastugan ko. “Before anything else, gusto kong ipaalam sa iyo na this is an informal talk,” dagdag ni Dali. “There‟s no need to become too professional. Afterall, we‟re one big happy family here.” Tarandtado! Hindi ko kayo kapamilya. At ano‟ng informal talk ang pinagsasasabi mo? Bakit kaharap ang mga manager ng Computer Department? Bakit kinukuha ni Maritess “No Boobs” Garcia ang minutes nitong meeting? “Hindi namin alam kung ano ang mayroon sa iyo. Sa totoo lang, ngayon lang naging maayos ang Database Department. Dati, sala-salabat ang mga records. Hindi magkasundo ang Database at Claims. Sabi ng Claims, walang record ang ilang claimants. But when you came, things started to become good. In fact, it‟s a lot better this time. Tingnan mo na lang ang efficiency ng Claims. Dumarami ang clients natin, umaasenso ang kumpanya. And for that, we are very proud of you. I think Atty. Matias of the Legal Department will take it from here.”

57 LEGAL DEPARTMENT: May mga empleyadong nagsampa ng kaso laban sa kumpanya. Isinampa sa Department of Labor. Mabuti na lang, itinimbre sa „tin nung contact natin doon. Nakausap na iyong mga nagsampa ng kaso. Napakiusapan ni Oscar. Ikaw ang tinuturo nila. I hate to say this but they said, masyado raw bastos ang pakikitungo mo sa kanila. Matagal ka na raw nilang inerereklamo kay Oscar kaya lang wala daw aksyon. Dahil doon, inireklamo nila ang buong kumpanya. Tony, you‟re bringing all of us down. CLAIMS: Kapag may mga inquiries ang claimants, madaling naipoprocess. Thanks for a good database systems. Kaya lang, marami ring reklamo sa iyo ang mga empleyado ng Claims. There are times that nababarado rin ang inquiries. Well, that‟s part of the system. At least, madaling nasosolusyunan. Ang problema, may mga ugly remarks ka daw sa tuwing may clerk na pupunta sa office mo for signature. I‟ll give you an incident. Last week lang, may clerk na galing sa office mo, bumalik sa Claims, umiiyak. Inisulto mo raw siya. Tinanong mo raw siya kung gusto niyang kumain ng lollipop. Habang nagtatanong ka raw, nakasapo ang kamay mo sa ano mo. Sa testes. OSCAR: Same with Romy. Yung mga clerk na pumupunta sa department mo. Ayaw na raw nilang pumasok sa office mo. Iniiwan na lang sa secretary mo ang mga documents for signature. Kaya

58 lang, kung minsan, kahit highly confidential ang mga dokumento, iniiwan na lang nila sa desk ni Lorna kahit wala siya doon. CLAIMS: ’d rather…. *%$#@! DALI: Tony, ϕ ϕ  ϕ ϕ  ϕ◙►╂⊌⊜ ϕ ⇎₡‫ מ‬ҨЯϕ ϕ
 άӂ℥ ∰ ♂ ╳women’s◙►╂⊌⊜ ϕ ⇎₡‫ מ‬ҨЯϕ άӂ℥ ♂♂♂∰ ♂  ϕ ╳even ϕ  άӂ℥ ∰ ♂!in our modern times………

Sa ilalim ng mesa, kubli sa paningin ng mga nakapalibot, nakakuyom ang mga kamao ko. Ginugunita ko ang mga panahong inaagrabyado ako ng lipunan. Itong mga taong ito, itong mga ito, ito ang mga nagpapakasarap sa gitna ng taggutom ng mahihirap. Itong mga taong ito na kailangan pang magpasipsip ng taba para lang magkahugis ang mga katawang binundat sa kakakain ng mga pagkaing mga mahihirap din ang siyang lumilikha. Itong mga taong ito na sinusunog ang kilay sa tennis at golf, mga sports na ang layuni‟y hindi palakasan kundi pasosyalan at pagandahan ng kotse. At sa kanilang mga salu-salo, salusalong puno ng plastikan at pagkukunwari, sa kanilang mga halakhakan at pagandahan ng mga asawa, sa kanilang mga batuhan ng paniniwala, mga prinsipyo, na ang tanging nangingibabaw ay hungkag na ligaya, iisa ang nagbibigay ng direksyon, at ito‟y ang kulay ng pera at amoy ng capital. Kilala ko ang mga taong ito. Sila ang noong maliit pa ako‟y baka nagbato sa akin ng barya. Sila ang mga taong matataas, sa kanilang mga palasyo‟y bingi sila sa mga iyakan sa paligid. Sarado ang kanilang mga bintana sa hiyaw ng mga nagugutom sa kalye. Pinid ang kanilang mga pinto at hindi handang

” Kawawa naman ang mga hindot na ito. . Ilang panahon na lang. Antonio de Guzman. Kung ganoon palang mas mahalaga pa sa inyo ang mga pipitsuging mga babaeng clerk na karamihan ay ampapangit din naman. Welcome to the 21st century. Pero huwag kayong mag-alala. Pagkatapos ng paglilitis. sana hindi n‟yo na lang ako binigyan ng trabaho. ha.59 tumanggap ng aarugaing maysakit. “Are you with us. Wake up! Punyeta! Tang ina nilang lahat. Bago pa „ko magtrabaho rito. Pull yourself together. this is for your own good. At pag-alis ko. Mr. You are under a lot of stress lately. ngunit laging handa kung tulad nila ring nakaaangat ang ibig tumuloy. Makikita n‟yo.” “Sama ka sa aming mag-golf sa Sunday. so far?” “Tony. Pasensyahan na lang. alam ko na kung pa‟no kayo sisirain. dumeretso ako sa opisina ko. Pina-cancell ko ang lahat ng appointments ko. Tang-ina nila. mawawala na „ko rito. Ini-lock ko ang pinto. guguho kayong parang lumang bahay na pinagpag ng malakas na lindol.walang kamalay-malay na sa nalalapit na panahon ay sasabog silang parang bulkan. Kailangan nating maging politically correct in these modern times. Ganoon pala.

nagpagamit pala sa kanong bakla na kakilala noong tatay ng kalaro niya. kalaro niya. binubugaw ang mga anak. Pero ang tarantado. hindi makaupo ng maayos. umuwi ng bahay kagabi. sa kabila ng mga pananakot ko sa kanya. kung ibenta ang anak niya. duda na talaga ko. ayaw pa rin ni Dinong lumubay sa kasasama kay Toto. kailangan daw ng masahe. Madalas kong pagsabihan iyang si Dino na huwag magsasama kay Toto dahil alam ng buong looban ang raket ng tatay ni niya. Itong si Dino. Puta. Akala mo kung gaano nila ka-kailangan ang pera. Ang inay. Kapag ganitong lumalalim na ang gabi at wala pa ang kanyang bunso. kasama ang mga regular niyang katomaan. trese anyos nang unang biyakin ng kung sinong kostumer. . Ngayon. Tang inang bugaw na tatay. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon. Ako. Puta. ganoon na lang.60 Dino Si Dino. Alas diyes na ng gabi wala pa rin si Dino. nagpaalam na magmamasahe raw sa amerkanong kaibigan ng tatay ni Toto. ma-lalake o babae. hinihintay ang pagdating ng kanyang bunso. Ang putang ina. si Malou. sa tuwing madaraan ako kina Aling Esper. Basta. Heto na nga ba ang sinasabi ko. wala lang talaga akong magawa. Hindi na lang ako kumibo sa mga pasaring ni inay dahil baka humaba lang. dumudugo ang wetpaks ni kupal. Dapat daw na mahiya ako kay Dino dahil ako ang mas matanda pero mukhang mas masipag si Dino sa akin. nakatanghod sa bintana. naroon. Ang panganay niya. Iyun nga. Tinanong kaagad ni inay kung ano‟ng klaseng masahe. na ayon sa kanya‟y may pasalubong raw sa kanyang pansit.

Doon sa . alam na niya rin ang iskor kung bakit ganoon ang kilos ni Dino.” sagot ni Dino. “Matagal ho kaming nagmasahe ni Toto. hawak niya sa kaliwang kamay ang isang marusing na supot ng pansit. ikaw na bata ka. Kinabahan si inay. may masakit ba sa iyo?” “Wala ho. kung paano siya lumuhod muna. anak? May masakit ba sa iyo?” Hindi ko na matiis ang naririnig ko. saka unti-unting inilapat ang tiyan sa banig. saka padapang pumlasta sa banig. “Dino. Heto‟ng pansit. ang sinumang makipagtalo sa kanya‟y baka hindi niya tantanan magdamag. anak. nay.” “Ano ba ang pinaggagawa mo doon sa bahay ng kano?” “Nagmasahe po. inay? Para ka namang engot. “Ano ka ba. Alam mo namang kaya masakit ang katawan ng gagong iyan. kaya‟t kitang kita namin ni inay ang tila hirap na hirap na kilos ni Dino.” Iika-ikang pumasok si Dino sa kuwarto. Ang kanang kamay niya‟y nakaalalay sa dingding nang pumasok siya ng bahay. eh. Siguro. may itatagal ang inay. Mag-aalas-dose nang dumating si Dino. bakit ngayon ka lang?” tanong ni inay. Tama ang inay. Pagsaluhan ninyo ni kuya. “Susme. inay. Pagod lang ho ako. “Kumain ka na ba?” “Oho. Tumayo ako‟t pumasok sa kuwarto. Kung sa bungangaan. Ang kuwarto‟y isang bahagi ng bahay na natatakpan ng isang manipis na kurtina. eh. nagpakantot iyan sa puwet. nay.61 malamang sa hindi.” “Eh bakit tila pagod na pagod ka.

“Saan ka pupunta?” tanong niya. sa lahat ng ayoko. Kay Dino. walang sinumang puwedeng umagrabyado o bumastos sa kanya hanggat buhay pa ako. Sa malas.62 amerikanong pinagmamalaki ni Toto na mabait daw at lagi siyang binibigyan ng pera. namumuro na sa akin iyang putang inang buwayang iyan. “Maniningil ng pautang. Nagsuot ako ng kamiseta. Kung gaano ko pahalagahan ang sarili ko. Nilukot ni inay ang t-shirt kong kasalukuyan ko pa lang kinukumpleto ang hulog sa utol ni Boyet. Huwag niya lang hayaang maubos ang pasensya ko sa kanya. Maya-mayay narinig ko silang nag-iiyakan sa kuwarto. Nakita namin ang pag-agos ng dugo mula sa puwet ni Dino pagapang sa hita. yung inaagrabyado ang pamilya ko.” Pagkasabi nito‟y hinablot ko ang salawal ni Dino.” sagot ko. ganoon din ang pagpapahalaga ko sa pamilya ko. Kumuha si inay ng kamiseta sa karton na pinaglalagyan namin ng mga damit. Nakahain doon ang pansit na dala ni Dino. Bago pa man ako makalabas ay nakahawak na sa braso ko. At lumabas ng pinto. Maliksi si inay. . kahit kupal na kapatid at madalas akong kontrahin. Puta. At si inay. at idinikit ito sa pinanggagalingan ng dugo. walang makakagalaw sa kanya dito sa looban nang hindi tumitikim sa mga dila ng kamao ko. Lumabas ako ng kuwarto at sumuba sa sahig. t-shirt ko pa ang nadampot. Iyang si Almang paybsiks.

Naglakad ako papunta sa may labasan. Putang inang mga kano iyan. . huwag kang gagawa ng gulo. ipinagdarasal ko na sana‟y may biglang maghuramentado dito sa lugar namin. Ako ang kuya niyan at dapat lang na harapin ko kung sino mang hudas ang gumawa niyan kay Dino. Para naman magkaroon ako ng dahilan para manuntok. wala akong ipangpa-pyansa sa iyo kapag nakulong ka. Hamo nang lumamig muna ang sitwasyon bago tayo umaksyon. ang sitwasyon. Sinasabi ko sa iyo. Sana mayroong maghuramentado. Nanginginig ang posporong hawak ko habang nagsisindi ako ng sigarilyo. „to! Tang ina nakita n‟yo na ngang ginahasa sa puwet iyang anak n‟yo. Kapag ganitong mainit ang ulo ko. kapatid ko. Dapat makaganti. Tony. inabuso. hindot ka. Pumunta ako sa tindahan at bumili ng sigarilyo. Sana magkaroon bigla ng riot dito sa looban. ang bunso n‟yo. binibiktima. Sana masalubong ko si Mutya. Wala akong nakita kahit isa sa mga kabatak ko.” “Putsa namang buhay. parang bale wala lang sa inyo. baka may gawin kang masama. Mga batang walang kamalay-malay.” Lumabas ako ng bahay. Ang sa akin lang. Mahirap talagang magpahupa ng galit. Sana.” “Hindi sa ganoon. madadagdagan pa ang gastusin natin.63 “Tony. ha. Lalo na iyong ganitong klaseng galit na bunga ng pagkaagrabyado at walang katiyakan kung paano makakaganti. masalubong ko kahit isa sa mga may atraso sa akin.” “Nay. Hindi magiging mapayapa ang pagtulog ko sa gabi kung hindi ko maipaghihiganti ang sinapit ni Dino.

Doon sa bahay na iyon. bumubuga ng dugo. isinasama ni Domeng sa bahay nung kano. pero pagbalik nila. para nang matanda. Mula noon. namimigay ng kendi. Kalimitan. lamog na ang mga katawan at kung mag-isip. mga sampu hanggang trese ang edad ng mga bata. Para bang tumatanda na lang bigla. Tanginang Toto iyan. isinasama ang mga anak nilang lalake sa bahay nina Domeng. parang si Dino. si Max ang maaasahan ko sa mga ganitong pagkakataon. Yung putang inang kano. may kasamang kano. At si Domeng. kailanman. At lalong tang ina yung erpat niya. At ang kapalit. malulutong na dadaaning mapupunta sa bulsa ng mga sugarol at lasenggong magulang. nang umuwi si Domeng na tatay ni Toto. Putang ina.64 Nang maubos ang sigarilyo ay binagtas ko ang daan papunta sa bilyaran. Tanginang kano iyan. kapag bumabalik na sila. yung mga nanay dito sa looban. parang nawawala ang espiritu ng pagkabata. Yung mga batang looban na binugaw ng mga nanay o tatay nila. Panay ang bigay ng barya sa mga bata habang umiinom sila ni Domeng sa bahay nila. siguro‟y ang daming batang umiyak ng ihi at sumuka ng tae at ang mga puwet nila. Malamang na nandoon si Max. nakatira sa isang subdibisyon na puwedeng lakarin mula sa looban. hindi ko mapapalampas ang ginawa ng amerikanong iyon kay Dino. Higit kanino man. Minsan. . siguro‟y panahon na para turuan siya ng leksyon. Napakabait nga ni kupal.

yung pinaniniwalaan talaga ng nakararami. Masuwerte nga kung maigalaw pa nito ang kalahati ng katawan. . Ang sabi sa balitang looban na ikinukuwento ng mga taga-looban sa mga taga-labas. Ang kano. Tinangay ang pitaka ng kano at ang relos nitong mamahalin. yung ikinukuwento nila hindi sa mga taga-labas kung hindi sa kapwa nila taga-looban. makalipas ang isang buwan. napagtripan daw ng mga addict.65 Isang linggo ang lumipas. ang tunay na nagyari kay Domeng ay hindi napagtripan ng mga addict kung hindi kinulata ng isang addict. binugbog at halos malumpo daw ang kawawang si Domeng. Ang sabi sa imbestigasyon ng mga pulis. robbery ang motibo. natagpuang patay sa labas ng isang beerhouse. si Domeng naospital. Pero ang tunay na balitang-looban. Malamang na hindi na ito makalakad pang muli. At hindi halos malumpo kundi talagang nilumpo si Domeng at siguradong hindi na siya makakalakad at hindi na maigagalaw ang kalahati ng katawan.

Malilikot na Taliba. Nakahiga sa pagitan ng unahan at hulihang gulong ng bus ang kanyang ama. ay nagmistulang salbabidang butas at walang hangin. Dumako ang paningin niya sa mukha nito at saglit na natigilan siya sa namasdan. Nakamata siya sa bangkay ng kanyang ama. Marahil ay sinundo sa talipapa ng mga taong nakasaksi sa aksidente. laman at dugo. Ang lansa ng dugo at lamang nakabilad ay nanunuot sa kanyang ilong ngunit ito man ay hindi niya iniinda. na para bang ang tinitingnan niya‟y hindi isang tao kundi isang kakaibang uri ng insektong noon lang niya nakita. Lumuhod siya at hinipo ang noo‟y malamig nang hita ng bangkay. „Di niya alintana ang anasan ng mga taong nakapaligid sa kanyang nilalangaw na ama. . Walang kibo. Pinagmasdan ni Alma ang lahat nang ito. Maya-maya‟y pumailanlang ang malakas na iyak. Nakapaligid sa basag nitong ulo ang pira-pirasong utak.66 Adbentyurs ni Almang Paybsiks Inilathala sa Makakating Dila. Nanatili siya sa kanyang pagkakaluhod. naisip niya. ng kanyang mabait na ama. ng kanyang guwapong ama. ang opisyal na arawang pahayagan sa looban Matagal bago rumehistro sa utak niya ang mga pangyayari. „Di niya pansin ang naghalu-halong amoy ng mga nakikiusyosong mga tao. na parang mekanikong kinukumpuni ang ilalim ng sasakyan. Dumating na pala ang kanyang ina. nagmistulang tuod sa harap ng isang malaking trahedya. Marahil ang pinag-iba lang ay ang pagkakapilipit ng isang hita nito. Nangingintab sa tama ng araw ang basag nitong bungo. Ang mukha ng kanyang ama.

Tatlong taon na ang lumikdaw mula nang maaksidente ang kanyang ama. Natuto na siya sa karanasan. Nang minsang umalis siya nang hindi tinitiyak kung luto na ang kanin. parang kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya ang panghihinayang. Ngayo‟y may bago siyang “ama-amahan”.67 “Ilyong! Ilyoooong!. nakatikim siya ng malalakas na palo sa puwit at mahahapding kirot sa singit mula kay Artemio. na parang anak na lang si Artemio ng kanyang ina.” hiyaw ng kanyang ina. Sabi ng kanyang ina‟y ituring niya raw si Artemio bilang pangalawang ama. Namataan niya ang isang batang pinaglalaruan ang hulihang gulong ng yupiyuping bisikleta ng kanyang ama. Panghihinayang dahil sampung taon lamang niyang nakapiling ang kanyang mabait na ama. sabay subsob at yakap sa ngayo‟y nanlalamig nang bangkay. At ang sampung taon nilang pagsasama‟y „di na muling madadagdagan. Naiilang din siya dahil pakiramdam niya‟y iba ang mga titig sa kanya ni Artemio. Marahang dumaloy ang luha sa magkabila niyang pisngi. Noong umpisa‟y naiilang siya dahil sa laki ng agwat ng edad ng kanyang ina at ni Artemio. At bigla. ang kanyang amain. At minsan na siya nitong pinasok sa silid habang . lagi namang huli kung magsidating ang mga pulis. Natural. Wala pa ring dumarating na pulis. Pinaiikot-ito ng pinaiikot. Tiniyak niya munang inin na ang sinaing bago siya bumaba ng hagdan at lumabas sa tarangkahan. Nagpamanhid sa binti niya ang pagluhod. naisip niya. Marahan siyang tumayo at pinagmasdan ang mga taong nakapaligid. ang kinakasama ng kanyang ina.

Umiiyak siya. Ang mayroon lang ay isang bitin ng lumang kurtina na itinakip sa isang kanto para magsilbing bihisan. tinatanong kung nasaan ang suklay. Pagkuwa‟y bumaba na siya ng hagdan. At bago pa man siya makabuwelo para umilag sa mga susunod na hampas ay naramdaman na niya ang mga daliri ni Artemio sa kanyang singit at kinukurot siya doon. dahil wala naman talagang silid sa parisukat nilang pamamahay. Ngayo‟y tiniyak muna ni Alma na inin na ang sinaing. Gusto niyang tumili noon ngunit biglang nagsalita si Artemio. na kung minsa‟y lumilihis ng bahagya at napupunta sa hindi nito dapat puntahan. Kipkip niya sa isang kamay ang kung ilang buhol ng sampaguita na ilalako sa kalsada. na nitong huli‟y napapansin niyang dumadalas. sa pagitan ng pagpapalit ng ilaw ng trapiko. Na para bang hindi nabuyangyang sa malalaking mata ng kanyang amain ang mga pinakatatagu-tagong bahagi ng katawan niya. Nagalit ito nang matikman ang kanin. Lalo pa nitong nilakasan ang bawat hambalos at lalo pang dumalas ang pagkurot sa kanyang singit. Wala naman talagang malaking usapin kung iisiping si Artemio ay kinakasama ng kanyang ina. Nang umuwi si Alma noong gabing iyon ay bigla na lang siyang pinaghahampas ng walis tambo ni Artemio. Ni hindi na ito nagtanong sa kanya. At hindi rin usapin kung pumasok ito ng kuwarto habang siya‟y nagbibihis. Umuwi si Artemio galing sa trabaho nito sa konstruksyon bandang hapon.68 nagbibihis siya. . Bandang huli‟y natanggap na niya ang mga pangyayari. Nagtatanong na para bang wala naman talagang nangyari. Ngunit ang mga hikbi niya‟y tila nagdudulot ng tuwa sa kanyang amain. Minsan nga‟y nangyaring nahilaw ang kanin. Hindi niya naiiintindihan kung bakit siya pinapalo.

Isang pangkaraniwan nang trahedya sa lansangan ang masagasaan ng sasakyan.” sagot niya. Mabait ito at hindi nang-aagaw ng kostumer. Napag-isip-isip rin ni Alma ang ganito.69 Mula nang mamatay ang kanyang ama. Tulad niya ring tindera ng sampaguita. Bakit daw pinili pa niyang magtinda ng sampaguita sa kalsada gayong delikado ang ganitong uri ng hanapbuhay. pagtitinda na ng sampaguita ang kanyang pinagkakaabalahan. Nakakahiya naman sa kanyang amain kung siya‟y hindi magbibigay ng pera sa bahay. gumagala sa gabi. “Alma!” Napalingon siya sa tunog ng kanyang pangalan. Si Omar ay isa sa mga kasundo niya sa lansangan. “Alma. kailangan niyang pasukin ang anumang hanapbuhay na kaya niya. karamihan sa mga kalaro niya sa looban ay nananahi na ng mga damit-pambata sa pabrika ni Mr. alam mo na ba nangyari kay Omar?” humihingal na tanong ni Gina. ayos lang para makapag-ambag siya ng mga gastusin sa bahay. trese anyos. Si Gina. Ngunit sa paris niyang wala naman talagang mapagpipilian. Kung tutuusin ay dapat nang tumigil sa pagbebenta ng kalamansi ang kanyang ina sa talipapa. ang mayroon nang matatag na hanapbuhay. Noong una‟y nagalit ang kanyang ina. Ayon kay Artemio maraming mga kasing-edad niya. Iyon ay dahil siya. Si Nona naman na dati nilang kasama ay isa nang sertipikadong puta. Mas bata sa kanya ng dalawang taon. Siya na lang sa mga kababata niya ang nagtitinda ng sampaguita. Nagugunita nito ang nangyari sa kanyang ama. Tiu. “Hindi. Sa tagal na nilang nagtitinda ng . si Alma ay dalaga na. Sa sampaguita ay nakakamahigit sitenta pesos siya sa maghapon. Ang katunayan.

Sanay na siya sa mga hirit ni Artemio. Ayaw niyang magpatalo sa lungkot at baka malasin ang negosyo niya sa maghapon. “Tara. Hinintay niyang makalmante ito at saka muling tinanong. nakita mo sana si Omar. Kawawa naman. napipi ang ulo. . kung nandito ka lang kanina. Tangna. Mula nang umalis ang kanyang ina tatlong taon na ang nakararaan at hindi na muling nagpakita ay nasanay na siya sa mg pagmamalupit ni Artemio.70 sampaguita ay may kanya-kanya na sila ng puwesto sa kalsada. nalililiman ng matayog na gusali. upo muna tayo dun sa lilim. Parang „yung nangyari sa tatay mo. Ngunit kaya niyang tiisin lahat ng ito. “Nasagasaan ng bus si Omar. Sumabog ang utak. Si Omar ay hindi tulad ng ibang mahilig mang-agaw ng puwesto.” aya niya sa kaibigan. Gina. Humihingal pa rin si Gina. Pinigil niya ang pagbugso ng lungkot. Alam niyang ang magiging kapalit ng hindi niya dagliang pagtalima ay isang sampal sa pisngi o isang tadyak sa binti. Narinig niya ang sigaw ni Artemio ngunit hindi siya tuminag sa pagkakaupo. Pipi ang ulo. o kaya nama‟y isang bigwas sa sikmura.” Hindi pa rin siya umiimik. “Putsa. “Punyeta! Alma!” Nakaupo siya sa bangkito sa labas ng kanilang dampa. Naupo siya sa gilid ng daanan ng mga tao.” Hindi umimik si Alma. Dinukot niya sa bulsa ang panyolitong marumi at isininga ang mga hinanakit.

Go. minahal niya si Artemio. Noong gabing iyon. Gusto niyang tikman ang buhay. Kinagabihan noon. sa tingin niya‟y naranasan na niya ang lahat ng pasakit. dumating si Artemio. “Punyeta! Almaaaa!” Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang sumungaw ang mukha ni Artemio sa pintuan. hinalay siya ni Artemio. humahalinghing siya sa sarap. Gusto niyang lumaya sa mga pasakit. Na ito‟y hindi na muling babalik para saluhin ang lahat ng mga suntok ni Artemio. lasing na lasing. Hinanap nito ang kanyang ina. pumarine ka nga!” Isang hapong umuwi siya galing sa patahian ni Mr. alam na niya na ang ina niya‟y hindi na muling babalik. Ni hindi sumagi sa isip niya na malamang ang kanyang ina ay naningil ng mga pautang o kaya‟y dumilihensya ng ulam.71 Sa edad niyang disi-otso anyos. Kahit wala itong iniwang sulat. Noong gabing iyon. Sinabi niya kay Artemio na lumayas na ang kanyang ina. “Putang ina! Kanina pa „ko tawag ng tawag sa‟yo. Na ang ina niya‟y gustong pagsikapan na magpanday ng bagong buhay nang siya lang. lintik ka!” “Bakit ba?” “Ano‟ng bakit? Bakit walang sinaing?” “Ay puta! Magsaing ka kung gusto mong lumamon. Noong gabing iyon. “Tang inang buhay „to! Alma. Hindi mo „ko alila!” “Ah ganoon?” . pera o kung anupaman. wala ang kanyang ina.

Pagkatapos nito‟y hinubad ni Artemio ang kanyang sinturon at hinagupit siya nang hinagupit sa binti. Tumayo siya‟t tinungo ang kalan. “Putang ina kang babae ka! Ako pa ang uutusan mong magsaing!” Hindi siya kumibo. laman tiyan din ang bahaw at tutong sa puwitan nito. may bahid pa ng bahaw at tutong ang puwitan nito. Kinuha niya ang lata ng biskwit na lalagyan ng bigas at sinalinan ang maruming kaldero. . Hindi na niya hinugasan ang kaldero. Bumalik ito bandang hatinggabi at sila‟y nagtalik. sinindihan ng posporo. Kinuha niya ang kaldero. binomba ang tangke ng gaas.72 Pagkasabi nito‟y pumanaog si Artemio sa hagdan at hinablot ang kanyang buhok. Hindi pa man siya tapos ay nakaalis na si Artemio. Kinaladkad siya nito papasok ng bahay at pinagtatadyakan siya sa sikmura. sinabawan ng tubig na inigib sa poso at isinalang sa kalan. Sayang.

kuwarto o bedspace na uupahan. malaking tipid pa sa pamasahe ng mga estudyante. Maraming naghambalang na mga paupahang bahay o kuwarto.73 Kasera Taliwas sa sinasabi ng iba. namataan niya ang isang karatulang nakatapal sa pader: WANTED MALE BOARDERS THIS WAY. ang paghahanap ng bahay na matitirhan ay isang simpleng gawain. Ang kanilang mga pamantasang pinapasukan ay nalalakad lang mula sa kanilang tinitirhan. Bukod sa mura ang singil kung ikukumpara sa ibang mga paupahan. Sa pagitan ng dikit-dikit na mga pamantasan ay mga patsi-patsing mga kuwarto na pinapaupahan sa mga estudyante. Alas-singko ng umaga. Inumpisahang suyurin ni Tony ang mga paupahang kuwarto sa may University Belt. Isa nang malaking ginhawa ang mga paupahang kuwartong ito. bahay. Karamihan sa mga paupahan ay hindi pumapayag na walang depositong ilalagak ang uupa. Kinakailangang mayroon na antimanong hulog kahit isang buwan lang.Sa tabi ng isang umuusok at mataong karinderya. papalapit sa kanilang mga lunggang pinapaupahan. Kailangan ng mga may-ari ng seguro. kung sakaling hindi makapagbayad sa oras ang uupa. naghihintay na matirhan. Ang mga may-ari ng mga naturang paupahan ay kalimitang naghihintay ng mga masisilong kasera. LOOK 4 JHUNZ . Kailangan ni Tony ng apartment. nakakalat sa buong Maynila. Ang mahirap sa pangangasera ay ang perang ipambabayad.

may bahagya lang na pinagkaiba: WANTED MALE BOARDERS COME IN INZIDE.74 Pinasok niya ang makipot na daanan na tinuturo ng karatula. Minsan na itong ginawang bubong. Ang pang-amoy niya‟y malaon nang pinamanhid ng lansa at panghi ng looban. bakat sa isang gawi ang marka ng gomang gulong na karaniwang ginagamit na pangdagan ng plastik na siyang ipinapatong sa atip upang ipangdepensa sa mga tulo ng ulan. May kamahalan ang upa ngunit sa laki ng kanyang sahod ay hindi niya inda. LOOK 4 JHUNZ KNAKC FIRST B-4 YUO ENTER Hindi malaman ni Tony kung saan kakatok. Sa may pagliko niya sa kanan ay muling bumungad sa kanyang paningin ang karatulang tulad ng kanyang namataan sa labasan. ni hindi makakaapekto sa kanyang gana sa pagkain kahit kumain siya sa tabi ng inuuuod na basura. May nakuha na siyang magandang apartment. wala talaga siyang balak na tumira rito. Bale-wala kay Tony kung amoy kanal man o amoy pabango ang uupahan niyang bahay. ang mga tanawing tulad ng daan-daang uod na naggagapangan sa nabubulok na mga basurang nakatambak sa gilid ng daanan ay isang pangkaraniwang tanawin. At isa pa. Ang kanal sa gawing kanan ay umaapaw na‟t ang burak nito‟y umaagos sa daanan. Hindi na niya rin iniinda ang mga tanawing sa iba ay nakakasuka. Ginamit na . Ang pinagtatapalan ng karatula ay isang yerong kalawangin na sa wangis ay matagal nang nadestino sa iba‟t ibang gamit. nasa sentro ng Quezon City. Para sa kanya.

” “Bumalik ka na lang maya-maya. “Ano‟ng kailangan mo? Tangna. Umuuga ang yero sa bawat tama ng kanyang nakakuyom na kamao.” “Nabasa ko ang karatula sa labasan. Tumambad sa kanyang paningin ang isang lalaking payat at animo sa tuko ang malalaki at dilat na mga mata.” Akmang isasara na ng lalaking payat ang yerong pinto ngunit pinigilan ni Tony ng kanyang binti ang pagsara ng kalawanging yerong pintuan. ang aga-aga nambubulahaw ka. Iyon pala ang pinto. na siya ring pinagtatapalan ng karatula ay dagling bumukas. “Tao po!” “Sandali lang!” tinig mula sa loob. Sa bawat tuktok ng kanyang kamao sa kalawanging yero ay nagkakalaglagan sa lupa ang pira-pirasong mga kalawang na nakakapit. Dahil hindi niya makita ang pinto. Ang yerong kanyang kinakatok. “Tao po!” Nilakasan niya ang katok. Gusto kong umupa ng kuwarto.75 rin itong kulahan. bakat ang mga mantsa ng sabong panlaba sa isa nitong panig. naisip ni Tony. at sa mga butas nitong tila tama ng pako ay mamamalas ang ilang hibla ng sinulid na malamang ay mula sa mga damit na ikinula rito. Malamang ay pinitpit na rin ito‟t ginawang alulod. bakat ang mga tama ng martilyo na siyang pinangpitpit. kinatok na lang ni Tony ang karatula mismo. Epekto ng mahabang panahong pakikipag-jamming sa shabu. “Ano ba?— ” .

Nilakihan nito ang awang ng pinto at sinenyasan si Tony na pumasok. at nakakalat sa paligid ang mga maruruming damit.” paliwanag ni Tony. at ayon sa patalastas. “Ako nga. Uupa ka ba kamo?” “Oo. Ito‟y nang maibili niya ng bagong katre ang kanyang ina. lupa ang sahig. de-kutson. Hindi ito nakapagsalita. Nagulat ang lalake. mga tatlo o apat na buwan. malayo pa ang inuuwian ko. mga lumang diyaryo‟t komiks. Sinalubong si Tony ng magkakahalong amoy ng panghi at bantot nang pumasok siya sa loob ng kabahayan. Isang entresuwelong kuwadrado. Naalala niyang bigla ang kanilang papag sa looban.” Hindi sumagot ang lalake. “Ikaw ba si Jhunz?” tanong ni Tony. Ang totoo‟y may panghihinayang na gumuhit sa kanyang isip nang baklasin ito ng kanyang kapatid upang gawing panggatong. Gusto kong makita ang kuwarto. mga pinagkainan. Mahigit dalawampung taon nilang pinakinabangan ang papag. . Pasensya ka na kung naabala ko ang tulog mo.76 Hinawakan ni Tony ang buhok ng kanyang kausap at iniumpog ito ng malakas sa yerong pintuan. kahit lakaran ng elepante‟t sagasaan ng pison ay hindi pa rin mawawarak. sabay muwestra ng mga bisig sa palibot ng kabahayan. Ilang sandali itong nakatitig lang sa kanya. Sa isang tabi ay papag na sa malas ay dapat nang gawaran ng loyalty award sa haba ng panahon ng pagseserbisyo nito.” “Heto. “Pare. Saksi ito sa „di mabilang nilang pagdurusa.” sagot ng lalake. malambot. “Kaya nga inagahan ko ang punta rito. Pansamantala lang.

kailangan niya lang ay bagsakan ng sulat. bakasyon pa. wala siyang balak na tirhan ang bahay. Tumambad sa kanya ang isang inidorong barado.” “Bale ilan ba kami rito kung saka-sakali?” “Kasya ang sampung katao rito.” Saglit na nag-isip si Tony. ang isa ay isinubo sa nangingitim na labi at ang dalawa ay inipit sa magkabila nitong tainga. Sino ba ang mga makakasama ko rito?” “Sa ngayon. Kailangan niyang ilinaw ito kay Jhunz.” Iginala ni Tony ang kanyang paningin sa loob ng bahay. Nilapitan niya ito at hinawi ang nakabalabal na sako. Inalok niya ang kanyang kausap.” “Kaya nga mura ang upa rito dahil hindi lang „to parang bahay ng daga. ah. kukunin ko na. Dinukot niya ang kaha ng sigarilyo sa kanyang bulsa. parang bahay ng daga ito. May kaselanan ang sobreng inaasahan niyang matanggap. Napansin niya na sa isang sulok ay may kurtinang sako.” “Papaano kung gustong sumulat sa akin ng mga magulang ko?” “Walang problema. sinusulatan ng mga magulang nila. wala pa. Tutal. mapupuno ito. Kumuha ito ng tatlong stick. Hindi pa kasi nagbubukas ang klase. ipinapasok ko ang mga iyon kapag nadadagdagan ang umuupa.77 “Ito? Putsa. Yung mga papag na nakasandal nang patagilid sa labas. Alam ito ng mga kartero. Yung mga estudyanteng umuupa rito. rehistrado itong boarding house ko. Talagang bahay ng daga ito. “Sige. . Pero sa pasukan. Tamang-tama ang dating mo. humugot ng isa at sinindihan.

Impit na hiyaw ang isinagot sa kanya ni Jhunz. nahagip ang tadyang ni Jhunz.” Dinampot ni Tony ang kaputol na dos por dos na nakakalat sa sahig. Nanginginig na tumayo si Jhunz habang sapo ng isang kamay ang putok sa kanyang bumbunan. May gripo sa isang gilid ngunit walang tubig na tumagas nang buksan niya ito. Napaigkas ito sa tindi ng sakit na dumapo sa katawan. napaluhod ito sa lupa sapo ang tadyang. Hinampas ni Tony sa tiyan si Jhunz at tuluyan na itong napahiga at lumupasay sa lupang ngayo‟y nagpuputik na sa sinispsip na dugo. Nang umangat ang mukha ni Jhunz ay sinalubong niya ito ng malakas na tadyak. para wala na tayong pag-uusapan. Kung apat na buwan ka lang dito. . Dalawang buwan ang deposito. puwede nang nine hundred ang ibigay mo sa akin. Kumalat ang dugo sa lupang sahig. Tinamaan si Jhunz sa likod. “Huwag kang maingay. Ibinaba ni Tony ang tangang kahoy. “Mura lang ang upa rito. Naghuhumiyaw sa sakit si Jhunz. na naging sanhi ng paglipad ng ilan nitong mga ngipin na nagtalbugan sa lupa. Bale siyam na raan ang paunang bayad. papatayin kita. Nilapitan siya ni Tony at iwinasiwas ang dos por dos. Muling iwinasiwas ni Tony ang hawak na kahoy. Tatlong daan sa isang buwan.” banta ni Tony.78 Lumulutang sa kulay kapeng tubig ang ilang piraso ng duming malamang ay nanggaling kay Jhunz. isang buwan na advance. Tiniyempuhan niyang sa iba nakatingin si Jhunz at saka niya ito hinataw ng kahoy sa ulo.

” Iniabot ni Tony kay Jhunz ang kapirasong papel. Huwag mong bubuksan. Minsan ko lang ito sasabihin at gusto kong nagkakaintindihan tayo. “Sino ka?” tanong ni Jhunz. Maliwanag ba?” Muling tumango si Jhunz. “Meron kaming operasyon dito sa lugar na ito. Sosolohin ko ang buong bahay. hindi ka na magpapatira ng iba rito hanggat inuupahan ko ito. “Hindi ako titira dito. Pero may darating na sulat dito para akin. kinasusulatan ng numero ng kanyang cellphone.” “Ano ba ang maitutulong ko?” . Tawagan mo ako sa number na ito. May nag-tip sa amin na dito raw ang bagsakan ng shabu na nanggagaling sa China. “Ako si John Lucero.” sagot ni Tony. Ahente ako ng NBI. ibig sabihin. Kapag dumating ang sobre.79 “Ano‟ng kailangan mo sa akin?” pagmamakaawa ni Jhunz. Huwag mo na lang akong saktan.” Marahang tumango si Jhunz. itabi mo. Maawa ka na sa kin. “Kunin mo na ang lahat ng gusto mong nakawin. Makipagtulungan ka sa amin para hindi ka madamay.” “At ano naman ang mananakaw ko dito sa bahay mo? Yung inidoro mong punung-puno ng tae? Yang papag mong puro surot?” “Ano‟ng kailangan mo?” “Makinig kang mabuti. “Uupahan ko itong bahay mo.

ikaw ang unang-unang reresbakan ko. Sanay na iyon dito sa boarding house ko. kapag nabulilyaso ang operasyon namin. Para sa pag-upa ko rito. tsip. matatagal nang nakatira rito. Kahit sa mga pulis.” Inalalayan ni Tony sa pagtayo si Jhunz. mag-rereport sa akin ang mga tauhan ko. at pagkuwa‟y inabutan ito ng sampung malulutong na tig-iisang libo. Buti kung ikulong kita.” “Hindi ba magtataka iyon kapag nakitang hindi pamilyar ang pangalan na tinutukoy ng address?” “Hindi. Kung tutuusin. malaki na iyan dahil hindi naman ako titira rito. “Kakilala mo ba ang karterong naghahatid ng mga sulat dito ?” “Kakilala ko. huwag kang magkukuwento kahit kanino tungkol sa kung sino ang umuupa rito. Isang pagkakamali mo lang. Ang ilan sa kanila. baka isalvage na lang kita. may operasyon kayo rito?” “Mayroon.” “Eh. nakainuman mo na. Nasasalubong mo araw-araw pero hindi mo alam. Kapag kumalat ang kuwento. Marami akong mga tauhan na nakakalat dito. “Sa iyo na iyan. . Baka ang iba pa.80 “Una. huwag kang magkukuwento. gagawin ko lang bagsakan ng sulat. Patay kang bata ka kapag nagkataon. Maliwanag ba?” Sunod-sunod na tango ang tugon ni Jhunz. sa tatlong daan na lang ang isa. Tapos. Baka sa inis ko. Iba-iba kasi ang tumitira rito taon-taon. kasi sampu ang kasya rito. Kulang ho kasi itong ibinigay n‟yo.” “Akala ko ba. Kahit kanino. Kaya huwag kang magkakamali ng kilos. Kung sosolohin n‟yo ho kasi itong bahay.

Huminto siya sa gilid na kalsada upang bumili ng bagong diyaryo. Pinara niya ang naparaang taksi at matapos sabihin sa truper kung saan siya pupunta. komportable siyang sumandal sa malambot na sandalan at binuklat ang bagong peryodiko. Itabi mo ang sulat.” Tumalikod na si Tony. huwag mong bubuksan. at kuwarto. eh. Sa Muntinlupa na lang. operasyong anti-droga. tsip. Wala siyang pakialam sa mga ulo ng balita. marami akong tauhan na nakakalat dito. Tinunghayan niya ang Classified Ads at naghanap ng mga anunsyo tungkol sa mga bakanteng bahay. Puwede mo kong puntahan sa opisina. “Mama. kayo ho ba ang nakapangalan sa sulat na darating?” “Natural. eh alam n‟yo namang puro addict ang nakatira dito sa gawi namin. isang buwan na advance… tapos maselan ho iyong sa inyo dahil kanyo. Alalahanin mo.81 dalawang buwan na deposito. papunta sa labasan. apartment.” “Saka na tayo mag-usap kapag tapos na ang operasyon namin. huwag na lang tayo sa City Hall. Nakita niya ang anunsyo ng isang paupahang apartment sa Munitinlupa. Mabibilang n‟yo nga sa daliri ang tulad kong ni hindi pa nakakatikim ng droga kahit minsan.” . Magpakabait ka. Pagdating niya sa may labasan ay pumihit siya‟t hinarap si Jhunz. “Huwag mong iwawala yang number na ibinigay ko sa iyo.” “Eh. humakbang papalabas ng yerong pinto. 2 bedrooms. Para sa akin yun .” Dagling lumabas ng pinto si Tony at mabilis na naglakad sa makipot na eskinita.

82 Napatingin sa kanya ang tsuper. Matapos niyang ibigay sa tsuper ang eksaktong address ng paupahang apartment sa Muntinlupa. “Boss. .” wika nito.” “No problem. “baka ho puwedeng dagdagan n‟yo na lang ng kaunti ang bayad.” sagot ni Tony. ipinikit niya ang kanyang mga mata at mabilis na naidlip. Malayo ho kasi iyon at matrapik ang dadaanan natin.

Tangan ang kanyang bagong tuklas na teorya. Matagal na niyang pinapangarap na sana‟y magkaroon siya ng anak na lalaki. Isang teorya ang kumislap sa isip niya. nagbunga ang kanyang kapusukan. Si Maricar ay dalawang taon nang byuda. . Makalipas ang dalawang buwan ng pakikipagsiping sa kanyang kapitbahay at kumareng si Maricar. Ang asawa nito‟y kasamang pumalaot ng isang malaking lantsang pampangisda. sinubok niyang ipunla ang kanyang semilya sa sinapupunan ng iba. ang pag-aasam ni Sgt. Pepper May malaking problema si Sgt. na hindi na nakabalik sa daungan. Nabuntis ang kanyang kumare. Ito ang madalas niyang panalangin sa tuwing rarampa sa delivery room ang kanyang maybahay. sinusubok kung hanggang saan tatagal ang kanyang pasensya. Lahi nila talaga ang mag-anak ng puro babae. Ngunit ang pagbubuntis nito‟y nagluwal ng isang malaking suliranin. sana lalake ngayon. Ngunit tila talagang sinasabik siya ng tadhana. Nagtataka siya kung bakit hindi niya ito naisip noon pa. Pepper na magkaroon ng anak na lalake ay unti-unti nang nakukulapulan ng panimdim. na walang ibiniyaya sa kanya maliban sa siyam na malulusog na babaeng anak. Diyos ko. Pepper. Hinding-hindi magkakaanak ng lalake ang misis ko. Matapos ang siyam na beses niyang pagparoo‟t parito sa delivery room. nang sa gayon ay mayroon siyang mapagpasahan ng kanyang mga natatanging kaalaman sa pagiging pulis.83 Sgt.

mahihirapan si Maricar na ipaunawa sa mga ito kung bakit siya biglang nagbuntis. Matagal na nitong pangarap na magkaroon ng anak na lalake. Alang-alang sa kanyang natitirang pamilya. Hindi maaaring hindi pansinin ng mga makakating dila sa looban ang kanyang kalagayan. panay ang arumba ng lambing ni Donato. Paano niya sasabihin sa mga ito na ang kanilang ninong. May isip na ang mga ito kung kaya‟t madali nilang malalaman ang kundisyon ng kanilang ina. Walang lihim na hindi nabubunyag pagdating sa mga ganitong usapin. Bahala na. ang tatay ng kanilang mga kababata. Alam ni Maricar na anumang paliwanag niya ay hindi niya mapapapayag si Donato na ipalaglag ang bata. kailangan niyang gawin iyon. Isa pang malaking suliranin ay ang mga tao sa looban. Naisipan na lang ni Maricar na ipalaglag ang bata. At mula nang mabuntis siya. ang kumpare‟t matalik na kaibigan ng kanilang ama. ay siyang ama ng kanyang dinadala ngayon. ang siguro‟y kaisa-isang natitirang matinong pulis sa buong bansa. Abot hanggang tainga ang ngiti nito nang samahan siyang magpa-check-up. . ang kanyang dalawang anak. Labag man sa kanyang kalooban. Sasabihin na lang niya kay Donato na siya‟y nahulog sa hagdan at nakunan. Kailangan niyang isakripisyo ang kanyang dinadala. At sa kadahilanang ang dalawang anak ay matindi ang pagmamahal sa kanilang yumaong ama.84 Binatilyo‟t dalagita na ang dalawang anak ni Maricar. Bahala na.

ang isa sa mga natitirang matitinong pulis sa bansa. Naramdaman kong tumatagas ang dugo galing sa ano ko…” Nagpainom pa siya sa presinto. ay nakaupo sa sofa. tuloy tuloy na gumulong pababa ng hagdan…” Nakapag-isip na siya ng magandang pangalan para sa kanyang magiging anak. Ang mga mata niya‟y nakapikit. “…hindi ko pa alam noon. tumuloy sila sa isang department store at namili ng mga kagamitan. walang reaksyon sa mga sinabi ni Maricar. Namumuti ang mga buto niya sa kamay sa mahigpit na pagkakakuyom ng kanyang mga palad. Donato Cruz. na mas kilala sa looban sa bansag na Sgt. Napansin ko na lang noong tumayo ako‟t pumunta sa kusina. bumili siya ng tatlong bote ng Fundador at nilaklak nilang lahat. . Tuwang-tuwa rin ang kanyang mga kasamahan sa mabuting kapalarang sinapit niya. natapilok ako…” Mabilis na nagdaraan sa kanyang gunita ang pamimili nila ni Maricar ng mga gamit na pambata. Sa labis na galak. “…natumba ko. tungo ang ulo habang pinakikinggan ang paliwanag ni Maricar. Noong galing sila sa clinic. Pagkuwa‟y dahan-dahan siyang tumayo at nagsalita. siya at ang mga kasamahan niya.85 Si Sgt. Naisip niyang wala nang gaganda pa sa pangalang Donato kung kayat binalak niyang gawing junior ang kanyang dapat sana‟y magiging anak. Pepper dahil sa kanyang abnormal na obsesyon sa bandang Beatles. “Donat? Bakit hindi ka magsalita?” Animo estatwa siyang nakaupo sa sofa. Malakas ang kutob niyang lalake ang magiging anak nila ni Maricar. “Kanginang pagbaba ko sa hagdan.

86 “Mare. Pepper. Sa labis na kalasingan noong nagdaang gabi. kalimutan na natin ang lahat ng namagitan sa atin. Para sa kanya ang pagliban sa pagpasok ay isang mabigat na kasalanan. Ginising siya nito. Pepper ang kusina pagdating niya sa kanilang bahay. nalasing siya‟t doon na nakatulog sa sofa. Donato Cruz. ay umuwing bigo na tulad ng isang sundalong matapos isalang ang sarili sa di mabilang na mga labanan sa malalayong bayan sa loob ng mahabang panahon ay umuwi at ang kasabika‟y napawi nang hindi siya mapagsino ng kanyang sariling pamilya. “Huwag ka na munang pumasok ngayon. isa sa mga natitirang matitinong pulis. kinuha sa pagkakasabit sa dingding ang isang lumang gitara. sa harap ng telebisyon. Tulog na ang kanyang asawa at ang kanilang siyam na mga anak na babae. Patawarin sana „ko ni pare. namumukod tanging mataas ang dignidad sa loob ng lipunang ang moralidad ay kasamang gumuho ng mga pangako ng pamahalaang bulok hanggang kaibuturan. “Anon‟ng oras na?” pupungas-pungas na tanong niya sa kanyang asawa.” Si Sgt. at umawit.” “Ha? Naloloka ka na ba? Marami akong trabaho sa presinto. matapang sa larangan ng labanan.” Ito ang isa pang magandang katangian ni Sgt. Sa mahigit tatlumpung . Tinungo niya ang sala. Kumuha siya ng malamig na serbesa sa refrigerator. Pepper. Nato. kilala sa tawag na Sgt. Tinungo ni Sgt. Binuksan niya ito‟t tinungga ang laman. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kanyang maybahay. sa pagpapabalik-balik niya sa refrigerator.

gagawin niya. May Junior na ako. Pepper kung matutuwa o malulungkot sa ibinalita ng kanyang asawa.” Hndi alam ni Sgt. Kailangan kong pumasok. Isasama niya ang kanyang anak kung ito‟y malaki-laki na sa mga outing nila ng kanyang mga kasamahang pulis. Saka. kapag inaagrabyado ang mga ito ng mga lalake. Buntis ako. Nabuo sa isip niya ang maraming mga plano. Pepper na lalake ang anak nila ni Maring. . Kung maaari lang sanang pumasok kahit pista opisyal. “Sige.. magbihis ka na.” pagpupumilit ng kanyang maybahay. “Tigilan mo „ko.” Lalake. Sasamahan na lang kita sa Baclaran. Hindi makapaniwala si Sgt. makapagpasalamat sa Diyos. Nato. Ang kanyang junior ang magiging tagapagtanggol ng kanyang mga kapatid na babae. Tuturuan niya itong humawak ng baril.” “Nagpa-check-up ako sa clinic kahapon. Ngunit heto siya‟t pinanonood ang natutulog na sanggol. hindi naman Miyerkules ngayon. Isang pangyayaring hindi maaaring magkatotoo. Gusto ko sanang magsimba. bakit mo naman naisipang magsimba sa Baclaran. “Samahan mo na lang ako sa Baclaran. Iniisip na niyang ang pagkakaanak niya ng lalake kay Maring ay parang paghahanap ng karayom sa isang balumbon ng dayami. Pihadong babae na naman ang magiging anak nito. Maring. Kanina pa niya tinatapik ang kanyang pisngi sa paniniguradong ang nagyari ay totoo at hindi isang panaginip.87 taon niyang pagseserbisyo ay hindi siya nakaliban ng pagpasok.

Si Don-don. sa edad nitong kinse anyos. Ang mga pasaring ay nakakarating sa tainga ni Sgt. huwag naman po sana. Kaya na nitong pag-ibahin ang tama at mali. Noong mga panahong iyon ay wala siyang malaking problema. basta‟t hanggang hinhin na lang. May kakayanan na itong gumampan ng mga bagay na naaayon sa kanya‟y tama. Sadyang nagbabago ang panahon. Ngunit kung talagang hindi ukol ay sadyang hindi bubukol. Hindi bale nang mahinhin. Huwag na sanang lumampas pa roon. Pepper. Natural lang sa bata ang maimpluwensyahan ng mga nakatatanda. at pokpok na walang hiyas. Sa garapalang katawagan ay bakla. Pepper. bading. ay may tikwas sa kalingkingan. Ngunit buo pa rin ang kanyang tiwala na . Noong umpisa‟y hindi iniinda ni Sgt. Pepper. bakal. Diyos ko. Ngunit ang isang kinse anyos ay hindi na maaaring ituring na bata. Pepper. Pepper noong mga panahong iyon.88 Masayang masaya si Sgt. babaeng may lawit. Pepper. At dito nag-uumpisa ang malaking problema ni Sgt. ang kanyang junior. Sa looban ay matagal nang kalat ang balitang si Don-don. ay kapapansinan ng kakaibang kilos. Kapansinpansin ang hinhin ng kanyang anak. May sarili na itong pag-iisip. Alam na nito ang mga katangiang inaasahan sa kanya. Alam niya na pinagtatawanan siya sa buong looban. syoke. ang kaisa-isang anak na lalaki ni Sgt. Naisip niyang kaya medyo pinong kumilos ang kanyang anak ay dahil ang lagi nitong kasa-kasama ay ang kanyang ina at siyam na kapatid na babae. Ngayon ay may malaking problema si Sgt.

. wala rin ito sa lahi ng asawa niyang si Maring. at sa pagkakaalam niya. Hindi maaaring maging bakla ang kanyang anak dahil wala ito sa kanilang lahi. Pepper sa mga alingasngasan ng mga tao. Ayaw maniwala ni Sgt. kahit ang hatid nito‟y isang malaking problema.89 ang Maykapal ay hindi nagbibiro nang ganoon.

Sa dami ba naman ng naghambalang na mga nag-iinuman. colt. kailangan daanan ko lahat. pagdating ko sa UP. tanggapin ko ang bawat tagay na ialok sa akin ng mga dinadaanan ko. red horse. At hindi lang basta marami. tanduay (sa tapat nina Mang Berto). kung saan-saan pa ako napapadaan. isang katsokaran ko sa looban). colt na may . isa akong marangal na tao. ang tingin ko sa sarili ko. ang mga pambatong basketball player ng lugar namin). Mahirap namang tanggpin ang iba at tanggihan ang ilan. Para bang kapag nasa UP ako. Gusto kong nalalanghap ang amoy ng intelektuwalismo. sa mga araw na walang lakad. Pero kaya matagal akong dumarating. medyo lango na ko sa dami ng nainom.90 Campus coño Sa mga araw na walang pasok. Masamang ugali iyon para sa mga beteranong tomador ng looban. inaabot ako ng mahigit isang oras bago makalabas sa labasan at makapara ng dyip. beer-gin (sa umpukan nina Jojo. Sa looban lang. Ni hindi sumasagi sa isip ko na isa akong hamak na taga-looban. Isang sakay lang. umaalis ako sa amin. sa eskuwela o sa kung anumang pinagkakakitaan ko. Kailangan. Kaya madalas. May gin (sa may tindahan ni Aling Goring). lambanog (kina Ranie). Halo-halo pa. tanduay-coke (sa umpukan ng mga barkada ng kapatid ni Ranie. Baka isipin pa. mayroon kang pinakikisamahan at mayroong hindi. mga alas nuwebe ng umaga. na araw-araw na lang ay namumrublema sa pera. pumupunta ako sa UP. Karaniwan. red horse na may halong gin. Hindi naman ganoong kalayo ang UP sa amin. Darating ako sa UP. mga alas-onse.

at marami pang iba. bopis. Kahit walang pasok. Nakakatawa na nakakaasar. Mabuti pa ang mga pribadong eskuwelahan. ang tingin ko sa UP. hindi na nagkukunwaring makamasa. Hindot. tuba. Dapat palitan ng mas tamang islogan: Maperang kaisipan sa mayamang pamantasan. Noon kasi. hindi nakikipagkompromiso sa mga . sa laki ba naman ng tuition fee sa UP. marami pa ring tao sa UP. at kung minsan. Ngayon. napapag-isip-isip ko.91 halong gin. ang akala ko noon. manila beer. Ang mga estudyante. may mga bonus pang ilang hitit ng marijuana. Nakakatawa. sili. may mga pautot pang mga pa-isko-iskolar ng bayan. simbolo ng kalayaan ang Obalation. mararangal ang mga tao sa UP. Bukod pa sa iba‟t ibang pulutan tulad ng mani. maprinsipyo. adobo isaw. habang sa background ay may larawan ni Oblation. makabayan. Tumitingin-tingin ako ng mga magazine at librong segunda mano. assorted nuts. makatao. isang marangal na eskuwelahan. akala yata ng mga taga-UP. nagbabandila ng nasyonalismo. tokwa. Pero ang UP. Hihiritan pa ng mga islogan tulad ng: Malayang kasipan sa malayang pamantasan. Bukod dito. gold eagle beer. beer na beer. mah ling. maluluma ang pagtataas ng presyo ng gasolina. Ang lahat ng kamisetang ito. Nakakatawa ulit. adobong sitaw. corned beef. bakit ko ba nagustuhan ang UP. cornbits. Garapalan ang takbo ng metro ng kahera taon-taon. buro. Hindi saklaw ng pagkasakim ng komersyo. Puta. ang taas naman ng matrikula. Tamang-tama para sa mga tulad kong isang kahig isang tuka. menudo. iisipin mong humahabol ito sa mga pribadong eskuwelahan ng Maynila. beer grande. Tumitingin din ako ng mga tinitindang mga kamiseta na may mga tatak ng UP. sibuyas. kalderetang nakaw. Inuumpisahan ko ang ronda sa shopping center. kendi.

iyong mas “madali” at kayang arukin ng kanilang mga utak. Education. kahit lihis sa kanilang mga hilig. kung ilang taon nang nag-aaral pero wala pa ring tinatapos na kurso. hindi iyong mga kaklase ko. Ang mga kaklase ko kasi. Pero ngayong narito na ko. Matapos ang ilang semestre. tatadtarin ka ng mga bayarin. Sila yung palipat-lipat ng kurso. Mga mag-aaral na matapos maglaspag ng maraming pera sa paglalayag sa iba‟t ibang departamento ng pamantasan ay magkukumahog na magtapos na lang ng kahit anong kurso. May mga kabatak ako roon . Mahirap sakyan ang mga trip sa buhay. madidiskubre nilang ang kanilang debosyon sa buhay ay wala sa pagtuturo. Karaniwang nag-uumpisa sila sa mahihirap na kurso tulad ng Engineering o kaya‟y Physics. at matapos maranasang lumagpak sa ilang subjects. Kalimitan. Mga nakakasama sa mga inuman. isinusuka ng iba‟t ibang department. . Pag nagsawa na ko sa shopping center (dahil talaga namang nakakasawa ang tumingin ng mga itinitinda sa estante kahit wala namang pambili at ang buong layunin lang ay mangulit ng mga tindera). Mapa-UP ka o La Salle o Ateneo o San Beda o kahit PSBA.92 tabinging pananaw at kairalan ng lipunan. Karamihan ng mga nakakasama ko sa inuman. Mga estudyanteng sa UP na yata tinubuan ng balbas. Lilipat ngayon sila ng Library Science o Community Development o Social Work. mga paris ko ring “matatanda” na. Saka. matatanggap na nila ang katotohanan na hindi sila para sa mga ganoong “kabibigat” na kurso. nakikita kong wala rin palang pinagkaiba. Lilipat ngayon sila ng kurso. Itong mga department na ito ang tambakan ng mga bobo. hindi sila mahilig sa toma. Kaya ang mga nakakasama ko. ambabata. Matapos ang ilang semestre. tumutuloy ako sa Narra Residence Hall. ang nililipatan.

Akala ng pamantasan. Mga kung ilang ulit nang nag-first year. may birthday daw ang isang taga-roon. Sampung taon na siya sa UP. Nagpunta nga ako roon. isang pusher at trenta anyos na second year student ng Communitiy Development. pag hindi pa rin natatapos ang kursong kinukuha.93 Sa Narra. pagkatapos kong takawin ang mga mata ko sa mga tinda sa shopping center. Sa Narra ko nakilala si Roman. Puta. Mayroon lang allowance na kung ilang taon. maraming mga gurang na estudyante roon. May pinasok silang kuwarto. Marami ring mga hindi talaga doon nakarehistro pero doon nakatira. lumipat ka na ng ibang eskuwelahan. matitino ang mga nasa Narra. narinig ko ang kuwentuhan ng isang grupo ng mga estudyante. naglakad ako papunta sa sunken garden. Ang dinig ko. para hindi mapansin ng tagabantay. bahala ka na sa buhay mo. Sinalubong ako ng amoy ng damo. May . Pasok din ako. Sa UP kasi. Habang papalabas ako ng shopping center. bawal ang lumampas ng kung ilang taon sa nakatakdang panahong gugugulin sa pagtatapos ng kurso. May inuman daw. Tinungga ko. Sinundan ko ang grupo ng mga estudyante. Para naman mabigyan ng puwang ang mga mas matitino at mayayamang estudyante. Sa mga butas ng bakod dumadaan kapag umuuwi sa gabi. Minsan. sabi ko sa sarili ko. Nungka. Napag-isip-isip ko. okey to. May nag-abot sa akin ng tagay. naroon ang lahat ng bisyo. Katakot-takot na palusot na ang ginawa niya para hindi tamaan ng maximum residency. Ang ibig sabihin. may kakilala ako roon kahit isa. pumunta kaya ako? Siguro naman. sisipain ka na sa UP. nang pumunta ako sa UP. papunta sila ng Narra.

Nang mabato ko sa inuman. puro patago ang pagtatanim. malamig ang klima. Andaming mga magsyotang magkakalingkis. Hindi kagaya dito. nakita ko ang sarili ko. Sabi ko. Kaya huwag mo nang itanong kung saan ako umiiskor. “Pusher ako rito.” sabi niya. Kasunod ko siya. doon. parang galing Baguio. napapaunlad ng mga magsasaka ang plantasyon dahil hindi sila pinapakialaman ng gobyerno. pampawala ng amats. Sinindihan namin doon ang joint na galing kay Roman. madilim na. paborable sa damo. mataba ang lupa. sabay abot sa akin ng isang joint. Ang lakas ng tama. Si Roman ang sagisag ng lipunang naliligaw. Tinanong niya ako kung saan ang punta ko. lalong tumitingkad ang pagkilala ko sa sarili ko. Kapag tiningnan mo sa malayo. hinitit ko. sa Sunken Garden. parang mga umpok-umpok na tae ng kalabaw. Sabi niya. sa tanglaw ng buwan. Sa pagkatao niya‟y nasasalamin ko ang “kaunlarang” narating ng sangkatauhan. Nang tingnan ko ang nagbigay. Sa Baguio.” Pagdating namin sa Sunken. Saka. sabi ng mga kakilala ko. Nakikita ko sa mga nag-usli niyang panga ang kalbaryong .94 nag-abot sa akin ng chongki. ang isa raw joint ng chongki doon katumbas ng limang joint ng chongki rito sa Maynila. “Saan ka umiiskor nito?” tanong ko habang sa mga daliri ko‟y inaayos ko ang pagkakabilot sa joint. lumabas ako. Doon kasi. “Mas masarap magpahangin kung mayron nito. may sindi. Habang lumalalim ang gabi. Matagal ko nang gawain iyan. sa mga kuwentuhan namin ni Roman. magpapahangin. Siya si Roman. nababato rin daw siya.

sige pa rin ang paghahanapbuhay. yung kaklase kong Amerikano. sa paunti-unting pagtutulak ng damo. iyong may mga syotang kaakbay saka yung mga may balak gawing labag sa batas at moralidad ng lipunan tulad ng paghitit ng damo at pagbabasa ng porno. Ang putang ina. Medyo yumuko ako para hindi niya ako mapagsino. Noong oras na iyon. Nakita ko siyang papalabas ng Registrar. Bigla ang pag-akyat ng dugo ko sa ulo. Sa isa sa mga ronda ko sa UP. May mabigat na dahilan kung bakit siya nagtutulak ng damo. nakakatulong ng bahagya sa mga magulang niya. Tuloy-tuloy si Wayne sa paglalakad. wala nang bukambibig kundi kapintasan sa mga Pilipino. kahit gusto nang magretiro sa pinapasukang pabrika ng patis. . Tulad ko. Si Roman. Malamang. nakita ko si Wayne. isang kahig isang tuka rin si Roman. ang pumupunta lang sa Lagoon. Medyo nagdududa ako sa lakad ni kupal. Hindi ko siya hinuhusgahang masamang anak o bulakbulero o kung anupaman. ninanamnam ko ang damong inutang ko kay Roman. nakaupo ako sa Sunken Garden. Kailangang sustenahan ang karamdaman ng nanay ni Roman. kahit asin na ang namamahay sa pantog nito. Tumayo ako‟t sinundan siya. Lumiko siya pagdating sa UP Lagoon. Bihira ang pumupunta roon para tumambay lang dahil maraming lamok doon. may mabigat na dahilan kung bakit hindi siya nakapagtapos kaagad. Mas masahol pa nga siguro dahil ang nanay niya. kung bakit siya nagpalipat-lipat ng kurso.95 pinapasan ko. Saka ang alam ko. may sakit at ang tatay niya.

. “What are you doing here. Ang unang rumehistro sa utak ko ay mga bata. it‟s you. baka hindi ako makatulog kapag hindi ko nalaman kung ano yung binabasa niya. May mga nakatuwad. may nakataas ang paa.96 Nakita kong umupo si Wayne sa damuhan at may kinuha sa bag niya. Napalatak ako sa asar at labis na pandidiri dito sa putang inang kaklse kong Amerikano. Nasa likod na niya ako. Sa mga pahina ng magasin ay nakalarawan ang iba‟t ibang posisyon ng mga batang nagtatalik. Gugulatin ko si kupal. Hindi ako mapapakali. Mga batang binibiktima ng mga putanginang pedophile na karamiha‟y mga Amerikano. Naisip ko. Tahimik akong lumapit. hindi pa rin niya alam. nang lumitaw ang kamay niya. Kunwa‟y hindi ko nakita ang binabasa niya. may mga nakaupo. bakit may magbabasa ng ganoong magasin? Bakit may mga taong ang gusto‟y mga bata? Hindi ko lubos maisip ang dahilan. Lumuwa ang mata ko nang makita ko ang magasin na binabasa ni Wayne. Sa anyo. man?” tanong ko. Naiiisip ko ang mga walang muwang na nene at totoy na gumagala sa lansangan kapag gabi. “Oh. Narinig ni Wayne ang Tsk ko kaya bigla ang pagsara niya ng mga pahina ng magasin at nag-angat ng mukha. mukhang magasing imported. may nakangiwing hindi malaman kung nasasaktan o nasasarapan. tangan niya ang isang babasahing may makintab na pabalat.” sabi niya. Napalatak ako hindi pa dahil nagulat ako sa nakita ko. Ang mga edad ay naglalaro sa dose hanggang kinse.

Bad trip.” Kupal! Punyeta ka. I‟m just hangin out.” Lumakad na ako papalayo. Nasayang lang ang tinira kong jutes. “That‟s good. The feel of grass under my feet and my butt. Tapos.” “Yeah. Well.” “I didn‟t know you‟re an environmentalist. iniisip ko ang ilang taong pag-aaral ko sa UP.” You are reading filth. just some literary stuff. Steinbeck. You should take a break and sit on the grass. man. You know that kind of stuff. I‟ll see you around then. Medyo madilim na. There‟s too much garbage out there. Iniisip ko ang mga raket ko. inisip ko ang mga pangarap ko kapag . iyang magasing hawak-hawak mo‟t dagling isinilid sa bag nang makita mo ko. malayo sa mga naglalampungang mga magsyota. among others. Anong garbage ang pinagsasasabi mo? Ang totoong garbage. I read Hemingway. I just love nature. man. I‟m tired of reading engineering journals. Ulol! Lokohin mo ang lola mong Amerikanong manyak. Iniisip ko ang tatay kong hindi na muling magpakita nang habulin siya ng taga ng nanay ko. hindi ako nakapagtrip ng maayos. man. Stay cool. Iniisip ko ang nanay kong tali sa utang kay Almang Paybsiks.97 “Oh. motherfucker. feeling the grass and everything.” “Not really. Bumalik ako sa Sunken Garden. Habang lumilipas ang amats ng jutes. “What are you reading?” “Nothing. Umupo ako sa damuhan. A part of my break from the garbage.

SISINGILIN KA NG MGA ESTUDYANTE. UP NAMING MAHAL. Pagkatapos. At kung bakit dito sa UP. PUTANG INA KA! DARATING ANG ARAW. bilang kabayaran ng edukasyon nilang piniga sa bulsa ng mga mamamayang walang paltos sa pagbabayad ng buwis. UP NAMING MAHAL! NABUBULOK KA NA. kung saan ang dapat na maging pangunahing layunin ng mga mag-aaral ay maglingkod sa bayan. Umiyak ako nang umiyak. sumigaw ako ng paglakas-lakas. Hanggang sa dumaloy na ito sa mga pisngi ko at mapagtanto kong napakarami ko palang maling akala. HUMANDA KA! PUTANG INA MOOOOO! . at habang tinatahi-tahi ko ang mga plano ko sa hinaharap.98 nagtapos na ako sa UP. UP NAMING MAHAL. Hindi ko nahalata ang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata ko. sumilip sa utak ko ang kababuyan ni Wayne. Dito sa UP. TITIBAGIN KO ANG OBLATION MONG HINDOT. mayroong mga ganoong klase ng estudyante. HUMANDA KA.

sa kanyang palagay. Ang una‟y noong isama siya ng kanyang commanding officer. at naipaalam sa ilang politiko. isang maganda babaeng anak. Malaki ang pasasalamat ni Sarge nang siya‟y hindi napasama sa mga nasuspinde. Kailanman. Ito‟y nadiskubre ng ilang opisyal din ng militar. Castillo na tulad niya ring isinama lang doon ng isang kung sinong mataas na opisyal. nang dumalo ito sa isang lihim na pagpupulong ng mga may matataas na katungkulan sa hanay ng militar. Ang iba pang detalye‟y hindi na niya alam. Pangalawang punta na niya iyon ng Baguio. Nang makarating sa pangulo ng bansa ang plano. Naipagpatuloy niya ang pagiging sundalo. Ang kalat-kalat na impormasyon hinggil sa kudeta ay napulot niya kay Capt. Larawan siya ng isang responsableng ama.99 Sarge Taong 1995 nang sumakay si Ador ng bus papuntang Baguio. Ang papel niya sa naturang lihim na pagpupulong ay maging alalay ng opisyal niyang heneral at hindi upang makilahok sa mga diskusyon. Ang pinlanong coup ay hindi natuloy. Ang pulong ay may kaugnayan sa pagpaplano ng detalye hinggil sa dapat‟ sana‟y ilulunsad na kudeta. ito‟y lumikha ng serye ng pagsususpinde sa ilang elemento ng militar. Hindi naputol ang kanyang pinagkakakitaan at tuloy ang pagsuporta niya sa kanyang pamilya na noong panahong iyon ay binubuo ng dalawang nagbibinatang lalakeng anak. ay hindi siya nagkulang sa pagbibigay ng suportang pinansyal at moral . at isang masinop na maybahay. upang gumampan sa papel na tsuper at dakilang alalay.

masasamang salita. Isang makinilyadong sulat ang nakita ng kanyang maybahay na maingat na nakatiklop at nakasilid sa pitaka ni Sarge. Ang kanilang padre de pamilya ay may kalaguyong lalake. Ang kanyang mga anak. At di naglaon. na natural na maging mas malapit sa kanilang ina dahil ito ang tangi nilang kasama sa mga panahong si Sarge ay nakadestino sa malalayong lugar. Ang mga tukso. Ito‟y lumilipad papunta sa mga tenga ng kapitbahay. Itinulak ng kung ano‟ng kuryosidad kaya binulatlat niya ang pitaka. at pagkatapos nito‟y kumakain sila sa labas. Isang gabing naglalaba sa washing machine ang asawa ni Sarge. Ang sa kanila‟y isang maliit ngunit masayang pamilya. Ang komprontasyon ay nagbunga ng tampuhan. at nakita ang sulat na punong-puno ng pagibig. Tampuhang naging tulay ng nagbabagang galit nang madiskubre ng pamilya ni Sarge na si Ros ay isang lalakeng sundalo. tiningnan ang mga laman. ay untiunting nanlamig sa kanya. Ito‟y mula nang madiskubre ng kanyang maybahay na si Sarge ay may kalaguyong iba. Ang sulat ay galing sa isang nagngangalang Ros. tapunan ng tukso at mapangutyang mga titig ang pamilya ni Sarge.100 sa kanyang pamilya. Naisip niyang mabuti na siya‟y lumayo at hayaang lumamig ang mga pangyayari bago bumalik sa kanyang pamilya. . Ngunit ang lahat ng ito‟y nagbago. nakita nitong may pitaka sa bulsa ng pantalong kanyang lalabhan. at mga kakaibang titig at turing ng mga kapitbahay at malalapit na pamilya ang nagtulak kay Sarge para lumayo. Ang kanyang pamilya ay karaniwang makikita sa simbahan tuwing Linggo. Ang ganitong mga pangyayari ay hindi lumalayo.

hanggang sa tuluyang mahinto. isang Ifugao na may matayog na ambisyon. . nakilala niya si Efren. Naging kaibigan niya si Efren at nagboluntaryo siyang maging daan sa mga panaginip nito. Ang mga sulat niya‟y hindi na sinasagot ng kanyang maybahay at ng kanyang mga anak. Tanging mga sulat at tawagan sa telepono ang nag-uugnay kay Sarge sa kanyang pamilya. Ang perang pinapadala‟y naging regular. bilang pagsuporta sa kapatid. Ang lungkot sa pagkawaglit ng kanyang pamilya at ang mga bisyo ang nagpabago sa hitsura ni Sarge mula sa matipunong sundalo tungo sa isang yukot na sibilyan na walang inaatupag kundi maglasing at humitit ng marijuana.101 Taong 1995 noon at naisipan ni Sarge na magbakasyon sa serbisyo at pumunta sa Baguio. Nabalitaan niyang ang mga ito ay umuwi sa Zamboanga. Kinupkop niya ito sa kanyang bahay at binigyan ng sapat na pera para makapag-aral. Ang balitang ito‟y nakarating sa kanyang kapatid na nakatira sa Canada at ito‟y boluntaryong nagpadala ng pera. Mga pag-uusap na nang lumaon ay naging madalang. Sa loob ng tatlong buwan. Sa tingin niya‟y wala nang saysay ang paghahanapbuhay ngayong wala na siyang ibang bubuhayin. putol na ang ugnayan ni Sarge at ng kanyang pamilya. Makalipas ang ilang buwang paglalagalag sa Baguio. buwanan kung dumating kung kaya‟t si Sarge ay hindi na naghanap ng trabaho at nakuntento na sa paghila-hilata at pagkalkal ng iba‟t ibang bisyo. sa probinsya ng kanyang mga biyenan. Hindi na nagreport sa trabaho si Sarge.

Ang hinanakit niya lang dito. Ang alam niya lang ay lumuluwas ito ng Maynila buwan-buwan. Madalas niyang makasama si Tony sa mga beerhouse sa Baguio. Kay Tony ay nakikita niya ang imahen ng kanyang panganay na anak. na kalimita‟y kanyang ipinamumukha sa tuwing sila‟y kapwa lango sa alak o damo. para lang tingnan kung totoo ang balitang doon daw ay nagkalat ang marijuana. Minsan ay nakarating pa sila ng Sagada. ay ang hindi nito pagkukuwento ng mga karanasan. ng kanyang nakaraan. Hindi malinaw sa kanya kung ano ang pinagkakakitaan ni Tony. Ang tangi niya lang alam kay Tony ay ang pagiging engineer nito. . Mayaman kung kaya‟t hindi na nagtatrabaho.102 Ilang taon pa muli ang lumikdaw at nakilala ni Sarge si Tony. kanyang kapitbahay. Pagkatapos nito‟y isang buwan na naman silang magtatapon ng pera sa mga beerhouse na nakakalat sa Baguio. Tunay niya ngang kasundo si Tony. isang lugar na anim na oras ang layo mula sa Baguio. para “kumubra” ng pera.

nagpapakinig sa kanyang buong katawan. sa mga sandaling bago lumingon si Klara sa ibang direksyon. Bakit siya tinitingnan ni Klara? Nangangahulugan ba ito na si Klara. Umuusbong sa kanyang noo ang gabutil na mga pawis. Halatang ito‟y nakatingin sa kanya. Matagal nang gustong magtapat ni Tony ng kanyang pagsuyo kay Klara.103 Klara Sa tuwing dadako ang tingin ni Tony sa may gawing kaliwa ng silid aralan. sa tulad niyang pinagsasabay ang paghahanapbuhay sa pag-aaral. Animo may kuryenteng tumutulay sa mga titig na nag-uugnay sa kanila. na sa kanyang palagay ay siyang pinakamagandang babae sa buong paaralan. napapansin niya ang kagyat na paglipat ng tingin ni Klara. gumuguhit sa kanyang batok ang kilabot na pinapatingkad ng mga butlig-butlig sa kanyang balat na untiunting kumakalat pababa hanggang sa kanyang likod. Ang ganitong pangyayari ay nagdudulot ng kalituhan sa kanyang isip. Una. Ngunit ang mga balakin ay laging nasasapawan ng mas mabibigat na alalahanin. ay mayroong lihim na pagtingin sa kanya? Hindi nito kayang itago ang lagkit ng mga titig sa tuwing saglit na magtatama ang kanilang mga tingin. ang umakyat ng ligaw ay isang luhong hindi niya maaaring ipagpauna sa kanyang . at biglang ipinapaling sa iba ang mukha sa tuwing siya‟y mapapalingon. Sa kanyang dibdib ay kumakalabog ang pintig ng animo daan-daang tambol na walang tigil na humahampas. Kumikinig ang mga tuhod ni Tony sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata.

Pangalawa. Wala siyang matinong pantalon na maaaring isuot sa mga disenteng pagtitipon. Ang kanyang sapatos na Bantex ay malapit nang sumuko sa tadhana at kailangan nang palitan. Ang totoo. Taliwas sa kanyang inaasahang ang lahat ng mayayaman ay karaniwang suplado‟t suplada. pihadong pagagalitan siya ng kanyang ina kung ang kanyang i-eentregang pera ay babawasan niya ng pampanood ng sine kung sakaling maging magsyota sila ni Klara. malaking palaisipan kay Tony kung bakit si Klarang anak ng mayaman ay nag-aaral sa isang paaralang pampubliko.104 mga nakatakdang gawain. Isang araw. di hamak na mas may sinasabi ang pamilya nina Klara kaysa kanyang pamilya. Pangatlo. hindi niya mapigilan ang sariling humanga kay Klara at mangarap na sana‟y balang-araw. hindi pa man siya sinasagot ni Klara ay kailangan nang indahin ang kanyang panggugol sa tuwing sila‟y kakain sa labas o kaya‟y manonood ng sine. Pang-apat. na karaniwan nang ang . Paano siya aakyat ng ligaw ganooong wala naman siya ni polong kupas na maaaring pumasang pamporma. Bakit nagtitiyaga ang mga magulang ni Klara sa isang pipitsuging paaralan gayong kaya naman ng mga itong ipasok si Klara sa mga sikat na eksklusibong paaralan? Ang sagot ay nalaman niya sa mga kuwentu-kuwentuhang ang prinsipal ng kanilang hamak na paaralan ay kumpare‟t kaibigang matalik ng ama ni Klara. inabangan niya ang paglabas ni Klara. na sa tingin niya‟y bunga marahil ng kadahilanang iba ang pananaw ng mga mayayaman sa mga bagay-bagay. Ngunit anuman ang mga sagka at balakid. maging kanya ang babaeng sinisinta. Sinundan niya ito sa may parking lot ng paaralan. Itong huli ay isa sa mga pinakaiinda niyang suliranin. kung saan ito‟y naghihintay ng sundo.

nagtatalakayan ng mga aralin. ay mamamahay ng maraming taon sa gunita ni Tony. Sa mga oras na ito‟y silang dalawa lang. upang habambuhay na lang silang makapagkuwentuhan. ang mapula nitong labi. Sa mga sandaling iyon ay sisinupin na ni Klara ang kanyang mga libro‟t iba pang gamit at magpapaalam sa kanya. Maya-maya ay dumarating na ang ina ni Klara. sakay ng isang magarang kotse. ang mga mata nitong nangungusap. Nag-uusap sila tungkol sa masasayang bagay habang si Klara‟y naghihintay ng kanyang sundo. Ang mga oras na iyon ang pinakamahalaga sa kanyang buong maghapon. Ito lang ang pagkakataon na nakakausap niya si Klara ng sarilinan. Maiiwan siyang nakatingin sa papalayong kotse. napuputol din ang kanilang sarilinan. at marami pang iba. mga kasalukuyang leksyong nahihirapang unawain. sa may parking lot ng pamantasan. Ang pag-uusap na iyon. Sa mga pagkakataong ito‟y natititigan niya nang matagal ang mukha ni Klara. Mula noon. kung puwede lang sanang tumigil na ang pag-inog ng panahon sa mga oras na iyon. Nagkuwentuhan sila ng mga nangyari sa klase. mga aralin. Ngunit anumang pangangarap ang gawin nya. nagtatanungan ng mga hindi nila maunawaan sa klase. ang eksenang binigyang kulay ng papalubog na araw at papalamig na simoy ng hangin. galing sa opisina nito sa Makati. inaabangan niya lagi ang oras ng uwian. ang mga biloy nito sa pisngi.105 anumang bagay na tamaan ng kanilang paningin ay napangingibabawan ng komersyal na halaga ng mga bagay-bagay. Naiiisip niya. mainit ang pagbati sa kanya ni Klara. Kung minsan nama‟y sabay silang nag-aaral ng kanilang mga leksyon at aralin. .

sa kanilang pagsasarilinan. “Gusto mo ba talagang malaman?” paniniyak niya. Unahin mo „yang pag-aaral mo. Ang nagpasuko sa kanyang pangangarap.106 hanggang sa matauhan siya‟t maudlot ang pangangarap. Tony! Puta. kanina pa ko tawag nang tawag sa iyo. . Tony. nay.” “Hoy. “Hoy. nay.” sabik na tugon ni Klara. May mga pagkakataong nakatingin siya sa kisame nang matagal. Madalas siyang punahin ng kanyang ina sa mga oras na natutulala siya habang kumakain o nanonood ng telebisyon. at siya ma‟y maghahanda na ring umuwi. bata ka? Bakit palagi kang natutulala?” “Wala ho.” Marami pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi ito nagpasuko sa kanya. ah!” “Ano „yon. ang naging sanhi ng pagkaputol ng mahahabang sandali sa parking lot ng pamantasan ay ang kanya mismong sinisintang si Klara.” “Baka naman totoo yung sinasabi ni Dino na may pinopormahan ka raw sa eskuwelahan?” “Wala ho. nay?” “Ano ba ang problema mo. Minsan. puro kalibugan na iyang laman ng kukote mo. tinanong ni Klara kung ano nga ba talaga ang nangyari at muntik na siyang masuspinde sa klase. Hindi iyang puro kalandian na lang ang inaatupag mo sa eskuwelahan. Mag-aral ka nang mabuti. “Oo. Ang bata-bata mo pa.

Klara.” “Ang alin? Ang pagpapaliban ng plano?” “Hindi. Ngunit kinabukasan din. nawala ng lata at nagkataong ang napagbintanga‟y siya. biglang pumasok sa silid ang isang janitor. Noong mga panahong iyon. Ang pagnanakaw mismo. “Hindi ko maisip na magagawa mo iyon. Saka. ang kanyang pamilya‟y kapos na kapos sa pera. Na naging sanhi ng sunod-sunod na mga pangyayaring muntik-muntikan nang maging sanhi ng kanyang pagkakasuspinde.” Sa pag-uusap na iyon. Kilala kita.107 “Ikaw pa lang ang seryosong nagtatanong kung ano nga ba ang talagang dahilan. grade six lang tayo. Alam ko. bakit hindi ka humiram mga kaklase natin?” “Hindi ganoon kadali iyon. na siyang ikinaudlot ng kanyang plano. mabait ka. baka pagtawanan pa ako kapag sinabi kong wala akong pera. may dalang walis at pandakot. Aniya. nagpahuli siya sa paglabas ng silid aralan. Ang mga kaklase natin. Inisip ni Tony na ipagpabukas na lang ang kanyang plano. Araw-araw ay kinukulit ang kanyang ina ng kanilang kapitbahay na usurera. nang aktong nanakawin na niya ang lata ng mga barya. Tony. inamin ni Tony na binalak niyang nakawin ang lata ng mga barya na nakapatong sa mesa ng kanilang guro. ni hindi ako papansinin ng mga iyon. At hindi mo kasalanan ang ibang mga kasong ibinibintang sa iyo ng teacher at mga kaklase natin. Ngunit nang dadamputin na niya ang naturang lata.” . Ang plano niya‟y isilid sa kanyang bag ang lata kapag nakalabas na ang lahat ng kanyang mga kaklase. Bakit mo naisipang nakawin ang lata? Kung kailangan mo ng pera.

bakit hindi ka sa akin mangutang?” “Hindi ganoon kadali iyon. Kinabukasan. Tony.” bati ni Tony. Hindi na ito nagsalita hanggang sa dumating ang sundo nito. Ano nga ba ang kailangan niyang sabihin? Ano ang kailangan niyang patunayan? “Bakit mo sinabi sa mommy mo. Hindi mo ba napapansin.” “Eh. may gusto ko sa yo.” “Mabuti. Klara.” Natahimik si Tony. Di ba . Tony. may maganda akong ibabalita sa iyo. Klara?” “Gusto ko kasing makatulong sa iyo. “Kumusta ka. bibigyan ka daw niya ng pera.” “Ang teacher natin. Klara. iyon. dapat ako ang nagbibigay sa iyo ng pera dahil ako ang lalake?” Natahimik si Klara. Matagal na. Sinundan niya si Klara sa parking lot at umupo siya sa tabi nito.108 “Eh. “Hi. walang pakialam sa mga estudyanteng walang pera. Pagdating niya mamaya. di sa teacher ka manghiram ng pera. Klara. hindi niya alam ang itutugon. Klara.” tugon ni Klara. Ang totoo.” “Hindi naman kami mayaman.” “Pero kung ikukumpara mo sa amin.” “Talaga? Ano?” “Sinabi ko sa mommy ko na kailangan mo ng pera. lagi na lang ikaw at iba pa nating mga kaklaseng mayayaman ang pinapansin niya. “Hi. inabangan uli ni Tony ang labasan.” . mapera talaga kayo. Alam mo.

Tumayo siya‟t nagpaalam para sa tingin niya‟y huling pagsasarilinan nila ni Klara. sabi niya.” “Hindi mo ba naiiisip. di ba? Sabi mo pa nga sa akin—” Hindi na naituloy ni Klara ang sasabihin nito. Kaya nga gusto kong bigyan ka ng mommy ko ng pera. „Ah. mga patay-gutom!” “Hindi.” . Tony. Masakit para sa kanya ang makitang umiiyak si Klara. Saka nung kinuwento ko sa kanya na balak mong nakawin ang lata. Bibigyan ka daw niya ng pera.Akala ko ba. uuwi na ko. ito yung kaklase ni Klara na walang pera‟. sasabihin ng mommy mo.” “Mali.” “Pero binalak mong magnakaw. mataas ang tingin mo sa akin. “Klara. Ayokong magkaroon ng boyfriend na magnanakaw. Humagulgol na ito ng iyak. natutulungan mo ko sa lagay na iyan?” “Oo. hintayin daw natin siya ngayon. Gusto mo bang mangyari iyon?” “Mabait naman ang mommy ko. Kapag umakyat na ako ng ligaw sa inyo.109 “Bakit sa palagay mo ba. Klara. Hindi ko kailangan ang tulong at alipusta n‟yo. Klara. salamat. Ang mga mata man ni Tony ay unti-unti na ring nagtutubig. na baka nahihiya rin ako? Na baka may natitira pa kong hiya sa katawan ko? Ang hirap kasi sa inyong mayayaman. Mataas ang tingin ko sa iyo. Bigay talaga sa iyo.” “Hindi ako magnanakaw. eh. Ngunit mas lalong masakit ang tinuran ni Klara. Sabihin mo na lang sa mommy mo. ang tingin ninyo sa amin. Kailangan ko pang umigib ng tubig para may baon ako bukas. At hindi utang iyon.

110 Hindi nag-angat ng mukha si Klara nang siya‟y lumayo. . Nanatili itong nakatungo at umiiyak.

Pinakahuli ay ang pagrereklamo sa DOLE ng mga empleyado. Ni walang pinagbago sa pag-uugali ko. Para bang mas ginaganahan akong mam-bullshit ng mga empleyada ngayong mayroon na akong final warning mula kay Oscar. Ang mga malalaking tae. Kasalukuyan itong nakakuyumos at nakatago sa ilalim ng kutson ng sofa na siyang pinagparausan namin ng matagal nang kinikimkim na mga pagnanasa. mas lalong lumala. ito rin ang tantya. .” Ito ang pangungusap na binitiwan sa akin ni Tess habang nagmamadali niyang pinupulot ang mga hinubad niyang baro. kay Dali. iniiwasan nitong masangkot kahit sa mga maliliit na kasong maaaring maging daan para ungkatin ng korte ang mga itinatago nitong baho. napagtanto na ng mga nakararami na malapit na akong “mamaalam” sa kumpanya na limang taon ko ring pinagsikapang pag-ambagan ng talino‟t pagod. Natural. Ang tingin ko. Ang tingin ko pa nga. I just want sex. Dumukwang siya sa ilalim ng mesa para tingnan kung naroon ang kanyang panty. wala.111 Tess “I don‟t want a fucking relationship. At sa kalagayang ang kumpanya ay nataong nakalinya sa mabantot at mapagsamantalang iskemang seguro. ipinagpapalagay nilang hindi kayang pagbayaran ng mahusay kong pagtatrabaho ang mga perhuwisyong inakyat ko sa kumpanya. na muntik-muntikan nang maging sanhi ng pagkakasangkot ng kumpanya sa masalimuot na labanan sa korte. Ilang araw matapos ang komprontasyon sa opisina ni Dali. sa Legal at sa Personnel.

Maraming mga empleyado ang lihim na natutuwa. maraming mga ispekulasyon. na isang hapon ay nagkaroon ng katuparan. Buwan-buwan kasi. Isa man sa mga ito. Marami rin ang nanghihinayang at nalulungkot. pareho kasi kaming naguumapaw sa pride. sa mga panahong ayaw siyang gastusan ng kumpanya dahil napaghahalata na ang dalas ng pag-alis niya. Matagal na kaming naggigirian at naghihintay na lang ng magandang timing para pakawalan ang mga nag-uumalpas na pagnanasa. sukdang sariling pera na niya ang ginagastos niya. Ang dahilan ay upang makibalita sa mga taong tulad niya ring nauulol sa tuwing may bagong produkto ang Intel. na naging kapansin-pansin dahil sa pag-aayos ko ng mga files at iba pang papeles na iiwanan sa kung sinumang hahalili sa akin. hanggang sa matuloy sa paggigirian na lang. Nasa Spain si Dali. IBM at iba pang mga big time ng Silicon Valley. Maraming hindi lihim ang pagkatuwa. tulad ng sekretarya kong si Lorna. . at ibinabandila pa sa mga kasamahan sa department ang kanilang nag-uumapaw na galak dahil sa napipintong pag-alis ko. Hindi ko alam kung ano‟ng nakita ng mga empleyadong ito at nalulungkot sa pag-alis ko. Sa loob ng limang taon kong pamamayagpag sa bulok na kumpanya. hindi ko naka-jamming sa kama si Tess. na kaugnay ng pamamaalam. may mga ginaganap na ganoong pagtitipon.112 Ngayong sigurado na ang pag-alis ko. panghihinayang. Oracle. Isa sa mga nalulungkot at nanghihinayang ay si Tess. parang ayaw aminin ng isang may amats siya sa isa. dumalo sa isang pagtitipon ng mga taong nauulol sa teknolohiya. Microsoft. ni minsan. tuwa. Iisa lang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang makapunta sa mga pagtitipon. Ang tantya ko. walang pinapalagpas si Dali.

Ikaw. puwedeng sa bahay ka na lang.” . Naglambitin kaagad sa leeg ko. “basta mo na lang ako nilundag at sabay nilapang?” “Malapit ka na kasing umalis. Tony.” “Ako lang ba?” “Ano‟ng ibig mong sabihin?” “Hindi ka ba susunod sa akin?” “Bakit naman ako susunod?” “Come on. at ilang sandali lang. humihingal kaming nakaupo at pawis na pawis. Ang dalawang paa. Nagsindi kami ng sigarilyo. Ang bagong teknolohiya ang nagpapadaloy sa dugo niya. Alam ko. pagkakataon na para magparaos. nilundag ako ni Tess.113 Isang malaking obsesyon kay Dali ang computer. Pabagsak kaming nahiga sa malambot na sofa. “Bakit ni wala ka man lang pasintabi. iniyakap sa baywang ko. Gusto natin ang isa‟t isa. Wala akong nagawa kundi sapuhin siya sa puwet at gumanti ng halik. Tess. at pinupog ako ng halik.” “Gusto kita. Bandang alas-singko medya ng hapon nang puntahan ko si Tess sa opisina ni Dali. Maghahanap ako ng mas magandang trabaho. Mabilis kaming nakapaghubad.” tanong ko sa kanya. Alam din ito ni Tess kung kaya‟t hindi niya pinag-overtime ang dalawa pang sekretarya ni Dali. Magsama na tayo. Pagpasok na pagpasok ko. Pero wala pa akong balak na maging plain housewife.

At ano naman ang pakialam mo kung magpakantot ako kay Dali? Eh kung sabihin ko sa iyong mas gusto ko ang romansa niya kesa sa iyo?” “Tang ina mo. marami siyang babae.” “Nasa husay ng diskarte iyan. nauna ka pa sa akin dito. malaking issue ang seniority.” “Ano‟ng gentleman? Gentleman ba ang kumaliwa sa asawa? Manyak ang tawag doon. Tess. Tess. hindi ka naman marunong makisama. Ikaw. Pero pagdating ng araw na iyon. may pinag-aralan ka nga. mawawalan ka ng trabaho. alam ko. pero gentleman siya.” “Putang ina ka. Oo. Alam mo ang mga patakaran dito na hindi nasusulat.” “Manyak na kung manyak. Oo. hindi na lang ako sekretarya. sinisiguro ko.” “Mapo-promote ka? Paano ka mapo-promote. madali kang makakahanap ng bagong trabaho dahil topnotcher ka sa board exams. hindi ka pagsasawaan ng manyakis na iyon?” “Pagsasawaan din ako. kung hindi mo pa alam. hindi rin tatagal sa iyo yung kumpanyang lilipatan mo. Pero sigurado ko. Kaya ngayon. Mas unang iaangat sa tungkulin ang mga matatandang bobo at kupal kaysa sa mga batang maabilidad. eh Secretarial lang ang tinapos mo? Saka. alam ko. Dito sa kumpanya. Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?” . Tony. Akala mo ba.114 “Eh ano‟ng gusto mo? Magpakantot na lang sa manyak na si Dali habambuhay?” “Hindi siya manyak.

Hanggang ganyan ka na lang. kung magsalita siya. pinulot ni Tess ang mga damit niya. ni hindi na niya inisip na naaalibadbaran ako tuwing makikita siya . Ba‟t sa akin mo itatanong. Tang ina niya. At alam mo ring hindi ka na uunlad. akala mo siya ang may-ari ng putang inang kumpanya. malaki ang posibilidad na gahasain ko siya. Dinukot ko ang panty ni Tess na itinago ko sa ilalim ng kutson ng sofa noong kinakarat ko siya. nilamukos ko‟t ipinasak sa bulsa ng pantalon ko.” Pumasok siya sa maliit na banyo sa loob ng opisina ni Dali.” Mariing sampal ang isinagot ko kay Tess. Lumabas ako ng opisina ni Dali at tumuloy sa opisina ko. idinuldol ko ang upos sa barnisadong mesa ni Dali. Lagi namang maaga kung umuwi ang gagang iyon. Ang tingin niya. di ba ikaw ang may suot noon kangina?” “Fuck you. Hindi niya makita ang panty niya kung saan napunta. “Nasaan ang panty ko?” “Ewan ko.” “Then let‟s do it. baby. sa tuwing lalampas ng alas-singko ng hapon.115 “Asar-talo ka Tony kase alam mong totoo ang sinasabi ko. Nakauwi na si Lorna. “I hate you! I don‟t want a fucking relationship! I don‟t need your fucking companionship!” “Eh bakit ka nagpakarat sa akin?” “I just want sex.” “Go to hell. I‟m a fucking sex machine. you fucking bastard!” Pagkasabi niyon. that‟s all. Puta. Pinatay ko ang sigarilyo ko.

kahit siguro lasing na lasing ako. titigasan kapag nakita si Tess at ang mga suso nitong nagmumura. Maski siguro ang Papa sa Roma. puwede na siyang magbuhay-milyonarya. Hindi niya alam na ako ang dapat niyang pakisamahan at hindi ang mga kupal heads ng IT. hindi ko magagawang galawin siya. Dinukot ko ang panty ni Tess sa bulsa ko. bobo siya. sa katawan pa lang sulit na sulit na ang sinumang lalake. siguradong madadamay siya.116 kaya kailan man. . suwerte pa rin ang mapapangasawa niya. Sayang. Sayang. Pucha. mas gusto niyang magpakamartir sa punyetang kumpanya kaya‟t wala na akong magagawa. Kung papayag lang si Tess na sumama sa akin. Sayang. Kung tutuusin. Inamoy-amoy ko. Pero ayaw niya. ang mahirap kay Tess. Kaya lang. kahit medyo malandi si Tess at mahilig magpa-cute sa kung kani-kanino. Sa pagresbak ko sa kumpanya.

Ayon kay Rudy. kung siya ay magpapatala sa seguro. asawa ng kapatid niyang si Paulina. Ayon dito.” Ilang gabi niyang pinagpuyatan ang payo ng ni Rudy. kung saka-sakaling biglang magkaroon ng sunog o iba pa mang sakuna. May mga butil ng pawis sa noo ni Pablo habang ipinaliliwanag sa kanya ni Rudy ang mga bentaheng idudulot sa kanya ng seguro. Ito ang kanyang bayaw na si Rudy. pinaghehele ang kanyang pagtulog. Makalipas ang ilang panahong pagtitimbang-timbang ng mga usapin. sasaya ka dahil magkakaroon ka ng maraming pera? Makakabawi ka sa nasunog sa iyo. sinasaliwan ang kanyang pag-iisa. at matapos makulili sa maya‟t maya‟y paniningil sa kanya ng kanyang mga pinagkakautangan. ang gumabay sa kanya sa masalimuot ngunit tubong-lugaw na landas ng seguro. kung nais niyang malaking halaga ang makuhang salapi sa . “Hindi ba‟t sa halip na malungkot ka kung masunugan ka.117 Pablo Sampung taon na ang nakalipas nang unang makilala ni Pablo ang isa sa mga pinakamahalagang tao sa kanyang buhay. Si Rudy. tila isang musang sa tuwina‟y naroon sa kanyang tabi. siya ay babayaran ng insurance corporation. napagtanto ni Pablo na ang pinakamainam na solusyon ay ang magpamiyembro ng seguro. at sobra-sobra pa kaya madadagdagan ang puhunan mo. kung gagawin niyang miyembro ng insurance corporation ang kanyang maliit na shop. Atubili siya sa kadahilanang batid niya ang laki ng kanyang gugugulin. Ang ideya ng pagkakaroon ng pera sa sunog ay matagal na nagsayaw sa kanyang gunita.

anaki‟y kisapmatang naging milyonaryo si Pablo. hueteng. napagtakpan ang mga ebidensya ng arson at napabilis ang pagsasaproseso ng bayaran. Noong umpisa‟y mahirap. bingo. Sa tulong ni Rudy. ang anumang naibayad niya‟y mababawi niya ng kung ilang porsyentong tubo. Marami-rami na rin ang kanyang tauhan. Mahalagang tao sa kanyang buhay si Rudy. muli ay tinupok ng sunog ang kanyang shop. ang sunog ay dinisenyo upang hindi . Ang kanyang mga utang ay nabayaran. Tulad ng nakaraan. sakla at pusoy. na biniyayaan niya ng ilang porsyento batay sa kanilang lihim na kasunduan. Ngunit ang hirap ay hindi nakapagpalamyo sa kanyang engrandeng plano. Dalawang milyon pagkatapos ng ilang buwang paghuhulog. Ito nalalabing pag-asa upang maisalba ang pamumuhunang unti-unti nang nasasaid dahil sa kanyang mga bisyo. Noo‟y mayroon na siyang malaking tindahan ng mga sapatos sa pamilihang bayan. At upang lalo pang lumago ang negosyo. Ang kanyang maliit na shop ay lumaki. muli na namang nasunugan si Pablo. Makalipas ang dalawang taon. babae. mayroon siyang malaking shop na naghahatid ng mga pagawa ng mga malalaking department store. karera. kinakailangang mataas din ang kanyang huhulugan. Bukod pa rito. Noong mga panahong iyon. Makalipas ang dalawang taon. kasama sa mga nakalista sa talaan ng kanyang mga bisyo ang alak. Kung saan-saan siya nangungutang ng pera huwag lamang makaliban ng paghuhulog. sigarilyo. Ngunit ayon naman dito.118 pagkasunog ng kanyang shop. Ang kanyang mga bisyo ay umusbong at lumago.

ay maaari na siyang magtayo ng isang malaking-malaking tindahan ng sapatos. ang mga may-ari ng kabahayang nangatupok dahil sa kanyang kasibaan ay pawang nagsipagsampa ng kaso. Nagbunga ang imbestigasyon ng korporasyon ng seguro. agad itong magniningas at kasabay na matutupok ng buong shop ang anumang ebidensya ng arson. Ngunit ang huling sunog ay lumikha ng dalisdis. kahalubilo ng mga tulad niya ring pinanawan na ng pag-asa. ang kinabagsakan niya‟y sa looban.119 magmukhang sinadya. siya‟y naglagay ng isang silya at pinakintab ang sapatos ng sinumang . Pagkuwa‟y hinintay niyang matapos ang kanyang paninilbihan sa loob ng bilangguan. Inumpisahan ang sunog sa ilang mga kalapit na kabahayan. Ang shop ay basang basa ng gasolina. at ang tanging hangad na lang ay tustusan ang maliliit na pangangailangan sa pang-araw-araw. Dalawang sunog pa. Sa oras na ito‟y madilaan ng apoy. si Pablo‟y nahatulang pagbayaran ng kung ilang taon sa bilangguan ang kanyang kasalanan. mga kabahayang may saboy ng gasolina. Di naglaon. Sa may labasan ng looban. Sa kanyang paglaya. Ipupuwesto niya ito sa sentrong lunsod. Nadagdagan ang milyon ni Pablo. Ang mga nasalanta ng sunog. Walang kamaly-malay ang mga tao na ang kanilang mga bahay ay binubuhusan ng gasolina upang kaagad ay magliyab. aniya. Ang apoy ay sadyang ginawan ng tatahaking daan. sa mga lugar na madalas puntahan ng mga tao. hanggang sa makarating sa shop ni Pablo. At ang mga ito‟y kanyang binayaran ng kung ilang milyon.

“Pagbigyan mo na ako. ang alalahaning ang kanyang ina ay nililigawan ng isang arsonista. Ang kanyang bigote‟t balbas ay nagdagdag ng kung ilang porsyento ng pagkamiserable sa nakakaawa niyang hitsura.120 handang magbayad. “Bahala ka.” pakiusap sa kanya ng kanyang ina. anak. Hindi bale nang magnanakaw. okey lang kung gahasain mo ang kapitbahay . nay.” “Kung magsalita ka. Kung tawagin na siya ngayo‟y Pablong Shoeshine. Madalas ay bisita nina Tony si Pablong Shoeshine sa kanilang bahay. At batay sa takbo ng mga pangyayari. mukhang ang loob ng kanyang ina ay nahuhulog na kay Pablo. si Pablo pa ang napili ng kanyang ina. Ipinagluluto ito ng kanyang ina ng makakain. Okey lang kung nakawan mo ang kapitbahay mo. huwag lang arsonista. Bakit. Mahaba ang kanyang buhok. Ang maging arsonista ay mortal na kasalanan sa kulturang iskwater. Wala akong pakialam sa gusto mo. Hindi iniinda ng kanyang ina ang amoy alak na hininga ni Pablo. Ang kanyang tutol ay bunga ng dahilang sa dinami-dami ng mga lalakeng mapagpipilian. Basta ayokong dito tumira yang hampaslupang iyan. akala mo kung sino ka. At isa ito sa mga kinamumuhian ni Tony. tayo ba. Ang kanyang mga suot ay luma‟t natatagpian sa iba‟t ibang bahagi. Ang dating matikas niyang tindig na likas sa mga mapalad na komersyate ay naging tungo. Ang kanyang pangala‟y nagkaroon na ng panibagong binyag na apelyido. hindi hampaslupa?” Wala siyang tutol kung gusto mang mag-asawa ng kanyang ina.

Kahit papaano. ikaw lang at ang kapitbahay mo ang mapeperwisyo ng kawalanghiyaan. okey lang kung patayin mo ang kapitbahay mo. Walang inatupag kundi uminom at magpalaki ng bayag. Ang nakaraan nito. ang karanasan nito bilang arsonista ay nakatatak sa noo nito. Si Pablo na ang buhay ay madalas i-broadcast sa buong looban. Hindi lang ang kapitbahay mo. maganda ang kanyang ina. hindi mataba ang kanyang ina. batid niya na maraming may pagnanasa sa kanyang ina. At totoong makakapili ang kanyang ina ng higit kay Pablo. At bagamat sunog sa araw ang balat. Sa looban.121 mo. At kalat na sa buong looban na si Pablo‟y malimit nilang bisita. masasabing kung naging angat ang kanilang buhay. Tingnan mo nga ang ibang lalake rito. Marangal na tao. Siya lang ang hindi plastik. Pero ang maging arsonista. ang manunog ng bahay ng may bahay para sa sariling kapakinabangan. kahit papaano. “Ano ang gusto mo. may hanapbuhay. Bakit si Pablo pa? Si Pablo na kinukutya ng buong looban. hindi na ako lumigaya?” “Hindi naman ho sa ganoon. Kaiba sa mga nanay sa looban. at nakikisuso pa ang mga dapat sana‟y hindi na nakikisuso.. Tony. ibang usapan na iyon. Pero bakit ho kay Pablong Shoeshine? Kaya ba kayong pakainin noon?” “Si Pablo lang ang totoong tao dito sa atin. Hindi laylay ang mga suso nito. Si Pablo. Dangan nga lamang at sila‟y mahirap lang. maraming nadadamay. Balingkinitan ang katawan nito. hindi matapobre. kundi maaaring ang buong bloke ng kabahayan. Mahirap pangalagaan ang ganda kung mamad sa paghihirap. Sa arson. hindi tulad ng mga nanay sa looban na dose-dosena ang pinasususo.” .

ah. Pinatawad na siya ng gobyerno. Sa pagbaba ng hagdan nila. Marami diyang mas higit pa kay Pablo. At ito‟y tunay na nakakagaang ng loob. Lahat ng mga kamag-anak niya. ang malamang ang iba‟y nagtataglay ng mas malalalang problema. pumatol ako sa isang eksekyutib sa Makati? Kung pumatol man ako.122 “Inay. Ang usapin ay kahit maraming problema. Bakit hindi n‟yo pa siya tigilan? Bakit.” “Ano‟ng gusto mo. Ano‟ng klase kayong mga tao? Hindi pa ba sapat ang pagdurusa ng tao? Iniwan na siya ng asawa‟t mga anak. lahat na ng bisyo!” “Nay. Sa karanasan. walang kabulastugang ginagawa? Pare-pareho lang naman tayo rito sa looban. maraming mga taong nagkukumpulan. sugalan.” “Pinagbayaran na niya ang kasalanan niya. wala pang nananalo sa pakikipagtalo rito. sa iba na lang kayo pumatol. arsonista si Pablo. . Gasgas na tayo sa dami ng mga iligal na pinaggagagawa natin. Ito ang paraan ng kanilang mga kapitbahay para maigpawan ang sari-sariling mga problema. Huweteng. droga. Bagamat ordinaryo na sa looban ang sigawan sa mga bahay-bahay. Ayaw niyang makipagtalo sa kanyang ina. marami pa ring nanonood ng mga bagong mga awayan sa mga tahanan. Sa tingin mo. sa tingin mo papatol sila sa akin? Tingnan mo nga itong hitsura ko. kayo ba. Kayo na lang ang hindi pa nagpapatawad sa kanya. marami pa ring pamilya ang mas maraming problema. hindi na siya kinikilala mula nang makulong siya. papatulan ako ng mayaman?” Bumaba ng hagdan si Tony.

Itinaas niya ang panggitnang daliri ng magkabilang kamay habang tuloy-tuloy ang paglalakad niya papalayo sa kanilang tahanan. .123 Kinatkatan ni Tony ang mga taong nakapalibot. papalayo sa hagulgol ng kanyang ina.

Pepper. Pepper. hindi matingkad na mamamalas sa kalimitang malungkot nitong anyong panlabas.124 Dondon Sa konting pambobola. Ang kaso ay hindi. si Sgt. na bunga ng katotohanan ng pagiging bakla nito. ay . na sa kung ano‟ng dahilan na hanggang ngayo‟y tinutuklas at iniimbistigahan pa ng mga taga-looban. at nitong huling mga taon ng kanyang pagseserbisyo bilang pulis. Pepper. ay imahen ng pagkalalake: brusko. Ang pagkalalake ay hindi tulad ng ibang katangian ng mga magulang na naipapasa sa mga anak. Siya. Maliban na lang kung may palihim ding “landi” si Sgt. ayon sa mga beterano ng kanto. ay hindi maaaring ipamana. Isa itong pambihirang pangyayari sa ganang si Dondon ay hindi regular na nakikihalubilo sa mga tao sa looban. kung patagong tumitikwas ang mga kanyang mga hinliliit sa tuwing may puntong gustong bigyan ng linaw. Kung may kulo man ito ng kalandian. Nabalita sa buong looban ang kanyang maikling panahon ng pakikiapid sa kanyang kumare. Tunay ngang ang pagkalalake. maprinsipyo. Batid ng buong looban ang sekswal na oryentasyon ng nag-iisang anak na lalake ni Sgt. nahuli ni Tony ang loob ni Dondon. Pepper. Walang maipintas ang mga taga-looban ni katiting na pagtalilis sa pagkalalake ni Sgt. babaero. sa ganitong lagay ay maaaring masabi na ng mga beteranong istambay at mga tismoso‟t tsismosang intelektuwal na maaari ngang ang pagkabakla ni Dondon ay minana nito sa kanyang ama.

nag-aabang si Tony ng masasakyan papuntang eskuwela. nakakita si Tony ng matalim na sibat na siya niyang magagamit sa panahon ng paniningil. kung paano niya napaglapit si Dondon at si Wayne. Samakatwid. wala ni isang indikasyon na si Sgt. baka ang mga naturang sasakyan ay bigla na lang dumapa sa gitna ng kalye sa bigat ng kargada. Kung paano nakumbinse ni Tony si Dondon na sumama sa kanya sa kanyang pagpunta-punta sa UP. Ipinakilala ni Tony si Dondon sa kanyang kaklaseng si Wayne. Pepper ay “hindi gaanong lalake”. Inabutan na siya ng pagtaas ng araw. Pasulyapsulyap siya sa relo ng mamang tulad niyang nag-aabang din ng masasakyan. o Dondon. Namamawis na ang kili-kili ni Tony sa tagal ng pagkakatayo sa may bukana ng looban. sa may bukana ng looban. Wala. Kung bakit ay makikita sa buhay na katunayan— ang pagiging bakla ni Donato Cruz Jr. At sa pagiging bakla ni Donato Cruz Jr.125 biglang natapos. at kung paano niya naigiya ang mga pangyayari para umayon sa kanyang mga plano. . tama ang pahayag ng mga beterano sa looban na ang pagkalalake ay hindi naipapamana. Bakat ang pag-aalala sa mukha ni Tony habang pasalit-salit ang dapo ng kanyang paningin sa relo ng mama at sa mga nagdaraang mga sasakyang punong-puno na ng mga pasahero. Mayroon siyang nakatakdang pagsusulit noong umagang iyon at kung maaari ay liliparin niya ang pamantasan upang huwag lamang mahuli sa klase. na mandi‟y kapag sumabit pa siya. ay isang masalimuot at mahabang kuwento na nag-umpisa isang umaga. Isang umaga.

“Hi. “Ano‟ng oras na ba. natagalan ka. Pagkakataon ko na ito. Nakabihis ito ng unipormeng pamasok. eh. ah. Pagkuwa‟y nagtanong si Tony. . matrapik. Ayos. papalabas ng looban.” Hindi kumikibo si Dondon. “Hi. Ano na naman kaya ang ikakatwiran ko sa prinsipal namin?” Eh. Pinara nito ang isang dyip na nagdaan. halos nakatingala na ito sa dami ng mga nakasabit na pasahero. “Sabihin mo. Hindi tulad mong puro kalandian ang laman ng isip. Bumabayo sa pandinig ang maingay nitong stereo. May pulang lasong nakatali sa mahaba nitong buhok. di sabihin mo. Iyan ang isang problemang kahit kelan hindi masosolusyunan ng gobyerno. Bad trip.126 Maya-maya‟y namataan niya si Dondon. Ikaw. May test pa naman kami ngayon. Ni hindi nag-minor ang dyip. Sa laki ng burat. “Oo nga.” pahabol ni Tony. “Late ka na.” Naghahanapbuhay kase ko sa gabi. Talaga namang sobra ang trapik sa buong Maynila.” matipid na tugon nito. nanlalake ka pa.” Ilang sandaling walang imikan. Kipkip nito sa dibdib ang mga libro. “Oo nga. mukhang tinanghali rin. Dondon?” “Mag-aalas-diyes na.” bati ni Tony nang huminto sa may tabi niya si Dondon. Sa mukha nito‟y mababakas ang make-up na sa tantya ni Tony ay nasobrahan ng pahid.

Tang ina.” “Sige na nga. baka ka magutom. Ano pa ang inaalala mo? Halika na. mas maraming dyip na dumaraan doon sa kanto. mag-almusal muna tayo.127 “Dondon.” Naglakad sila hanggang sa may kanto. Baka kasi mahuli na „ko. “ano kaya kung lakarin natin hanggang doon sa may kanto. puwedeng makapag-almusal na lang muna. Saka. At least.” “Eh.” “Ikaw na lang. wala pang sakay. . Doo‟y nangangalabit ang amoy ng mga bagong tinapay na niluluto sa karatig na panaderya. di magpaka-huli na. eh. “Ganoon din naman. Saka. Umupo sila sa may malapit sa kahera. Tutal huli na tayo. ikaw na lang. May bakery doon. Doon pa rin mas magandang mag-abang. eh.” “Kahit na. Mga kolorum.” anas ni Tony. Tutal pareho naman tayong late na sa pupuntahan. “Halika. magmeryenda ka na lang.” nag-aalalang tugon ni Dondon.” “Baka lalo tayong ma-late. Umorder si Tony ng dalawang hiwa ng egg pie at dalawang softdrinks.” “Nag-almusal na ko. Mag-aalmusal muna ko. ako.” Bantulot na sumonod si Dondon. Lumapit siya sa kahera at binayaran ang mga pagkain at pagkuwa‟y umupo siya sa harap ni Dondon. tapos na nga akong magalmusal. talaga namang huli ka na. Sa loob ng panaderya ay may ilang mesa at mga upuan. Ikaw din. maraming jeep. di na baleng mahuli basta busog . pambili ko sana „to ng libro. Hindi naman tayo masasakay dito dahil laging puno ang mga nagdaraan.

ano kaya kung lumayas na lang ako? Kaya lang. alam ko. Tony. Pinigil siya ni Tony.” Hinayaan ni Tony si Dondon. eh. “Bakit naman? May mga sinasabi ba sila tungkol sa iyo?” “Wala naman. Ewan ko ba. dapat mag-abroad ako para hindi na talaga ako masundan.” “Kung ikaw ang lumagay sa katayuan ko. Kahit siguro may isang milyon na ang popolasyon ng mga bakla sa buong Pilipinas. parang takot na takot sa mga tulad ko ang mga taga-atin. wala naman akong mapupuntahan. Kung gusto kong putulin ang ugnay ko sa looban. baka araw-araw mapraning ka dahil sa pagtrato sa yo ng mga tao. “Kahit hindi sila magsalita. Siguro parang pagrespeto na rin sa tatay ko dahil dating pulis.” Tama! Baka ako ang unang-unang gumulpi sa iyo! “Hindi naman siguro. na ilabas nito ang mga natatagong hinanakit.” Nakakadiri ka naman talaga. naiiisip ko. At tiyak. . hahanapin ako ng itay. mga tinitimping galit. “Bakit hindi ka nakikipagsosyalan sa mga tao sa atin?” bungad ni Tony.128 Dumukot si Dondon sa kanyang bulsa para bayaran kung magkano man ang nagasta ni Tony. parang nandidiri sila sa akin. Pero kung nagkataong hindi dating pulis ang tatay ko. “Pakiramdam ko kasi. sa ganang binayaran nito pati ang dapat ay kay Dondon. “Kung minsan. baka araw-araw magugulpi ako. iba pa rin ang pagtingin nila sa mga tulad ko. Hindi rin ako makakalayo. nandidiri sila sa akin.

Hindi katulad ng mga ipokrito‟t ipokritang kapitbahay natin. hindi ikinakahiya ang pagiging bakla nila. puta ka! “Hindi. suwerte ang mapapangasawa mo. naiimpluwensyahan na ng kamachohan ng . ambait-bait mo. ang sakit-sakit ng konsensya ko. ganoon. sandamakmak ang mga bakla. andami-daming bakla. Parang ordinaryo na lang. Kasi nga nandidiri sila sa „kin. Kase. Sa lipunan.” “Nagtataka ko. Ang hindi niya alam. kung bakit ba alalang-alala ka sa kalagayan mo sa looban.” “Marami ba talaga kami?” “Maraming marami. hindi naman pinapansin ng mga tao. “Napapansin ko. Walang-wala sa isip niya na lilihis ako sa kasarian ko. Baka siguro. pinapatay.” “Nagtataka ko. Pero sa lugar natin. Nagtataka nga ako kung bakit ikaw. Hindi mo lang alam. inaya mo pa kong kumain. anak na lalake.129 “Ang itay. Bakit?” Dahil ang mga bakla sa atin. Gusto niya. dismaya sa akin. Matapos ang siyam na beses na panganganak ng inay. “Mabuti ka pa. ako pala. yung mga baklang hindi pa ipinapanganak. bakit sa ibang lugar. “Ewan ko. Balwarte kasi ng mga barako yung sa atin. nahihiya ako dahil binigo ko ang itay. Iba na ang panahon ngayon. pati sila. nagkaroon siya ng lalake. Marami nang katulad mo. Hindi ka ba naaasiwa sa „kin?” Nandidiri ako sa yo. iniiwasan ako ng mga tao sa looban. Tony.” tugon ni Tony. Alam mo. Tony. ako lang. At karamihan. Dondon. Hindi lang naman ako ang umiiwas.

Pinara niya ang noo‟y paparating na taxi. ang magkandautal ka ng kapapaliwanag sa maestra mo kung bakit ka late? Bukas ka na lang pumasok para madaling mangatwiran. Sanay na tayo dapat sa ganyang mga diskarte.130 mga taong nakapaligid. Doon ay tumingin sila ng mga tinitindang . “Dondon.” “Hindi naman nila malalaman. Sabihin mo. Kaya paglabas sa nanay nila. alam nilang papasok ako sa school. normal na gawain ng mga estudyante ang ganyan. huling huli ka na sa eskuwela. nananghalian sila sa isang karinderya. alam ba ng maestra n‟yo kung ano‟ng hitsura ng pirma ng tatay mo? Eh di. Cutting classes? Nagpaalam na ako sa bahay. Nagtakip ito ng panyolito sa bibig. Dinampot ni Tony ang mga libro nito sa mesa at lumabas ng panaderya. Sama ka na lang sa akin sa UP. huwag ka na lang pumasok. tutal. Hindi na malalaman ng eskuwelahan iyon.” Bantulot ang pagtayo ni Dondon. Don. ikaw ang pumirma. Saka ano ang gusto mo. nagkasakit ka.” “Eh paano kung hingan ako ng excuse letter. Ipinakilala sa ilang mga kakilala. nagamot na. hindi na bakla.” “Naku. eh. Isinama niya si Dondon sa shopping center. Bakit. halika na!” “Sige na nga!” Sa UP. “Don. Pagkuwa‟y inilibot ni Tony si Dondon sa iba‟t ibang mga building.” Natawa si Dondon sa tinuran ni Tony. tapos kailangan may pirma ng magulang?” “Alam mo.

Magkano ba ang kailangan mo?” “Sisenta pesos kasi itong fashion magazine.” Ulol! Kanina pa ko nagtitimpi sa yo. “Don. tenk yu. ayan. May nabawas na sa nakalaan niyang pera. “O.” Sa isip ni Tony ay kinalkula niya ang natitira niyang pera na dapat sana‟y ipambibili niya ng libro.” anas ni Dondon sa kanya habang nagbubuklat siya ng isang science magazine.” anas ni Tony. Naglalakad ito. “Sige. Tony.. Ayos! Two birds in one stone! Tingnan mo nga naman ang suwerte. eh. Trenta lang ang pera ko. magugustuhan mo iyon dahil guwapo saka mabait. at iba pang paninda. may bibilhin sana ko. Sa kanilang paglabas sa shopping center. sa make-up. Masaya ka na?” “Naku. Naglabas siya ng tatlong sasampuin at iniabot kay Dondon. ngunit ito nama‟y dapat niyang ituring na isang tipo ng pamumuhunan. Sigurado.” Nanlaki sa tuwa ang mga mata ni Dondon ng dumukot si Tony ng pitaka. “Tony. Aliw na aliw si Dondon sa pagbubuklat ng mga magasin na naglalarawan ng mga bagong moda sa pananamit. magazine. kamiseta.” . namataan ni Tony si Wayne. Ang bait-bait mo talaga. at iba pang koloreteng pambabae. di bilhin mo. “ipapakilala kita sa kaklase kong Amerikano. pahihiramin kita. at ang tantya ni Tony ay papunta na naman sa UP lagoon.” “Kulang ang pera ko. “Eh. may kapalit na mas malaking tubo sa tamang panahon.131 libro.

Nanatili siyang nagmamasid. ipakilala mo ko. take care of my friend here.” Walang kamalay-malay sina Dondon at Wayne na nakamasid si Tony sa kanila. naninigarilyo habang pinanonood ang halikan nilang dalawa.” Ayos! “I better go or I‟ll be late for my class. Maraming lamok sa lagoon ngunit ang kagat ng mga ito‟y hindi iniinda ni Tony. man. . you stupid degenerate American pedophile! “I‟d like you to meet my friend. will you?” “Sure. Say.” Nagkamay ang dalawa. Tony! What‟s up. Dondon. Nakakubli ito sa katawan ng isang puno sa „di kalayuan.” Binilisan nila ang lakad para maabutan sina Wayne. Hey Wayne. See you guys at the lagoon later. Don. this is Wayne. “Wayne!” “Hey. buddy?” I‟m not your fucking buddy. Sa kanyang pisngi‟y nakabakat ang isang ngiti. “Ha? Sino‟ng kasama ko?” “Si Wayne. why don‟t we take a walk? Let‟s go to the lagoon and feel the nature.132 “Talaga? Sige. Dondon. Sinabi ni Tony kay Dondon na siya‟y mayroon pang papasukang klase kung kaya‟t maiiwan na niya sila.

Baka matanggal nga ang hang-ober ko pero dalihin naman ako ng diabetes. sobrang dami ng nainom ko. mula sa bintana. Kahit na ampapangit ng mga kanta. hala. pinupuri nila sa radyo. Ewan ko ba.133 Baguio 1999 Ang pinakaayoko sa lahat. Bakit ba sa tuwing malalasing ako. Harana. sa tuwing magigising akong ganito. Pero uminom ulit ako. yung mga musikerong hindi maporma pero may ibubuga. hindi napaglalaanan ng panahon sa radyo. Paano. Kailangan ko nang bumangon. pero lagi na lang nababawi? Tulad noong isang linggo. yung mga magagaling na musikero. Nakakatulog pa kaya ang mga hinayupak na iyon sa gabi? Hindi . Bakit hindi nila ibalik ang mga dating musikero? Iba na kasi ang panahon ngayon. nalalagyan kasi ang mga putang inang istasyon ng radyo. Ibig sabihin. Madalas. isinumpa kong hinding-hindi na ako iinom. Mukhang pera ang mga DJ. Noong sumusuka na ako. Hindi na tumatama ang araw sa mukha ko. Ubos na ang kape. tanghali na. Sayang. Tubig na lang. siguradong papatusin ng mga tao. ang magising akong parang binabarena ang ulo. basta may halong kabastusan ang kanta. nanunumpa ako. Parokya ni Edgar. Binuksan ko ang radyo habang umiinom ng tubig. sige ang patugtog sa radyo. ang sarap kasing magpakalango sa alak. basta‟t magagandang lalake at mapoporma ang kumakanta. Malamig na tubig. Maraming asukal kaya lang hindi naman puwedeng puro asukal ang inumin. Lipat ng istasyon. Ngayon. Kahit na ang totoo‟y wala naman talagang saysay ang kanta. isinusumpa ko ang pag-inom.

Mag-iisang taon nang naka-file ang application ko sa PLDT. tatlo-tatlo ang telepono. Ayos. Halimbawa‟y tatawag ng isang numero at kapag sinagot. siya ang panalo. hindi pa rin ako kinakabitan ng linya. kung anu-anong kabastusan ang sasabihin. Puwede ring mambuwisit ng mga tao. si Dolores. Nakakapagtaka kasi yung mga tindera sa sidewalk. Bukas siguro. Nagpapayabangan kasi kami sa mga tanim namin. Ako. Maraming mga banda ang mahusay pero hindi maporma na hanggang jamming na lang sa mababahong club dahil hindi naman musika ang tinatangkilik ngayon sa radyo kundi ang porma‟t tindig ng mga kumakanta at tumutugtog.134 ba sila nahihiya na isinusuka na ng mga tao ang mga kantang pinapatugtog nila. Kung kaninong tanim ang malakas ang tama. Sa bangketa nga lang umiiskwat. Kapag naririnig ko ang boses ng singer ng Cranberries. May telepono kasi si Sarge. ginagawang payphone. Bakit . Lipat ng istasyon. pinupuri pa rin nila. baka pasyalan ko si Sarge. ang sarap magtatawag sa telepono. Cranberries. Titingnan ko yung mga tanim niyang marijuana. Kumustahin ang mga kaibigang ilang taon na ring hindi nakukumusta. Pero hindi ngayon. Mamaya. para kong nakakarinig ng awitan ng mga anghel. Madalas kong gawin iyon kina Sarge. Pinagmasdan ko ang palibot ng bahay. Hirap akong magkikilos sa tindi ng sakit ng ulo ko. tang ina hanggang ngayon wala pa rin. Kapag ganitong walang magawa. Kailangan na rin akong maglinis. Ni wala namang permanenteng address ang mga iyon. Pero marami silang telepono.

Ayon sa balita. nakita niya. may hawak na kutsilyo. pinutol ni Klara ang etits ng mister niya. Naging mainit ang isyu niya dahil tinulungan siya ng mga maka-kaliwang organisasyon. Ni hindi pinansin ang mga ahunin. Ang tanging ginawa ni Klara ay pinutol ang ari ng kanyang asawang babaero. Nitong mga nakaraang araw. matagal ko itong pinlano. Tinulungan si Klara ng iba‟t ibang organisasyon ng mga kababaihan. ayaw pansinin ng PLDT? Pipigilan kong masira ang araw ko. may pambayad naman ng bill. mula nang lumaya siya sa bilangguan. Kunsabagay. Ayos na ayos ang pagdating ng huli kong tseke. Pag-angat ng mukha niya. isang milyon at sandaang libong piso. Gusto niya raw umanong makaganti sa pambababae ng asawa niya. Garahe. Puta. hawak sa kabilang kamay ang maliit niyang tarugo. lagi ko siyang naaalala. Naka-address sa isang apartment sa Benguet. Okey lang ang pagkakadeposito ko ng tseke sa account ko sa bangko. nakita niya si Klara. inatake sa puso. Naaalala ko si Klara. Hindi raw dapat ikulong si Klara dahil hindi naman daw siya ang pumatay kay Jun. Sa takot ni kupal. Hindi niya ginustong atakehin ito sa puso. may malinaw na address. si Jun. wala na siyang burat. Bigla niyang tiningnan. Inatake ito sa puso.135 ako. nakarating na ng Sagada. Makintab ang bago kong biling Isuzu four wheel drive na pick-up. nagising isang gabi na masakit ang burat niya. Noong nakaraang taon. Walang hassle. headline ng mga peryodiko si Klara. Ang kawawang asawa. tulad ng iba. .

nanlalake. Nakakapagtaka. naaareglo na. Correctional ang return address. nagnakaw. madalas hindi nakukulong. Congrats daw. biglang bigla heto‟t nakatanggap siya ng sulat mula sa akin. . o ano pa. gulat na gulat siya dahil ang tagal na naming hindi nagkikita o nagkakausap man lang. ang simbahan kasi. hindi idinidiin ng simbahan? Kunsabagay. sumuway sa utos ng mga pilato sa simbahan.136 Nakulong si Klara ng ilang buwan. Paano kung hindi na pala ako kilala ni Klara? Hindi ko rin matantya ang sarili ko. Pero kung lalake raw ang nambabae. Mahigpit ang pagdidiin ng simbahan na kailangang makulong si Klara. Araw-araw ang piket ng mga organisasyon ng kababaihan. Sumama silang nakipagmartsa sa mga kababaihan. ang sabi ng ilang kilala sa larangan ng pilosopiya. Sa presinto pa lang. Mas mabigat daw kasi kapag babae ang nagnakaw. Mga ordinaryong babae na kung nagkataong lalake ay hindi naman talaga makukulong. Sabi niya. nagtulak ng droga. Ano naman ang sasabihin ko kay Klara kung sakaling magkaharap na kami? Pinadalhan ko siya ng sulat. Okey naman daw ang pakikitungo sa kanya ng mga kasamahan niya doon. May ilang madre din na nakibaka. Tapos. Na sinagot naman niya. hindi ito kailanman magiging relevant sa buhay ng mga tao. nagtulak ng droga. Hindi naman daw totoong maraming tibo roon na mahilig manggahasa ng mga bagong salta. Noong nasa bilanggo si Klara. parang nakakahiya. bakit si Jun. Pangungumusta. dadalawin ko sana siya. atrasado nang kung ilang libong taon at dahil dito. Karamihan daw ng mga kasamahan niya roon mga nanay. Kaya lang. nabalitaan niya ang pagtop ko sa board exams.

Marami raw mga internasyunal na organisasyon na nagla-lobby sa kaso niya.137 Sabi niya. Sapat na sa akin na malamang okey na ang kalagayan niya. malapit na siyang makalaya. Maganda pa rin si Klara. Dadalhin niya ang dalawa niyang anak. At nabalitaan ko nga ang paglaya niya. May kumakatok sa pintuan. nagpadala siya ng postcard sa akin. uuwi siya ng Quezon. Hindi ko sinagot. Ang sarap. . Noong nasa Quezon na siya. Walang choice ang gogyerno kundi palayain siya. Si Sarge. Bakit naghanap pa ng iba si Jun? Sabi niya sa interview. Nangungumusta. Mayroon naman daw siyang konting naipon para makapag-umpisa. Magnenegosyo daw siya doon. May dalang bagong cured na jutes. Maraming sumisimpatya. Binilot namin tapos hinitit namin. kahit mahigpit na tinututulan ng mga biyenan niya. Ininterbyu siya sa TV. Mukhang tatalunin ako ni Sarge sa contest namin.

Kahit ano pang gawin ng mga kupal mong manager. bawat isa sa kanila ay nakatanggap na ng tseke. Great Insurance. . Handa na rin ang mga address ng mga ito. Antonio de Guzman. Sa paglipas ng isang buwan pa uli. tatanggap ang isa sa kanila ng tsekeng nagkakahalaga ng isang milyon at sandaang libong piso. Sa loob ng anim na buwan. Baka hindi mo alam na genius itong tinitira mo. Bale anim silang mga claimants.138 Claimants Nakahanda na ako. Tang ina mo. Great Insurance. At ang programang magsasakatuparan ng lahat. ng mga tarantado mong analyst. Ilang buwan ko ring pinlano ito. Putang ina mo. address c/o Juanito “Jhunz” Salas. isang buwan matapos kong mag-resign. Bawat buwan. Ngayong isang linggo na lang ang ilalagi ko rito sa putang inang kumpanyang ito na punong-puno ng mga matapobre at mayayabang na kupal. ang isa naman ang makakatanggap.6 milyones. Unang-una sa lista ang pangalan ni John Lucero. ngayon na ang panahon ng paglikha ng mga claimants. ng mga inutil mong techie. Nakahanda na ang listahan ng mga pangalan. hindi ninyo mate-trace ang gagawin ko. Kuwentado ko na ang panahon. Hetong mapapala mo sa pagpapaalis sa isang napakahusay na Electronics Communication Engineer na nagngangalang Engr. Ni hindi n‟yo mamamalayang mawawalan kayo ng 6. nakapaloob na sa tatlong diskette na nagkakahalaga ng disi-otso pesos ang isa. pero ang balikwas na ganansya‟y milyon-milyon.

88% COMPLETE ____________________________________…. Run. Unix. 50 % COMPLETE <PLEASE INSERT DISK 2> ____________________________…. Windows 98. at hinihintay na lang ang takdang panahon para padalhan ng tseke ng Mailing Department. ang unang diskette ay para sa panimulang tungkulin na paglilista ng mga pekeng claimants. Start menu. Great Insurance. Computer. <WELCOME TO GI BRAVO I> <ENTER COMMAND> COPY A:\ <COPYING FILES FROM A TO BRAVO__\\H:\ ________________…. Great Insurance! Para sa iyong kaalaman. paglalagay ng kanilang mga pangalan sa listahan ng mga taong tatanggap ng tseke. Kinuwestiyon niya ito sa . Hindi maaaring makuwestiyon ang mga pekeng claimants dahil tungkulin ng unang diskette na palabasin silang mga lehitimo.100% COMPLETE Goodbye. May pangyayari noon na nagduda ang isang kung sinong clerk sa Mailing Department sa sobrang laki ng value ng isang tseke. 62% COMPLETE _________________________________….139 Sindi muna ko ng yosi. kumpleto sa mga papeles. 25% COMPLETE ____________________…. 40% COMPLETE ________________________….98% COMPLETE <PLEASE INSERT DISK 3> _______________________________________….

Hindi siya magrereport sa management. sisikat siya. Sayang kasi. hindi niya matutumbok ang ginawa ko. pararangalan siya dahil siya ang nakabisto sa modus operandi ng mga buwaya sa itaas. nagsumbong sa supervisor niya na hindi raw tugma sa company policy na mag-mail ng tsekeng nagkakahalaga ng dalawang milyon. Matagal na pala nilang ginagawa ito. Siyempre. Kapag kasi milyon na ang halaga ng claim. Mahirap na. Tungkulin ng pangalawang diskette na pagtakpan ang mga bakas ko. Nang i-audit ang putang inang tseke. Pinapakuha ito mismo sa claimant. baka sundan niya ang yapak ng clerk na pinatalsik dahil sa pagiging usyusero. Malamang sa Data Heaven. kung sino mang clerk ang makakita ng tseke na nagkakahalaga ng milyon. Problema . Kaya ngayon. nawalan siya ng trabaho. hindi na ito inihuhulog sa koreo. baka mawala. Ang mga rekord na buburahin ay mapupunta sa kung saan mang lugar napupunta ang mga rekord na binubura. Ang akala ng bobong clerk. Ang nangyari. At itong kupal na clerk sa Mailing Department. napag-alaman na fictitiuous claimant pala ang nakapangalan at na-trace na ang pera pala. Ang pangatlong dikette naman ang magbubura hindi lang ng bakas ko kundi ng karamihan sa mga rekord na iniingatan ng Database. At tuloy pa rin ang modus operandi. ipapadala pa rin niya ito sa koreo.140 supervisor. nakaprogramang mapunta sa ilang matataas na opisyal ng kumpanya. para naman kung sakaling may gagong empleyadong maisipang magbuklat ng mga rekord. Puta. Pinagrerepot ang claimant sa opisina at doon iniaabot ang tseke niya. bahala kayong magpaliwanag sa mga lehitimong claimants na maghahabol sa inyo.

Makatuloy muna doon sa nadaanan kong bagong bar sa Timog. Alas otso na ng gabi. Goodbye. magpapasarap na ako sa malayong lugar. Baka sakaling maka-pick-up ng magandang chick. tsk. inaamag at nabubulok. ang back-up mo. Shut down. siguro. Kawawang mga records. Ako. puro hard copy. parang time bomb na bigla na lang sasabog pagdating ng araw. Mga dokumentong hindi na mabasa dahil sa sobrang kalumaan. Computer. Oo nga pala. Kasalukuyan ngayong nasa isang warehouse sa Pasay. hindi na muna ako uuwi. Tumulo ang tubig mula sa butas ng bubong. Itong virus na ilalagay ko na magbubura ng mga files.141 n‟yo na iyan. pagdating ng panahong iyon. ang have a nice day. At ang huling dinig ko. Pero ang kaso. minsang inulan daw. meron ka nga palang back-up ng lahat ng files. . Tsk.

ang lakas ng tama ko kay Bevs. Hindi ka ba naaalangan kay Ompong? Pare. uuwi na lang ako. Sa tingin mo. eh baka natutulog na kina Ompong ngayon. Teka. Nandoon iyon. Tangina nagpapakahirap sa terminal ng bus yung tao. Utol ng ka-tropa natin yung pinagtitripan mo. Bakit ako maaalangan? Kaya ka nga dapat maalangan dahil barkada natin si Ompong. Mawawala ba iyon doon? Putsa. nakakahiya. pare. Tony. Tang ina sana nandoon si Beverly. pare. Masyado na tayong huli. Sa palagay mo kaya. ba‟t ngayon ka lang? Naaberya nang kaunti. Hindi pa. pare. punta tayo. pare. Alas-dose na. kinukuba ang likod sa pagwawashing ng mga bus. Baka kamo ngayon pa lang nagkakainitan ng inuman. eh utol ni Ompong iyon.142 Si Elmer at ang tropang praning 11:55 PM Putsa. may mga umiinom pa kina Ompong? Sabi ko na sa iyong meron pa. Tang na. eh. tapos bababuyin mo yung utol niya? . eh. naroon si Beverly? Papaanong mawawala yun doon. barkada natin si Ompong. Huwag na lang tayong pumunta. Sige. Sige. Hindi naman sa nambabadtrip ako. Baka nga kamo kasama yung mga kaklase niyang ang gaganda. Hayup kasi sa katawan.

Elmer. Boyet. Ulol! Ano‟ng mahal? Libog lang iyan. bakit sa gabi lang may buwan. bakit mo naman sinasabing bababuyin ko si Bevs? Mahal ko yung bebot na yon. eh. Puta. Bakit kaya? Ewan ko. hindot! Iba na lang kasi ang pagtripan mo. sa tingin mo. 12:02 Pare. para kang santo.143 Ton. pakialam mo ba sa akin? Diskarte ko to. kung magsalita ka. nandito ang happenings. pare. ano‟ng ginagawa n‟yo riyan? Tara kayo dito sa loob. Siguro yun ang tinakda ng Diyos para sa mga tao. Eh sa mahal ko yung tao. Tang ina mo. Ayoko pang matulog. bakit sa gabi lang mayroong buwan? . ikaw. pare. Ang ganda-ganda ng gabi itutulog ko? Sa araw mas masarap matulog. Pare. pare. Okey lang sa araw matulog kung wala ka namang gagawin. kahit gabi walang buwan. At kung minsan. Eh mas malibog ka sa akin. Para sa gabi. Okey lang yun. Saka. Para meron tayong gabi. sa tingin mo. Puta. Pero bakit? Bakit hindi na lang gabi-gabi may buwan? Bakit ganoon? Ewan ko. matutulog na ang mga tao. huwag na si Beverly. Bahala ka.

Diyan lang iyan sa Balara galing. o. Pero okey na rin ang tama. . Elmer? Hindi.144 Siguro kasi laging puyat ang buwan. May pasok pa ko bukas. Okey lang. Mukhang inubos muna lahat ng tinda niyang balut bago ko dinaanan sa amin. May quiz kami bukas. ingat ka. Pong. gusto mo. hintayin natin si Boyet. Alas-otso ang pasok ko bukas. regalo ko sa yo pare. Tang ina bakit ka pa papasok eh ikaw ang pinakamatalino sa UP? Kahit na. bumili ng gin kina Tikya. Anong buwan? Basta. ako‟ng magbabalot. Pong. puntahan ko sina Baby? Tang ina. Ang aga-aga pa. 12:10 AM Pare. Pong. tol. Damo? First class ba to. Kapag tinamaan ka sa damong iyan. para me mapaglibangan tayo. Tang ina. Hindo t na ito. Nakakadiri na yung mga yun. uuwi na ko. Kaya lang. uuwi ka na? Kailangan. Di bale. huwag na. bakit ngayon lang kayo? Ang tagal kasi nitong si Tony. pare. eh. tirahin mo na lang. mapapamahal sa yo ang buwan. Sa gabi na ito nagigising at tulog sa araw. Akina.

Pare. eh. may atraso kay Tony iyon. ah.145 Tangna talaga tong si Tony. makikiinom lang yung mga yon. sa susunod. o. Kanina mo pa ko kinukulit diyan sa buwan na iyan. pare. Walang bisita ko ang puwedeng umuwi hanggat hindi ko sinasabi. puta. Maya-maya ka na lang umuwi. Di bale. isama yung mga tropa niya. babawi ako. bilutin n‟yo. bakit nga gabi lang may buwan? Tang ina mo naman. . Timawa talaga tong putang inang to. Heto pa. Pare huwag mo namang solohin iyan. Ton. Napaka-KJ mo. Boyet. huwag kayong mag-agawan diyan. Tangna. Bakit naman? Eh ikaw tong ayaw silang papuntahin dito. eh. Ah. Mga wala namang pera yung mga iyon. Tangina mo. Ton. Penge! Hoy. Damo lang iyan. alam n‟yo ba kung sino nakita ko kanina? Sino? Si Mutya. sabihin mo. pupuntahan ko na si Baby? Sige. Tigilan mo na ko. ah. Tol. Hindi ka puwedeng umuwi. ano. kapag nandito na yung mga pokpok. eh. huwag kang hihirit. Pahitit naman.

pare. pare. Ha? Ano ba atraso ni Mutya sa iyo? Hoy baso! Di bale nang magtagal sa suso huwag lang sa baso. Nagkuwentuhan nga kami sandali. Kaya lang kami nagkahiwalay ni Mutya. Tony. Sino‟ng panalo? Si Mutya. Noong bagong lipat kami dito sa looban. Nagsuntukan kami noon ni Mutya. Hindi kumakalimot si Tony. eh. saan mo nakita si Mutya? Nasalubong ko sa Cubao. Nakipagkuwentuhan ka kay Mutya? Paano mong natiis yung baho ng hininga noon? Eh. Eh ang laki-laki ng katawan ni Mutya kahit noong bata pa iyong kupal na iyon. ano ba? O heto na! Ambabagal kasing magsiinom. ano atraso ni Mutya sa iyo? Noon pa iyon. Iyon ang akala n‟yo. kasi noong hindi ko pa kayo katropa. kinalimutan na ni Tony iyon. si Mutya raw. . Baso. eh. noong umalis sila dito sa looban. Tony. si Mutya ang laging kasakasama ko noon. Ano‟ng sabi ni Mutya? Wala. Siyanga pala.146 Oo nga. Di bale nang magtagal sa puke wag lang sa nescafe. nangungumusta lang. Teka.

heto na sila Baby. Gin ang iniinom namin. Eh di sa iba ka umiskor. 1:35 AM Pare. Tang ina amoy chongki rito. Tama na iyan! Boyet. naaksidente raw siya. Hoy. Pare. Ha? Ano‟ng nakawheelchair? Sabi niya. Nasalubong ko kanina. Tina! Hi Glenda. O. pare. pupunta raw siyang Baclaran. kumusta. Puta. naka-wheelchair. wala diyan si Mario. Patuluyin mo. Mabuti naman. Huwag mo nang ipagsigawan. Ton. eh. Lotlot. huwag mo kong pinuputa! Akala mo kung sino tong isang to. tagay mo. Hi. . Ana. Hoy. mga apat na taon na. Cherry! Upo kayo. baso. Tang ina naman eh. ah. Lotlot. Ana! Hi. Cherry. Glenda. Baby. Sino ba yang mga kasama mo? Sila Tina.147 Eh siya naman. Hayun. Tang ina ka naman. Tinatamad ka lang yata eh. heto na baso mo. iskor ka ng chongki kay Mario. Tuloy kayo.

Napaghahalata ka lang na bobo. Yun ang tinatanong ko. o. di ba iskolar ka naman ng. Bigyan mo na lang ng balut yung titser mo. alam mo ba kung sino yung kinakasama niya? Si Artemio.148 Pare. bobo! Alam ko. paanong naging paybsiks ang negosyo niya? Paano siya nagkaroon ng puhunan sa pagpapautang. Hindot na ito. Huwag ka nang pumasok. Siya ngayon ang pumalit kay Artemio. eh. Kaya nagkapera si Alma para sa negosyo niya.. eh bakit ka pa nagtitinda ng balut? Kailangan kasi ng pera sa bahay. dapat diyan gahasain hanggang sa masira ang ulo. Nagbabayad pa kami ng utang ke Alma. humihirit ka na. Papasok ako bukas. yung kabit dati ng nanay niya. Oo. pare. kase. Natural kaya tinawag na Almang Paybsiks kase paybsiks ang negosyo. Pare. hindi pa ko tapos. Tang ina. sino ba yung pulitikong iyon? Oo nga. bakit ba naging paybsiks yang si Alma? Kase. namatay yung kinakasama niya. Hindi puwede sa UP yung ganon.. Para maabsuwelto na lahat ng may utang sa kanya. . Ang tinatanong ko. alalay lang ako. tanga. ang hirap kasi sa iyo. alam ko! Ang tinatanong ko. dapat diyan kay Almang Paybsiks. pare. Oo. Pare. paybsiks ang negosyo niya. hirit ka kasi ng hirit eh. tapos naglayas ang nanay niya. Tangina.

Isang libo lang yata ang nakuha ni Alma pero napalaki niya sa pagpapatubo. Eh puta ka. anim lang ang babae. Pare. ayaw mo man lang magparelyebo. Nadale si Artemio noong uminit ang anti-drugs campaign. yun ang ginamit niyang puhunan sa pagpapautang. Hindi ganyan ang nagyari. May nasangkot kasing mga pulis. Natural. eh. Kahit na. marami nang naglabas-masok sa puday noon. kapag may parte sila sa koleksyon mo.149 Tapos nang mamatay si Artemio. bakit mo aagawin? Nakita mo namang pito tayong lalake rito. Marami rin kasing bisyo yung hayup na iyon. ang sarap ni Baby. Ang mga puli naman. Tang ina pare. Hindi kasi naglalagay ng maayos sa mga pulis. iinom pa ba tayo? Sige. Mali. hindi ka papansinin ng mga iyan. pare. Pare. Tangina ka naman. yung nakuhang pera ni Alma sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Artemio. kinakalabit kita kanina. bakit sinalvage si Artemio? Nagtutulak kasi ng bato yun. 3:30 AM Pare. sinalvage ng mga pulis ng Quezon City. bili ka pa nga ng gin. Boyet. Natatakot ang iba pang pulis na kumanta si Artemio kaya pinatay siya. . pare. ako‟ng naunang dumampot kay Cherry. Mas swak si Cherry. Okey pa rin sa akin si Baby. kailangan mayroong magparelyebo. Ano.

wala na bang yosi? Wala na. nasaan ang erpat mo? Nasa piggery. Mas manyak ka naman sa akin. uuwi na. „Ewan ko. Tol. Tang ina. Hindi. Ano‟ng bukas? Mamaya na iyon. Hanggang sa karatan. pare. ang dumi noon! Tang ina. Tangina pati ako. Umaga na. Oo nga. pare. Patayo kong tinira si Ana. pasandal sa dingding. sabi. manyak ka talaga. Nasaan si Ompong? Nasa kuwarto. Pati yung kumot ni hindi nagusot. habang binabayo si Glenda. pare. si Elmer kanina. Tangina. Ako rin. hindi pa ba sanay sa iyo yung erpat mo? Ikaw. Ton. . Magbilot ka na lang ng chongki. sinisisid mo si Tina sa kusina. uuwi na talaga ko. pare. Elmer. baka siguro gabi lang talaga may buwan‟. eh. pare. Puta. Nakita kita. „Glenda. tawa ko ng tawa. pare. naririnig ko. eh. May klase pa ko bukas. pare. dala-dala mo yang ka-praningan mo?‟ 4:50 AM Pare. bakit gabi lang may buwan?‟ Sabi naman ni Glenda. tinitira si Baby. baka naman dinumihan n‟yo yung kuwarto nila nanay. Baka hinahanap na ko ni erpat. nasa kabilang kuwarto. kumakantot ng mga baboy. Malinis na malinis.150 Tangina mo! Kupal! Tangina.

Mas bata si Boyet sa ting lahat. may isa pang joint dito sa akin. Elmer. Sabay na tayo. Tangna. Tangina.151 Nandito pa ba si Baby? Akala ko kasamang umalis nina Tina kangina. Ton. Tirahin na muna natin. Parang mga mantika kung matulog. Mukhang type si Ompong. daig ka pa ni Boyet. Sige. Hindi ko na kaya. takot ka ba kay Sgt. Sumusuka ka. Bumalik. Huwag kang sumigaw Bakit nakakahiya? Kahit may magdaang tren dito sa gitna ng looban. uuwi na ko. isinuka mo lang. Bakit. nakakahiya sa mga kapitbahay. . 5:45 AM Tangina. Tara na. Umaga na naman!!!! Mga putang ina ninyong lahat!!! Pare. Nasaan na ba si Boyet? Tulog. eh. pare. Pare. tayo pa kaya? Kunsabagay. Nasa labas ka kasi kangina. Pepper? Yung anak niya nga hindi niya madisiplina. hindi magigising yang mga hampaslupang iyan. Pepper iyon. umaga na. si Sgt. Nasa kusina. sinayang mo yung ininom natin. Split na tayo. Pare. pare. Kinse anyos lang iyong kupal na iyon. pare. Hoy! Ang aga-aga ang ingay-ingay n‟yo! Pare.

Sige. pare. Baka hinahanap na ko ni erpat.152 6:59 Elmer. . tol. May pasok pa ko mamaya. uuwi na ko. Uuwi na rin ako.

ibibigay ko sa isang tauhan ko. Nang sa gayon ay makinabang naman siya sa perang sinipsip sa kanya. Isa itong request na hanapin sa pusod ng database ang record ng isang taong nagngangalang Ronald Eliseo. itong memo sa mesa ko. Pirma ko lang ang kailangan. No. This is to release the printed record of deceased claimant Eliseo. Nang sa gayon ay mabigyan na siya ng pera nitong insurance corporation na binayaran niya ng kung ilang taon. TO: TONY DE GUZMAN. Mabuti naman at hindi tungkol sa sexual harrassment. na arawaraw ay ipinapadala ng Claims.153 Magnanakaw Isa lang itong ordinaryong papeles.? Ano kaya ang ikinamatay nito? Pinindot ko ang buzzer para tawagin yung dakila kong sekretarya na wala nang ibang hinangad sa buhay kundi ang sana‟y masisante na ko. Ronald B. Ronald B.. etc. . Database Department. kape lang ang gusto ko. Si Ronald Eliseo ay isang claimant. Pinatong niya ang kape sa mesa ko. may hawak na isang tasang kape. Ronald B. Pumasok siya sa opisina ko. EA32786-64H. o ibasura. Nang sa gayon ay hindi masyadong malungkot ang iniwan niyang pamilya. Ano kaya ang nangyari dito kay Eliseo. Tapos. kasama ng request para sa iba pang mga claimants. aksyunan. Kasama ng marami pang ibang mga papeles na kailangang pirmahan. ang akala yata.etc. para siyang maghanap ng record n Eliseo. Isang pangkaraniwang request. Funeral claim.

” “Yes. “Boss. Nahahalata ito ni kupal pero wala siyang magawa. Nabasa ko ho ito sa diyaryo. habang binabaybay ko ang mga ulo ng balita sa diyaryo.154 “Tawagin mo nga si Dante. Pumasok muli ang butihin kong sekretarya. sabi ko sa sarili ko.” sabi niya habang papalabas ng pinto. sir. Ilang sandali pa. Cool ka lang. naghintay pa muna ako ng ilang sandali. pinapatawag n‟yo daw ako?” “Gusto kong ikaw ang mag-handle ng order na ito. “Boss. tinantya ko ang tatakbuhing minuto hanggang sa makabalik siya sa desk niya. sabay abot sa kanya ng memo. kumatok sa opisina ko si Dante. Inilapag niya ang kape sa mesa ko at kinuha ang basyong tasa. “Tawagin mo uli si Dante. may dalang isang tasang kape. “may ipapahanap akong record.” sabi ko.” Pagkasabi‟y dinampot nito ang tasang walang laman na nasa mesa ko at pumihit na papalabas ng pinto. saka ko muling tinawag ang sekretarya ko. Ton. Come in. Hindi ka puwedeng manigaw ng bobong empleyado at baka mapadalhan ka ulit ng memo ng Personnel. pinapatawag n‟yo daw ulit ako?” .” sabi ko. Maya-maya ay muling kumatok si Dante.” bungad ko habang hinihigop ang mainit na kape. kupal. “Ronald Eliseo. ang superkupal na supervisor na sinasadya kong bigyan ng mga assignments na dapat sana‟y para sa mga clerk at hindi sa mga supervisor. Hinintay kong makalabas siya. ah.

Boss. . boss. Siya ho ang naghandle ng kaso ng ilang human rights victim sa Mindanao. maraming mga nasalanta. Abugado ho siya ng human rights. Yung mga nagmulta ng ilang milyon sa mga biktima ng human rights abuse. Gugupitin ko para sa inyo yung balita. Mayroon ding brief story doon tungkol sa buhay niya. Napagbintangan akong ninakaw ko raw ang latang pinaglalagyan ng mga baryang donasyon para sa mga biktima ng bagyo. Magaling siya sa korte. yung mga landlord sa Mindanao na nakalaban niya sa korte. Nag-set-up ngayon ng calamity relief fund sa eskuwelahan. bumagyo ng malakas. Kilala mo ba siya?” “Hindi ko ho siya personal na kilala. nagkaroon ako ng kaso. sinabi mo na nabasa mo sa diyaryo yung tungkol kay Ronald Eliseo.” “I want it now. Pero hindi naman na-confirm ng NBI. hahanapin ko na lang yung lumang diyaryo.” “Right away. Natagpuan na lang isang umaga na bangkay na‟t naninigas.155 “Kaninang bago ka lumabas.” “Sikat ba itong abugadong ito?” “He‟s one of the best.” Noong nasa elementarya pa lang ako. kung interesado kayo. Sa isang makipot na alley sa Quiapo. Minsan kasi. Nabasa ko lang ho sa diyaryo. Kaya nabayaran ng milyon ang mga biktima. May mga tsismis na ang nagpatira daw.” “Sino ang suspect sa salvage?” “Mga muslim daw ho. sir.

bigla itong nawala. Na kahit nakita ng mga mata ko ang mga nagngangalit na litid sa leeg ni Hagan-Tae. nakalagay sa desk ng maestra. Noong huling araw ng donasyon. nang kinabukasan ay ire-remit na sa principal‟s office ang laman ng lata. “Sagutin mo ang tanong ko. itinatabi ng maestra ang lata sa loob ng kanyang drawer. ang mga estudyante ay naglalagay ng bahagi ng kanilang baon sa lata. Bakit mo kinuha ang lata? Ano ang nagtulak sa iyo para pagnakawan ang mga typhoon victims?” . Tinanong lahat ng estudyante. maaaring mag-donate ng barya. para makatulong sa mga binaha at binagyo. Tinatanong ng mukhang tae naming principal na si Mrs.156 Naglagay ng lata sa bawat classroom. Naka-lock dahil malamang ay wala silang tiwala sa mga mag-aaral nila. Nagkaroon ng imbestigasyon sa klasrum. para turuan ng pakikipagkapwa ang mga estudyante. ipinatawag ako sa principal‟s office. kapag uwian na. Pagdating ng hapon. ayaw rumehistro sa utak ko. Parang nawalan ng koordinasyon ang mga tenga ko sa utak ko. Hagan kung ano raw ang nagtulak sa akin para kunin ko ang lata. na bagama‟t malinaw na narinig ng mga tenga ko ang paratang sa akin. Bandang hapon. “Ha?” mulagat ang mga mata ko. Parang ayaw maniwala ng isip ko. Araw-araw. Ang lahat. naramdaman ko ang tensyon sa loob ng principal‟s office. ang iniisip ng utak ko‟y iba. Ang lata sa klasrum namin. Tony. Ang layunin noon. Ilalagay yon doon ng isang linggo. Hindi raw ba ako naaawa sa mga nasalanta ng bagyo? Ang ginawa ko raw ay isang pagnanakaw hindi sa paaralan kundi sa mga typhoon victims.

Nang sabihin niya sa akin." “Ma‟am. nagkakamali kayo.” “Puwes.157 “Ma‟am.” “Ga-graduate ka na sa March. ipapatawag ko ang mga magulang mo. Tony. wala ho talaga akong kasalanan. aminin mo ang kasalanan mo at magsisi ka!” “Ma‟am. Hindi ho ako ang kumuha ng lata.” “Pero. I want it on my desk tomorrow morning. We are only human. ibalik mo ang lata. ikaw lang ang may motive na kunin ang pera. Kailangang pairalin ang disiplina sa loob ng paaralan. Sino naman ho ang nagsabi sa inyong ako ang kumuha ng lata?” “May nagsabi sa akin. Kaklase mo. hindi ho talaga ako ang kumuha ng lata. At maghahanap ka na ng ibang eskuwelahan. ma‟am—“ “Get out!!!” . Mamatay man ho ako at ang mga magulang ko at lalo na ho ang tatay ko. hindi ho talaga ako ang kumuha ng lata. Pero huwag ka namang maging unrepentant. Gusto mo bang gumradweyt?” “Opo. Alam namin na nature ng tao ang magkamali. Ma‟am Tae—” “What? What did you call me?” “Ha?!?” “Get out of my office right now!” “Eh. naisip ko. mas gagaang ang sanction mo kung aaminin mo ang kasalanan mo. Wala kaming choice. Tony. Or you can face expulsion. Handa kaming magpatawad.” “Alam mo. Kung gusto mong gumradweyt. Kapag wala sa desk ko ang lata bukas ng umaga.

Medyo kumubli ako sa may pintuan.158 Pgbalik ko sa klase. class. Ang gusto lang naman daw niya. Para makabawi siya. Sa eskuwelahan. Let‟s give him a hand. Pinalakpakan nila si Ronald Eliseo dahil sa marangal niyang gawain. isang seryosong usapin ang pagnanakaw. galing sa principal‟s office. Papasok na ako sa pintuan nang maisipan kong huminto muna. na magkakakaso ako. ganoon. Sa palagay ko. tamang-tamang naabutan ko ang pagsasalita ng aming homeroom adviser. Kapag nakita ninyong may ginawang kasalanan ang classmate n‟yo. isumbong n‟yo sa akin. kailangan . “Good work. na napapansin niyang sa akin may gusto. dapat kayo rin. Hinintay kong matapos ang Homeroom saka ako pumasok ng classroom. Ronald. sorry daw. siraan ako kay Klara. Malaki pala ang tama niya kay Klara. hindi niya akalaing hahantong sa ganoon. Tuloy-tuloy ako sa upuan ko. na malamang hindi ako makagradweyt ng grade six. nagbago ang pananaw ni Ronald Eliseo sa buhay. Hihintayin kong matapos ang sermon ng maestra bago pumasok. Kinahapunan. Hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Pero naririnig ko pa rin ang sinasabi ng maestra. Huwag kayong matakot. Ronald here sets an example. Tumingin ako sa direksyon ni Klara pero nakayuko siya. Naputol ang mga alingasngasan nang pumasok ako. isang kahindik-hindik na asal na kailangang ipaunawa sa mga mag-aaral. Iyon ay matapos kong basagin ang dalawa niyang ngipin sa harap at bigyan siya ng black-eye sa magkabilang mata at permanenteng i-disporma ang ilong niya.” Nagpalakpakan sila. Sabi niya. sapat na ang sermon na natanggap ko ngayong araw na ito. Alam n‟yo. Sinesermunan ng guro ang mga kaklase ko.

Pagdating namin sa principal‟s office. “Si Tony po. Inilipat na siya ng mga magulang niya sa ibang eskuwelahan. Ni hindi sinabi na siya ang may kasalanan. bumigay din. De Guzman! And when you come back. “Sino‟ng gumawa sa iyo niyan. hindi pa kami nakakapagsalita.” tanong niya kay Ronald. Pero nakatatak na bilang karagdagang kaso ko sa esskuwelahan ang panggugulpi ko kay Ronald. hindi ko na nakita si Ronald. floorwax ang laman. Putang ina mo. Inaya ko siya sa principal‟s office para aminin ang kasalanan niya. Ni hindi nagsalita. Ni hindi nagtaka kung bakit may silat na parang alkansya ang takip ng lata. Mr. Noong umpisa‟y ayaw pa niyang pumayag. Sorry daw. sabi ko. Hindi sila nabadtrip kay Ronald kahit alam nilang nag-imbento ito ng kuwento para ako ang . makinig muna kayo sa—“ “Shut up! You are suspended for two weeks. Nagbibintang ka nang wala ka namang pruweba. I want to talk to your parents. Ako naman.” “Ma‟am—” “Get out!!!‟ Putangina si Ronald. Matapos ang suspensyon.159 niyang sirain ang reputasyon ko. humirit na si Mrs. Pero nang ambaan ko siya ng suntok.” “How could you do such a thing?” “Ma‟am. naabsuwelto sa kaso ng pagnanakaw nang bigla na lang lumitaw ang lata. ma‟am. Nailagay pala ng mga naglilinis ng classroom sa cabinet na lalagyan ng bunot dahil akala. Hagan-Tae. Bad trip sa akin ang lahat ng tao.

ako na lang ang magha-handle ng kaso ni Ronald Eliseo. <ONLINE CLAIMANT INQUIRY> <ENTER LOG-IN NAME> A-N-T-O-N-I-O-D-E-G-U-Z-M-A-N <WELCOME. ANTONIO DE GUZMAN> <ENTER PASSWORD> . Dala ang clipping mula sa lumang peryodiko. tabingi ang ilong. Funeral claim. Sabi ko sa kanya. Ngayon. Deceased. Bakit kayo pa?” “He‟s a personal friend. Nilamukos ko ang clipping at itinapon sa basurahan. But why? Puwede naman nating ipatrabaho iyan kahit kaninong clerk dito. blah. Eliseo. pumasok si Dante sa opisina ko. blah. Kunsabagay. Ronald B. at basag ang dalawang ngipin na nakausli sa namamagang nguso. Salvage list still growing despite doubled efforts of PNP and NBI blah. etc. blah… in a dark alley in the vicinity of Quiapo… etc. Maya-maya. 1995. Oct 19. EA32786-64H. ako at tanging ako lang. “Sure sir. mahirap magalit sa isang taong may black-eye sa dalawang mata. etc… Atty. Binuksan ko ang computer sa mesa ko. blah…blah…blah… community action group etc. Ronald B.160 madiin sa nawawalang lata.. muli kong na-encounter si Ronald. etc… a responsible father of three children. with no. blah… a human rights lawyer was found decomposing beside a pile of garbage… blah.” Manila Times. etc. Ang tapunan ng puna. Heto‟t may request na hanapin ko raw ang record ng isang nagngangalang Eliseo.

GLENDA A.> <ELISEO.> <ELISEO.161 H-I-N-D-O-T <ENTER CLAIMANT NO. RONALD A. RONALD BERMUDEZ/ 660921> <OCCUPATION <INSURANCE TYPE <STATUS : : : ATTORNEY-AT-LAW> FULL-LIFE> CLAIM FILED> <FOR CLAIM INFO F8> <BENEFICIARIES : ELISEO.> <ELISEO JR. KLARA A.> EA32786-4H <WORKING… PLEASE WAIT> <ELISEO. RUDY A.> <TO MODIFY F6> F6 <ENTER PASSWORD TO MODIFY> K-A-N-T-O-T <EDIT F1> <DELETE F2> <HELP F3> F2 QUIT <SAVE CHANGES? Y / N> Y <RECORD DELETED> <HAVE A NICE DAY!!!> .

162 Nagsulat ako ng memo. wala siyang dalang kape. Ipinatong ko ang paa ko sa mesa ko. Kundi‟y baka maibuhos ko na sa mukha niya. Mabuti na lang at pagpasok niya sa opisina ko. Manager. Paglabas niya‟y nagsindi ako ng yosi at sumandal sa sandalan ng swivel chair. Tinawag ko ang sekretarya ko. Ronald B. Inutos ko sa kanya na mangyari‟y dalhin niya sa Claims ang sinulat kong tugon sa request. Iniisip ko ang nangyari noong grade six ako. . Claims Dept. TO: MINDA ABRA. bilang sagot doon sa request na ipinadala ng Claims. I checked our records about Claimant No. EA32786-64H under the name of Eliseo. Hanggang sa makatulog na ako sa ganoong posisyon. and found out that no such record exist.

at ngayo‟y mamamasid sa kanyang mga gatla ng edad sa noo na mandi‟y hindi pa niya tapos gampanan ang mga gawain. ngunit ang yayat niyang katawa‟y gusto nang sumuko. Sa kanyang laylay na mga balikat. mapapagtanto ang bigat ng mga pasaning pinilit niyang bunuin noong panahon ng kanyang kalakasan. anaki may kung anong hiwagang pinawawalan ang kanyang mga labi kung kaya‟t sa kanyang paana‟y madalas magkulumpon ang mga ipis. At mawawari. animo umuusal ng kung anong orasyon na walang saysay sa ibang makakarinig at tanging siya lang ang nakakaunawa. na sinamantala niya ang kanyang lakas habang bata pa‟t maaari pang gumampan ng mga mabibigat na gawain. Sa kanyang pag-iisa. animo mga kampon ng kultong tanging siya lang ang nagtayo at tanging siya lang din ang sumasamba. ang hitsura niya‟y nagkamit ng makamundong titig ng mga kalalakihan noong panahon ng kanyang pagsibol mula sa kamusmusan tungo sa pagdadalaga. Kung matamang susuriin. Ngunit sa kanyang hitsura‟y . Ang mukha niyang batbat ng mga gatlang inilatay ng mga nagdaang taon ay larawan ng kapagurang sumibol sa maghapong paggaygay ng kanyang nangangapal na mga palad sa batya at kulahan. Ang mga mata niya‟y salamin ng pagdarahop.163 Ina Sinumang matamang magmamasid ay mapapansin ang marahang paggalaw ng kanyang mga labi. sa mga banat niyang bisig.

tila ba buhay na buhay sa kanyang gunita ang bawat eksenang kanyang binabalikan.” kuwento niya sa kanyang anak. “Tapos isusuot ko ang bagong damit at magpapari‟t-parito ako sa kusina.164 masasalamin din ang pagpapabaya sa kariktan upang bigyang daan ang hamon ng sikmurang nagmumura at nagpapahiwatig ng kagustuhang lumaya sa mga sakmal ng gutom. Ngunit ang pangarap na ito‟y hindi natupad.” May ningning sa kanyang mga mata habang nagsasalaysay. ibinibili ako ng inang ng bagong damit sa bayan kapag daraos ang pasko. pinangarap niyang mag-artista o maging isang sikat na mangangawit. Sinabi niya rito na noong siya‟y musmos pa. . hanggang sa magdalaga. ay isang institusyon na kumakatawan sa kahulugan ng kahirapan at labis na paghihinagpis. Minsa‟y naikuwento niya sa kanyang panganay na anak ang kanyang mga pangarap. katawang binigyang hugis ng nag-usling mga buto. papunta sa rurok ng kanyang mga panaginip. Ako ang pinakamagaling kumanta. “Noong maliit pa ako. Ipapakita ko kay inang ang ganda ko. bunga ng mga suliraning kaakibat ng hikahos na pamumuhay. tunay ngang siya ang pinakamagaling kumanta.” Sa maliit na baryong sakop ng bayang noo‟y pinag-aagawan ng Bulakan at Nueva Ecijah. “Sumasali ako noon sa amatyur sa istasyon ng radyo sa bayan. hanggang sa matagpuan niya ang sariling sakay ng pampasaherong bus papuntang Maynila. At ang mga buhay na pangarap ay sinikap niyang pagyamanin sa gunita. Tunay ngang ang kanyang katawang yayat.

165 May pangungutya sa himig ng pananalita ng kanyang tiyahin nang sabihin niya ang kanyang pakay. “Ibig mong sabihin, mag-aartista ka kaya ka pumarine sa Maynila?” tanong ng kanyang tiyahin. “Opo, tiyang,” matipid niyang tugon. “Hoy, gaga! Baka akala mo, gano‟n-gano‟n lang mag-artista? May kakilala ka bang direktor?” “Wala ho.” “Wala pala, eh. Paano ka magiging artista?” “Sa umpisa ho, kakanta muna ako sa mga malilit na restoran, hanggang sa makilala ako.” “At saang restoran ka naman kakanta, hane? Eh hindi ka naman masyadong maganda. Ang mga artista‟t mang-aawit dito sa Maynila, saksakan ng gaganda. Maaaring sa inyo ikaw ay maganda na. Pero dito sa Maynila, hindi pa sapat yang ganda mo. Aba, eh halata kang taga-probinsya, ah. Ang mabuti pa, itigil mo na iyang mga pangarap mong walang katuparan. Ang gawin mo, samahan mo ako sa paglalaba.” Napahikbi siya ng mahina sa tinuran ng kanyang tiyahin. “Hoy, bruha, huwag mo kong dramahan. Manang-mana ka sa inang mong isa ring tanga. Ang gawin mo rito, magsipag ka. Tondo ito, ineng, maraming lalake. Magdasal ka na lang na sana‟y makapag-asawa ka ng hindi gaanong salbahe.” Ang tingin niya noo‟y may sa-demonyo ang kanyang tiyahin. Nagkatotoo ang mga salita nito. Makalipas ang ilang buwan ng kanyang pagpari‟t parito sa

166 poso at sa kulahan, nabura na sa kanyang gunita ang dahilan ng kanyang pagluwas ng Maynila. Ang tangi na lang niyang inaasam ay ang sana‟y makatapos siya ng maaga sa kanyang paglalaba nang sa gayo‟y maipahinga niya ang patang katawan. Sa loob ng limang taon, ang kanyang tanging kaulayaw ay ang batya, timbang pang-igib, sabon, kalawanging yerong kulahan, palo-palo at ang mga sariwang pasaring ng kanyang tiyahin. Sa loob ng limang taon, ang kanyang morenang anyo ay napalitan ng kagaspangan. Ang mga palad niyang sa probinsya‟y iniingatan ng kanyang inang at amang upang huwag magurlisan, ay nangapal tulad ng mga palad ng ibang kababaihang kasa-kasama niya sa paglalaba sa poso. Sa loob ng maraming taon niyang pagtira sa Tondo, marami na ring kalalakihan ang sumubok na lumigaw sa kanya. Ngunit ang mga ito‟y hindi niya pinansin, maliban na lang sa isa, si Mario, na tunay na mabait sa kanya. Si Mario‟y isang pahinante ng trak na naghahatid ng mga kargamento sa pier. Kaiba sa mga lalakeng dumidiga sa kanya, si Mario‟y may regular na pinagkakakitaan. Ngunit ang kanilang relasyon ni Mario ay kagyat ding nahinto. Ito‟y nang siya‟y umuwi isang hapon, na gula-gulanit ang suot. Ang sabi niya sa kanyang tiyang ay ginahasa siya ng apat na lasing na napadaan sa kulahan habang sinisinop niya ang mga sinampay. Hinatak umano siya papunta sa loob ng isang lumang kamalig na kalapit ng kulahan niya ng mga damit.

167 Ang gusto niya‟y magreklamo sa pulisya. Ang gusto ng kanyang tiyahin ay tumahimik siya‟t huwag ipamalita kanino man ang kahiya-hiyang bagay na sinapit niya. “Pero, tiyang, alam na ng mga kapitbahay,” pangangatwiran niya sa kanyang tiyahin. “Paanong hindi malalaman, idinaldal mo na kung kani-kanino! Gaga! Ayaw mo kasing magdamit nang maayos. Ang sinusuot mo pag naglalaba ka, ke nipis-nipis. Nababasa pa ng tubig. Kaya yang suso mo, lumuluwa sa daster. Mabuti nga‟t sinapit mo iyan para ka magtanda.” “Tiyang, wala akong pinagkuwentuhan. Talaga lang hindi naililihim ang ganitong mga pangyayari. Ang sa tingin ko, hindi pa ko nagagahasa, alam na ng mga kapitbahay na magagahasa ako!” Ngpumilit siya sa kanyang tiyang, na mangyari‟y samahan siya sa munispyo para magsampa ng reklamo. “Hindi puwede! Alam mo bang si Rico, yung promotor ng paggahasa sa iyo, kaibigan ng hepe. Kapag nagreklamo ka, baka patayin ka.” Wala siyang nagawa kundi magtimpi at ipagdasal na sana‟y walang mabuong binhi sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang mga panalangin, kadalasa‟y hindi nagkakaroon ng katuparan. Napagtanto niya makalipas ang ilang buwan, na siya‟y nagdadalantao. Noo‟y wala na silang relasyon ni Mario. Pormal itong nagpaalam at humiwalay sa kanya dahil hindi nito matanggap na may iba nang lalaking nauna sa kanya, na siya‟y nalawayan na ng ibang lalake, na siya‟y nakakadiri na sa kanyang kalagayan, na siya‟y hindi na birhen, at marami pang ibang dahilan na ang tangi

168 niyang naisagot ay isang malakas na hambalos ng batya sa bumbunan ni Mario habang nagsasalita ito. Umalis siya sa bahay ng kanyang tiyahin at nakituloy sa kanyang isang kakilala na nakatira malayo sa Tondo. Ang pinakaibig niya‟y malayo muna sa Tondo, na sa tingin niya‟y walang naidulot sa kanya ni isa mang kabutihan. Sa kanyang pagtira sa kaisa-isang kaibigan, nakilala niya si Tomas, isang Batangenyong wala namang malinaw na hanapbuhay ngunit nagpakita sa kanya ng labis na pagmamahal. Makalipas ang isang buwan, ikinasal sila ni Tomas. Bale-wala kay Tomas na siya‟y buntis at halata na ang tiyan. Handa itong bigyan ng pangalan ang kanyang magiging anak. Sa isang sulok ng lungga ng mga iskwater, tinayo ni Tomas ang kanilang dampa, at doo‟y isinilang niya ang kanyang panganay, na pinangalanan nilang Antonio, hawan sa pangalan ng nuno ni Tomas. Lumipas ang limang taon bago nasundan ang kanilang anak. Maraming beses siyang nakunan dahil sa paggampan niya ng mabibigat na gawain. Kailangan niyang ipagpatuloy ang paglalaba dahil si Tomas ay walang permanenteng trabaho. Kung ano-ano ang pinapasok nito, pasabit-sabit sa mga kontraktor, paekstra-ekstra sa pamamasada ng dyip, kung minsa‟y pagtatawag ng mga pasahero ng dyip sa paradahan. Makalipas ang limang taon, nagsilang siyang muli. Ngayo‟y anak na ni Tomas ang kanyang iniluwal. Kasabay nito, si Tomas ay nakakita ng permanenteng trabaho. Ang trabahong ito‟y magiging tulay ng pagkasira ng kanyang pamilya. Likas sa

siksikan sa loob ng maliit na dampa. Sinikap niyang itaguyod ang kanyang mga anak. Higit kanino man. bakla. mga babaeng nalulungkot. Bagamat sa mga sabi ng kanyang asawa na sa kanyang bagong linya ng gawain ay mabilis umakyat ang pera. pag-iigib. Ibayong pananabik ang bumalot sa kanyang katawan. agad naghalu-halo ang mga gunita sa kanyang isip. hindi niya matanggap na ang kakainin nilang mag-anak ay galing sa bulsa ng kung sinong matrona o ng kung sinong matandang bakla o ng kung sinong babaeng nangangaliwa sa asawa. Ito ang magiging gawain ni Tomas hanggang sa malagas ang tikas ng matipuno niyang katawan at makalbo ang kanyang bumbunan. Pinalayas niya si Tomas dahil ayaw nitong lumubay sa pakikiapid sa iba. Dinanas niya ito at ang ganitong iskema ay walang idinudulot na maganda. at nitong lumaki‟t maging mama ang kanyang panganay. nabubuhay sa halos baryang kinikita sa paglalaba. Nakakatulong sa kanyang paglalaba at nagaakyat pa ng ekstrang kita sa kanilang tahanan. pagtitinda ng balut. pagkarinig niya sa salitang kabit. Pumaradang parang . sa pag-aasam na muli na naman silang magkakasamasama matapos ang ilang taon ng pagtitiisan. Kailanman ay hindi niya natanggap ang bagong trabaho ng kanyang asawang si Tomas. Nabuhay sila ng maraming taon. Mabuti na lang at malaki na ang kanyang panganay at kaya nang mag-igib ng tubig. Minsa‟y umuwi ang kanyang si Tomas. Ngunit nang banggitin ni Tomas na hihiwalay na ito sa kanyang kasalukuyang kabit.169 bagong trabaho ni Tomas ang magsasama sa mga lakad ng mga matrona. ayaw niyang magkaroon ng pagsasamantala sa mga kababaihan.

hayup ka!” “Huwag! Maghunos-dili ka!” “Tang ina mo!” Hinabol niya ng taga si Tomas hanggang sa labasan. Umusal siya ng maikling panalangin at nilusob ang asawang noo‟y kausap ang kanilang bunsong anak sa sala. . Nang umuwi siya ng gabi.170 sine ang mga eksena ng panggagahasa sa kanya ng apat na lasing sa Tondo. ang mga araw na hindi sila kumakain. Ang tanging mahalaga sa kanya ay tadtarin ng taga ang lalakeng nagpabaya sa kanila at nagpakasarap sa kandungan ng kung sino-sinong babae. ang mga araw na binubulabog sila ng usurerang si Alma. Ang habulan ay inawat ng mga pulis na nakatayo sa gilid ng kalsada. Hindi niya inda ang mapangutyang titig ng mga kapitbahay. sa pagitan ng mga humaharurot na sasakyan. Hindi niya rin inda ang halakhakan ng mga nakaistambay sa lugar nila. ang mga gabing nangungulila siya sa pag-iisa. ang mga sumbong ng kanyang panganay na anak na umano‟y tinutukso sa eskwela dahil sa mga kasalanang ibinibintang dito… Sumusuray siyang tumayo at pumunta sa kusina. ang pagtatakwil sa kanya ni Mario. wala pa ang kanyang panganay na anak. ang mga magulang niyang namatay na‟t lahat ay hindi man lang niya nadalaw. ang araw na pinalayas niya si Tomas. Kinausap silang dalawa sa presinto. “Putang ina ka! Pinabayaan mo kami. Tulog na ang kanyang bunso. Kinuha niya ang itak na nakatago sa ilalim ng kalan.

171 Umupo siya sa sahig sa kusina. Hindi niya namalayan ang pagtagas ng ihi niya sa pagitan ng kanyang mga binti. pakalat sa sahig. . Ang bibig niya‟y umusal ng mga litanya at sa kanyang paanan ay nangagkulumpon ang mga ipis.

isang malakas na suntok ang sumalubong sa kanya. tsip. “Ano sa palagay mo?” sagot ni Tony. mga marurumi at malilinis. Tinanggal niya ang mga damit. Dumating siya ng Maynila.172 Jhunz Pagsungaw ng inaantok na mukha ni Jhunz sa yerong nagsisilbing pinto ng miserable niyang bahay na pinapaupahan. mga ginupit na larawan .” “Oo. tanging mukha nito ang hindi balot ng kumot. Sa lakas ng suntok ay napaatras siya pabalik sa loob ng bahay at nagising na ng tuluyan ang inaatok niyang katawan. Nasaan na ang sobre?” “Sandali lang. may dumating akong sobre.” Tumayo si Jhunz at dinukwang ang tokador. mga lumang komiks. sa tinitirhan ni Jhunz. Sa papag ay namataan niya ang isang binatilyong natutulog. mag-aalas-sais ng umaga. ang alam ko. “Tsip?” “Jhunz.” “Ah. Pagkarating niya sa terminal ng bus sa Cubao. yung John Lucero ang pangalan. sumakay siya ng taxi papuntang Recto. Nakapa niya ng dila niya ang isang ngipin na malamang ay nabunot sa lakas ng suntok. Alas-dose ng gabi nang sumakay siya ng bus. Inikot niya ng paningin ang palibot ng dampa ni Jhunz. mula sa Baguio. Pumasok si Tony sa loob ng kabahayan at isinara ang pinto. “Ano‟ng kailangan mo?” nagugulumihanang tanong ni Jhunz. Iritado ang boses niya sa pagod sa biyahe. Para sa akin „yon.

galing sa probinsya. boarder ko iyan dito. walang problema diyan. eh. Sabi ko na sa iyong marami akong mata rito sa lugar n‟yo. dapat ka nang umalis dito dahil inaarbor ka na sa akin ng mga tauhan ko. Kapatid ko ang tatay niyan. eh. Para hindi ka na kumuha ng boarder dahil masyadong maselan ang operation namin dito. maniwala kayo sa akin. Pinigilan ko lang.” “Tsip.” “Tsip. mga larawan ng babaeng nakahubo. Iniabot niya kay Tony ang sobre. Binuksan ni Tony ang sobre‟t sinilip ang loob.” anas ni Jhunz. Pamangkin ko iyan. tsip.” “Eh. ano ba ang nagawa kong katarantaduhan?” “Ikaw ang makakapagsabi niyan. Tumango siya kay Jhunz. hindi ka tatanggap ng boarder? Kaya ko nga binayaran ng pakyaw itong bahay mo. usapan natin. Gusto ka nang i-salvage. eh. Ipinakiusap sa akin ng tatay niya.” “Di ba. “Ah. Ayaw mo kasing maniwala sa akin. “Tsip. eh. tsip. Wala kasing matutuluyan.173 ng mga artista. Ang alam ko.” “Tarantado ka kasi.” . huwag naman kayong manunutok kaagad. at sa pinakailalim ng mga tambak ay kinuha niya ang isang puting sobre. “sa susunod. wala akong ginagawang kasalanan.” “Sino nga pala ito?” tanong ni Tony sabay nguso sa binatilyong natutulog sa papag. Marami akong natanggap na report tungkol sa yo. Wala akong atraso sa inyo. Nabawasan na naman ako ng isang ngipin.

parang awa n‟yo na.” Dumukot si Tony ng isang bugkos na lilibuhing piso mula sa kanyang bulsa at ibinato ito sa mukha ni Jhunz. at hindi pa man malay na humupa ang sunod-sunod na pagsasal ng kanyang ubo. Sinindihan ni Tony ng lighter ang sigarilyong nakasubo kay Jhunz. Ang binatilyong kangina‟y natutulog ay napabalikwas sa lakas ng hiyaw ni Jhunz. Halos mabilaukan siya sa usok sa tindi ng pagkakagulat. “Tumahimik ka! Kung ayaw mong ikaw ang isunod ko!” Hinawakan ni Tony ang kuwelyo ng maruming kamiseta ni Jhunz at pagkuwa‟y isinalya niya ito paupo sa isang suruting papag. ayoko nang makita ang pagmumukha mo rito o sa kahit na saan pang parte ng Maynila. Pagkahitit ni Jhunz ng sigarilyo. “Tiyong!” sigaw nito sa tiyuhing namimilipit sa lupang sahig. “Tsip. Kumuha si Jhunz ng talong sigarilyo mula sa kaha. “Makinig ka sa sasabihin ko sa iyo. Mula ngayon. dumapo sa kanyang ulo ang matigas na dulo ng dos por dos. kupal. Ibayong hapdi ang naramdaman ni Jhunz nang dumapo ang matigas na kahoy sa kanyang pisngi. habang ninanamnam niya ang usok na naglalakbay papunta sa pinakaubod ng kanyang paghinga. .” pagmamakaawa ni Jhunz. Muling lumipad ang dos por dos. nandilat ang mga mata niya nang mapansing sa kamay ni Tony ay hawak nito ang isang dos por dos. ang dalawa‟y inipit sa magkabilang tainga at ang isa‟y isinubo sa bibig. Tumagas ang dugo mula sa bibig at ilong ni Jhunz.174 Nagsindi si Tony ng sigarilyo at iniabot kay Jhunz ang kaha.

Tama na iyan.” “Eh. Sa labasan ay pumara si Tony ng taxi. tsip. kung ayaw mong mapahamak sa mga tauhan ko. At binalaan si Jhunz.” Dinukot ni Tony ang kanyang pitaka at kumuha ng ilang lilibuhin. Desidido silang patayin ka. “Jhunz. paano naman ako? Saan ako titira? Matagal na ako rito sa lugar na ito. Sinigurado niya ang oras ng kanyang pag-alis.” Humakbang si Tony palabas ng pintuan. Umalis ka na sa lugar na ito.” “Tsip. Dinagdagan ko ng sampung libo. Kabisado ko na ang likaw ng bituka ng bawat mukha rito. dalhin mo iyang pera. “Pare. Sa may yerong tabing ay lumingon siya patalikod. sir! Paano „tong pamangkin ko?” “Isama mo. Yung mga tauhan ko. tsip…” “Punyeta! Kapag sinabi kong umalis ka. “O. Yung matitira. papatayin kita. hindi mo kilala.175 “Para iyan sa pagpapagamot mo. umalis ka!” “Yes. at lumayo ka na.” “Hindi mo kabisado lahat. alas-diyes . gamitin mo para makapagbagong buhay ka na. ayan. kapag may nakaalam sa mga transaksyon natin dito. Ang mabuti pa.” Mabilis ang pagtango ni Jhunz. sa terminal ng Victory Liner sa Cubao. Dinukot ni Tony ang tiket ng bus na nakatikolp ng maayos sa loob ng bulsa ng kanyang polo.” “Kulang ho itong perang ibinigay ninyo.” sambit niya sa tsuper.” “Salamat po.

at nangungupahan sa isang lumang townhouse. ay hindi na niya kailangan pang luwasin sa Maynila. Dinukot niya ang sobreng nakatiklop sa kanyang bulsa. Ang branch manager ay tumatanggap sa kanya ng sandaang libong piso bilang lagay sa tuwing idedeposito niya sa kanyang pangalan ang mga tsekeng kanyang nakukuha. Ang mga nakukuha niyang tseke ay pinapapalitan niya sa isang bangko sa Baguio.176 ng umaga. Kanginang dumating siya galing Baguio ay bumili na siya antimano ng tiket na pabalik. magtitiyak na mahihirapan ang sinumang magkamaling mag-imbestiga sa buwanang deposito sa kanyang pangalan. sa isa pang alyas niya. ang huli. Sinipat niya ang numerong nakatatak sa mukha ng tseke: One Million And One Hundred Pesos Only (Pp1. Tiniklop niya ng maliit ang tseke at ipinasok sa kanyang pitaka.000. Pangatlong luwas na niya ito. Ang isandaang libong piso ay para sa tahimik na mga transaksyon.100. at ang garantiya ng santambak na mga papeles na tatabon sa mga transaksyon ni Tony. Kikita na naman ng isandaang libo ang branch manager na kakilala niya. Sa isang buwan ay muli na naman siyang luluwas para kunin ang tsekeng darating sa isang bahay na inuupahan niya sa Muntinlupa. walang mga samu‟t saring tanong. Ang ikaanim na tseke. At sa susunod pa uling buwan. pupunta siya ng Bulakan dahil doon naka-address ang susunod niyang tseke. Inisip niya ang mga tsekeng hindi pa dumarating. Panibagong milyon na naman ang maidedeposito niya sa kanyang account. Sa Benguet ito naka-address. na nagkakahalaga tuwina ng isang milyon. . Inilapat ni Tony ang kanyang likod sa sandalan ng taxi. May sapat pang panahon para makabalik siya sa Cubao.00).

177 Ipinikit niya ang mga mata hanggang sa gisingin siya ng drayber at sabihin sa kanyang narating na nila ang terminal ng Victory Liner. .

ang paligid ay lalo pang pinalamlam ng nagkalat na mga puno. tanda ng kanyang damdaming nagpupuyos. Kalat na ang dilim at sa UP. Pepper Nagngangalit ang mga bagang ni Sgt. Pepper habang sinusubaybayan ng mga mata si Dondon. Hindi naman ho sa panghihimasok pero talaga hong nakita ko kung ano ang ginagawa ni Dondon dun sa Amerkano. Tama ang sinabi ni Tony. naglalakad papunta sa UP lagoon. at ng kanyang maagang pagreretiro sa pulisya. Kung tutuusi‟y isa siya sa mga maituturing na masuwerte. na naging sanhi nang unti-unting pagdami ng kanyang uban at mga kulubot sa noo.178 Sgt. Isang malaking kaluwagan sa kanyang pamilya. pinagmamasdan niya si Dondon. Ito‟y magmula nang tumuntong ng ikaanim na taong gulang si Dondon at nagpakita ng unang mga sinyales ng kahinhinan. Katunaya‟y halos hindi niya iniinda ang talong anak niyang nag-aaral sa kolehiyo . Ilang taon na nga ba niyang pinapalampas ang mga sabi-sabi? Ilang pagkakataon na bang pinagtitimpian niya ang sariling huwag pumatol sa mga masasakit na mga salita? Sa pagkakaalam niya‟y mahigit nang sampung taong sinasadya niyang pamanhirin ang kanyang mga tainga. Ang nagdaang sampung taon ay tila isang mabigat na pasaning nakadagan sa kanyang balikat. Tatlo sa kanyang mga anak ang nagtatrabaho sa ibang bansa at patuloy ang pagpapadala sa kanila ng pera. may kaakbay itong Amerikano. Sa noo niya‟y nakabakat ang mga nag-usling ugat. Maingat sa pagkakakubli sa tabi ng isang poste.

Hindi niya raw alam kung ano ang sadya. Lumiko si Dondon at ang kasama nito. Pepper ang paghigpit ng yakap ng Amerikano sa kanyang anak. may umistorbo sa kanyang siesta. na tanging lalake sa kanyang mga anak. Isa ang malapit nang magtapos sa pagdodoktor. papasok sa animo parkeng napapalibutan ng malalabay na puno‟t nalalatagan ng luntiang damo. Ang sabi ng kanyang maybahay. Ang isa‟y kumukuha ng kursong abogasya. siya‟y may anak na lalake ngunit sa kabila nito‟y mapuputol ang tradisyon. Ito‟y sa kadahilanang ang kanyang bunso. Mayroon siyang apat na anak na nag-aaral ng high school sa iba‟t ibang mga paaralang pribado. na dapat sana‟y siyang magtutuloy ng kanilang tradisyunal na panata sa pagpupulis. Ang tangi niyang iniinda ay ang pangyayaring iisa lang ang kanyang anak na lalaki. Kahapon ng tanghali. At ngayon. at hanggang sa kanya ay naging bahagi ng pulisya. Labis-labis ang ipinapadalang pera ng kanyang mga anak na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Napilitan siyang iiling ang antok at bumangon para harapin si Tony. Ang kanyang mga nuno. Na sa hindi malamang dahilan. Pataliwas sa kalsadang kongkreto. Kitang kita ni Sgt. hanggang sa kanyang ama. Sa kanyang bunsong anak na nitong mga huling tao‟y nagiging agresibo na sa pagpaparamdam ng kanyang naiibang kasarian. ay may malaking suliranin sa pagkalalake. Ang isa nama‟y malapit na ring magtapos ng kursong Mass Communication. lumaking taliwas sa inaasahan n‟yo. . Ngunit ang dami ng mga pinag-aaral ay halos hindi nila iniinda ng kanyang maybahay kahit ngayong siya‟y retirado na.179 at kumukuha ng mabibigat na karera. Alam ko hong malaki ang hinanakit n‟yo sa anak n‟yo. anak daw ni Maria.

Sgt. Nakita niya ang pagpasok ni Dondon sa isang gusali. bahagyang yumuyuko si Sgt. Tapos nakita ko. Sa labasan.180 Kitang-kita ko ho silang dalawa. Nakaupo silang dalawa sa damuhan. Kangina pa lang hapon na nagpaalam si Dondon na pupunta ito sa kanyang kaklase at may tatapusing proyekto sa eskuwelahan. Pepper sa bakas ng dalawa. para palihim na sundan ang dyip na sinakyan ng kanyang anak. huwag ho kayong mabibigla. patalilis na sumunod si Sgt. Sa mga ganitong sandali. kaagad na siyang nagbihis. Hindi ho ako nagkakamali si Dondon ang nakita ko. Maingat ang kanyang pagsunod. kasama ko ang syota ko. dagli niyang pinara ang isang taxi at pinangakuan ang drayber nito ng ilang dagdag na pasahe. Noong umpisa‟y magkaakbay lang sila habang nakaupo sa damuhan. inikot niya ang buong gusali at inalam ang mga daanan papalabas. Mula sa pinagkukublihang poste. Tumataas-baba ang ulo niya. Nakagawa siya ng planong maganda. umiiwas na mamataan at mapagsino ng kanyang anak. Pepper. nakaupo ho ako sa malapit sa kanila. paminsan-minsang nagmemenor kung dumarating ang pagkakataong naaabutan ng taxi ang dyip. Nangingibabaw ang kanyang mahabang karanasan sa pagpupulis. bukod sa ipapatak ng metro. Hindi ko ho talaga gustong manubok kaya lang. Pumuwesto siya sa isang lugar kung saan tatlo sa apat na labasan ang kanyang . pero kitang-kita ko ho na nakasubsob si Dondon sa kandungan ng Amerikano. Tuloy tuloy ang takbo ng taxi. sumubsob si Dondon sa pantalon ng Amerkano. Pepper.

kaakbay ng isang Amerikano. Pepper ang paglakad ng dalawa. Nagsindi siya ng sigarilyo at nagmasid. bago malaman pa ng iba. Nakita niya ang pagsubsob ng ulo ng kanyang anak sa kandungan ng Amerikano. Tumataas-baba ang ulo ni Dondon. Kalahating oras siyang naghintay. Maya-maya. Sinundan ni Sgt. Pasalit-salit naman ang kanyang ronda para matyagan ang natitira pang labasan. Hindi naman ho sa nagsusulsol ako sa mga kuwento rito sa atin. Bang! Bang! Bang! Bang! . Itinutok ni Sgt.181 matamang mamamataan. nang kumalat na ang dilim. Nakalapit na siya‟t lahat ngunit walang kamalay-malay ang dalawang umuungol sa pananabik. nakita ni Sgt. Dinukot ni Sgt. Pepper sa kanyang tagiliran ang isang rebolber Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa noo‟y umuungol na Amerikanong ang mga mata‟y nakapikit. Umupo si Sgt. hanggang sa makarating sila sa parke. marahil ay sa sarap na nararamdaman dulot ng ginagawa ng kanyang anak sa kandungan nito. Pepper sa tabi ng isang matabang puno at isinandal ang kangina pa nangangalay na katawan. Pepper ang baril sa noo ng Amerikano. Nagdilat ito ng mga mata at sa liwanag ng buwan. Pepper ang gulat sa mukha nito. Kaya nga ho sa inyo na kaagad ako nag-report. Hindi ko ho gustong magkagulo-gulo tayo. Pepper ang pagbabago ng posisyon ng dalawa. Kitang-kita ni Sgt. nakita niya ang paglabas ni Dondon sa gusali.

. Ang kamiseta nito‟y may mga pilansik na dugo. Pepper ang tatlong pasahero nito. idinahilan ang police business at inginudngod papasok ng taxi ang kanyang anak.182 Hinawakan niya sa buhok si Dondon at kinaladkad ito papalayo sa nangingisay na Amerikano. Pepper sa may kalsada at dagli niyang pinara ang isang paparaang taxi. Nagtititili ito at paulit-ulit na sinasambit ang darling Wayne. Nakarating sina Sgt. Pepper sa gitna ng daan at itinutok ang rebolber sa taxi. Humarang si Sgt. May sakay ang taxi kung kaya‟t ni hindi ito nagmemenor. Sinabi niya sa tsuper ang kanilang destinasyon. Pinababa ni Sgt.

“Tang inang „to. Putsa. reklamador ka pa. masagwa sa akin.” pakli ng waiter. meyn. maganda. ha. magaganda ba talaga iyong mga tsikas na sinasabi mo?” “Oo. duda kase ako kapag sinasabi mong maganda. DIto sila pumasok. kung ayaw mo. Dumukot siya sa kanyang bulsa at binayaran ang drayber.” “Oo. sir.” .” “Bakit naman?” wari‟y tila nagtatampong tanong ni Elmer. Ikaw na nga ang hinahanapan ng babae.” “Puta. umuwi ka na. bukod sa kape ay humingi sa waiter ng isang basong tubig na maraming yelo. sige. eh. Pagkaibis nila ay naglakad pa sila ng kaunti hanggang sa marating nila ang isang sikat na coffeeshop. yung maganda sa iyo.. Hindi mo ipagpapalit sa kahit na ano‟ng bisyo. yung konti na lang ang maiinom kong tubig dahil sa dami ng yelo. “Kase kalimitan. pare. pare. Nagsindi si Tony ng sigarilyo habang minamanmanan ang mga ngitian at kuwentuhan ng mga tao sa kanilang palibot. “Yung maraming-maraming yelo. eh.” “O. Puta ang katawan. “Mer. Basta sabi mo. Buti nga isinama kita rito. Ako na lang ang babanat doon sa dalawang bebot. tama na.” “Yes.183 Date Pinara ni Elmer ang taxi sa tapat ng isang kilalang hotel sa Makati. Si Elmer. Pag-upo nila‟y umorder sila ng dalawang tasang kape. yung nakakasakit na ng ulo.

Kape pa lang. Nagpadala si ermats ng pera. bakit dito pa tayo magkikita-kita. kuwarenta pesos na. asukal at dalawang tasa ng umuusok na brewed coffee. Nakita ni Tony ang ilang dadaanin na nakaipit sa pitaka. sa bahay ng bayaw ng pinsan noong katropa ko. High class itong tinutukoy ko.” “Relaks ka lang. para kay Elmer.184 “Saan mo ba nakilala iyong dalawang iyon? Saka. Tony. Nagpunta kami noon sa Dasma. Ang isang dadaani‟y medyo nakalabas nang bahagya ang kanto sa may pitaka. Eh ang mamahal ng pagkain dito. „tol. Sinadya ito ni Elmer.” “Eh. ano? Puta. baka hanggang sa pagtanda natin. ngayon lang tayo makakabanat ng chikas na dekalidad. “Nakilala ko iyong dalawa sa isang party ng katropa ng pinsan ko. ipagmalaki natin hanggang sa mga apo natin sa tuhod. Gusto nitong nakikitang laging may lamang ube ang kanyang pitaka kahit hindi pa man binubuklat. pare. Inilapag ng waiter sa kanilang mesa ang isang maliit na kopita ng fresh milk. .” Dinukot ni Elmer ang kanyang pitaka at binuklat sa harap ng mukha ni Tony. di sana nakabanat ka kahit isa doon sa mga naggagandahang bebot doon. Huling inilagay ng waiter sa mesa ang isang basong tubig na kumikinang sa dami ng gma nakalutang na yelo.” “Na lulustayin natin. kung sumama ka sa akin noon. Putsa.” “At bakit naman ako sasama sa kamag-anak ng bayaw ng pinsan ng katropa ng kapatid ng kung anupaman?” Dumating ang kanilang inorder na kape. Tangna. Eh baka maglakad na tayo niyan pauwi. pare. Paldo tayo ngayon. naisip ni Tony.

bagkus. Ang suwerte naman ng kumag na ito. Sa mesang katabi nila ay halos magdikit na ang mga nguso ng magsyotang nag-uusap. Nang mapino na ang lahat ng yelo. nakakuha ng magandang syota. Kahit pangit. Iginawi niya ang kanyang tingin kay Elmer. Wari‟y kuntento na sa pagkakalapit nilang dalawa. Sapat na ang mga wika ng mata at bulong ng mga haplos.185 Tinimplahan ni Tony ng fresh milk ang kanyang kape. itinigil ni Elmer ang pagnguya. iniluluwa muli sa basong kanyang iniinuman. Napansin niyang hindi nag-uusap ang dalawa. Kinilatis niya ang mga muwestra ng mga tao habang nagsasalita at kumakain. Pagkatapos ay kanya itong binuhusan ng fresh milk at saka hinalo ng kutsara. Inabot nito ang lalagyan ng asukal at nilagyan ng asukal ang nginuyang yelo. . hindi na kailangan pa ng mga salita upang patingkarin ang nagbabaga nilang pag-iibigan. Patuloy na nginunguya ni Elmer ang yelo. Plunging neckline ang suot nitong blusa. Ang yelong kanyang dinudurog sa bibig ay hindi niya nilululon. Ang pagmumuni-muni niya‟y pinutol ng tunog ng nginunguyang yelo. Naaaninag ang puti nitong bra. Ipinagpatuloy niya ang paghitit ng sigarilyo. Iginawi ni Tony ang kanyang mata sa dibdib ng babae. Muling iginala ni Tony ang kanyang tingin. saka nilagyan ng limang kutsarang asukal. hanggang sa halos ang buong baso ay mapuno ng animo ginagad na yelo. Pinagmasdan sila ni Tony. nakatawid sa mesa ang dalawang mga kamay na magkahawak. sa isip ni Tony ay parang nakikita niya ang mamulamulang mga utong. Nginunguya na naman nito ang yelo. Isang ugali ni Elmer na ngumuya ng yelo.

186 “Instant halo-halo,” nagmamalaking pakli ni Elmer. Hinalo niyang parang halo-halo ang baso. Napatingin sa kanila ang ibang mga kostumer. “Mer, tigilan mo nga iyang kahibangan mo. Tuwing kakain tayo sa labas, lagi ka na lang gumagawa niyang instant halo-halo. Hindi ka ba nandidiri diyan? Puro laway mo na iyan, ah.” “Eh, ako lang naman ang kakain, eh.” Maya-maya ay dumating ang kanilang hinihintay. Dalawang babaeng nakabihis ng bestidang matitingkad ang mga kulay. Naitaya ni Tony ang mga edad ng kanilang mga katipan. Nasa disi-otso hanggang bente, tamang kaedad rin nila ni Elmer. “Maupo kayo,” nakangiting anyaya ni Tony na pinaunlakan ng dalawang babae. Pakilanlan. Si Daisy at si Minda. Totoo ngang hihg-class. Pag-upong pagupo ay nagsindi agad ng sigarilyo ang dalawang babae at tinanong kung saan sila pupunta. “Saan n‟yo ba gustong gumimik?” tanong ni Elmer. “Saan ba ang plano ninyo?” “Huwag ninyo kaming tanungin. Kayo ang bahala kung saan ninyo gustong pumunta, doon tayo.” Lumapit sa kanila ang waiter, bilang pagtugon sa kaway ni Tony. Hiningi ng waiter ang kanilang karagdagang order. Dalawang mango juice para kina Daisy at Minda, isang basong yelo naman ang kay Elmer. “Ikaw, Tony, ano‟ng sa iyo?” tanong ni Elmer sa kaibigan.

187 “Wala, tubig na lang siguro,” sagot ni tony. “Punta na lang tayo ng Tagaytay,” bungad ni Daisy. Nagkatinginan si Tony at Elmer. Ang kahulugan ng Tagaytay ay panibagong gastos ng pamasahe. “Sige, sa Tagaytay na lang tayo,” sagot ni Minda. “Eh, girls, magastos sa taxi iyon. Baka puwedeng dito lang tayo sa loob ng Metro Manila.” Nagtatakang nagkatinginan ang dalawang babae. “Wala kayong kotse?” Nagkatinginan sina Tony at Elmer. “Wala, eh,” tila nahihiyang sagot ni Elmer. Saglit na natahimik silang apat. Pagkuwa‟y nagpaalam ang dalawang babae para pumunta sa palikuran. Pagkaalis nila‟y agad na pinag-usapan nina Tony at Elmer kung ano ang maganda nilang gawin, kung saan magandang pumunta. Napagkaisahan nilang manood na lang ng sine. Pagkatapos nito‟y kumain sa labas, at saka magtuloy sa motel. Maya-maya ay bumalik na ang dalawang babae. “Maglinawan muna tayo,” bungad ni Minda. “May mga pera ba kayo?” Nagtatakang tumango si Elmer. Nakatingin lang si Tony. “Bakit mo naman naitanong?” nagtatakng tanong ni Elmer. “Mukha ba kaming mga walang pera?” “Gusto lang naming ilinaw, bago tayo lumakad. One thousand ang presyo namin, kaming dalawa.”

188 Napanganga ang dalawang binata, hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Pagkuwa‟y natawa ng mahina si Tony. “Tama ka, Elmer. Mga high-class nga ang mga ito.” Nakanganga ang bibig ni Elemr. Wari‟y hindi makapaniwala sa narinig. Sa isang kanto ng kanyang bibig ay tumulo ang kanyang laway. “Kailangan kasi, malinaw ang usapan bago kami sumama sa inyo.” “Akala namin, hindi kayo, ano…” “Sorry kung mali ang akala ninyo.” “Pero sulit kayo sa one thousand. Puwede tayong mag-foursome. Siguradong masisiyahan kayo sa serbisyo namin.” “Ang ibig ninyong sabihin, mga ano kayo?” tanong ni Elmer. “Ano ka ba naman, Elmer,” naiiritang puna ni Tony sa kaibigan. “Sinasabi na nga sa iyong mga puta sila, ayaw mo pang maniwala.” Nagsindi ng sigarilyo si Tony at hinarap ang dalawang babae. “Baka naman puwedeng five hundred na lang,” tawad niya. “Hindi puwede. Mababa na nga ang sa inyo, sa iba, one-five ang singil namin.” “Ang mamahal naman ng mga puke n‟yo.” “Eh magaganda naman ang mga puke namin. At siguradong malinis. Hindi kagaya sa mga pakalat-kalat diyan sa labas.” “Six-hundred, huling tawad,” may yamot sa tinig ni Tony. Ang lagay, gumastos na sila sa pamasahe at as inorder na kape at mango juice, hindi sila makakaiskor?

189 “Sorry,” sabi ni Minda. Pagkuwa‟y tumayo ang dalawang babae at humakbang palayo sa mesa nila. Sinundan sila ng tingin ni Elmer. “Tangna, mga putatsing pala ang mga iyon,” nanghihinayang ang tinig ni Elmer. “Hindi lang basta puta. Mga primera-klaseng puta. Kumbaga, sila ang mga diyosa ng kaputahan sa Pilipinas. Kaya siguro naninignil sila ng mahal. Halika na, uwi na tayo. May exam pa ako bukas, kailangan kong magrebyu.” “Tangina, Tony, punta na lang tayo ng Mabini. Yung mga puta doon, kaya nating bayaran.” “Bakit ka pa magbabayad? Eh, marami namang pokpok sa atin, libre pa. tara na.” “Teka, baka puwedeng humingi ulit ng isang basong yelo, one for the road.” “Halika na!” “Sige na nga.”

190 Kasal Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling pumasok ng simbahan. Trip namin ni Elmer na tumayo sa may bandang likuran at pagtripan ang mga seksing babaeng nagsisimba. ang mabigyan sila ni Pablong Shoeshine ng disenteng kasal. puro mga simbang porma na lang. si Elmer. kapag pala inahitan at ginupit ang tumatabal na buhok. Pero ayoko. Matagal na panahon na. noong first communion. Kahit minsan lang sa buhay ko. Sa suot niyang puting gown. Tama. para siyang hindi taga-iskwater. Ito na siguro ang pinakamagandang regalong maibibigay ko. Mukha siyang middle class. At si Pablong Shoeshine. Alas-sais nag-uumpisa ang Lovers‟ Mass. Noong binatilyo pa ako. Malaki rin ang nagastos . Maganda talaga ang nanay ko. Karamihan ay talagang pangmalakasan ang mga suot na damit. sampu ng mga tuta niyang opisyales ng looban. Mapapansing karamihan ay mga dalaga‟t binata ang nasa loob ng simbahan. iyon ang huli kong simbang seryoso. Kapag nakipagkilala kami. mabigyan ko man lang ng isang regalo ang nanay ko. Ang mga sumunod. Kung minsan. mukhang tao. regalong magkakaroon ng natatanging puwang sa isip niya hanggang sa mamatay siya. Ang gusto sana ni ermats. madalas kong kasama sa Lovers‟ Mass. Ang huli ko yatang simba. nakikipagkilala naman. sumabay sa mass wedding na sponsored ng kung sinong kupal na pulitiko. mayroong mga tsikas na hindi matataray.

Siguro naman. Nakabili ako ng lupa roon. Gustong sumama ni Dino pero pinigilan ko. Napanood niya raw kasi iyong pelikula ni Ramon Revilla. Ang tarantadong . Bahala na raw ako. Siguro naman. doon ako titira sa panahong magretiro ako sa trabaho. Kailangan nila iyon para sa bagong buhay. Tapos. dapat lang. Dapat sana. Pero sa kanila na lang. puro mga taga-looban. honeymoon nina ermats sa Zamboanga. Okey. Tangna. Sa tingin ko. kako. doon na rin siya mag-aaral ng kolehiyo. Ang mga abay at iba pang kalahok. sabi ko. Sige. Ako ang gumasta ng mga barong at gown. gusto niya raw makita si Kamlon. Hindi ko alam kung seryoso o nagloloko lang si Pablo. tutuloy sila sa bagong bahay na ipinagawa ko para sa kanila. Kasama nila si Dino. Binigyan ko rin sila ng konting puhunan. puntahan mo si Kamlon. Hindi ko alam kung bakit doon nila gustong mag-honeymoon. Tinanong ko kung magkano ang kailangan. makakaistorbo lang siya sa honeymoon. sa kanilang paglayo sa looban. alam niyang matagal nang patay si Kamlon. walang problema. Bakit sa Zamboanga nila gustong mag-honeymoon? Ibigay ang hilig. Sa Malolos sila titira. At pagkatapos ng kasal. panahon na para sumaya ang inay.191 ko pero okey lang. Dalawang Linggo sina ermats sa Zamboanga. nasabi kasi sa akin ni Pablo na balak niyang magtayo ng tindahan ng sapatos. salu-salo sa isang sikat na restoran. Pagkatapos. Si Elmer ang best man. Ang sabi ni Pablo. Unang sakay ni ermats ng eroplano. Pero ewan ko rin. tungkols a buhay ni Kamlon.

sabi ko. ayokong makitang si Pablo ang hahalik sa nanay ko. Pangalawa. Kahit na pinagbayaran na niya sa bilibid ang kasalanan niya. ayaw ko pa rin kay Pablo. Sana ganoon din ako kasaya. . Masayang masaya. bagamat hindi ko na sinasabi kay inay ang pagtutol ko. Bakit daw. Una. ayokong makitang hinahagkan ng ibang tao ang nanay ko. Nagpaalam ako kay Dino. Exit na ako bago pa man utusan ng pari ang lalake na hagkan ang babae. Hindi ko na tinapos ang kasalan.192 „to. Bago ako lumabas ng simbahan. ako pa ang papoproblemahin sa pagkukuwenta kung magkano ang kailangang panimulang kapital para makapagpundar ng tindahan ng sapatos. Tanging kamatayan lang ang makapagpapatawad sa kanya. sira ang tiyan ko. Sabi ko. Hanggang ngayon. Ang maging arsonista ay isang mabigat na kasalanan. Nakakainggit siya. alis na ako. tiningnan ko ang nanay ko. Baka doon pa ako sa simbahan magkalat.

may baga ng sigarilyong nakasubo sa bibig.” sagot ni Tony. Ito lang ang tindahan sa lugar nila ang hindi nagsasara.” sagot ng panauhain. Umupo sila sa isang mesita. mga ilang hakbang ang layo mula sa kanilang pintuan ay hugis ng isang mamang matangkad. Dinukwang niya ang kanyang kamisetang nakasampay sa babahan ng bintana. binuksan ito ng bahagya at dumungaw sa labas. “Ako nga. Pinadpad sila ng kanilang mga talampakan sa nag-iisang karinderya sa may paglabas ng looban. Pepper. “Sgt. Ang tangi niyang nakita sa labas. Isinuot niya ito at lumabas ng bahay.193 Dondon Mahimbing ang tulog ni Tony nang maramdaman ang tapik ng palad sa kanyang pisngi. Si Tony ay umorder ng isang malamig . Tinungo niya ang pintuan. nandiyan si Sgt.” anas ng kanyang ina. Kabang may kaugnayan sa nabalita sa radyo. “May bisita ka. diyaryo at telebisyon nitong mga nakaraang araw. Madilim ang gabi at ang nagiisang posteng umaandap-andap ang bombilya‟y tila nagdadagdag pa ng dilim sa halip ng liwanag. Pepper?” paniniyak ni Tony. “Sandali lang ho. puwede ba tayong mag-usap?” May kabang gumapang sa katawan ni Tony. Pupungas-pungas na bumangon si Tony. “Tony. tungkol sa isang Amerikanong walang awang pinaslang sa nangungunang pamantasan sa bansa.

“Patay na si Dondon. Humigop ng kape si Sgt. Nabuwal ang kanyang bangkong inuupuan. hindi mo alam kung ano‟ng nangyari kay Dondon? Sa anak kong si Dondon?” “Hindi ho a—“ “Ngayon. Pepper. Pepper at dumapo sa ilong ni Tony. Humigop ito ng kape at nagsindi ng sigarilyo. Sa lakas ng suntok ay nawalan ng balanse sa pagkakaupo si Tony. na masaya ako‟t nawalan kayo ng anak?” . Hinimas-himas niya ang mamasa-masang bote ng serbesa sa harapan niya. Wari‟y hinahayaan niya munang lumublob ang bigat ng kanyang sinabi sa isip ni Tony. Hindi kaagad nakabango si Tony. “Ano‟ng ibig n‟yong sabihin. Malapot ang dugong tumulo sa sahig mula sa ilong ni Tony.” pagtatapat ni Sgt. “Ang ibig mong sabihin. lumipad ang kamao ni Sgt.” nagtatakang tanong ni Tony. Pakiramdam ni Tony ay bumara sa lalamunan niya ang nilalagok na serbesa. “Paano hong namatay. masaya ka na. nangangapal ang kanyang paghinga sa pagsargo ng kanyang dugo sa ilong. Pepper nama‟y humingi ng isang tasa ng mainit na kape. Pepper. Tony?” Hindi malaman ni Tony kung ano ang isasagot. Umiikot ang kanyang paningin. Pepper. “Patay na si Dondon.” ulit ni Sgt. “Ano‟ng paanong namatay?” sigaw ni Sgt. Bigla. Pepper.194 na serbesa habang si Sgt.

ginamit mo ako. Sa mga oras na iyo‟y namamawis ang kanyang noo. kaya mo sinumbong sa akin si Dondon. At lagi mong inuuna ang sarili mong kapakanan. malamang may galit ka sa Amerikanong taga-UP. uniporme. Tony. naisip niya. Ang totoo.” Hindi kumikibo si Tony. “Hinahangaan ko ang talino mo. Dapat ba niyang palampasin ang ginawang pagsuntok ni Sgt. Iyan ang mga katangian ng isang tunay na lalake. totoo man o hindi.” “Bakit n‟yo naman ho nasabi iyon?” Tumawa ng mahina si Sgt. Mali ang una niyang entrada. Nilagay mo ako sa alanganin. Pepper? Dapat ba siyang gumanti? Ngunit tila may importanteng sasabihin ang kanyang kausap. Sapo niya ng isang kamay na may hawak na panyo ang dumudugo niyang ilong. Ang dinig niya . Ang kulang na lang sa iyo. Alam ko. Kanginang pag-uwi niya galing sa eskuwelahan. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. napansin niya ang pagkukumpulan ng mga tao sa harap ng bahay nina Sgt. walang balita. pagtatawanan ako ng buong looban. Tony. Magaling kang dumiskarte. Kung nagpulis o sundalo ka lang sana. Pepper. Pepper. Dose-dosenang mga nanay ang kasalukuyang nagtatrabho ng pultaym sa pagkakalat ng mga balita. kailangan niya itong marinig. Alam mong kapag wala akong ginawa. ang hindi nakakarating sa mga tenga ng bawat isa. talagang lalakeng lalake ka na. Humigop ito ng kape. sino nga ba naman ang hindi makakabalita sa pagkamatay ni Dondon? Dito sa looban.195 “Bistado kita.

“Kung nagpulis ka lang sana. kahit namatay ang kaisa-isang kong anak na lalake. “Sayang ka. Ayon sa suicide note na natagpuan ng mga kaanak ni Dondon. ang anak na bakla ni Sgt. Nag-aalala siya na baka tamaan na naman ang namamaga niyang ilong. Tutal. Naisip ng binata na kung sakali mang bigyan siya ni Sgt. Sabi ko. nakakubli sa ilalim ng mesa. Heto ang batang lalaking ilalaan ang buhay sa pagtuklas at pag-ani ng mga karanasan.” Naputol ang pagmumuni-muni ni Tony. Pagtayo niya‟y tumayo rin si Tony.196 sa mga bulung-bulungan ng mga tao ay nagbigti raw si Dondon. Sana raw. Heto ang batang paglaki. tinitingnan na kita. Pagkuwa‟y tumayo na ito. heto ang batang lalaking may bayag. Mabuti na rin siguro iyong ganoon. baka pinatay na kita sa gulpi. “Pero kahit inagrabyado mo „ko. sa kanyang pagkamatay ay maging mapayapa na ang kanyang pamilya. hindi na niya raw kaya ang pagmamalupit na ginagawa sa kanya ng mga taong malapit sa kanya. Kung ako ang tatay mo. Pepper. Ang kanyang mga palad ay mahigpit na nakakuyom. makakaiwas siya. hindi rin naman lalake si Dondon. Bilang paghanga ko sa galing mo. Tony. . “Matagal na akong hanga sa iyo. aalis sa looban.” Sinimot ni Sgt. Tony. Sinasayang mo lang ang talentong bigay sa yo ng Diyos. Hindi na niya kaya ang pandidiri sa kanya ng mismong ama niya. Ginagamit mo sa masama ang talino mo‟t galing. Maliit ka pa lang. Pepper ang laman ng kanyang tasa. hindi kita gagalawin. Pepper ng one for the road. Paalam.

Sa tingin niya. Siguro. nawala ang tikas ng pagiging pulis nito.” Sinundan ni Tony ang papalayong anino ni Sgt.197 “Aaalis na ko. kapag malamig na ang ulo ko. ikukuwento ko sa iyo kung paano ko tinira iyong kano. Yukot ang mga balikat nito. Tony. Nilagok niya ang natitirang serbesa at binagtas ang madilim na eskinita papauwi sa kanilang dampa. . Pepper. sa ibang araw.

naisip niya. buhay na buhay pa rin sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Mutya. Hindi siya nakilala ni Mutya. Bumili siya ng isang kahang sigarilyo. Nagbabantay si Mutya ng tindahan na sa tingin niya. umalis ng looban sina Mutya. Ito ang naiisip ni Tony habang sinusundan si Mutya. Ilang taon na nga ba? Lima. hindi na niya matandaan. Sa kanang kamay niya ay tangan niya nang mahigpit ang isang tubong may dalawang talampakan ang haba. Lumiit na ang dati‟y matipunong katawan. Makalipas ang ilang taon. sa bahay ng isa niyang dating kaklase. Tamang-tama. Ang tiyan nito‟y unti-unti nang lumolobo. Nang minsang mapadpad siya sa Proj. Hiniram niya sa tambakan nina Mang Eloy ng looban. nakita niya si Mutya. Ilang linggo matapos ang sa tingin niya‟y nakakahiyang panggugulpi sa kanya ni Mutya. hindi siya nakaganti. . Aksidente ang pagkakatagpo niya kay Mutya. Kung paano siya gumulong sa putikan nang suntukin siya nito. Sayang. Ang natatandaan na lang niya‟y ang kahihiyang inabot niya sa mga taong nanonood sa suntukan nila ni Mutya. walo.198 Mutya Lintik lang ang walang ganti. ngunit hindi siya nito nakilala. Pero lintik lang ang walang ganti. Malaki ang pinagbago nito. makalipas ang ilang taon. 4. Pero ngayon. anim. siya ang may-ari. tanda ng dinaranas nitong kaalwanan. “Tindahan ni Mutya” ang nakalagay na karatula sa itaas. pito. tinitigan niya ang mukha ni Mutya.

ay nakipagkuwentuhan siya kay Mutya.199 Ilang araw siyang nagbabad sa gawi ng tindahan. Linggo ng madaling araw nang makalimutan ni Mutya kung paano maglakad. na sa tingin niya‟y anak. napansin niya. Nasa tono pa rin ng pananalita nito ang yabang ng isang taong sigurado sa kanyang sarili. Kung noo‟y isa siyang patpating bata. . malaki na rin ang pinagbago ng kanyang hitsura. Kunsabagay. Sa Divisoria umano ang kanyang destinasyon. ang yabang nito. Kalimitan ay mayroong kalong na bata si Mutya. Linggo ng madaling araw nang mamaalam ang mga paa ni Mutya sa mahabang panahong pakikipagniig ng mga ito sa lupa. Minsay umistambay siya sa mahabang upuang nakapuwesto sa bukana ng tindahan. Parang himala na hindi siya nito nakilala. Linggo ng madaling araw nang makatikim si Mutya ng asim at pait ng paghihiganti. ngayo‟y mama na siya. pag-inom ng Coke. Dala-dala pa rin ni Mutya. Pinag-aralan niya ang labas at pasok ni Mutya sa kanyang tindahan. Sa kuwentuhan ay napag-alaman niyang tuwing Linggo ng madaling araw kung mamili si Mutya ng kanyang mga paninda sa sari-sari store. kung saan mura ang mga sitsiryang paninda. Sa kanyang pagkakaupo. Lintik lang ang walang ganti.

Pag may pagkakataon daw siya. pagdurusa at paghihirap. Siya na kako ang bahala roon. Bukas na ang alis ko. Hindi naman sa pinipilit ako ng lipunan na bumalik sa tiklop ng lilim nitong walang naidulot sa akin kundi kahihiyan. Ako mismo ang naghahanap. si Klara. Ang problema. Nagising ako isang gabi. sa gitna ng panaginip na nagkahugis sa isang malaking bahay na kasalukuyang nagdiriwang ng pista. ang ibang tao. kayang palampasin. Ipinaubaya ko na kay Sarge ang mga tanim kong marijuana sa garden. Kahit na isara ko ang sarili ko sa lahat ng bagay. At dahil sa kalagayan ni Sarge na wala naman talagang pinagkakakitaan. dito na ako magtatagal sa Baguio. at ang tanging inaasahan ay ang buwanang padalang pera ng kanyang kapatid na siyang kaisa-isang nakakaalala sa kanya. Akala ko noon. Ako mismo ang tumatawag sa mga bagay o pangyayari para lumapit sa akin. Kung ganoon sanang tulak lang ng ibang bagay. Hindi pala. Malakas pa rin pala ang tawag ng mundo. Nagising ako sa gitna ng panaginip. Nagising akong pinagpapawisan at ang una kong naisip. ang sarili ko. ibig sabihi‟y hindi siya makakadalaw sa akin sa Quezon. ang mga babae. ibig sabihi‟y kung magkakapera siya ng malaki-laki.200 Baguio 1999 Nakaayos na lahat ng gamit ko. . hindi pa rin puwede. nang akmang dadamputin ko ang piniritong hita ng manok na namimintog sa dulas ng mantika. Nariyan pa rin ang lipunan. ang mga pangyayari. Ngayon alam ko na na hindi lang ako ang nagdedesisyon para sa buhay ko. dadalawin niya daw ako sa Quezon.

nagbibiro siya. At may pinag-aaral siya sa kolehiyo. Walong libong piso para sa bahay na may katamtamang laki at lupang kinatitirikan nito at ng maliit na garden. milyonaryo ako at hindi ko kailangan ang perang ibabayad ni Sarge. At panghuli. Akala ko kasi. Ibinibigay ko pero ayaw niyang tanggapin. lagi ko nang naiisip ang Quezon. dapat kong tanggapin kay Sarge ang walong libo. Kasi si Sarge. natahimik ako. na bago kami maghiwalay ay sinabi niyang nasa ilalim ng kanyang sofa sa sala. hirap siya sa buhay. ang planong ibayad sa akin ni Sarge. maprinsipyo. ipinaubaya ko na kay Sarge. Ang kaso. sa Quezon. na ayon sa kanya‟y hindi raw gaanong kalakihan. At higit sa lahat. nahihiya naman akong tumanggap ng bayad dahil alam ko. At isa pa. Gusto niyang bayaran. nakatali ng laste at nakasilid sa isang lumang medyas. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung tatanggapin niya ang bahay at lupa bilang regalo ko. Naniniwala siyang ang anumang bagay na hindi niya pinagpawisan ay hindi dapat na mapasakanya. Napag-isip-isip ko.201 Tama. Pero nang mapagtanto kong seryoso ang pananalita niya. Walong libong pisong tanging naiipon niya at iniingat-ingatan at pinakatatagu-tago. mahahanap ko na ang sarili ko. kahit man lang pormalidad na binili niya ang bahay at lupa. Itong bahay. doon. Siguro naman. Lalo pa‟t mapapalapit ako sa babaeng siya naman talagang gusto kong makasama mula pa noong hindi pa ako tinutubuan ng bulbol at wala pang hibo ng malisya sa utak. ay walong libong piso. Mula nang matanggap ko ang postcard na ipinadala sa akin ni Klara. kapag . Noong umpisa‟y gusto kong batukan si Sarge.

hindi na kami nakakaisip pang kumatok. At gayon nga ang ginawa ko. Noong isang linggo. Pagbukas ko ng pinto. Nakita ko si Sarge. Takbo ako papunta sa kuwarto. Pero narinig ko ang ugong ng radyo sa kuwarto kung kayat naisip kong baka natutulog si Sarge. nakita ko kaagad si Sarge sa balandra ng reflection sa salamin. marahan. Nakasubo sa bibig niya ang ari ni Efren ang Ifugao na pinag-aaral niya. baka lalo lang siyang maawa sa sarili niya. . nakarinig ako ng ungol mula sa kuwarto. Ang pintuan ng silid. Bigla kasi akong pumasok sa bahay niya. Hinila ko pasara ang pinto. Pumihit ako palabas. Hindi niya ako kita dahil nakukublihan ako ng pinto. Naisip ko. sapat lang para magkaroon ng awang at makita ko si Sarge. Hindi naka-lock ang pinto. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ng bahagya ang pinto. Sa dalas kasi ng punta namin sa bahay ng isa‟t isa. naisip ko. nakilala ko nang tuluyan si Sarge. Bago ako makalabas. walang tao. Ngayong kilala ko na si Sarge at kahit papaano‟y nararamdaman ko ang sakit ng loob niya sa mga problemang ipinataw sa kanya ng buhay. nakaharap sa salamin. At iyon ang pinaka-ayaw kong mangyari. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay ni Sarge at umuwi. sa halip na matuwa siya. baka binabangungot si Sarge. Kipkip ko sa palad ko ang ilang buto ng marijuana na napag-kasunduan namin ni Sarge na itanim sa garden niya. Pagpasok ko sa bahay ni Sarge. mamaya na lang kapag gising na si Sarge.202 niregalo ko ang bahay at lupa.

na nagkakahalaga ng mahigit sampung bilyong piso. mga malalaking bangko. sumemplang. ang crash daw o ang pagkasira ng computerized system nila ay dahil sa millenium bug. pumutok sa diyaryo‟t telebisyon ang pinakamalaking systems crash sa buong bansa. agad kong inaresto. kapag plastado na ako sa Quezon. at mga malalaking insurance corporation. Nagtesting umano sila ng ilang programa. ang pinakamalaking pagkalugi raw ay tinamo ng Great Insurance Corporation. Siguro. o baklang nagkukunwang tomboy. ilang sangay ng gobyerno. Napakabait sa akin ni Sarge at hindi na mahalaga sa akin kung lalake siya o bading. Noong isang linggo. Mas higit pa siguro sa pag-unawang iginagawad sa kanya ng kapatid niyang nakatira sa Amerika at sumusustento sa kanya. mga malalaking funding institutions. Nagsisisi nga ako dahil nang malaman ko ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Sarge. Ang apektado ng systems crash noong isang linggo. Naapektuhan din ng crash ang ilang malalaking kumpanya sa labas ng Pilipinas. Ang sabi sa balita. medyo nanlamig ako. ipinasok sa Y2K testing. wala silang contingency plan. At saka. hindi na mahalaga sa akin. o babaeng may lawit. Pero yung panlalamig ko. ke tibo siya na nagbabakla-baklaan. o iskemang pangresolba kung sakaling papalpak ang programa. Ang sabi ng mga opisyal ng Great Insurance. ako ang nakakaunawa kay Sarge. sa araw-araw ba naman naming pagsasama. Higit na malaki ang pinsala kaysa noong nagkaroon ng computer virus crash noong magtatapos na ang dekada otsenta. .203 Higit kanino man. Ang problema. padadalhan ko ng pera si Sarge para madalaw niya ako.

Alam ko. dalawang opisyal ng Great Insurance.204 Iyon ang paliwanag nila. ang pagpalpak ng programa ay bunga ng isang programang matagal nang namamahay sa kanilang network. ni hindi sumagi sa isip niyang ako‟y isang milyonaryo. ang programang nabanggit ay mula sa tatlong itim na diskette na nagkakahalaga ng disi-otso pesos ang isa. isang maong. kakailanganin ko raw ang mga iyon. Isang programang bubura sa mga records at mag-aakyat ng bilyonbilyong pagkalugi dahil sa pagkasira ng mga programang ginastusan ng milyon para lang mapatakbo. Na-trace nila ang programmer na gumawa nito. Pero ang hindi nila alam. Isiniksik ko na lahat ng dadalhin ko. isang maliit na travelling bag ang dala ko. Ang dalawa ngayo‟y nasa pangangalaga ng NBI at kasalukuyang iniimbestigahan. Maliit na travelling bag. natuklasan ng mga espesyalistang galing pa sa Amerika ang virus. Ilang araw matapos ang crash. Sa halos isang taong pagsasama namin ni Sarge bilang tunay na magkabatak. Yung iba kong mga damit. Nagalit nga noong ipinamigay ko ang mga damit ko. Sabi niya. isang tuwalya. . ang promotor ng nasabing virus ay dalawang inhinyerong nagngangalang Jeffrey Dali at Oscar Letig. Malaking pera umano ang gugugulin. limang brief. hindi niya tatanggapin. at ilang pares na medyas. kung kay Sarge ko ibibigay. mahirap daw magpundar ng mga panggarbo sa katawan. Sa pag-alis ko dito sa Baguio. Sa pagkakatanda ko. Ang lumitaw sa kanilang imbestigayon. Tatlong kamiseta. isang jacket. Saka. sepilyo. ibinigay ko sa Ifugao na kasama ni Sarge sa bahay niya.

ang mga tao doon. Huling kita ko kay Elmer. Sabi ko sa kanya. Pero saka na lang rin. na ang mga tao raw doon ay hindi alam kung ano ang marijuana at ang sarap na idinudulot nito sa katawan. ref. yung bago kong pick-up. Kapag ayos na ang buhay ko sa Quezon. at ang tanging nakasapatos ay ang gobernador. Ang dinig niya raw kasi. mahigit isang taon pa lang. Baka daw kasi walang kuwenta ang damo sa Quezon. puro nakayapak at ang tanging nakatsinelas lang ay ang mga ikinakasal. ibinigay ko na kay Sarge. Balak ko na nga ring itigil na ang pagyoyosi. Gusto ko sanang dumaan sa looban. stereo. saka na ako magpapakita sa mga tao. Sabi ko. Tinanong ako ni Sarge kung gusto ko raw magbaon ng damo. kapag nagpakita pa ako baka magulo lang. noong kasal ni inay. Kunsabagay. libre na iyon dahil binili niya ang bahay. malamang daw sa hindi. babawasan ko na. hindi na.205 Yung mga gamit sa bahay. Ang dadalhin ko lang naman talagang gamit. Ang plano ko kasi. Yun ang sasakyan ko papuntang Quezon. Tama. ititigil ko na rin ang paghitit ng damo. kakayanin ko ang lahat. pag-alis ko dito sa Baguio. Kapag daw ganoon kamiserable ang pamumuhay ng isang kabayanan. Ayos na ang buhay nila. Hindi na rin ako dadaan sa bahay nina inay. hindi uso ang damo roon. Pati pag-inom. kalan at marami pang iba. . Ang lahat ng ito‟y kakayanin ko. tulad ng TV. Padalas nang padalas at palala na nang palala ang pana-panahong pagsakit ng dibdib ko.

206 Paharap ako sa panibagong yugto ng buhay. Sana. At higit sa lahat. at maiugnay ko ang mga karanasan sa mga nakaimabak na gunita sa isip ko. Aakyatin ko ang Mt. dito na magtapos ang paglalakbay ko. At sana. Banahaw at titingnan ang ganda nito mula sa itaas. si Klara. WASAK . Ang sarap sigurong makapaglunoy sa mga beach ng Quezon at malasahan ko ang alat ng dagat. ibang perspektiba kaysa sa larawan sa mga post card. hindi ako mahirapan sa Quezon.

multiply. Salamat! NW http://absurdrepublic.blogspot. Kung gusto mo ng kopya ng libro.com . Sa nagbasa ng librong ito. Pasensya ka na sa mga typo.207 P. O hanapin mo kami sa facebook. Sana nagustuhan mo ang kuwento ni Tony.com.S. punta ka sa http://bookay. maraming salamat sa oras mo.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful