You are on page 1of 3

Kasaysayan ng

Wikang Filipino
Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang
Pilipinas, na itunuturing na isang malayang bansa, ay may sariling
wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino.

Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang pambansa? Sang-ayon


kay Dr. Isidro Dyan, isang dalub-wika mula sa Malaya - Polinesya,
"Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na
wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa.
Kailangang magkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang
pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.

Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa


Pilipinas - ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging
Filipino. Ang kasalukuyang Filipino ay isang isyung naging sanhi ng
pagsasalungatan lalo na ang mga taga-Cebu. Sabi ng mga Cebuano
ang Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog na sinasalita
lamang ng mga taong nasa katagalugan. Ngunit ipinaliwanag ng mga
awtoridad sa Filipino na ang Wikang Filipino ay hindi Tagalog kundi
‘sing wikang nabuo at kinilalang "lingua franca" ng Kalakhang
Maynila na lumaganap na sa buong kapuluan.

Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay


pinananahanan sa kasalukuyan ng 60 milyong mamamayan na
gumagamit ng mga 87 na iba’t ibang wika. Kabilang sa mga
pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol,
Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao. Pinaniniwalaang ang
mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isang katutubong
wika na masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-
hiwalay nila ng pook ngunit mayroon din namang naniniwala na ang
wikang Tagalog ay ginagamit hindi lamang ng mga katutubo sa pulo
ng Luzon kundi sa iba pang mga pulo.

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang


mapalaganap ang Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga prayle na
mag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang
kanilang wika sa mga katutubo. Sa ganitong paraan, nakapg-ambag
sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng
aklat gramatika ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas.

Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na


Pilipino laban sa mag Kastila ang kaisipang "isang bansa, isang
diwa." Kaya nga’t pinili nila ang Tagalog na siyang wikang tagalog
sa panahon ng propaganda - mga sanaysay, tula, kuwento, liham at

You might also like