You are on page 1of 7

Pandiwari:

Ang pandiwari ay salitang nagmula sa pandiwa at ginagamit katulad ng pang-uri


bilang panuring, pang-abay o pangngalan . Malinaw na naglalarawan ng kahulugan
nito ang tawag na pandiwari na isang pinaiksing pagtatambal ng pandiwa at pang-
uri.

6 na anyo ng Pandiwari

1. Salitang-ugat
2. Salitang-ugat na inuunlapian ng NAKA
3. Pandiwa sa 3 Panauhan
4. Pandiwang Alanganin
5. Pandiwang Tambalan
6. Pandiwang Pawatas

Pariralang Pandiwari

Pagsasama ng panlaping naka + salitang ugat + layon nito o kaya ay pagsasama ng pantukoy na
ang + pang-ngalang diwa + layon nito.

Halimbawa: Ang nakatayo sa unahan ng klasrum ay ang pinakamahusay na


mag-aaral.

7-6.4 Mga pandiwari

Sa wikang Filipino, ang pandiwari ay anyong makadiwang walang kabisaang pang-ubod {*} {2-
4.3}. Sa gayon, tungkuling pang-ibaba sa pangungusap ang maaaring tuparin ng mga ito at
gamitin bilang pang-uri, pang-abay o pangngalan; ngunit bilang pamaksa lamang kung hindi
maaari itong ipagkamali sa pandiwang may kabisaang pang-ubod. Pagsasama-sama ng salitang
pandiwa at pang-uri ang katawagan na pandiwari (susi {J/V}, {D/V} o {N/V} {7A-641 Θ}.

{*} Hindi binabago ang katangiang katinigan, pagkakabago at panahunan.

(2) Maaaring magamit na pandiwari ang lahat ng anyong panahunan. Pinapadali ito ng
katunayang na walang banghay sa panauhan at kailanan sa wikang Filipino {7-1.2 Θ}. Kung
kaya, may tatlong pandiwari ang bawat pandiwa, maging tahasan man o balintiyak: Pandiwari ng
pangnagdaan, kasalukayan at panghinaharap. Sa pamamagitan nito, nagagawa ang mga
pandiwari sa dalawang tinig at sa lahat ng panahunan at palaanyuang puspusang pareho ng
anyong pamanahon. Pampalaugnayang mapagbubukod ang pandiwari at anyong pamanahong
may kabisaang pang-ubod. Pandiwaring makangalan ang kinakain sa [1] na bumubuo ng
pamaksa. Pantuwid na panuring ang ng kuryente; ito'y panuring sa kinakain. Walang kabaisaang
pang-ubod ang kinakain; pag mayroon ay kawani sana ang kuryente at nasa fokus ng pandiwang
balintiyak (kinakain ang kuryente o kuryente ang kinakain [2]). Di-pambalarila at magulo ang
pangungusap na [3]; halimbawa ito kung kailan hindi maaaring gamitin ang pandiwari.

[1 {N/VP10/
Malakas ang kinakain ng air-con ng kuryente.
] E}

[2 Kuryente (hindi panggatong) ang kinakain ng air-con. {VP10/E}


]

Kinakain ng air-con ng kuryente ang malakas. (May pagkamalabo


[3 ang pangungusap na ito, dahil hindi makikita na pandiwari ang {N/VP10/
] kinakain at pinagkakamalan itong pandiwang may kabisaang pang- E}
ubod na hindi bagay sa pamaksang malakas.)

Iba pang mga halimbawa {7K-642}.

(3) Malimit ang pandiwari ay maaaring ipalagay na pandiwa (panaguri) ng isang pinaiksing
sugnay na makaangkop {12-5.3}. Karaniwang nawawalan an pamaksa ng sugnay na
makaangkop dahil katulad nito ang pamaksa ng sugnay na pang-itaas {12-5.4.1}. Kung kaya
maliwanag ang pagkakaparehong pampalaanyuan ng pandiwari at anyo ng panahunan. Gayon
din maaari pati ipaliwanag ang pagkawala ng kabisaang pang-ubod (at ng fokus kaugnay dito).

Dapat ibukod sa pandiwari na pampalaugnayang anyong pamanahon ang tanging pandiwari na


may iba-ibang panlapi {7-6.4.4}.

7-6.4.1 Pandiwaring makaturing

Katulad ng pang-uri, maaaring gamitin ang mga pandiwari bilang panuring sa pangngalan [1|2]
(pandiwaring makaturing, sa wastong pagsasalita: pandiwaring may gamit na makaturing).
Mayroon itong pang-angkop; panlapag ang mga ito. Maaaring kilalaning pinaiksing sugnay na
makaangkop ang lahat ng pandiwaring panuring. Magiging panaguri ng sugnay na makaangkop
(pandiwang may kabisaang pang-ubod) ang pandiwari [3|4|5], at mawawala ang pamaksa ng
sugnay na makaangkop, dahil katulad nito ang salitang kaugnay ng sugnay na makaangkop.
Kung makaturing ang gamit ay parating inilalarawan ng pandiwari ang isang kilos, pagpapatuloy
o kalagayan, pero hindi kailanman ang isang tao o bagay na sumasali sa kilos, pagpapatuloy o
kalagayan. Parati, maaaring palawakin ang pandiwari sa isang sugnay na pang-angkop.
Karaniwang ito ay nasa likod ng salitang kaugnay. Karaniwang bawal ang gamit ng pawatas
bilang pandiwari [2|6]. Madalang na nilalakipan ng pantuwid at pandako ang pandiwari [7].

[1] Lumalakad ako. {VA00/E}

[2] Nakita ko ang batang lumalakad. {J/VA00/E}

[3] Pinalo ang aso. {C-1(P-P=P-V(VP10/A) ..)}

[4] Umiiyak na ang pinalong aso. {J/VP10/A}

{C-L/P0(P-P=P-V(VP10/A P-
[5] Umiiyak na ang asong pinalo ng malikot na bata.
C))}

[6] Nakita ko ang batang lumakad. {J/VA00/N}

Ito ang lansangang aming pinanggalingan.


[7] {P-J(MA.PP.L J/VP10/A)}
{7A-6411 Σ}
7-6.4.2 Pandiwaring makaabay

Madalang na ginagamit na pang-abay ang pandiwari (pandiwaring makaabay). Maaaring maging


sanhi ng pagkakagulo ang pampalaanyuang pagkakapareho ng pandiwari at anyong panahunan
ng pandiwa (at sa kabisaang pang-ubod nito {2-4.3}). Dahil dito iniwasang buuin ang mga
pangungusap na ito. Kataliwasan ang gamit na pangkawikaan ng umano [4].

Kumakantang lumalakad ako. (?? Kumakanta ako. o


[1] {D/VA00/E}
Lumalakad ako.)

{C-C/S(C
[2] Habang kumakanta ay lumalakad ako. ( Lumalakad ako.)
VA00/E)}

{C-L(L
[3] Lumalakad akong kumakanta. ( Lumalakad ako.)
VA00/E)}

[4] Di-umano'y kinuha ng pulis ang retrato niya. {D/VA00/A} ??

7-6.4.3 Pandiwaring makangalan

(1) Kung ginagamit bilang pangngalan ang pandiwari (pandiwaring makangalan) {7K-6431 },
dapat tupdin ang ilang katangian na nanggagaling sa pampalaanyuhang pagkakapareho ng
pandiwari at anyong panahunin ng pandiwa. Una, may ilang kalagayan kung saan maaaring
ilarawang "di-tumpak" na pangngalan ang pandiwari. Dahil sa pagpapaikli, nilakdawan ang
pangngalang kaugnay dito [1|2 3]. Nagagamit na pamaksa [1 3-7], pantuwid [8] at pandako [9]
(sa [10 11] sa pariralang pangkaroon). Hindi maaari ang paggamit bilang panaguri [14a] {7-6.4
[3]}, panlapag (pag panlapag, pandiwaring makaturing {7-6.4.1}) at pang-umpog (pagkakagulo
katulad ng panaguri).

(2) Maaaring lakipan ng pantuwid at pandako ang pandiwaring makangalan. Panuring na at hindi
kawani ang mga ito, dahil wala nang kabisaan pang-ubod ang pandiwari [1 4-9]. Sa
halimbawang [9], hinahalinhan ang pantuwid ng pandakong pinangangunahan {7K-711}). Nasa
pawatas ang pandiwari sa [11].

[1] Hindi masarap ang niluto mo. (Tingnan din ang [16-18].) {N/VP10/A}

[2] Hindi masarap ang pagkaing niluto mo. {J/VP10/A}

Alin sa bata ang busog? Busog na ang natutulog.


[3] {N/VA00/E}
Welches Kind ist satt? Das schlafende Kind ist satt.

Alam kong hindi nagugustuhan ng aking ina ang mga {P-N(N/VP10/E


[4]
ginagawa ko. {W Girl 3.6} MC.PP)}

[5] Nabasa ang pinag-apuyan natin. {7K-6432 Σ} {N/VP10/A}

Inakala niyang hulihin ang nagsasaboy sa kanya ng


[6] {N/VA10/E}
buhangin. {7K-6433 Σ}

Pulang asukal ang aming ipinalit sa puti sa mga biskuwit {P-N(MA.PP.L


[7]
na ito. N/VP10/A)}
{P-N(N/VP10/E
[8] Tingnan mo ang ganda ng ginagawa niya.
MC.PP)}

{P-N(N/VP10/F P-
[9] Naghintay sila sa (ng) sasabihin ng ama nila. {7K-6252}
C)}

[10 Marami pa siyang sinabing halos aking ikinabingi.{4K- {P-A/E=P-


] 431 Σ} N(N/VP10/A)}

[11 {P-A/E=P-
Wala akong makita. {7-6.2.6}
] N(N/VP10/N)}

Higit na maitim ang limbag = Pandiwari at pananda nito. May salungguhit =


Panuring ng pandiwari.

Fettdruck = Partizip mit Bestimmungswort. Unterstreichen = Attribut des


Partizipes.

(3) Pansemantika, hindi na inilalarawan ng pandiwaring ito ang isang kilos, pagpapatuloy o
kalagayan. Kalimitang sa halip nito, inilalarawan ito ang taong gumaganap ng kilos kung
nanggagaling sa pandiwang tahasan ang pandiwari [3]; at ang bagay na niyari kung galing sa
pandiwang balintiyak [1 7 9] (lalo na kung panahunan ng pangnagdaan). Kung gayon, hindi na
ito kinikilala bilang pandiwari mismo, pero pangngalan naman (halimbawa: tinapay, sinigang,
nilikha). Maaaring bumuo ng maramihan sa pamamagitan ng mga ang mga pandiwaring
makangalan [4 12 13|14 15].

[12 {P-S=P-
Tawagin mo ang mga dumating.
] N(N/VA00/A)}

[13 {P-P=P-
Mga dumating lang ang tawagin mo.
] N(N/VA00/A)}

[14 [a] Mga dumating na ang bisita. [b] Dumating na ang


{P-P=P-V(VA00/A)}
] mga bisita.

[15 Makakausap sila ukol sa kanyang mga sinusulat. {P-A=P-


] [{13A-5213 Σ}] N(N/VA00/A)}

(4) Halos palagi maaari ang pananaw na pagpapaikli ang pandiwaring makangalan, ngunit
kulang ang palagay na ito. Magiging maliwanag ito sa sumusunod na halimbawa. Pag-uulit ng
halimbawang [1]. May problema ng pagbubukod ng pandiwari sa anyong pamanahong may
kabisaang pang-ubod [1|16]. Gayunman may saligang kaibahan: Sa pangungusap na [16], ang
pamaksang niluto ay malinaw na pandiwa na mamamalakad ng pagbuo ng pangungusap
(kabisaang pang-ubod, sa uring {VP10}). Ito ay pandiwang balintiyak na may fokus (sa tagatiis
na hapunan bilang panaguri) at may pantuwid (mo, tungkuling tagaganap). Hindi sa ganito
maaaring "palawakin" ang pandiwaring niluto [1], hindi kaya ng pandiwaring bumuo ng
pamaksa, di-pambalarila ang pangungusap na [17]. Kalutasan ang pangungusap na [18], tama na
ang laman at ang palaugnayan. Hindi na pamaksa ang pandiwaring niluto, ngunit isang panuring
ng pamaksang hapunan; hugis pinaiksing sugnay na makaangkop ang panuring. Wala itong
pamaksa dahil magkapareho ang nilakdawang pamaksa nito at bagong pamaksang hapunan.
Kapansin-pansin sa pariralang pangkaroon ang paggamit na pandiwari bilang pangngalan [10 11
19] {4-3.4} (doon may mga paglalarawan). Linilinaw dito ang paggamit ng mga anyong ANG
(panghalip na siya sa [10] at ako sa [19]) na walang kabisaang pang-ubod ang pandiwari
(sasabihin ako sa halip ng karaniwang anyong sasabihin ko sa [19]).

[1] Hindi masarap ang niluto mo. {N/VP10/A}

[16] Hapunan ang niluto mo. {VP10/A}

[17] Hindi masarap ang niluto mo ang hapunan. {P-S=P-N(N/VP10/A)}

[18] Hindi masarap ang hapunang niluto mo. {P-S=P-N(N C-L)}

[19] May sasabihin ako sa iyo.

(5) Parati maaaring nagamit na pangngalan ang mga pandiwari kung nasa anyong panahunin [20
21]. Kalimitan hindi ganito maaari kung nasa pawatas ([20], gayunman [11]).

Araw-araw, ibigay mo sa aso ang tira ng lulutuin {P-C=P-N(N/VP10/E P-


[20]
mo. C)}

Araw-araw, ibigay mo sa aso ang tira ng niluluto {P-C=P-N(N/VP10/F P-


[21]
mo. C)}

{P-C=P-N(N/VP10/N P-
[22] Araw-araw, ibigay mo sa aso ang tira ng lutuin mo.
C)}

7-5.4.4 Tanging pandiwari

Sa tabi ng pandiwaring katulad ng anyong panahunan ay may ilang tanging pandiwaring binubuo
sa pamamgitan ng ibang panlapi. Para dito, ginagamit namin ang susing {J/V/Pa} o {D/V/Pa}.

Nakakabuo ng tanging pandiwaring kasalukuyan ang ilang pandiwang tahasan sa pamamagitan


ng unlaping naka- [1 2]. May alinglangan kung tunay na pandiwari ang mga ito o karaniwang
pang-uri lamang {7K-6441}. Kailangang paghiwalayin ang pandiwaring naka- at ang
pangnagdaang anyo ng mga pandiwang maka- {8-3.4} Ipinapalagay naming pang-abay ang mga
anyong nabuo sa unlaping pa- [3], dahil sa maaari rin silang mabuo sa ugat na walang katumbas
na pandiwa ({10-2.3.3}, halimbawa: pataas). Maaari yatang hinuhain sa nauunang mga
paglalahad na wala namang tanging pandiwari, ngunit palagi ito ay pang-uri o pang-abay.

[1] Nakatayo sa tabi ng pinto ang aking ina. {J/V/Pa}

[2] Bulag ang taong nakasalaming iyon. {J/V/Pa}

[3] Ang bata ay nagbasa nang paupo. {D}

Nobela
Ang nobela o kathambuhay[1] ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang
kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging
istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito
ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Mga nilalaman
[itago]

• 1 Kahulugan
• 2 Layunin
• 3 Katangian
• 4 Elemento
• 5 Uri
• 6 Tingnan din

• 7 Mga sanggunian

[baguhin] Kahulugan
Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga
pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay
at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

[baguhin] Layunin
1. gumising sa diwa at damdamin
2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
6. nagbibigay inspirasyon sa mambabasa

[baguhin] Katangian
1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
2. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
6. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
7. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
8. malinis at maayos ang pagkakasulat
9. maganda
10. maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
[baguhin] Elemento
1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa
kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o
obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan

[baguhin] Uri
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang
ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang
ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing
tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o
sistema.

You might also like