You are on page 1of 2

Talambuhay ni Emilio Aguinaldo

Pinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22, 1869 sa bayan ng Kawit, Cavite sa Luzon[1]sa
panahong kolonya ng Espanya ang Pilipinas,siya ang ikapitong anak ng alkalde ng bayan. Sa
edad na 15, sa tulong ng isang paring Dominican, nagpatala siya sa Colegio de San Juan de
Letran sa Maynila, kung saan siya nag-aral ng medisina.

Nagbalik si Aguinaldo sa Luzon at tumulong pangunahan ang isang pag-aalsa na sa kaunting


panahon ay nagtaboy sa mga Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng napakasunduan, ipinatapon
si Aguinaldo sa Hong Kong noong 1888. Doon pinag-aralan niya ng taktikang pangmilitar ng
mga Britanya at nagtipon ng mga armas, at palihim na bumalik sa Luzon ilang taon ang lumipas.

Noong 1895 sumapi si Aguinaldo sa Katipunan, isang lihim na samahan na pinamumunuan noon
ni Andres Bonifacio, na may layuning patalsikin ang mga Espanyol at palayain ang Pilipinas.
Kasama ni Dr. Jose Rizal, inumpisahan niya ang digmaan laban sa mga Espanyol noong 1896,
at ginampanan niya ang pamumuno sa kilusan pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal.
Nakipaglaban ang mga Espanyol laban sa mga rebelde sa pamamagitan ng pwersang militar at
panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde. Tinanggap ni Aguinaldo ang alok na pera at ginamit
ito sa pagbili ng dagdag na armas para sa rebelde sa halip na bumalik sa pagkakatapon.

Noong 1898, nagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano at napikapag-ugnayan si Aguinaldo


sa mga Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sa
kalayaan. Sa una nakatanggap lamang siya ng magkakahalong mensahe, ngunit nakipaglaban
kaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga Espanyol – kasama ng paglilipat ng maghigit
na 15,000 nahuling tropang Espanyol ay si Admiral George Dewey. Gayon pa man, ang
pakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay higit na apektado nang hindi sila nagpakita ng
kagustuhang tulungan ang Pilipinas na maging malaya at nagsimulang sakupin ang bansa gaya
ng ginawa ng mga Espanyol noon. Walang tulong ninuman, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayan
ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 at inihalal siya ng Kapuluan ng Saligang-batas ng Pilipinas
bilang pangulo noong Enero 1, 1899. Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga tropang
Amerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban sa
Estados Unidos noong Pebrero 4, 1899.

Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay


mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang
kanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. Isang
malungkot na desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil matapos siyang ipagtanggol ng kanyang
mga magigiting na heneral,tulad ni Gen.Gregorio del Pilar,sumuko lamang siya nang hindi
lumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko nang matagal na panahon, hanggang1935 nang
ipahayag siya na kakandidato siya bilang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas; tinalo siya
ni Manuel L. Quezon sa halalan.

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig,


gumawa si Aguinaldo nakakahiyang pahayag sa radyo ng kanyang pagsuporta sa mga Hapon.
Pagkatapos makuhang muli ng mga Amerikano ang Pilipinas, dinakip siya sa pakikipagtulungan
sa kaaway, ngunit sa paglilitis nalaman na pinuwersa lamang siya upang gawin ang kanyang
mga pahayag (binantaan siya ng mga Hapon na papatayin ang kanyang pamilya), at nalinis din
ang kanyang pangalan. Namuhay siyang nakita ang kanyang panghabang-buhay na hangarin,
ang kalayaan ng kanyang bansa na natamo noong 1946, at noong 1950 nagsilbi siya ng isang
termino sa Council of State bago siya muling namahinga. Namatay siya sa atake sa puso
sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod ng Quezon noongPebrero 6, 1964 sa edad na 94.[2]

You might also like