You are on page 1of 3

MAIKLING KWENTO

http://www.zedge.net/group/Adult_Only/
(Pahayag)

1.PAGKILALA SA MAY- AKDA


Roweana Lugue-isa siya na gustong magbigay ng kalayaan sa lahat ng
mga Pilipino.

2.URI NG PANITIKAN
-Maikling kwento

3.LAYUNIN NG AKDA
- Magprotesta dahil simula nang dumating ang pang aalipin ay
nagwakas na ang kaligayahan sa bayan at halos itakwil na siya na may pagkamuhi.

4.TEMA O PAKSA NG AKDA


-Napapanahon at makabuluhan ang kwentong ito dahil sa panahon
natin ay nawawalan na ng ‘‘kalayaan’’ ang bawat isa.

5.MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA.


-Kalayaan-ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kabataan
-Kabataan- isang taong nalulumbay nang nagpakita si kalayaan
-Pang-aalipin- tumalo kay kalayaan at nagwakas ng kaligayahan.

6.TAGPUAN / PANAHON
-Tahanan na natatanglawan ng isang tinghoy

7.NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI


-Kakaiba ito dahil dito ang mga karakter ay hindi pinangalanan at hindi
karaniwang tao.

8.MGA KAISIPAN / IDEYANG TAGLAY NG A-KDA


-Ito ay katotohanang unibersal dahil simula nang dumating ang pang
aalipin napako na ang kapus palad na bayan tulad na lang sa Mindanao.

9.ISTILO NG PAGKASULAT NG AKDA


-Ito ay mahusay na akda dahil dito ipinakita ang isang aninong
nagpakilala na siya ang KALAYAAN at nagbigay ng lakas ng loob sa kabataan.
Proyekto
Sa
Filipino
(Suring basa)

Ipinasa ni:
Jeffrey delCano
Ipinasa kay:
Mr. Buiza

III- Nakpil
10.BUOD
PAHAYAG
Isang gabing madilim nang naghihimutok ang isang kabataan sa
tahanan na natatanglawan ng isang kukurapkurap na tinghoy. Sa
kinauupuan ng kabataan may isang nagmamasid sa kanya. Tinanong ng
anino ang kabataan kung bakit siya lumuluha. Sinagot niya ang anino at ang
sabi niya’y walang lunas ang kaniyang pighati.Sumagot ang anino. Sa sagot
ng anino ay nabighani ang kabataan. Tinanong ng kabataan kung sino ang
anino at ang sabi ay siya ang simula.Siya ang dahilan ng ginhawa at biyaya
at kasaganahan ng lahat. Siya si KALAYAAN. Nagulilat at naumid ang
kabataan pagkarinig nito at pagkaraan ng ilang saglit saka nakapangusap.
Sabi niya’y, kung mapagmamasdan ni KALAYAAN ang pang aalipusta, mga
pangangailangan at mga kautusang dapat tiisin ng kanilang bayan ay
tutubuan muli si KALAYAAN ng awa at muling kakalingain muli ang kanilang
bayan. Tugon ng kabataan kung may sanhi ang pagluha at ang sagot ni
KALAYAAN ay ‘‘DAPAT MAGDAMDAM AT LUMUHA’’.Dagdag pa nito’y
lumuha kung hindi na nangangailangan ng makatwiran at maagap na
paghihiganti na maaring mabuhay sa piling ng mga kaaway. Tanong ng
kabataan kung ano ang dapat gawin. Ang mga tagalog ay nauugali na sa
ganoon. Naturuan na ang mga tagalog na magdusa at magtiis. Gusto sanang
tumutol ng kabataan sa sagot ni KALAYAAN na hindi lahat ng naugalian ay
mabuti, na hindi maaring wasto at tuwid ay maging kalaban ng wasto at
tuwid. Dagdag pa ni KALAYAAN noong sinaunang panahon ay nasa ilalim pa
niya ang mga tagalog, ang lahat ay maligaya. Ngunit isang araw ay
dumating ang pang aalipin at nagpakilalang siya ang katwiran. Nabatid ni
KALAYAAN na ang pang aalipin ay nagdulot ng kapus palad na bayan at ang
kaligayahan ay nagwakas na.Dahil sa pang aalipin ay halos itakwil na si
KALAYAAN. Nang paalis na si KALAYAAN ay agad na pinigilan ito ng
kabataan. At sinabing maaring bang kalingain muli ang bayang tagalog.
Ngunit agad na sumagot si KALAYAAN at sinabing ang kaniyang pagdamay
at pagkalinga ay para lang sa naapi at sa mga dumaraing. Dagdag pa nito na
walang karapatdapat sa kanyang pangangalaga kung walang kakayahang
mamatay para sa adhika. Kinaumagahan nang pawiin ng araw ang
kadiliman ng gabi, ay may bagay na kumikislap sa mga mata ng kabataan na
mistulang isang nagbabagang adhika.

You might also like