You are on page 1of 5

Halamang gamot

Bawang (Allium sativum)

Ang bawang ay sikat hindi lamang sa kusinang Pilipino kundi pati sa larangan
ng panggagamot. Pinaniniwalaang nakagagamot ang halaman ng mga sakit sa puso, tulad
ng high blood pressure, high cholesterol, at atherosclerosis. Ibinababa raw kasi ng
bawang ang mga free radicals sa dugo, kaya nababawasan ang pamumuo ng mga
atherosclerotic plaque o bara sa mga blood vessel.

Lagundi (Vitex negundo)


Dahil sa napatunayan na ang epekto nito sa iba't ibang
karamdaman, isa ang lagundi sa mga halamang-gamot na
inirerekomenda ng Departamento ng Kalusugan. Ang mga dahon
ng lagundi ay malimit na ipinantatapal sa mga bahagi ng katawan
na may rayuma at pilay. Ang langis na taglay nito ay napatunayang
nakapagpapaalis ng pamamaga at pamumula ng balat. Samantalang
ang katas naman nito, na kinakikitaan ng mga katangiang
antibacterial, antifungal at analgesic, ay itinitimpla at ipinaiinom sa
mga pasyenteng may matinding ubo.

Luyang Dilaw (Zingiber officinale)

Ang luyang dilaw ay ginagamit bilang panglunas sa sipon, ubo, lagnat at


pananakit ng lalamunan. Nakakatulong din ito sa pagtunaw at absorpsyon ng
pagkain at pagginhawa sa pagsusuka. Ang luyang dilaw ay may sangkap na
anti-fungal, antiseptic, anti-viral at anti-inflammatory.Gamot sa balakubak, sa
may lagnat na nabinat, sa may rayuma o nananakit na kasu-kasuan.

Akapulko (Cassia alata)


Ang halamang-gamot na ito ay kilala din bilang "bayabas-bayabasan" o "ringworm bush" sa wikang Ingles. Ito ay
ginagamit na panglunas ng kagaw at iba pang impeksyon sa balat. Ang pinagpakuluan ng dahon ay ginagamit naman na
panglunas ng brongkitis at hika.Gamot sa kati sa balat o herpes, buni, singaw ng sanggol sa balat

Ampalaya (Momordica charantia)


Ayon sa mga pag-aaral, ang prutas at dahon nito ay naglalaman ng iron,
calcium, at phosphorus na mahahalagang mineral sa katawan. Sinasabing ang
pagiging mapait ng prutas nito ay dahil sa quinine, isang anti-malarial, anti-
inflammatory na kemikal. Gayunpaman, wala pang mabusising pag-aaral ang
naisasagawa upang patotohanan ito.

Ayon sa pinaniniwalaan, ang ampalaya ay nakatutulong sa paglunas ng


type-II diabetes. Dahil dito, marami nang gumagawa at nagbebenta ng food
supplements na gawa sa halaman ng ampalaya, kahit wala pang siyentipikong
batayan ang ipinapahayag na husay nito.

Niyog-niyogan (Quisqualis indica L.)


Ang Niyog-niyogan ay kilala din bilang "Chinese honey suckle". Ito ay
epektibong nakakapagpalabas ng mga bulate sa bituka lalo na ang Ascaris at
Trichina. Ang mga tuyo at hinog na mga buto lamang ang nakagagamot --
buksan at kainin ang mga buto dalawang oras bago kumain (5 hanggang 7 buto
sa mga bata at 8 hanggang 10 buto para sa mga matatanda). Kung hindi lalabas
ang mga bulate nang isang dosi, maghantay ng isang linggo bago ulitin muli
ang dosi.

Halamang Ornamental
Gumamela

Ang Gumamela ay isa sa mga pinakapamilyar na bulaklak sa Pilipinas dahil ito


ay paboritong dekorasyon sa hardin ng mga Pilipino. Kilala rin ito sa tawag na
Hibiscus, Rosemallow, China Rose at Shoeflower. Sa Pilipinas, ito ay tinatanim upang
gawing palamuti o dekorasyon.

Katangian

Ang Gumamela ay isang palumpong na lumalaki ng mula isang metro hanggang


apat na metro. Ang mga bulaklak ay malalaki, kitang-kita at kahugis ng trumpeta.
Mayroon itong lima o higit pang talulot na tumutubo sa iba't ibang kulay: pula, dilaw,
puti, lila, kahel, rosas at iba pang kombinasyon ng kulay.

Sampaguita
Noong 1 Pebrero 1934, kinilala ni Gobernador-Heneral Frank Murphy
ang Sampaguita (Jasminum sambac) bilang pambansang bulaklak ng
Pilipinas, dahil sa natatanging halimuyak, kasikatan at ornamental na
kahalagahan nito. Tinatawag itong Arabian Jasmin sa Ingles, Manul ng
mga Bisaya at Sampaga o Pongso ng mga Kapampangan.

Katangian

Ang sampaguita ay isang shrub na tumutubo ng may taas na mula isa


hanggang dalawang metro. Ang mga dahon ay makintab, hugis bilog o
pahaba. Ang bulaklak naman nito ay kulay puti, mahalimuyak, at may hugis na parang-bituin. Ito ay maaaring paramihin
sa pamamagitan ng stem-cutting at layering. Namumuhay ito sa matabang lupa at matatagpuan sa buong bansa.

Waling-waling
Ang Waling-waling (Vanda sanderiana), “Reyna ng mga Orkidya sa
Pilipinas”, ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamagandang orkidya
sa mundo. Natuklasan ito ng isang Aleman na taxonomist na si
Heinrich Gustav Reicheinback, noong 1882 sa Mindanao. Simula
noon, ito na ang isa sa mga hinahanap-hanap ng bulaklak sa bansa.
Ito ay matatagpuan sa lalawigan ng Davao, Sultan Kudarat at ilan
pang parte ng Mindanao.

Katangian

Ang waling-waling ay tumutubo ng may taas na 60 hanggang 120 sentimetro. Ito ay nagsisimulang mamukadkad kapag
ito ay may haba na 30 sentimetro at may ilang bilang ng mga patag at baluktot na mga dahon. Ang bulaklak, ang
pinakamalaki sa lahat ng orkidya sa Pilipinas, ay may lapad na 7.5 hanggang 12.5 sentimetro
Santan
Ang Santan ay isang palumpong na mayroong maliliit na pulang
bulaklak. Ang uring ito ay nagmula sa India, pero ito ay itinanim at
napalago na rin sa Pilipinas. Ang mga bata ay mahilig mag-ipon ng mga
bulaklak ng santan upang gawing kwintas. Ang mga matatanda naman ay
kumukuha ng mga ito upang gawing gamot sa daragas at iba pang mga
sakit.

Katangian

Tumutubo ang Santan sa taas na dalawa hanggang tatlong metro. Ang


mga dahon ay walang tangkay (kung mayroon man, maikli), pahaba, lima
ang siyam na sentimetrong haba at hugis puso. Ang mga bulaklak naman
ay maliliit, tumutubo ng maikli o kadalasan ay walang tangkad, at kulay
rosas o pula.

Everlasting
Kilala rin sa tawag na paper daisy o straw flower, ang Everlasting ay
bulaklak na simbolo ng Baguio City. Ang mga tali ng ganitong bulaklak ay
binebenta sa mga palengke at kalsada ng "Summer Capital" ng Pilipinas.
Dahil sa tagal ng buhay ng Everlasting, paborito ito ng mga deboto na isabit
sa kanilang mga altar.

Katangian

Isang magandang katangian ng bulaklak na Everlasting ay ang kakayahan


nitong panatilian ang kulay kahit na putulin sa sanga at patuyuin. Tumatagal
ang magandang kulay nito ng mahabang panahon, at minsan pa ay umaabot
ng taon.
Punong Kahoy
Narra
Ang Naga o mas kilala sa tawag na Narra (Pterocarpus indicus), na
Pambansang Puno ng Pilipinas, ay isang puno na pinahahalagahan dahil sa
angkin nitong tibay, bigat at magandang kalidad. Inihahalintulad ito sa mga
Pilipino, na tulad ng Narra, ang mga Pilipino ay sadya ring matatag. Ang
punong ito ay matatagpuan sa bawat lugar sa bansa. Ipinangalan ito alinsunod
sa isang siyudad sa Naga, Bikol. Tinatawag din itong Asana ng mga Tagalog,
Balauning ng mga Mangyan, Daitanag ng mga Kapampangan at Odiau ng
mga Pangasinense.

Pino
Ang pino (Ingles: pine o pine tree, Kastila: pino, Pinus Kesiya, Linn.) ay isang uri
ng puno na may mga dahong laging-lunti at kahawig ng mga karayom.Matatagpuan
ito sa kabundukan sa lalawigan ng Benguet at boong saklaw ng kaitaasan sa
hilagang Luzon. Ang pino ay kilalang saleng sa salitang katutubo ng nasabing
rehiyon.Kauri nito ang mga pino sa Tsina at may sapantaha ang mga agham sa mga
halaman na ito ay nagmula sa Asya na dinala ng mga naglalakbay na mga hayop na
tumwid sa tulay na lupa libong taon nang lumipas.

Akasya
Ang akasya (Ingles at Kastila: acacia) ay isang uri ng matinik na
punung-kahoy.[1] Nasa genus ito ng mga palumpong at puno at
kabilang sa subfamily Mimosoideae ng family Fabaceae. Una
itong sinalarawan nit Carolus Linnaeus noong 1773 sa Aprika.

Ipil (Intsia bijuga)


Ang ipil[1] (pangalang pang-agham: Intsia bijuga) ay isang malaking punong
napagkukunan ng matigas at matibay na mga kahoy. Tinatawag din itong taal sa
ibang pook sa Pilipinas.

Kamatsile
Ang kamatsile o kamatsili (Ingles: guamachili, Manila tamarind o monkeypod,
pangalang pang-agham: Pithecellobium dulce) ay ang tawag sa isang uri ng
puno o bunga nito. May mga butong napaliligiran ng nakakain at mapuputing
laman ang mahabang bunga ng punong ito. Ginagamit naman sa pagbibigay ng
maitim na kulay sa balat (Ingles: tanning) ang balat ng puno ng kamatsile. [1]

You might also like