You are on page 1of 24

WIKA

WIKA
--pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa
pakikipagtalastasan.
-- behikulo ng ating ekspresyon at
komunikasyon na epektibong nagagamit.
• Isang sistema na binubuo ng mga tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo na ginagamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan.
• Ang wika ay isang sistema
-- anyo– magkakaugnay na anyo o kahulugan
-- pangungusap – sintaktik na kaayusan
tunog
-- nagagawa sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagsasalita gaya ng
labi, dila, ngalangala, babagtingang tinig.
arbitraryo
-- may kani-kaniyang set ng palatunugan, leksikal at gramatikal na
istruktura na ikinaiba niya sa ibang wika.
pantao
-- naililipat o naisasalin ang kultura ng mga tao sa pamamagitan ng
wikang pantao.
pakikipagtalastasan
-- pagpapahayag ng mga nararamdaman, opinyon, haka-haka atbp.
Ang wika ay
buhay

naglalarawan ng kultura ng bansa

naglalantad ng saloobin ng tao


Bilinggwal– taong marunong magsalita ng dalawang wika

Monolinggwal– isang wika lamang ang alam ng isang


tao.
Poliglot– mahigit sa tatlong wika ang ginagamit ng
isang tao
Linggwistika– maagham na pag-aaral ng wika
Linggwista– taong nag-aaral ng wika
Wikang kolokyal– isang istandard na anyo ng Wikang Pambansa
na sinasalita sa pribado at semi- official na mga kalagayan ng
mga taong may pinag-aralan
Wikang Pambansa– isang wikang ginagamit sa pulitikal, sosyal at
kultural na aspeto ng pamumuhay, nagpapakita na ang isang
wika ay nagsisilbi sa buong mundo
Pinagmulan ng Wika
= Teorya ng Wika =
 Tore ng Babel
Genesis 11:1-9
 Teoryang Bow-wow
-- nagsimula sa panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop hal. Kahol
ng aso
 Teoryang Dingdong
-- tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na pinaniniwalaang may
sariling tunog. Hal. Tunog ng kampana
 Teoryang Pooh-pooh
-- ang unang mga salita na namutawi sa bibig ng mga sinaunang tao ay mga
salitang nagsasaad ng matinding damdamin bunga ng pagkatakot, sakit, labis na
katuwaan o kalungkutan.
 Teoryang Yo-he-ho
-- nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng mga taong nagtatrabaho nang
sama-sama
 Teoryang Yum-yum
-- nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika
 Genesis 2:19
-- sinasabi na ang wika ay kaloob ng Diyos sa
tao.
 Jean Jacques Roussea
-- ang kalayaan ng tao ang nagtulak sa kanya
na lumikha ng wika. Ang unang wika ay
magaspang at primitibo
 Aramean
-- sinaunang tao na nanirahan sa Syria at
Mesopotamia na ang wika ay ARAMAIC na
nagmula sa Afro- Asiatic Timog- Silangang
Kanluran ng Asya.
Paano Nagsimula ang Wika?
1. Ehipto
Haring Psammatichos– sadyang natututunan ang wika
2. Charles Darwin
“ Origin of Language”
sinasabi niyang ang pakikipagsapalaran ng tao para
mabuhay ang nagturo sa kanila upang makalikha ng wika.
3. Plato -- nabuo ang wika ayon sa batas ng pangangailangan
4. Siyentipiko– “ Homo Sapiens” unggoy – tayo ay nagmula sa
unggoy kung kaya’t ang tunog na nalilikha ng unggoy ang
siyang pinagmulan ng wika.
5. Rene Descartes– ayon sa kanya, mas mataas ang antas ng tao
kaysa sa hayop kung kaya’t ang wika ang nagpapatunay na
ang tao ay kakaiba.
Tungkulin ng Wika

• Ferdinand Sausure-- isang functionalist


-- mas kailangan pagtuunan ng pansin ang
anyo at paraan ng wikang ginagamit, subalit sa
katunayan, ang kahulugan ng sinasabi ng
nagsasalita ay nakasalalay sa paraan at anyo
ng pagsasalita.
-- ang bawat salitang ginagamit ay
makabuluhan at magkakaugnay.
• Emile Durkheim (1985)
“ Ama ng Makabagong Sosyolohiya”
-- ang lipunan ay nabubuo sa pamamagitan
ng mga taong naninirahan sa isang pook o
lokalidad at ang bawat isa ay may kani-
kaniyang papel na ginagampanan.
-- “Ang tao ay nabubuhay, nakikipagtalastasan
at nakikisama sa lipunang kinabibilangan niya.
Ayon kay Jakobson (2003)– may anim na paraan na paggamit
ng wika
1. Pagpapahayag ng Damdamin ( Emotive)
-- palutangin ang karakter ng nagsasalita.
2. Paghihikayat (conative)
-- ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o
magpakilos
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
-- panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.
4. Paggamit bilang Sanggunian (referential)
-- nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng mga taong
nagtatrabaho nang sama-sama
5. Pagbibigay ng Kuro-kuro (metalingual)
-- ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komentaryo sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (poetic)
-- masining na paraan ng pagpapahayag
Ayon kay M.A.K. Halliday (1973)
7 Tungkulin ng Wika – “Explorations in the functions of
1. Language
Pang-instrumental -- tugunan ang pangangailangan
2. Panregulatori -- pagkontrol ng ugali o asal ng tao hal. Pagbibigay
ng direksyon
3. Pang-interaksyon -- paraan ng pakikipagtalakayan ng tao sa
kanyang kapwa.
4. Pampersonal -- pala-palagay o kuro-kuro; talaarawan at jornal
5. Pang-imahinasyon -- malikhaing guni-guni ng isang tao sa
paraang pasulat o pasalita.
6. Pang-heuristiko -- pagkuha p paghahanap ng impormasyon hal.
Pag-iinterbyu,pakikinig sa radyo
7. Pang-impormatibo -- pagbibigay ng impormasyon sa paraan
pasulat o pasalita hal. Ulat, pamanahunang tesis, panayam at
pagtuturo.
BATAS NG WIKA
1. Artikulo 14, seksyon 3 ng Saligang Batas
(1935) – “Ang kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang
wikang pambansa na nababatay sa isa sa mga
umiiral na wika…”
2. Batas Komonwelt Blg. 184 (1936) -- Lumikha
ng isang lupon at itinakda ang mga
kapangyarihan nito kabilang na rito ang
pagpili ng isang katutubong wika na siyang
pagbabatayan ng wikang pambansa.
3. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)–
Ipinahayag na ang Tagalog ang siyang
magiging batayan ng wikang pambansa ng
Pilipinas.
4. Kautusang Tagapagpanaganap Blg. 263
(1940)– Nagbigay ng pahintulot sa
pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at ng
balarila ng wikang pambansa at itinagubilin
din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa
mga paaralan, pambayan man o pampubliko.
5. Batas Komonwelt Blg. 570 (1976) – Pinagtibay na
ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa
sa mga ofisyal na wika ng bansa.
6. Proklama Blg. 12 (1954) – Nilagdaan ng
Pangulong Magsaysay ang batas na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika
simula Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa
mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.
7. Proklama Blg. 186 (1959) – Nilagdaan ng
Pangulong Magsaysay at sinusugan ang Proklama
Blg. 12; s 1954. Itinakda ang pagdiriwang ng
Linggo ng Wika simula ika – 13 ng Agosto
hanggang 19 taon-taon.
8. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1957) –
Nilagdaan ni Kalihim Jose Romero at itinagubilin
na kailanman at tinutukoy ang wikang pambansa,
ang salitang Pilipino ang itatawag.
9. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) –
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Rosec at iniutos
na simula sa Taong-Aralan ‘63-64, ang mga
sertifiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag
sa Wikang Pilipino.
10.Kautusang Tagapagpaganap Blg.60 (1963) –
Nilagdaan ng Pangulong Macapagal ang pag-
uutos na awitin ang Pambansang Awit ng
Pilipinas sa titik nitong Pilipino.
11. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967) –
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at itinadhana na
ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng
pamahalaan ay pangangalanan sa Pilipino.
12. Memorandum Sirkular Blg. 96 (1967) --
Nilagdaan ni Kalihim Rafael Salas at ipunag-utos
na ang mga letterheads ng mga tanggapan at
pamahalaan ay isulat sa Pilipino.
13.Memorandum Sirkular 199 (1968) – Itinagubilin
ang pagbuo ng seminar sa Pilipino ng mga
kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos
ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang
pook panlinggwistika ng kapuluan.
14.Kautusang Taganapagpaganap Blg. 187 (1969) --
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at inutos sa
lahat ng kagarawan, kawanihan, tanggapan at iba
pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang
wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng
Wikang Pambansa at pagkaraan man sa lahat ng
ofisyal na transakyan at komunikasyon.
15.Memorandum Sirkular Blg. 384 (1970) --
Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro
Melchor ang pagtatalaga ng may kakayahang
tauhan upang mamahala sa lahat ng
komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawaran,
kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng
pamahalaan.
16.Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (1971) –
Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang
pagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ng
Wikang Pambansa at nililiwanag ang mga
kapangyarihan at tungkulin nito.
17.Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972) -- Nilagdaan
ng Pangulong Marcos at nag-atas ng Surian
ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang
Batas sa mga wikang sinalita ng may
limampung libong mamamayan alinsunod sa
provisyon ng Saligang Batas, Artikulo XV,
seksyon 3.
18. Artikulo XV, Seksyon 3 (1973) -- “ Ang pambansang
asemblea ay dapat gumawa ng hakbang sa
pagpapaunlad at formal na adapsyon ng panlahat na
wikang pambansa na makikilalang Filipino.
19. Kautusang pangkawagaran Blg. 25 (1974) –
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang pagpapatupad
sa patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga
paaralan.
20. Artikulo XIV, seksyon 3 (1987) -- “ Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga
wika.
seksyon 6—midyum ng opisyal na komunikasyon
seksyon 7 – wikang opisyal ng pilipinas—Filipino;
wikang pantulong sa mga rehiyon—pantulong sa
pagtuturo.
21.Kautusang Blg. 52 – Pinalabas ni Kalihim
Lourdes Quisumbing ang pag-uutos sa
wikang Filipino bilang wikang panturo sa
lahat ng antas sa paaralan kaalinsabay ng
Ingles.
22.Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)–
Iniutos ni Kalihim Isidro Carino na gamitin
ang wikang Filipino sa pagbigkas ng
panunumpa ng katapatan sa Saligang batas
at sa bayan natin.
23.Proklama blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at
ipinalabas ng Wikang ng taun-taon sa iba’t
ibang sangay at tanggapan ng pamahalaan at
sa mga paaralan.
24.Praymer sa Revisyon ng Ortografiyang
Filipino (2001) – Inilabas ng Komisyon ng
Filipino ang Revisyon sa mga tuntunin ng
Ortografiyang Filipino tungo sa
istandardisasayon at intelektwalisasyon ng
wikang pambansa.
Dahilan kung bakit Tagalog
1. Mas marami ang nakapagsasalita at
nakauunawa.
2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog, kung
ano ang bigkas ay siyang sulat.
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila.
4. May historikal na basehan– ito ang wikang
ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni
Andres Bonifacio.
5. May mga aklat na panggramatika at
diksyunaryo ang wikang Tagalog.

You might also like