You are on page 1of 36

DAHON NG PAGPAPATIBAY

AGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, ang


pananaliksik na ito na pinamagatang

“Iba’t-ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo ng mga mag-aaral”

ay inihanda at iniharap ng mananaliksik mula sa seksyon na IV – St. Titus ng Flos


Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011.

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at


inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.

Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan sa


nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:

_____________________

Gng. Ma. Brenilda Medina

(Punong-Guro)

______________________

Bb. Jessilyn Ranges

(Guro sa Filipino)
PASASALAMAT

Ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na mga indibidwal na


siyang tumulong at umudyok sa akin upang matapos itong pamanahong papel na
ito:

- Kay Bb. Jessilyn Ranges, ang aming kagalang-galang na guro sa asignaturang


Filipino at ang aming butihing “pangalawang ina” bilang tagapayo ng aming
pangkat. Nagpapasalamat po ako sa inyong walang sawang paggabay at
pagbigay ng mga magagandang puna at payo na siyang nakatulong upang
mabuo ko ang papel na ito.

- Sa mga mag-aaral at magigiliw na mga kaklase, na siyang pinagmulan ng


aking datos, maraming salamat sa inyong kooperasyon. Kung hindi niyo ako
pinaunlakan at tinulungan ay maaaring wala na akong maipepresentang
papel ngayon.

PAGHAHANDOG

Aking inihahandog ang pag-aaral na ito sa mga taong nakakaranas ng pagkahapo,


lalo na sa mga nagtatrabaho, sa mga mag-aaral at sa mga magulang na
nagtatrabahong mabuti at isinasa-alang-alang ang kanilang sariling kalusugan.
TALAAN NG NILALAMAN
PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”

A. INTRODUKSYON

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

D. SAKLAW AT LIMITASYON

E. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

D. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”


A. LAGOM

B. KONKLUSYON

C. REKOMENDASYON
BIBLIOGRAPIYA

KABANATA I
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
A. INTRODUKSYON

Sa lalong bumibilis na mundo na ating ginagalawan ngayon, ang pagkahapo


ay lalo ring naging kapansin-pansin. Ang pagkahapo o stress ay isang bagay na
hindi mahihiwalay sa buhay ng tao. Karamihan ay dumaranas ng pagkahapo halos
araw-araw. Nararanasan ito kahit saan man tayo magtungo. Madalas itong
nararamdaman ng mga taong nagtatrabaho at ng mga taong nag-aaral.
Nararanasan din ito ng mga taong mayroong problema sa pamilya at iba pang mga
personal na suliranin.

May mga iba’t ibang dahilan sa pagkaranas ng pagkahapo. Maaaring hindi


komportable ang isang sitwasyon para sa isa ngunit ito ay maaaring masaya naman
para sa iba. Hindi dapat nating isipin na iisa lang ang uri at sanhi ng pagkahapo na
nararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at dapat nating tuklasin ang
mga sanhi at kung ano nga ba talaga ang pagkahapo.

Sa pag-aaral na may pamagat na “Iba’t Ibang Pamamaraan ng Pagkontrol ng


Pagkahapo ng mga mag-aaral”, masusing tatalakayin ang pagkahapo sa buhay ng
mga mag-aaral. Aalamin ng pag-aaral na ito ang mga naidudulot ng pagkahapo sa
kani-kanilang kalusugan at pamumuhay. Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin rin
ang mga iba’t-ibang pamamaraan ng mga mag-aaral upang mabawasan ang
pagkahapo at kung ano ang epekto ng mga pamamaraang ito sa kanila.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mga mananaliksik na:

1. Tukuyin kung ano ang karaniwang nakakapagdulot ng pagkahapo sa mga


mag-aaral.
2. Alamin kung ano ang epekto ng pagkahapo sa isang mag-aaral.
3. Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo
4. Alamin kung gaano kaepektibo ang mga pamamaraan sa pagkontrol ng
pagkahapo.
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin kung aling mga bagay ang
nakakadulot sa pagiging hapo ng mga mag-aaral at kung aling mga diskarte o
paraan ang kanilang ginagawa upang maibsan ito. Sa pamamagitan ng pag-aaral
na ito, maaaring makahanap ng mga mabisang paraan ang mga mag-aaral kung
paano nila mababawasan ang pakiramdam ng pagiging hapo na siyang nagsisilbing
balakid sa kanila upang magawa nila ang kanilang mga gawain na puno ng kalidad.

Makakapagbigay kaalaman din ang pamanahong papel na ito sa mga guro,


pro o mga magulang na gustong malaman kung paano nilang matutulungan ang
kanilang mga estudyante’t mga anak upang mabawasan ang pakiramdam ng
pagkahapo na siyang maaaring dahilan ng kanilang pagiging iritable, pagka-
malungkot o kaya’y paghina ng kanilang kalusugan.

Bagamat limitado ang mga datos na nakalap sa mga mag-aaral maaaring


sabihin na naaangkop pa rin ito sa iba’t ibang uri ng mga mag-aaral sapagkat halos
pareho lamang ang dinaranas na pagkahapo ng mga mag-aaral na ito na maaaring
hatiin sa tatlong aspeto: sa personal na buhay, sa pag-aaral at sa kalusugan.

D. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang sakop ng pag-aaral ay ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol ng


pagkahapo ng mag-aaral. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan
upang makapangalap ng datos.

Sampung mag-aaral ng Flos Carmeli ang sumagot ng talatanungan. Inabot


ng isang araw ang pamimigay at pangongolekta ng datos. Nakapokus ang pag-
aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondante.Sapagkat kulang sa
panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawak ng pag-aaral.
E. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang mas maunawaan ng mga mamababasa ang pag-aaral na ito, narito


ang ilan sa mga terminilohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para
rito:

• Bawal na gamot – mga uri ng gamot na hindi legal na ibinebenta sa


merkado. Halimbawa nito ay ecstasy; kemikal na nakakaapekto sa utak na
nagdudulot ng ng pagbabago sa ugali at kilos ng tao na kadlasa'y
humahantong sa pagkalulong
• Bisyo – kaugaliang imoral, tiwali, o nakakapagpababa ng pagkatao
• Disposisyon – estado ng utak ukol sa mga bagay-bagay.
• Emosyon – ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkoy, pagkatakot,
pagmamahal, atbp.
• Kaibigan – isang tao na kapantay nito sa abilidad, edad, o social status
• Kapaligiran – ang mga bagay-bagay na pumapalibot sa isang tao; isang
lugar na nakapaligid sa isang tao o bagay.
• Karamdaman – ito ay ang estado ng pagkakaroon ng sakit resulta ng
karamdamang pangangatawan o pang-isipan.
• Karanasan – ang pag-oobserba o pag-eengkwentro sa mga bagay-
bagay habang ang mga ito’y nagaganap sa kurso ng oras.
• Kontrol – maehersisyo ang kontrol o pagbibigay ng direksyon sa iba o
mga bagay: mangibabaw
• Memorya – ang kakayahan ng pag-iisip na alalahanin at panatilihin ang
mga impormasyon, impresyon, pangyayari, mga nakaraang engkwentro, atbp
• Sintomas – isang senyales o indikasyon ng isang sakit, lalong-lalo na
tuwing nakararanas ang isang tao ng pagiba mula sa karaniwang
gawi,pakiramdam, ohitsura.
• Stimulus - isang bagay na maaaring magdulot ng madaliang pag-
responde o kaya'y pakiramdam
• Tahanan – isang lugar kung saan nakatira ang isang pamilya. Dito
maaring magkaroon ng interasyon ang mga myembro ng pamilya.
• Trabaho – anumang bagay na obligadong gawin ng isang tao;
obligasyon; responsibilidad
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
Ang pagkahapo o stress ay hindi na bago sa buhay ng isang tao. Ito ay
nararanasan ng bawat indibidwal, lalo na ng mga tao na nagtatrabaho at mga mag-
aaral, sa magkakaibang antas at kadahilanan. Masasabing ang bagay na nagbibigay
ng pagkahapo sa isang tao ay maaring hindi naman magdulot ng pagkahapo sa
ibang tao. Bagkus, ang sanhi at uri ng pagkahapo na nararanasan ng bawat tao ay
hindi magkakatulad. Kailangan nating maging mapanuri upang lubos nating
maunawaan kung ano nga ba ang pagkahapo.

A. ANO ANG PAGKAHAPO?

Ang pakahapo o stress ay anumang sitwasyon na nagdudulot ng negatibong


pakiramdam at damdamin sa isang tao. Ang isang sitwasyon ay maaring maging
kahapo-hapo sa isang tao, ngunit hindi para sa isa pa. Bagkus, hindi lahat ng tao
ay nakakaranas ng iisang pakiramdam at damdamin kapag nahahapo. (Whitman et.
al. 1985) Ang pagkahapo, sa larangan ng medisina, ay isang pisikal, kemikal, o
emosyonal na pangyayari na nagdudulot sa pisikal o mental na karamdaman.
(Funk and Wagnalls New Encyclopedia, 1986)

B. IBA’T-IBANG URI NG PAGKAHAPO

Ang pagkahapo ay isang karamdaman na nalilikha kapag tayo ay kumikilos


bilang tugon sa isang pangyayari. Ito ay paraang ng katawaan upang harapin ang
isang hamon at mga mahihirap na sitwasyon na may halong pokus, lakas, at
pagkaalisto. (Lyness 2007) Ang mga pangyayaring nagdadala ng pagkahapo ay
tinatawag na stressors at sinasakop nito ang iba’t ibang pangyayari. (Lyness 2007)
Habang nakararamdam ng pagkahapo ang mga tao, nawawalan sila ng kontrol
sarili. Pinatunayan ng mananaliksik na ang mga taong nakararanas ng pagkahapo
ay mas madalas ang pagliban sa kanilang diyeta, paginom ng mas maraming kape,
mas madalas na paninigarilyo, pagbale-wala ng mga gawaing bahay, pagkalimot ng
mga kasunduan sa mga kaibigan, at pagiging iresponsable sa pananalapi. Sila rin
ay nagiging sumpungin, iritable, magagalitin, at agresibo. Ang pagkahapo ay
nakasisira ng mga matatag na kundisyon at damdamin (Challem 2007)
Ang pagkahapo ay isang sikolohikal na reaksyon sa isang hindi komportable
o pamilyar na stimulus. Dahil sa stimulus na ito, nagkakaroon ng pagbabago sa
katawan gaya ng pagtaas ng pagkaalisto, pagkabalisa, pagtaas ng heart rate at
sobrang pagpapawis. Ang depinisyon ng pagkahapo ay mapapalawak ng tatlo
niyang uri: Acute Stress, Episodic Acute Stress at Chronic Stress.

Ang Acute Stress ay ang pinakamadalas na uri ng stress na nagaganap. Ito


ay mula sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng isang tao.

Ang Episodic Acute Stress ay nangyayari sa mga taong madalas na


nakakaramdam ng acute stress. Kasama dito ang mga taong palaging nakararanas
ng kaguluhan at krisis na nagdudulot ng matinding pagkabalisa.

Ang Chronic Stress ay nagagaganap sa mga taong hindi makahanap ng


paraan upang masolusyonan ang isang masamang sitwasyon. Ito’y nagdudulot na
pagkasira ng isip, ng buhay at ng pangangatawan ng isang tao. (Grossman 2008)

Ang pagkahapo ay naglalabas ng hormone na tinatawag na corticotropin-


releasing factor o CRF. Ito ang nagsisimula ng biological response kapag may
naramdaman na pagkahapo ang katawan. Tumataas ang antas ng CRF sa iba’t
ibang bahagi ng utak dahil sa pagkahapong nararamdaman. Ayon sa mga
nakaraang pag-aaral, natuklasan na ang pag-abuso sa droga ay nagpapataas din
ng antas ng CRF. Nagpapahiwatig ito na may neurobiological na kaugnayan ang
pagkahapo sa pag-abuso sa droga. Naglalabas din ito ng neurotransmitter na
norepinephrine na kinakailangan sa memorya. Ito ay isang dahilan kung bakit mas
natatandaan ng mga tao ang mga oras ng pagiging hapo kaysa sa mga karaniwang
karanasan. (Jaff-Gill et. al. 2007)

Noong 1974, inilimbag ni Richard Lazarus ang isang modelo na naghahati sa


eustress at distress. Sinasabing eustress ang nagaganap kapag ang pisikal at
mental na gawain ay pinagtitibay ng pagkahapo. Kapag ang stress ay paulit-ulit at
hindi maresolba ng pagaalinsunod, ito ay tinatawag na distress. Ang distress ay
maaring magdulot ng anxiety at depression.
Mga Karaniwang Pagkahapo:

Pagkahapong Pangkaligtasan: Maaaring narinig mo na ang “flight or flight”.


Ito ay karaniwang tugon sa panganib sa lahat ng hayop at tao. Kapag ikaw ay takot
na ang isang tao o isang bagay ay maaaring saktan ka pisikal, ang katawan mo ay
tumutugon sa pamamagitan ng biglang paglabas ng enerhiya para ikaw ay mas
makaliligtas mula sa mapanganib na sitwasyon (fight) o takasan ito (flight). Ito ang
paghahapong pangkaligtasan.

Pangkaloobang Pagkahapo: nahuli mo na ba ang iyong sarili na nag-aalala sa


mga bagay na wala kang magagawa o mag alala sa wala talagang kadahilanan? Ito
ang pangkaloobang pagkahapo at ito ay isa sa mga pinaka mahalagang klase ng
pagkahapo na dapat intindihin at kontrolin. Pangkaloobang pagkahapo ay kung
saan ang mga tao ay ginagawa nila ang sarili nilang nahapo. Ito ay kadalasang
nangyayari tuwing nagaalala tayo sa mga bagay-bagay hindi natin kayang kontrolin
o ilagay ang sarili natin sa mga sitwasyon na alam nating lilikha ng pagkahapo. Ilan
sa mga tao ay nahihilig sa klase ng minadali, banat, uri ng pamumuhay na ang
sanhi ay ang pagiging hapo. Humahanap din sila ng mga nakahahapong mga
sitwasyon at nararamdamang pagkahapo ukol sa mga bagay na hindi nakahahapo.
Pagkahapo sa kapaligiran: Ito ay tugon sa mga bagay sa kapaligiran na nakaka
likha ng pagkahapo, gaya ng ingay, pagdami ng tao, at pagdidii mula sa pamilya o
trabaho. Ang pag ukol sa mga kapaligirang pagkahapo at pagkatuto para maiwasan
ang mga ito o harapin ag mga ito ay makatutulong mapababa ang antas ng
pagkahapo. Pagkahapo sa trabaho: Para makisabak ng matagumpay, ang mga
kompanya ay hindi kakayaning matulog . Mas kaunting trabahador rin ang kayang
mawalan ng komunikasyon tuwing katapusan ng linggo o bakasyon. (Challem
2007) Ang pagkahapong ito ay nililikha sa matagal na panahon at maaring
makapagod sa iyong katawan. Maaaring ang sanhi nito ay lubusang pagtratrabaho
sa iyong trabaho, eskwelahan, o tahanan. Ito ay maaari ring likha ng hindi pag-
alam kung papaano gamitin ng wasto ang oras o pagliban ng oras para sa bakasyon
o pahinga. Ito ay maaaring isa sa mga pinakamahirap na klase ng pagkahapo na
iwasan dahil maraming tao ang nakararamdam na ito ay labas at wala sa kanila ang
kontrol.
Maraming tao ang hindi nakapagbabakasyon dahil sa presyon sa trabaho at
pagkaalista. Marami sa kanila ang ayaw magpaliban dahil natatakot sila sa
trabahong nakaabang sa kanilang pagbalik. (Challem 2007)

Ang pagkahapo sa mga personal na ugnayan. Ang madalas na pagtatalo at


hinanakit ay nakadaragdag sa pagkahapo. Maraming gulo sa mga ugnayan ay
kinahahantungan sa mga pangunahing isyu, gaya ng problema sa
pakikipagugnayan at pagtangkang kontrolin ang ibang tao. (Challem 2007)

Pagkahapo mula sa kakulangan ng pahinga. Ang pagkahapo at ang mataas


na antas ng cortisal ay nakagagambala sa pagtulog na dumaragdag sa lalong
pagtaas ng antas ng cortisal. Ang cortisal at kakulangan sa pagtulog ay parehong
mas madalas na nag diyabetes, obesity at heart disease. (Challem 2007)

Pagkahapo mula sa pagsakay sa pampasaherong sasakyan. Ang pagsakay sa


pampasaherong sasakyan papunta at pabalik sa trabaho ay isa pang kadalasang
dahilan sa pagkahapo ng maraming tao. Nakaiinis na maipit sa gitna ng trapiko at
wala kang kapangyarihang gumawa ng kahit ano para takasan ito. Ang pagkahapo
ay umaapekto sa ating neuronutrients at neurotransmitters. (Challem 2007)

C. SANHI AT SALIK NA NAGDUDULOT NG PAGKAHAPO

Maraming sanhi ang stress at ito ay magka-iba sa iba-ibang indibidwal. Ang


iyong itinuturing na nakahahapo ay depende rin sa maraming mga dahilan kabilang
na ang iyong personalidad, abilidad sa paglutas ng problema at ang mga taong
nariyan para sumoporta. Ang isang bagay na nakahahapo sa’yo ay maaring
nakatutuwa pala para sa iba. (Jaff-Gill et. al. 2007) Ayon sa Holmes-Rahe Life
Stress Inventory, ito ang mga Unang Sampung nakahahapong pangyayari:

1. Pagkamatay ng Asawa 6. Karamdaman


2. Diborsyo 7. Pag-aasawa
3. Paghihiwalay ng mag-asawa 8. Pagkawala ng Trabaho
4. Pagkakulong 9. Pagkasa-ayos ng relasyong mag-
5. Pagkamatay ng isang malapit na asawa
kamag-anak 10. Pagbitiw mula sa trabaho
Mga karaniwang dahilan ng pagkahapo sa pag-aaral:

Transisyon. Bawat taon ay isang transisyon sa iyong anak. Mga bagong


guro, bagong silid-aralan, at mga bagong inaasahan ay nakadaragdag sa
pagkabalisa ng isang mag-aaral. Ang pagkabalisa ng isang mag-aaral ay
nagsisimula sa unang araw ng pasukan, ngunit hindi iyon nagtatapos doon. Ang
pinakamatinding transisyon ay ang simula ng hayskul.

Mga marka at report kard. Para sa isang mag-aaral na nagpupunyagi sa


pag-aaral, ang report kard ay maaaring magkumpirma ng pagkabuway. Kahit para
sa magagaling na mag-aaral, ibig sabihin ng report kard ay maaaring hindi
pagkamit ng mga layunin na kanilang itinalaga sa kanilang sarili. Kadalasan, ang
mga mag-aaral ay nagbibigay ng mabigat na dalahin sa kanilang sarili dahil sa mga
simpleng takda sapagkat sila’y nag-aalala sa kanilang mga marka. Mayroon silang
pakiramdam na ang isang pagsusulit o sanaysay ay sisira sa kanilang pagkakataon
na makapasok sa isang magandang kolehiyo. (Britt, H., 1992)

Mga Takdang-aralin at mga Proyekto. Minsan, kapag ang isang takdang-


aralin ay masyadong mahirap, ito’y ginagawa ng magulang. Ito ang isa sa
pinakamalaking pagkakamali na magagawa ng isang magulang sapagkat ninanakaw
nito ang oportunidad ng bata na matuto. Ang pinakamalala, ito ay nakadaragdag
sa pagkahapo. (Holmes, R., 1992)

Pagpapasaya sa magulang. Para sa mga nakararaming kabataan, ang


pinakamalaking pagkahapo ay ang maging kasiya-siya sa kanilang mga magulang.
Marami ang nakakaalam na ang kanilang mga magulang ay may lubos na
inaasahan sa kanila kaya naman sila’y natatakot bumagsak. Dala nila ito sa lahat
ng kanilang mga gawain. Hindi na nila sinusubukang gumawa ng ibang bagay sa
takot na mabigo. (Egan, J., 1992)
D. EPEKTO NG PAGKAHAPO SA ASPEKTONG SIKOLOHIKAL NG ISANG MAG-AARAL

Ang mga epekto sa pag-iisip ay ang kahirapan sa pag-iisip ng mabuti,


pagiging makalimutin, kawalan ng pagiging malikhain at paggawa ng mga desisyon,
at ang pagkawala ng kakayahang makita ang bagay na nakakatawa. (Martiquet,
n.d.)

Ang pagkahapo ay nagdudulot sa katawan ng pananakit ng ulo, pananakit ng


tyan at dibdib, pagtaas ng blood pressure at pagkakaroon ng problema sa pagtulog.
Ayon sa pananaliksik, ang pagkahapo ay maaring magdulot o magpalala sa ilang
sintomas o karamdaman. (Chang, 2006).

Ang pagkahapo sa paaralan ay mas malala ngayon kung ikukumpara noon.


Sa sobrang tindi ng pagkahapo ng kabataan, minsan ito ay umaabot sa
pagpapakamatay. Ayon sa Capable Kids Counseling Centers, isang American
teenager ay nagtatangkang magpakamatay bawat 78 segundo. (Atkins, A., 1992)

Ang pagkahapo ay hindi lamang nagdudulot ng pisikal na karamdaman, ito


rin ay may masamang epekto sa mental na kalusugan. Habang nagtatagal, ito ay
nagdudulot ng mental na problema, tulad ng:

• Pagkabalisa • Problema sa pagkain, at


• Kalungkutan • Pag –aabuso ng substansiya

(Jaff-Gill et. al. 2007)

Ang pagkahapo ay nakakaapekto sa utak, particular na dito ay ang


memorya, ngunit ang epekto nito at nag-iiba depende kung ito ay acute o chronic.

Epekto ng Acute Stress sa memorya at konsentrasyon

Ayon sa mga pag-aaral, ang agad-agad na epekto ng acute stress ay ang


pagbaba ng kalidad ng short-term memory, particular nito ang verbal memory. Ang
positibong epekto naman nito ay sa mataas na lebel ng stress hormone sa acute
stress ay inaasociate sa magandang memory storage and mataas na konsentrasyon
sa mga importanteng pangyayari.
Epekto ng Chronic Stress sa memorya

Kung ang pagkahapo ay naging chronic, ang mga naapektohan nito ay


nakararanas ng pagkawala ng konsentrasyon sa trabaho at bahay, at sila ay
maaring mawalan ng silbi at maging malapitin sa disgrasya. Sa kabataan, ang
sikolohikal na epekto nito ay ang pagbaba ng kalidad ng pagkatuto. Ang chronic
stress sa matatanda ay nakakadagdag sa memory loss.

Samantala, ang anxiety o pagkabalisa ay mistulang naghahasik ng kaguluhan


sa limbic system, isang bahagi sa ating utak na nagkokontrol sa ating mga
emosyon. Isang parte ng limbic system na pinakaapektado ay ang amygdala. Ang
amygdala ay kabilang sa pakikiramdam at sa pagresponde sa mga fear-evoking
stimuli. (Sapolsky 2003)

Ang pagkakaiba sa karanasan na dulot ng eustress o distress ay malalaman


sa pamamagitan ng pagkakaiba sa mga karanasan (totoo o kathang isip lamang),
personal na inaasahan at mga pamamaraan upang makaraos sa pagkahapo. Ang
isang taong nakakamit ang kanyang pansariling ekspektasyon ay walang
nararamdamang pagkahapo, kahit ang kondisyon ng kanyang pamumuhay ay
negatibo sa pananaw ng iba. Halimbawa, ang isang taong minarkahang “mahirap”
ay maaaring hindi dumanas ng pagkahapo kung sapat ang kanyang kinikita para sa
kanyang mga pangangailangan. Kung mayroong patuloy na pagkakaiba sa pagitan
ng karanasan at mga inaasahan, ang pagkahapo ay maaring humupa sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mga inaasam nang makamit ang mga
kasalukuyang mga karanasan o kondisyon. Ang mga nakababahalang karanasan,
ito ma’y totoo o hindi, ay maaring magdulot ng isang stress response. (Sapolsky
2003)

May mga epekto rin ang pagkahapo sa pag-uugali at kilos ng isang tao.
Kasama dito ang pagiging palautos at palapintas, ang sobrang paggamit ng alkohol
o tabako, pagkain ng marami, at ang pagkawala ng kakayahang makapagtrabaho
ng mahusay. (Martiquet, n.d.)
Ang mga emosyonal na epekto ng pagkahapo ay ang pag-iyak, pagiging
nerbiyoso, at pagkabahala. Kasama pa rito ang pagkainip o boredom (walang
kahulugan nakikita ang tao sa kanyang mga gawain o sa kanyang buhay), pagiging
matatakutin, pagkakaroon ng impresyon na hindi na maaabot ang pagbabago, at
kalungkutan. (Martiquet, n.d.)

E. EPEKTO NG PAGKAHAPO SA ASPEKTONG PISIKAL NG ISANG MAG-AARAL

Ang mga pisikal na epekto ng pagkahapo ay ang pagsakit ng ulo, pananakit


ng tiyan, kahirapam sa pagtulog, masakit na likod at leeg, pagbilis na pagtakbo ng
puso, at ang pakiramdam na walang katahimikan o pahinga. (Martiquet, n.d.)

Ang pagkahapo ay maaring maging pangunahing kaaway ng kalusugan dahil


malaki ang epekto nito sa immune system, mas madalas na nakararanas ng
matinding karamdaman ang katawan. Respiratory conditions gaya ng hika, ay
maaring lumala. Maaari ring tumaas ang blood pressure na pwedeng dumagdag sa
chronic high blood pressure. Lalong titindi ang pagcontract ng puso na siyang
nagpapataas ng antas ng free fatty acids na maaaring bumara sa arteries na
masama para sa puso.

Ang pananakit ng ulo ay madalas na nauugnay sa pagkahapo. Ito’y


nangyayari dahil sa biglaang pagsakit ng anit, ulo, at muscles sa leeg. Ang mas
matinding pagkahapo ay dumaragdag sa muscular tension na makikita sa pananakit
ng ulo, likod, leeg at iba pang pananakit sa katawan.

Ang pagkahapo ay mayroon ring epekto sa nutritional status ng katawan at


immune response sa sakit. Upang makamit ang mga demands ng pagkahapo,
mahalaga na mapanatili ang nararapat na nutrisyon sa pagkaroon ng balanseng
diyeta. Ang pagkain ng masyadong marami o konti at pagkain ng mga mali at hindi
masusustansyang pagkain ay maaring makaimpluwensya sa pagdanas ng
pagkahapo. (Bairds 2008)
Ayon sa mga pag-aaral, 60-90 porsyento ng mga sakit ay may kinalaman sa
pagkahapo. Ito ay nakakasama sa cardiovascular system at sa immune system.
Maraming medical na kondisyon ay sanhi ng pagkahapo o lumalala dahil dito, gaya
ng:

• Chronic pain • Sakit sa puso • Pagkabaog


• Matinding pananakit • Diyabetes • Autoimmune diseases
ng ulo • Hika • Irritable bowel
• Ulser • PMS syndrome
• Pangangasim ng
sikmura • Obesity • Problema sa balat

• High blood pressure


(Sanggunian: http://adam.about.com/reports/000031_2.htm)

Mga pamamaraan sa pagkontrol ng pagkahapo

A. MGA GAWAING PISIKAL

Ang hobby o libangan ay nagbibigay ng pagkakataong gawin ang kanilang


naising gawin at kasabay nito ang pagkakataong bumaba ang antas ng pagkapo ng
isang tao. Ang libangan ay isang pahinga mula sa nakahahapong realidad ng
buhay. Binibigyan nito ang isang tao ng pagkakataon na pansamantalang
makalimutan ang mga pang-araw-araw na alalahanin. Binibigyan rin ng
pagkakataon ng isang libangan ang isang indibidwal na palawakin ang kanyang
kaalaman at madiskubre ang kanyang talento (Whittle, 2007). Ang pagkakaroon ng
pinagkakaabalahan tulad ng pagpinta, pagkanta at pagtugtog ng instrumentong
pangmusika ay nakatutulong sa pag-relax at nagbibigay kasiyahan sa isang tao
(Nyholm, 2007). Dahil dito, ang pagkahapo ay napapahupa ng husto (Whittle,
2007).

Ang pagsali sa isang gawaing pangkalakasan ay isang mahusay na paraan


upang mapahupa ang pagkahapo (Hall, 2006). Ito’y sa kadahilanang nakatutulong
ito sa pansamantalang paglimot sa mga problema. Halimbawa, pwedeng palabasin
ang galit sa trabaho sa pamamagitan ng paglalaro ng mas may mataas na enerhiya
at pagiging mas agresibo (Rein, 2006).
Ang regular na pageehersisyo ay isang halimbawa upang mabisang
mapahupa ang pagkahapo. Kung ang isang indibidwal ay hindi nais magkaroon ng
kakompetisyon, nararapat na hindi na ito sumali sa mga kompetitib na gawaing
pangkalakasan (Nutrition Health Center, 2008).

B. MGA BISYO

Ang paginom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot bilang


pamamaraan upang mabawasan ang pagkahapo ay hindi mabisa. Lalo lamang
napapalala ang kondisyon ng katawan sa pamamagitan nito (Chang 2006)Tipikal sa
mga manginginom ang uminom ng alak kapag nakararanas ng pagkahapo.
Umiinom sila upang magpahinga, umiwas sa mga problema sa trabaho,
pampananalapi at pamilya at para maiwasan ang pagkaalista, pagkagalit, at
panghihina ng loob. Ang pagpili nila sa alak bilang pagbawas sa pagkahapo ay ang
pinakamababang paraan.

Ang paninigarilyo ay nakasasama sa ating kaulusugan. Ang sigarilyo ay may


nicotine na isang stimulant na nagdaragdag pa ng pagkahapo

Ang pinakadelikadong paraan ng pagkontrol ng pagkahapo ay ang paggamit


ng bawal na gamot. Nakasaad sa pulyeto ng DAPP-CG na ang mga bawal na gamot
ay mga lason na siyang nakakaapekto sa pagiisip at mapanira sa
pagkamapanlikhain ng isang tao. (Guevara 2008)

Epekto ng pagkahapo sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng isang mag-aaral

Ang pagkahapo ay nakakaapekto sa emosyon at disposisyon ng tao, kaya


naman karaniwang naapektuhan rin ang mga taong malapit sa isang indibidwal na
nakararanas ng stress. Ang mga taong maaring maapektuhan ay ang mga kaibigan
at pamilya na kadalasang nakakasama ng nasabing indibidwal na nakararanas ng
pagkahapo.
KABANATA III
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng


pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ko na
gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan
(survey questionaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ako na angkop
ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap
ng datos mula sa maraming respondente.

B. METODOLOHIYA

Nagbigay ako ng 10 talatanungan sa mga mag-aaral ng Flos Carmeli. Sa 10


talatanungan, lahat ay naibalik. Ang talatanungan ay nagpokus sa pananaw ng
mag-aaral tungkol sa pagkahapo o stress. Una, nagtanong ito tungkol sa mga
palagay ng mga mag-aaral tungkol sa pagkahapo, at kung ano sa tingin nila ang
mga dahilan ng kanilang pagkahapo (tulad ng akademiks, personal na buhay, at iba
pa). Nagtanong din ito kung sa aling aspeto nakakaapekto ang pagiging hapo ng
mag-aaral, kung sa paaralan, sa pamilya at mga kaibigan o sa pangagatawan o
kalusugan, at ang kanilang dahilan kung bakit nila nasabing naapektuhan ang mga
aspetong ito. Huli, nagtanong ito ng mga ginagawa ng mga mag-aaral upang
mabawasan ang kanilang pagkahapo, tulad ng mga pinagkakaabalahan (hobbies),
mga gawaing pangkalakasan (sports), bisyo o pagkain. Tinanong rin nito kung
paano nakakatulong ang mga gawain ng mga mag-aaral sa pagbawas ng
pagkahapo. Sinukat din ng talatanungan kung gaano kadalas ginagawa ng mga
mag-aaral ang mga gawaing ito, at kung sa kanilang palagay ay epektibo ba ang
mga nasabing gawain sa pagbawas ng pagkahapo, pati na rin kung paano
nakatutulong sa pagbawas ng pagkahapo ang kanilang napiling gawain.
C. PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Karaniwang depenisyon ng paghahapo mula sa mga mag-aaral

Pagtatrabaho o pag-aaral na walang pahinga

Pagkapagod at kakulangan ng pahinga at tulog

Sobrang daming ginagawa, kulang sa oras

Problema sa buhay

Hadlang sa gustong gawin

Kakulangan sa enerhiya upang ipagpatuloy ang gagawin

Sobrang pag-aaral at masyadong pag-iisip

Ayon sa listahang ito, ang karaniwang kahulugan ng pagkahapo para sa mga mag-
aaral ay ang “paglalabis ng panghihina ng ating pisikal at mental na katangian”,
“kakulangan ng pahinga at tulog”, “sobrang daming ginagawa at kakulangang sa
oras” na siya namang alinsunod sa mga kahulugang ibinigay ng iba’t ibang mga
mananaliksik gaya ni McGrath (1970) na nagsasabing ang pagkahapo ay
“tumutukoy sa kawalan ng balanse sa pagitan ng isang pinanghihinalaang
pangangailangan at ang abilidad ng indibidwal na umaksyon dito.”
Grap 1. Bahagdan ng mga respondenteng mag-aaral na nagsasabing sila ay
nakakaranas ng pagkahapo.

Sa 10 na estudyanteng binigyan ng sarbey, lahat sila ay nagsasabing


nakararamdan na sila ng pagkahapo. Lahat tayo ay nakakaranas ng pagkahapo.
Hindi lamang tayong mga estudyante pero pati ang ating mga guro, magulang,
kapatid at iba pa.
Sa tatlong kadahilanan ng pagkahapo, limampung bahagdan (50%) ang
nagsasabing ang akademiks ang nakapagdudulot sa kanila ng pagkahapo,
samantalang apatnapu bahagdan (40%) ang nagsasabing ang personal na buhay
nila ang nagdudulot ng pagkahapo. Sampung bahagdan naman o (10%) ang
nagsasabing ang extra-curricular activities nila ang nagdadala ng pagkahapo.

Iba’t-ibang Gawain ng mag-aara Mga dahilan kung bakit nagdudulot ito ng


pagkahapo sa isang mag-aaral
Akademiks • Pagsabay-sabay ng mga pagsusulit,
proyekto at research paper
• Inaantok sa klase
• Kinakain ang oras sa personal na buhay
• Walang tulog
• Bumabagsak

• Dagdag sa aalahanin
Extra-curricular • Kinakain ang oras sa personal na buhay

• Dagdag sa rami ng ginagawa


Personal na Buhay • Pagkapagod
• Hindi alam kung ano ang gagawin
(prayoridad)

• Sobrang pag-iisip

Batay dito, masasabi nating ang pag-aaral ay isang dahilan kung bakit
nahahapo ang isang mag-aaral sapagkat ‘di lamang ang mga pangangailangan ng
pag-aaral ang nakakabit dito kundi pati na rin ang iba’t ibang mga bagay na
nagdudulot ng pagkahapo gaya ng pagkakasabay-sabay ng mga proyekto’t
takdang-aralin, ang pagpapasaya ng mga magulang, mga marka at report kard
(Britt 1992, Holmes 1992, at Egan 1992).

Kadalasan nakakadulot ng pagkahapo sa isang mag-aaral ang pagaaral. Dito


nararanasan ang pressure sa dami ng pinapagawa ng mga guro sa maikiling
panahon lamang.Ang extra-curricular activities naman ay kumakain ng oras kaya’t
napipilitan ang estudyante na tapusin ang kanyang mga kinakailangan sa maikling
panahon na lamang.
Grap 3. Mga aspetong naaapektuhan sa buhay ng isang mag-aaral na hapo.

Sa mga aspetong naaapektuhan ng pagiging hapo ng isang mag-aaral,


apatnapung bahagdan o 40% ang nagsabing naapektuhan ang kanilang pag-aaral o
ang kanilang mga gawain sa paaralan habang apatnapung bahagdan o 40% ang
nagsabing ang kalusugan nila ang naapektuhan ng kanilang pagiging hapo.
Dalawampung bahagdan o 20% naman ang nagsabing ang kanilang pamilya at mga
kaibigan ang naapektuhan sa kanilang pagiging hapo.

Maaaring mahinuha sa datos na ito na maraming bagay ang naapektuhan sa


pagiging hapo ng isang mag-aaral at isa na rito ang kanilang abilidad sa paaralan.
Nakakalungkot isipin na nahahapo ang isang mag-aaral dahil sa kanyang mga
gawain sa eskwelahan at dahil dito ay lalo pang bumababa ang kalidad ng kanilang
gawain na maaari namang maging dahilan din ng pagkahapo. Masasabing ito ay
isang masalimuot na cycle na kung hindi maaagapan ay maaaring lumala pa.

Ang isang epekto ng pagiging hapo ay ang kahirapan sa pag-iisip ng mabuti,


pagiging makalimutin, kawalan ng pagiging malikhain at paggawa ng mga desisyon
na maaring isang dahilan kung bakit bumababa ang kalidad ng gawa ng mga mag-
aaral lalo na kung sila’y pagod.
Ang sunod na pinakamalaking aspetong naapektuhan ng pagkahapo ay ang
kalusugan ng mag-aaral, pagsakit ng ulo, pananakit ng tiyan, kahirapam sa
pagtulog, masakit na likod at leeg, pagbilis na pagtakbo ng puso, at ang
pakiramdam na walang katahimikan o pahinga ang karaniwang nararamdaman ng
isang taong hapo.

Epekto ng Pagkahapo

- Palaging pagod
- Nawawalan ng oras para sa pamilya
- Hindi nakakakilos ng maayos
- Nakakasama sa kalusugan
- Walang pokus
- Kakulagan sa pagkain at pagtulog
- Hindi tamang pag-kain
- Maraming iniisip
- Mababa ang marka
- Pag-aaway
- Hirap sa akademiks
- Nawawalan ng gana

Talahanayan 3. Listahan ng iba’t ibang dahilan ng pagkahapo sa buhay


ng isang mag-aaral.

Ang pagkahapo ay nakakaapekto sa maraming aspeto ng buhay.


Naapektuhan nito hindi lamang ang sarili pati ang pakikitungo sa ibang tao.

Sa pisikal na aspeto, mabilis mapagod ang estudyante. Nawawala na rin ang


pokus nito sa paaralan dahil sa dami ng inaalala. Sa nais nitong matapos ang
maraming gawain sa maikling panahon, napapabayaan na ang pagkain. Minsan
sobra sobra ang pagkain at minsan naman ay kulang. Kadalasan din ang hindi
pagtulog ng estudyante. Bumababa din ang performance level ng estudyante sa
klase.

Minsan, nagiging mainitin ang ulo ng estudyante kaya lagi ito napapaaway.
Para makatapos ng gawain, nilalaan na lamang ang oras sa pag-aaral kaysa sa
pamilya. Resulta nito ang pagkawala ng gana sa paggawa ng mga importanteng
bagay.
Grap 4. Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mga mag-aaral upang
mabawasan ang kanilang pagiging hapo

Dalawampung bahagdan (20%) ng mga respondente ang nagsabing pagkain


ang kanilang solusyon upang mabawasan ang kanilang pagiging hapo. Ang mga
pinagkakaabalahan naman o hobbies ang sumunod na sagot ng animnapung
bahagdan o 60% ng mga respondente na siya nilang ginagawa upang mabawasan
ang kanilang pagkahapo. Dalawampung bahagdan o 20% naman ang nagsabing
mga gawaing pangkalakasan ang kanilang ginagawa upang mabawasan ang
kanilang pagkahapo samantalang wala naman ang nagsabing ang bisyo ay
nakatutulong sa kanila.

Iba’t ibang dahilan kung bakit nakakabawas sa


pagkahapo ang kanilang napiling gawain
• Pagpapahinga
• Naaalis ang pagkanegatibo
• Pang-agaw pansin
• Nagiging Masaya

• Nakakalimutan ang problema

Talahanayan 4. Iba’t ibang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit


nakakabawas ng pagkahapo ang kanilang mga napiling gawain.
Grap 5. Ipinapakita nito ang pagkadalas ng paggawa ng mga gawaing ito.

Marami ang nagsasabing madalas nilang ginagawa ang mga gawaing


nakakabawas ng kanilang pagkahapo na umaabot sa animnapung bahagdan (60%)
ng mga respondente habang labindalawang bahagdan (12%) naman ang
nagsasabing palagi nilang nagagawa ang mga bagay na nakakabawas ng
pagkahapo para sa kanila. Dalawangpung bahagdan (20%) naman ang nagsabing
paminsan-minsan lamang nilang nagagawa ang mga gawaing nakakabawas ng
pagkahapo habang walong bahagdan (8%) ang nagsabing bihira lamang nila itong
gawin.

Mula sa datos na nakalap, maaaring dahil sa mga kadahilanang tinukoy sa


Talahanayan 4 kaya’t marami ang nagsabing madalas nilang gawin ang mga
gawaing nakakabawas ng pagkahapo. Isinulat nila na nakakapagbigay ito ng saya
at nakakaalis ng problema na maaaring magsilibing “gamot” para sa pagkahapong
kanilang nadaranas.
Grap 6. Ipinapakita nito ang pagka-epektibo ng mga ginagawa upang
mabawasan ang pagkahapo (stress)

Sa mga gawaing pinagpilian sa talatanungan, siyamnapu’t dalawang


bahagdan (92%) ang nagsasabing epektibo ang kanilang napiling gawain sa
pagbawas ng kanilang pagkahapo habang limang bahagdan o 5% ang nagsasabing
hindi. Sampung bahagdan (10%) naman ang nagsabing medyo epektibo lamang
ang kanilang napiling gawain.

Makikita na isang angkop na paraan upang kontrolin o bawasan ang


pagkahapo ay ang gumawa ng iba’t ibang bagay na nakapagdudulot sa iyo ng saya
o kalayaan na gawin ang ano mang iyong naisin.

Sagot Dahilan

Oo • Nakakatanggal ito ng
pagkahapo
• Nakakagana

• Nagkakaroon ng
motibasyon
Hindi • Nauubos agad ang
enerhiya
• Pagod

• Hindi nawawala ang


pagkahapo
Medyo • Hindi lubusang
nawawala ang
pagkahapo

Talahanayan 5. Iba’t ibang kadahilanan kung bakit nasabing epektibo


o hindi ang napiling gawaing nakakabawas ng pagkahapo.
Ayon sa talahanayan, karaniwang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit nila
ginagawa ang mga bagay na nakakabawas ng kanilang pagkahapo sapagkat ito’y
nagkakaroon sila ng motibasyon, nagiging masaya sila sa kanilang ginagawa at
nabibigyan sila ng kalayaan upang gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin.
Ayon naman sa mga sumagot ng hindi, nasabi nilang hindi epektibo ang kanilang
mga ginagawa dahil hindi naman talaga nawawala ang kanilang pagkahapo at kung
nakakapagod pa ang kanilang mga ginagawa gaya ng mga gawaing pangkalakasan
o mga pinagkakaabalahan ay mas lalo lamang itong makadaragdag sa kanilang
pagiging hapo.
KABANATA IV
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. LAGOM

Lahat ng mga respondente ay nakararanas ng pagkahapo (100%). Ang


karaniwang nakakapagdulot sa kanila ng pagkahapo ay akademiks (50%),
extracurricular activities (10%), at personal na buhay (40%).

Ang mga aspetong naapektuhan sa buhay ng mag-aaral na hapo ay paaralan


(40%), pangangatawan o kalusugan (20%), at pamilya at mga kaibigan (40%).
Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mga mag-aaral upang mabawasan ang kanilang
pagiging hapo ay ang kumain (20%), pinagkakaabalahan o hobbies (60%),
gawaing pangkalakasan o sports (20%), at bisyo (0%).

Marami ang nagsasabing madalas nilang ginagawa ang mga gawaing


nakakabawas ng kanilang pagkahapo (60%) habang ang iba naman ay nagsasabing
palagi nilang ginagawa ang mga ito (12%). Mayroon din naming nagsasabing
paminsan-minsan lamang nila nagagawa ang mga gawaing ito (20%) habang ang
iba naman ay nagsasabing bihira lamang nila itong gawin (8%).

Sa mga respondente, marami ang nagsasabing epektibo ang kanilang mga


gawain sa pagbawas na kanilang hapo (92%) habang ang iba naman ay
nagsasabing hindi (5%). Kaunti lamang ang nagsabing medyo epektibo lamang ang
kanilang napiling gawain (10%).

B. KONKLUSYON

Mula sa pag-aaral, mapapansin na lahat ng mga mag-aaral ay


nakakadama ng pagkahapo. Ang mga estudyante ay nakakaranas ng problema
lalung-lalo na sa aspeto ng akademiks. Dahilan dito ang sabay-sabay na
pangangailangan ng bawat sabjek. Mangilan-ilan lamang ang nakararanas ng
pagkahapo sa extracurricular activities.
Upang maibsan ang nararamdaman na pagkahapo, dapat ay
maghanap ng makabuluhang pampalipas oras. Maaring gumaan ang pakiramdam
ng taong hapo at bumalik ito sa dating sigla. Maiaalis din sa isipan ang mga
problema.

Lahat ng tao ay makararanas ng pagkahapo. Maaring iba’t iba ang


sanhi nito. Ngunit dapat tayong matuto kung ano ang mga bagay na dapat bigyang
pansin at magkaron ng mabisang pamamahala ng oras. Huwag natin hayaan na
tayo ay laging nakakaranas ng pagkahapo sapagkat kapag ito ay lumala maaring
maapektuhan ang ating kalusugan.

C. REKOMENDASYON

Binigyang puna ng aking pamanahunang papel ang mga epektibong


pamamaraan ng pagbawas sa pagkahapo. Para sa mga mag-aaral na
kasulukuyang hinaharap ang mga karanasang nakakahapo, isaisip ang mga
pamamaraang ito, gaya ng mga pinagkakaabalahan o hobbies at mga gawaing
pangkalakasan. Alalahanin din na ang pamamaraan tulad ng bisyo ay nagdudulot
ng negatibong epekto sa katawan.
BIBLIYOGRAPIYA
About, Inc. (n.d.). Stress. Available: http://adam.about.com/reports/000031_2.htm
American Academy of Family Physicians . (1996). Stress: How to cope better with life's
challenges. Available:
http://familydoctor.org/online/famdocen/home/common/mentalhealth/stress/167.html
Babao-Guballa , C.S. (2008). Roots and wings : Protecting your kids’ health. Available:
http://services.inquirer.net/print/print.php?article_id=112027
Bairds, R. (n.d.). Health effects of stress: Anxiety. Available: http://ezinearticles.com/?Health-
Effects-of-Stress---Anxiety&id=965748
Challem, J. (2007). The food-mood situation. New Jersey: John Wiley & Sons Inc.
Chang, L. (2006, December). The effects of stress on your body. WebMD. Available:
http://www.webmd.com/content/pages/7/1674_52147.htm
Drinking alcohol to relieve stress...a dangerous choice. (2003). Available:
http://www.fiu.edu/~oea/InsightsFall2004/online_library/articles/drinking%20to%20relieve
%20stress%20a%20dangerous%20choice.htm
Funk and Wagnalls New Encyclopedia. (1986). Stress, v. 24, p. 383. USA: Rand McNally &
Company.
Grossman, M. (n.d.). The definition of stress: Knowing can be a life-saver. Available:
http://ezinearticles.com/?The-Definition-of-Stress---Knowing-Can-Be-a-Life-Saver&id=960128
Guevara, E. (February 2008). Uno. dos. stress. Tambayan Tamaraw Bayanihan. Available:
http://www.feuadvocate.com/advocatefeatures/unodosstress02012008.htm
Hall, G. (2006, September). Consider taking up recreational sports to relieve stress. EzineArticles.
Available: http://ezinearticles.com/?Consider-Taking-Up-Recreational-Sports-To-Relieve-
Stress&id=310304
Jaffe, J. Segal, J. (2007, September). Dealing with stressful relationship: How to stay calm and
communicate better. Help Guide. Available:
http://www.helpguide.org/mental/eq2_managing_stress_relationships.htm
Jaffe-Gill, L., et. al. (2007, March). Understanding stress: Signs, symptoms, and effects. Help
Guide. Available: http://www.helpguide.org/mental/stress_signs.htm
Kaplan, S. and C. Wicox. (2004). Majority of students stressed, shows poll. The Dickinsonian.
Available: https://www.dickinson.edu/dickinsonian/detail.cfm?316
Martiquet, P. (n.d). MHO article: Effects of stress. Vancouver Coastal Health. Available:
http://www.vch.ca/living/depression/mho_stress.htm
McGrath, J.E. (1970) A conceptual formation for research on stress. In J.E. McGrath (ed.) Social
and Psychological Factors in Stress. New York: Holt, Rinehart & Winston, pp. 10-21
Nadig, A. Stress: A health and relationship killer. DrNadig. Available:
www.drnadig.com/stress.htm
Nyholm, C. (2007, August). Stress reduction techniques: How people cope with stressful life
situations. Suite 101. Available: http://health-
psychology.suite101.com/article.cfm/stress_reduction_techniques
Rein, D. (2006). Ways to relieve stress: Working out, playing sports, doing a craft and more.
Associated Content, The People’s Media Company. Available:
http://www.associatedcontent.com/article/71384/ways_to_relieve_stress_working_out.html
Stress relief. (2008). Nutrition Health Center. Available: http://www.add-adhd-help-
center.com/stress/relieve_stress.htm
The Nemours Foundation. (2007). Stress. Available:
http://www.kidshealth.org/teen/your_mind/emotions/stress.html
University Health Centre. (2001). Studens & stress. Available:
http://www.ualberta.ca/dept/health/public_html/healthinfo/stress.htm
Whittle, Adrian. (2007, March). Hobbies As Stress Relief. EzineArticles. Available:
http://ezinearticles.com/?Hobbies-As-Stress-Relief&id=486452
PATUNGKOL SA AWTOR
I. Contact Information
Pangalan : Clarice Yvonne A. Candaza
Tirahan : 11 Old Cabuyao Sauyo Road Novaliches Quezon City
Telepono/Cellphone Number : 4302847/09276593177
E-mail Address : claryvon@yahoo.com

II. Personal na Datos


Edad: 15
Kapanganakan : Setyembre 12, 1995
Lugar ng Kapanganakan : Quezon City
Lahi : Filipino
Kasarian : Babae
Pangalan ng Ina : Glady Taira

III. Educational Background


Paaralan :
• Sekondarya:Flos Carmeli Institution Of Q.C.
• Elementarya:Good Shepherd Cathedral School

IV. Mga interes at pangarap


Mahilig akong kumanta at sumayaw.Gusto ko talaga maging
artista kasi tingin ko doon talaga tumutugma yung talento ko.

You might also like