You are on page 1of 22

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV,


Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito na
pinamagatang “Ang pagsusulat at pakikipag-komunikasyon ng mga
Jejemon sa pamamagitan ng modernong teknolohiya”. Inihanda at
iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si
Bb. Jessilyn Ranges ng dalawang mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV
– St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011.

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at


inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.

Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan


sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:

_____________________

Gng. Ma. Brenilda Medina


(Punong-Guro)

_____________________________

Bb. Jessilyn Ranges


(Guro sa Filipino)
PASASALAMAT

Lubos naming pinasasalamatan ang mga sumusunod dahil sa nabigay nilang


tulong at suporta upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito:

-      Una na rito ang Diyos, sa kanyang pag-gabay sa amin habang


ginagawa ang pananaliksik na ito

-      Ikalawa ay ang aming butihing guro na si Bb. Jessilyn Ranges, sa


pagtulong at sa pagbibigay ng mga ideyang makakatulong sa aming
pananaliksik.

-      Ikatlo ay ang mga naging respondente, na sumagot nang buong puso
at naglaan ng oras para sa aming mga katanungan.

-      Sa aking pamilya at mga kaibigan, na naniwala at tumulong na rin sa


pagbibigay ng ideya upang mabuo ang pananaliksik na pinaghirapan namin.

-      At ang huli ay sa mga awtor at mga taong nakuhanan ko ng mga datos
na sa kanila ko lamang nakalap.

 
TALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”

A. INTRODUKSYON
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
D. SAKLAW AT LIMITASYON
E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO NG PANANALIKSIK”

A. DISENYO NG PANANALIKSIK
B. MGA RESPONDENT
C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
D. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”


A. KONKLUSYON
B. REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA
PATUNGKOL SA AWTOR
KABANATA I
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
A. INTRODUKSYON

                Texting, sinasaklaw nito ang estadong pamamahayag ng saloobin


ng mga indibidual bilang isang epektibong komunikasyon sa mundo. Dahil
ito na ang pinakasikat na uri ng komunikasyon sa ating henerasyon.

Eto ang modernong pagpapalitan ng haka-haka, epektibong


pagtutumag ng dalawa o higit pang mananalita o nakikinig sa aspetong
gamit ang pagsusulat gamit ang “CELL PHONE”. Eto ay uri ng komunikasyon
na mas malawak ang nasasaklawan at dahil dito maaaring maging problema
o makakaganda eto sa pag-uugali, pananalita o maging sa pag-sulat ng
isang idibidual lalo na sa mga kabataan. Eto ang pinakamadaling pagbibigay
ng impormasyon o mensahe sa pamamagitan ng mga pinaikling mga salita.

 Ngunit maraming problema ang maaaring maidulot ng simpleng pag-


tetext. Isa na rito ay ang pagpuksa sa mga taong “jejemon”. Na kung
titignan natin ay masasabing kakaiba sa uri ng pagsususlat nila sa “CELL
PHONE” o maging sa pananalita. Naging mabilis ang pag-unlad ng ating
kumunikasyon dahil sa mga nagsusulputang ibat-ibang uri ng gamit o
modelo ng “cellphone, computers atbp.” Mabilis din ang epektong idinudulot
ng mga taong ginagamitito sa maling pamamaraan.

                Sa panahon ngayon naging parte na sila ng ating lipunan, Ngunit


hindi ito naging madali para sa kanila dahil napuno sila ng batikos at
pagtataboy sa unang-una pa lang na pagkasikat ng mga taong nasasabing
mali ang pag-gamit nila ng modernong komunikasyon sa pamamagitan ng
“TEXT”.

 
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin ng Text Messaging na pabilisin ang pag-papadala ng mga


mensahe sa pamamagitan ng modernong pamamaraan tulad ng paggamit
ng cellphone, computer, ATBP. Eto ay uri ng mensahe na pinaikli lamang o
“Short Cut,” kung saan binabawasan ang mga salitang madaling intindihin.
Eto ay uri ng modernong proposisyon at impormasyon na magmumulat sa
tao sa mabilis na pag-unlad ng ating herenasyon.

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa mga mananaliksik:       

 Ang kahalagahan ng pagnanaliksik na eto ay para makapagbigay ng


panibagong ideya sa mga mananaliksik na makakabasa nito. Maaari eto
gamitin bilang isang gabay ng kaalaman sa mga ibang mananaliksik tungkol
sa kanilang pinag-aaralan.

Sa mga kabataan:

          Ang pananaliksik na eto ay magmumulat sa mga kabataan tungkol sa


problema at mahahalagang impormasyon. Sanhi ng problema at paglawak
nito, mga sulusyon na kinakailang tungkol sa mahahalagang isyu ng ating
lipunan.

Sa mga magulang:

Ang pag-aaral na eto ay makatotohanang pag-ungkat ng mga


problema tungkol sa isang mahalagang isyu ng ating bansa at suliranin din
ng mga magulang. Eto ay magmumulat ng katotohanan at kaalaman ng
limitasyon at obligasyon ng isang magulang.
 

Sa pamahalaan:

Ang pag-aaral na eto ay makakatulong sa pamahalaan na halungkatin


ang mga maliliit na isyu ng ating lipunan. Pag-bibigay ng mas malawak na
kampanya para sa mga kabataan at sa kanilang edukasyon. Pag-papalawak
ng kanilang kaisipan para makaisip ng epektibong paraan na maaring
pakinggan at sundin ng kabataan at ng pamayanan.

Sa komunidad:

          Ang pananaliksik na eto ay makakatulong sa pamayanan na buksan


ang kanilang kaisipan at gumawa ng sulusyon sa problemang pang estado
ng ating bansa. Makakatulong din itong pahalagahan ng ating lipunan ang
pag-gamit natin sa ating wika ng wasto bilang Pilipino na nagmamahal sa
sariling atin.

D. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw tungkol sa mahahalagang isyu


ng ating bansa. Nakasentro ito sa pagpapatibay ng impormasyon tungkol sa
mga problema at solusyon ukol sa problema ng ating bansa, na pagbaba ng
kalidad ng kaalaman ng mga kabataan dahil sa texting.

Ang paghahanap ng impormasyon ay naganap sa Flos Carmeli


Institution of Quezon City, at sa Dahlia Ave., Quezon City na nakatulong sa
pagbuo sa datos ng pananaliksik na ito.
E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

        Ang pananaliksik na eto ay sumisentro sa mga problema ng ating


bansa tungkol sa maling pag-gamit ng “TEXT”.

Ang pananaliksik na ito ay sasagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1.   Ano ang “TEXT”?

2.   Anu-ano ang mga nararanasang problema sa “Text” sa lipunan lalo


na sa mga kabataan?

3.   Gano kalaki o kalawak ang impluwensiya nito sa ating bansa?

4.   Anu-ano ang mga epektibong solusyon sa isyu na eto?

 
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA
Ang Text messaging o texting ay tumutukoy sa mga palitan ng mga
maikling mensahe na nakasulat sa pagitan ng fixed-lines ng telepono o
mobile phone at nakapirming o nabibitbit na aparato sa loob ng isang
network. Habang ang mga orihinal na salita ay nagmumula sa pagsangguni
sa mga mensaheng ipinapadala gamit ang Short Message Service (SMS)
buhat mula sa Radio telegrapya, dahil ito ay extended na isasama ang mga
mensahe na naglalaman ng imahe, video, at tunog ng nilalaman (na kilala
bilang MMS na mensahe) . Ang nagpadala ng isang text message ay kilala
bilang isang texter, habang ang serbisyo mismo ay may iba't ibang
colloquialisms depende sa rehiyon: maaaring ito ay tinutukoy bilang isang
teksto sa North America, Australia, Pilipinas at ang United Kingdom, isang
SMS sa  Europa, at isang TMS o SMS sa Gitnang Silangan at Asya.

Ang teksto ng mga mensahe ay maaaring gamitin upang makipag-


ugnayan sa mga awtomatikong sistema, tulad ng order sa mga produkto at
serbisyo para sa mga mobile phone, o mga kalahok sa contest. Sa mga
advertisers at mga service provider. Gumagamit ng teksto ang mga ito
upang abisuhan mga gumagamit ng mobile phone tungkol sa promotion,
pagbabayad takdang petsa at iba pang mga abiso na maaaring karaniwan ay
ipinadala ng post, e-mail o voicemail.

Kasaysayan ng Texting

Ang SMS ay unang ginamit noong Disyembre 1992, ni Neil Papworth,


isang 22-taong-gulang sa engineer test para sa Semi Group (ngayon Airwide
Solutions), na gumagamit ng isang personal computer upang magpadala ng
mga text na mensahe "Merry Christmas" sa pamamagitan ng Vodafone
network na telepono ni Richard Jarvis.

 
Kapag texting ang unang lumabas, orihinal na ito ay inilalaan para sa
mga negosyante. Ito ay tunay na may kamahalan at hindi isang
makakatotohanan opsyon para sa mga tao na hindi mayaman. Ang texting
ay nagsimula, na sila ay pwedeng  magpadala ng hanggang sa 140 bytes na
isinalin sa 160 mga character ng mga alpabetong Ingles.

Ang messaging ngayon ay ang pinaka malawak na ginagamit na


mobile data service, na may 74% ang mga gumagamit ng mobile phone sa
buong mundo o 2400000000 at naging 3300000000 sa katapusan ng 2007
sa pagiging  aktibong paggamit ng SMS. Sa mga bansa tulad ng Finland,
Sweden at Norway, higit sa 85% ng populasyon ay gumagamit ng SMS. Ang
Europeans naman ay may average na 80%.

 
KABANATA III
DISENYO NG PANANALIKSIK

 
A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay nasa pamamaraangimpormativ kung saan


inilalahad ang mga sanhi at dulot ng mga problema na maiidudulot ng
pagtetext sa mga kabataan.

B. MGA RESPONDENTE

Ang mga napiling respondent sa pananaliksik na ito ay may edad na


15-30 na may sapat na kaalaman sa mga problemang nakasaad sa
pananaliksik na ito.

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pangangalap


ng mga sa pamamagitan ng internet,aklat, at mga dokumento na maaaring
makatulong sa pananaliksik na ito.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong papel ay bumabase lamang sa mga kwestiyoner na


ipinapamigay na naglalaman ng tanong, at mga interbyu ukol sa nasabing
paksa.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA
DATOS
MGA KATANUNGANG NAKAPALOOB SA SARBEY NG
PANANALIKSIK
Ano ang dahilan kung bakit gusto ng mga kabataan ang pagtetext?

a. Dahil sa mga kaibigan


b. Upang manligaw
c. Pampalipas oras

Ayon sa survey na ito mas marami ang pabor sa letrang “A”. Dahil sa
ang pagtetext ay uri ng komunikasyon at ito din ang paraan na ginagamit ng
mga kabataan upang makipag-usap sa kanilang mga kaibigan.
Pumapangalawa dito ay ang titik “B”, gaya nga ng sinabi ko ang pag-tetext
ay isang uri ng komunikasyon kaya ito ay pwedeng magamit sa panliligaw
ng mga kabataan. At ang huli ay ang titik “C” marahil mas maraming sikat
na libangan kumpara sa pag-tetext tulad ng computer games,PSP,XBOX at
iba pa.
Sa tingin mo ba may hakbang o programa ang ating pamahalaan sa
ganitong isyu?

a. Meron
b. Wala

Sa ikalawang sarbey na aking isinagawa makikita dito na pantay lang


ang nagsabi ng meron at wala. Marahil hindi gaanong nababalita ang mga
programa o hakbang ng gobyerno sa television,radio at sa internet kaya
nasabi nilang wala. At sa panig naman ng meron marahil siguro ay
nadadama nila ang proyekto na ito at nakikita nilang ipinapatupad ito mismo
sa kanilang lugar.
Nakakasama ba ang pag-tetext/pag-tetext na katulad ng mga
Jejemon sa pag-aaral?

a. Oo
b. Hindi
c. Depende

Sa ikatlong sarbey na aking isinagawa mas pabor sila sa letrang “A”.


Sa mga aking napagtanungan tungkol sa tanong na ito madalas kong
narining na isinagot nila ay titik “A” dahil sinasabi nilang walang naidudulot
na maganda ang pag-tetext. At ang JEJEMON ay isang walang kwentang
salita lamang daw ayon sa aking mga na tanong. At sa letrang “B” naman
kaya yun ang naisagot nila dahil nagagamit nila ang pag-tetext sa pag
komunika sa kanilang mga kamag-aral at kaya naman daw kontrolin o itigil
ang pag-tetext kung gugustuhin mo. At sa letrang “C” naman ay sinabi ng
mga sumagot ng letrang ito ay na sayo na yun kung ititigil mo ito o
ipagpapatuloy ang pag-tetext.
KABANATA V
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. KONKLUSYON

Nalaman ko sa pananaliksik na ito dapat  tayong matutu maging alerto


sa atin kapaligiran at sa mga pagbabagong nang-yayari sa araw-araw.
Upang masabayan ang ating kaisipan at matangap ng maaga ang agos ng
paunlad ng ating teknololohiya.

Ang kinilabasan ng pananaliksik na ito ay maraming tao ang nahulog


na sa pagtetext at pagsasalita ng di pangkaraniwang lengguahe. Ang resulta
ay pag kahina ng memorya sa spelling at sa iba pang aspeto ng pag-aaral.
Kaya matuto tayong wag abusuhin ang mga technolohiyang natutuklasan
natin dapat ay palawakin natin ito at gamitin sa maayos na pamamaraan.
Upang ito ay mas makatulong para sa malaking pagunlad ng ating bansa.
Hindi mo din lubos na maisip na ang salitang jejemon ay sisikat ng ganun na
lamang sa bansa.Sa katunayan naging isa pa ito sa mga kalahok na kataga
na sa botohan sa U.P. na maidadagdag sa bokabularyo ng ating lahi subalit
ang nanalo ay “EMO” na ibig sabihin ay emosyunal o pagiging maramdamin.
At base sa survey na aking ginawa 68% ang  pabor na maging parte ito n
gating natural na pamumuhay. At kakaunti lang ang hindi pabor o mga
kumokontra sa mga ito at ninanais na maglaho ito dito. Subalit hindi na
makakaila ng sambayanang Filipino na ang pagsasalita ng di madali
intindihin na lenguahe ay kasabayan ng pag taas ng mga tinatawag na
texters o adik na sa txt. Sa totoo lang sa pagiging malikhain nating mga
Pilipino ay nakakaisip tayo ng mga bagay na nakakamangha na dapat nating
ipagmalaki at gamitin sa kanais nais at kapaki pakinabang na pamamaraan.

Ang “TEXT” ay ganap na kapakipakinabang subalit magbigay tayo ng


tamang pag galang sa ating wika bilang Pilipino at wag baguhin ang mga
wika na kinagisnan ng ating mga ninuno at kailangan nating ipamana pa sa
susunod pang  henerasyon. Ihahambing ko ang “TEXT” sa buhay ng tao
maiksi lamang pero makabuluhan maiksi na masaya at minsan lamang yan
ang text salitang maiksi pero maraming ibig sabihin

B. REKOMENDASYON

Maaari kayong matulungan ng pananaliksik na ginawa ko at ng aking


kagrupo sa pamamagitan lamang ng simpleng pagbabasa at isa puso ito,
unawain at ilagay sa isip ang bawat impormasyon, at higit sa lahat dapat
matuto din tayong gawin ito wag lang basahin o intindihin. Dahil walang
mararating ang pananaliksik na ito kung wala kaming natulungan at kung
wala din gagawa ng mga nakasaad na mga dapat gawin sa pananaliksik na
ito. Ang masasabi lamang ng mga estudyanteng katulad ko ay “ang hindi
marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda.
Kung si Dr.Jose Rizal ay nagawa niyang baguhin at masama sa history ng
pilipinas sa pamamagitan lamang ng simpleng pagsusulat at pag publish ng
dalawang libro. Malamang kakayanin din natin baguhin at buhayin ang
wikang Pilipino sa simpleng pagsasagawa ng mga nakasaad sa isang simple
ngunit marami ang nakasaad na mga bagay na makatutulong sa buhay
nating mga Pilipino. Bilang estudyante ang isa sa mga obligasyon natin ay
palawakin ang kaisipan natin tungkol sa wikang Pilipino. Gaya nga ng sinabi
ng guro namin na si ma’am jess ang Pilipino daw ay mayaman sa mga iba’t
ibang klaseng salita. At ako ay sumasangayon dun. Kada parte ng pilipinas
ay meron iba’t ibang klaseng wika ka na maririnig. Bat hindi ito ang gamitin
natin sa pagtetext ang sariling atin ngunit atutong gamitin sa maayos at sa
mga tamang panahon ang mga wikang ito. Dahil hindi lahat ng Pilipino sa
bansa o sa mundo ay alam ang mga ibig sabihin nito. At kung guro naman
ang makabasa nito obligasyon niyo na ituro sa mga esutdyante ang mga
datos na nakalap naming mga mananaliksik. Sapagkat walang tao ang
kakayaning ipakalat ang mga impormasyon na ito mag-isa.
BIBLIOGRAPHY

 JEJEMON definition http://en.wikipedia.org/wiki/Jejemon


 Texting http://en.wikipedia.org/wiki/Texting
 History of texting http://en.wikipedia.org/wiki/Text_messaging
 SMS, the strange duckling of GSM 
http://www.telenor.com/telektronikk/volumes/pdf/3.2004/Page_187-194.pdf
 INFORMATION ON TEXT MESSAGING SMS SERVICES AND HOW THEY WORK
http://www.youtube.com/watch?v=741137
 DOCUMENTARY ON TEXTING
http://www.youtube.com/watch?v=U5NRfUffEIY
 THE LONDON TEXT AND MSN DICTIONARY- A TEXT AND MOBILE PHONE DICTIONARY
WRITTEN BY WEST LONDON TEENAGERS.
http://timwoods.org/business/index.php?
option=com_content&task=view&id=121&Itemid=174
 THE CSCA, THE U.S. REGISTRY FOR SMS SHORT CODES
http://www.usshortcodes.com/
 "TEXT MESSAGES HELPED KENYANS WIH HIV".
http://www.cbc.ca/health/story/2010/11/09/hiv-bc-kenya-text-
messages.html
 NACINO, JOSEPH "JEJEMON IN THE PHILIPPINES". CNET ASIA.
http://asia.cnet.com/blogs/the-virtual-eye/post.htm?id=63018444&scid=hm_bl
 MARCOLETA, HARVEY ">JEJEMONS: THE NEW ‘JOLOGS’". PHILIPPINE DAILY INQUIRER.
http://lifestyle.inquirer.net/2bu/2bu/view/20100424-266068/gtJejemons-The-new-
jologs
 LIM, RONALD "HOW DO YOU SOLVE A PROBLEM LIKE THE JEJEMONS?".
http://www.mb.com.ph/articles/254784/how-do-you-solve-a-problem-jejemons
 "'ANTI-JEJEMON' CAMPAIGN GOES VIRAL ON THE WEB". http://www.abs-
cbnnews.com/lifestyle/05/01/10/anti-jejemon-campaign-goes-viral-web
 BIADO, ED "THE JEJEMON PHENOM".
http://www.manilastandardtoday.com/insideLifestyle.htm?
f=2010/april/30/lifestyle4.isx&d=2010/april/30
 (TAGALOG) "THE JEJEMON PHENOMENON: WHAT DO LANGUAGE EXPERTS SAY?".
http://www.gmanews.tv/largevideo/latest/59213/the-jejemon-phenomenon-what-
do-language-experts-say
 DE VEYRA, LOURD "LOURD DE VEYRA: ATTACK, JEJEMONS, ATTACK!".
http://www.spot.ph/2010/04/29/lourd-de-veyra-attack-jejemons-attack/
 "'DEPED SEEKS TO PURGE SCHOOLS OF ‘JEJEMON’ MENTALITY".
http://www.gmanews.tv/story/191566/deped-seeks-to-purge-schools-of-jejemon-
mentality
PATUNGKOL SA AWTOR
I. Contact Information
Pangalan: Jayvee A. Cometa
Tirahan: B9 L8 Cedar Street, West Fairview Quezon City
Telepono/Cellphone: 430-79-33/ +639274851391
E-mail Address: jayvee_comete16@yahoo.com

II. Personal na Datos


Edad: 16
Kapanganakan: Ika-16 ng Disyembre, 1994
Pinagpanganakan: Philippine General Chinese Hospital
Lahi: Pilipino
Kasarian: Lalaki

III. Educational Background


1998-2010 Flos Carmeli Institution of Quezon City
1998-1999 Christian Living Award

You might also like