You are on page 1of 17

Panahon ng Hapon

(1941-1944)
Naging makasaysayan ang
Disyembre 7, 1941 sa araw na
ito binomba ng Hapon ang
Pearl Harbor.
Disyembre 8, 1942 ang
araw na nilusob ng Hapon
ang Pilipinas.
Sa Maikling Kathang Tagalog ni Abadilla
(1967:26)

Ang mga Hapones ay lumunsad sa baybayin ng Pilipinas, taglay


ang Sandatang panlupig at proklomasyon ng kabutihan ng
Pilipino at proklomasyong mahalin ang wikang pambansa at
gamitin sa lahat ng pagkakataon samantalang pinagaralan
naman ang Niponggo. Pinagutos na lahat ng bagay na
katutubo’y kailangang pagyamanin sa Samasamang
Kasaganaan sa Silangan Asya.
Nakita ng maaga ng mga mananakop, ang guwang sa kaisipan
ng mga Pilipino at tinuruang umibig at magmahal sa tinubuan
lupa.

.
 Malaki ang impluwensyang nagawa ng
pananakop ng Hapon sa Pilipinas (1941-1942).
Hindi lamang sa pamumuhay, pangkabuhayan
kundi maging ang panitikan.

 1942 ay simula ng pagsibol ng gintong panahon


ng maikling kwento.
Samantala, ang Liwayway na noo’y nsa
pangasiwa ng Hapones ay ang tanging
magasing kumilala sa panitikan na likhang
sining ng mga manunulat bilang tinig ng
kanilang kilusan; dito naililimbag ang
makabayang kaisipan ng mga makata,
mananaysay at manunulat ng maikling
kwento. Ito ang naging mabisang instrumento
nina Antonio B. L. Rosales at Clodualdo del
Mundo na maiparating ang mga kahilingan,
alituntunin o kautusan ng mga Hapones.
1943 - Nagmatuwid ang mga patnugan ng Liwayway ang pinaguutos ng
mga Hapones, at kung masusunod ito ng mga manunulat, makakalikha
sila ng mga kathang magiging masagana sa katutubong kulay na
napakahalaga sa panitikan.

Ang Lupong nasa pagpapayo ni Kin-iti Isikawa sina:

Jose Esperanza Cruz Clodualdo del Mundo


Agustin C. Fabian Francisco Icasiano
Arsenia R. Afan Buenaventura Medina
Antonio B.L. Rosales Teodorico C. Santos

Ang nagbigay sa ating panitikan ng Ang 25 Pinakamabuting Maikling


Kathang Pilipino ng 1943, aklat-katipunang nalimbag sa taon 1944.
Nilalaman ng Aklat-katipunan:

- Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes


- Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo
- Lungsod Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales
- Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
- May Umaga pang Daratal ni Serafin c. Gunigudo
- Sumusikat pa ang Araw ni Gemilliano Pineda
- Paghihintay ni Emilio Aguilar Cruz
- Dugo at Utak ni Cornelio S. Reyes
- Mga Yabag na Papalayo ni Lucia A. Castro
- Tabak at Sampaguita ni Pilar R. Pablo
- Madilim pa ang Umaga ni Teodora Agoncillo
- Ikaw, Siya at Ako ni Brigido C. Batungbakal
- May Uling sa Bukana ni Teotimo C. Buhain
- Bansot ni Aurora I. Cruz
- Bahay sa Dilim ni Alfredo S. Enriquez
- Ang Tao, ang kahoy at ang Bagyo ni Aristeo Florido
- Nagmamadali ang Maynila ni Serafin C. Gunigundo
- Si Ingkong Gaton at ang kanyang Kalakian ni Serafin Segundo
- Mga Bisig ni Amado S. Pagsanjan
- Kadakilaan sa Tugatog ng Bundok ni Brigido C. Batungbakal
- Unang Pamumulaklak ni Hernando R. Ocampo
- Ibon Mang May Layang Lumipad ni Amado S. Pagsanjan
- Sinag sa Dakong Silangan ni Macario Pineda
- Mga Diyos ni Justiniano del Rosario
- Luad ni Gloria Villaraza
• Ang 25 maikling kwento ay ipinasuri kina Lope
K. Santos, Julian Cruz Balmaceda at Inigo Ed.
Regalado - ang 3 haligi ng Panitikan Pilipino at
pumili ng 3 pinakamahusay na maikling
kwento. Ito ang Lupang Tinubuan ni Narciso
G. Reyes, Uhaw ang Tigang na Lupa ni
Liwayway A. Arceo at Lungsod Ngayon at
Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales
• Sila ay pinagkalooban ng Pamahalaan ng
Republika ng Pilipinas sa Pamamagitan ng
Kagawaran ng bansa sa Pagtuturo ng mga
katibayan ng karangalan.
• Ang Paksa ng mga maikling kwentong nasulat
noong Panahon ng Hapon ay karaniwang may
damdaming makabayan ngunit maingat na
hindi ito mahalata ng mga mananakop.
• Nabigyan diin din ang katutubong kulay, uri
ng buhay ng panahong iyon, ang pananalat at
ang kadahupan ng pang-araw-araw na buhay.
.

• Nang biglang naibalik ang kapayapaan nang Sakupin ng


mga Amerikano ang Maynila ay muling sumibol ang
Liwayway. Nabuhayan ng loob ang mga manunulat ng
maikling kwento at nagsulpotan ang mga magasin gaya ng:
Malaya ni Teodora Agoncillo na sinundan ng Ilang-ilang ni
Inigo Ed.Regalado at Sinagtala ni Cloduldo del Mundo,
Saga-saga ni Villanueva at ang Pag-asa ni Jacinto, Paruparo
ni Cloduldo del Mundo, Hiwaga ni Antonio B.L. Rosales at
Bulaklak ni Jose L. Santos.
• Ang Lahat ng magasin na ito ay Sandali lamang
nangagsilitaw ngunit Tanging ang Liwayway lamang ang
naging matatag.
• Ang Dekada ‘40 ay 10 taon ng maluwalhating paglalakbay
ng manlilikha ng maikling kwento.
Ang Tula Noong Panahon ng Hapon

1. Karaniwan - tulang may sukat at tugma

Hal: Kayumanggi ni Ruben Vega


Ako’y kayumangging katulad ng iba
May kinamihasna’t sariling panata
Dangal ang puhunang sa Baya’y pamana
Dugo ang pangwilig kung Baya’y may dusa:
O ang kinagisnan, sa Baya’y umasa
Bago ang sarili ay ang Bayan muna!

Ako’y maibigin sa tulo ng pawis


Magpunla’t umani sa sariling bukid.
Ihain sa kubong binalag ng bisig
Ang bunga ng aking dusa’t pasakit
Sa lawak ng buhay kayakap ang langit,
Ang sipag at galak, laging magkatalik.
2. Malaya

Hal. Tula ni Idelfonso Santos


Ako’y
Pulot
Ng pukyutang
Dinalisay sa bulaklak;
Tamis akong dumalisay
Higing,
Ng matanis na tugtuging
Naglalambing

Ako’y
Lambot
Ng lamukot;
Ng naluray sa silahis
Hinhin,
Yumi
Ng damdaming talulsaling
Sa ubod man
Ng mulawin,
Sa garing at batong dapi.
Samantala, nakhiligan din ng mga makata ang haiku at tanaga

1. Haiku
Dalawang Haiku ni Gonzalo K. Flores
a. Tutubi
Hila mo’y tabak…
Ang bulaklak: nanginig!
Sa paglapit mo.
b.Anyaya
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog…
Halika, sinta.

*Haiku maikling tulang may 3 taludtod at may bilang na pantig


na 5-7-5
2. Tanaga

a. Palay
Palay siyang matino
Nang humingi’y yumuko
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.

b. Kabibi
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa tainga
Nagbubuntung-hininga

c. Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa - nagkabitak,
Sa kahoy – nalugayak
Sa Puso – nagalablab!

*Tanaga ay maikling tulang may apat na taludtof at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7.

You might also like