You are on page 1of 24

Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Inihanda ng National Union of Students of the Philippines, Hunyo 2006

I. PAMBUNGAD

Ang pag-aaral sa kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas ay isang pagbabaliktanaw din


sa kasaysayan ng lipunang Pilipino. Ang mga pag-unlad at pagkilos na siyang humubog sa
lipunang Pilipino ay nagdulot ng malaking pagbabago sa sistemang pang-edukasyon.

Nagmumula sa pagbabagu-bago ng uri at batayang pang-ekonomiko ang antas ng


edukasyon sa kabuuan. Ang tipo ng edukasyon ay sumasalamin kung anong uri ng lipunan
ang namamayani sa isang bansa. Mula ng dumating ang mga Kastila sa Pilipinas hanggang sa
kasalukuyang neokolonyal na pamumuno ng imperyalismong Estados Unidos, lubos na
ginamit at ginagamit ang edukasyon upang patatagin ang makinaryang ekonomiko at pultikal
ng mapang-aping sistemang umiiral.

Ngunit sa isang banda, may dayalektikong ugnayan ang edukasyon sa pulitika at


ekonomiya ng lipunan. Bahagi ito ng kulturang sumisibol na nagbibigay ng higit na lakas o
hamon sa namumunong kalakaran sa lipunan. Mahaba ang pakikibaka ng mamamayan upang
ipaglaban ang isang makabayan, makamasa at siyentipikong tipo ng edukasyon. Mahalagang
bahagi ito ng Rebolusyong 1896 at nagtuluy-tuloy ito maging sa panahon ng pananakop ng
Amerika at pagkakaluklok sa mga papet na Republika mula 1946. Dominante man ang
kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa bansa, hindi nawawala ang tinig at malawak na
kilusan para sa edukasyong magsisilbi sa interes ng mamamayang Pilipino.

Ang patuloy na pagtugon ng edukasyon sa pangangailangan ng mga dayuhan at


malalaking negosyante sa bansa ay siyang tanikalang gumagapos sa ating pag-unlad.
Mauunawaan lamang ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa bansa kung uugatin natin
ito sa mahabang karanasan ng Pilipinas sa kamay ng dayuhang mananakop. Kailangan ang
pagtitilad-tilad ng mga bahagi ng luma at makadayuhang sistema ng edukasyon upang
malaman natin ang susunod nating hakbang sa pakikibaka para sa isang makabago at
makabayang tipo ng edukasyon.

I. BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol, umiiral na ang iba’t ibang uri
ng pamayanan sa Pilipinas. Laganap ang sistemang sultanato at relihiyong Islam sa Mindanao.
Dominante ang pyudal na sistemang paghahari ng mga sultan at datu. Umiiral din ang
sistemang alipin sa ilang pamayanan at sistemang primitibo komunal sa hilagang bahagi ng
Luzon.

Sa panahon ding iyon, relatibong maunlad ang agrikultura bilang pangunahing batayan
ng ekonomiya ng bansa. May maunlad na pagsasaka, pangingisda at paninisid ng perlas.
Mayroon na ring masiglang kalakalan ang mga sinaunang Pilipino sa mga karatig bansa nito
tulad ng Tsina at Arabo. Laganap ang barter bilang pangunahing uri ng komersiyo sa buong
kapuluan.

1
Sa pagdating ng mga Kastila ay nadatnan
nila ang ating mga ninuno na may
maipagmamalaking sariling sining at kultura. May
paghahabi’t paglililok, paglikha ng mga alahas na
ginto, pagpipinta, paggawa at pagpapanday ng
mga kagamitang pandepensa at pandigma tulad
ng pana, kris, tabak, kampilan at mga panangga.
Mayroon ding sariling literatura sa anyo ng mga
epiko tulad ng Biag ni Lam-ang, Hudhud, Alim at
Indararapatra and Sulayman. Sa panahong ito rin
nagkaroon ng unang naitalang alpabetong Pilipino
na kilala natin ngayon bilang alibata.

Ang edukasyon ay kolektibong responsibilidad ng pamayanan o barangay. Ang mga


magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga bata. Ang mga
kasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi, pangingisda at pangangaso ay pangunahing
binibigyang pansin. Ang mga mandirigma naman ang nangunguna sa pagtuturo sa sining ng
pakikidigma at depensa sa pamayanan. Ang edukasyon ay tuwirang nagsisilbi sa kagalingan
ng buong barangay dahil ito ay nakabatay sa karanasan ng mamamayan at ekonomikong
pangangailangan ng komunidad.

II. PANAHON NG KOLONYALISMONG KASTILA

Ginamit ng kolonyalismong Kastila ang espada at krus upang sakupin at pagharian ang
Pilipinas. Ang sinumang lumaban ay pinapaslang sa pamamagitan ng espada at ang sinumang
sumang-ayon ay pinaluluhod sa krus.

Sa pagpasok ng mga Kolonyalistang Espanyol, lumaganap ang sistemang pyudal at


kolonyal. Ipinako ang mamamayang Pilipino sa lupa at hinawakan ng mga Kastila at
simbahan ang ekonomiya sa pamamagitan ng pangangamkan ng mga lupain at
pagpapatupad ng sistemang Encomienda. Pangunahing tagapagpalaganap ng kulturang
pyudal at mistisismo ang simbahan. Ang sinumang hindi sumunod sa utos ng Simbahang
Katoliko at tagapangasiwa ng Hari ng Espanya sa Pilipinas ay tatawaging erehe, pilibustero, at
kasusuklaman dahil sa paniniwalang masusunog ang kaluluwa sa impyerno.

Walang pag-aalinlangang binura at sinunog ng mga Kastila ang halos lahat ng mga
manuskripto at ebidensiya ng edukasyon at kultura ng mga ninuno natin sa paniniwalang ito
raw ay gawa ng diyablo. Kung hindi dahil sa pagsasalin-salin sa wika ng mga awit, epiko, at
alamat, baka tuluyan na nating nakalimutan ang makulay na nakaraan ng ating lahi.

Pangunahing layon ng edukasyon sa panahon ng kolonyalismong Kastila ang pagtuturo


ng Katolisismo at pagpapailalim ng mga katutubo sa korona ng Espanya. Ang mga unang
paaralan, dala ng mga misyonero, ay pagsunod sa kautosan ni Charles V noong Hulyo 17,
1550 na nag-takda na ang lahat ng mga sinakop ng Espanya ay tuturuan ng wikang Español.
Subalit malalim ang ugat ng diskriminasyon ng mga Kastila sa mga indio, at sinabing hindi
kailanman maaaring matuto ang mga katutubo ng wika nila, at “mananatiling mga unggoy
anupaman ang bihis”.

Pinag-aral sa mga sekondaryong paaralan ang mga anak ng mga dating namumuno sa
mga barangay bilang preparasyon sa magiging papel nila bilang mga gobernadorcillo at
cabeza de barangay. Itinayo ng mga Heswita ang Colegio de Niños noong 1596 para sa
adhikaing ito, subalit nagsara rin ito matapos ang limang taon. Ang iba’t ibang mga misyonero
2
at kongregasyon ay nagtayo ng mga pamantasan. Itinatag ng mga Heswita ang Colegio
Maximo de San Ignacio noong 1589 at ito’y naging unibersidad noong 1621.Itinatag din nila
ang College of San Ildefonso (1599, ngayo’y University of San Carlos sa Cebu), College of San
Jose (1601), College of the Immaculate Conception (1817, ngayo’y Ateneo de Manila
University). Itinatag naman ng mga Dominikano ang Colegio de Nuestra Señora del Santisimo
Rosario (1611, ngayo’y Unibersidad ng Santo Tomas) at Seminario de Niños Huerfanos de
Pedro y San Pablo (1620, ngayo’y College of San Juan de Letran).

Minaliit ng mananakop ang kaalamang lokal samantalang pinalaganap ang


konserbatibo at pseudo-siyentipikong kaalaman sa mga paaralang pinapatakbo ng simbahan.
Patuloy ang pagtuturo ng metapisika kahit lubos nang nauunawaan ang mga batas ng
paggalaw ng mga bagay bagay. Hindi rin ganap ang pagtututro ng syensya tulad na lang
halimbawa ng ipinakita sa El Filibusterismo ni Rizal na ginagawang palamuti lamang ang mga
kagamitan sa pag-eeksperimento.

Ang cura paroco ng simbahan ang namimili ng maestro sa mga eskuwelahan na


magtuturo ng alpabeto sa mga bata at pangunahin ang mga doktrina ng relihiyong Romano
Katoliko. Katekismo ang pokus ng edukasyon. Mekanikal na pinapabasa at pinapamemorya
ang mga misteryo ng rosaryo, dasal at mga ritwal ng simbahan. Laganap ang paggamit ng
palmeta bilang pamalo sa mga ayaw at nahihirapang matuto.

Dahil sa Educational Degree of 1863, naging compulsory ang edukasyong primarya


bagama’t may diskriminasyon pa rin sa mga indio at monopolyo pa rin ng simbahan ang
edukasyon sa bansa. Kakaunti pa rin ang nakakatuntong sa mas mataas na antas ng
edukasyon. Eksklusibo para sa mga paring sekular at gayundin sa mga anak ng mga
komersyante at lokal na panginoong maylupa ang pag-aaral sa mga Katolikong pamantasan
sa bansa at sa Europa. Ang mga ilustradong nakapag-aral ang nagpasok ng burges liberal na
kaisipan sa Pilipinas tulad ng pagsasarili at nasyonalismo.

Elitista ang edukasyong pinatupad ng mga Kastila. Ipinagkait ang edukasyon sa mga
indio. Ipinako sa lupa at hindi binigyang pagkakataong makapag-aral ang mayorya ng mga
Pilipino. Ayon kay Jose Rizal, “ang ugat ng kamangmangan at kahirapan sa Pilipinas ay ang
kakulangan ng edukasyon at kaalaman, na isang sakit mula sa kapanganakan hanggang sa
katapusan.” Tinuligsa nya ang mga Kastila at mga prayle dahil hindi nakakatugon sa
pangangailangan ng mga Pilipino ang edukasyon sapagkat wala man lamang mga libro sa
kasaysayan, heograpiya, moralidad ng Pilipinas na nakabatay sa karanasan nito sa isang
sistemang pyudal. Naging hiwalay ang mag-aaral sa kanyang pinag-aaralan.

III. PANAHON NG REBOLUSYONG 1896 AT REBOLUSYONARYONG GOBYERNO NG


PILIPINAS

Naging tuntungan ang malawak na diskontento ng mamamayan laban sa marahas na


pang-aabusong pyudal at kolonyal upang mailunsad ang iba’t ibang mga kilusan at pag-aalsa,
at sa pagdaan ng panahon ay nagbuo ng konsepto ng pagiging Pilipino mula sa indio.
Pinagkaisa ng karanasan at pangangailngan ang mga Pilipino upang magkaroon ng
kamalayang makabayan at lumaya sa mananakop na Kastila.

Naging mitsa ang panawagan ng sekularisasyon ng mga parokya sa bansa sa


paghahangad ng mga Pilipino sa pambansang kalayaan. Pinangunahan nina Padre Mariano
Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora ang kampanya na ipamahala na sa mga
Pilipino ang mga parokya laban sa mga abusadong prayle na ayaw bitiwan ang kanilang mga
pwesto dahil sa kapangyarihan at kayamanan na nakamkam nila mula dito. Dahil sa mga
nakapag-aral ang mga Pilipinong pari, ang kanilang pagkamulat ay naipasa nila sa iba pang

3
mga Pilipino na naging bahagi ng kilusang mapag-palaya, kabilang na dito si Paciano, kapatid
ni Jose Rizal, na malaki ang naging papel upang mahubog ang kamalayan ng kapatid.

Naitatag ang First Propaganda Movement nila Rizal, del Pilar, Lopez Jaena at iba pang
ilustradong nakapag-aral sa Europa noong huling bahagi ng ikalabing-siyam na siglo. Layunin
ng kilusang ito na palaganapin ang isang makabayan at mapagpalayang kamulatan at
edukasyon sa hanay ng mamamayang Pilipino.

Gamit ang panulat at pinsel, ipinakita ang pyudal at kolonyal na uri ng lipunan at
pagsasamantala na pinapairal ng mga Kastila sa bansa. Ang La Solidaridad ng mga
propagandista ang naging daluyan ng mga subersibong ideya upang gisingin ang sambayanan
na labanan ang mahabang panahon ng pagkakalugmok sa kahirapan sa kamay ng mga
Kastila.

Naging inspirasyon ang mga rebolusyon sa Pranses, Amerika at Latin Amerika upang
masindihan ang mitsa ng unang pambansang demokratikong rebolusyon sa bansa na
nagluwal sa armadong rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan noong 1896. Malaki ang
naging ambag ng rebolusyonaryong kaisipan at kulturang ipinalaganap ng Katipunan upang
maipagtagumpay ang kalayaang hinahangad ng mga Pilipino.

Naging mahalaga ang papel ng edukasyon at pagmumulat para sa Kataastaasang


Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan na itinatag ni Andres
Bonifacio. Naitalagang patnugot ng Kalayaan, pahayagan ng kilusang ito, si Emilio Jacinto at
madaling naintindihan ng mga mamamayan ang hiwatig ng pagnanasa ng sambayanan para
sa kalayaan. Sa pagkalimbag ng Kalayaan, tumalon sa 30,000 ang kasapian ng Katipunan. Si
Jacinto rin ang nagsulat ng Kartilya ng Katipunan, sa pagsang-ayon ng kasapian nito, at ito
ang gumabay sa ideolohiya ng buong kilusan.

Naging larangan ng pag-aaral ang pakikibaka ng mamamayan. Mula sa mga sentrong


bayan hanggang sa mga baryo ay nagbuhos ng panahon ang mga Pilipino upang matutunan
kung paano ibabagsak ang kapangyarihan ng mga mananakop. Binasa ang akda ng mga
rebolusyonaryo, nagbuo ng mga samahan, nagbukud-buklod at humawak ng sandata upang
maipagwagi ang minimithing kasarinlan.

Sa pagkakamit ng tagumpay sa unang bahagi ng rebolusyon ay agad kinilala ang


kahalagahan ng edukasyon upang malubos ang kalayaan ng bansa mula sa mga Kastila.

Sa panukalang Konstitusyon ni Apolinario Mabini ay tinukoy ang sentral na papel ng


Estado upang pangasiwaan ang edukasyon mula sa monopolyong kontrol ng simbahan. Bawat
bayan ay magbibigay ng libreng primaryang edukasyon, ang bawat probinsiya ay magtatayo
ng mga sekundaryong paaralan at ang malalaking siyudad ay lalagyan ng mga unibersidad.
Sa kabisera ng Republika ay itatayo ang isang Central University.

Ibinigay ni Mabini sa isang Pambansang Senado ang pangangasiwa sa buong sistema


ng edukasyon. Titiyakin nito ang modernisasyon ng mga paaralan at kung nabibigyan ng
mataas na suweldo ang mga propesor. Ang Rector sa mga pamantasan ay magiging bahagi
ng Pambansang Senado.

Ang panukala ni Mabini ay hindi nasunod dahil ang Konstitusyong ginawa ni Calderon
ang naipasa sa Malolos. Gayunpaman, ipinakita sa atin ni Mabini ang mga demokratikong
kahilingan ng mga Pilipino sa pagsusulong ng isang makabayan, makamasa at siyentipikong
tipo ng edukasyon.

4
Pagbalik ni Aguinaldo mula sa Hong Kong noong 1898, agad siyang naglabas ng mga
manipesto tungkol sa pagsasaayos ng edukasyon sa bansa. Ito ang tala ni Prop. Teodoro
Agoncillo tungkol sa edukasyon sa panahon ng rebolusyonaryong gobyerno ni Aguinaldo:

“The Revolutionary Government took steps to open classes as


circumstances permitted. On August 29, 1899, the Secretary of the Interior
ordered the provincial governors to reestablish the schools that have been
abandoned before. To continue giving instruction to the people, Aguinaldo
included in the budget for 1899 an item for public instruction amounting to
P35,000. On October 24, a decree was issued outlining the Burgos Institute.
The curriculum included Latin grammar, universal geography and history,
Spanish literature, mathematics, French, English, physics, chemistry,
philosophy and natural laws.”

“Higher education was provided for when, in a decree of October 18,


1899, Aguinaldo created the Literary University of the Philippines. Professors
of civil and criminal law, medicine and surgery, pharmacy and notariat were
appointed. Dr. Joaquin Gonzales was appointed first president of the
university and succeeded by Dr. Leon Ma. Guerrero, who delivered the
commencement address on September 29,1899. The university did not live
long, for the conflict with the Americans led its faculty and students to
disperse.”

Sa panahon ng unang pambansang demokratikong rebolusyon ay nailatag na ang binhi


para sa isang edukasyong tutugon sa pangangailangan ng lipunan. Ang paghahanda ng daan
para sa ganap na pambansang pag-unlad ay aakuin sana ng pinapanday na edukasyon noon
ngunit ito ay maagang hinarang ng imperyalistang motibo sa pagpasok ng mga Amerikano
noong 1899.

IV. PANAHON NG PANANAKOP AT PAGHAHARI NG IMPERYALISMONG US

Marahas na pananakop, pagsupil sa rebolusyonaryong gobyerno ng Pilipinas,


panlilinlang at pakikipagsabwatan sa mga lokal na burgesya at panginoong maylupa ang
naging pamamaraan ng imperyalismong Amerikano upang maisakatuparan ang disenyo nito
sa Pilipinas noong unang taon ng kanyang pagdating sa bansa.

Milyun-milyong mamamayang Pilipino ang minasaker ng mga tropang Amerikano dahil


sa patuloy na paglaban ng mga kasapi’t lider ng Katipunan at mamamayang Moro na wastong
natukoy agad ang pagpasok ng Amerika bilang bagong mananakop.

Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon upang malubos ang kanilang pananakop sa
bansa at magtagumpay ang kanilang kampanya ng pasipikasyon. Pagkapanalo ni Commodore
Dewey noong 1898 ay agad pinangasiwaan ng mga Amerikanong sundalo ang 39 na
eskuwelahan sa Maynila na may apat na libong estudyante. Ang mga naunang mga gurong
pampubliko ay mga Amerikanong sundalo. Para kay General Arthur MacArthur, isang
operasyong militar ang pagtatayo ng marami pang mga eskuwelahan bilang bahagi ng
kanilang kampanyang sakupin ang bansa.

Sa pamamagitan ng Act 74 na nilagdaan ni Pangulong McKinley noong Enero 1901 ay


nailatag ang struktura ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Amerikano.
Itinatag ang Department of Public Instruction, nagpadala ng mahigit isang libong Amerikanong
guro sa bansa, lulan ng barkong S.S. Thomas, na nakilala bilang mga Thomasites, at ginamit
ang ingles bilang wikang panturo sa mga eskuwelahan.
5
Ang edukasyon sa ilalim ng mga Amerikano ay isang mahalagang pagkukundisyon ng
ating pag-iisip upang tanggapin ang kanilang pamumuno. Hindi lang pagtuturo ang naging
papel ng mga Thomasites kundi ang pagtitiyak ng “loyalty of the inhabitants to the
sovereignty of the United States, and implanting the ideas of western civilization among
them.”

Ang pag-usbong ng bagong henerasyon ng mga Pilipino na pabor sa pamumuno ng mga


dayuhang mananakop ay resulta ng isang edukasyong dinisenyo ng mga Amerikano upang
mabaling ang ating atensiyon mula paglaban para sa kalayaan tungo sa pagkilala sa
pamumuno ng dayuhan. Araw-araw itinuturo sa mga kabataang Pilipino ang mabuting layunin
ng mga Amerikano sa pagdating sa Pilipinas at ang kadakilaan ng kanilang sibilisasyon at
kultura. Isinantabi ang pagtuturo ng tradisyunal na kultura at ang inaral ng mga bata ay
pagkanta halimbawa ng Columbia, Star Spangled Banner, ABC, my old Kentucky home, at
Maryland, my Maryland.

Ang kanluraning kamulatan, pag-iisip at edukasyon na ipinalaganap ng mga Amerikano


ay nagsilbi rin para sa kanilang pang-ekonomikong interes. Hinubog sa kaisipang
komersiyalismo ang mga Pilipino upang yakapin nila ang mga produktong dala ng mga
mananakop. Sa wika ni William Howard Taft, sa simula ay titignan bilang mga luho sa buhay
ang mga produkto nila, subalit sa di kalaunan ay magiging mga pangangailangan ito na hindi
kayang mawalan ng mga Pilipino.

Ang gurong Amerikano ang naging kapalit ng mga prayle o misyonaryo sa paghubog ng
isip ng mamamayan. Kung krus at espada ang ginamit ng mga Kastila sa pananakop ng
Pilipinas, naging mabisa para sa mga Amerikano ang Krag rifle at ang libro na hawak ng isang
Thomasite.

Bilang suhol sa mga Katolikong pamantasan na dominante sa bansa, nagpasa ng batas


ang gobyerno sibil 1906 na nagbigay ng pribilehiyo sa mga eskuwelahan bilang mga
korporasyon, pangunahin ang proteksyon ng mga ari-arian ng simbahan. Magkatuwang ang
simbahan at ang bagong mananakop sa pagpapatupad ng isang kolonyal na edukasyon.

Ang mga rebeldeng ayaw sumuko at patuloy na nakikidigma ay ikinintal sa isip ng mga
bata bilang mga tulisan at masasamang tao. Isang dating guro at lider ng rebolusyon, si
Heneral Artemio Ricarte ay sinamahan ang iba pang “irreconcilables” tulad nina Melchora
Aquino at Apolinario Mabini na sapilitang ipinatapon sa Marianas Islands dahil ayaw nilang
kilalanin ang pamumuno ng Amerika sa Pilipinas. Si Heneral Malvar, Vicente Lukban at
Macario Sakay ay tinaguriang bandido ng mga Amerikano kahit kinikilala silang bayani ng
mamamayan.

Sa pagkatalo ng rebolusyon dahil sa pananakop ng Amerika ay hindi natapos ang


paglutas ng problema sa lupa. Humantong ang pagsasama ng modernong kapitalismo ng US
at domestikong piyudalismo sa bansa upang maisakatuparan ang plano ng US na bansutin
ang pag-unlad ng Pilipinas. Binalangkas ang istruktura ng edukasyon na umaakma sa
malapyudal na katangian ng ekonomiya ng Pilipinas at pantustos sa pang-ekonomiyang
pangangailangan ng US.

Bahagi ng pagkukundisyon sa ating kamalayan ay pagtatayo ng mga pamantasan tulad


ng Unibersidad ng Pilipinas, Manila Business School (Polytechnic University of the Philippines
ngayon) at Philippine Normal University upang matiyak na ang susunod na mga guro, klerk,
teknokrat at lider ng bansa ay hindi lalayo sa kagustuhan at pamantayang iiwanan ng mga
Amerikano. Sa bisa ng Act 854 noong 1903 ay pinag-aral ang isang daang matatalinong

6
Pilipino sa Amerika na tinawag na pensionados. Sila ang naging mga pinakamasugid na taga-
suporta ng dayuhang pananakop pagbalik nila sa Pilipinas.

Matagumpay ang paggamit ng edukasyon sa pag-impluwensiya sa pag-iisip ng mga


Pilipino kaya’t nang maitatag ang gobyernong Komonwelt noong 1935, huling binuwag at
ipinasa sa mga Pilipino ng mga Amerikano ang Department of Public Instruction.

Mga tampok na paghamon sa kolonyal na edukasyon

Ito ang ilan sa mga obserbasyon ng Monroe Survey, ang pinakaunang sarbey sa
edukasyon sa bansa noong 1925:

1. Ang mga guro sa elementary at hayskul ay walang sapat na kasanayan.


2. Humigit-kumulang 82% ng mga kabataan ay hindi umaabot sa Grade 5.
3. Ang kurikulum at ang teksbuk na ginagamit ay hindi naaayon sa pangangailangan ng
bansa.
4. Nahihirapan ang mga Pilipino na mag-aral ng Ingles.

Nanggaling mismo sa mga Amerikanong iskolar ang pagtukoy na hindi tumutugon sa


partikular na pangangailangan ng Pilipinas ang kolonyal na edukasyong ipinapatupad ng
Amerika sa bansa.

Sa pagkakatatag ng gobyernong Komonwelt ay ipinasa na sa mga Pilipino ang


pangangasiwa sa edukasyon ng bansa. Kinilala ng binuong National Council of Education at
maging ni Pangulong Quezon ang layo ng agwat ng itinuturo sa mga eskuwelahan at ang
pangangailangan ng Pilipinas.

Ilan sa mga hakbang ng gobyernong Komonwelt ay ang pag-aalis ng grade 7 sa


elementarya, pagpapatupad ng programang universal compulsory primary education,
paglalabas ng mga teksbuk na umaayon sa katangian ng lipunang Pilipino, at pagpapahalaga
sa edukasyong bokasyunal at adult education. Gayunpaman, patuloy ang paggamit ng ingles
bilang midyum ng pagtuturo at ang ipinatupad na bagong istruktura ng edukasyon ay hindi pa
rin lumalayo sa pamantayan at disenyo ng imperyalismong US. Kinilala man ng gobyernong
Komonwelt ang mga kakulangan ng edukasyon sa Pilipinas, hindi nito isinakatuparan ang
lubusang pagtatatag ng isang makabayan at makabagong tipo ng edukasyon.

Hindi nakamit ng gobyernong Komonwelt ang layunin nitong universal priamry


education. Noong 1935, 1,229,242 kabataan ang naka-enrol sa mga pampublikong paaralan,
at pagdating ng 1939, 1,961,861 pa lamang ang nakakapasok sa paaralan. Apatnapu’t-limang
porsiyento (45%) lamang ng kabataan sa watong edad ang nakakapasok sa mga
pampublikong paaralan.

Ang mga eskuwelahan ay naging larangan din ng paghamon sa sistemang pang-


edukasyon, umiiral na mapang-aping kaayusan sa lipunan at ang patuloy na pananakop ng
Amerika sa kabila ng pangako nitong kalayaan para sa Pilipinas.

Mula sa pagtutol ng pagtaas ng matrikula noong 1929 o ang pagsuporta sa Hares-


Hawes Cutting Act noong 1933 hanggang sa kampanya para makaboto ang mga kababaihan
sa eleksiyon noong 1937 ay pinatunayan na ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas
ang patuloy na pagsasabuhay ng tradisyong aktibismo ng mga kabataan.

Noong 1930 ay nagwalk-out ang mga estudyante ng isang sekundaryong paaralan sa


Maynila bilang protesta sa pang-iinsulto ng isang Amerikanong guro sa mga Pilipino.
Sinuportahan ito ni Benigno Ramos, isang klerk sa Senado at protégé ni Quezon. Tinanggal sa
7
trabaho si Ramos na nagtulak sa kanya upang itayo ang grupong Sakdal. Binatikos ng mga
Sakdalista ang kolonyal na sistemang edukasyon, partikular ang grade school Readers’
Textbook ni Camilo Osias dahil sa pagsamba sa kulturang Amerikano. Higit pa rito ay sinisisi
nila ang pananakop ng US bilang sanhi ng kahirapan ng mga magsasaka at mamamayan.

Isang tampok na kuwento ng kabayanihan sa panahon ng pag-aalsa ng mga pesante


noong dekada trenta ay ang pakikibaka ni Tomas Asedillo, isang guro ng pampublikong
paaralan sa Laguna. Naging lider siya ng welga ng mga manggagawa ng La Minerva Cigar
Factory sa Maynila na marahas na binuwag ng Constabulary. Tinangka siyang hulihin subalit
nakabalik na siya sa Laguna at sumapi sa Katipunan ng mga Anakpawis. Naging
tagapagtanggol siya ng mahihirap at nakilala bilang Robin Hood ng kanilang bayan.

V. PANAHON AT PAGHAHARI NG IMPERYALISMONG HAPON

Parang epidemyang hindi makakuha ng lunas ang humagupit na krisis pang-ekonomiya


sa buong mundo bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi mapigilan ang
marahas na digmaan upang maresolba lamang ang pagkakahati ng mundo sa pagitan ng mga
imperyalistang kapangyarihan.

Sa Asya, naging pangunahing imperyalistang bansa ang Hapon. Madaling nasakop ng


Hapon ang Pilipinas dahil sa kawalan ng sapat na paghahanda ng gobyernong Komonwelt at
ang sagad-sagaring pag-asa nito sa tulong na hindi maagang binigay ng Amerika.

Bitbit ang programang “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere”, itinuring ng Hapon
ang Pilipinas bilang isang kolonya at itinayo ang papet na gobyerno sa pamumuno ni Jose P.
Laurel kasama ang iba pang mga burgesya kumprador at panginoong maylupa.

Ipinatupad din ng Hapon ang isang kolonyal, pyudal at mapanupil na sistema ng


edukasyon. Naging tampok sa programang pang-edukasyon ang pagkakaisa ng mga Asyano
laban sa mapanirang impluwensiya ng kulturang kanluran.

Ito ang karagdagang tala ni Prop. Teodoro Agoncillo:

“The Japanese educational policy was embodied in Military Order No. 2,


dated February 17, 1942. Its basic points were the propagation of Filipino
culture; the dissemination of the principle of Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere; the spiritual rejuvenation of the Filipinos: the teaching and
propagation of Nipponggo; the diffussion of the vocational and elementary
education; and the promotion of love of labor. The motive behind this
educational system was not only to create an athmosphere friendly to
Japanese intentions and war aims, but also to erase Western cultural
influences, particularly British and American, on Filipino life and culture.”

Sinang-ayunan ng mga akademiko ang pagtukoy sa masasamang impluwensiya ng


kanlurang kultura sa buhay ng mga Pilipino tulad ng bulag na pagsamba sa anumang
nanggaling sa Amerika o sa mga “puti”, indibidwalismong kaisipan at panatikong
paghahangad ng yamang materyal. Gayunpaman, madali ring natukoy ng mga Pilipino ang
maitim na motibo ng mga Hapon kung bakit nais nilang bumaling tayo sa simplistikong birtud
ng Silangan sa ilalim ng gabay ng Hapon. Hindi kinagat ng mga Pilipino ang pinasusubo sa
ating tipo ng edukasyon kung kaya’t sa panahon ng digmaan, halos 90% ng mga estudyante
ay piniling huwag pumasok sa eskuwelahan.

8
Mula nang maipasa sa kamay ng papet na Republika ang pangangasiwa ng edukasyon
noong 1943, tinangkang langkapan ng konsepto ng “assertive nationalism” ang sistema ng
pagtuturo sa bansa. Ito man ay nayonalismong katanggap-tanggap sa mga imperyalistang
Hapon, hindi maikakaila ang magandang intensiyon ng ating mga lider upang itatag ang isang
makabago at makabayang edukasyon.

Ilan sa mga hakbang na ginawa nila ay ang sumusunod:

1. Pagkuha ng lisensiya ng mga guro bilang rekisito sa pagtuturo.


2. Paggawa ng isang code of professional ethics para sa mga guro.
3. Ang mga guro ng relihiyon ay dapat tumalima sa mga patakaran ng Estado.
4. Ang mga Pilipino lamang ang maaaring magturo ng Kasaysayan, pambansang
wika at character education sa lahat ng eskuwelahan.
5. Ituturo at gagamitin ang pambansang wika sa lahat ng lebel ng edukasyon.
6. Ang tuition at iba pang bayarin sa eskuwelahan, kabilang ang sahod ng mga
propesor ay aaprubahan muna ng gobyerno; maaari ring imbestigahan ang
status ng pinansiya ng mga pamantasan.
7. Ang mayorya ng governing board ng mga eskuwelahan ay dapat Pilipino.

Higit na makikitaan ng nasyonalismong motibo ang edukasyon sa panahong ito kaysa


sa panahon ng Komonwelt. Ngunit ito ay nasa balangkas pa rin ng imperyalistang kontrol sa
ating bansa. Anumang magandang motibo para sa sektor ng edukasyon ay nawawalan ng
saysay hanggat ang makinaryang pulitikal at pang-ekonomiya ay nasa kamay ng dayuhan o
makadayuhang interes.

Sa pagbalik ng neokolonyal na kontrol ng Amerika sa bansa noong 1946, binasura lahat


ng programang may kinalaman sa pamumuno ng Hapon, mabuti man o masama para sa
kapakanan ng mamamayan, kabilang na ang binalangkas na programa para sa edukasyon.

VI. PANAHON NG NEO-KOLONYAL NA PANANAKOP NG IMPERYALISMONG US AT MGA


PAPET NA GOBYERNO NITO: 1946-1986

Hindi nagtagal matapos ang pagkatalo ng mga Hapon, ipinagkaloob ng US ang huwad
na kalayaan noong Hulyo 4, 1946, bilang pagsunod sa Tydings-McDuffie Law. Ngunit, tiniyak
ng US na dominado pa rin nito ang pulitika, ekonomiya, militar, kultura at relasyong
diplomasya ng bansa. Matapos na masira ang kalakhan ng bansa dahil sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, ginamit ng Estados Unidos ang Rehabilitation Acts at Bell Trade
Agreements upang matali pa rin ang Pilipinas sa mga dikta ng imperyalistang bansa. Sa
ganitong paraan umusbong ang malakolonyal at malapyudal na katangian ng bansang
Pilipinas.

Mula sa panahon ng pagbibigay ng huwad ng kalayaan ng Pilipinas hanggang sa


kasakukuyan, patuloy na umiiral ang komersyalisado, kolonyal at represibong sistema ng
edukasyon sa bansa. Nagpatuloy ang kolonyal na kaisipan dulot ng impluwensya ng US sa
mamamayang Pilipino. Nanatiling midyum ng pagtuturo ang wikang Ingles sa mga paaralan.

Sa pamamagitan ng mga paaralan, kasabwat ang simbahan, pinalaganap ng US ang


kaisipan at kulturang kolonyal at konserbatibo na nagsisilbi bilang muog ng isang
malakolonyal at malapyudal na kultura. Pinalaganap din ang anti-komunistang histerya at
nagpapakalat ng mga kontra-rebolusyonaryo at reaksyunaryong kaisipan at teorya sa pulitika
at ekonomiya.

9
Mula dekada sisenta hanggang nobenta ay mahigit walong libong mga Amerikanong
Peace Corp Volunteer ang ipinadala sa bansa upang magturo sa mga eskuwelahan na parang
mga Thomasites at naging estudyante nila maging ang mga Pilipinong guro. Sa pamamagitan
ng mga Amerikanong foundation tulad ng Ford, Luce, Rockefeller, at Fulbright ay nagpatuloy
din ang paghubog ng mga Pilipinong estudyante na tapat at sumasamba sa lahat ng
perspektibang pabor sa interes ng US.
Sa paglipas ng mga taon, ang edukasyon
Number of Private Tertiary Schools
ay pinagkakakitaan na ng malalaking
Year Schools Growth Enrollmen Distribution negosyante. Pagkatapos ng digmaan,
Rate t biglang lumobo ang bilang ng mga
1945 105 --- 40,879 90 pribadong paaralan sa bansa. Ang
1950 401 282 176,996 93 dominasyon ng pribadong sektor sa kolehiyo
1955 351 (12) 174,099 85
ay walang kaparis sa buong mundo.
1960 339 (8) 261,477 87
1965 440 30 468,000 89 Naglipana ang samu’t saring mga
1970 597 36 584,000 90 eskuwelahang namimigay ng diploma sa
1975 628 5 666,000 86 katapat na presyo na walang pinagkaiba sa
1980 774 23 1,069,000 85 iba pang kalakal sa pamilihan. Ang pagdami
1985 785 1.4 1,376,000 85 ng mga eskuwelahan ay nagdulot ng
pagbulusok ng kalidad ng edukasyon dahil
Source: DECS Statistical Bulletin, 1989
sa labis na paghangad ng tubo kaysa
magbigay ng tamang serbisyo sa lipunan.

Ang pagtindi ng komersyalisasyon sa edukasyon ay pinaboran ng pamahalaan habang


sistematiko nitong pinapasa sa pribadong sektor ang responsibilidad sa edukasyon. Sa
pagdaan ng mga dekada ay bumaba ang gastos ng pamahalaan sa edukasyon bilang bahagi
ng kabuuang badyet. Sa pagliit ng badyet ay tumindi ang krisis sa edukasyon at bumaba ang
kalidad ng ating pag-aaral. Hindi sana magkukulang ng guro, klasrum, at pasilidad ang mga
eskuwelahan taun-taon kung mataas ang alokasyon ng pamahalaan sa edukasyon. Napupunta
sa pambayad utang at gastos ng militar ang halos kalahati ng pambansang badyet imbes na
maglaan ng malaki para sa serbisyong panlipunan. Habang may malaking investment ang
mga karatig bansa natin sa Asya sa edukasyon (3.3% ng GNP, 1992), ang Pilipinas (2.9%) ay
nagtitipid naman.

Declining Share of Education in the National Budget Kaakibat nito ay ang


pagbabalangkas ng struktura ng
Year Percent in edukasyon na tutugma sa
national budget
pangangailangan ng Amerika at ng
1955 30.78% mga korporasyon nito. Naging papel ng
1960 27.50% edukasyon ang pagsuplay ng mga
1970 24.47% manggagawang may kaunting
1975 11.33% kasanayan at pwede pang matuto ng
1980 9.01%
1981 7.68% bagong kasanayan sa mga dayuhang
korporasyon lalo na ng pag-aari ng
Source: Josefina Cortes, Education and National mga Amerikano.
Development
Ito ang paliwanag sa pag-alis ng ating mga propesyunal upang magtrabaho sa ibang
bansa (brain drain). Tumutugon ang ating edukasyon sa pangangailangan ng dayuhan at hindi
Production of Nurses in the Philippines kung ano ang kailangan ng ating sariling ekonomiya
upang lumakas. Isang matingkad na halimbawa ay
YEAR NO. OF NURSES NO. OF SCHOOLS
ang oversupply ng mga nurse sa ating bansa sa
1919-1950 7,229 17
kabila ng maliit na domestikong pangangailangan
1951-1990 166,430 125 para sa propesyong ito. Noong 1998, kailangan
1991-1998 149,831 186
1999-2002 24,059 240 10

Source: Prof. Julieta Yabes, Research & Lecture in UPCN,


March 2003
lamang natin ng 27,160 nurse samantalang ang demand sa ibang bansa ay umaabot sa
150,885.

Ito rin ang paliwanag sa tila mapagkawang-gawang donasyon ng World Bank sa sektor
ng edukasyon ng Pilipinas. Nais nitong matiyak na tutuparin natin ang ating obligasyon na
magtustos ng mga semi-skilled laborers sa pagsuporta sa ating basic education.

Naniniwala ang WB na kailangan lamang ng mga Pilipino ng kaunting kasanayan kaya’t


mas pinaboran nito ang pagpopondo sa elementary at edukasyong bokasyonal. Binalangkas at
binigyan ng malaking badyet ng WB ang Third Elementary Education Project ng Pilipinas.
Ganundin ang ADB sa proyekto nitong Secondary Education Development Improvement
Project. Mula 1982-1996, nagbigay ang WB ng $385 milyon at $359 milyon naman ang OECF
sa edukasyon ng bansa at 2/3 nito ay inilaan para sa elementary at edukasyong bokasyonal.

Sinasabing ang edukasyon ang “great equalizer” sa lipunan at tagapagtaguyod ng


demokrasya sa bansa. Ito ang susi ng bawat Pilipino, mayaman o mahirap, upang guminhawa
sa buhay. Pagkatapos ng digmaan, lumaki ang enrolment sa mga eskuwelahan nang walang
kapantay sa kasaysayan ng bansa. Mula 1948 hanggang 1970, tumaas ang bilang ng mga
eskuwelahan sa elementary ng 238% at sa High School ng 242%.

Sa likod ng mga numero at paniniwalang


Level of Educational Attainment from Age 15-19 ito ay hindi maitatago ang patuloy na
pagiging bulok at elitista ng edukasyon
Income Location sa Pilipinas. Sa pag-aaral ni Prop. Francis
Grade Richest Middle Poorest Urban Rural Gealogo ng Ateneo, hindi natupad ng
1 100 99 97 99 98 edukasyon ang misyon nitong alisin ang
2 100 99 96 99 97 agwat ng mga nakakapag-aral sa
3 99 98 92 98 94 siyudad-kanayunan, babae-lalaki at
4 99 97 87 97 91
5 98 95 80 95 86
mayaman-mahirap. Makikita sa talaan sa
6 97 93 74 92 81 baba ang diskriminasyon laban sa mga
7 90 83 56 82 67 mahihirap at sa mga nanggaling sa
8 86 76 46 75 60 kanayunan pagdating sa access sa
9 74 62 32 65 46
edukasyon. Kahit ang mga nakatapos ng
kolehiyo ay hindi awtomatikong
Source: Demographic Health Surveys, 1993
nakakakuha ng trabaho. Sa katunayan,
walang pagkakaiba ang nakatapos ng kolehiyo sa mga hindi nakatapos sa pagkuha ng
trabaho. Mas mataas pa nga ang unemployment rate ng mga nakarating sa kolehiyo kaysa sa
mga hindi nakapag-aral.

Unemployed Persons by Highest Grade Completed


Ang pagsigla ng kilusan
Education Percent Unemployed para sa isang
makabayan, makamasa
1965 1980 1996 at siyentipikong
No grade 2.8 3.0 2.2
Elementary 1-5 years 4.2 3.1 10.3
edukasyon
Elementary graduate 7.9 3.8 13.2
Secondary 1-3 years 9.5 6.4 15.9 Tumambad ang isang
Secondary graduate 11.3 7.4 26.3 malaking krisis sa
College 1-3 years 14.0 10.5 18.9
edukasyon noong unang
College graduate and higher 5.8 5.6 12.7
bahagi ng dekada sisenta
Source: Yearbook of Labor Statistics, 1983, 1996
na kinilala maging ng mga
matataas na pinuno ng
11
bansa. Ikinagulat ng marami ang naiiba ngunit matapang na panukala ng Kalihim ng
Edukasyon noon na si Manuel Lim na baguhin ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa
bansa, na ayon sa kanya ay ang pangunahing ugat ng suliranin. Dapat daw nakatuon ang
pansin ng pamahalaan sa pagkakaroon ng isang makabayang edukasyon. Isang edukasyon na
may pagpapahalaga sa sariling kultura, wika at kasaysayang Pilipino na kasabay ang
pagdebelop sa mga mag-aaral ng isang kamalayang sibiko at patriyotiko.

Hindi papayagan ng US ang ganitong paghamon sa kanilang pamamayani sa sektor ng


edukasyon kaya’t agad binuo ang isang grupo ng mga Amerikano mula sa International
Cooperation Administration at mga Pilipino mula sa National Economic Council upang
magbigay ng rekomendasyon sa kinakaharap na problema ng edukasyon sa Pilipinas. Taliwas
sa makabayang panukala ni Lim, idiniin ng grupo ang pagpapalakas ng edukasyong
bokasyonal sa Pilipinas na susuporta diumano sa industriyalisasyon ng bansa. Ang panukalang
ito ang repormang sinunod ng rehimeng Marcos at malinaw na ito ay isang adyenda ng US na
mas pabor sa kanilang interes.

Habang pinag-uusapan ang mga panukalang ito, dumadagundong na sa buong bansa


ang protesta ng mga estudyante at kabataan sa loob at labas ng eskuwelahan. Nilunsad ang
Second Propaganda Movement ng mga kabataang intelekwal bilang pagpapatuloy ng
naunsyaming rebolusyon noong 1896 at pagkundena sa tinukoy nilang tatlong salot ng
lipunan: imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo.

Ang pagsigla ng bagong-tipo ng pambansang demokratikong kamalayan ay aktibong


nilahukan ng mga estudyante kasabay ng pagbatikos nila sa kolonyal, komersyalisado at
represibong edukasyon. Nagbuo sila ng mga samahang nakipaglaban para sa pagtatayo ng
mga konseho ng mag-aaral, pahayagang pangkampus, academic freedom, kalayaang
magpahayag at karapatang konsultahin tuwing magtataas ng matrikula.

Nagdaos sila ng maraming mga Discussion Group (DGs) at Teach-in sa mga


eskuwelahan tungkol sa kasaysayan ng bansa, partikular ang propaganda movement at
rebolusyong 1896. Pinag-aralan nila ang mga akda ni Recto, Constantino at Jose Maria Sison.
Matapat nilang inaalam ang anti-imperyalistang pakikibaka sa buong mundo lalo na sa
Vietnam, Cambodia at Laos. Sa huli ay matiyaga nilang pinag-aaralan ang mga siyentipikong
aralin tungkol sa uri, lipunan at rebolusyon ng Marxismo-Leninismo at kaisipang Mao Zedong.

Tinuligsa ng mga estudyante ang konserbatismo at obskurantismo sa mga eskuwelahan


lalo na ang tinatawag nilang kleriko-pasistang edukasyon ng mga katolikong pamantasan.
Binunyag ang tumitinding amerikanisasyon ng UP. Walang magawa ang mga eskuwelahan sa
kakaibang tapang ng mga estudyante sa paglalabas ng kanilang hinaing. Walang maling
pulisiya ang hindi tinunggali. Walang mapang-abusong awtoridad ang hindi nakatanggap ng
puna. Ngayon lamang lubusang hinamon ang kultura at kaisipang dominante sa mga
paaralan.

Humantong ang aktibismo ng kabataan sa kinikilala natin ngayong First Quarter Storm
ng 1970. Sa unang tatlong buwan ng taon ay nagdaos ng malawakang pagkilos ang mga
kabataan sa buong bansa bilang protesta sa kahirapan at umiiral na kaayusan sa lipunan.

Dahil sa protesta ng mga estudyante, tumambad sa madla ang mga problema at


kolonyal na oryentasyon ng edukasyon. Napilitang umangkop ang mga eskuwelahan at
maging ang pamahalaan sa mga akusasyong ito at mula noon ay nagpostura silang
makabayan at demokratiko ang mga paaralan sa bansa. Higit sa pagbusisi sa edukasyon, ang
pagkilos ng mga estudyante ay nagbigay ng mas masinsing edukasyon sa mamamayan
tungkol sa tunay na kalagayan ng pulitika, ekonomiya at kultura ng bansa.

12
Pagsidhi ng krisis sa edukasyon sa panahon ng Rehimeng Marcos

Sinalubong ng malalang krisis sa ekonomiya ang pangalawang termino ni Pangulong


Marcos dahil sa pagkabangkarote ng kaban ng bayan dulot ng matinding korapsyon noong
nakaraang halalan. Mataas ang presyo ng bilihin samantalang mahirap ang kabuhayan ng
mamamayan. Apektado rin ang papalubhang krisis sa edukasyon.

Upang itago ang idinudulot nitong krisis sa pulitika tulad ng paglaban ng mga
manggagawa, magsasaka at kabataang estudyante, kabilang na rin ang planong pagbabago
sa makadayuhang Konstitusyon, nagsagawa ang pamahalaan ng ilang pagbabago sa iba’t
ibang ahensiya nito.

Binuo ang Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) na


pinondohan ng Ford Foundation upang pag-aralan daw ang naaabot ng edukasyon sa
pagtugon nito sa pang-ekonomikong pangangailangan ng bansa at iakma sa “global economic
development.” Mabilis na tinukoy ng mga estudyante na ito ay isang panandalian ngunit di-
epektibong solusyon sa krisis sa edukasyon.

Sa ulat ng PCSPE (Education for National Development, New Patterns, New Directions)
noong 1970, sinabing hindi raw napapakinabangan ng husto ang ating mga graduate dahil
hindi angkop sa manpower requirement ng ekonomiya. Nagpanukalang baguhin ang pokus ng
edukasyon sa bansa sa paghuhubog ng trainable at mobile assembly line ng mga semi-skilled
na manggagawa, farmhand, at mga craftsmen.

Malaki ang naging implikasyon ng ulat para sa edukasyon ng mga Pilipino hanggang sa
kasalukuyan. Ginamit ang PCSPE upang tuluyan ng i-overhaul ang edukasyon upang maging
sandigan ng pre-industrial, backward agricultural at foreign dominated na ekonomiya ng
bansa.

Pinalakas ang polytechnic school system at edukasyong bokasyonal para sa suplay ng


mga manggagawa sa mga Multinational Corporation (MNCs). Ipinatupad ang National College
Entrance Examination upang isala ang mga estudyanteng didiretso sa higher education at
yung kukuha ng bokasyonal na edukasyon. Binuo ang National Manpower Youth Council
(TESDA ngayon) at Bureau of Non-Formal Education na magtitiyak na tuluy-tuloy ang
pagsasanay ng mga kabataan batay sa pangangailangan ng mga MNCs na nakabase sa
Pilipinas at batay sa pangangailangan ng pandaigdigang pamilihan.

Dahil sa mga pagbabagong ito, lumitaw ang mga kursong mataas ang demand sa ibang
bansa. Lumaki ang bilang ng mga manggagawang (karamihan ay inhinyero) pinadala natin sa
Middle East mula 1975 (12,500), 1977 (36,676) hanggang 1980 (157,394). Paparami rin ang
mga seamen na napapakinabangan ng mga dayuhang korporasyon at umabot ito sa rurok na
140,000 noong 1990. Tinugunan ng PCSPE ang papel ng Pilipinas sa pagsuplay ng murang
lakas paggawa sa buong mundo.

Sa pagpasok ng Martial Law, lalong tumingkad ang halaga ng sistema ng edukasyon


upang pagsilbihan ang pasistang rehimeng US-Marcos. Kailangang baguhin ang mga aklat ng
kasaysayan at kurikulum sa eskuwelahan upang maging katanggap-tanggap ang “Bagong
Lipunan” ni Marcos at itago ang pasistang mukha ng batas militar.

Noong 1972 ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Education Development Act of 1972
na naglalayong magkaroon ng isang “development education” sa susunod na sampung taon.
Gamit ang inisyal na alokasyon na P500 milyon at sa tulong ng WB, ginabayan nito ang pag-

13
unlad ng ekonomiya sa kanayunan upang mapadali ang integrasyon nito sa pandaigdigang
kapitalistang agrikultura.

Ginamit ang dayuhang kapital upang lalong patatagin ang pagkiling ng edukasyon sa
pagsuplay ng mga bagong graduate na may sapat na kasanayan at mapapakinabangan nang
husto ng mga dayuhan. Ang dating Philippine College of Commerce ay ginawang Polytechnic
University of the Philippines. Ang UP ay hinati sa mga autonomous unit na may kanya-
kanyang ispesyalisasyon at itinayo ang mga bagong programa mula sa pondo ng mga
dayuhang korporasyon at bangko na tumutugma sa disenyong inilatag ng PCSPE. Itinatag ang
Philippine Center for Advanced Studies sa UP Los Banos, College of Fisheries sa UP Visayas,
Health Sciences Center sa UP Manila at Asian Institute of Tourism, School of Economics,
College of Business Administration at Transport Training Center sa UP Diliman.

Luminaw pa ang tunay na layunin ng mga bagong programa sa edukasyon nang mismo
ang WB ang naglaan ng $767 milyon para sa Textbook Development Program ng bansa. Ang
plano ay ang pagsusulat ng mga bagong aklat ng mga guro at estudyante mula Grade 1
hanggang hayskul.

Noong 1984, tinatayang may 85-92 milyong kopya ng mga teksbuk ng WB ang
naipamahagi sa mga eskuwelahan sa buong bansa. Ang humubog sa ating murang kamalayan
ay mga aklat na disenyo ng mga dayuhang may motibo at interes na kontra-Pilipino.

Sa kabilang banda, ang mga kursong pilosopiya, agham panlipunan, sining at literatura,
law, education, economics at business ay naging bahagi naman ng pagpapalaganap ng
kulturang maka-US at konserbatibo. Ang mga paaralan ay naging instrumento para sa
indoktrinasyon ng malakolonyal at malapyudal na kultura at kaalaman.

Isinabatas naman ang Education Act of 1982 sa kabila ng malawak na pagtutol mula sa
sektor ng edukasyon. Ito ang nagbigay daan sa malayang pagtataas ng matrikula sa mga
pribadong paaralan at nagpatindi ng krisis sa edukasyon. Ginawa ito ni Marcos bilang suhol sa
mga pribadong paaralan upang suportahan nila ang mga itinakdang programa’t proyekto ng
WB sa edukasyon.

Pagpapatuloy ng laban sa kabila ng terorismo ng estado

Hindi napigilan ng pangil ng pasismo ng estado ang pagsulong ng demokratikong


kilusan para sa isang makabayan, makamasa at siyentipikong edukasyon. Kahit sa madilim na
yugto ng batas militar ay nagawang ipaglaban ang interes ng mga estudyante at guro sa
sektor ng edukasyon.

Noong 1969, pinangunahan ng Manila Public School Teachers’ Association ang kauna-
unahang mass-leave ng mga guro upang hilingin ang pagpapatupad ng pagtaas ng sahod at
iba pang benepisyo. Noong 1974 ay kinilala ng Supreme Court ang petisyon ng mga guro sa
pribadong paaralan na magtayo ng unyon. Noong 1978 ay itinayo ang kauna-unahang welga
ng mga manggagawa sa edukasyon ng mga empleyado at guro ng Gregorio Araneta
University Foundation. Pagkaraan ng ilang linggo ay napatalsik nila ang kinamumuhiang
presidente ng pamantasan at ibinigay ang hinihiling nilang pagtaas ng sahod.

Noong 1977 ay binuo ang alyansa ng mga estudyante laban sa pagtaas ng matrikula.
Naglunsad ng mga koordinadong boykoteo, martsa at noise barrage ang mga estudyante sa
iba’t ibang kampus at maraming paaralan ang napilitang magbaba ng matrikula, habang ang
iba’y pumasok sa negosasyon at nagbigay ng konsesyon sa pasilidad sa kampus.

14
Naging inspirasyon sa maraming eskuwelahan ang patuloy na paglaban ng mga mag-
aaral at guro ng UP mula nang maipataw ang batas militar sa bansa. Iginiit ng di-iilang
pamantasan ang karapatan nilang maging daluyan ng demokratikong ideya, pabor o palaban
sa namumunong rehimen ng bansa.

Dahil sa tuluy-tuloy na pagkilos ng mga mag-aaral, 1979 pa lamang ay naibalik ang


mga konseho ng mag-aaral ng ilang kolehiyo sa UP. Sinundan ito ng nilunsad na democratic
reform movement mula 1978-1982 sa buong bansa upang maibalik ang pangunahing
karapatan ng mga estudyante na magkaroon ng konseho, pahayagan at mga organisasyon.

Taong 1980-81 ng muling nilunsad ng mga mag-aaral ang kilusang boykot laban sa
pagtaas ng matrikula. Sa pagkakataong ito, mahigit 400,000 na mag-aaral ang lumahok sa
boykot sa mahigit 60 na paaralan sa buong bansa. Matapang na nilabanan din ang Education
Act of 1980 dahil sa idudulot nitong pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan at atake
sa awtonomiya ng mga pampublikong pamantasan. Napigil ang pagsasabatas nito ng
dalawang taon.

Sa gitna ng lumalakas na kilusan laban sa rehimen ay napilitang magbigay ng


konsesyon ang estado sa pamamagitan ng paglagda ng kasunduan sa pagitan ng Ministry of
National Defense at League of Filipino Students. Ang MND-LFS accord ay nagpaalis sa mga
militar sa mga eskuwelahan, nagbawal ng pakikialam ng militar at paggamit ng dahas sa mga
aksiyong protesta sa mga eskuwelahan, at nagbawi sa praktika ng mga security guard na
manghuli ng mga estudyante.

Ang huling tatlong taon ng rehimeng Marcos ay tinapatan ng sunud-sunod at


papalaking pagkilos ng mga estudyante, guro at mamamayan. Taong 1983-84 nang
maipagtagumpay ang isang daang boykot sa mga eskuwelahan sa buong bansa. Sumunod na
taon ay inilunsad ang 220 boykot sa 53 na eskuwelahan sa National Capital Region. Mahigit
30,000 guro mula sa Maynila at Gitnang Luzon ang lumahok naman sa mass-leave noong
Setyembre 1985 upang hilingin ang P3,000 pagtaas ng buwanang sahod.

Hindi na maikaila ng estado ang mahigpit na imperyalistang kontrol sa edukasyon ng


bansa. Madaling iugnay ang suporta ng imperyalismo kay Marcos sa makadayuhang programa
sa edukasyon ng Pilipinas. Ang kahirapan at kalupitang dinanas ng bansa kay Marcos ay
naging halimbawa upang makita ang katumpakan ng pagkakaroon ng isang makabayan,
makamasa at siyentipikong tipo ng edukasyon.

VII. NAGPAPATULOY NA KOLONYAL, KOMERSYALISADO AT MAPANUPIL NA SISTEMA


NG EDUKASYON Debt S ervicing and Education as % share of GDP (1981-2006 )

Patuloy ang pagdausdos 12.7

ng edukasyong Pilipino kahit sa 10.9 11.2


12

pagkabagsak ng diktaduryang 10.2

8.9 9
9.9 9.7
8.9

Marcos. Nanatiling nakakapit sa 8.1


7.7
7 7.2
6.9
7.5

imperyalistang kontrol at dikta


6.8
6.2
5.7 5.4 5.2

ang mga patakaran sa 3.8


3.4
3.9 4
3.7 3.5 3.3
3.2
edukasyon. Nagkaroon ng iba’t 2.8 2.8 3 3.1 2.8 3.1 3
2.4 2.6 2.4 2.5 2.7 2.6 2.7 2.7 2.5 2.4
2.1 2.3
2 1.7 2
1.5

ibang mga pag aaral na


pinondohan ng IMF-WB-ADB
81

82

83

84

85

86

87

88

89

90

91

92

93

94

95

96

97

98

99

00

01

02

03

pa 4
/ p al)

)
0

al
19

19

19

19

19

19

19

20

20

20
19

19

19

19

19

19

19

19

19

19

19

19

20

20

ti

ti
r

ar

hinggil sa edukasyong Pilipino


ro d /
ed

Education
te

ct
0 6 jec

je

katulad ng EDCOM, PESS, PCER


2 0 pro

Total debt servicing


(p
(
05
20

subalit ang kanilang mga


rekomendasyon ay hindi
15
umaangkop sa kalagayan ng lipunang Pilipino, bagkus ay mayroong pagkiling sa interes ng
pribado at pandaigdigang merkado.

Niyakap at inako ni Corazon Aquino sa kanyang pagkapangulo ang lahat ng utang ng


mga Marcos bagaman ang kalakhan ng mga ito ay hindi napakinabangan ng mamamayang
Pilipino. Kahit na nailagay sa Saligang Batas 1987 na ang edukasyon ang dapat na
nakakatanggap ng Average tuition increase, NCR and National Average
pinakamataas na alokasyon (cost per unit)
ng badyet, hindi ito 900 777.29
naisakatuparan ng mga papet 722.41
800
na rehimen mula kay Aquino 614.54
700
hanggang kay Arroyo. Ayon sa 554.489
600 497.88
tsart sa itaas, ang average 439.59
500 391.34
share ng edukasyon sa Gross 345.98
Domestic Product ay 2.8 400
porsiyento lamang 300 379.86
334.89 353.03
samantalang ang para sa 200 270.95 300.7
pambayad utang ay 7.3 100 181.65 205.46 230.79
porsyento. Sinasabi ng 0
UNESCO na ang minimum na 1999- 2000- 2001- 2002- 2003- 2004- 2005- 2006-
dapat na ilaan ng isang bansa 2000 2001 2002 2003 2004 2005 2006 2007*
sa edukasyon upang umunlad National Average NCR Average
ay anim na porsiyento.

Samantalang kinakaltasan ang badyet ng pampublikong edukasyon na nagbunsod


upang magtaas ng matrikula maging ang mga paaralang ito, patuloy naman ang pagtaas ng
mga bayarin sa mga pribadong paaralan, kasabay ng paglobo ng kanilang bilang.
Student performance on
mathematics and science tests: Ranking Patuloy din naman ang korporatisasyon ng
among 38 countries mga eskuwelahang pampubliko. Gusto ng
pamahalaan na pamunuan ang mga SCU bilang
mga korporasyon. Kung kaya’t ang sukatan ng
tagumpay ng isang eskuwelahan ay batay sa
“cost recovery and maximization of resources
schemes” at hindi kung ito ay nakakapaglingkod
ba sa tao at komunidad. Pangunahing
kunsiderasyon ang market requirements sa
pagpaplano ng mga bagong programa sa
edukasyon. Dahil ito ang pokus ng pamahalaan,
dumarami ang mga malalaking negosyante na
pinapasok ang larangan ng edukasyon.

Samantalang tumataas ang halaga ng


edukasyon, kasabay din nito ang pagbaba ng kalidad nito. Dahil sa motibo ng mga kapitalista-
edukador na kumita ng pera mula sa edukasyon at ang pagsasawalang-bahala ng gobyerno,
nagsulputan ang mga paaralan na wala namang kakayahan sa pagtuturo mula sa aspeto ng
kanilang kaguruan hanggang sa pasilidad. Dagdag pa sa pagbaba ng kalidad ng edukasyon ay
ang kakulangan ng suporta ng estado sa pampublikong edukasyon na nagbubunsod ng
kakulangan sa mga pasilidad, mga teksbuk, at mga guro. Bagkus, hindi kagulat-gulat ang
pagbaba ng kalidad ng edukasyon; ito’y epekto lamang ng mga patakaran ng pamahaan.

A. Papet na Rehimeng Aquino

16
Nagbunyi ang mamamayan sa pagpapatalsik sa diktaturyang Marcos at malaki ang
inaasahan sa bagong luklok na rehimen na isasakatuparan nito ang mga pagbabagong
kinakailangan ng bansa upang pigilan ang pagbulusok ng ekonomiya at krisis sa lipunan.

Dahil sa patuloy na paglakas ng kilusan para sa makabayang edukasyon, napilitan ang


pamahalaan na itaas nang bahagya ang badyet ng edukasyon. Itinalaga din ng bagong
Konstitusyon ang compulsory at libreng pag-aaral sa hayskul.

Gayunpaman, karamihan sa mga kahilingan ng sektor ng edukasyon ay patuloy na


pinagkait ng rehimen. Nakalugmok pa rin sa mababang pasahod ang mga guro at hindi
pinakinggan ang panawagan ng mga kabataan na kontrolin at tuluyang pigilan ang pagtaas
ng matrikula. Sa halip ay lalong tumindi ang krisis sa edukasyon dahil sa mga bagong
programang pinatupad ng pamahalaan.

Sa pamunuan ni Aquino higit na nalantad ang kutsabahan ng mga kapitalista-edukador


at pamahalaan. Halos taun-taon binabago ang guidelines hinggil sa matrikula at palagi itong
umaayon sa kagustuhan ng mga pribadong eskuwelahan. Isinuko ang kinabukasan ng mga
kabataan sa kamay ng mga ganid na kapitalista-edukador.

1. MECS Order #22 series of 1986 na naglagay ng ceiling ng 15% tuition fee increase para
sa non-accredited na paaralan at 20% para sa mga accredited.
2. DECS Order #37 series of 1987 10% tuition fee increase para sa mga accredited na
eskuwelahan.
3. DECS Order #39 series of 1988. Nagsaad na wala ng ceiling ang tuition fee increase.
Naamyendahan bilang 39-A matapos ang malawak na pagtutol.
4. DECS Order #6 series of 1989. Walong pisong tuition fee increase sa upperclass at
deregulasyon ng matrikula sa freshmen
5. DECS Order #37 series of 1990 na hindi na regulated ang matrikula sa mga freshmen,
hayskul at kolehiyo, pagsulat ng waiver, at pagtaas ng matrikula sa upper year ay batay
sa tantos ng implasyon.
6. DECS Order #50 series of 1990. Pagluwag sa tuition fee increase sa mga 1st year sa
mga paaralang may accredited na programang umaabot sa level 2.
7. DECS Order #136 series of 1990. Nagpahintulot ng dalawang beses na pagtataas ng
matrikula sa loob ng isang taon sa Region 3,4,5 at NCR.
8. DECS Order #16 series of 1991. Pagtataas ng matrikula batay sa regional inflation.
9. DECS Order #30 series of 1991. Nagtakda ng 30% tuition fee increase.
10. DECS Order #137 series of 1992. Deregulasyon ng tuition fee increase ng 18 “excellent
schools.”
11. DECS Order #21 series of 1993. Deregulasyon ng tuition fee increase sa lahat ng antas.

Patuloy ang paghahanap ng katanggap-tangap na programa upang talikuran ng


pamahalaan ang responsibilidad nito sa edukasyon. Noong 1989, ipinatupad sa UP ang
Socialized Tuition and Financial Assistance Program(STFAP) upang diumano’y gawing
demokratiko ang pag-aaral sa pamantasan. Kalauna’y lumabas din ang tunay na motibo ng
estado na iskema ito upang magtaas ng matrikula sa “mapanlikhang paraan”. Mula P40 per
unit ay biglang lumobo ang tuition sa P200 noong unang taon pa lang ng implementasyon ng
programa. Hindi nakapagtataka kung bakit sa kasalukuyan ito’y pinapatupad na sa lahat ng
pampublikong eskuwelahang bokasyunal at nakaambang ipatupad na rin sa lahat ng
publikong kolehiyo sa bansa. Hindi tuwiran ang pagtaas ang matrikula, kumikita ang
pamantasan at lumiliit pa ang subsidyo ng pamahalaan habang ipinagyayabang na ito’y para
sa demokratisasyon at modernisasyon ng edukasyon sa bansa.

17
Higit na pinaboran ang paglaki ng papel ng pribadong sektor sa edukasyon nang
isinabatas ang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o
GASTPE. Naglaan ng subsidyo ang pamahalaan sa mga pribadong eskuwelahan upang
pagtakpan ang kakulangan nito na ibigay ang libreng edukasyon sa mga Pilipino. Babayaran
diumano ang tuition ng mga mahihirap subalit hindi naman pinigilan ang taunang pagtaas ng
matrikula na siyang hinahanap na tulong ng mga kabataan at mahihirap.

Hindi maitago ang pagkabangkarote ng edukasyon sa bansa kung kaya’t muli na


namang sinuri ang sistemang pang-edukasyon ng binuong Education Commission (EDCOM)
1991 na malao’y naging Congressional Oversight Committee for Education. Wala namang
inulat na bago ang EDCOM maliban lamang sa pagdidiin na hindi pa rin magkatugma ang
ating mga graduate at pangangailangang manpower ng ating ekonomiya. Inamin din nito na
isang dahilan sa pagbagsak ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang maliit na investment ng
gobyerno sa edukasyon. Kinilala ang bumabagsak na literacy rate, idiniin ang
pangangailangang magpokus sa basic education, at (maling) tinukoy bilang pangunahing
suliranin ng edukasyon sa bansa ang “inefficiencies in decision-making and organizational
mechanism in the implementation of education programs.”

Sinunod ang rekomendasyong bumuo ng tatlong magkakahiwalay na ahensiya na may


partikular na pokus at tungkulin sa pagbibigay ng serbisyong edukasyon. Pormal na itinalaga
noong 1994 ang Department of Education (elementar at hayskul), Commission on Higher
Education (kolehiyo) at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA
(edukasyong bokasyunal at teknikal).

Ang pagtibag ng higanteng burukrasya ng edukasyon ay lumutas ng mga kagyat na


problema sa organisasyon at pamamahala ng mga eskuwelahan. Subalit lumipas ang ilang
taon ay hindi pa rin nito natutugunan ang mayor na layunin kung bakit ito ipinatupad, at ito
ang pigilin ang pagbulusok ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ngayon may panukala na
magbuo ng coordinating agency na mag-uugnay sa tatlo upang magkaroon ng iisang
direksiyon ang edukasyon sa bansa.

Ibinaling ang sisi sa “efficiency” ng pamamahala at pagpapatupad ng mga programa


samantalang matagal ng sinasabi ng mga iskolar na ang pangunahing suliranin ng edukasyon
sa bansa ay nakaangkla sa kolonyal na oryentasyon o imperyalistang kontrol sa edukasyon ng
mga Pilipino. Ang bulag na pagsunod sa adyenda ng IMF-World Bank ang pangunahing
bumabansot sa pagsilbi ng edukasyon sa pag-unlad ng Pilipinas.

B. Papet na Rehimeng Ramos

Ginamit ng rehimeng Ramos ang EDCOM upang maisulong ang programang Education
2000. Nakabatay ito sa binalangkas na Medium Term Philippine Development Plan o
Philippines 2000. Lulutasin daw ang kahirapan sa pamamagitan ng “people empowerment at
global competitiveness.” Panibagong rekomendasyon ito ng IMF-World Bank na higit na
pinatingkad ang malapyudal na ekonomiya ng bansa. Upang maisakatuparan ito, ginamit na
stratehiya ang deregulasyon, liberalisasyon at pribatisasyon.

Ang Education 2000 daw ang solusyon sa matinding krisis sa edukasyon. Kapuna-puna
ang mga panukala nito: “relaxing or liberalizing the heretofore restrictive regulatory
framework for private education; and rationalizing the role and function of the state tertiary
system of education.”

Nagpatuloy ang edukasyong nakaangkla sa isang ‘export-oriented, import-dependent’


na ekonomiya lalo na’t minadali ng pamahalaan ang pribatisasyon at patakarang
liberalisasyon sa sektor ng edukasyon. Tumindi ang komersyalisasyon ng mga SCU at pinalaki
18
pa lalo ang papel ng mga kapitalista-edukador sa pagpaplano ng programa ng pamahalaan sa
edukasyon.

Mula 1992-95, dumoble ang bilang ng mga pribadong paaralan sa bansa. Sumulpot ang
mga pre-school na nagongolekta ng napakataas na matrikula dahil sa patakarang
liberalisasyon. Sa paanyaya ng pamahalaan, naglipana ang mga eskuwelahang nagtataguyod
daw ng ‘global competitiveness’, partikular ang mga IT schools. Napakinabangan ng husto ng
ibang bansa ang ating mga bagong graduates habang patuloy na nakapokus ang ating
edukasyon sa dayuhang pangangailangan.

Ginawa ng CHED ang Long Term Higher Education Development (LTHEDP) 1996-2005
na pawang pagsunod sa dikta ng dayuhan na bawasan ang badyet sa mga kolehiyo,
magpokus sa agham at teknolohiya at umayon sa globalisasyon ng edukasyon. Kapuna-puna
ang CHED Memo #59 na naglimita ng mga kursong social sciences sa kolehiyo. Ikinatuwa ng
mga MNCs at mga malalaking negosyante sa bansa ang pagsasabatas ng Dual Training
System Act dahil sa ibinunga nitong maramihang internship ng mga estudyante sa kanilang
mga kumpanya.

Isinabatas ang Higher Education Modernization Act of 1997 na nagbigay daan sa


korporatisasyon at burukratisasyon ng komposisyon ng Board of Regents ng mga SCU.
Binigyan ng kapangyarihan ang Board na magtaas ng matrikula at magkaroon ng business
ventures sa pribadong sektor upang kumita nang sarili ang mga SCU. Hakbang ito ng
pamahalaan upang magbawas ng badyet sa mga SCU at akitin ang malalaking negosyante na
lumahok sa pribatisasyon ng mga SCU.

Sa pamunuan ni Ramos nailatag ang pundayon ng malawakan, sistematiko at tuluy-


tuloy na rasyonalisasyon (o pagbabawas) ng mga SCU. Isinabatas ang Agriculture and
Fisheries Modernization Act na ginawang legal ang rasyonalisasyon ng mga eskuwelahang
agrikultural. Hinikayat ang mga publikong pamantasan na maghanap ng sariling
pagkakakitaan o kaya’y tuluyang magsara o lumahok sa programang pribatisasyon. Ipinasa sa
sumunod na rehimen ang lubusang pagpapatupad ng programang ito.

C. Papet na Rehimeng Estrada

Binuo noong Disyembre 1998 ang Philippine Education Sector Study (PESS) at
Presidential Commission on Educational Reform (PCER) at may siyam na rekomendasyon sa
edukasyon na inaprubahan ng pamahalaan kasama ang WB, ADB, COCOPEA, Philippine
Chamber of Commerce, at ang mga negosyanteng sina Aguiluz at Ayala.

Nagtulak ito ng moratorium ng pagtatayo ng panibagong mga SCU noong Oktubre


1999. Binalangkas ang pagbabawas ng badyet sa edukasyon at rasyonalisasyon ng mga SCU.
Iminungkahi ang pagtataas ng matrikula sa mga SCU sa parehong lebel ng pribadong
eskuwelahan. Ito ang salarin kung bakit inalis ang MOOE at binawasan ang capital outlay ng
mga SCU. May freeze hiring tuloy at bawal na ang paglikha ng plantilla position sa mga SCU.
Nagmungkahi ding magdagdag ng isa hanggang dalawang taong kurso para sa mga
estudyanteng hindi papasa ng qualifying exam bago magkolehiyo (pre-baccalaureate system).
Labis itong ikinatuwa ng mga kapitalista-edukador dahil sa nakikinita na nila ang kanilang
makukuhang dagdag na kita dito.
Binalangkas din ang programa ng rasyonalisasyon ng mga SCU:
1. Delineation of functions of SCUs towards the complementation of
programs and course offerings with their private counterparts.
2. Review of enabling instruments and charters of SCUs to address all
technical inconsistencies and serve as basis for reform
19
3. Development of a model for the rationalization of SCUs that accounts
for best practices in other countries
4. Formulation of a strategic action and investment plan for the
restructuring of SCUs

Hanggang sa kasalukuyan ay ito pa rin ang sinusunod na programa ng pamahalaan


upang gipitin ang mga SCU at isulong ang rasyonalisasyon ng edukasyon sa kolehiyo. Inaalis
sa mga SCU ang mga kursong binibigay din ng mga pribadong eskuwelahan, binabago ang
Charter upang iakma sa komersyalisasyon at tuluy-tuloy ang pagbabawas ng badyet.

D. Papet na Rehimeng Macapagal-Arroyo

Naging taksil sa kabataan, sa mamamayan, at sa diwa ng EDSA Dos ang papet at


pasistang rehimeng Gloria Arroyo. Sa pag-upo nya noong Enero 21, 2001, binalangkas ng
kabataan ang mga panawagan para sa mas mataas na subsidyo para sa edukasyon,
paghihinto ng mga pagsingil sa mga bayarin sa mga paaralan sa isang takdang panahon, at
ang pagtatanggal ng pamahalaan ng mga patakarang nagpapalala sa sitwasyon ng
edukasyon.

Subalit, pinagpatuloy ni Arroyo ang liberalisasyon ng edukasyon at lalo pa itong pinalala


dahil sa pagsang-ayon nito sa mga dikta ng IMF-WB. Tampok ang pagpapakatuta ng rehimeng
ito sa Estados Unidos pagkatapos nitong suportahan buong-buo ang war on terror na
pinangunahan ng imperyalistang bansa. Karugtong ng mga patakarang liberalisasyon sa
ekonomiya katulad ng pagtataas ng value-added tax, sin taxes, Mining Act, ay ang
pagpapalala ng kolonyal at komersiyalisadong oryentasyon ng edukasyon tulad ng RBEC,
paggamit ng Inggles bilang wika ng pagtuturo, at CMO 14.

Lalong lumala ang labor migration sa panunungkulan ni Gloria Arroyo sa pag-alis ng


mga doktor, mga nurse, mga guro upang magtrabaho sa ibang bansa. Ito ang mga
pangangailangang tinutugunan ni kasalukuyang rehimen at hindi ang mga pangangailangan
ng mamamayan.

1. LTHEDP 2001-2010. Binalangkas ito ng CHED upang gabayan ang direksiyon ng


higher education sa bansa ngayong dekada. Kailangan daw maging angkop ang edukasyon sa
ating “knowledge-based economy” ngayong nasa panahon na tayo ng “borderless education.”
Balak ding idebelop ang isang service-oriented higher education na magbubunsod ng
kasiglahan sa ating ekonomiya.

Tumutugon ang pamantayan ng LTHEDP sa disenyo ng IMF-WB. Paiigtingin lalo nito ang
krisis sa edukasyon dahil layon nitong maipatupad ang mga sumusunod pagdating ng taong
2010:
• Nabawasan na ang bilang ng mga SCU ng 20% ng kabuuang bilang ngayon
• 6 na SCU ay semicorporatized na ang operasyon.
• 20% ng mga SCU ay kumikita ng sarili at hindi na humihingi ng pondo sa
pamahalaan sa pagbebenta ng mga intellectual product at mga grant.
• 50% ng mga SCU ay may aktibong income generating projects.
• 70% ng mga SCU ay may tuition na katumbas ng mga pribadong paaralan.
• 15 kolehiyo sa bansa ang may pre-baccalaureate system.
• 60% ng mga pamantasan ay may kolaborasyon sa malalaking industriya at
negosyo.

20
2. Medium Term Higher Education Development and Investment Plan (MTHEDIP) 2001-
2004. Ito ang ambisyosong programa ng CHED sa susunod na tatlong taon batay sa mga
ginawang rekomendasyon noon ng PCER at PESS. Layon nitong bigyan ng solusyon ang isyu
sa mababang kalidad ng edukasyon sa kolehiyo at ang usapin ng equity o access ng
mahihirap sa mga pamantasan. Subalit tila niloloko ng CHED ang kanyang sarili dahil ang
ibinabandila nitong programa ay nais idebelop ang edukasyon sa kolehiyo sa pamamagitan ng
pagbabawas ng mga pampublikong kolehiyo sa bansa.

May panukala itong rasyonalisasyon ng mga kolehiyo tulad ng rekomendasyon ng


PCER. Kapag ito’y nabigo, may inihahapag ang CHED na normative financing at resource
allocation system bilang paraan ng pagpopondo ng mga SCU. Ang badyet ng mga SCU ay
nakabatay sa kanilang mga programang akademiko na prayoridad ng CHED. Kapag may mga
iniaalok itong kurso na ‘non-sanctioned’ ng CHED, wala itong matatanggap na pondo sa
pamahalaan. Upang maging katanggap-tanggap ang pagbabawas ng mga SCU ay may
inilalako ang CHED na ‘regional university system.’

Iniinsulto ng CHED ang mamamayan sa dahil nakuha pa nitong ipagmalaki na ang


kinaltasang pondo ng mga SCU at ang idudulot nitong pagtaas ng matrikula ay babalansihin
daw ng mga scholarship na kanilang ibibigay. Ilang libong estudyante lang ba ang
makakakuha ng mga scholarship? At ang mga estudyanteng kumukuha ng mga kursong ‘non-
sanctioned’ ng CHED ay hindi rin makakatanggap ng subsidyo mula sa gobyerno. May
posibilidad ding sinasabi ang CHED na cost-recovery o paniningil sa mga estudyanteng
tumatanggap ng scholarship sa hinaharap kapag nakatapos na sila ng kolehiyo.

Binabalangkas din ng programang ito ang mapping ng mga kolehiyo sa bansa ayon sa
ekonomikong potensyal ng mga rehiyon. Aayusin ang lokasyon ng mga pamantasan batay sa
specific field of expertise ng mga rehiyon tulad ng agrikultura sa Timog Katagalugan,
pagmimina sa rehiyon ng Cordillera, fisheries sa kanlurang Visayas at Arts and Sciences sa
Maynila.

Nakaangkla ito sa dami ng mga MNCs at malalaking korporasyon na mayroon sa bawat


rehiyon. Ang buong pakete ng MTHEDIP ay pinakamasahol sa mga programang nais ipatupad
ng CHED dahil tahasang binebenta ang interes ng bansa sa mga dayuhan. Hindi
nakapagtataka at nakasalalay ang programang ito sa pondo mula sa mga dayuhang bangko at
imperyalistang bansa.

3. Restructured Basic Education Curriculum (RBEC). Solusyon ng DepEd sa mababang


kalidad ng edukasyon ay pagbabago ng kurikulum sa elementary at hayskul. Lima na lang ang
core subject ng mga estudyante: English, Science, Math, Filipino at Makabayan – pinagsama-
samang araling panlipunan, musika, PE, health, at technology and home economcs.
Nahihibang ata ang DepEd sa pagsasabing ito ang solusyon para tumaas ang ating posisyon
sa TIMMS dahil sa bagong kurikulum ay inalis ang science sa grade 1at 2 at binawasan ang
contact time ng pagtuturo ng science sa hayskul. Sa paglabnaw ng pagtuturo ng kasaysayan
at ng lahing Pilipino, higit nitong patitingkarin ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa
bansa. Palibhasa’y ang kailangan lamang ng mga MNCs ay mga mangagawa na kaunti lamang
ang kasanayan kung kaya’t kahit ang isang holistikong edukasyon ay isasakripisyo ng
pamahalaan. Nilabag ng DepEd ang lahat ng metodolohiya sa pagbabago ng kurikulum dahil
hindi dumaan sa pilot testing ang RBEC bago ito ipatupad sa buong bansa. Ang maagang
pagpapatupad ng kurikulum ay dikta ng IMF-WB bago nila ibigay ang hinihinging utang ng
pamahalaan para sa edukasyon.

21
4. English as medium of instruction. Ipinatupad ni Gloria Arroyo ang paggamit ng
wikang Inggles sa pagtuturo ng mahigit na 75% ng mga asignatura at mga paksa sa mga
paaralan upang maagapan daw ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong marunong mag-
inggles. Naaayon ang patakarang ito sa dikta ng dayuhang merkado para sa english-speaking
cheap labor upang magtrabaho sa kanila bilang tagapag-alaga ng maysakit at matatanda,
tagasagot ng telepono, taga-transcribe ng mga diskusyong medikal, atbp. Dahil sa patakarang
ito, pati na rin ang RBEC, inilathala ng DepEd noong Mayo 2006 ang pagbaba ng average
score ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Lalong pinalala ng patakarang ito ang kolonyal na
oryentasyon ng edukasyon – isang edukasyon na nagsisilbi sa dayuhan at hindi sa sariling
bayan.

5. Joint Circular Memorandum on Normative Funding na inilabas ng CHED at


Department of Budget ang Management (DBM) taong 2004. Ito ay nakabatay pa rin sa
rekomendasyong inilabas ng PESS at PCER upang “irasyonalisa” ang pagpopondo ng mga
SUC. Nilalayon nito na higit na rasyonalisasyon ng 100% ng MOOE batay sa merit nito upang
makatipid ang gobyerno at mapataas daw ang kalidad ng serbisyo ng mga SUC maliban sa
mga service hospitals ng mga ito. Sinimulan itong ipatupad ngayong taon kung saan 25% ng
MOOE ang ipinaloob dito, 50% sa 2006, 75% sa 2007 at 100% sa 2008. Sa partikular ang plao
nito ay:

• ibatay ang MOOE sa bilang sa aktwal na bilang ng mga estudyante nang nakaraang
taon at hindi na maari pang magbigay ng dagdag na badyet sa karagdagang bilang sa
mga susunod na taon;
• mas bibigyan lamang ng prayoridad sa popondo ang mga kursong IT, natural sciences
at math, teacher education at agriiculture, ang PhD, masters at iba pang kurso ay hindi
gaanong paglalaanan ng pondo at ipephase-out alinsunod sa programa ng Asian
Development bank (ADB);
• mayroon na ring takdang bilang ng mga thesis, dissertations at studies na dapat mai-
publish upang mabigyan ng pondo sa pnanaliksik;
• upang mapanatili ang mga extension service ng SUC ay kailangang paramihin ang
output nito gaya ng bilang ng tao na nabigyan ng seminar nang walang ilalaan na
pondo upang maabot ang rekisitong ito;
• upang manatili ang mga guro sa serbisyo kailangang 80% ng kanyang estudyante ay
pumasa sa board exam.

Sa esensya, ang tunguhin ng bagong patakarang ito ay pagbabawas ng bilang ng SUC. Sa


kakarampot na badyet na inilalaan sa mga SUC, imposibleng maabot ng maliit at naghihikahos
na pamantasan ang matataas na pamantayang ito.

6. CHED Memorandum Order No. 14. Sa pamamagitan ng CHED Memo 14 na


ipinatupad noong 2005, kunwang tinutugunan ng pamahalaan ang pagtutol ng kabataan sa
taunang pagtaas ng matrikula nang hind tuwirang naapektuhan ang kita ng mga kapitalista-
edukador. Ito ang ipinalit ng CHED sa revised guidelines para sa pagtaas ng matrikula ng mga
pribadong paaralan mula sa naunang CHED Memo Order 13 series of 1998.

Nakasaad sa CHED Memo 14 ang paglalagay ng ‘tuition cap,’ o hindi paghintulot sa mga
pribadong paaralan na magtaas na matrikula ng lagpas sa kasalukuyang inflation rate. Ayon
pa sa CHED, layunin din daw ng Memo 14 na gawing regular ang mga konsultasyon ng mga
pribadong paaralan sa mga magulang at estudyante. Kasama rin sa mga saklaw ng CHED
Memo 14 ang iba pang mga panukalang pagtaas ng mga bayarin sa eskwelahan
(miscellaneous fees) bukod sa matrikula.

22
Pero nananatiling inutil ang CHED Memo 14 sa pagkontrol sa taunang pagtaas ng
matrikula. Sa halip, liniligalisa ng CHED Memo 14 ang taunang pagtaas ng matrikula at
tuluyan nang tinatanggalan ang mga estudyante at magulang ng karapatang dumalo sa mga
konsultasyon. Hindi na raw kailangan ng konsultayon kapag ang pagtaas ng bayarin o
matrikula ay katumbas o mas mababa pa sa inflation rate.. Samakatwid, awtomatiko na ang
pagtataas ng matrikula sa mga pamantasang ito. Wala itong idinulot kundi palalain ang
deregulasyon ng matrikula.

VIII. NAGPAPATULOY NA LABAN NG KABATAAN AT MAMAMAYAN

Taun-taon ay sinasalubong ng protesta ang pagbubukas ng mga klase dahil sa patuloy


na pagsidhi ng krisis sa edukasyon. Pinapatampok ang pananagutan ng pamahalaan na pag-
aralin ang kabataan. Hindi lang minsan niyanig ng mga protesta ang Estado at humahantong
pa ito sa lubusang paghihiwalay sa reaksiyunaryong gobyerno. Pinakamatingkad na
halimbawa ay ang malakas, malawak at dumadagundong na kampanya laban sa pagtaas ng
matrikula. Ang taunang pagbabago ng mga DECS memo hinggil sa matrikula sa
panunungkulan ni pangulong Aquino ay ibinunga ng militanteng paghamon ng mga
estudyante sa lansangan. Napilitang umaksiyon ang pamahalaan upang maiwasan ang
pagbulusok ng popularidad nito sa publiko. Ito rin ang dahilan kung bakit iminungkahi ni
pangulong Ramos ang pagbubuo ng National Multisectoral Committee on Tuition. Kailangang
ipakita niya sa mamamayan na may ginagawa siyang hakbang upang tugunan ang kahilingan
ng kabataan.

Mula nang maitatag ang CHED ay ilang beses na itong naglabas ng memorandum
upang maging makatarungan daw ang konsultasyon sa pagtaas ng matrikula. Itinulak ito ng
hindi mapigil na protesta ng mga estudyante sa loob at labas ng mga eskuwelahan. Kung
tutuusin, ang reklamo ni Dr. Feliciano ng COCOPEA (“But sadly, the education sector has the
distinction of being the only industry in the economy where the students must be consulted
by the schools to the amount of tuition fees they have to pay”) ay isang pagkilala sa pagiging
epektibo ng mga protesta laban sa pagtaas ng matrikula. Walang pribadong korporasyon sa
bansa ang pwedeng diktahan ng pamahalaan kung saan dadalhin nito ang kanilang tubo
subalit nagawa nating maging batas ang paglalaan ng 70% ng kita ng mga eskuwelahan sa
pagtaas ng sahod ng mga guro, 20% sa pagdebelop ng mga pasilidad, at 10% ang pwede lang
maging tubo.

Noong 2000, binawasan ang badyet ng UP at iba pang SCU sa bansa. Ipinagmalaki ito ni
Pangulong Estrada dahil siya raw ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito.
Sinundan pa ito ng kanyang pagtatanggol kay Lucio Tan, ang nagmamay-ari ng UE at numero
unong kapitalista-edukador. Sinabayan pa ito ng pagtaas ng matrikula sa mahigit limang
daang eskuwelahan sa bansa. Ang walang pagtatanging arogansyang ito ay hindi
palalampasin ng kabataan. Naglunsad ng mga sunud-sunod na pagkilos sa mga eskuwelahan
sa buong bansa bilang pagkundena sa mga pulisiya ni Estrada sa edukasyon hanggang sa
umabot ito sa EDSA Dos. Naging tuntungan ang mga sektoral na isyu’kahilingan ng mga
kabataan upang maging mabilis ang pagpapakilos ng daang libong mga kabataan sa EDSA at
sa iba pang sentrong bayan sa buong kapuluan. Bago pumiyok si Chavit, nagkakaisa na ang
kabataan laban kay Erap.

Ang potensyal ng kabataan na pangunahan ang malalaking protesta laban sa


pamahalaan ay matagal ng kinikilala at kinakatakutan ng naghaharing uri. Ito ang ating
mabisang sandata upang pigilin, kahit pansamantala, ang pagpapatupad ng mga
kontrobersyal na programa sa edukasyon ng pamahalaan tulad ng STFAP sa lahat ng SCUs,
moratorium sa paglikha ng mga bagong SCU at todo-todong pagpapatupad ng
rasyonalisasyon sa edukasyon. Ipinakita rin natin ang katumpakan ng kolektibong pagkilos
23
nang napilitan ang pamahalaan na baguhin ang ROTC noong 2001 pagkatapos nating ikasa
ang sabay-sabay na walk-out ng mga kadete sa mga eskuwelahan sa bansa.

Matapang ang ating paghamon sa pamahalaan at may nakukuha tayong maliliit at


malalaking tagumpay. Subalit nananatiling dominante pa rin ang isang kolonyal,
komersyalisado at mapanupil na sistema ng edukasyon. Lalong tumindi ang krisis sa
edukasyon sa pag-upo ni Pangulong Macapagal-Arroyo. Bukod sa pagtalikod sa mga pangako
niya sa EDSA, mas masahol pa siya sa pinatalsik na pangulo dahil sa mga patakaran niya sa
edukasyon at sa pagsupil sa mga karapatang pantao.

Pakikibaka ng kabataan at mamamayan laban sa diktadurya ni Arroyo

Mula ng maupo sa poder, pinagtaksilan na ni Arroyo ang kabataan. Higit pa ngayong


inilulubog ng kanyang mga sakim na pakana para makapanatili sa pwesto eng edukasyon sa
mas malalim na krisis.

Dahil sa pinipiling unahin ang pagkapit-tuko sa kapangyarihan, ang pondo na ilalaan


sana sa edukasyon ay napupunta sa kabuktutan ng rehimen. Noong 2004, ang idagdagdag
sanang badyet sa DepEd ay hindi inapruba at ginamit ni Arroyo sa kampanya. Kung tutuusin,
simula ng 2001, pababa na nga ang badyet ng edukasyon, ibinubulsa pa niya ang sana’y
pang-agapay sa krisis. Ngayong taon, dahil sa paggigiit ni Arroyo na maipasa ang dagdag
badyet niya sa cha-cha at sa iba’t iba pang pakana para makapanatili sa pwesto, ne reenact
ang badyet at higit na bumaba ang halaga ng badyet sa edukasyon. Napakarami sanang pera
na maaaring ilaan sa edukasyon, pero napupunta ito sa kabuktutan ni Arroyo at ng kanyang
pamilya, bukod pa sa misprayoritisasyon ng pondo sa pambayad utang at gastusing militar.

Nagkaroon si Gloria Arroyo ng karapatang manipulahin ang mahigit 48 bilyong piso


dahil sa pagre-reenact ng 2005 badyet. Sa kasalukuyan ay dinagdagan ng pasistang rehimen
ng isang bilyong piso ang pondo ng militar upang sugpuin ang mga rebolusyonaryong
nakikibakang mamamayan. Ito ay sa kabila ng matinding pangangailangan ng edukasyon para
sa dagdag na pera upang pampatayo ng mga silid-araln, pagpapaayos ng mga kagamitang
eskwela, at marami pang iba.

Sinisingil na ng mamamayan at kabataan si Arroyo sa kanyang mga kasalanan at


lumalakas ang kilusan na nananawagan ng kanyang pagpapatalsik. Ang reaksyunaryong
estado naman ay gumamit ng mga mapanupil na mga patakaran upang patahimikin ang mga
mamamayan. Kabilang ang kabataan sa naging biktima ng pasismo ng estado. Ginawang
animo’y mga kampo ng militar ang mga paaraalan at tiniktikan ang mga lider estudyante.
Noong Marso 19, 2006, pinaslang ng mga militar ang coordinator ng League of Filipino
Students sa Bikol na si Cris Hugo. Diniligan ni Cris ng sariling dugo ang harapan ng kanilang
pamantasang Bicol University, ipinakita niya ang katapangan ng kabataan sa harap ng
pasismo upang itaguyod ang interes ng masa.

Matapang na ipinakita ng kabataan ang militanteng paglaban sa rehimeng mapanupil.


Pinangunahan ng kabataan ang pagbawi ng mamamayan sa Mendiola sa ginawang pagkilos
noong Setyembre 2005. Sa iba’t ibang parte rin ng bansa ay naglunsad ng mga kilos protesta
ang mga estudyante’t kabataan upang imarka ang nagpapatuloy na makasaysayang
responsibilidad ng kabataan sa lipunan. Noong Mayo 2006 ay ipinakita ni Teresa Pangilinan,
pangalawang kalihim ng NUSP Southern Tagalog, ang galit ng kabataan kay Gloria Arroyo sa
harap nya mismo sa graduation ng Cavite State University. Saan man magpunta si Arroyo ay
hahabulin siya ng protesta ng mga makabayan at kritikal na mga kabataan. Ganito rin ang
ginawa ng mga estudyante sa UP Manila at mga paaralan sa Taft Avenue nang bumisita si
Arroyo sa PGH. Hindi na siya tatantanan ng kabataang nakikibaka.

24

You might also like