P. 1
Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo [Pananaliksik]

Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo [Pananaliksik]

3.71

|Views: 105,188|Likes:
Published by Jovis Malasan

More info:

Published by: Jovis Malasan on Jan 05, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

09/13/2015

pdf

text

original

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo ay inihanda at hinarap ng mananaliksik mula sa sekyon IV – St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City.

Tinanggap sa ngalan ng Kagawarang ng Filipino, Ika-apat na taon sa Paaralang Sekundarya, Flos Carmeli Institution of Quezon City, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

_____________________ Bb. Jessilyn Ranges
(Guro sa Filipino)

_____________________ Gng. Brenilda Medina
(Punong-Guro)

PASASALAMAT
Buong-puso kong pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na ito:

- kay Bb. Ranges, ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda at mailathala ang aming papel,

- sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan ng mahahalagang impormasyon sa mga kabanata ng pamanahong papel na ito,

- sa mga responsente, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ng kabutihan na lubos na nakatulong sa amin,

- sa Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako maliliwanagan at hindi ko magagawa ang tamang mga hakbang upang matapos ang aking pinaghirapang trabaho.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

TALAAN NG NILALAMAN
PASASALAMAT KABANATA 1 “ANG SULIRANIN
A. INTRODUKSYON B. LAYUNIN
NG

O

SALIGAN NITO”

PAG-AARAL
NG

C. KAHALAGAHAN

PAG-AARAL

D. SAKLAW AT LIMITASYON E. PAGLALAHAD F. PARADIGM
NG

SULIRANIN

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY KABANATA 3 “DISENYO
A. DISENYO
NG

NA

PAG-AARAL
NG

O

LITERATURA”

AT

PARAAN

PANANALIKSIK”

PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK D. TRITMENT
NG

DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON

AT

INTERPRETASYON
AT

NG MGA

DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON
A. LAGOM B. KONKLUSYON C. REKOMENDASYON

REKOMENDASYON”

BIBLIOGRAPIYA

KABANATA I
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO

A. INTRODUKSYON Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng mundo ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay isinasagawa ng mga tribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo sa mundo ng espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang pagpapaalis ng masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ng panahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang uso. Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang lumipas ang 5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan na magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mga halamang medicinal, upang ipanggamot sa mga may sakit at sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang parte ng mundo, nagdal sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang lumipas ang mga taon, ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake, ay naisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera. Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya. Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan sinusunog ang sangkap, karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihit ng usok na inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo ay binubuo ng halos 4,000 kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisip ng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp. Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisp ang ibang tao ng mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo.

B. PAGLALAHAD

NG

SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13

hanggang 15 taong gulang. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika.

Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga, laging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago ang pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipin at mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga. Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects, ang taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal na nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sa naninigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamang kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman naninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa mga taong talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ng pagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser. Ang mga bata o anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa puso lalo na sa unang taon. C. LAYUNIN
NG

PAG-AARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito. 1. Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit naninigarilyo ang kabataan. 2. Alamin kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isang mag-aaral na naninigarilyo. 3. Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mga naninigarilyo.

D. KAHALAGAHAN

NG

PAG-AARAL

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito. Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa paninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang mabawasan ang paninigarilyo ng kabataan.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas. Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga

kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina.Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilang pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weight at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan. Ang tar at Carbon Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan ay kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming plema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sa usok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon at trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sa puso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mga baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga at maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng emphysema.

May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11 hanggang 19 ang naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng Department of Health (DoH) at World Health Organization (WHO). Batay sa pag-aaral na pinamagatang “Global Youth Tobacco Survey," mahigit 60 porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo ay pawang mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sa pag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang nakakita ng mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala si Dr Maricar Limpin, executive director ng Framework on Tobacco Control of the Philippines Alliance, na patuloy na darami ang mga kabataang naninigarilyo hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit ng tabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng 17 hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo samantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. DISENYO
NG

PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ko na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ako na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente. B. MGA RESPONDENTE Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga taong naninigarilyo o mga smokers sa aming subdibisyon. Pinili ko ang mga respondente sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at sila ang pinakaepektibong mapagkukunan ng impormasyon. C. MGA
INSTRUMENTONG

PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos upang malaman ang mga opinyon ng mga respondent. Kumuha rin ako ng impormasyon sa mga artikulo sa dyaryo at sa internet. D. TRITMENT
NG MGA

DATOS

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kaya’t wala akong ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pagaaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatikal na pamamaraan. Opinyon o damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa bawat katanungan sa survey questionnaire.

KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
KARANIWANG DAHILAN KUNG BAKIT MARAMING KABATAAN ANG NANINIGARILYO

Sa tatlong pangunahing dahilan ng paninigarilyo ng kabataan, apatnapung bahagdan ang nagsasabing pamilya ang nakakapagdulot ng masamang impluwensiya sa kanilang mga kaanak, samantalang limampu’ttatlong bahagdan naman ang nagsasabing ang mga barakda nila ang naguudyok ng paninigarilyo at iba pang mga bisyo. Pitong bahagdan naman ang nagsasabing sa personal na buhay lamang ang dahilan. Batay dito, masasabi nating ang mga barkada nila ang may pinakamalaking impluwensiya sa kanila.

IBA’T-IBANG SALIK NA NAKAKAAAPEKTO SA PANINIGARILYO NG KABATAAN
PAMILYA Kalagayan ng buhay Paninigarilyo ng magulang, kapatid, at iba pang mga kamag-anak Kakulangan sa patnubay ng magulang Peer pressure - tumutukoy sa impluwensiya ng isang grupo na naghihikayat sa isang tao upang baguhin ang kanyang pag-uugali na pareho sa mga kaugalian ng grupo. Nahuhumaling sila sa mga patalastas ng sigarilyo sa telebisyon

BARKADA

PERSONAL NA BUHAY

Kahinaan ng loob sa pagharap sa mga problema Pampalipas-oras

Ipinagbawal na ni Dr. Maricar Limpin ang mga patalatastas sa sigarilyo noong pang Hulyo 1, 2007 alinsunod sa Sec. 22 ng Tobacco Control Act. Subalit tanging ang Davao City at Legazpi City pa lamang ang tumatalima dito, ayon sa kanya.

ASPEKTONG NAKAKAAPEKTO SA PANINIGARILYO NG MGA MAG-AARAL

Sa mga aspektong naaapektuhan ng paninigarilyo ng mga mag-aaral, tatlumpu’t-siyam na bahagdan ang nagsasabing naaapektuhan ng paninigarilyo ang kanilang pag-aaral, habang limampung bahagdan ang nagsasabing ang kalusugan ang naaapektuhan ng kanilang paninigarilyo. Labing-isang bahagdan naman ang nagsasabing pamilya at kaibigan ang naaapektuhan nito. Mahihinuha dito na kalusugan ang pinakamalaking aspektong naaapektuhan ng paninigarilyo. Dahil sa pagkabahala sa mataas ng bilang ng mga Pilipino na namamatay sanhi ng mga sakit na may kaugnayan sa

paninigarilyo, isang resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes upang ipagbawal ang paninigarilyo sa mga paaralan at unibersidad. Ayon kay Nueva Ecija Rep. Eduardo Nonato Joson, tinatayang 20,000 Filipino ang namamatay sa mga tinatawag na smoking-related illnesses bawat taon o dalawa bawat oras. Ayon umano sa isang global youth tobacco survey, sinabi ni Joson na umaabot sa 21.6 porsyento ng mga mag-aaral ay naninigarilyo. Sa nasabing bilang, 32.6 porsyento sa kanila ay lalaki at 12.9 porsyento ang babae. Ang malubha, one-fifth ng mga kabataang Filipino ang nagsisimulang matutong manigarilyo sa edad na 10. Sinisi ni Joson ang hindi epektibong kampanya ng pamahalaan at mga babala sa pagdami ng mga kabataan na naninigarilyo.

BILANG NG MGA KABATAANG NAHUHUMALING SA PANINIGARILYO:

➢ 20% ng kabataang Pilipino ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na 10 pababa. (Miguel-Baquilod, M., NEC, 2001) ➢ Isa sa tatlo o 27% ng kabataang Pilipino ay naninigarilyo. (Global Youth Tobacco Survey ng WHO at CDC, 2007) ➢ Halos 40% ng mga batang lalaki ay naninigarilyo. (WHO, 2002) ➢ Apat sa sampung estudyante na may edad na 13-15 ay nakapanigarilyo na. (CDC-MMWR, 2003) ➢ Isa sa walong estudyante ng may edad na 13-15 ay nagsimulang manigarilyo bago ang edad na 10. (CDC_MMWR, 2003)

➢ Ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad na manigarilyo rin pagtanda. (FCAP) ➢ 62% ng mga batang Pilipino ay pinagbebentahan ng sigarilyo sa mga tindahan. (CDC-MMWR, 2005)

PARAAN KUNG PAPAANO IWASAN ANG PANINIGARILYO NG MGA KABATAAN

Animnapu’t-pitong bahagdan ng mga respondente ang nagsabing disiplina sa sarili lamang ang kanilang solusyon upang maiwasan ang paninigarilyo. Ang pinagkakaabalahan naman ang sumunod na sagot ng dalawampung bahagdan ng mga respondente na siya nilang ginagawa upang maiwasan ang pagyoyosi o paninigarilyo. Samantalang labing-tatlong

bahagdan lamang ang nagsabing gawaing pangkalakasan ang kanilang ginagawa upang makaiwas. Ang taong may disiplina sa sarili ay pinipigilan ang mga hindi dapat gawin dahil alam nilang hindi ito maganda.

IBA’T-IBANG DAHILAN KUNG BAKIT MAKAKAIWAS SA PANINIGARILYO ANG KANILANG NAPILING GAWAIN:
➢ Naaalis ang pagkanegatibo

➢ Pang-agaw pansin ➢ Nagiging masaya ➢ Nakakalimutan ang problema ➢ Gumagaan ang pakiramdam ➢ Makakabuti sa kalusugan

May mga nagsasabi na baka raw tumaba sila kapag itinigil ang paninigarilyo. Subukang bawasan ang intake ng mga fatty foods kapag itnigil na ang paninigarilyo. Huwag hayaang ang inyong paninigarilyo ay mapalitan ng panibagong bisyo. Kung kayo gustotung-gusto kumain nang matatamis, mas mabuting kumain ng prutas. Hindi pa huli para itigil ang bisyong sigarilyo. Kapag ginawa ninyo ito ngayon, natitiyak ko na malaki ang inyong mapapakinabang bukas. Hindi

lamang kayo ang makikinabang kundi pati ang pamilya. Alalahanin ang pinsalang dinudulot ng paninigarilyo sa katawan.

KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. LAGOM Ang karaniwang dahilan kung bakit maraming kabataan ang naninigarilyo ay pamilya (40%), barkada (53%), at personal na buhay (7%).

Mga aspektong nakakaapekto sa pannigarilyo ng mga mag-aaral ay kalusugan (50%), pag-aaral (39%), pamilya at kaibigan (11%). Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mag-aaral upang maiwasan ang paninigarilyo ay pagdisiplina sa sarili (67%), pinagkakaabalahan (20%), gawaing pangkalikasan (13%).

B. KONKLUSYON Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulot pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser. Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating katawan. Ito rin ay nakamamatay. Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating mga kaibigan at kasambahay. Ang paninigarilyo rin ay masama para sa ating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.

C. REKOMENDASYON Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa ibang mga naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng tabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon nang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa inyo sa tukso at magpapalakas sa inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng pagkagustong manigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Mag- ehersisyo arawaraw. Makalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan at kaligayahan. Huwag magpapalipas ng gutom. Kumain ng regular at huwag tatangkain magpababa ng timbang habang sinisikap alisin ang ugalung paninigarilyo. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang magaling na lunas laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto ang paninigarilyo, komunsulta sa Smoking Cessation Clinics. Dapat din ay

dagdagan pa ng gobyerno ang mga proyekto laban sa paninigarilyo ng mamamayang Pilipino.

BIBLIOGRAPIYA
http://tl.wikipedia.org/wiki/Sigarilyo http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=434490 http://tl.articlestreet.com/Article/The-Many-Perils-Of-SmokingTobacco/671975 http://bisyonatoh.blogspot.com/ http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->