You are on page 1of 13

Kabanata 1

Magtatapos na ang Oktubre nang si Don Santiago de los Santos na kilala sa tawag na Kapitan
Tiyago ay nagdulot ng isang hapunan sa kaniyang tahanan sa dakong tabi ng Anloage. Halos mapuno ang
tahanan ni Kapitan Tiyago ng mga kaibigan, kakilala at pati na rin ng mga taong hindi inimbita.
Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Ngunit nauwi sa pagtatalo ang kasiyahan ng isang
pulutong na kinabibilangan ng dalawang prayle, dalawang sibilyan at isang sundalo. Si Padre Sibyla, ang
Dominikong pari ng Binondo at si Padre Damaso, isang Pransiskano, ang dalawang pari. Si Tenyente
Guevarra ng guardia civil ang sundalo. Ang isang sibilyan ay pandak at mayroong itim na balbas at
matangos na ilong, at ang isa ay may mapulang buhok.
Ang pagbanggit ng pangyayari tungkol sa ereheng namatay ang siyang nagpasiklab ng kalooban ng
tenyente. Marahil ay tatagal pa ang pagtatalo ni Padre Damaso at ng Tenyente kung hindi pa sila inawat
ni Padre Sybila. Noong lumayo na ang tenyente sa pulutong, unti-unti .
Kabanata 2
Lahat ay napahinto at napako ang tingin sa isang binatang kaakbay ni Kapitan Tiyago. Ang binata
ay animong luksang luksa sa kanyang damit na kulay itim. Sa pagdating ng binata, sa kabilang dako ay
siyang pagkabigla at lihim na pagkabahala ni Padre Damaso. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang
galang na si Ginoong Crisostomo Ibarra, anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra.
Nang walang lumapit at nagpakilala sa kanya, siya na mismo ang lumapit at nagpakilala sa mga
kalalakihan bilang Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin. Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay ng
tanggihan ni Padre Damaso ang pakikipag-kamay sa kanya. Dagling tinalikuran niya ang pari at
napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra.
Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari. Sa
kabilang banda ay may nagpaanyaya kay Ibarra para sa isang pananghalian. Siya ay si Kapitan Tinong na
kaibigan ni Kapitan Tiyago at matalik na kakilala ng kanyang ama. Tumanggi sa anyaya ang binata
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.
Kabanata 3
Isa-isa nang nagtungo ang mga panauhin sa hapag kainan, matapos na sila ay tawagin ng utusan.
Marami ang pumuri sa kainaman ng handa. Nang ihain na ang tinola, napatama kay Padre Damaso ang
pinggang may lamang maraming upo at sabaw. Samantalang ang kay Ibarra ay mga laman. Nakita ito ni
Padre Damaso, kaya nang matapos niyang durugin ang upo at higupin ang sabaw ay malakas na binagsak
ang kanyang kutsara at biglang isinulong ang pinggan.
Matapos kumain, nakisabat si Padre Damaso sa usapan nina Ibarra at iba pang panauhin. Puro
pagpaparungit kay Ibarra ang laman ng kanyang mga pangungusap. Tumindig si Ibarra, itinaas ang isang
kopa na inialay sa Espanya at Pilipinas, ininom ang alak na laman nito at pagkatapos ay nagpaalam.
Sinubukan siyang pigilan ni Kapitan Tiyago, sapagkat paparating na si Maria Clara, Tiya Isabel at ang
bagong kura ng bayan. Ngunit, siya’y lumisan din.
Nang makaalis si Ibarra, ibinulalas ni Padre Damaso ang kaniyang sama ng loob. Ayon naman sa
isang binatang naroon, ang paglisan daw ni Ibarra ay tanda ng pagmamataas at dapat ipagbawal ng
pamahalaan.Nang gabing iyon, isinulat ng lalaking may mapulang buhok sa Estudios Coloniales ang mga
pangyayaring naganap sa kainan
Kabanata 4
Naglakad na si Ibarra na walang tiyak na paruruunan hanggang marating niya ang liwasan ng
Binundok. Wala pa rin siyang nakitang pagbabago mula nang siya ay umalis.
Hindi niya alam sinundan pala siya ni Tinyente Guevarra. Pinaalalahanan siyang mag-ingat dahil
baka mpahamak din siyang katulad ng kaniyang ama. Insusisa ni Ibarra kung ano ang tunay na nangyari
sa kaniyang ama.
Ang alam lang niya ay abala ito sa mga gawain kaya humihingi ng paumanhin kung hindi siya
makakasulat sa anak.
Isinalaysay ng tinyente ang gstong malaman ni Ibarra.
Bagama’t pinakamayaman si Don Rafael sa lalawigan, marami rin siyang mga kaaway na karamihan ay
naiinggit. Ang mga nuno nila ay Kastila nguni’t marami siyang kagalit na kastila at mga pari. Kasama
dito ay Pari Damaso na nakaaway niya dahil hindi nangungumpisal si Don Rafael.
Pinagbintangan siyang pumatay sa isang naniningil ng buwis at siya ay nabilanggo.
Ang taong ito ay sinaway lamang ni Don Rafael sa pananakit sa mga batang nanunukso sa kanya.
Nang gumanti ang lalaki, napilitang ipagtanggol niya ang kaniyang sarili. Sa kanilang paglalaban,
natumba ang lalaki at ang ulo niya ay nabagok sa bato. Namatay ito na siang naging sanhi nang ikulong
siya at pagbintangang erehe at pilibustero na pinakamabigat na krimen sa panahong yaon.
Idinagdag pa dito ng mga kalaban niya na siya
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal.
Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato.
Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa
kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat na parusa.
Dinagdagan pa ang mga paratang kagaya nang pagbabasa ng pinagbabawal na aklat at pagatago
ng larawan ng paring binitay sa salang pangangamkam ng lupa.
Ipinagtapat ng tinyente na ginawa niya ang lahat para matulungan si Don Rafael sa pamamagitan
ng pagkuha ng abugadong magtatanggol sa kaniya.
Sa pagsisiyasat, ay napatunayang namatay ang artilyero dahil sa namuong dugo nito sa ulo.
Nang malapit na siyang lumaya, namatay ito marahil sa hindi nakayanang mga sama ng loob at
pahirap.
Dumating na sila sa harap ng kuwartel kaya kinamayan na lang ng tinyente si Ibarra at sinabihang
tanungin si Kapitan Tiyago sa iba pang nangyari.
Sumakay na si Ibarra sa kalesa.

Kabanata 5
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay isang uri ng panuluyan, na
tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynial). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa
isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan
ng himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang
kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang
naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at
ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan
naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara.
Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba
ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si
Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang naktulog at
nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano
Kabanata 6
Si Kapitan Tiyago ay hindi matangkad, hindi rin maputi at nasa edad na tatlumpong taong gulang.
Hindi pa maputi ang kaniyang buhok at may kakisigan din maliban nga lang sa ito ay nananabako at
nagnganganga.
Sa Binundok, siya ay pinakamayaman dahil sa kanyang mga negosyo at asyenda sa Pampanga at
Laguna.
Dahil sa kaniyang yaman, si Kapitan Tiyago ay naging makapngyarihan dahil sa kaniyang
impluwensiya sa mga tao sa pamahalaan at sa simbahan.
Ang tingin niya isa siyang tunay na Kastila. Pakiramdam niya ay malapit din siya sa Diyos dahil
kaibigan niya ang mga prayle at madalas siyang magpamisa para sa kaniyang sariling kaligtasan at
matamo ang langit.
Lahat ng santo at santa ay mayroon siya sa silid.
Pinupulaan niya ang mga Pilipino upang mapalapit siya sa mga Kastila. Dahil dito ay ginawa siyang
gobernadorsilyo.
Lahat ng batas at utos ng mga Kastila ay kaniyang ipinatutupad. Isa itong pagsisipsip sa mga
namamahala. Palag rin siyang may handang regalo.
Si Kapitan Tiyago ay anak ng isang mangangalakal ng asukal na sa kakuriputan ay hindi pinag-
aral ang kaniyang anak. Isang paring Dominiko na kaniyang pinagsilbihan ang nagturo sa kaniya ng dapat
niyang malaman. nang mamatay ang kaniyang ama ay nagsimula siyang magnegosyo. Ang kaniyang
napangasawang si Pia Alba na taga Santa Cruz ay tumulong sa pagpapalago ng kanilang kalakal
hanggang sila ay yumaman at makilala sa alta sosyedad.
Nang makabili sila ng lupa sa San diego, nakilala niya at naging mabuting kaibigan si
Pari Damaso ang kura paroko at ang pinakamayaman sa San diego, si Don Rafael Ibarra.
Sa loob ng anim na taon na pagsasama niya at ng kaniyang kabiyak,hindi sila biniyayaan ng
anak.Pinapunta sila ni Pari Damaso sa Obando, mamanata kina San Pascual Baylon, Santa Clara at
Nuestra Senora de Salambaw.
Nagdalantao si Pia nguni’t siya ay naging masakitin. Pagkatapos niyang manganak, siya ay
namatay at naiwan sa pangangalaga ang bata na pinangalanang Maria Clara kay Tiya Isabel, pinsan ni
Kapitan Tiyago. Ang ninong sa binyag ay si Pari Damaso.
Pagsapit niya ng ikalabing-apat na taon, siya ay pumasok sa kumbento ng Sta. Catalina,
samantalang si Crisostomo Ibarra ang kaniyang kababata ay ipinadala ng ama sa Europa.
Pinagkasundo ni Don Rafael si Crisostomo Ibarra sa anak ng kaibigan niyang si Kapitan Tiyago,
si Maria Clara na sia ay magpapakasal pagdating nila sa tamang edad.
Kabanata 7
Maagang pumunta ng simbahan sina Tiya Isabel at Maria Clara. Pagkakain ng agahan ay nanahi
si Maria Clara habang si Tiya Isabel ay naglinis ng mga kalat kagabi. Si Kapitan Tiyago ay may mga
tinitingnang kasulatan. Halatang kinakabahan si Maria Clara tuwing may
naririnig na dumaraang sasakyan. Pinayuhan ito ng ama ng magbakasyon upang bumalik ang kulat nito sa
mukha.
Si Tiya Isabel ang nagmungkahi na sa San Diego pumunta dahil malapit na ang pista sa bayang
ito.
Sinabihan ni Kapitan Tiyago na hindi na babalik sa beateryo si Maria Clara.
Biglang pumasok si Maria Clara sa kaniyang silid nang marinig niyang dumating si Crisostomo Ibarra.
Lumabas lang siya pagkatapos mag-ayos ng sarili.
Nagkatitigan sila ni Ibarra bago pumunta sila sa asotea para maiwasan ang lumilipad na dumi sa paglilinis
ni Tiya Isabel.
Ang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya
nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na
siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.
Sinabi ni Ibarra na hindi siya nakakalimot at naisumpa niya na si Maria Clara lamang ang
pakakasalan niya.
Si Maria Clara rin ay ngpahayag na kahit anong payo sa kaniya ng kaniyang padre kumpesor na
kalimutan ang binata ay hindi niya sinusunod.
Nagpakitaan sila ng mga bagay-bagay na ibinigay nila sa bawa’t isa noong huling sila ay magkita. Si
Ibarra ay inilabas ang natuyong dahon ng sambong habang si Maria Clara ay ang sulat.
Binasa ni Maria Clara ang laman ng sulat na siyang nakapaalala kay Ibarra na kinabukasan ay
undas na at kailangan niyang maghanda.
Bago umalis si Ibarra ay nagbilin si Kapitan Tiyago para sa mga nag-aalaga ng kanilang bahay sa
San Diego.
Pagkaalis ni Ibarra ay pumasok sa silid si Maria Clara at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago
at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.

Kabanata 8
Naalala ni Crisostomo Ibarra ang nakaraan habang sakay siya ng kalesa.
Napansin din niya ang mga walang pinagbago sa lugar ng Talisay sa San Gabriel. Sa tingin niya ay
pumangit ang Escolta. Samantalng magaganda naman ang mga karwaheng nasasakyan naman ng
kawaning papunta sa kanilang opisina. Nakita niya sa Pari Damaso, si Kapitan Tinong at ang kaniyang
asawa at dalawang anak.
Nadaanan niya ang Arroceros at ang pagawaan ng tabako. ang Hardin Butaniko na nagpaalala sa
kaniya ng mga hardin sa Europa.
Nakita rin niyang muli ang Bagumbayan (Luneta) na nagpaalaala sa kaniyang gurong pari na
nagturo sa kaniya tungkol sa karunungan at kung bakit ang dayuhan ay napunta sa Pilipinas.
Kabanata 9
Hinihintay ni Tiya Isabel sa nakatigil na karwahe sa tapat ng bahay si Maria nang dumating si Pari
Damaso. Bubulong-bulong na umakyat sa bahay ang pari nang malaman na papunta ang magtiya sa
Beaterio upang kunin nito ang mga gamit.
Pagkakita kay Kapitan Tiyago ay sinabihan kaagad ito na kailangang sila ay mag-usap ng
sarilinan. Hindi nito pinansin ang pagtangkang pagmano ng kapitan sa lanyang kamay
Sa kumbento ng mga dominiko, si Pari Sybila ay dumalaw sa matandang paring maysakit.
Ikinuwento niya ang mga nagaganap na sangkot si Ibarra at si Pari Damaso. Mahahalatang gusto
ni Pari Sybila ang mayamang binata. Napunta ang kanilang usapan sa buwis, sa mga lupain at sa Sa ari-
arian ng Simbahan, Ikinuwento rin ni Pari Sybila na ang tinyente ay hindi isinusumbong si Pari Damaso
sa Kapitan Heneral.
Ang masinsinang usapan ni Kapitan Tiyago ay Pari damaso ay tungkol sa hindi niya pagsang-
ayon sa pagmamabutihan nina Maria Clara at ni Ibarra.
Binalaan ni Pari Damaso na sundin siya ni Kapitan Tiyago dahil siya ang ama-amahin ni Maria Clara.
Pinapatay niya ang nakasinding kandila para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong
San Diego
Kabanata 10
Ang bayan ng San Diego ay may malawak na bukirin at palayan. Kaya ang mga nakatira dito ay
karamihang magsasaka. Wala silang pinag-aralan at ang kamngmangang ito ang nagiging dahilan ng
pagsasamantal ng mga Tsinong bumibili ng kanilang produkto sa murang halaga.
Ang bayan ay may lawa at sa simboryo ng simbahan, makikita ang kabuuan ng bayan. Lahat halos
ng ng bayan ay may alamat at isa na roon ang San Diego. Ang alamat ay tungkol sa pulong gubat na nasa
gitna ng kabukiran.
Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila na magaling magsalita ng Tagalog ang dumating sa
bayan at binili ang buong gubat. Nagbayad ito ng damit, alahas at pera. Tapos ang matanda ay biglang
nawala.
Ang mga nagpapastol ng kalabaw ang nakakuha ng bangkay ng matanda na nakabitin sa isang
puno. Lalong natakot ang mga tao sa namatay dahil sa ang mata nito ay malalim at ang boses nito ay
bahaw.
Lahat ng nanggaling sa matanda ay kanilang itinapon sa ilog. May isang mistisong Kastila na ang
ngalan ay Saturnino ang dumating sa bayan. Siya raw ang anak ng matanda. Hindi nagtaga; siya ay
nakapag-asawa ng isang taga Maynila at nagkaraan ng anak na pinangalanan nilang Rafael. Si Rafael ay
nagkaanak na pinangalanan niyangh Crisostomo. Si Don Rafael ay mabait at nagustuhan ng mga
magsasaka. Pinaunlad niya ang dating nayon na nagging bayan.
Dumating si Pari Damaso para maging kura paroko nang mamatay ang isang dating pari na Indiyo.
Kabanata 11
Pinakamayaman si Don Rafael sa kanilang bayan pero siya ay mabait at iginagalang. Lahat halos
ng mga tao doon ay may utang sa kaniya
Si Kaptan Tiyago ay mayaman din pero ang pakikisama sa kaniya ng mga tao ay paimbabaw lang.
Totoong ipinaghahanda siya ng maraming pagkain at tinatawag siyang kapita pero pagtalikod niya ay
kinukutya siya at ang tawag sa kaniya ay Sakristan lamang.
Ang puwesto ng Kapitan ay hindi masasabing makapangyarihan, dahil ito ay nabibili lamang sa
halagang limang libo. Siya pa ay nasa awa ng alkalde na puwede siyang sabunin at sisihin sa mga bagay-
bagay.
Ang kapangyarihan ay pinag-aagawan upang mapamunuan ang San Diego.
Nandiyan si Pari Bernardo Salvi na isang paring Fransiscano na pumalit kay Pari Damaso. Isa siyang
mabait na payat na pari at mahilig mag-ayuno.
Nandiyan din ang Alperes at ang kaniyang asawang si Donya Consolacion.
Ang alperes ang pinuno ng guwardiya sibil. Siya ay marunong magpakitang tao. Kahit hindi sila
magkasundo ni Pari Salvi, siya ay nagpapakitang galang sa pari sa harapan ng maraming tao. Ganoon din
si Pari Salvi. Pag talikod ng bawa’t isa ay kaniya-kaniya silang balak kung oaano sila maggantihan.
Hindi siya masaya sa pagkakapangasawa niya, kaya siya naglalasing, nambubugbog at
nagpapahirap ng mga sariling sundalo. Si Pari Salvi at ang alperes ang tunay na makapagyarihan sa San
Diego.
Kabanata 12
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na
lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw
at nagpuputik naman kung tag-ulan.
Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato
at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan.
Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa
pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat
hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.
Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa
at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.
Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan
na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi,
kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at
kikilabutan ang buong katawan.Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga
intsik.
Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na
lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote.
Kabanata 13

Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang
isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang
nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at
sampaga at nilagyan ng krus.

Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don
Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na
kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote.
Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng
mga intsik.

Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay
napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa
makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing.

Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot
at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit
nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya
ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

Kabanata 14

Ang tunay niyang pangalan ay Don Anastacio. Ngayon ay kilala na siya bilang Pilosopo Tasyo.
Wala siyang permanenteng tirahan, Lalaboy-laboy siya sa lansangan ng walang
Tiyak na lugar na pupuntahan. Lahat ay naniniwala na siya ay baliw o may baltik sa ulo.
Pumunta siya sa sementeryo para dalawin ang puntod nga kaniyang asawa.
Hindi siya nanggaling sa mahirap na pamilya. Siya ay isang matalinong tao na hindi pinagtapos
ng kaniyang ina sa unibersidad sa takot na ito ay maging taong walang kinikilalang Diyos.

Nais ng kaniyang ina na siya ay maging alagad ng Diyos. Hindi niya sinunod ang kaniyang ina.
Siya ay nag-asawa na lang pero namatay ang babae pagkatapos ng isang taong pagsasama. Dahil
sa lungkot, ibinuhos niya ang kaniyang buong panahon sa pagbabasa ng aklat. Hindi niya
namalayang dumaan ang panahon at angf pinamana sa kaniyang kayamanan ay unti-unting
nawala.

May nagbabantang unos sa bayan. Nagdidilim ang langit at ang mga kidlat ay gumuguhit

Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat
ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang
ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot
niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga
lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng
delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili
nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”

Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok
at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay
mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at
nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng
kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.

Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-
asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung
nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya
itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita
ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.

Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay
undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay
mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at
dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng
namatay sa nabubuhay.

Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng
matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat
nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-
asawa.

Kabanata 15

Si Basilio at Crispin ang mga sacristang naatasang patunugin ang kampana ng simbahan.
Sinabihan sila ni Pilosopo Tasyo na hinahanap sila ng kanilang inang si Sisa para sila ay
maghapunan ng masarap ng gabing iyon. Sa murang edad, napakabigat ng kanilang hirap na
pinapasan.

Napagbintangan si Basilio na nagnakaw. Siya ay pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpalo.


Inisip ni Crispin na hindi papayag ang kanilang inang si Sisa na sila ay nasasaktan. Sa suweldong
dalawang piso isang buwan, hindi nila kayang bayaran ang halaga ng sinabing ninakaw nila.
Pinagbabayad pa sila ng multa at sa buwan na yaon ay tatlong beses nang namultahan. Wala
nang matitirang pambili ng pagkain nila.

Kay Crispin, naisip niyang kung marahil nakapagnakaw nga siya, madali niya itong maibabalik
at sakaling hindi, may maiiwanan siya sa kaniyang inang si Sisa kung sakaling mamatay siya sa
parusa sa kaniya ng kura paroko.

Kay Basilio, totoo man o hindi ang paratang ay tinitiyak niyang magagalit ang kaniyang inang si
Sisa pag nalaman ang akusasyon kay Crispin na pagnanakaw.
Naniniwala naman si Crispin na paniniwalaan siya ng kaniyang ina dahil ipapakita niya ang
kaniyang mga sugat at latay na sanhi ng papaparusa sa kaniya ng pari.

Ipapapakita rin niya ang gula-gulanit niyang damit na may bulsang punit at hindi maaring
pagtaguan ng sinasabing ninakaw.Pati ang kaniyang pamaskong laman nito ay kinuha pa ng
ganid na pari.

Ibig na ibig ni Crispin na matapos na ang kanilang problema para makauwi na sila sa kanilang
tahanan. Gutom na gutom na sila dahil hindi sila pinapakain hanggang hindi naibabalik ang
sinabing ninakaw.

Ang pagbibintang sa kanila ay nag-uugat sa kanilang ama na lasengero at sabungero.

Hindi namalayan ng magkapatid ang pagdating ng sacristan mayor habang sila ay nag-uusap.

Kaagad itong nagalit at pinagmumulta niya si Basilio dahil sa maling pagtugtog ng kampana.
Sinabihan naman niya si Crispin na hindi pa rin ito makakauwi hanggang hindi ibinabalik ang
ninakaw nitong dalawang onsa.

Pilit nangatwiran si Basilio pero sinabihan siyang hindi siya makakauwi hanggang alas diyes ng
gabi. Bawal na ang maglakad ng gabi paglamaps ng alas nuwebe ng gabi kaya
Hindi makapaniwala si Basilio sa lanyang narinig.

Pagkatapos pagsabihan si Basilio na hindi na nakuhang makiusap sa sacristan mayor,


hinila ng huli si Crispin. Pakaladkad niya itong ipananaog sa hagdan habang ito ay
nagpapalahaw. Walang nagawa si Basilio na naiwanang nakatulala. Hindi niya Makita ang
kapatid sa kadiliman pero naririning niya ang mga pagdaing nito sa sakit sa pananakit ng
sacristan mayor.

Nagpigil sa sarili si Basilio at nanggangalit sa hirap na dinanas ng kaniyang kapatid.


Naisip niyang mag-araro ng bukid habang naririnig niyaang panaghoy ng kapatid paghingi ng
tulong.

Umakyat siya sa ikalawang palapag ng kampanryo at doon sa pamamagitan ng lubis na kinalag


niya sa pagkakatali ay nagpadausdos siya pababa.

Tumigil na ang ulan at ang langit ay nagpapakita ng kaunting liwanag.

Kabanata 16

Madilim na at ang karamihan sa mga taga San Diego ay nakahimlay nang natutulog. Sa isang
maliit na kubo sa labas ng kabayanan, si Sisa ay gising pa at naghihintay. Malayo amg kanilang
lugar sa kabayanan.

Hindi masuwerte si Sisa sa napangasawa. Bukod na iresponsable na ay sugarol pa at bihirang


umuwi ng bahay.

Wala siyang pakialam sa kaniyang pamilya. Ang kaniyang asawang si Sisa lamang ang nag-
aasikaso sa mga anak na sina Basilio at Crispin. Ang kaniyang mga alahas sa pagkadalaga ay
kaniya nang naipagbili para lang makatulong sa pagtataguyod ng kaniyang mga anak at asawa.

Maaari rin siyang sisihin sa hina ng kaniyang loob at pagiging martir na sanhi ng kanilang
paghihirap. Hinahayaan niyang siya’y sakyan ng asawa pag ito ay umuuwi paminsan-minsan.
Para sa kaniya ang asawa ay isang makpangyarihan kaniyang pagsisilbihan at susundin at ang
kaniyang mga anak naman ay mga anghel na kaniyang gabay.

Hinihintay niya ang pagdating nina Basilio at Crispin pagkatapos niyang maghanda ng hapunan.
Binigyan siyang ng tapang baboy-damo at isang patong bundok ni Pilosopo Tasyo. Meron din
siyang tuyonh tawilis at kamatis.

Ang kaniyang nilutong bigas ay kaniyang inani sa palayan. Espesyal ang pagkaing inihanda niya
sa kaniyang mga anak.
Ang pagkaing ito ay hindi na matitikman ng kaniyang mga anak. Dumating ang kaniyang asawa
at inubos ang pagkain.

Nang mabusog ay muling iniwan ang kanilang dampa na dala-dala ang kaniyang manok na
pansabong. Nagbilin pa na ipagtabi siya ng perang iuuwi ng kaniyang mga anak.

Sa sakit ng loob na hindi maibulalas sa asawa, napaiyak na lang si Sisa. Inihanda niya ang
pagkain na iyon para sa kaniyang mga anghel ngunit inubos ng kaniyang asawa.

Nagluto siyang muli dahil alam niyang gutom na darating si Basilio at Crispin. May nalalabi
pang daing na siyang niluto niyang ulam.

Tapos ay naghintay siya sa kaniyang mga anak. Umaawit siya para aliwin ang sarili habang
tinitingnan niya ang madilim na kapaligiran.

Nagdadasal din siyang nakapikit sa Mahal na Birhen para sa kaligtasan ng kaniyang mga anak.

Sa kaniyang pagkakapikit, narinig niya ang boses ni Basilio.

Kabanata 17

Nagulat si Sisa nang makita si Basiliong duguan. May sugat ang bata sa ulo na siyang
pinaggalingan ng daloy ng dugo. Ani niya, hinabol siya sa nang guwardiya sibil at inutusang
huminto sa paglakad. Dahil sa takot na siya ay parusahan pamamagitan ng paglinis ng kuwartel,
kumaripas ng takbo si Basilio. Binaril siya ng guwardiya sibil nang hindi siya huminto pagtakbo.

Tinamaan ang bata ng punglo sa ulo. Sabi niya kay Sisa na naiwan niya si Crispin sa kumbento.
Nabawasan ang pag-aalala ng ina sa ikalawa niyang anak. Pinakiusapan niya ang ina na huwag
sasabihin ang tutoong nangyari sa kaniyang sugat. Sabihin na lang dawn a nahulog siya sa puno.

Nang tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin sa kumbento, saka lang ipinagtapat ni Basilio
ang pagbibintang kay Crispin ng sacristan mayor, pati ang pagpaparusa sa bunsong anak.

Napaiyak si Sisa. Naawa sa kaniyang anak. Alam niya na ang mga dukhang katulad nila ang mas
pinahihirapan sa buhay.

Hindi rin makakain si Basilio nang malaman niyang dumating ang ama.
Alam niyang pag-umuuwi ito ay sinasaktan ang kaniyang ina. Ninais ni Basilio na tuluyan nang
mawala ang ama para sila na lang tatlo ang magsama-sama. Sinigurado niya na naramdaman ni
Sisa ang ibig niyang sabihin. Itinatakwil niya ang sariling ama.

Masama ang napanaginipan ni Basilio nang siya ay matulog. Nakita niya ang kapatid na
pinagtutulungan ng kura at ng sacristan mayor . Yantok ang ginagamit sa pagpalo kay Crispin.
Nakita niya ang paghihirap ng kapatid na halos panawan ng hininga.

Dahil sa masamang panaginip, siya ay umungol.Ginising siya ni Sisa at tinanong kung bakit siya
umuungol.

Hindi nagtapat si Basilio sa kaniyang panaginip. Alam niyang mag-aalala ang kaniyang ina.

Sinabi lang niya na ayaw na niyang magsakristan siya ay at si Crispin.


Balak niyang magpastol para kay Crisostomo Ibarra at kung kaya na niya ay hihingi siya ng
kapirasong lupa para masaka.

Naniniwala si Basilio na mas maganda ang kanilang buhay sa kaniyang balak. Kailangan lang
niyang magsipag sa pagsasaka ng lupa.

Balak niyang paaralin si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang kaniyang inang si Sisa ay hihinto
nang manahi ng mga damit.
Natutuwa sana sa balak ng anak si Sisa pero naluha siya dahil hindi kasama sa pangarap nito ang
kaniyang ama.

Kabanata 18

Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan.
Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin
niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coordinator?
Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng
‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa
purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay
katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap
ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa
kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.

Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang
halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad
ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa
kanilang dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit
hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin
ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag.

Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang
hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.

Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay
nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng
makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga
guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa
ng alila.

Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang
paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa
ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

Kabanata 19

Ang lawa ng San Diego ay napapaligiran ng mga bundok kaya kahit na may malakas na bagyo,
hindi ito naapektuhan.

Dito makikita na nag-uusap si Crisostomo Ibarra at ang isang lalaki na isang guro.

Alam ng lalaki kung saan itinapon ang bangkay ni Don Rafael na ama ni Ibarra. Kasama raw si
Tinyente Guevarra nang itapon ito sa isang bahagi ng lawa.

Sinabi niya na wala siyang magawa kahit na malaki ang utang na loob nito sa matanda.

Si Don Rafael ang tumulong sa kaniya sa mga kailangan niya sa pagtuturo noong bagong dating
lang siya sa San Diego.

Ang mga mag-aaral ay walang sapat na magagastos sa paaralan.


Ang mga magulang at pamahalaan ay walang pakikipag tulungan na makikita.

Walang sapat na libro na nasusulat sa Kastila para magamit ng mga mag-aaral.

Wala ring sapat na paaralan kung saan maaring ganapin ang klase kaya karaniwan ay ginagamit
nila ang silong ng kumbento.
Pag naingayan ang kura ay nagagalit ito at sinisigawan ang mga
bata at guro.

Kinuwento ng guro na kinakitaan niya ng malaking pagbabago ang mag-aaral sa wikang Kastila.
Si Pari Damaso ay hindi sang-ayon sa pagtuturo ng Kastila sa itinuturing niyang mangmang. Ibig
ng kura na pag-aralan lang nila ang Wikang Tagalog.

Ang paniniwala ni Pari Damaso ay ang guro ay katulad ng isa pang taong nagngangalang
Maestro Circuela. Ayon sa pari, ito raw ay hindi marunong magbasa pero nakapagtayo ng
paaralan.

Inutusan ni Pari Damaso na hintuan ng guro ang pagtuturo ng Wikang Kastila sa mga mag-aaral.
Sumunod naman ang guro kay Pari Damaso pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral ng
wikang Kastila kahit na lang sa kaniyang kapakanan.

Hindi lang sa pagtuturo nakikialam si Pari Damaso. Maging sa pagdisiplina sa mga bata ay
inuutusan siyang gamitin ang pamalo
nang malaman nitong itinigil niya ang paggamit nito sa paniniwalang hindi ito mabisa sa
pagtuturo.

Ayaw man niyang sundin ang pari ay napilitan na rin siya dahil mismong mga magulang ang
gusto na ang kanilang mga anak ay disiplinahin.

Nagkasakit ang guro dahil sa ayaw niya ang iniuutos sa kaniya.


Nang bumalik sa galing sa pagkakasakit, kaunti na lang ang inabutan niyang mag-aaral pero
wala na si Pari Damaso.

Nagkaroon siya ng bagong pag-asa kaya isinalin niya sa wikang Tagalog ang mga aklat na
nakasulat sa wikang Kastila.

Idinagdag pa niya ang katesismo, pagsasaka at kagandahang asal na nakasaad sa Bukod dito,
dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa
Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas.

Ang bagong kura ay walang pinakialaman kung hindi ang pagtuturo ng relihiyon na dapat daw
ay unahin.

Nangako si Ibarra na tutulong sa guro. Dadalo siya sa pagpupulong ng tribunal sa panyaya ng


Tinyente Mayor.

Kabanata 20

Ang lugar kung saan ginaganap ang pagtitipon at pagpupulomg sa San Diego ay isang malaking
bulwagan. Dito nagaganap ang pagpupulong ng tribunal na ang mga kasapi ay ang mga may
kapangyarihan sa bayan.

Dumating si Ibarrang kasama ang guro na nagsisimula na ang pagpupulong. Nahahati sa


dalawang pangkat ang kapulungan. Ang mga matatanda ay pangkat ng conserbador at ang mga
bata ay binubuo ang liberal.
Ang mga kabataan ay pinamumunuan ni Don Felipo. a binubuo ng mga kabataan. Ito ay
pinamumunuan ni Don Felipo.

Ang pinag-uusapan nilang kasalukuyan ay ang tungkol sa piyestang darating. Nababahala si Don
Felipo na wala pang
ginagawang paghahanda ang kapitan at tinyente mayor samantalang labing-isang araw na lang
ang natitira.

Maraming napagdidiskusyunan ang tribunal na wala naming kapaparakan. Nagtalumpati pa si


Kapitan Basilyo na wala namang laman kung hindi mga malalabong salitang . Sa inis ni Don
Felipo, naglabas siya ng listahan ng mga gagastusin para sa mungkahi niyang magtanghal ng
komedysa sa loob ng isang Linggo. Kasama sa listahan ang mga paputok na nagkakahalaga ng
isanlibo.
Ang dulaan ay paglalaanan ng dalawandaang piso bawa’t gabi.
Walang sumang-ayon sa panukala ni Don Felipo kaya hindi niya na

Pinagpilitan pa.

Pati ang mungkahi ng kabisa na walang paputok, tipid na pagdiriwang at pagpapalabas ng


komedya na nagtutro ng magandang ugali ay hindi rin tinangap ng kapulungan.

Ang kura paroko pala ay mayroon ng kapasyahan para sa pista. Ito ay ang pagdaos ng anim na
prusisyon, tatlong sermon at tatlong misa mayor . Mayroon ding komedya na sa Tundo gagawin.
Unang umalis si Ibarra na nagpaalam sa guro. May mahalagang bagay daw siyang lalakarin.

Kabanata 21

Magulo ang isip ni Sisa habang tumatakbo siyang pauwi. Hindi niya mawari ang sinabi sa kaniya
ng kura tungkol sa kaniyang anak. Iniisip niya kung ano ang gagawin niya para mailigtas niya si
Basilio at Crispin.

Lalo siyang kinabahan nang may matanaw niya ang ang dalawang guwardiya sibil papaalis sa
kaniyang bahay. Nabawasan ang kaba niya nang makita niyang hindi kasama ng mga ito ang
kaniyang dalawang anak.

Natakot si Sisa nang salubungin siya ng guwardiya sibil at pilit pinasasabi sa kaniya kung nasaan
ang ninakaw na dalawang onsa ng kaniyang anak.

Pinilit din siyang paaminin sa bintang ng kura. Kinaladkad siya papunta sa kuwartel dahil hindi
siya pinaniwalaan sa kaniyang mga katuwiran.

Nakiusap siya na sana ay payagan siyang maglakad ng nauuna sa guwardiya sibil pagdating niya
sa kabayanan.

Subali’t hindi siya pinakinggan ng sibil kaya laking hiya niya ng makita siya ng mga taong
kalalabas lang sa simbahan.

Ikinulong siya sa kuwartel Sa takot niya ay sumiksik siya sa isang sulok.

Ang kaniyang damit ay marumi at ang buhok niya ay magulo. Para siyang mababaliw.

Lalo siyang nawawalang ng pag-asa habang nag-iisip siya sa nangyari sa kanilang buhay.

Naawa naman ang alperes sa kaniya at iniutos na palayain na siya. Nanghihina siya sa
pagkakulong sa kaniya ng dalawang oras.

Naglakad siya pabalik sa kanilang bahay. Tinatawag niya ang pangalan ng mga anak,

Hinanap niya ang mgaito sa gulod, sa gilid ng buhanin at panhik panaog siya sa bahay.

Sa loob ng bahay, nakita niya ang isang pirasong damit ni


Basilio na may bahid ng dugo.

Ninerbiyos ulit siya. Inisip niya kung anon a ang nangyari da kaniyang mga anak.

Hindi niya maarok kung bakit nangyari ito sa buhay nila.

Lumakad siya habang isinisigaw ang pangalan ng mga anak niya.

Mapapansin na unit-unting nawawala na siya sa kaniyang sarili.

Sa mga sumunod na araw ay palaboy-laboy na si Sisa sa daan. Umiiyak siya at sumisigaw


kayaang mga taong nakakkita sa kaniya ay nagsimula na siyang katakutan.
Kabanata 22

Maagang dumating si Maria Clara, kasama si Tiya Isabel sa San Diego para dumalo sa piyesta.

Inaabangan siya ng mga tao sa San Diego dahil matagal na ring hindi siya nauwi doon. Sa
bayang iyon siya ipinanganak kaya mahal siya ng kaniyang mga kababayan sa kaniyang
mabuting asal, kagandahan at kahinhinan.

Sa pagdating ni Maria Clara, napansin ng mga tao na malaki ang ipinagbago ni Pari Salvi.

Ang madalas na pagdalaw ni Ibarra sa dalaga ay nagging tampulan ng usap-usapan sa bayan.


Maligaya si Maria lalo na nang nagbalak mamasyal at piknik ang binata na kasama siya.

Ibig sana ni Maria Clara na huwag isama ni Ibarra ang kura sa kanilang pamamasyal. Natatakot
siya sa pari dahil sa makahulugang titig nito sa dalaga.

Nakiusap siya sa kasintahan pero tinanggihan ito ni Ibarra dahil lihis daw sa kagandahang asal at
sa kaugalian ng bayan.

Nang dumating si Pari Salvi, humingi ng paumanhin si Maria Clara upang maiwasa ang kura.
Sinabi niyang masama ang kaniyang pakiramdam.

Doon inanyayahan ni Ibarra ang pari para sa gagawin nilang piknik. Kaagad-agad namang
tinanggap ni Pari Salvi ang paanyayang yaon.

Madilim na nang umalis si Ibarra para umuwi. May isang lalaking lumapit sa kaniya para
humingi ng tulong sa nawawala niyang mga anak at asawa.

Kabanata 23

Bata’t matanda at mga kadalagahan ang maagang dumating sa tagpuan sa dalampasigan. Dalawang
Bangkang nagagayakan ng iba’t ibang kulay ns bulaklak ang naghihintay sa mga sasama sa pangingisda
Madilim pa ay dumating na ang mga katulong na babae na mayroong dala-dalang mga pagkain at
pinggan.
Meron ding mga sari-saring instrumentong dala ang mga kabataan.
Kasama ni Maria Clara ang kaniyang matatalik na kaibigan. Sila ay masayang naglalalad,
nagkukuwentuhan at nagbibiruan.
Sinasaway sila ni Tiya Isabel at ang ibang mga matatanda sa kanilang maingay na usapan at tawanan.
Naghiwalay sila ng bangkang sinakyan sa takot na lumubog ito sa maraming sasakay na kabinataan.
Nagsama-sama ang mga lalaki kung saan meron silang nililigawan. Si Maria Clara naman ay nakasakay
sa Bangka kung nasaan si Crisostomo Ibarra.

Tumahimik ang mga dalaga sa harapan ng mga lalaking kanila ring nagugustuhan.
Ang piloto ng dalawang Bangka ay si Elias; isang matipuno, matikas at maitim. Mahaba rin ang buhok
nito ngunit ang kaniyang katawan ay siksik ng laman.

Kumanta ng isang kundiman si Maria Calara habang naghihintay ng agahan.


Matamang nakinig ang mga kasama niya. Si Andeng na siyang naghahanda ng pagkain ay nagsabi na
kulang na lang ang isda sa niluluto niyang sinigang.
Ang dalawang grupo ng nagpipiknik ay nasa baklad na ni Kapitan Tiyago. Isang anak ng mangingisda
ang nagtangkang magpandaw sa palaisdaan. Wala siyang nahuli ni isa.
Si Leon ang katipan ng kaibigan ni Maria Clara na si Iday ay sumalok din sa baklad. Wala rin siyang
nahuli.
Sinabi niya ang hinala niya na may kumakain sa mga isda sa baklad kaya nangawala.
Si Elias ay biglang tumalon sa tubig. Ang takot ng mga kababaihan. Ang mga lalaki ang nagsabi sa kanila
na sanay si Elias sa paghuli ng buwaya.
Nahuli nga ni Elias ang buwaya pero malakas itong lumaban sa binata. Malapit nang matalo si Elias nang
lumundag din si Ibarra sa tubig para tulungan si Elias.
Hindi hinimatay sa takot si Maria Clara. Hindi inaasahan ang dalagang magpakita ng takot sa
pamamagitan ng paghihimatay.
Patuloy ang labanan sa ilalim ng tubog kaya isa pang anak ng mangingisda ang tumalon sa tubig na may
dalang gulok.
Lumitaw na naman si Ibarra at si Elias. Iniligtas ni Ibarra ang buhay ni Elias.
Hindi man hinimatay si Maria Clara ay hindi naman ito nakakibo nang matagal. Natauhan lang siya nang
Makita niyang ligtas ang kasintahan.
Marami namang isda ang nahuli ng mga nagpipiknik. Pumunta sila sa gubat na pag-aari ng pamilyang
Ibarra.
Kumain sila sa lilim ng mga puno na malapit sa batisan.

Kabanata 24

Kakain sana ng almusal si Pari Salvi matapos niyang makapagdaos ng misa nang may matanggap
siyang sulat na inabot ng kaniyang katulong.
Pagkabasa niya nito ay pinagpunit-punit na at pinahanda ang karuwahe. Papunta siya sa piknikan.
Hindi niya na pinatuloy ang karuwahe sa mismong lugar ng piknik.
Pinabalik niya na ito sa kumbento at naglakad na lang siya papunta sa may dalampasigan.
Narinig niya ang pag-uusap ng mga kadalagahan kung saan nalaman niya na naghahanap ng pugad ng
gansa si Maria Clara.May paniniwala kasi ang mga matatanda na sino mang makakita ng pugad ay
magkakaroon ng kapangyarihan upang di makita.
Ibig niyang masundan si Ibarra na hindi siya nakikita nito.
Gusto mang sumunod ng pari sa mga kadalagahan ay napigil niya ang sarili. Minabuti na lang
niyang pumunta sa mga kasamahan ng mga ito sa piknikan. May nakapansin sa galos niya. Sinabi na lang
niya na naligaw siya.
Pagkatapos nang pananghalian, pinagkuwentuhan ni Pari Salvi ang nangyari kay Pari Damaso na
dahilan ng pagkakasakit ng matandang kura.
Sa pagtitipon ay dumating si Sisa. Pinilit ni Ibarra na pakainin ang ina nina Crispin at Basilio
pero tumakas ito.Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap na nagawi sa pagkawala ni Crispin at Basilio.
Nagalit si Don Felipo kay Pari Salvi dahil mas mahalaga pa rito ang nawawalang onsa kaysa sa kaniyang
dalawang sacristan.Inawat ni Ibarra si Don Felipo at Pari Salvi sa pag-aaway. Pinangako niyang
tutulungan niya si Sisa.
Ang mga kababaihan naman at kabinataan ay naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Nakumpok si Ibarra at
inihagis ang dais. Tinanong niya kung magtatagumpay ang kaniyang binabalak. Tumama ito sa sagot na
ang pangarap ay mananatiling pangarap lamang. Hindi siya naniniwala sa sagot at sinabi niyang
kasinungalingan yon.
Ipinakita niya ang sulat galling sa kaniyang bulsa na binibigyan siya ng pahintulot para magtayo ng
paaralan.
Hinati ni Ibarra ang sulat sa dalawang bahagi. Ang isa ay ibinigay niya kay Maria Clara at ang isa ay
ibinigay niya kay Sinang na halos lahat ng natanggap na sagot ay taliwas sa gusto niyang mangyari.
Lumayo na si Ibarra sa grupo na tamang-tama naman na dumating si Pari Salvi. Nagalit ito at nang
makitang naglalaro ng Gulong nga Kapalaran ang grupo.
Pinagpupunit niya ang libro at sinabing malaking kasalanan ang maniwala sa sinasabi ditto.
Nainis din si Albino sa ginawi ng pari at sinabihan ito na mali rin ang sirain ang hindi niya pag-aari.
Hindi pinatulan ni Pari Salvi si Albino. Bumalik na lang ito sa kumbento.
Dumating ang guwardiya sibil kasama ang sarhento at hinahanap si Elias. Pinagbibintangan si Elias na
siyang nanakit kay Pari Damaso. Nagalit sila kay Ibarra dahil inanyayahan ito sa piknik.
Nagalit si Ibarra sa pakikialam sa kaniya kung sino ang aanyayahan niya sa kaniyang piknikan. Hinanap
ng mga guwardiya sibil si Elias ang gubat pero hindi nila nakita ang hinahanap. Si Elias din umano ang
nagtampalasan sa alperes.
Umalis sa gubat ang mga binata’t dalaga nang magsimula nang dumilim.

Kabanata 25

Nagpunta si Crisostomo Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo. Ayaw na sana niyang gambalain ang matanda
dahil mayroon itong sinusulat pero si Pilosopo Tasyo na ang pumilit sa kaniya na mag-usap.
Ang isinusulat naman daw niya ay hindi para sa henerasyon nila kung hindi sa susunod na lahi na mas
may malawak ang pag-unawa sa mga nagaganap.
Ipinagtapat ni Ibarra ang pakiramdam niya na siya ay isang banyaga sa sarili niyang bayan. Alam niyang
mas kilala si Pilosopo Tasyo ng mga kababayan. Sinabi niya ang balak niyang magpatayo ng paaralan.
Sabi ni Pilosopo Tasyo ay hindi siya dapat ang sanguniin dahil ang tingin sa kaniya ay isang baliw.
Itinuro niya ang kura paroko, ang kapitan ng bayan at iba pang mamamayan na may sinasabi.

Pinayo niya sa binata na ang pagsangguni ay hindi ibig sabihing pagsunod sa lahat ng payo dahil marami
dito ay hindi magagandang payo.
Kailangan aniyang makinig kunwari sa mga payo nila para walang problema.
Ayaw ni Ibarra ang ipatupad ang balak na may kasamang kasinungalingan. Kay Pilosopo Tasyo, ang
tagumpay ng isang
Proyekto ay nasa kamay ng mga kapangyarihan sa pamahalaan at simbahan. Kung walang suporta ang
mga ito ay walang mangyayari.
Naniniwala naman si Ibarra na tutulungan siya ng pamahalaan at ang kaniyang mga kababayan.
Ang paniniwala ni Pilosopo Tasyo ay kasangkapan lang ng Simbahan ang pamahalaan. Ang talagang
makapangyarihan ay ang mga nasa Simbahan. Kapay inalis ng simbahan ang suporta sa gobyerno, ito ay
babagsak.
Ayon naman kay Ibarra, ang mga kababayan nila ay hindi dimadaing katulad ng nasa ibang bansa. Ang
paghihirap ng bayan ay sinisisi niya sa di pagtulong nga relihiyon at pamahalaan.
Kay Pilosopo Tasyo naman, ang hindi pagdaing ng bayan ay hindi dahil sa hindi sila naghihirap. Pipi lang
sila at ayaw magsalita.
Naniniwala siya na darating ang panahon na ang pagtitimpi na ito ay sasambulat pagdating ng panahon.
Maisusulat sa kasaysayan ang pagdilig ng dugo upang makalaya.
Niliwanag ni Ibarra na ang Pilipinas ay tatangkilikin ng Espanya dahil ito mahal nito ang bansa. Ang
Diyos, ang Relihiyon at ang pamahalaan ay hindi papayagang mangyari ang inisip ni Pilosopo Tasyo na
madugong himagsikan.
Ang paniniwala ni Pilosopo Tasyo ay kahit na anong magandang balak ng mga Namumuno sa itaas kung
hindi naman natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at ang kamangmangan pa ng mga tao, wala
ring silbi.
Ang mga ipinadadala sa bayan ay nagpapayaman lamang sa maikling panahon. Napansin ni Pilosopo
Tasyo na nawawala na sila sa paksang pinag-uusapan nila. Si Ibarra naman ay inungkat pa rin ang
hinihinging payo sa matansa. Ang payo ni Pilosopo Tasyo ay kailangang yumuko muna si Ibarra sa mga
makapangyariham
Hindi maunawaan ni Ibarra ang ipinapayo ni Pilosopo Tasyo sa kaniya kaya nilinaw niya sa matanda
kung bakit kailangan niyang yumuko sa mga may kapangyarihan.
Kung bakit kailangang magpa-api upang maging mabuting Kristiyano at kung bakit kailangan niyang
magpakababa kung maari naman siyang magtaas ng ulo.
Sinagot ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na ito ay dahil ang kanilang lupa ay hawak ng mga mapanakop na
makapangyarihan. Mahina ang mga tao para lumaban kaya kailangan na lang humalik sila sa kamay ng
mga kaaway.
Galit si Ibarra. Paano siya makakahalik sa kamay mg mga taong pumatay na sa kaniyang ama at hinukay
pa ang kaniyang libingan.
Nguni’t sinabi niya na hindi siya nakakaisip maghiganti dahil sa kaniyang relihiyon. Sinabi niya na hindi
siya makakalimot sa ginawa sa kaniyang ama.
Payo ni Pilosopo Tasyo na kung hindi niya makakalimutan ang nangyari sa kaniyang ama, mabuti pang
huwag na niyang ituloy ang balak niyang magpatayo ng paaralan.
Mag-isip na lang daw siya ng ibang paraan para makatulong sa kaniyang mga kababayan.
Gusto man ni Ibarrang sundin ang matanda, inisip niya ang pangako niya kay Maria Clara.
Para maunawaan ni Ibarra ang kaniyang ibig sabihin, ipinakita niya ang tanim ns rosas na maraming
bulaklak. Pinapansin niya ang pagyuko nito pag malakas ang hihip ng hangin. Aniya, pag lalaban sa
bugso ng hanging ang tanim, marami itong tangkay na mababali.
Ipinakita rin ang puno ng makopa. Ito ay maliit lang na puno nang itinanim at kailangan pang tukuran
hanggang ang ugat nito ay kumapit sa lupang kinatataniman.
Inihalintulad ni Pilosopo Tasyo si Ibarra sa isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa isang
magandang lupa sa Europra.
Tulad ng makopa, kailangan niyang may masasandalan para maging matibay.
Kailangan din niyang yumuko sa mga darating na punlo . Ang pagsalubong ng punlo ay paghahangad ng
kasawiang hindi na makakabangon pa.
Tinanong ni Ibarra kung talagang taos sa puso ng kura ang pagtulong sa kaniya at ito ay tatananwin na
utang na loob.
Sinabi na lang ni Pilosopo Tasyo na sa kalaunan, may mahihita ring kabutihan si Ibarra sa binabalak dahil
ang pagtuturo ay parang pagtatanim na may mag-uusbong na mabuti. Magiging halimbawa din si Ibarra
sa mga taong natatakot na magsimula.
Umalis si Ibarra matapos magpasalamat kay Pilosopo Tasyo at
Nagbabakasakali siyang ang bagong kura ay hindi kagaya ng nakalaban ng kaniyang ama.
Papakiusap din niya sa kura na tulungan ang balo ang at mga anak.

You might also like