You are on page 1of 4

Wikang FilipinoMula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

Jump to: navigation, search

Ang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas. Ayon sa konstitusyon,


dalawa ang opisyal na wika ng bayan, ang Filipino at Ingles.

Kasaysayan

Noong Nobyembre 13, 1937, ang Unang Pambansang Asembleya ay nagbuo ng


Instituto ng Pambansang Wika. Ito ang pumili sa Tagalog bilang pagbabasehan
ng bagong wikang pambansa. Noong 1961, ang wika ay nakilala sa pangalang
Pilipino, at sa bandang huli ay napaltan sa Filipino.

Nasasaad sa Saligang Batas ng 1987 na ang Filipino ang pambansang wika at


isang opisyal na wika ng Pilipinas.

Sa pagkakabuo ng pambansang wikang batay sa Tagalog, sinulat ni Lope K.


Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa (balarila na nangangahulugang
gramatika) na nagpakilala sa abakada ng 20 titik. Nasasaad dito na ang bawat
isang titik ay may katumbas na isang tunog lamang sa Tagalog. Ang 20 letra ng
abakada ay nakaayos nang a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y. Noong 1973
nagpasimuno ang Instituto ng bagong wika. Bilang isang wikang gagawing
lingua franca ng bansa, intensyon itong malayang humiram ng mga salita mula
sa iba’t ibang mga wikang ginagamit sa buong kapuluan habang ang gramatika
ay mababatay pa rin Tagalog. Noong 1976, ang alpabeto nito ay binubuo ng 31
titik—ang 26 na mahahanap sa alpabetong Inggles; ang ch, ll, ñ, at rr ng
Espanyol (inalis din noong 1994 sa mismong alpabetong Espanyol ang ch, ll, at
rr); at ang ng ng Tagalog. Ngunit sa paggamit at alpabetisasyon, ang digraphs na
ito ay naging parang dalawang letra lamang na pinagkabit kaya’t noong 1987
inalis ang mga titik na Espanyol maliban sa ñ at 28 na lamang ang natirang titik
sa alpabeto.

Pinagmulan ng Wikang Filipino ayon kay Paul Morrow

Raniel Aquino Ayon kay Paul Morrow isang Canadian na nagriserts ng wikang
Filipino , maraming lahì ang nagdalá ng kaní-kaniláng salitâ sa Pilipinas noóng
unang panahón, ngunit ang mga wikang dinatnán nilá sa Pilipinas ay taál na
Filipino.

Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mga
ninunò ng lahing Pilipino ay dumayo sa Pilipinas nang iláng ulit o waves ng
pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas
mababaw ang mga dagat noong panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age).
Nanggaling daw silá sa Indonesia, Malaysia at ibá pang lugár. Libu-libong taón
daw ang pagitan ng bawat panahón ng pandarayuhan. Diumanó’y itó raw ang
sanhî kung bakit may mga Ita, Ifugáw at modernong Filipino sa Filipinas. Subalit
ngayón ay hindî na tinátanggáp ang teoryang itó.

Ayon sa mga bagong pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics,


lexicostatistics), ang mga wikà ng ibá't ibáng grupo sa Filipinas ay masyadong
magkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng libong taón ang pagitan ng kaní-
kaniláng pagdatíng. Makikita rin sa mga bagong ebidensyá sa larangan ng
arkeolohiya na tulúy-tulóy at hindî paulit-ulit ang nagíng pandarayuhan sa
Filipinas.

May relasyón sa bawat isá ang mga wikà sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya
ng mga wikang itó ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang
Austronesian ay mga wikà mula sa mga pulô ng Southeast Asia hanggáng sa
Easter Island na malapit sa South America.

Malamáng na ang unang mga taong nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian


ay dumatíng sa Filipinas mula sa hilagà (north) limáng libong taón na ang
nakalipas. Nagkahiwá-hiwaláy silá at nagsikalat sa buóng kapuluán. Dahil sa
habà ng panahón na nagkahiwaláy silá, untí-untíng nagbago ang kanilang
pagsasalitâ. Dumatíng ang panahón na ang mga grupong itó ay hindî na
nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagíng bago na ang mga wikà at
pagsasalitâ ng ibá’t ibáng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas
ngayón tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá.

Ganitó rin ang nangyari sa ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng


Malaysia at Indonesia. Nang simulán nilá ang pangangalakal sa mga pulô,
nadalá rin nilá ang kaniláng mga bagong salitâ sa Filipinas - patí yaóng mga
salitáng natutuhan nilá sa ibá pang mas malalayong bansá tulad ng India.

Mula noon hanggáng ngayón, ang mga Filipino, tulad ng lahát ng lahì sa daigdíg,
ay nanghíhirám ng mga salitâ mulâ sa maraming dayuhang lahì. Masasabi
nating patuloy na nagbabago ang mga wikà sa mundó dahil lahát tayo ay patuloy
ang panghíhirám at paggamit ng mga bagong salitâ sa ating pangungusap.

Bagamá’t may mga wikang dayuhan na nagkaroón ng impluwensiyá sa paglagô


ng mga wikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga taál na wikà bago pa
man itó nápuntahán ng mga dayuhan.

[baguhin]

Mga kontrobersyang pumapalibot sa wika

Ang pambansang wika ng Filipinas ay ilang beses nang nasangkot sa mga


kontrobersya at di-pagkakaunawaan, magpahanggang ngayon. Itinatakda ng
Seksyon 6, Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987 na, “Ang pambansang wika
ng Pilipinas ay Filipino. Habang ito ay nagbabago, ito ay higit pang pagbubutihin
at pagyayamanin sang-ayon sa mga umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pa.”
Subalit, walang wikang tinatawag na “Filipino” bago ang Saligang Batas ng 1987.
Hindi isinasaad pati kung ang wikang Filipino ay dapat ibatay sa Tagalog
bagamat ipinapalagay ng karamihan na ito ay tulad din ng (o kabagay ng)
naunang wikang Pilipino, na pambansang wika noon (na malinaw na halaw sa
Tagalog talaga). Ang mga Filipino ay may isa sa mga sumusunod na opinyon o
pananaw tungkol sa wikang Filipino:

1. Ang Filipino ay Tagalog at ito ay isang panibagong pangalan lamang para


dito, tulad ng naunang Pilipino.
2. Ang Filipino ay ang pagsasama-sama ng lahat ng mga wika sa Filipinas,
kasama ang Ingles at Espanyol na posible ding panggalingan ng
bokabularyo o talasalitaan.
3. Ang Filipino ay Tagalog na may mga hiram na salita mula sa Inggles at
iba pang mga wika sa Filipinas. Ito ang Tagalog na ginagamit sa Metro
Manila.

Gayumpaman, naniniwala ang karamihan ng tao sa Filipinas na ang Filipino at


Tagalog ay iisa. Mas madalas silang tatanungin kung marunong silang
mag-“Tagalog” sa halip na kung sila ay marunong mag-“Filipino”. Ang mga taga-
sulong ng pangalawang pananaw ay nagsasabing hindi kasama sa Tagalog ang
ilang mga salita tulad ng gwapa (maganda), yung mga salitang may kahulugan
na madaling mahuhulaan ng mga katutubong tagapagsalita ng Tagalog ngunit
hindi kinikilala o ginagamit man lang ng pangkalahatan sa mga rehyong Tagalog.
Ayon sa ilan, kasama rin daw dapat sa Filipino ang mga salitang Inggles na
madalas gamitin ng mga Filipino (kasalungat sa wikang Tagalog na hindi
kumikilala sa mga salitang Inggles). Noong panahong kung kailan tinatawag ang
wika na Pilipino (bago mapalitan sa Filipino), karaniwan ang paggamit ng dalisay
o purong Tagalog, sinubukang palitan kahit na ang mga madadalas gamiting
salitang nanggaling sa Inggles at Espanyol ng mga bagong artipisyal at
inimbentong salita na base sa Tagalog. Sa maraming Filipino, ito ang kaibahan
ng wikang Filipino sa Tagalog, ngunit problematiko din ang pananaw na ito
sapagkat hindi katwiran ang pagpapasok ng mga salitang may pinagmulang
banyaga para makalikha ng bagong wika.

Naniniwala naman ang karamihan sa mga tagaakademya na ang wikang Filipino


ay ang pagkakaisa ng mga wika sa Filipinas, at minumungkahi naman ng ilan na
dapat isama sa leksikon ng Filipino ang ilan mga salitang Inggles. Ang nakikitang
problema lamang dito ay, sa puntong linggwistiko, ang mga wika sa Filipinas ay
hindi talaga mga “dyalekto” ng iisang wika, kundi mga sariling wika. Kung
isasama sa leksikon ang mga estruktura ng gramatika at lahat ng mga salita
mula sa iba’t ibang mga wika sa Pilipinas, hindi maisasakatuparan ang iisang
lingua franca sapagkat ang mga nagsasalita ng Filipinong Tagalog at yung mga
nagsasalita naman ng Filipinong Cebuano ay hindi magkakaunawaan.
Kung titingnan, ang pinagdadaanang pagbabatay ng Filipino sa Tagalog ay hindi
gaanong naiiba sa pinagdaanang pagbabatay sa Toskano ng ngayong standard
na Italyano. Pinili ang Toskano bilang batayan ng Italyano dahil ang Toskano ang
wika kung saan naisulat ang higit na marami at dakilang akda ng tangway
Italyano, partikular na halimbawa na ang Banal na Komedya ni Dante Alighieri.
Sa kaso ng Filipino, ikinakatuwiran na kaya ito pangunahing ibinabatay sa
Tagalog ay dahil sa ang Tagalog, tulad ng Toskano ng Italya, ang wika kung
saan naisulat ang higit na nakararaming akdang pampanitikan sa Pilipinas. Sa
maikling salita, masasabing higit na matatag (established) ang tradisyong
pampanitikan (writen literary tradition) ng Toskano at Italyano kung ihahambing
sa ibang mga wika/dyalekto ng Italya at Pilipinas.

Sa katotohanan, ang Filipino marahil ay ang wikang ginagamit sa Metro Manila.


Habang dumarami ang mga dumadayo rito mula sa mga probinsya, may mga
ilang salita mula sa iba pang mga wikang dala nila ang nadaragdag na sa pang-
araw-araw na pananalita ng mga Manilenyo. Subalit mahirap gawing standard
ang Tagalog ng kabisera. Mabilis itong nagbabago at kasalukuyang walang
isang diksyonaryo o gramatikang mapagkakatiwalaan na makakapagturo sa
nararapat na paggamit dito o kung aling mga salita ang tunay na kabilang sa
wika. Dagdag pa rito ang suliranin sa pagkabilinggwal o multilinggwal ng mga
Filipino. Ang Inggles ang pinakalaganap at maraming Filipino na ang ngayon ay
gumagamit ng tinatawag na “Taglish”, Tagalog na binubudburan ng mga salita at
konstruksyong gramatikal na Inggles, bilang pang-araw-araw na pananalita.
Kahit na masasabing katanggap-tanggap ito bilang informal na komunikasyon,
nananatiling mahirap pagsamahin ng marapat ang dalawang wikang ito sa formal
at nakasulat na komunikasyon.

[baguhin]

Wika at politika

Dulot ng mga makakasaysayang at minsang magkakatunggali na prosesong


politikal sa bansa (kolonisasyon, rebolusyon, purismo, at ang kasalukuyang
umiiral na Anglicization), ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na kung saan ang
konsistent na implementasyon ng mga makakatuwirang prinsipyo ng patakarang
pangwika ang esensyal sa pagpapanatili ng wika.

Retrieved from "http://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino"

You might also like