You are on page 1of 1

Talambuhay ni melchora Aquino

Si Melchora Aquino (kapanakan Enero 6, 1812, kamatayan Marso 2, 1919) o Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng
pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang
maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang
Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio
noong taong 1896.

Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio ay may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos
noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong
pamilya at hindi muling nagpakasal.

Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na
paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na
pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila
nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa
lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang
pinagyayaman, bata man o matanda, babae o lalaki.

Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga katipunero kaya't siya ay hinuli at
ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga
Amerikano. Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at namatay sa
karalitaan noong Marso 2, 1919.

Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na ngayon ay kinatatayuan ng Himlayang Pilipino, Tandang
Sora, Lungsod ng Quezon)
ALING Sora ang tawag sa kanya nuong bata-bata pa, mula sa ‘Chora nuong siya ay musmos pa, at naging “Tandang
Sora” nuong matanda na, nang siya ay naging isa sa mga dakilang bayani ng Pilipinas.

Hindi nakapag-aral si Chora, mula nang isilang nuong Enero 6, 1812, karaniwan sa mga babae nuong panahon ng
Español, subalit natuto siyang bumasa. Ang kanyang mga magulang ay mga mahirap na magsasaka, sina Juan at
Valentina Aquino, sa Banilad, Caloocan (dating bahagi ng lalawigan ng Rizal, ngayon ay isa nang lungsod).
Nabantog si Chora sa kanilang puok, sa husay sa pag-awit sa simbahan at mga pagdiriwang sa paligid. Naging
kabiyak niya si Fulgencio Ramos na pumanaw nuong ang pinaka-bunso, at ika-7 nilang anak, ay 7 taon gulang pa
lamang. 

Matanda na si Melchora Aquino nang sumiklab ang himagsikan laban sa mga Español noong 1896. Sa kanyang
tindahang sari-sari nagpulong nang lihim ang mga kasapi sa Katipunan at, pagsabog ng himagsikan, duon niya
itinago, ginamot at inalagaan ang mga katipunerong nasugatan laban sa mga Español. Dahil dito, tinatawag siya
ngayong “Ina ng Katipunan.”

Nang malaman ng mga Español ang gawain ni Tandang Sora, na siya ay tumutulong sa mga revolucionariong
Pilipino, dinakip siya at, utos ni Governador General Camilo Polavieja, ipinatapon sa Marianas Islands (sa gitna ng
Pacific Ocean, at daanan ng mga Español papuntang Pilipinas simula pa kay Ferdinand Magellan nuong 1521. Kilala
ito sa Pilipinas bilang Guam, isa sa mga pulo duon na tahanan ngayon ng maraming Pilipino).

Nang nasakop ng mga Amerkano ang Pilipinas nuong 1898, nakauwi si Tandang Sora at iba pang Pilipino na
ipinatapon ng mga Español. Namatay si Tandang Sora nuong Marso 2, 1919, nang 107 taon gulang na. Inilibing siya
sa bakuran ng kanyang sariling tahanan, na ngayon ay isa nang libingang pambayan, at tinatawag na Himlayang
Filipino. 

You might also like