P. 1
Pokus ng pandiwa

Pokus ng pandiwa

|Views: 313|Likes:
Published by Angelo Wabe

More info:

Published by: Angelo Wabe on Jan 19, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/19/2014

pdf

text

original

Pokus ng pandiwa

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa. 1. Tagaganap o aktor - ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa. o Nanguna si Richard Gordon sa pagsulong ng turismong bansa. 2. Layon o Gol - ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap. o Ginawa niya ang programang ito para sa ikakauunlad ng ating turismo. 3. Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos. o Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila. 4. Tagatanggap o Benepaktibo - ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng pandiwa. o Ipinaghanda niya ng masarap na kakanin ang mga panauhin. 5. Gamit o Instrumental - ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap. o Ipinamili niya ang pera para sa eksibit. 6. Sanhi o Kusatib - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. o Ikinatuwa ng Pangulo ang katagumpayan ng programang WOW. 7. Direksyunal - pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos. o Pasyalan natin ang WOW sa Intramuros. Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa simuno.
• • • • • • •

Aktor. Nagtuturo na ang tagaganap o aktor ang siyang simuno ng pangungusap o Nagsayaw ng limbo rock ang mga kalahok sa paligsahan sa programang Eat Bulaga. Layon. Ang paksa ng pangungusap ay ang layon. o Ang basura ay ipinatapon niya sa basurahan. Ganapan. Ang lugar o pook ang ganapan ng kilos. o Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng gulay. Tagatanggap. Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos. o Ipagsasalok mo ng suka ang bisita para inumin nila.. Gamit. Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos. o Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan. Sanhi. Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi. o Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig. Direksyon. Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa. o Ang Chocolate Hills ay pinuntahan nila.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->