You are on page 1of 4

ANG PAGBANGON NG VIETNAM

Isa sa mga pinakamasalimuot na kasaysayan sa buong Timog-Silangang Asya ang bansang Vietnam.
Saksi ang bansang ito sa iba’t ibang digmaan, na ang pinakatanyag ay ang Vietnam War. Malaking
bilang mga taga-Vietnam ang lumikas sa iba’t ibang bansa tulad ng Pilipinas sakay ng Bangka, hindi
alintana kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanila sa banyagang lupain. Sa loob ng
mahabang panahon, nabalot ng kahirapan ang buong bansa dahil na rin sa hindi matapus-tapos na
digmaan.

Sa panahon ng digmaan, lumabas ang tunay na katangian at pagkakakilanlan ng Vietnam. Dama ng


mga bansa sa Kanluran tulad ng United States at France ang katapangan ng mga taga-Vietnam nang
pabagsakin nila ang puwersang Amerikano sa kanilang sariling lupain. Hindi inaasahan ng lahat ang
nangyari, napilitang lisanin ng mga sundalong Amerikano ang lupain ng Vietnam.

Ipinakita rin ng Vietnam ang katatagan ng loob ng mga Asyano. Sa kabila ng mahabang panahon ng
digmaan, unti-unting bumangon ang Vietnam at muling nanumbalik ang siglang matagal nang
nawala sa bansa. Tulad ng Pilipinas sa dumaan din sa mahabang panahon ng pananakop, muling
nabuhay ang ekonomiya ng Vietnam.

Sa kasalukuyan, kilala ang bansang Vietnam bilang isa sa mga umuunlad na bansa sa Asya.
Nababago na rin ang pangit na pagkakakilanlan ng bansa dahil sa tagumpay ng mga Vietnaese sa
iba’t ibang larangan. Sa SEA Games na ginanap sa Pilipinas noong 2005, pumangalawa ang Vietnam
sa Pilipinas sa pinakamaraming gintong medalyang nakamit. Kahanga-hanga ito sapagkat matagal
nangulelat ang bansang ito sa larangan ng isports sa buong Timog-Silangang Asya.

Kasabay ng pagbangon ng bansang Vietnam, unti-unti ring sumigla ang panitikan ng mga taga-
Vietnam. Ang mga talentong pansining na matagal ding hindi nasilayan dahil sa giyera ay unti-unti
na namang nararamdaman sa buong bansa. Kung pangitain ang kasiglahan ng panitikan sa
kinabukasan ng isang bansa, masasabi nating sigurado na ang pag-unlad ng bansang Vietnam.

ANG INDONESIA AT ANG PILIPINAS

Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa mundo. Ito ang pinakamalaking Islamikong bansa
sa buong daigdig at ito rin ang isa sa pinakamataong bansa sa buong mundo. Kung kasaysayan
naman ang paksa, ang Indonesia ang isa sa mga sinaunang sentro ng sibilisasyon. Ang bansang ito
rin ang isa sa bansang pinakabiniyayaan ng likas na yaman sa buong mundo, mula sa kape
hanggang sa gas at langis. Ang Indonesia rin ang isa sa may pinakamakulay na kasaysayan.

Sa kabila ng mga “pinaka-“ na ito, hindi pa rin makaungos nang todo ang bansang Indonesia. Kung
ikukumpara sa Thailand o Malaysia, masasabi nating nakauungos ito noon kung kasiglahan ng
ekonomiya ang pagbabatayan. Ngunit dahil sa hindi matapus-tapos na akusasyon ng katiwalian sa
pamahalaan, at ang hindi bahagi ng kapuluan nito tulad ng nangyayari sa Pilipinas, bumagal ang
pag-unlad ng bansang Indonesia. Sa kasalukuyan, mahahanay ang bansang ito sa may
pinakamabagal na pag-unlad sa kabuuan ng Asya.

Malaki ang pagkakatulad ng bansang Indonesia sa bansang Pilipinas. Mas malaki man ang bansang
Indonesia sa Pilipinas. Halos pareho naman ang kasaysayang pinagdaanan ng dalawang bansa.
Kung matagal na napasailalim ang Pilipinas sa mga Kastila, Hapon, o Amerikano, matagal ding
nagdusa ang mga taga-Indonesia sa pamumuno ng mga Olandes. Pinamumunuan din ang bansang
Indonesia ng iisang Pangulo sa loob ng mahabang taon. Tulad ng Pilipinas, hanggang ngayon ay
nakikipaglaban pa rin ang bansang Indonesia sa banta ng terorismo, katiwalian sa pamahalaan,
digmaan dahil sa relihiyon at paniniwala, lumalaking bilang ng populasyon at laganap na kahirapan.

Malaki ang potensyal ng bansang Indonesia na umunlad dahil sa likas na yaman nitong taglay. Hindi
tulad ng mga kapitbahay nito sa Timog-Silangang Asya, ang Indonesia ay may malaking deposito ng
langis na maaari nitong pagkakitaan. Ngunit bago maging ganap ang pag- unlad ng bansang ito,
kailangan munang ayusin ang mga bagay na nagiging sanhing problema sa loob ng pamahalaan.

ANG BUDDHISMO SA THAILAND

Isang pinag-isang Kahariang Thai ang itinatag noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo. Kilala bilang
Siam hanggang 1939, ang Thailand ang tanging bansa mula sa Timog-Silangang Asya ang hindi
nasakop ng mga mananakop na Europeo.

Sa pangkalahatan, agrikutural ang bansa ngunit may mga industriya sa malalaking siyudad.
Nobenta’y singko porsyento ng populasyon ay Buddhista, at mga kaisipang Buddhista ang pinag-
ugatan ng kultura at mga kaugalian.

Lubhang mahalaga ang papel ng Buddhismo sa buhay ng tao. Sa pagsilang ng isang bata, itinakda na
ang kanyang relihiyon. Lumalaki siya sa piling ng mga monghe at templo, kantahan at mga ritwal.
Karaniwan ang pag-oordina sa batang lalaki sa pagkanobisyado, lalo na sa oras ng pagkamatay ng
isang nakatatandang kamag-anak, magulang o nuno. Sa nobisyado, nabibigyan ng pagkakataon ang
isang batang lalaki na makatuntong sa mas mataas na pag- aaral. Kadalasan, nanatiling nobisyado
ang isang batang lalaki hanggang sa magbinata siya, at sa gulang sa dalawampu, hindi malayong
piliin niya ang pagmomonghe. Karaniwang idinaraos ang pagmomonghe sa panahon ngPhansah
(Rains Retreat), kung kailan nagreretiro ang mga monghe para sa tag-ulan.

Higit na nagiging mabuting mamamayan ang pamumuhay-monghe. Ang tapat na tagasunod ni


Buddha ay kusang-loob na nabubuhay ayon sa limang aral nito - mga aral na papatnubay sa kanya
sa proseso ng pagsilang at muling pagsilang, at mailigtas sa kanya sa mga paghihirap. Walang
gantimpala o parusa, langit o impiyerno para sa mga sumusunod o susuway sa mga aral, pero
malinaw na ang mga ginagawa nila’y magreresulta lang ng dapat mangyari, bukas-makalawa. Ito
ang tinatawag nakarma. Ang karma ng tao ang nagtatakda ng magiging kondisyon ng pang-araw-
araw na buhay niya, at anumang karma ang matira sa oras ng kamatayan ay dadalhin sa susunod na
buhay at magsisilbing kondisyon sa muling pagkabuhay.

Sa edad beynte-uno, obligadong magpatala saarm y ang isang lalaki ngunit sa paraang palabunutan.
Kung mabunot ng binata ang pulang pitsa mula sa kahon, magseserbisyo siya sa loob ng dalawang
taon; kung itim, nakalibre siya. Ang serbisyo, na kadalasang nagaganap pagkaraan ng
pagmomonghe, ay nagpapalubos sa pagkalalaki ng isang binata, at naghahanda sa kanya sa pag-
aasawa.

 
ANG PANITIKANG CAMBODIAN

Ang sentro ng Panitikang Cambodia ay ang mga mito at alamat na naipasa sa pamamagitan ng
salindila. Karamihan nito ay mga kuwento ukol sa mga naunang buhay ni Buddha at mga epiko
mula sa India.

Nang maipakilala ng mga Pranses sa Cambodia ang limbagan noong mga 1930s, sumulpot na rin
ang mga nobela. Nagsimula muna ang mga nobela sa anyo ng mga serye sa pahayagan hanggang sa
tuluyang ginamit ang mga ito sa mga paaralan at nagawan pa ng bersyon ng mga ito sa pelikula.
Noong simula ng dekada 70, limampung nobela isang taon ang nailathala sa Cambodia.

Sa panahon ng Khmer Rouge noong 1975-1979, nalimitihan ang mga panitikan sa mga tula ukol sa
agrikultura, mga magsasaka, at mga rebolusyonaryong awit. Walang mga nobelang naisulat sa
Cambodia. Ang ilang mahahalagang akda ay nasulat ng mgar ef ugee sa Pransya at Thailand. Sinira
rin ang mga kagimbal-gimbal na mga taong iyon ang sinaunang panitikan ng Cambodia.

May dalawa hanggang apat na milyong Cambodian ang namatay sa ilalim ng kalupitan ng rehimeng
Khmer Rouge na pinamumunuan ni Pol Pot. Daan-daang libo ang tumakas sa Thailand at iba pang
bansa. Sa pagsisikap na magtatag ng isang komunistang lipunang pantay- pantay, malupit na
pinatay ng Khmer Rouge ang mga nasa panggitna at mataas na uri. Kabilang dito ang mga opisyal,
negosyante, at edukadong propesyonal. Pilit na pinagtrabaho sa mga komyun (commune) sa
lalawigan ng mga tagalungsod. Nahati ang mga pamilya. Ipinasara ang mga paaralan, monasteryo,
bangko, tanggapan at aklatan. Kinumpiskang lahat ng mga pribadong pag-aari. Pinawi ng Khmer
Rouge ang lahat ng makapagpapaalala sa nakaraan ng Cambodia kabilang na ang mga libro at
panitikan at kung tutuusin, gayon na rin ang dalawang libong taon na kasaysayan ng Cambodia.

Matapos ang 1979, unti-unti nang muling binuhay ang panitikang Cambodia. Bagaman noong
dekada 80, pawang mga propaganda lamang ito ng estado, may mgar ef ugee na rin na nagsikap na
muling ilimbag ang mga klasikong akdang pampanitikan tulad ng mga kuwentong bayan.

ANG DISIPLINA NG SINGAPORE

Pinatunayan ng Singapore na hindi batayan ang laki ng isang bansa upang masukat kung gaano sila
kaunlad. Para sa kanila, maliit man ang kanilang bansa, ito ay nakapupuwing din.

Kakaiba sa maraming bagay ang bansang Singapore. Isa ito sa pinakamaliit na bansa sa buong
mundo ngunit isa rin sa pinakamayaman. Kilala ito sa kalinisan at kaayusan. Isa rin ang bansang ito
sa may pinakamababang bahagdan ng korupsyon sa buong mundo.

Ang dahilan kung bakit maunlad ang bansang Singapore ay hindi nakasalalay sa likas na yamang
taglay ng kanilang bansa. Napakaliit nito at kung ikukumpara sa kung ano ang mayroon ang
Pilipinas, wala pa ito sa kalingkingan. Ang kanilang pag-unlad ay bunsod ng disiplina ng kanilang
mamamayan. Ano pang bansa ang alam mo maliban sa Singapore ang may batas na bawal kumain
ng bubble gum dahil ayon sa mga namamahala rito, posible itong makadagdag sa dumi sa
kapaligiran? At saang bayan ka makakikita na lahat ng mamamayan ay tumatalima sa ganitong uri
ng batas?
Disiplina. Iyan ang isang bagay na kailangan pang hasain nating mga Pilipino upang umunlad ang
ating bansa tulad ng kapitbahay nating Singapore. Naging armas nila ang kanilang disiplina upang
makaahong muli bilang isang malayang bayan. Tulad ng Singapore. Inspirasyon ng marami ang
mabilis na pag-unlad ng bayang ito, mula sa isang mahirap na bansa noon 1800s hanggang sa
pagiging industriyalisadong bansa sa kasalukuyan.

Bakas na bakas ang disiplina sa iba’t ibang aspekto ng kultura ng Singapore. Kitang-kita rin ito sa
ilang panitikan na nagmula sa kanilang munting bansa.

Maraming aral ang maaring natutuhan ng ibang bansa sa Singapore, lalung-lalo na sa larangan ng
disiplina at pamamalakad sa pamahalaan. Isa ang bansang ito sa mga karapat- dapat tularang bansa
sa buong Asya, at maging sa buong mundo.

ANG PANITIKAN NG MALAYSIA

Sinasabing nagsimula ang modernong panitikang Malay sa mga hikayat, isang akdang romantiko sa
tuluyan. Isa sa mga pangunahing impluwensiya sa pag-unlad ng modernong kathang Malay. Ang
pinagsamang indibidwalismo at realismo sa panulat ni Abdullah ay bago sa mundo ng panitikang
Malay. Bago noon, tanging ukol sa mga makabalaghang prinsipe’t prinsesa sa mga makalangit na
kaharian ang mga namayaning katha.

Noong mga 1920-1930, unang nalathala ang mga nobela’t maikling kuwento. Sa simula, walang
layuning pamapanitikan ang mga ito, maliban sa layuning didaktibo o pagkintal ng mabubuting aral.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, umiral ang isang bagong pagmumulat


pampanitikan. Mula sa Unibersidad ng Malaya, nabuo ang samahang Asas ’50 na nagpasigla sa
klimang pampanitikan at nagbigay-daan sa diskurso at eksperimentasyong pampanitikan. Naging
islogan ng Asas ’50 ang “Sining para sa Lipunan.” Bagaman patuloy na sumulat ang mga manunulat
ukol sa mga suliranin ng lipunan, hindi nila tinalikuran ang pansining na aspekto ng pagsusulat.

Ang Kuala Lumpur ang naging sentro ng modernong panitikang Malay noong dekada 60. Hindi
nalalayo sa ating Carlos Palanca Award for Literature, nagbigay-daan ang Dewan Bahasa Dan
Pustaka sa panghihikayat na malimbag at mabigyan ng parangal ang mga katha

ng batikang manunulat. Ilan sa mga makabagong manunulat na namumukod-tangi sina Shahnon


Ahmad at si Anwar Ridhwan. Mababanaag sa mga nobela ni Ahmad ang kuwento ng buhay ng mga
magsasaka mula sa isang nagkakaunawaang pananaw at sa paraan ng pagsasalaysay sa masidhi at
makapangyarihan. Sa mga maikling katha ni Ridhwan, mabisa niyang nagamit ang pamamaraang
eksperimental at makabago upang umayon sa karanasang Malay.

You might also like