P. 1
Buod ng Epikong Kudaman

Buod ng Epikong Kudaman

|Views: 3,504|Likes:
Published by Sarah Jean Lubiano

More info:

Published by: Sarah Jean Lubiano on Jan 26, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/11/2012

pdf

text

original

Buod ng Epikong Kudaman[1] Ang pambungad ng epiko ay ang pagtungo ni Tuwan Putli at ng kanyang pinsang si Ambaynan sa Ilog Tabunganan

upang mangisda. Ang ilog na ito ay mayroong bukal ng tubig na tahanan ng isang Masamang Tao. Nang sila·y paalis na, may nakita si Tuwan Putli na isang ulang na ginto ang sipit at bigla na lamang siyang nawala. Samantala, may nakitang bakas ng dugo sa buslo ang kanyang pinsan. Umuwi si Ambaynan at kanyang ibinalita ang pagkawala ni Tuwan Putli. Hinimok ni Mu-Muta ang manugang na si Muta-Muta na hanapin ang nawawala nitong asawa ngunit di man lang tuminag ang huli. Dahil dito, isinugo ang pagkawala ng babai kay Binata ng Alapaap. Nagsumamo sa kanya si Mu-Muta na mag-uwi ng kahit anumang maliit na palatandaan mula sa katawan ng kanyang nawawalang anak. Kapag siya·y nagtagumpay, magiging asawa niya si Tuwan Putli. Nagtungo si Binata ng Alapaap sa bukal ng tubig at dito ay may natagpuan siyang kaliskis ng buwaya. Nang tanungin niya ang mga buwaya, hindi raw nila nakita si Tuwan Putli ngunit maiging kausapin ng binata ang matanda nilang pinuno na nasa gawing ilaya ng ilog. Dito nabatid ng pinunong buwaya na si Tuwan Putli pala ang babaing kanyang kinain. Ibinuka niya ang kanyang bunganga at pinasiyasat ito sa binata. Nakita sa bagang nito ang isang maliit na bahagi ng kuko mula sa hinliliit ng babai. Ibinalik ito ng binata kay Mu-Muta ngunit bilang pagtupad sa pangako, ipinauwi ito sa binata. Pagkauwi, ipinasok ni Binata ng Alapaap ag kapirasong kuko sa baul na ginto. Nang hapong iyon, nagmakaawa si Tuwan Putli na palabasin siya. Pumutok na parang kawayan ang baul, nagliwanag ang kabahayan na parang araw at ang babaing singgaan ng kapupulot na panggatong ay ninais maupo sa sahig at magnganga. Kusang bumukas ang lalagyan ng nganga. Nabatid ng babai na ang binata ng nagligtas sa kanyang buhay kung kaya·t pumayag siyang sumama rito.

Sa unang awit, maaakit si Binata ng Alapaap kay Binibini ng Saytang Dagat, ang asawa ni Kudaman. Nagkaroon ng pakikiapid (agaw) kung kaya·t nilayasan ni Tuwan Putli ang asawa. Samantala, sakay ng Linggisan, ang lilang bakaw na alagang ibon ng bayani, walang kapali-paliwanag na isinauli ni Kudaman ang asawa sa biyenang si Sultan ng Baybayin. Sa kanyang paglalakbay, nasalubong ni Kudaman si Tuwan Putli. Inalok niya ito ng nganga at tinanggap naman ni Tuwan Putli. Ito·y tanda ng kahilingan ng pagpapakasal at pagpayag. Si Tuwan Putli ang naging pangunahing asawa (puqun) ni Kudaman. Samantala, matapos mapag-alaman ang pakikiapid ng anak, binantaan ito ni Sultan ng Baybayin na pupugutan ng ulo sa Gunting ng Daigdig. Pumayag si Binibini ng Saytang Dagat ngunit lumitaw siya sa pagsubok na lalo pang marilag. Nanabik itong umalis upang muling makasama ang dating asawa. Dumalaw kay Kudaman sina Muta-Muta (dating asawa ni Tuwan Putli) at ang tunay nitong kapatid na si Datu ng Ligayan upang magmungkahi ng pakikipagsandugo. Naghandog si Kudaman ng isang gulok (barung) upang pagtibayin ang kasunduan. Matapos maging kapatid-sasandugo, hiniling ni Muta-Muta na patirahin siya sa bahay ni Kudaman. Pumayag naman ang huli at agad nagpatayo ng malaking bahay. Tinipon ni Kudaman ang lahat niyang kamag-anak at kaibigan upang ialok ang pagdaraos ng isang pagdiriwang ng tabad. Naghanda siya ng 180 tapayan. Tinugtog ang mga agung upang ihatid ang paanyaya sa lahat. Narinig ito nina Binata ng Alapaap at Sultan ng Baybayin na nagpasyang dumalo. Ngunit bago ito, nagbaba ng kapasyahan hinggil sa pagkakaagaw kay Binibini ng Saytang Dagat ni Binata ng Alapaap. Ang multa ay itinakda sa 180 pinggan. Umalis si Kudaman patungong ibang bayan sakay ni Linggisan upang maghanap ng magagandang damit. Mawawala

siya ng pitong taon kung kaya·t ibinilin ang asawang si Tuwan Putli sa kasundugong si Muta-Muta. Habang lumilipad ang Linggisan, napaibig dito ang Binibini ng Lunting Punay. Narahuyo rin dito si Kudaman at nagsumamong antayin ang kanyang pagbabalik. Sa tahanan ng Sultan ng Baybayin ay namili ng magagandang damit si Kudaman. Nangungulila naman sa ibon at sa amo nitong si Kudaman si Binibini ng Saytang Dagat at nagsumamong siya·y pabalikin. Pagdaka·y nakarating na lamang siya sa bahay ni Kudaman kung saan niya nakilala si Tuwan Putli. Inalok niya rito ang kanyang balaraw bilang pakikipagkasunduan. Inari na siyang kapatid ni Tuwan Putli. Sa kanyang pagbalik, humingi ng nganga si Kudaman kay Binibini ng Lunting Punay at inalok naman siya ng ngangangaan bilang pagsangayon. Inilagay siya ni Kudaman sa salapa para sa paglalakbay. Ibinalita ni Tuwan Putli kay Kudaman ang pagbabalik ni Binibini ng Saytang Dagat. Ipinahaya ni Kudaman na siya·y nag-uwi ng bagong makakasama, isa pang kapatid para kay Tuwan Putli na tinanggap naman ng huli. Muli na namang umalis si Kudaman upang bumili ng bagong palamuti sa Raha at anyayahan ito sa pagdiriwang ng tabad. Ihinabilin ni Kudaman ang dalawang bagong asawa sa pangunahing asawang si Tuwan Putli. Sa pagdaan ni Kudaman, nakita siya ni Binibini ng Punung Ginuu na napahanga sa kariktan ng ibon ni Kudaman. Binalikan siya ni Kudaman na nang magnais magnganga ay inalok naman ni Binibini ng Punong Ginuu. Ito na ang kanyang ikaapat na asawa. Ipinakilala niya ito sa kanyang tatlong asawa at silang apat ay nagturingang parang magkakapatid. Sa ikalawang awit, matapos maipatayo ang malaking bahay (kalang banwa), ninais ni Kudaman na mag-alay ng isang pagdiriwang bilang paggunita sa Panginoon ng Palay. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa bunganga ng tapayan at siya·y

nakabuo ng tabad. Tumugtog ang mga kalalakihan ng gong upang masiyahan ang nagpapatamis at nagpapahalimuyak sa tabad, ang Panginoon ng Palay. Lahat ay nakasuot ng magagarang ginintuang damit at palamuti. Kay gaganda·t kisig nila. Sumali sa sayaw (tarak) ang asawa ni Kudaman at naghanda ng nganga para sa panauhin. Sa pagkakasama-samang ito·y napuno sila ng katuwaan. Narinig din ng mga Ilanun ang tugtog at nagpasyang dumalo upang magdala ng karahasan at makidigma. Sila ay gaya ng bala at apoy. Ibinadya kay Kudaman ng isang panaginip ang pagdating ng Ilanun at ang balak nitong bihagin ang kanyang mga asawa. Ngunit nais niyang umiwas sa tunggalian pagkat ang karahasan ay isang pagkakamali kay Ampuq, ang Panginoon, si Nagsalad, ang Humabi. Buong payapang nagnganga si Kudaman at inihanda ang buong sambahayan sa pagharap sa mapandigmang panauhing ito. Sa pagdating ng mga Ilanun, inanyayahan ito ni Kudaman na umakyat sa kanyang bahay. Marahas itong tinanggihan ng una. Nang di makapagpigil si Muta-Muta, nagbunsod siya ng isang labanan sa kalangitan. Sinundan siya ng Binata ng Alapaap na magliligtas sa kanya at bubulusok patungo sa lugar ng mga kaaway. Pitong taong maglalaban sa himpapawid si Binata ng Alapaap at ang pinuno ng Ilanun. Naantig sa ganitong katapatan si Kudaman at nagpasyang lumahok sa labanan. Hinandugan muna niya ng bulaklak ng balanoy ang mga asawa. Kapag namulaklak ito, buhay siya, at kapag nalanta, siya ay nasawi. Nagsumamo ang mga babai kay Linggisan (na nagtangka ring pigilan si Kudaman sa paglahok sa digmaan) na pakamatyagan ang kanyang panginoon. Sinagip ni Kudaman si Binata ng Alapaap sa pagtatago rito sa kanyang ngangaan(salapa). Nagtapos ang labanan sa pagwawagi ni Kudaman. Sa kanilang pag-uwi,

dumaan ang dalawa sa bahay ni Limbuhanan, ang pinsang buo ni Kudaman. Kakakasal lamang nito sa Binibini ng Punong Aguho. Dahil di man lang ito nabalita, humingi ng patawad ang si Limbuhanan. Pauwi ay sumama ang bagong kasal kina Kudaman. Balisa namang nag-aantay sina Datu ng Ligayan, Muta-Muta at ang apat na asawa ni Kudaman sa kanyang pagbabalik. Bumalik si Kudaman matapos ang pitong taon. Muling nagkaroon ng pagdiriwang. Nag-alay si Binibini ng Punong Aguho ng isang singsing sa apat na asawa at sila ay naging magkakapatid. Lahat ay samasamang kumain bago bago idaos ang pag-uusap sa batas (bisara at bulun). Dito·y ipinaalala sa bagong magkabiyak (usyat) ang mga pao ukol sa mabuting samahan ng mag-asawa, panagutan sa kamag-anakan at alituntunin ng batas (Saraq). Nilinaw din ito sa bagong magkapatid na sina Kudaman at Limbuhanan. Muling nabuhay ang hidwaan sa pagitan ni Kudaman at ni Pinagsaraqan, ang Punong Hukom tungkol kay Tuwan Putli. Iminungkahi ni Binibini ng mga Luray na siya ay hatiin. Dumating ang Datu ng Pinakagilid ng Daigdig kasama ang kanyang asawa, si Binibini ng Daigdig sa Paligid at Binibini ng Sangkalawakan. Matapos ang tatlong araw ng kasayahan, binuksan na ang mga tapayan. Ang biyenan ni Kudaman na si Sultan ng Baybayin ang unang uminom at nagkasunud-sunod na ang iba·t-ibang antas ng pagkalasing. Lahat ay maingat na umaalalay sa paglalakbay ng bawat isa. Ang mga babai at ang Datu ay pumaimbulog sa kalawakan dahil sa tabad. Pinakahuling uminom ang bayani. Inalalayan siya ng Binibini ng mga Kawit na naging asawa rin ni Kudaman. Sa panunumbalik din ng kanyang malay, binuhay ni Kudaman ang mga Ilanun sa pagbuga ng kanyang nganga. Inihandog ng mga Ilanun ang kanilang sandata bilang handog sa pagsasandugo. Samatala, hinati ni Kudaman si Tuwan Putli sa dalawa

at lilitaw pa rin itong singganda ng dati. Sa ikatlong awit, dadalo si Kudaman at ang apat na asawa sa pagdiriwang na gaganapin sa tahanan ng Sultan sa Ibang Daigdig. Naglakbay silang lima patungo sa bagong daigdig lulan kay Linggisan. Dumating din doon ang mga Ilanun upang makita ang nakasandugong si Kudaman. Nagtungo rin doon si Binata ng Alapaap upang hanapin si Kudaman. Tinungga ang lahat ng tabad at nagkaroon ng bagong lasing na paglalakbay. Pagkaubos ng 180 tapayan, napuno ulit ito sa pagpatong lang ng kamay. Unang nalasing ang mainitin ang ulo at mapangahas na si Muta-Muta. Sumirit siya pataas sa alapaap. Nalasing din ang mga Ilanun na dahil sa kahinaan ay naidlip ng malalim. Ang limang anak ng Sultan ay nangamilipit sa sahig at ang ikaanim ay nagpupumiglas. Hinawakan ni Tuwan Putli ang kaliwang kamay nito ng kanyang hinliliit upang siya·y payapain. Si Binibini ng Lunting Punay ay tumungga ng pitong taon at sumirit pataas sa alapaap samantala si Tuwan Putli ay nagliyab ang buong katawan at naidlip ng napakalalim matapos malasing. Nang pinahihinto na ni Limbuhanan ang pagtugtog ng agung pagkat baka masamain ni Nagsalad ang kalabisan nito, nagkaroon ng lakbay-baylan (ulit) si Kudaman sa nakatataas na antas ng santinakpan upang tanungin si Nagsalad. Humingi siya rito ng pahintulot na tumungga at inalok naman sa kanya ni Nagsalad ang mga tapayan. Matapos ang paalaman, nag-uwian na ang lahat. Muli na namang naglakbay si Kudaman sa bayan ni Sawragar at inihabilin ang mga asawa kay Muta-Muta pagkat pitong taon na naman siyang mawawala. Binigyan niyang muli ang mga ito ng bulaklak ng balanoy. Namili siya sa bayan ni Sawragar ng mga palamuti para sa kanyang asawa: singsing na yari sa ginto·t may bulaklak sa gitna at kasuutang may burda ng sinag ng araw. Sa pagbabalik niya ay payapa at maringal siyang

tinanggap ng mga asawa, ang ulirang gawi ng babai sa asawa. Nang alukin nila ito ng nganga, tumanggi ito. Magkagayunma·y naging malambing pa rin sila. Binuhat nila ito nang biga itong maglaho. Pumaimbulog sa kalawakan ang kanyang mga asawa at nakisalamuha sa bituin upang hanapin siya. Nagpasya si Binibini ng Punung Ginuu ang Humabi ng Daigdig at nakita ang bayaning nakaupo sa isang sinag ng araw at nagnganganga. Pag-uwi, ipinahayag ni Kudaman ang pagnanais na gumawa ulit ng tabad at anyayahan ang biyenang Sultan at si Sawragar na kanyang pinasundo sa Linggisan. Sa ikaapat na gabi ng pagdiriwang ng tabad, tinungga ni Kudaman ang 180 tapayan at inubos pang lahat ng tubo. Naging ulap si Kudaman at tinulungan siya ni Limbuhanan sa kanyang paglalakbay. Nahulog siya sa pinakagitna ng daigdig. Nasalubong niya si Binibini ng mga Binata na pumigil sa kanyang kamay at pumaypay sa kanyang mukha upang humupa ang kanyang pagkalango. Inialok sa kanya nito ang ngangaan. Nang magkamalay si Kudaman, itinuring niya itong pag-aalok ng pag-ibig. Isinama niya ito pabalik na ikinatuwa naman ng apat niyang asawa sapagkat lima na silang magkakapatid. Sa ikalimang awit, muli na namang umalis si Kudaman upang dumalaw sa Sultan ng Gilig ng Daigdig para sa palamuti ng kanyang asawa. Pitong taon na naman siyang maglalakbay na ikinalungkot ng kanyang mga asawa. Papunta ay naparaan sa ibabaw ng isang umbuk ng buhangin sa dagat si Kudaman. Nakita siya at ang kanyang ibon ni Binibini ng Umbok ng Buhangin. Dahil sa pagmamahal sa ibon, inaya ng babai si Kudaman na magpahinga. Ngunit ang alaga niyang malaking itim na tubong may ginintuang dahon at nahihihipan ng hangin sa ibang daigdig na simbilis ng didlat ay paalalang may katipan na siya. Matapos manggaling sa Gilid ng Daigdig, sumaglit siya sa tahanan ng Binibini ng Umbok ng Buhangin at niyaya itong maging

asawa. Pinagbilinan din ni Kudman ang tubo na dalhin ang balita sa napawaksing katipan ng babai. Ito ay tinatawag na agaw at tunang, pag-agaw sa katipan ng ibang tao. Nagkaroon ng kasalan at napuno ang 180 tapayan. Matapos ito ay nagmadali na naman si Kudmang makipagkita sa Sultan. Sa paglalakbay na ito, si Binibini ng Huling Antas ng Santinakpan ay napaibig sa ibon at ito ang naging ikapitong asawa ni Kudaman. Sa ikaanim na awit, tinupad ni Limbuhanan ang pangako kay Kudamang punuin ang mga tapayan para sa ritwal ng pagtungga ng tabad. Habang patuloy ang panauhin sa pagtugtog ng agung, nagpasya na naman si Kudaman na humayo sa ibang daigdig. Namataan siya ni Binibini ng Langis ng Daigdig na nabighani rin sa kanyang ibon. Nag-anyaya it okay Kudaman na dumaan sa kanyang pag-uwi. Nasabat din nila si Binibini ng Sangkalawakan na nagpaabot din ng paanyaya. Pgkatapos ay nagtungo naman ang bayani sa tahanan ni Binibini ng mga Kawit na di nangakong sasamahan siya ngunit aalalay lang kung sakaling malasing siya. Pauwi ay isinama ni Kudaman sina Binibini ng Langis ng Digdig at Binibini ng Sangkalawakan. Nagdos ng Kasalan at nagkalasingan. Nang malasing si Kudaman ay nagkabisa ang kanyang kasunduan kay Binibini ng Kawit. Pinaypayan siya nito at ng magkamalay, hiniling ni Kudaman na ito ang kanyang maging ikasampung asawa. Dahil walang kamag-anak si Binibini ng Kwait, walang bigaykaya. Sa pagtatapos ng kasiyahan, ipinagdiwang ni Kudaman ang pagpapakasal sa sampung asawa. Pinakasalan naman ni Binata ng Alapaap ang ikapitong anak ni Sultan ng Gilid ng Daigdig kung saan ang bigaykaya ay isang ilog na nagmumula sa langit, at padadaluyin sa tabi ng bahay ng Sultan at tig-isang puno ng makopa at suha ang mamumunga sa buong taon.

http://groups.yahoo.com/group/k as330/message/8 Naging gabay sa paggawa ng buod na ito ang salin mula sa Pranses nina Edgar Maranan at Nicole Revel Macdonald, Kudaman: Isang Epikong Palawan na Inawit ni Usuy, (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2000), 60-76. Biag ni Lam-ang (Summary) BIAG NI LAM-ANG (Life of Lamang) is pre-Hispanic epic poem of the Ilocano people of the Philippines. The story was handed down orally for generations before it was written down around 1640 assumedly by a blind Ilokano bard named Pedro Bucaneg. BUOD (SUMMARY) OF BIAG NI LAMANG Don Juan and his wife Namongan lived in Nalbuan, now part of La Union in the northern part of the Philippines. They had a son named Lam-ang. Before Lam-ang was born, Don Juan went to the mountains in order to punish a group of their Igorot enemies. While he was away, his son Lam-ang was born. It took four people to help Namongan give birth. As soon as the baby boy popped out, he spoke and asked that he be given the name Lam-ang. He also chose his godparents and asked where his father was. After nine months of waiting for his father to return, Lam-ang decided he would go look for him. Namongan thought Lam-ang was up to the challenge but she was sad to let him go. During his exhausting journey, he decided to rest for awhile. He fell asleep and had a dream about his father's head being stuck on a pole by the Igorot. Lam-ang was furious when he learned what had happened to his father. He rushed to their village and killed them all, except for one whom he let go so that he could tell other people about Lam-ang's greatness.

Upon returning to Nalbuan in triumph, he was bathed by women in the Amburayan river. All the fish died because of the dirt and odor from Lam-ang's body. There was a young woman named Ines Kannoyan whom Lam-ang wanted to woo. She lived in Calanutian and he brought along his white rooster and gray dog to visit her. On the way, Lam-ang met his enemy Sumarang, another suitor of Ines whom he fought and readily defeated. Lam-ang found the house of Ines surrounded by many suitors all of whom were trying to catch her attention. He had his rooster crow, which caused a nearby house to fall. This made Ines look out. He had his dog bark and in an instant the fallen house rose up again. The girl's parents witnessed this and called for him. The rooster expressed the love of Lam-ang. The parents agreed to a marriage with their daughter if Lam-ang would give them a dowry valued at double their wealth. Lam-ang had no problem fulfilling this condition and he and Ines were married. It was a tradition to have a newly married man swim in the river for the rarang fish. Unfortunately, Lamang dove straight into the mouth of the water monster Berkakan. Ines had Marcos get his bones, which she covered with a piece of cloth. His rooster crowed and his dog barked and slowly the bones started to move. Back alive, Lamang and his wife lived happily ever after with his white rooster and gray dog. http://tagaloglang.com/PhilippineLiterature/Filipino-Epics/biag-ni-lamang-buod.html

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->