Professional Documents
Culture Documents
Sa huling bahagi, inilahad ni Rizal ang mga pananaw niya sa darating pang
mga panahon. Ang ilan dito ay masasabing nagkatotoo at natupad. Makikita ang
mahusay na pag-analisa ni Rizal sa mga nangyayari sa bansa. Masasabi natin na
sadyang makabayan si Rizal. Hinahangad niya ang pagkakaroon ng kalayaan at
pagkakapantay-pantay ng Pilipino sa mga Kastila.
Dati naman ay hindi ganito katamad ang mga Pilipino. Bago dumating ang mga
taga-Europa, mayroon ng pangangalakal na masigla, kahit pati sa mga bansang kalapit
ng Pilipinas. Ang mga mandirigma ng Luzon ay nakilahok sa labanan sa Sumatra. Ayon
kay Pigafette, noong sinaunang panahon, ang mga katutubo ay nagbubungkal pa ng
sariling bukirin upang may ipang-kain. Gumagawa pa ng maraming kasangkapang
pandigma at pinag-aralan nila ang wikang Kastila.
Maraming mga bagay ang nagiging sanhi ng katamaran ng mga Pilipino. Una,
Dahil sa natural na kapaligiran kung saan mainit ang klima. Pangalawa, pangkaisipang
kadahilanan. Kulang na pagbibigay-sigla sa paggawa. At ayon sa mga prayle, higit na
pinagpala ang mga mahihirap. Pangatlo, pangkabuhayang kapaligiran bunga ng
digmaan, pag-aalsa at pagdarambong. Kung saan, sapilitang pinapagsundalo ang mga
Pilipino, naiiwang tiwangwang ang bukid at labis na nakalulunos ang bunga ng mga
pangyayari. Pang-apat, ang pamahalaan mismo. Kulang ang paglilingkod sa taong
bayan. Tiwali ang mga Pilipino. Walang tulong na ibinibigay sa pagpapaunlad ng
kabuhayan. Talamak ang tinatawag ng "padrino" sa paglakad ng papeles o mga
pangangailangan. Kulang ang pagbibigay-sigla sa gawaing manwal tula ng sapilitang
paggawa, mataas na buwis, walang pangangalaga sa ari-arian, at katwiran at intriga ng
mga namumuno. Hindi rin isinasaayos ang pagpapabilis ng pamamaraan ng
transportasyon. Panglima, ang kapaligirang panlipunan. Ang mga Kastila ay maluho sa
pamumuhay, maraming katulong ngunit mababa ang pasahod, mababang pagtingin sa
manwal na gawain at malahari ang pagkilos. Samantalang ang mga Plipino naman ay
nalululong sa sugal, maraming pistahan at pag-aambag ng malaki sa simbahan dahil sa
maling paniniwala sa relihiyon at pagigng panatiko. Pang-anim, pang-edukasyong
pangkapaligiran. Hindi angkop sa pag-aaral ang kapaligiran. Nagkakaroon din ng hindi
makataong pagtrato ng nagtuturo at karamihan sa mga paaralan ay nasa kumbento.
Ang mga prayle ay walang pagsasanay bilang guro lalo na ang mga nagtuturo.
Sadyang nais ng mga prayleng maging mangmang ang mga Pilipino. Kulang ang
pagtuturo ng mga magulang sa mga anak. Pagsasaulo ng mga pinag-aralan. At ang
pangpito, kamalayang pambansa. Mababa ang moral ng taong-bayan. Mali ang
pagpapahalaga. Kulang ng pagtangkilik sa sariling gawa. Kulang ng katangiang-
pamumuno sa takot sa mananakop. Walang pagkakaisa. At walang kamalayang
pambansa.
Mga Tala: Ika-17 ng Pebrero 1889 nang isulat ni Jose Rizal – gamit ang wikang
Tagalog – ang liham na ito habang ginagawa ang anotasyon sa aklat ni Morga.
Isinulat niya ito sa London, limang araw matapos ipaalam sa kanya ni Marcelo H. del
Pilar ang isang mahalagang pangyayari sa bayan ng Malolos. Ayon sa
pagsasalaysay, ika-12 ng Disyembre 1888 nang may 20 kadalagahan ng Malolos
ang naghain ng petisyon kay Gobernador-Heneral Weyler upang magtayo ng isang
"panggabing paaralan." Layunin nila na mag-aral ng wikang Español sa ilalim ni
Teodoro Sandiko, isang propesor sa Latin. Gayunpaman, hindi sinang-ayunan ni
Padre Felipe Garcia, ang kura paroko, ang naturang petisyon. Naging dahilan ito
upang hindi rin pumayag ang gobernador-heneral na maitatag ang paaralan. Sa
kabila ng pagtutol, hindi dagliang sumuko ang mga kadalagahan sa kanilang
layunin. Patuloy silang nanawagan at nang lumaon, pumayag na rin ang
pamahalaan na maitatag ang paaralan, bagama't tumagal lamang ito ng tatlong
buwan. Si Señora Guadalupe Reyes ang nagsilbing guro ng mga kadalagahan.