You are on page 1of 3

LIHAM PAKIKIRAMAY

130 Lealtad
Sampaloc, Manila
Mayo 5, 1992

Mahal kong Linda,

Kaming magkakaklase ay nakikiramay sa pagkamatay ng iyong Lolo Sebyo. Huwag kang labis na
malungkot. Ipinagdarasal namin ang kanyang kaluluwa. Nawa ay maging matahimik siya sa
kabilang buhay.

Ipahatid mo sa iyong pamilya ang aking pakikiramay at ng aking mga kamag-aral.

Ang iyong kaibigan,

Amy

LIHAM PAGBATI
---------------------------

885 Coronado St.


Makati, Metro Manila
Setyembre 6, 1992

Mahal naming Rosa,

Malugod ka naming binabati sa iyong pagkapanalo sa Timpalak Pagkukwento noong nakaraang


Linggo ng Wika.

Kaming lahat ay humanga sa iyong magandang tinig. Tuwang-tuwa kami nang malaman
naming ikaw ang nanalo sa siyam na kalahok. Talaga namang mahusay ang ginawa mong
pagkukwento. Parang totoo ang iyong sinasabi at natural ang iyong pagkilos. Marahil, ang isa
pang ikinapanalo mo'y ang iyong mahusay na paghikayat sa mga manonood.

Talagang magaling ka! Kaming lahat ay bumabati sa iyo.

Ang iyong mga kamag-aral,


6-Molave
liham pangungumusta

2719 Ma. Aurora


Makati, Metro Manila
Ika-16 ng Hulyo, 1992

Mahal kong Cristina,

Kumusta ang iyong pag-aaral? Matataas ba ang iyong mga marka?

Pagbutihin mo sana ang iyong pag-aral upang matuwa ang iyong mga
magulang ha?

Sa sunod kong pagsulat ay ipadadala ko sa iyo ang mga litrato natin noong
nakaraang pista rito sa Makati.

O sige ha? Kumusta mo na lang ako sa iyong mga kapatid at magulang.

Ang iyong kaibigan,

Alice

LIHAM PASASALAMAT

1726 Leveriza
Pasay, Metro Manila
Hunyo 18, 1992

Mahal kong Maritess,

Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong bagong damit noong magtatapos ako sa
Mababang Paaralan.

Ang sabi ng nanay ko ay bagay na bagay raw sa akin ang kulay ng tela at yari niyon. Lalo raw
akong nagmukhang dalagita.

Hustong-husto iyon sa akin. Ang sabi nga ng kapatid ko ay para raw isinukat. Talagang tuwang-
tuwa ako at gandang-ganda sa iyong regalo.

Salamat na muli.

Nagmamahal,
Marilyn

You might also like