You are on page 1of 12

ORTOGRAPIYANG FILIPINO

Aralin 7
Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino 1976
Isinagawa ng Surian ng Wikang Pambansa sa
pagreporma ng ispeling.
Oktubre 4, 1976: pinamagatang “Modernisasyon
ng Alpabeto ng Wikang Pambansa”
 Alpabeto ng pambansang wika (20 letra) ay
nakapagpapabagal sa pag-unlad at paglaganap.
 Kalutasan: Adapsyon ng 31 letrang alpabeto para
sa progresibong pagsulong ng wikang pambansa.
 Ayon dito, binubuo ng 31 letra ang alpabetong Filipino. Ang 20
letra ay galing sa abakada. Labing isang letra ( c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr,
v, x, z) ang idinagdag.
 Dahil dito, ang alpabetong 1976 ay tinawag na pinagyamang
alpabeto.
 Ang Paggamit ng 31 letra:
 Pagbabaybay ng karaniwang salita: isa-sa-isang tumbasan o kung
ano ang bigkas ay gayon din ang baybay.
 Maaring manatili ang katutubong baybay buhat sa sa iba’t ibang
wika.
 Hal: Ibanag- ifun (smallest banak) vugi (egg of fish)
Kastila- bintana (ventana) sibuyas (cebollas)
Ingles- iskor (score) magasin (magazine)
1. Ang mga salitang banyaga na bago pa lang sa Filipino: isulat
ng alinsunod sa baybay nito sa wikang pinanghiraman.
Maaring gamitin ang: ( c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, z)
Hal: Ingles: coach, staff Latin: habeas corpus
Italyano: pizza pie
2. Simbolong pang-agham: Dapat manatili sa anyong
internasyunal. Ang salitang kinakatawan ay maaring
tumbasan sa Filipino.
Hal: AU(gold) ginto
3. Pangalang pantangi: binabaybay sa nakamihasnang
baybay ang ilan ay ayon sa tuntunin.
Hal: Cuevas, Davao, Roxas
ALPABETO 1976: Mapangahas- malawak
na bokabularyo.
Dahil sa pagdagdag ng 11 letra, nakilahok
ang wikang Filipino sa banyagang wika.
Ang modernisasyon dito: pagbabago at
pagunlad ng buhay Makakapasok ang
katutubong wika at para magamit ang
Filipino na dati ay ingles lang ang ginagamit.
Kung ang banyagang salita ay matagal ng
nahiram, maaring gamitin ang pangwikang
tradisyong Filipino.
Ang 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling
 Disyembre 8, 1983: “Simposyum ukol sa Repormang
Ortograpiko”
 Layunin:
1. Mapahalagahan ang binagong alpabeto ng pambansang wika
2. Makabuo ng pangkahalatang konsensus sa pasya ng mga titik
na dapat isama sa 20-titik ng abakada; paraan ng pagsunod-
sunod; paraan ng pagbasa; paraan ng paggamit ng mga titik.
 Mas pinasimple dahil tinanggal ang kambal- katinig o digraph
na ch, ll at rr (bahagi na ng alpabetong Filipino at pwede
pagtambalin kung kailangan): Dati ay 31 letra, ngayon ay 28
letra—
(A B C D E F G H I J K L M N Ñ NG O P Q R S T U V W X Y Z)
Paggamit ng 20 letrang abakada ayon sa “kung ano ang bigkas, siyang baybay”

1976 Tuntunin: Katutubong Salita


1987 Patnubay: Katutubong Salita, Hiram
na karaniwang salita na naasimila na sa
sistema ng pagbaybay sa Filipino, Hiram na
salita kung konsistent sa sistema ng
pagbaybay sa Filipino, Hiram na salita na
hindi konsistent sa sistema ng pagbaybay sa
Filipino ngunit madaling maasimila sa
Filipino
Paggamit ng 8 dagdag na letra
1976 Tuntunin: Katutubong salita mula sa
ibang wika,
Pangalang pantagi, simbolong pang-agham,
banyagang salita na bago pa lamang sa Filipino
• 1987 Patnubay: Katutubong salita mula sa
ibang wika, pangngalang pantangi, simbolong
pang-agham, hiram na salitang lubhang hindi
konsistent, pang-agham at teknikal na salita.
Ang Mungkahing 2001 Alfabeto at
Nirevisang Patnubay sa Ispeling
Dahilan: Paglitaw ng iba’t-ibang ispeling na binuo ng
mga institusyong pang-akademya at pampublikasyon.
Walang umiiral na istandardisadong sistema ng
ispeling.
 Ang pagbabago ay nasa tuntunin sa paggamit ng walong
dagdag na letra. Apat sa walong letra nito ay ginagamit
sa pagbabaybay kasama ang karaniwang salita.
 Mahahati sa 2 grupo ang ang 8 dagdag na letra:
 F, J, V at Z (Tiyak na may ponemikong estado)
 C, Ñ , Q at X (redundant)
F, J, V at Z lamang ang gagamitin sa mga karaniwang hiram
na salita na binago sa ispeling sa Filipino.
C, Ñ , Q at X ang gagamitin sa hiram na salitang itinuturing
karaniwan.
 Hal: Ang letrang C ay nakakatulad sa letrang S sa pagkatawan nito
sa ponemang /s/ at nakakatulad sa letrang K sa pagkatawan ng
ponemang /k/. Spanish “casa” = ['ka.sa] English “ice” = ['ays] Italian
“cello” = ['če.low]
 Kastilang Ñ ay hindi isang tunog kundi sunuran ng /ny/. **ba ño-
banyo; piña- pinya
Letrang Q kumakatawan sa tunog na /k/ o /kw/. **queso-
keso; quarto-kwarto
Letrang X hindi isang tunog, ito’y sunuran sa /ks/ na
nakakatulad ng S sa tunog na /s/.
** extra-ekstra; xerox- seroks
Nilalabag nito isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra.
C, Ñ , Q at X kapag ang hiram na salitang
naglalaman ng letra ay binaybay ng buo ayon sa
orihinal na anyo.
Ang mga salitang hinihiram sa orihinal na anyo ay:
 Pangngalang Pantangi, salitang teknikal at siyentipiko,
may natatanging kultural na kahulugan, irregular na
ispeling, at tinanggap na sa internasyunal na
pakikipagkominikasyon.
 Sa 1987 Patnubay at 1976 Tuntunin: Ipinasok ang
walong dagdag na letra (o 11 dagdag na letra)
 2001 nirevisang patnubay: inangkin ang apat sa
walong dagdag na letra sa 1987 Alpabeto.Itinatabi
natin ang apat na letrang ito sa 20 letrang abakada.

You might also like