You are on page 1of 4

ALAMAT NG MANGGA

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sa
kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni
Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang
nangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan
ng damit.

Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin
ang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa.
Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni
Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-
puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.

ALAMAT NG ASO
Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang maa-anak na tahimik at masayang namumuhay
sa loob ng kakahuyan.
Ang ama; si Roque ay mabait at mapagkalinga sa kanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at
nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang maging pagkain.
Samantalng ang ina naman; si Magda ay siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na
sina Maria at Jose.
Minsan, nagulat ang pamilya sa pagdating ni Roque na may pangko na isang sugatang lalaki.
Ang lalaki ay iniligtas ni Roque mula sa mga pusang-gubat nang ito ay maligaw. Inalagaan ito ng
pamilya.
At sa paglipas ng panahon, naging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso.
Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang mga
taniman nito ng ubas, naging dahilan upang manakawan ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas
naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid.
Naaawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinuring nila itong
kapamilya at nakatulong pa ni Roque sa pang-araw-araw na paghahanap ng pagkain.
Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihim na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa’t-isa.
At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda tumakas sa ibang lugar.
Nag-iyakan ang dalawang batang sina Maria at Jose.
"Ina huwag mo po kaming iwan nila ama!", ang iyak ni Maria
"Oo nga po! Mang Damaso, huwag n,yong kunin ang aming ina!", ang iyak rin ni Jose.
Ngunit hindi napigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa rin sila ng bangka at umalis na
kasabay ng agos ng ilog.
Lalong ngg-iyakan ang dalawang bata. Nais na sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang
kanayng pagka-gusto kay Damaso.
Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sima Maria at Jose upang
humabol.
Napatayo so Magda sa bangka, dahil alam niyang hindi marunong lumangoy ang dalawang bata.
Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas
and agos ng ilog, at napailalim sa tubig ang mag-aama.
Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso and pang-yayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang
nagawa, lalo pa’t hindi na nila nakitang pumaibabaw sa tubig ang mag-aama.
Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin.
"Masahol pa kayo sa hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang
ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop," ang wika ng babae na diwata pala ng ilog.
Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at ni Damaso. Ang kanilang katawan ay puno ng balahibo,
humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil. At kasunod niyon, hindi na
nila nagawang makapagsalita, bagkus ay ungol at kakatwang ingay ang lumalabas sa kanilang mga
bibig.
"Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga’t ikaw Damaso ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob
napapala sa iyo. At ika Magda, hangga’t hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal s iyong mga
magiging anak." At nawala na ang diwata pagkawika niyon.
At ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang
unang angkan ng mga aso sa daigdig. At sa dami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa
kanilang mga tauhan.
At sa hanggang ngayon nga ay pinapatunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo.
Filipino
II

Submitted by:
G-18 Jan marie Amadelle judilla
IIb

Submitted to :
Mdm. ANABELLE
PONCE

You might also like